RUN FOR YOUR LIFE

By ShinichiLaaaabs

5.9M 274K 98.2K

In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and th... More

PROLOGUE
CHAPTER 1: WELCOME
CHAPTER 2: MATCH
CHAPTER 3: ADVISED
CHAPTER 4: MEAN
CHAPTER 5: YOU'RE WELCOME
CHAPTER 6: RESULT
CHAPTER 7: MESSED
CHAPTER 8: RUN
CHAPTER 9: QUARANTINE
CHAPTER 10: SCREAM
CHAPTER 11: ESCAPE GONE WRONG
CHAPTER 12: MARKED
CHAPTER 13: WHAT'S THE CATCH?
CHAPTER 14: A PROBLEM
CHAPTER 15: IT TASTES GOOD
CHAPTER 16: LOCKED
CHAPTER 17: PENTAGON
CHAPTER 18: CHALLENGED
CHAPTER 19: OBEDIENCE
CHAPTER 20: ANTIDOTE?
CHAPTER 21: BIRTHDAY BLAST
CHAPTER 22: SECRETS
CHAPTER 23: FACE-OFF
CHAPTER 24: WELCOME BACK TO 3RD WARD
CHAPTER 25: CHANCE
CHAPTER 26: FACE-OFF!
CHAPTER 27: RANKING
CHAPTER 28: FIRST DAY
CHAPTER 29: I'M HAPPY TO BE WITH THEM
CHAPTER 30: SLAUGHTER HOUSE?
CHAPTER 31: MISSING
CHAPTER 32: THE GREAT DEPRESSION
CHAPTER 33: LOSS
CHAPTER 34: ASKING FOR HELP
CHAPTER 35: LIKE THEY MATTER
CHAPTER 36: IT'S A DEAL
CHAPTER 37: SEIZED
CHAPTER 38: BRENDA IS HERE
CHAPTER 39: WHO ARE YOU BUNNY?
CHAPTER 40: WHATEVER IT TAKES
CHAPTER 41: YOU DID WELL
CHAPTER 42: SECRETS ARE BEST KEPT HIDDEN
CHAPTER 43: WE'RE BOTH NOT
CHAPTER 44: THIS IS WAR
CHAPTER 45: CAPITAL PUNISHMENT
CHAPTER 46: PREFECT OF DISCIPLINE
CHAPTER 47: TROPHY MOTHER'S TROPHY SON
CHAPTER 48: PINKYLICIOUS!
CHAPTER 49: TRIANGLE
CHAPTER 50: FOR YOU TO FIND OUT
CHAPTER 51: SECRETS WE KEEP
CHAPTER 52: EYE FOR AN EYE
CHAPTER 53: WHO ARE YOU SUNNY
CHAPTER 54: ONLY TO SEE YOU FALL FOR SOMEONE ELSE
CHAPTER 55: YOU ALWAYS PUT ME FIRST
CHAPTER 56: YOU ARE
CHAPTER 57: COWARDICE AT ITS FINEST
CHAPTER 58: GAME OVER
CHAPTER 59: FOR THE ONES WE CARE
CHAPTER 60: INSURGENCY
CHAPTER 61: BUSTED
CHAPTER 62: PHOTOGRAPHS
CHAPTER 63: RED, YELLOW, GREEN
CHAPTER 64: RUN
CHAPTER 66: IMPOSSIBLE IS IMPOSSIBLE
CHAPTER 67: TAKE A BITE
CHAPTER 68: READY TO RUN
CHAPTER 69: GONE
CHAPTER 70: BANG
EPILOGUE

CHAPTER 65: TO BE USED

74.7K 3.7K 1.5K
By ShinichiLaaaabs

Chapter 65: TO BE USED

NAGISING kami dahil sa narinig na tunog ng helicopter na nasa himpapawid.

"This is the police from Capital! Sonia Gallego, Triangle Bermudo, and Megan Galendez, you are arrested for treachery, destruction of property, and other charges. Do not try to escape, you're surrounded by the police. A shoot to kill order was issued in case of any form of resistance. I repeat, This is the police from Capital! Sonia Gallego, Triangle Bermudo, and Megan Galendez, you are arrested for treachery, destruction of property, and other charges. Do not try to escape, you're surrounded by the police. A shoot to kill order was issued in case of any form of resistance."

I guess we have nowhere to run now.

***

I don't trust these. Any of these. The Capital, the people who seized us, Moran—even this situation. I know none of these is worth trusting but I am not scared right now. Sa halip na takot ay matinding pagnanais na mabago ang sistema ang mas nanaig sa puso ko ngayon.

I need to convince people about what I learned and knowing the system, what we need is Elpidio Moran's abdication. I also wanted to clear the name of the Grandes who were currently taking the blame for everything for quite a long time now.

To our surprise, we were brought back to the Academy. May ilang bahagi pa ng Academy ang nasusunog at hindi pa naaapula ang apoy. It was a secluded building kaya maliit lamang ang tsansa na kumalat ang apoy kung sakaling hindi agad naapula. Surprisingly, there were no protesters lurking around the Academy pero nakapaligid pa rin ang army ng Capital.

No students to welcome our return too unlike yesterday. The place was suspiciously quiet. Dinala kami ng mga sundalo sa isang gusali. Pagpasok namin sa pinto ay hinarang ng dalawang lalaki sina Triangle at Megan.

"Si Gallego lamang ang kailangan sa loob para makausap ng Czar. Your charges are only damage of property pero sa kanya ay patong-patong. Please wait outside," sabi ng isang sundalo at hinila ako.

I flinched a little. The term Czar was used instead of any other title kaya sa tingin ko ay hindi isa sa Grande twins na nasa ilalim ng simulation ni Moran ang makakaharap ko sa loob.

"No—" Triangle quickly objected ngunit pinutol ko ang sasabihin niya.

"Triangle," tawag ko sa kanya. "Kailangan ko siyang kausapin."

"Pero—"

"I will come out of that door in one piece," wika ko at huminga nang malalim bago binuksan ang pinto upang pumasok.

The place was dim and only the colorful lights shone on the area. Sinadya kong ibalibag ang pinto at nakuha ko naman ang atensyon ng taong nakaupo sa dulo ng silid.

From my distance, it didn't escape my sight how he smirked. Iyong tipong nakakainis nang sobrang-sobra na smirk. Naramdaman kong nanginig ang mga tuhod ko. It's probably because I am angry, worried, disgusted, and above all, hungry, kaya tila walang lakas ang mga tuhod ko. Gayunpaman, pinili kong lumapit sa kanya at tumayo sa harap niya mismo. Ang mesa lamang ang nasa pagitan namin.

"We meet again, Sonia Gallego," wika niya.

I hate how the corners of his lips twitched into an annoying smile. I hate his presence. Since day 1, ayoko na sa kanya. I mean we all have that someone we hate to the bones kahit pa wala naman silang ginagawa sa atin, right?

In my case, I hate Moran mula noong unang araw pa lang na nalaman ko ang insignificant existence niya sa mundo. Wala siyang ginawa sa akin na maging rason upang kamuhian ko siya, pero sa mga tao, MERON! Then it happens that he isn't just someone who will pass by in the chapters of my life.

"Elpidio Moran, you are the most disgusting person I know, you cockroach!" Uh, okay I really spit nonsense words if I'm angry (plus hungry).

Tumawa siya na tila ba naa-amuse. "Cockroach? What a comparison, Gallego." He shook his head and laughed. "Ipis." Tumawa ulit siya. Nababaliw na yata.

"I know it's such a discrimination. Tiyak kong maiinsulto ang ipis kapag kinumpara siya sa 'yo!" I'm really fuming mad right now!

"You have to get used to what the world is, Gallego. What you see is not what it is. Sa likod ng mga taong nakikita mong may ginagawang mali, there's someone behind them— someone bigger than them. At dalawang uri lamang ang tao; the one who uses and those meant to be used. I think you know already in which group I belong."

His voice annoyed me so much. "May nakapagsabi na ba sa 'yo na walang kwenta ang mga pinagsasabi mo?"

Tumawa ulit si Moran. "Like father like daughter. Yup, si Mozart lang naman ang may lakas ng loob na magsabi ng ganyan and now here you are."

"Kung ano man ang isyu mo kay Papa, you two settle it! At kung ikaw nga ang pinakamaatas na elite, how could you do this to your people?!"

"I am opening the best service I can give them! Imagine how happy would they be na kahit sa loob ng dalawang linggo ay hindi nila mararamdaman ang gutom?" tanong niya. "Think logically, Sonia Gallego. We're solving the dilemma of the people and at the same time, we monitor the population."

"No, you should think logically, Moran. Sa tingin mo ba, tamang gawin mong karne ang mga tao? Why don't you think of other ways to alleviate poverty and solve rapid population growth?" singhal ko sa kanya. Siya na yata ang pinakawalang kwentang tao na nabubuhay ngayon para maisip ang ganoong mga rason.

"Hindi ko kailangan ang iyong opinion. You're brought here for another thing," wika niya. "Nasaan ang iyong ama?"

"Do you think nandito ako ngayon kung sakaling alam ko kung nasaan siya? Or kung alam ko man, hinding-hindi ko sasabihin sa 'yo!" sigaw ko sa kanya. Kanina pa ako sumisigaw rito. Baka kapag maasar siya ay isang bala lang ang katapat ko.

"I see that you removed P2 from your body," wika niya. "I think I underestimated you."

"You really did!" Pero kung hindi ko nakita ang takot ni Tatsulok sa mga kulay na iyon, the scene where I was shot really seemed like a dream. Naupo ako sa upuan na naroon. I don't think my legs are able to support me given my current state.

"Do you know how I was able to put the Grandes in my fingertips?" he asked, moving his fingers then snapped. "P2."

I gritted my teeth and remained silent. Kumukulo ang dugo ko sa mga sandaling ito.

"P2 and big thanks to Theodore Mariano for it. These nanobots control the brain. They feed on your brain like parasites," he paused just to laugh. "Just a little amount and boom! I got you here." Muli niyang iginalaw ang kanyang mga daliri.

"Iyan ba ang ginawa mo sa mga Grande?" Napakawalang puso niya! "And Theodore Mariano! Alam ba niyang naghihirap ang asawa niya dahil sa gawa niya?"

"Of course," Moran laughed again. "Has anyone told you that blood is thicker than water?"

"W-What?" Kadugo niya si Theodore Mariano?

"Theodore Mariano is my cousin, not by blood, but by name," sagot niya. Hindi ko pa man nakikita si personal si Theodore Mariano ay kinamumuhian ko na siya. "Unfortunately, it doesn't work on you kaya ibig sabihin ay fail ang panibagong ekperimento ni Theodore para i-upgrade ito. P2 is almost perfect but it's flaw is that it doesn't work on half-bloods like you."

What the fork? Half-blood? So ano ako? Half-German, half-shepherd? Half-Spanish, half-sardines?! Ganoon? Damn. Gutom na nga ako.

"Why, you look surprised," puna ni Moran sa reaksyon ko. "Oh, Mozart haven't told you that he's not from Capital?"

Tila nais kong mabuwal mula sa kinauupuan ko. Ano ba 'tong mga pinagsasabi ni Moran?

"Mozart Gallego is a resident alien here in Capital, which is highly illegal and he's violating international comity. What makes it complicated is that . . ." He paused just to smirk. Sige, isa pa. Masasapak ko na talaga siya pero kailangan kong magpigil! HINDI BAGAY SA KANYA ANG PAG-SMIRK! MUKHA SIYANG PEDOPHILE! PUTO! "Si Mozart ay illegitimate na anak ng hari ng Tussah. A regal blood! Anak siya ng hari ng Tussah sa isang alipin kaya para iligtas siya sa galit ng reyna, he was sent to Capital to live a normal life."

My heartbeat sped up. I breathed out so much air as confusions about my father's identity swallows me.

"It doesn't work on you kaya heto ka ngayon, saying things and calling me names that I'm sure you might regret later," sabi ni Moran. "I can't control you but I can put you to another use."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

He smirked again at pakiramdam ko ay sira na ang buong araw ko. "I will use you as hostage to lure Mozart Gallego in."

Bumukas ang pinto at pumasok ang limang army at hinawakan ang braso ko. Sinubukan kong makawala mula sa pagkakahawak nila ngunit nagsasayang lamang ako ng lakas. Pinili ko na lamang na hayaan sila.

"Dalhin n'yo 'yan kasama ang anak ni Curie at ang isa pang kasama nila sa JIC!" wika ni Moran. He moved his swivel chair and now I'm facing his back.

The armies pulled me harshly at masasamang tingin lamang ang kaya kong ibato sa kanila. When he said anak ni Curie at isa pang kasamahan, I thought it's Triangle and Megan ngunit nagkakamali ako. Si Gon at Coco ang naabutan ko sa sasakyan.

"Kitten!"

"Sunny!"

I bit my lower lip and smiled sadly. Kahit nahuli sila ay hindi ko maiwasang mapangiti nang maalala ang effort na ginawa nina Drix, Suri, at Jeff na tiyak kong supportado rin nina Iris at Margo. But unknown to them, these two had microchips that will track them no matter where they are. Still, the thought that they helped surely counts.

"Ayos lang ba kayo?" tanong ko sa kanilang dalawa. "Saan kayo nanatili kagabi?"

"They hid us at District 9 dorm at ngayong umaga lamang kami kinuha ng mga army," sagot ni Coco.

"Naging maingat na sila ngayon," wika ko nang mapansin na may maliliit na rehas na sa likod ng driver. We cannot just choke him anytime now.

"I overheard the men talking that we should be brought to JIC," wika ni Gon. "What the hell is JIC?"

"Iyan din ang sabi ni Moran kanina."

Ito ang unang beses na narinig ko ang JIC at natatakot ako kung anong lugar iyon. The fear that I could end up inside a can for the people's consumption disappeared. Hindi pa ako ilalata ni Moran dahil may kailangan pa siya sa akin at iyon ay ang gawing pa-in upang makaharap si Papa. It somewhat relieved me na hindi pala nila nakuha si Papa. He's somewhere and hopefully he's safe.

They all looked at me with wide eyes. "Nakausap mo si Moran?"

Tumango ako bilang sagot. Mahirap paniwalaan ang mga sinabi ni Moran kanina pero ano naman ang mapapala niya kung gino-goodtime niya lang ako? Isa pa ay mukhang hindi naman palabiro si Moran. Argh! I need to see Papa to confirm all of these!

"What did he say?" tanong ni Coco.

Huminga ako nang malalim at tumingin kay Gon. "Hindi ko maintindihan, eh. Everyone knows that the Grandes are the highest elite tapos biglang ganito. He used P2 to control them. I don't know how this works exactly but it controls the mind. Marie and Curie are in a simulation at hindi nila alam ang ginagawa nila."

Gon's expression became serious. I know it's hard for him lalo na at ang kanyang ina ang naghihirap. We remained silent for the rest of the trip hanggang sa makarating kami sa paroroonan.

Ang inaasahan kong pupuntahan namin ay isang creepy na lugar ngunit malayo ang iniisip ko sa pinagdalhan sa amin. It looked like an interrogation room na closed wall at tanging ang maliit na bintana sa taas ang nakabukas. Madilim ang paligid at ang ilaw na mula sa labas ng maliit na bintana lamang ang tanging tanglaw. Hindi nila kami dinala sa Capital Jail kung nasaan ang convicted criminals.

"Pasok kayo diyan!" sabi ng pulis sabay tulak sa amin. Agad nilang isinara ang pinto at iniwan kami.

Coco started sobbing samantalang nakatayo naman si Gon at tila nahulog sa malalim na pag-iisip.

"Dito na ba tayo mamamatay? Hindi ko na ba makikita si Mama at Cacai? Paano na si AndE?" umiiyak na wika ni Coco. He crawled towards Gon at niyakap ang mga binti nito.

"Ano ba, wag kang magulo," pabirong sinipa siya ni Pentagon. "Hindi tayo rito mamamatay. Makikita mo pa ang mama mo at kapatid. As of AndE, si Triangle na ang bahala sa kanya. He likes her very much that he can end up marrying her." Bahagya pa niya akong sinulyapan nang sinabi niya iyon.

Mas lalo namang naiyak si Coco habang paulit-ulit na binibigkas ang pangalan ni AndE. Naupo ako sa gilid at nag-isip.

Patuloy pa rin sa pagngawa si Coco at naiinis na sinipa siya ni Pentagon. "Sabi nang wag kag magulo, Condrado Connor Masin!"

"Ano ang lugar na 'to, Pentagon?" tanong ko sa kanya.

Naupo siya sa sahig katabi ko.

"Hindi ko alam pero pamilyar sa akin ang lugar na ito, although, pakiramdam ko ay ngayon lang ako nakapunta rito," sagot niya. Minamasahe niya ang ulo at pilit na inalala pero wala pa rin.

Dahil closed wall ang silid ay napakadilim doon. Kung mananatili ang isang tao rito sa loob ay hindi malalaman kung umaga ba o gabi dahil madilim at soundproof pa.

"Hoy, tumahimik nga kayo! Nakakaistorbo kayo!"

Muntik na kaming napatalon mula sa kinauupuan at napatigil naman sa pagngawa si Coco. Inilibot niya ang tingin sa paligid ngunit hindi na namin narinig ang boses. He tried making a crying sound again at biglang may kumalabog sa gilid ng silid. Tumakbo si Coco papalapit sa amin nang may malaking anino ang tumayo. The shadow looks like a monster! Moments later the lights were turned on at lumiwanag ang silid.

The room was wide at may mga bunk bed sa sulok. Nakatayo naman sa tapat ng switch ng ilaw ang isang payat na lalaki. Puti na ang buhok nito at mahaba na ang bigote!

Lumapit siya at naupo pa siya sa harap namin. "Aba, mga bata pa kayo. Ano bang nagawa ninyo?"

"Uh, hello po lolo, ano pong lugar 'to?" tanong ko.

Contrary to his huge shadow, napakapayat pala niya at magulo ang kanyang buhok kaya tila halimaw ang kanyang anino. Puti rin ang kanyang buhok at maging balbas.

"This is the JIC or jail for intellectual criminals," sagot niya sa akin.

Pare-parehas kaming napanganga at sabay na napalunok. "Jail for Intellectual Criminals?"

"Yes, people who are intellectual and could be used by the government are kept here for future purposes."

Nagulat kami nang pumalakpak siya nang isang beses. The sound of his clap echoed on the walls.

"Oh ano, tanda?"

It was a voice coming from somewhere other than this room. May iba pa palang tao rito?!

"That is Ernesto Rutherford—man with a penchant for radioactive things. Did you hear about the explosion 22 years ago na muntik nang sumira sa buong 5th ward? He's responsible for that!"

Of course, I knew about it! It was part of the history dahil sa mass killing na dulot ng pagsabog! Pero shit na malagkit, nasa kabilang silid lang siya at isang makapal na pader lang ang pagitan namin?!

Muling pumalakpak ang matanda at sa pagkakataong ito ay dalawang beses siyang pumalakpak. Mula sa mas malayo ay narinig namin ang malalim at tila iritableng boses.

"Ano na naman?!"

Ngumiti ang matanda sa amin. "That's BUGS—the hacker. He's said to be a descendant of the legendary hackers Trojan and Apollo. To BUGS, no code is unbreakable kaya kung hindi siya nakakulong ay walang imposible sa kanya. He spied the Capital's database and even other cities."

Mas lalo lamang kaming napanganga samantalang si Gon ay bilib na bilib. He just found someone who has the same interest as him.

"BUGS is my idol! Hindi ko inaakalang totoo siya!" bulalas ni Pentagon sa labis na pagkamangha.

The old man clapped thrice at isa na namang boses ang sumagot.

"I'm here."

"That's Vittor Frankenstein. Kung ang iba ay gumagawa ng robot na tila tao, he made a robot-like human. Pumatay siya ng mga tao at in-assemble ang bawat organs at body parts thus creating a creature na mula sa iba't ibang tao."

I was torn between amazement and disgust! Nakakatakot naman ang ginagawa ni Vittor! Mabuti na rin at dito kami inilagay dahil baka kami ang i-disassemble para gumawa ng bagong nilalang.

"Eh? Kayo po, lolo?" Coco asked the old man.

"Ako?" He smiled and combed his long mustache. Puto, ni-finger comb niya at in fairness, walang sabit!

"Ako si Nebuchadnezzar Nobel."

Sabay kaming tatlo na napasinghap. Putong panis?! Nebuchadnezzar Nobel?

He's real?!


Continue Reading

You'll Also Like

82.4M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
17.4K 593 11
Isang manika. Iyon ang naging dahilan kaya nangyari ang isang malagim na insidenteng pilit nilang kinakalimutan. Pero paano kung isa isa rin nila i...
5.2M 266K 73
Online Game# 1: DANI X RAYDIN
866K 58.5K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...