RUN FOR YOUR LIFE

De ShinichiLaaaabs

5.9M 274K 98.1K

In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and th... Mai multe

PROLOGUE
CHAPTER 1: WELCOME
CHAPTER 2: MATCH
CHAPTER 3: ADVISED
CHAPTER 4: MEAN
CHAPTER 5: YOU'RE WELCOME
CHAPTER 6: RESULT
CHAPTER 7: MESSED
CHAPTER 8: RUN
CHAPTER 9: QUARANTINE
CHAPTER 10: SCREAM
CHAPTER 11: ESCAPE GONE WRONG
CHAPTER 12: MARKED
CHAPTER 13: WHAT'S THE CATCH?
CHAPTER 14: A PROBLEM
CHAPTER 15: IT TASTES GOOD
CHAPTER 16: LOCKED
CHAPTER 17: PENTAGON
CHAPTER 18: CHALLENGED
CHAPTER 19: OBEDIENCE
CHAPTER 20: ANTIDOTE?
CHAPTER 21: BIRTHDAY BLAST
CHAPTER 22: SECRETS
CHAPTER 23: FACE-OFF
CHAPTER 24: WELCOME BACK TO 3RD WARD
CHAPTER 25: CHANCE
CHAPTER 26: FACE-OFF!
CHAPTER 27: RANKING
CHAPTER 28: FIRST DAY
CHAPTER 29: I'M HAPPY TO BE WITH THEM
CHAPTER 30: SLAUGHTER HOUSE?
CHAPTER 31: MISSING
CHAPTER 32: THE GREAT DEPRESSION
CHAPTER 33: LOSS
CHAPTER 34: ASKING FOR HELP
CHAPTER 35: LIKE THEY MATTER
CHAPTER 36: IT'S A DEAL
CHAPTER 37: SEIZED
CHAPTER 38: BRENDA IS HERE
CHAPTER 39: WHO ARE YOU BUNNY?
CHAPTER 40: WHATEVER IT TAKES
CHAPTER 41: YOU DID WELL
CHAPTER 42: SECRETS ARE BEST KEPT HIDDEN
CHAPTER 43: WE'RE BOTH NOT
CHAPTER 44: THIS IS WAR
CHAPTER 45: CAPITAL PUNISHMENT
CHAPTER 46: PREFECT OF DISCIPLINE
CHAPTER 47: TROPHY MOTHER'S TROPHY SON
CHAPTER 48: PINKYLICIOUS!
CHAPTER 49: TRIANGLE
CHAPTER 50: FOR YOU TO FIND OUT
CHAPTER 51: SECRETS WE KEEP
CHAPTER 52: EYE FOR AN EYE
CHAPTER 53: WHO ARE YOU SUNNY
CHAPTER 54: ONLY TO SEE YOU FALL FOR SOMEONE ELSE
CHAPTER 55: YOU ALWAYS PUT ME FIRST
CHAPTER 56: YOU ARE
CHAPTER 57: COWARDICE AT ITS FINEST
CHAPTER 58: GAME OVER
CHAPTER 59: FOR THE ONES WE CARE
CHAPTER 60: INSURGENCY
CHAPTER 61: BUSTED
CHAPTER 62: PHOTOGRAPHS
CHAPTER 63: RED, YELLOW, GREEN
CHAPTER 64: RUN
CHAPTER 65: TO BE USED
CHAPTER 66: IMPOSSIBLE IS IMPOSSIBLE
CHAPTER 67: TAKE A BITE
CHAPTER 68: READY TO RUN
CHAPTER 70: BANG
EPILOGUE

CHAPTER 69: GONE

89.7K 4.3K 3.6K
De ShinichiLaaaabs

Chapter 69: GONE

Year 2045

NAGTAKBUHAN ang mga estudyante patungo sa malaking screen na nasa malawak na quadrangle ng Capital Learning Center o mas kilala sa tawag na CLC.

"Ayan na! Lalabas na ang ranking para sa quarter na 'to!" excited na bulalas ng isang babaeng nakatayo sa harap ng screen at naghihintay.

"Pustahan tayo! Si Marie ang mangunguna!"

"Nah, sa tingin ko si Curie! Siya kaya ang nag number 1 last quarter!"

"Kaya nga si Marie ngayon! Madalas salitan naman sila, 'di ba?"

Kung ano-ano pa ang bulungan ng mga estudyante sa paligid na may kanya-kanyang ispekulasyon kung sino ang mangunguna sa Royal list sa quarter na ito.

"Sayang talaga si Mozart, no? Hindi niya sineseryoso ang ginagawa kahit halata naman na siya ang pinakamatalino sa lahat."

"Hoy, ano ka ba, marinig ka diyan baka isumbong ka pa sa mga Grande, alam mo namang hindi pwede 'yang ganyan, parang sinasabi mong hindi nila deserve ang pwesto nila."

Sukbit ang backpack ay paatras na naglakad ang isang lalaki na nakangiti. Sa harap naman niya ang ang kaibigang si Mozart na siyang taga-tingin kung tama ba ang nilalakaran nito habang naglalakad paatras.

"Hindi ba ngayon ang ranking, Mos?" tanong ni Trapezoid. His hair was bed-made but it was natural. The buttons of his polo were undone thus displaying his inner yellow shirt.

"Oo, ngayon daw," sagot ni Mozart na tila walang pakialam.

"Tara!" yaya ni Trapezoid.

"Saan?"

"Sa quadrangle! Tingnan natin ang rank natin—" Napatigil si Trapezoid nang makitang tila walang katiting na interes ang kaibigan sa ranking. "Bakit kasi kay Sir Solomon mo sinample 'yong research mo! Napahiya siya at ang liit ng markang nakuha mo."

Napangiwi na lamang si Mozart nang maalala niya ang kanyang research na advanced hoverboard. Isa iyong hoverboard na nakalutang ilang sentimetro sa lupa. The research is under experimental stage and may vary according to the weight of the person riding. The hoverboard is connected to the mobile phone for control and other functions. Mozart used his weight for the experiment ngunit nang ini-present niya iyon sa panel ay si Rolly Solomon ang pinasakay niya-propesor ng CLC na napakataba. The hoverboard lifted a little pero agad ding nahulog si Solomon sa stage at naging laughing stock ng mga estudyante.

"You know mechanical inventions aren't really my thing," sagot ni Mozart.

"But you're capable! Ikaw kaya ang may pinakamagandang ideya! Isa pa, pagkatapos ng ranking sa quarter na ito ay ilalabas na ang pangkalahatang ranking na siyang magiging bahagi ng project ng Capital na Meat for Delectation!" sabi ni Trapezoid.

Hindi na nakapalag si Mozart nang hinila siya ni Trapezoid patungo sa quadrangle kung saan naka-display na ang pangalan ng Royals.

10. Hilary Celdran

9. Henry Mendoza

8. Mou Suezo

7. Aaron Rosco

6. Manuel Rivero

5. Elpidio Moran

4. Trapezoid Bermudo

3. Theodore Mariano

2. Mozart Gallego

1. Marie Grande & Curie Grande

Umugong ang bulungan sa paligid nang makita ang listahan.

"What? Bakit nakapasok si Hilary?!"

"Oh my! Si Hilary?!"

"Hindi ba siya ang pinakahuli sa ranking sa buong populasyon ng CLC?!"

"They tied the Grandes para magkaroon ng spot si Hilary!"

"This is so unfair!"

Iwinagayway ni Trapezoid ang kamay sa harap ng kaibigan. "Mos? Ayos ka lang ba?"

"They're up for something," wika ni Mozart na nakakunot ang noo. "Puntahan na muna natin si Sir Nobel."

Agad nilang hinanap sa buong campus ang propesor na si Nebuchadnezzar Nobel. Nakita nila ito sa loob ng laboratory at abala sa pagsilip sa microscope.

"Sir!"

"Trapezart!" tawag nito at inilapag ang hawak na papel. "Have you seen the ranking?"

"Opo, kaya nga po hinahanap namin kayo," sagot ni Mozart. "May ideya po ba kayo sa ginagawa ng mga Grande? I talked with Marie last time pero mukhang wala naman siyang alam."

"Same with Curie," segunda ni Trapezoid.

Nagulat sila nang bahagyang tumawa si Nobel at lumipat sa kabilang mesa. "You, my favorite students, don't really know anything. Look at my research, balang araw ay magagamit natin ito para sa pagsakop sa Capital."

Lumapit sa kanya si Trapezoid. "Wala kaming pakialam diyan sa reaearch mo. Ano'ng ibig mong sabihin sa sinabi n'yong wala kaming alam?"

Tila walang narinig si Nobel. "This is my experiment. They look like powder but when you look closely, these nanobots can control human brain—"

Pinutol ni Mozart ang kanyang sasabihin. "Sir Nobel, please. Ano ba'ng ibig niyong sabihin?"

Kinuha ni Nobel ang isang mansanas na nasa mesa at itinaas iyon. "Ano ang nakikita ninyo sa mansanas na ito?"

"It's red," pilosopong sagot ni Trapezoid. "And very fresh."

"Yes, but how about inside?" tanong ulit ni Nobel.

"Probably white or dirty white or something and some seeds."

Tumawa si Nobel at biglang nilakumos ang mansanas. Agad iyong nadurog at lumabas ang itim na laman kasama ang ilang uod.

"Bakit ang fresh niyang tingnan kanina?!" bulalas ni Trapezoid.

"Because that's how the Capital is. In the outside, the Grandes rule it in a fresh way but the truth is that it's really rotten and ruled by rotten people!" wika ni Nobel. Tinapon niya ang lantang mansanan sa basurahan at nagpunas. "Kaya kung ako sa inyo, join me in my plan to take over this city!" Lumapit siya kay Mozart at hinawakan ang kamay nito. "Come on, join me!"

Inialis ni Mozart ang kamay ni Nobel. "Nababaliw ka na, Sir. Tara na Tap!"

Nilisan nila ang laboratory at hindi pinansin ang pagtawag sa kanila ni Nobel. Nakasalubong nila sa daan si Marie.

"Mozart . . ."

Tiningnan niya si Mozart ng tinging puno ng pag-aalala. Sunod niyang tiningnan si Trapezoid at tila naintindihan naman nito ang ibig sabihin ng tinging iyon ni Marie.

"Mos, doon lang ako sa tabi-tabi, ah?" sabi ni Trapezoid at lumayo upang iwan si Mozart at Marie.

Nang makalayo si Trapezoid ay agad na hinarap ni Marie si Mozart at sinabi ang pakay. "Mozart, I'm pregnant."

Natulala si Mozart sa sinabi ni Marie ngunit mayamaya ay bigla niya itong niyakap nang mahigpit at hinalikan sa noo. "You have no idea how that news made me so happy!"

Kumawala si Marie sa pagkakayap ng kasintahan. "No! This is a big problem!"

"Problem?" Natigilan si Mozart sa sinabi ni Marie.

"Oo! Malaking problema 'to, Mozart! You know very well na ayaw ka ng mga magulang ko! Isa pa, may responsibilidad pa tayo sa Capital."

"F*ck the Capital and the responsibilities, Marie! Our child is not a problem! It's a blessing! A product of our love—"

"No, makinig ka, Mozart. Magagalit sina Daddy kapag malalaman nila ang tungkol dito! Baka itakwil nila ako! Ayaw kong mangyari iyon!" wika ni Marie.

"What?! So, anong gusto mong mangyari?!"

"I'll do an abortion."

Hinawakan nang mahigpit ni Mozart ang braso ni Marie. "Don't ever think about it!"

"At ano'ng gusto mong mangyari? Hahayaan na maging ganito na lang? Dad might have a heart attack kapag nalaman niya 'to! I cannot let that happen!"

Mapait na ngumiti si Mozart. "So, you will sacrifice my child?"

"Mozart, please . . ." Humawak si Marie sa pisngi ng kasintahan at pinaharap iyon sa kanya. "My parents are old. I want them to live a life the way they want it and I don't think a grandchild is what they want."

Inialis ni Mozart ang mga palad ni Marie sa pisngi niya. "I'll do the abortion."

Napangiti si Marie sa narinig. "Thank you, Mozart. I know you're the most capable person to do it."

Lingid sa kaalaman ni Marie ay hindi aborsyon ang ginawa ni Mozart. He removed the child and preserved him in an artificial womb that he and Trapezoid both worked on. Habang lumalaki ang bata ay patuloy pa rin sila sa pagtatrabaho sa Capital. They both became part of the project Meat for Delectation na layong makagawa ng lab-grown meat. Mula noon ay hindi na naging mabuti ang relasyon nilang dalawa at tuluyan nang naghiwalay.

The kid named Jean-Claude, grew up at 3rd Ward, kasama ang android na gawa rin nina Trapezoid at Mozart. Android X served as the kid's mom. Lumipas ang apat na taon at ni-terminate ng Capital ang proyektong Meat for Delectation.

"Sa tingin mo, bakit iyon ginawa ng Capital?" tanong ni Mozart sa kaibigang si Trapezoid.

Umiling ito bilang sagot. "Hindi ko alam. Maging si Curie ay hindi rin alam. Mos, I think something's not right."

"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ni Mozart.

"Actions taken by the elites should be made clear to every family members pero bakit tila walang alam ang kambal sa mga nangyayari?" sagot ni Trapezoid, who's now married to Curie Grande.

They remained stoic as they tried to think of a way to figure out everything. The best thing they come up with is to approach Nebuchadnezzar Nobel. Naabutan nila ito na nasa laboratory. In fact, they seldom see Nobel outside the lab. He literally aged inside the laboratory.

"Sir—" Nagulat si Mozart nang bigla na lamang siyang tinutukan ni Nobel nang baril sa mukha. "Sir, bakit po?"

"Sino ka ba, Mozart Gallego?" Inilipat niya ang pagkakatutok ng baril kay Trapezoid. "Ano ang nalalaman mo kay Mozart?"

Parehas nilang itinaas ang kamay at naging mapagmatyag sa bawat galaw ni Nobel.

"Sir, delikado yang bagay na hawak mo kaya ibaba mo 'yan," wika ni Trapezoid.

"Not unless you will tell me who the hell is Mozart! I tested your bloods! Mozart's blood rejects the effect of my parasites! Ang dugo naman ni Trapezoid ay may ibang epekto. It created another effect pero iba pa rin iyon sa epekto ng dugo ko at sa iba pang sample. When I checked Trapezoid's blood, there were traces of Mozart's blood."

Nagkatinginan sina Mozart at Trapezoid. They know very well that Nobel will know it no matter. Napakatalino nito at ginagawa ang lahat upang mapunan ang kuryosidad.

"Sir Nobel, please, huminahon kayo," wika ni Mozart at hayaan mo akong magpaliwanag.

They all sat on the chairs inside the lab at pinaliwanag nina Mozart at Trapezoid ang lahat. Si Mozart ay dayo na mula sa kabilang syudad na tinatawag na Tussah. Binigay ng hari ng Tussah si Mozart sa ama ni Trapezoid upang iligtas mula sa galit ng reyna ng Tussah. His birthmark on his wrist proves that he's from the royal family—an illegitimate child to be exact. Nasalinan ng dugo ni Mozart si Trapezoid noong nagkasakit ito at nangangailangan ng dugo.

"Mozart! Kailangan n'yo akong tulungan sa balak ko!" wika ni Nobel matapos nilang magkuwento. "I want to take over the Capital at magagawa ko iyon gamit ang parasites na ginawa ko. I also revived variola virus and we can control the Capital by scaring them to bring back smallpox!"

Sabay na napatayo sina Mozart at Trapezoid sa gulat. They were surprised to know Nobel's grim plan to take over the city.

"Nababaliw ka na!" bulalas ni Trapezoid.

"This is a perfect conspiracy plan against the elites! Tayong tatlo! We can make a great team! Mozart, your blood type is a universal donor kaya walang problema kung sasalinan natin ng kahit kaunting dugo ang mga taong gusto mong hindi maapektuhan ng ginawa kong parasite! I'm planning to spread those parasites in form of powder through air bomb!" sabi ni Nobel.

"Tumahimik ka na, Sir! Ayaw na naming marinig pa ang mga walang kwentang pinagsasabi mo!"

"Alam n'yo bang anumang oras ay maaari nang i-abdicate ang mga Grande? Sinimulan ng mga Moran ang kanilang business sa Black Market at tumaas din ang stocks nila. Ngayon ay sila na ang may pinakamalaking net worth sa buong Capital! Kailangan n'yong mag-isip nang matino!" pangungumbinsi ni Nobel.

"No, ikaw ang mag-isip nang matino, Sir Nobel!" Bumaling si Mozart sa kanyang kaibigan. "Umalis na tayo, Tap."

Tumalikod sila at handang umalis ngunit bigla silang nakarinig ng isang kasa ng baril at paglingon nila ay nakatutok ulit sa kanila ang baril ni Nobel.

"If I couldn't use you in my conspiracy plan, I should terminate you," nakangising wika ni Nobel at hindi kumurap nang kinalabit ang gatilyo. A loud bang filled the laboratory at kasunod niyon ay ang pagbagsak ni Mozart sa sahig.

"Mos!" Natatarantang dinaluhan siya ni Trapezoid sa sahig at pilit na tinatakpan ang tama ng baril upang pigilan ang pag-agos ng dugo. "Mos! Shit, look what you fucking done! Alam mo bang pagsisisihan mo kung mamatay si Mozart?!"

Nabitiwan ni Nobel ang baril at nanginginig na napatingin kay Trapezoid. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Naglagay ng device na may EKG sensor ang kanyang ama kay Mozart. The device detects Mozart's heartbeat that will automatically trigger the missiles and other nuclear rockets of Tussah at tatama iyon sa Capital! This city will burn to ashes!" sigaw ni Trapezoid kay Nobel. "Mos! Sandali! Hold on!"

Napahawak si Mozart sa kanyang tama at pinilit na labanan ang pagpikit ng kanyang mga mata. Nagulat sila nang lumabas mula sa pinagkublihan si Elpidio na kanina pa pala nakikinig sa usapan nila. He stood there, watching him trying to keep himself awake.

Elpidio was shocked on everything he heard. Hindi siya gumalaw hanggang sa nakarinig sila ng pagsabog kasabay ng pagyanig ng lupa. Ilang minuto habang natatarantang nilalapatan ni Trapezoid ng pang-unang lunas ang kaibigan ay lumitaw sa gitna ng laboratory ang flash news na tungkol sa isang missile na tumama sa 5th Ward, killing numbers of residents. It was considered the biggest holocaust of the place dahil sa dami ng bilang ng casualties.

Sa tulong ni Nobel ay agad nilang naisalba si Mozart. Noong una ay ayaw maniwala ni Nobel ngunit matapos masaksihan ang nangyari ay kumbinsido na siya na totoo ang sinasabi ng magkaibigan. Bahagya pa siyang nagulat nang makita si Moran na naroon.

Lumapit si Moran sa nakahiga at walang malay na si Mozart at kumuha ng scalpel. Sa gulat ni Trapezoid at bigla na lamang nitong hiniwa ang dibdib ng kaibigan. Sinubukan niyang pigilan si Elpidio ngunit nauna na siyang tutukan ni Theodore ng baril sa sentido at maging si Nobel.

"Move o tatlo kayong mamamatay," banta ni Theodore sa kanila.

He was stunned and he felt helpless. Nanatili siyang nakatayo habang pinapanuod si Elpidio sa ginagawa. He used a huge screen to monitor Mozart's heart beat using an EKG device with customized amplifiers na siya pa mismo ang gumawa.

Suddenly, the pattern of the four entities on the integrated display changed from normal rhythm to an irregular one. Nataranta si Elpidio at sinubukang i-deactivate ang sensor ngunit isa na namang pagsabog ang narinig nila. To prevent further damages, he did everything to make Mozart's heart beat into its normal rhythm.

Ilang araw matapos maka-recover si Mozart ay binisita niya si Elpidio. He's confident that he will not do any harm on him after what happened.

"Hindi ko inaasahan ang pagbisita mong ito, Mozart. I should be the one visiting you," wika ni Moran.

"Elpidio, I cannot thank you for saving my life when you're the reason why I almost died," diretsong sabi ni Mozart. He was battling with himself whether to do the plan that he and Trapezoid made.

"Kung ganoon ay bakit ka nandito?"

"I know the truth but I still don't understand what's behind this ploy. Why are you still using the Grande's name?" tanong ni Mozart.

"I believe that's none of your business, Mozart. How about pag-usapan natin ang bagay na direktang may kaugnayan sa 'yo?"

Napakunot ang noo ni Mozart. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

Elpidio straightened from his seat. "Hilary's pregnant with your child."

Napaawang ang labi ni Mozart sa narinig. It was a mistake. He was grieving over Marie's marriage to Theodore Mariano. Alam niyang siya ang mahal ni Marie pero nasanay ito na maging sunod-sunuran sa kagustuhan ng mga magulang. Marie is a trophy daughter. She didn't do anything to disgrace her parents and she follows whatever they want her to do even if it cost her own happiness. She's too obsessed fulfilling her duties as the perfect daughter—unlike her twin, who openly disagreed when they tried to marry her off to some young elite at pinaglaban si Trapezoid.

"You're stoned there, Mozart," pukaw sa kanya ni Moran. "You are no lucky man. Nagkakalat ka ng lahi but your child never had and will never have a complete family. Balak kong ipalaglag ang dinadala ni Hilary."

"Don't ever dare!" matigas na tutol ni Mozart.

"What do you want? Hayaang lumaki ang anak mo sa poder ko? No, I'm no saint to take someone—especially a rival's child!" wika ni Elpidio.

"Try killing my child and I'll kill myself! How about that?" galit na pananakot ni Mozart.

"Huwag mo akong takutin, Mozart, dahil hindi ako natatakot!"

"You want to try me?"

Suddenly, Mozart picked a pen on Elpidio's table at tinangkang saksakin ang sariling dibdib ngunit agad siyang napigilan ni Elpidio.

"STOP!"

He doesn't want another explosion to happen. Baka hindi na 5th Ward ang maapektuhan ng pagsabog kundi ang buong Capital na. They both stared at each other with equal rage and will to get what they want. Sa huli ay si Elpidio Moran ang sumuko.

"F-Fine." Moran let out a sigh.

"But I need to get my child before he or she's born," Mozart said. "I will do an operation to Hilary to keep my child in an artificial womb. Hindi kita mapagkakatiwalaan, Elpidio. Who knows when you will kill my child and stage it as an accident."

"I give you my word on this," Elpidio replied. "Paano naman ako makakasigurado na tutupad ka rin sa usapan?"

"I am always truthful to my words, Elpidio, alam kong alam mo iyon. Just keep my children alive, this city will not turn to ashes."

"Paano kung mamatay ka due to natural death?" tanong ni Elpidio.

"The device connected to my heart is specialized and advanced. It detects the rhythm of the heart beat and can distinguished a natural death due to old age from accidents, murder or even any forms of poisoning. Kung dahil sa katandaan ang ikinamatay ko, it will deactivate on its own," paliwanag ni Mozart.

"How about if you get into an accident on your own?!"

"Then you have to pray to your gods that I will not be involved and killed in any accident, be it on my own or your plan. I talked with Sir Nobel, did you steal his parasite powder? Narinig mo ang usapan namin nang araw na iyon. Kayo ni Theodore," wika ni Mozart.

"Are you accusing us? Or is that you being salty knowing that Theodore is now married to Marie at magkakaanak na?" nakangising tanong ni Elpidio.

Isang masamang tingin ang isinagot ni Mozart dito at hindi na pinatulan ang sinabi ni Moran. "Also, I want to request a spot in 3rd Ward, a permanent one. Put all the properties of the Bermudo in my name," pag-iiba niya sa usapan. "And deactivate the chip on my body."

Bahagyang natawa si Elpidio. A sarcastic laughter. "Napakarami mong demands, let me say my demand too. Hilary will not agree if we will ask her to give up her child. We will stage Hilary's operation as mugging at gagawin mo ang operasyon habang wala siyang malay. When she wakes up, I will tell her that she lost her child due to the mugging incident. The properties will be transferred all to your name by tomorrow afternoon."

"Deal."

*************

[Present]

"Kitten, tara!" sigaw ni Gon at hinila kaming dalawa ni Tatsulok palayo sa lugar. Dumating na ang iba pang mga sundalo ni Moran at nakipagpalitan ng putok kina Armstrong.

Bumalik na sa sasakyan sina Suri, Jeff, at Drix at tumulong na rin. Megan went back to the car at agad kaming sumakay. Jean-Claude ran towards Miss Venna's car at kasama niya si Papa.

Umalis kami sa malawak na selda ngunit may nakabuntot pa rin na mga sundalo sa amin. Kung pagbabasehan ang bilang ay talo kami sa dami ng mga sundalo ni Moran.

"Shit! Why am I in a situation like this again?" natatarantang wika ni Megan habang panay mura sa harap ng manibela.

Megan turned right upang iwasan ang mga sundalong paparating. Nataranta kaming lahat sa loob ng kotse nang makitang napapaligiran kami.

"Shit!" naiinis na bulalas ni Megan. "We're all dead!"

"Wait," Gon said and ran his eyes around. "They're not firing."

"Dahil kasama natin si Sunny!" bulalas ni Coco. "Hindi sila magpapaputok habang kasama natin si Sunny!"

They all turned to look at me. Kahit ako ay hindi pa rin makapaniwala sa sinabi ni Papa. Ibig bang sabihin ay pwede nang patayin ni Moran si Papa dahil wala na ang bagay na nagpipigil sa kanya na gawin iyon?

Naramdaman ko ang panginginit ng sulok ng mga mata ko. Dahan-dahan kong kinapa ang dibdib at dinama ang peklat na naroon. If that's the thing, I will do as what Papa did. I will make use of this thing to keep him and Jean-Claude safe and alive.

Muling napamura si Megan at tinanong siya ni Triangle kung ano ang nangyari.

"They shot the tire!"

Nagulat silang lahat nang tinangka kong buksan ang pinto ng sasakyan. Dahil napapagitnaan ako nina Gon at Tatsulok, agad nila akong napigilan sa gagawin ko.

"What are you doing, Pancake?"

"Kitten?!"

Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. "Don't worry, they will not kill me." Tiningnan nila ako nang mabuti. I didn't blink or sob and I just let the tears fall down.

"Damn, how could you project a crying face but display a very brave expression?" tanong ni Tatsulok at pinunasan ang pisngi ko. "Are you that fearless and daring? I feel like I want to protect you no matter what."

"I am very scared right now. I'm scared that I might lose people that I don't want to lose," umiiyak pa rin na sagot ko. "But as what they say, life is a daring adventure and security is a superstition. Kailangan kong maging matapang dahil walang security sa lahat ng bagay."

I was surprised when Pentagon opened the door for me. Nauna rin siyang bumaba at inilahad ang palad sa harap ko. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanyang kamay at sa mukha niya.

"I'm not letting you take the risk alone, Kitten. When I proclaimed myself to be your best friend, I'm determined to support you in everything you do. Let's go."

My lips shook as I tried to suppress the sobs that were about to come out.

"P-Pentagon . . ."

Bumukas ang front seat at bumaba rin si Megan. "Tara na, Sunny, don't waste our time by crying there, kailangan na nating makaligtas," she said in her normal bitch tone that she always use to me. I know Megan is a frienemy—but she's actually a friend and I like it. She hates my guts and everything about me but she's always there to lend me a hand at desperate situations.

Bumaba na rin ang kanina pa nanginginig sa takot na si Coco. "H-Halika na, Sunny."

Triangle moved from his seat and stood beside Gon. "Come on, Pancake, you don't have to do it alone."

Pakiramdam ko ay napuno ako ng lakas ng loob at naging positibo na magiging maayos din ang lahat. I let out a genuine smile before I wiped away my tears at tinanggap ang palad ni Gon.

Just like he always does, ginulo niya ang buhok ko. "That's my, Kitten."

Unti-unting lumapit sa amin ang mga sundalo at nakatutok ang armas nila sa amin. "Itaas n'yo ang mga kamay ninyo!"

We did as what we're told at nagtaas ng kamay. Kinapkapan kami at tiniyak na walang baril o ano man na maaring gamitin namin. Pinasunod nila kami sa limang sundalo samantalang tumulong naman ang ibang sundalo upang hulihin ang mga panibagong sasakyan na dumating, which to our surprise ay mga estudyante ng Academy!

We walked past the area and I can see nothing but darkness and the white paint of JIC. The place could pass as ghost town if without the loud gunshot sounds coming from the students and the armies.

My knees were weak but I still stand strong. I don't want to show them that I'm shaking in fear right now. I need to know if Jean-Claude and Papa are safe at the moment but deep inside me, I believe they're safe. Isa pa ay may tiwala ako kay Armstrong.

My sight adjusted in the darkness. I don't know where they're taking us. Gusto ko sanang tumakas kami pero nakapalibot sa amin ang limang sundalo. They're armed while none of us got anything against their riffles and guns tucked on their belts.

I felt my heart pound. Dumagdag pa ang kumakalam kong sikmura. I pressed my hands on my stomach and tried to forget that I'm hungry. Alam kong kung saan man nila kami dadalhin ay walang pagkain doon.

Just then, something hit my stomach. It was Megan's arm who's holding something in a foil pack. "Kainin mo," mahinang wika niya. Her eyes were focused in front at ni hindi man lang niya ako sinulyapan habang patuloy kami sa paglakad.

I hesitated at first ngunit nang muli niyang hinampas ang tiyan ko ay kinuha ko na iyon.

"Trench said you didn't eat anything and you must be hungry. I've been hearing your stomach growled few times in a row now."

"M-Megan . . ."

"That's just some nutrition bar I made myself to fill up the nutrients you needed in your current state kaya 'wag kang magreklamo sa lasa. Ang mahalaga ay hindi ka manghina dahil wala kang kinain," wika niya at bumalik na sa nakakaasar na tono ang boses niya. "Kung ayaw mo eh di 'wag."

Tinangka niya iyong agawin mula sa akin ngunit nauna ko na iyong ilayo sa kanya. Agad ko iyong binuksan at kinain. Wala akong pakialam kong mabulunan ako. I finished the bar in just few seconds! Yup, I was that hungry.

"Ang sama nga ng lasa," mahinang sambit ko. If translated to my words, it means thank you, Megan.

"Tsk, ang arte," mahinang sambit niya ngunit narinig ko pa rin. So, I will just assume it translates to you're welcome.

Biglang napatigil ang mga sundalo nang may humarang sa daraanan namin. And to our surprise, it was Trench. Nakatayo siya at nakapamulsa habang ang isang kamay ay nasa likuran. There's something about him that looks different. I tried to figure it out and it was his shirt.

Nakasuot siya ng itim na T-shirt na may puting X sa bandang dibdib. Okay, nothing's wrong with the shirt but it's the first time I saw him in such shirt! He always wore a polo shirt or anything with a collar to fill the good boy and responsible man look. His dark jeans were ripped on the knee. Magulo ang kanyang buhok, hindi ang dating tila sinukat pa ng ruler upang masigurong maayos at presentableng tingnan. Something on his right ear flashes. Puto, he got a piercing on his right earlobe and another on the upper part!

"Saan n'yo sila dadalhin?" tanong niya sa mga sundalo.

"Hindi namin pwedeng sabihin," sagot ng nasa harap niya.

"Okay," Trench replied and then he withdraws his hands from his back and to our surprise, he was holding a gun! Nagulat ang mga sundalo at hindi agad naka-react kaya nauna silang barilin ni Trench sa kamay. Nagkagulo sila at agad kaming nakawala mula sa pagkakahawak nila.

"This way!" wika ni Trench sa amin at naunang tumakbo.

We took the opposite direction to where the armies are taking us.

"You're just in time, Boy Mariano!" natutuwang bulalas ni Gon. "What's with the surprising get up by the way? It suits you kaya for now, tatanggapin kong kapag ni-rank ang kagwapuhan nating tatlo, pangalawa ka na at pangatlo ako."

I mentally made a face. Nakukuha pa talagang magbiro ni Gon sa mga ganitong sitwasyon. Pentagon will always be Pentagon.

"It's because I might have no other chance to do something like this. Hindi ko tiyak kong buhay pa ba ako bukas—"

"Trench!" sigaw ni Tatsulok at bigla na lamang hinablot ang damit ni Trench. "Don't ever say that!"

Nakita kong malungkot na ngumiti si Trench. "Look, Triangle, ginawa ko ang pangako ko sa 'yo. We will all make it today so we need to keep running."

And so, we kept running away but I have no idea where we're going. Ilang minuto na kaming tumatakbo at hindi na masyadong malakas ang naririnig naming mga putukan kaya napahinto ako. The night is cold but I'm sweating so bad dahil sa pagtakbo. I can see clearly the reflection of the moon on the water. Hindi kalayuan sa kinatatayuan namin ay isang matarik na bangin pababa sa dagat.

"Why are we running away? It's no use, mahuhuli pa rin nila tayo," wika ko. I've been in something like this two times so I should know better.

Napahinto na rin si Coco at pinanghinaan ng loob. "Tama si Sunny, we have the chip at kahit saan man tayo magtago ay matutunton at matutunton nila tayo."

The negative thought of the presence of the microchip spread like wildfire. Bigla silang pinanghinaan ng loob. Maging ako na wala nang chip ay na-frustrate. Even so, I cannot dare to escape on my own.

"No, there's a way," wika ni Gon at kinuha ang armas na kinuha niya sa mga sundalo kanina. From the gun, he pulled something from the handle and a small hunting knife appeared. "I hacked the program that these microchips are connected. We can remove this on our nape but make sure na hahawakan n'yo iyon at ibibigay sa akin, make it feel your pulse. Saka n'yo lang bitiwan kapag nasigurado n'yo nang nasa kamay ko na."

"No! Jean-Claude said that it's only few minutes after it's pressed on our skin but beyond that time, we're done for!" giit ko. Paano kung bigla na lamang may mangyari?

"Kitten, trust me with this one, okay? I really hacked the program kaya alam ko 'to! Why would we risk all our lives kung hindi? We have less than a minute to do it, okay? We'll do it one at a time. Boy Mariano, you need to remove Coco's chip while I remove yours. Ikaw naman ang magtanggal sa chip ni Megan, bro, while Kitten, you will remove twin bro's chip. Ayos ba?" he asked. His voice is very positive kaya sigurado akong nagsasabi siya ng totoo na may paraan nga para matanggal ito.

"Sandali!" protesta ni Tatsulok. "Who will remove yours?"

Ngumiti sa kanya si Pentagon. "Do it once you remove Megan's at kapag natanggal na rin ni Kitten ang nasa iyo. Cool?"

"Gon—"

"Come on, we have no time to waste, let's do it now!"

Kahit nag-aalinlangan ay sinunod pa rin namin ang sinabi ni Pentagon. Pakiramdam ko ay walang halos huminga habang may hinihiwa na parte ng mga batok upang tanggalin ang chip. Everyone's biting their tongue to prevent a cry of pain from coming out.

Nang matanggal na ang mga iyon ay isa-isa nilang inilagay sa nakalahad na palad ni Gon ang maliit na umiilaw na bagay. When everyone's chip was on his palm, he closed it tightly at ngumiti sa amin.

Pumwesto si Tatsulok sa likuran niya ngunit nagulat kami nang humakbang siya paatras, palayo sa amin.

"G-Gon . . .?"

"Don't bother removing mine, twin bro, there's no use," wika niya. Kinagat niya ang kanyang labi at tumingin sa taas upang pigilan ang mga luha niya.

"P-Pentagon . . ." I want to shout his name but it only came out as a wheeze. Tila nawalan ng lakas maging ang boses ko habang pilit na iniintindi ang sitwasyon.

"Ano'ng pinagsasabi mo, Pentagon!" malakas na sigaw ni Trench. Sinubukan niyang humakbang papalapit sa pinsan ngunit bawat hakbang na ginagawa niya ay umaatras din si Gon, patungo sa matarik na bangin.

Coco who was innocently silly and most of the time gets the situation last ay biglang napalahaw sa iyak. "Hoy, Pentagon Grande Bermudo! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Sabi mo, tuturuan mo pa akong maglaro ng chess? Pinapaasa mo lang ba ako noong sinabi mo 'yon? And you promised AndE that you will teach her everything about hacking!"

"I downloaded everything and simplified what I know about hacking and put it on a memory chip for AndE. Nasa lalagyan ng underwear mo, do'n ko tinago kasama ang sinulat ko na mga basic at technique sa chess," nakangiti pero malungkot na sagot ni Pentagon na mas lalo lamang nagpaiyak kay Coco. "Last week ko pa nilagay yun, baka kasi makalimutan ko."

Megan who also got the situation turned to her back and started crying. She keeps on chanting some cuss and swear words. When she looked back, pinilit niyang patatagin ang kanyang boses. "Is that why you asked not to let go of the microchip unless it touched your skin?"

Mahinang tumango si Gon. "These microchips are connected to our sensory neurons. The cell bodies of the sensory neurons are located on the dorsal ganglia of the spinal cord—so maybe, that's the reason why it's on our nape unlike the others na nasa tagiliran. I figured out that they can be removed as long as it's within the human body externally or internally. Kapag nahiwalay ito sa katawan ng kahit isang segundo ay sasabog ito."

It seems like everything around me suddenly darkened. My heart tightened in a very painful way. "Putongina mo, Pentagon!" Iyon lang ang nasabi ko bago ako napaupo sa lupa dahil sa labis na panghihina ko.

Tila batang iniwan ng ina si Triangle nang bigla na lamang siyang umiyak. Such sight is so heartbreaking but I don't want to look away.

"Gon, why are you doing this?" tanong ni Tatsulok sa kambal. His nape is bleeding so bad. Actually, lahat sila ay dumudugo ang batok but Triangle's nape bleeds nonstop. Kumalat pa iyon sa suot niyang puting T-shirt. Uh, maybe I cut his skin wrong, puto kasalanan ko pa.

Mapait na ngumiti si Gon at mayamaya ay biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. "Hoy Triangle, may kasalanan ka pa sa akin! Paano mo nalaman na may peklat si Kitten sa dibdib?! Anong ginawa mo! Sumagot ka!"

I should be blushing due to embarrassment ngunit hindi ko magawa. My tears just fell like there's no tomorrow. Si Tatsulok naman ay mas lalong umiyak at napaluhod na lamang.

"Boy Mariano, will you please stop being selfless?" Gon let out a dry laugh. "Pwede bang maging selfish ka naman kahit isang beses lang? You really make me worry at all times."

Trench didn't answer. He looked at the side, then downward, upward but it didn't help him to conceal his tears.

"Kitten," masiglang tawag niya sa akin. "Don't let anyone see your chest, okay? Kahit si twin bro! Don't corrupt his innocence! Hindi nga 'yan sumasali sa amin ni Boy Mariano na nanonood ng porn!" He laughed at sinabing nagbibiro lang siya. "This is something we do out of our will because it's right gaya ng pinag-usapan natin. You really have no idea how much you made me happy noong sinabi mong best friend mo ako. I was so happy that I could die." He laughed again. "Ayan tuloy, nagkatotoo!"

My sobs become louder. "G-Gon . . ." Ang dami kong gustong sabihin sa kanya pero hindi ko alam kung paano sisimulan.

He moved another step backward. Nakakuyom pa rin ang kamao niya kung nasaan ang mga microchip na tinanggal.

"Let's just say this is a wise decision dahil sa ating lahat, ako naman 'yong mawawalan ng silbi dahil unti-unti nang nawawala ang mga alaala ko. You all still have a bright future ahead. I can say I lived a happy life. I have a responsible cousin, a very handsome identical twin, what could I ask for more? Megan, I never had the chance to thank you for everything mula pa noong mga bata pa tayo. Ikaw 'yong napakasungit na batang nagme-mediate sa amin ni Triangle kapag nag-aaway kami noong nursery. Coco, say my regards to the two idiots at sa iba pa."

He took another step backward. "Kitten," tawag niya. Ayaw ko man siyang tingnan ay hindi ko magawa. This could be the last time I might see him. He gave me a sweet smile before he closed his eyes. "Goodbye, Kitten."

He let himself fell on the cliff as he opened his palm. Kasabay ng malakas na pagsabog ay ang mga iyak at sigaw namin.

Goodbye, Pentagon . . . Goodbye, best friend . . .


Continuă lectura

O să-ți placă și

2.4M 87.9K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
113K 8.8K 40
VOLUME 2 1 out of 4 chess pieces. 3 more left. New areas and Game Generals. New teams and players. Don't trust your eyes, Everyone is in disguise. Ea...
1M 30.6K 50
You can understand the story without reading the whole Death Game series.
5.9M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...