Alphabet of Death (Published)

Galing kay risingservant

20.2M 451K 106K

AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iy... Higit pa

Alphabet of Death
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Elmo's Note
Teaser
Announcement
Elmo's Survey
This is It!
Epilogue
Announcement II
Announcement III
Open Letter
Announcement IV

Chapter 20

244K 5.8K 2.2K
Galing kay risingservant

Naiwan nga sa baba ang ilan sa kanila upang linisin ang mga kalat dulot ng nangyari kanina.

"Ano guys? Sa tingin niyo ba, naghihiganti sa atin ngayon si Ethel?" Tanong ni Hannah habang winawalisan ang mga kalat sa sahig.

"Huwag naman sana, baka atakihin ako sa puso sa sobrang takot noh!" Wika ni Joan na nag-aayos naman ng mga kurtina.

"Bakit ba nakalimutan natin na death anniversary niya ngayon? Napagdasal sana natin siya." Wika naman ni Tom na nag-aayos ng mga upuan.

"Kinalimutan na kasi nating lahat iyon noon, kaso binuksan naman ng magaling na si Rox." Wika ni Grace.

"Oy Grace, wala siya kasalanan sa mga nangyayari ngayon." Pagtatanggol ni Ethan dito.

"Eh kung hindi sana siya naging usisera eh di sana magkakaganito ang lahat!" Sigaw ni Mia.

"Oh, huwag na tayong magsisihan pa. Walang may kasalanan okay?" Wika naman ni Jake na nagpupulot ng mga basag na vase.

"Wala namang may gustong mangyari ito. Nagkataon lang siguro na malakas yung ulan." Bulalas naman ni Kian na naghuhugas ng pinggan.

"Basta guys, relax lang! Magiging okay na rin ang lahat bukas!" Dugtong naman ni Adrian na nagpupunas ng lamesa.

"Yeah, keep calm and enjoy!" Singiy ni Josh na kumakain ng chichirya.

"Oh ayan na, maayos na pala ang lahat eh. Tulog na tayo! Nakakapagod hehe!" Pag-iiba ni Hannah ng usapan.

"Ok guys! Good night! Sweet dreams!" Wika ni Agatha sa mga kasama at natulog na nga ang lahat.

Si gitna ng katahimikan, alas tres ng umaga ng maalimpungatan si Mae at nauhaw kaya tinungo niya ang kusina.

"Ano ba iyan! Kung kailan madilim pa tsaka pa ako nauhaw." Wika niya sa kaniyang sarili habang nagkakamot ng ulo.

Tinungo na niya ang kusina.

Pagkarating niya roon ay uminom siya ng gatas.

"Ahhh, nakakarefresh talaga ang gatas lalo na kapag umaga!" Aniya habang naghihikab.

"Masarap ba? Eh yung kay Karlo ba, masarap?" Wika ng isa sa kaniyang mga kaklase na nakasindig sa pasilyo ng kusina.

"Haha, bakit mo naman naitanong iyan? Tsaka hindi naman kami nun no! At hindi ako gross! Ang bastos mo!" Wika ni Mae sabay sara ng refrigerator habang kinikilig-kilig pa.

"Hahaha! MU kayo right? Patagong pag-ibig nga naman oh!" Wika nito habang nakasandal naman ngayon sa may pader malapit sa lutuan.

"Paano mo nalaman? Huwag kang maingay! Secret lang natin iyon ah?" Wika ni Mae sabay lapit dito at inakbayan pa talaga.

"Huwag kang mag-alala, secret lang natin iyon. Pero tandaan mo, walang lihim na hindi nabubunyag." Wika nito sabay tanggal sa kamay ni Mae na nakaakbay sa kaniya.

"Huwag ka namang ganiyan. Parang tinatakot mo ako eh." Wika ni Mae na umasta na parang bata.

"Natatakot ka ba? Pwes, tinatakot nga kita." Wika nito sabay kuha ng kutsilyo at unti-unti siyang lumalapit kay Mae.

"Anong pumasok sa kukote ng taong ito at ngayon pa niya nagawang magbiro?" Wika ni Mae sa kaniyang isipan.

"Hindi magandang joke iyan! Please! Ibaba mo iyang kutsilyo!" Wika ni Mae na takot na takot na. Kaya paatras siya nang paatras habang palapit naman ng palapit sa kaniya ang kaklase niya.

"Goodbye Mae!" Wika nito at itinarak ang matulis na kutsilyo sa puso ni Mae at tsaka niya ito dinukot.

"Argh, ahh!" Paimpit na sigaw ni Mae na halos walang boses na lumalabas sa kaniyang bibig.

"Ang puso ko! No! Kailangan ko pang mabuhay!" Wika ni Mae sa kaniyang isipan habang nakahawak sa kaniyang dibdib at nakatitig sa taong lumapastangan sa kaniya.

"Nakakatuwang puso, tumitibok-tibok pa at sa ilang sandali pa ay mawawala na." Wika nito at humalakhak na parang isang baliw hawak-hawak ang puso ng dalaga.

"Baliw na ba siya? Ah, hindi ko na kaya!" Wika ni Mae sa kaniyang isipan at tuluyan na ngang nawalan ng buhay ang kawawang dalaga.

"Hold your heart Mae!" Wika nito at nilagay ang puso nito sa kamay ng dalaga na nakahandusay sa sahig at walang malay.

"Letter O, check! 25 left! I can't wait to see them suffer habang naliligo sa sarili nilang dugo! Haha!" Wika nito at nilagyan ng letter O si Mae sa kaniyang noo.

Killer's POV

Pasensya na Mae kung ikaw ang nauna ko. Nagkataong nandito ako sa baba at saktong bumaba ka rin kaya kasalanan mo iyan kung bakit ka namatay! Haha!

Nakakatuwa lang kanina, tarantang-taranta silang lahat. Mga tanga! Haha!

Oras na para isa-isahin ko kayong lahat. Pasensiyahan na lang tayo haha!

Magkita-kita na lang tayo sa Impiyerno! Haha!

Guys, prepare yourself to die!

---

Kinabukasan, nagising ang lahat ng biglang tumili si Hannah.

"Ahhhh!" Sigaw nito kaya dali-daling nagsilapitan ang kaniyang mga kasama.

"Oh what happened here? Who killed Mae?" Tanong ni Karlo na naghihikahos at natataranta.

"Ewan ko! Pagkarating ko rito ay iyan na kaagad ang bumulaga sa akin!" Paliwanag ni Hannah na nakasalampak sa sahig at nanginginig sa takot.

"Bakit hawak niya ang puso niya? At, may letter O na nakasulat sa noo niya?" Tanong ni Ginny na nanginginig din sa takot.

"Ewan?!" Wika ni Ramil na nakaalalay dito.

"Sa tingin ko, may gustong iparating sa atin yung killer." Wika ni Roxette na nag-iisip ng malalim.

"Iparating? You mean, message?" Tanong ni Ethan na nakadikit naman sa kaniya.

"Wait, diba letter O yung nabunot na letter ni Mae sa bowl of surprise?" Tanong naman ni Mia na nakaturo sa noo ni Mae na may sulat.

"Oo! Tama ka! Oo nga! Eh ano naman kinalaman nun?" Tanong ni Adrian na naguguluhan na.

"Isa lang ang naiisip kong ibig sabihin ng O na iyan sa kaniyang noo." Wika ni Tom na sobrang unpredictable.

"Ano naman iyang theorya mo?" Tanong ni Jerome na hindi lubos maisip ang nais iparating nito.

"I think, gusto tayong patayin lahat ng killer." Wika niya.

"At bakit naman? May atraso ba tayo sa kaniya?" Wika ni Jake na najasandig sa may lutuan.

"At tsaka, tayo-tayo lang ang nandito kaya ibig sabihin, isa lang sa atin ang killer!" Wika naman ni Mark na mapang-akit pa rin ang itsura kahit na bagong gising.

"Yup, tama ka Mark, ang tanong, sino nga ba sa atin?" Wika naman ni Joan habang nakayakap sa boyfriend niya.

"Umamin na kasi!" Wika ni Dion.

"I think, walang aamin. May killer bang aamin na siya ang killer? Wala diba? Kaya mag-ingat tayong lahat. Lalo na kung sino ang dapat pagkatiwalaan o hindi." Wika ni Xiara na nakakapit kay Tin.

"Oo nga! Alam niyo guys, napaisip lang ako, may kinalaman ba ang puso niya sa letter O? Ano ito? Game pa rin ba?" Wika ni Arianne na naguguluhan na rin.

"Sa tingin ko, laro ito para sa killer." Wika ni Agatha habang nakahalukipkip.

"At paano mo naman nasabi iyan?" Tanong ni Josh.

"Diba O ang letter ni Mae na pinanghahawakan at OPERATION ang word sa kaniya ni Adrian? I think, kung ano ang letrang pinanghahawakan mo, iyan ang paraan ng killer kung paano ka niya papatayin." Pagpapaliwanag ni Agatha.

"Puso? Ano kinalaman nun sa O?" Tanon ni Aaron.

"Ang puso ay isang Organ kaya ang kamatayang ipinataw ng killer kay Mae ay Dukutin ang puso. Her death word is ORGAN." Paliwanag naman ni Henry.

"Ah, ang talino mo talaga! Baka naman ikaw ang killer?" Pagbibiro ni Abi.

"Kung ako ang killer, sana pinatay ko ng kayong lahat ng sabay-sabay." Wika ni Henry na ikinatakot ng lahat.

"Wala namang ganiyanan tol!" Wika ni Kian habang itinatayo si Hannah.

"Anong kaguluhan ang nangyayari dito?" Wika ni Grace na nagmamasungit habang bumababa ng hagdan.

"It's very hard to explain Grace." Wika naman ni Tin.

"Ipaintindi niyo sa akin!" Pagtataray nito.

"Patay na si Mae!" Sigaw ni Nikka rito.

"Huwag niyo nga akong niloloko! Hindi magandang biro iyan!" Wika nito bago marating ang kusina na kung saan nakahandusay ang walang buhay na si Mae.

"Naku Mae! Anong nangyari sayo? Gumising ka! Hindi ito maaari! Paano ko ito i-eexplain kay Tita? Huhuhu!" Wika ni Grace na super close kay Mae kaya todo siya kung makapaghinagpis habang yakap-yakap ito.

"Pagbabayaran ng walang kunsensyang iyon ang ginawa niya sayo!" Sigaw ni Grace habang patuloy pa rin sa pagdadalamhati.

"Basta, dapat siguraduhin niyong trustworthy ang sinasamahan niyong tao o kaya much better, huwag na tayong maghihiwa-hiwalay para safe tayong lahat." Suhestiyon ni Agatha.

"Ang malas natin! Dapat pala hindi na lang dito sa beach resort namin! Walang signal! Kaya hindi tayo makakahingi ng tulong! Tapos, mukhang may paparating pang bagyo kagaya nung nangyari kagabi kaya wala tayong choice kundi maghintay ng dalawang linggo dito!" Wika ni Ginny na umiiyak sa kasawiang dinanas ng isang kaibigan.

"Don't worry Ginny, hindi mo naman ito kasalanan! Tsaka, mahuhuli rin natin ang killer." Wika ni Roxette habang kinokomfort ang nag-aalalang kaibigan.

"Kahit ano mang gawin niyo, hindi niyo matatakasan ang kamatayan niyo! Ang letrang nabunot niyo ay parang sumpa na hindi niyo mapipigilan na kitilin ang inyong buhay! Haha!" Wika ng isang tinig.

"Be ready and excited guys sa kamatayang ipapataw ko sa inyo sa pamamagitan ng letrang pinanghahawak niyo! Haha!" Dagdag pa niya.

"Hindi niyo matatakasan ang Alphabet of Death! Hahaha!"

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

6.1M 204K 110
AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'yo. Malay mo, ngayon na pala ang oras mo...
4.5M 110K 43
The real you is the monster inside you.
9.3M 392K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...
20.2M 451K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...