Mafia Heiress Possession: Hur...

By GoddessNiMaster

2.1M 81K 13.7K

An extraordinary girl who's not afraid of facing all kinds of monsters, Hurricane Thurston is set on an adven... More

Mafia Heiress Possession - Season 1
Announcement
Pahina 1
Pahina 2
Pahina 3
Pahina 4
Pahina 5
Pahina 6
Pahina 7
Pahina 8
Pahina 9
Pahina 10
Pahina 11
Pahina 12
Pahina 13
Pahina 14
Pahina 15
Pahina 16
Pahina 17
Pahina 18
Pahina 19
Pahina 20
Pahina 21
Pahina 22
Pahina 23
Pahina 24
Pahina 25
Pahina 26
Pahina 27
Pahina 28
Pahina 29
Pahina 30
Pahina 31
Pahina 32
Pahina 33
Pahina 34
Pahina 35
Pahina 37
Pahina 38
Pahina 39
ChibiChibi (trip lang, post ko ulit :p)
Mafia Heiress Possession - Season 2
Pahina 40
Pahina 41
Pahina 42
Pahina 43
Pahina 44
Pahina 45
Pahina 46
Pahina 47
Pahina 48
Pahina 49
Pahina 50
Pahina 51
Pahina 52
Pahina 53
Pahina 54
Pahina 55
Pahina 56
Pahina 57
Huling Pahina
Epilogue
Extra Untold Moments: Cane & Simone
Extra Untold Moments: Simone & Lihtan
Another Extra Chapter
All about Hurricane
Reader's Favorites, why? Part 1
Reader's Favorites, why? Part 2
Been A While.

Pahina 36

29.7K 1.1K 216
By GoddessNiMaster

Pahina 36
Revelations and Mystery

Third Person's Point of View

Paikot ikot na pinaglalaruan ni Taki ang hawak na maliit na talim habang nakasandal at seryosong nakatingala sa buwan na nagsisilbing liwanag sa pinagkukublian niyang dilim. Ang kulay lila nitong mga mata na singlamig ng yelo ay malinaw nakikita.

Narinig niya ang mga yabag na paparating, gumilid ang mga mata niya nang hindi umaalis sa posisyon at patuloy na pinaglalaruan ang patalim. Sumilay ang ngisi sa mapulang labi ni Taki.

"Mananalo ako, aking binibini." sambit niya sa hangin at hinarangan ang mga paparating.

-

Nakasandal sa lilim na pader at seryosong ngumunguya si Lihtan, habang binabalot ng tela ang kamao. Nakabantay siya hindi kalayuan sa kwarto ni Haring Agnol na may limang bantay na kawal.

Walang pakialam na naglakad si Lihtan sa mga ito at bago pa makahulma sa pagkabigla ang mga kawal ay bumulagta na ang mga ito sa kamaong sumalubong sa kanilang mga mukha. Nakahinga siya nang maluwag dahil humihinga pa ang mga ito nang itapat niya ang daliri sa mga ilong ng mga ito. Hindi na siya nag-aksaya ng oras at tinali ang mga paa ng mga kawal na walang malay at hinila nang sabay sabay gamit ang isang kamay habang may ngiti sa mga labi.

"Parating na 'ko, Cane."

-

Bagot na naglalakad si Tenere sa konkretong bubong habang sinusundan ang mga itim habang nakapamulsa. Hindi naman siya napapansin ng mga ito, at kung mahuli man siya ay pabor pa rin sa kanya. Suwabeng tumalon siya sa harapan ng mga ito habang nakangisi.

"Sino k-"

"Isang beses ko lang sasabihin ang makisig kong pangalan. Tenere, tandaan niyo 'yan."

Ramdam ang pwersa sa hangin ang pag-ikot ng sipa ni Tenere na nakapagpatulog at bali sa mga buto ng kalaban.

"Gandang lalaki ko talaga." pagpag ni Tenere sa mga binti at dinala ang mga nabihag.

-

Yumuko si Simone at hahampasin na sana sa leeg ang isang nabugbog niya nang magtanong ito...

"S-Sino ka? B-Bakit niyo ito ginagawa?" nahihintakutang tanong nito at lakas loob na sinalubong ang mapanganib na mga mata ng binatang kaharap, na walang emosyon ang makisig na mukha at sumilay ang ngisi sa mapulang labi ni Simone.

"To make my love happy, she wants to play." malamig na sagot ni Simone at tuluyan nang nawalan ng ulirat ang naglakas loob na magtanong.

-

Hurricane's Point of View

Mag-isang naglalakad ako sa Kaharian ng Hydor. Nang may biglang humarang sa akin. Nagtatakang tiningnan ko ang Prinsipeng kaharap ko.

"Binibini..." masayang bati nito sa akin. Sinuklian ko ito ng ngiti at nalipat ang tingin sa tila bihag nila. Nakita kong nanlaki ang mga mata nito.

"Ang lapastangan na ito ang nagtangka sa akin. Salamat muli sa pagligtas mo, binibini. Maaari ko bang malaman ang ngalan ng magandang binibining nagligtas sa akin?" sambit ng Prinsipeng kaharap ko.

"Cane... Tawagin mo na lamang akong Cane." inuwang ko ang kamay ko na parang natataranta niyang inabot at nagkamayan kami.

"Kinagagalak kitang makilala."

"Hehehe, ako rin. Maaari ba akong sumama sa inyo?" nakangiting tanong ko.

Nakita kong nabigla ito at napatingin sa bihag nila. Tumango ang Prinsipe na parang nagdadalawang isip pa nung una.

Sumabay ako ng lakad sa gilid ng Prinsipe. May mga napapalingon, nagtataka at nagugulat. Maraming kawal ang nakasunod sa amin at sa hindi kalayuan ay natatanaw ko ang maraming mamamayan ng Hydor na nagkukumpulan. Hanggang sa makarating kami sa...

"Kamatayan ang parusa sa taong ito." malamig na sambit ng Prinsipeng katabi ko.

"May ideya na ba kayo sa nag-utos nito sa kanya?" tanong ko habang nakatingin sa hawak nilang bihag.

"Hindi siya nagsasalita." buntong hiningang sagot ng Prinsipe.

"Ama, huhuhuhu." lumuluhang sigaw ng batang lalaki na hawak ng mga kawal, napalingon ako.

"A-Anak..." nahihirapang bigkas ng bihag.

"Ama... Wag niyo siyang patayin. A-Ama wag mo akong iwan."

Napapikit ako nang mariin at huminga nang malalim.

"A-Aamin na ako."

Napatingin ako sa bihag.

"Sino ang nag-utos sa'yo?" malamig na tanong ng Prinsipe.

"Ang-" bago pa man madugtungan ang sasabihin ng bihag ay may nagliliparang pana na lumipad patungo sa direksyon namin. Tinamaan ang ilan sa mga kawal.

Mabilis na hinugot ko ang dalawang espada ng mga kawal na tinamaan at sinalag ang mga pana.

"Tanyo!" sigaw ng bihag sa kanyang anak na tumatakbo patungo sa kanya.

No...

Bago pa man tumama ang tatlong pana sa bata ay may mabilis na sumalag no'n.

"Taki..."

"Akong bahala, aking binibini." seryosong sambit ni Taki nang hindi lumilingon.

Sa pagtingin ko sa harapan ay nakita ko ang likod ni Simone. At sa pagbaling ko sa ibang direksyon ay nakita ko sina Lihtan at Tenere na nakaprotekta sa Prinsipe at mga mamamayang nagtatakbuhan. Nakahinga ako nang maluwag. Nag-atrasan ang mga nagpapalipad ng pana.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Simone pagkaharap sa akin habang sinusuri ako.

"Ayos lang." marahang sambit ko at ilang segundo pa ay nasa harapan ko na rin sina Lihtan, Tenere at Taki.

"Cane, ayos ka lang?" sabay sabay na tanong nila.

"Ayo-"

"AMA!!"

Nanlaki ang mata ko nang makita ang pagbaon ng pana sa likod ng ulo ng bihag. Walang buhay na bumagsak ang bihag. Mabilis na nilingon ko ang may kagagawan.

Nakita ko ang babaeng may pulang buhok na may hawak na pana.

"C-Cane!"

"Bakit mo 'yon ginawa?" mariing tanong ko rito.

Malamig na ngumisi ito sa akin.

"Nararapat lamang 'yon." sagot nito na nakapagpadilim ng paningin ko.

"Anong karapatan mo?" nabigla ito sa tanong ko. Humakbang ako at matalas na tiningnan ito.

"Anong karapatan mong pagkaitan ng ama ang batang 'yon? Sino ka?" nanginginig sa galit na tanong ko.

"Damn. Calm down." Bulong ni Simone, hindi nakatulong ang pamimigil nila sa galit na nararamdaman ko.

"Sumagot ka. Sino ka?" mariing tanong ko at wala na akong pakialam pa.

"TINATANONG KITA! SINO KA?!" sigaw ko sa sobrang galit at hinila ang damit nito

"Bitawan m-mo ako, lapastangan!"

Mabigat ang bawat paghinga ko, at pigil ko ang sarili ko sa galit na lumulukob sa akin dahil alam kong anumang oras ay hindi ko na makokontrol ang demonyong natutulog sa katauhan ko. Naramdaman ko ang mga patalim na nakatutok sa akin na sa isang iglap ay mabilis ding nawala. Napangisi ako sa ginawa nina Simone, Lihtan, Tenere at Taki.

Walang emosyong hinagis ko sa lupa ang babaeng may pulang buhok. Galit at mabilis na sinugod ako nito ng kanyang espada.

Binitawan ko ang isang espada na hawak ko at walang pagdadalawang isip na sinangga at nilabanan ito.

"Fauna!" sigaw ng mga kasama niya nang makita ang ginawa ko.

Umikli ang mahaba niyang buhok na ngayon ay hanggang ilalim na lang ng tainga.

Patagilid ang ulo na pinagmasdan ko itong gulat na hawak ang buhok.

"Itigil ang kaguluhang ito!" umalingawngaw ang sigaw ni Haring Daimon.

Napabuga ako ng hangin at bumaling sa mga paparating.

"Dakpin ang binibining 'yan at ang apat na 'yan!" sigaw ni Fauna habang nagbabaga ang mga matang nakatingin sa akin.

Tss. Bago pa man kami mahawakan ay...

"Dakpin ang mga impostor na 'yan." malamig na pahayag ni Reyna Yuka.

Nahawi ang daan at doon ay nakita ko ito na diretso ang tindig at walang emosyong nakatingin sa amin.

Umugong ang bulungan...

"Anong ibig sabihin nito, Reyna Yuka?" malamig at makapangyarihang tanong ni Haring Daimon. Malamig na sinalubong ng tingin ni Reyna Yuka si Haring Daimon.

"May katotohanan ang sinabi ni Reyna Yuka." hindi ko inaasahang sambit ni Prinsesa Shea at humakbang...

"Bakit ngayon niyo lang sinabi?" mariing tanong ni Haring Daimon.

"Dahil naaaliw ako sa mga nangyayari at ngayon ay gusto ko nang tapusin ang kahangalan nila dahil hindi na ako nasisiyahan." walang kaabog abog na sagot ni Reyna Yuka. Nagtagis ang panga ni Haring Daimon.

Mabilis na dinakip sila Fauna.

"H-Hindi! Kamahalan! Wag kayong maniwala! Patutunayan kong tunay kami!" pagpupumiglas ni Fauna at ng mga kasama niya.

Tinalikuran ko sila at naglakad patungo sa bata na yakap ang kanyang ama habang umiiyak nang umiiyak. Nanghihinang lumuhod ako at pumantay sa batang lalaki.

Mabilis na yumakap ito sa akin at umiyak nang umiyak.

"Mabuting tao ang aking ama, di ba?" umiiyak na tanong nito. Tumango ako at binuhat ito.

"Naniniwala akong mabuti siya." mas lalo itong umiyak.

Nakita kong binuhat ni Lihtan ang walang buhay na bihag.

"Anong gusto mong gawin sa kanila?" seryosong tanong ni Reyna Yuka na nakapagpahinto sa amin nang malagpasan ko ng dalawang hakbang.

"Naniniwala akong wala sa akin ang desisyon, Kamahalan." sagot ko at sinalubong ito ng tingin.

"Gusto kong marinig ang mungkahi mo. Anong klaseng parusa ang nais mong ihatol?" nakangising tanong ni Reyna Yuka.

Nabalot na katahimikan ang paligid. Walang kurap at emosyong tiningnan ko nang diretso ang Reynang kaharap ko. Ang lahat ay nakaabang sa isasagot ko.

"Sino ako para mag-desisyon?" malamig na tanong ko makalipas ang ilang segundo. Nabura ang ngisi ni Reyna Yuka na parang hindi inaasahan ang naging sagot ko.

"Sino ka nga ba?" tanong ni Prinsesa Veron na kararating lamang kasama sina Prinsesa Alissa at Prinsesa Brena.

"Siya si Cane, may problema ba?" sagot ni Taki na nakapagmaang kay Prinsesa Veron lalo na ng umabante si Taki.

"Hanggang kailan kayo magpapaikot sa babaeng 'yan?" atakeng tanong ni Prinsesa Alissa.

"Mag-ingat ka sa sinasabi mo." malamig na sambit ni Lihtan.

"Wala kayong karapatang magsalita ng ganyan kay Cane." malamig na sambit ni Tenere.

"Tss." singhal ni Simone na kanina pang kinokontrol ang sarili.

Bumuntong hininga ako.

"Tama na." mahinang sambit ko at nagsimula na ulit akong humakbang at naramdaman ko ang pagsunod nila. Humawi sa daraanan namin ang mga nakaharang. Nakatulog ang batang buhat ko.

Bago pa man tumama sa akin ang paparating na punyal ay nasalo ko ito at binato pabalik nang hindi lumilingon.

"Aaaaah!!"

Nakita ko ang pagtarak ng patalim sa kamay ni Fauna na nakabaon ngayon sa kahoy at hindi mabunot. Malamig na pinagmasdan ko ito at hinugot ang tatlo kong maliit na patalim ko sa baywang ko at muling binato. Muling bumaon ang mga patalim ko sa isang kamay at dalawang binti nito.

"Aaaaaaaaah!!!" puno ng sakit na sigaw nito.

Nakita ko ang pagbalatay ng takot sa mata ng iilan at gulat.

"Masyado kang magalaw, kailangan mong pumirmi." halos hindi ko na makilala ang sarili kong boses at matalas itong tiningnan.

Naramdaman ko ang kaunting galaw ng batang buhat ko. Binalik ko ang tingin dito.

"Isa pang ingay mo, babaon sa lalamunan mo ang huling punyal ko." mapanganib na banta ko. Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ko at hindi na muling gumawa ng ingay.

Marahang nilipat ko sa bisig ni Simone ang bata. Naguguluhan man ay kinuha niya ito. Hinarap ko ang babaeng hindi makagalaw ngayon dahil sa mga punyal na nakabaon sa magkabilang kamay at binti nito.

Hinugot ko ang huling punyal ko.

"A-Anong gagawin m-mo?!" nahihintakutang tanong ni Fauna.

Nilagyan ko ng malalim na ekis ang pisngi nito.

"Wag kang mag-iingay, magigising ang bata." banta ko nang magsisimula itong mag-ingay.

"H-Halimaw! Demonyo!" nanginginig na sambit nito. Galit ang nakikita ko sa mga mata nito ngunit mas nangingibabaw ang matinding takot nito.

Ganyan nga matakot ka...

Lumayo ako upang makita ang sining na gawa ko.

"Marka ko 'yan sa'yo. Wag mong kalilimutang ako ang may gawa niyan, mabuhay ka man o mamatay." walang emosyong sambit ko

Nilisan namin ang palasyo ng walang nakakaalam.

"Cane..."

Nakaupo ako sa damo at nakanaw sa kaharian ng Hydor habang nililipad ng sariwang hangin ang buhok ko.

Naramdaman kong tumabi sila sa akin.

"Kung hindi ako nahuli, may nagawa sana ako." sambit ko.

"Hindi mo kasalanan, Cane." sambit ni Lihtan.

Huminga ako nang malalim.

"Ako ang dapat sisihin, kung napansin ko sana..." napalingon ako kay Taki ng sabihin niya 'yon. Nakita ko siyang nakayuko at kuyom ang kamao.

"Ako ang pinakamalapit sa kanila kaya ako ang dapat sisihin." seryosong sambit ni Tenere.

"Kung ganoon ay kasalanan ko pala dahil ako ang pinakamalapit sa babaeng 'yon." nagsisising sambit din ni Lihtan.

"Manahimik kayo, ako ang may kasalanan dahil ako ang-" mabilis kong tinakpan ang bibig ni Simone at nakangiwi silang tiningnan.

"Walang may kasalanan sa inyo." sabay sabay kaming napalingon sa batang lalaki.

"Salamat po dahil naniwala kayong hindi masamang tao ang ama ko." bigla itong yumuko sa harapan namin.

May tipid na ngiti na humarap ito sa amin.

"Hindi na siya mahihirapan ngayon, makakapagpahinga na siya." lumuluhang sambit nito.

Biglang may alaalang bumalik sa akin dahil sa sinabi ng batang kaharap namin.

"Hindi na siya mahihirapan ngayon, makakapagpahinga na siya." ulit ko sa sinabi nito at tipid na ngumiti nang may maalala...

"...naaalala ko ang sarili ko noon nang bigkasin ko ang salitang 'yan. Kasing edad mo rin ako noon." mahinang sambit ko habang nakanguso at huminga nang malalim.

"T-Talaga po? Ibig pong sabihin wala na rin siya?"

"Nawalan siya ng buhay dahil sa malubhang karamdaman." sagot ko at ginulo ang buhok ni Tanyo.

"Nalulungkot pa rin po ba kayo?"

"Hindi, sabi niya kasi magiging masaya siya kapag masaya ako."

"Masaya po ba kayo?"

Ngumiti ako at tumango.

"Masaya ako dahil kasama ko sila, hehehe." turo ko kina Simone, Lihtan, Tenere at Taki.

"K-Kung magiging masaya po ba ako, magiging masaya ang aking ama?"

Tinitigan ko ang mga mata nito at tahimik na tumango.

"Nasisiguro kong iyon ang magugustuhan ng iyong ama na magpatuloy ka at sumaya."

Ang inosente nitong mga mata ay parang nakukuha ang sinasabi ko at tumango.

"Hindi ko po alam kung saan ako pupunta, ate ganda."

Mahina akong natawa sa tawag nito sa akin.

"May tatanggap sa'yo, at tiyak na magugustuhan ka. Doon maaari kang magsimula at sumaya." sa sinabi kong 'yon ay nakangiting tumango ito.

"Sige po, ngunit makikita ko pa po ba kayo?"

"Magkikita pa tayo at sa muli nating pagkikita, gusto kong masaya ka."

"Opo, ate ganda!"

"Ako na ang maghahatid sa kanya, Cane." sambit ni Tenere at binuhat ang batang si Tanyo.

"Sige, mag-iingat kayo, Tenere." nakangiting tumango siya sa akin at kina Simone, Lihtan at Taki.

Pinanood namin ang mataas na pagtalon ni Tenere.

"Tapusin na natin ang larong sinimulan nila." sabay sabay silang tumango sa pinahayag ko.

"Sabihin mo lang, aking binibini! Gagawin ni Taki!" -Taki

"Makakaasa ka, Cane." -Lihtan

"Your wish is our command." -Simone

Huminga ako nang malalim at tumango. Ilang saglit pa'y na-kumpleto na silang apat sa paglapag ni Tenere sa tabi nila.

Give me the strength to protect these men. Lalaban ako hangga't hindi ako natutumba. Ayaw ko nang muling maramdaman ang mawalan sa kakulangan ko ng kakayahan. Not them. I'm willing to unleash my demons in order to protect them.

"Cane, b-bakit ka umiiyak?" -Lihtan

Gusto kong maging malakas pa.

"C-Cane..." -Tenere

Nag-iwas ako ng tingin at mahinang tumawa para pagtakpan ang pangamba ko. Ganito pala ang matakot, noon kasi wala akong kinatatakutan.

Dad, Mom, sa tingin ko ay naging mas malakas na ako. Hindi po ba ang sabi niyo, malakas ang taong may pino-protektahan? Na may pinahahalagahan? Malakas ang taong may mabuting hangarin na lumalaban para sa mga mahal niya?

"H-Hey..." -Simone

"Aking binibini..." -Taki

Sabay sabay nila akong niyakap. Yakap na hindi nakakasakal, yakap na para akong hinihele, yakap na ipararamdam na ayos lang ang lahat.

"Hehehe, pagkatapos ng lahat lahat ng ito, gusto niyo bang sumama sa akin?"

Sabay sabay silang gulat na humiwalay sa akin maliban kay Simone na may tipid na ngiti pero nag-aalala pa ring nakatingin sa akin.

"Isasama mo kami Cane sa pinanggalingan niyo?" nagniningning na mga matang tanong ni Lihtan. Hahaha.

"Waaaaah! Yung may matataas na gusali? Yung may kakaibang lumilipad sa kalangitan na may sakay na maraming tao? Yung may gumagalaw nang kusa?" tuwang tuwa at sunod sunod na tanong ni Taki at inalog ang magkabilang balikat ko. Humahalaklak na tumango ako nang paulit ulit.

"Ibig sabihin magkakasama na tayong lahat sa inyo, Cane? At makikilala namin ang pamilya mo?" di rin maawat na tanong ni Tenere. Paulit na tumango ako at bahagyang napaatras sa sunod sunod na hakbang nila habang tawa nang tawa hanggang sa mabunggo ako sa malapad na bagay. Naamoy ko ang pamilyar na si Simone na isa isang nilayo ang makulit na mukha nina Lihtan, Tenere at Taki na kulang na lang magkapalit-palit ang mukha dahil sa pagkakadikit. Hahaha.

"Magiging ganap na tao kayo ro'n." nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ni Simone.

"Hindi kami tao?" singhap ni Lihtan.

"Bawal ba ang halimaw sa kakisigan doon?" di makapaniwalang tanong ni Tenere. HAHAHAHAHAHAHA!

"Gusto kong maging tao! Gusto ni Taki! Taki! Takiiii!" inalog ni Taki si Simone na parang nakasalalay kay Simone na mangyari 'yon.

"S-Shit..." mahinang mura ni Simone. Nauwi sa paghahabulan ang mga ito at sabay sabay na pinag-agawan si Simone.

"Bitawan niyo akong mga baliw kayo!" pagpupumiglas ni Simone. Hahaha.

"Marami bang masasarap na pagkain doon, Simone?" -Lihtan

"Oo nga. Marami ba, Simone?" -Taki

"Marami bang maganda ro'n?" -Tenere

Lumingon si Simone sa akin na gusto yatang humingi ng tulong. Nakangiting pinanonood ko sila. Nakita ko ang pagkalma niya at sunod sunod na binatukan ang tatlo.

"Araaaay!"

"Aray."

"Ang sakit non, mahal ah!"

Himas himas ng tatlo ang mga ulo ngunit hindi pa rin nagpapigil at kumapit sa braso ni Simone.

"Simoneeeeeee!"

"Simone! Simone! Simone"

"Siiimooonnneeee!"

"Argh! Damn! Tao na kayo! Oo, tao na kayo!" sabay sabay na suminghap ang tatlo.

"T-Tao na tayo." -Lihtan na parang nakahinga nang maluwag. Hahaha.

"Tao na nga tayo, hahaha!" -Tenere na sumuntok sa hangin nang paulit ulit.

"Aking binibini! Maaari na kaming sumama! Tao na kamiiiii!" -Taki na nagagalak na binalita ang mabuting balita at inalog na naman ang magkabilang balikat ko.

Mahinang nasapo ko ang noo ko habang tawa nang tawa. Kaya pala hindi nila tinigilan si Simone, sa pag-aakalang hindi makakasama kapag hindi naging tao. Mygod. So cute.

"Hahahahahaha. Oo, magandang balita nga 'yan."

Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso ko nang makita ang saya sa mga mukha nila.

"Bago tayo lumisan, may kailangan pa akong tuparin. Hehehe." nguso ko at napapakamot sa ulong sambit ko.

"Sasamahan ka namin kahit saan, aking binibini!" -Taki

"Oo nga, Cane." -Lihtan

"Tama! Sasamahan ka namin." -Tenere

"Don't need your permission, kung nasaan ka, kahit saan, susundan at sasama ako." seryosong sambit ni Simone.

"Salamat." nakangiting sambit ko at inangat ang kamao ko.

"PISBAM!"

Sabay sabay kaming nagpakawala ng masayang ngiti.

"PINGKE TWER!" -Lihtan

"PINGKE TWER!!"

"PAYTING NAMAN! PAYTING!" -Taki

"PAYTIIIING!"

"TAMSAP! TAMSAP!" -Tenere

"TAMSAP!"

"Heart." sabay sabay kaming napatingin kay Simone na inangat ang kamay at naka-heart ang daliri.

Pfft~! Omygosh!

"Hart?" -Lihtan, Tenere at Taki na ginaya ang porma ng daliri ni Simone. Hahaha.

"Saranghae, Simone." sambit ko at nag-heart shape sa harap niya. Namula ang buong mukha niya!

"Nag-iba ang kulay ni Simone! Ang galing! A-ang galing!" manghang sambit ni Taki.

"Serenghey, Simone." sambit ni Lihtan at inosenteng nag-heart shap. Pwahahahahahaha! Mas lalong namula si Simone na nakapagmangha lalo sa kanila. Hahahahahaha!

"Serenghey! Serenghey! Serenghey" paulit ulit na sambit nina Lihtan, Tenere at Taki habang nakatutok kay Simone ang naka-heart shape nilang kamay. Hahahaha.

"D-Damn." mahinang mura niya at napahilamos sa mukha. Nangingiting lumapit ako sa tainga niya.

"Serenghey." mahinang bulong ko.

"Serenghey." bulong din nila sa kabilang tainga ni Simone. Hahahahahaha. Ang kulit nila.

"Serenghey. Serenghey." bulong nung tatlo sa tainga ni Simone na may kasamang ihip pa. Hahaha.

Sinamaan sila ng tingin ni Simone.

"You really love teasing me huh?" sumusukong tanong ni Simone at pinanliitan ako ng mata at may multo ng ngiti sa labi.

"Am I?" inosenteng tanong ko at nag-puppy eyes. Bigla siyang pumikit nang mariin at nang dumilat ay parang di malaman ang gagawin sa akin. Hahaha.

"Serenghey... Serenghey..." patuloy sa pagha-heart heart ang tatlo. Hahaha.

Sumilay ang ngiti ni Simone na saglit na nakapagpatulala sa akin lalo na nang humalakhak ito at ginulo ang buhok ko.

"Tss." singhal niya nang nakangiti

Ngumuso akong dumungaw sa kanya.

Naramdaman kong may humawak sa buhok ko. Pagtingin ko ay si Lihtan na namamangha.

"Pumupula ulit ang buhok mo, Cane." sambit ni Lihtan.

"Bakit ganyan ang buhok mo, Cane?" tanong ni Tenere na nakahawak na rin sa buhok ko.

"Oo nga! Ang galing! Ang lambot, hehehe." sambit ni Taki na hawak ang buhok ko.

Nabasa ko sa mga tingin ni Simone ang kagustuhang malaman ang dahilan.

"Noong tatlong taong gulang ako ay nadukot ako at ginamit bilang ekspiremento." panimula ko nang marahan. Nabitawan nila ang buhok ko, at nang mag-angat ako ng tingin sa kanilang apat ay bakas ang gulat at hindi makapaniwala sa nalaman.

"Sabihin nating ako lang ang nagtagal na buhay sa lahat ng batang in-ekspirementuhan nila? Hindi man ako nalalason, may mga naging epekto pa rin 'yon sa akin katulad ng pagpula ng buhok ko t'wing umaaraw. Hehehe, pero sa ngayon ito pa lang ang nakikita kong epekto. Ang ganda ng kinalabasan kahit papaano." nakangusong sambit ko habang nakatingin sa dulo ng buhok ko.

"Hindi ko nga mabilang kung gaano karami ang tinurok nila sa akin." dagdag ko pa.

Wala pa rin akong narinig na nagsalita sa kanila. Napabuntong hininga ako at tiningnan sila na seryosong nakatingin sa akin.

"Tumagal ako ng tatlong oras doon. Natagpuan ako ng pamilya ko at binura sa mundo ang mga dumukot sa akin at naligtas ang iba pang mga bata. Ligtas na sila ngunit hindi na gaanong normal. Sa tindi ng mga tinurok ay namanhid sila, hirap umintindi, walang pandinig, walang panlasa, malabo ang mata at hindi makapagsalita." Hindi ko maiwasang malungkot para sa mga batang 'yon. Bumibisita kami ng buong pamilya ko ro'n buwan buwan.

"I-Ilang beses ka na nalagay sa piligro, C-Cane?" -Lihtan

"Hindi ko na binilang, parte ng buhay namin ang panganib kaya naman natatakot akong ako ang maging dahilan na malagay kayo sa piligro dahil ako ang nagsama sa-"

"Wag kang mag-isip ng ganyan, aking binibini. Masaya si Taki dahil sinama mo ako." may kasamang padyak ni Taki.

"Oo nga Cane! Wag kang magsalita ng ganyan, wala kami kung wala ka!" -Tenere

"Tama sila, Cane, at isa pa, hindi ka manganganib kung hindi mo kami hinanap." -Lihtan

"Makinig ka sa mga baliw na 'yan." -Simone

Nakangiting tumango ako. Nauwi sa kwentuhan ang buong maghapon namin. Ako, na nagdadaldal ng mga naging karanasan ko. Sila, na buong atensyong nakikinig. Minsan tatawa sila, minsan di malaman kung maiiyak, malulungkot at minsan biglang nagseseryoso. Di ko masisisi ang mga reaksyon nila dahil sa bata kong edad noon ay ang dami ko nang naranasan at hindi na rin mawawala roon ang mga kalokohan ko sa buhay. Hehehe.

Hanggang sa dumilim na at bumigat ang talukap ng mga mata ko at nakatulog.

Lihtan's Point of View

Nakapatong ang aking baba sa magkadikit kong tuhod habang inaalala ang lahat ng binahaging kwento ni Cane.

Nakita kong tulad ko ay nakatulala rin sa apoy sina Simone, Tenere at Taki.

Hindi ako makapaniwala sa lahat ng nalaman namin. Hindi ko lubos maisip...

Kalmado siyang nagku-kwento sa mga nilalahad niya habang ako ay kumikirot ang puso at nahihirapang huminga.

Alam kong hindi lang ako ang nakakaramdam noon. Maging sila. Bago pa man magkakilala sina Simone at Cane ay nakaranas na ng ganoong hirap si Cane.

Sabay sabay kaming napabuntong hininga.

"Simone..." pukaw ni Tenere nang seryoso. Iba ang pagseseryoso ni Tenere at nakita ko ang seryosong pag-angat ng tingin ni Simone.

"Ingatan mo si Cane." seryosong sambit ni Tenere.

Tumango ako. Matagal ko nang napapansin 'yon, at ang madalas na pagngiti ni Simone. Ang segu-segundong pagtingin niya kay Cane, ang ningning ng mga mata niya. Napangiti ako, parang baliw si Simone na nahuhuli kong nakangiti mag-isa kaya nabatukan ko siya.

"T-Tss. Oo, di ko siya sasaktan." namumulang sambit ni Simone.

"Dapat lang! Yari ka sa akin kapag pinaiyak mo ang aking binibini! Kahit na magkatuluyan kayo, si Cane pa rin ang nag-iisang importanteng binibini sa buhay ni Taki!" may himig pananakot ni Taki.

Inangat ko ang kamao ko kaya napatingin sila sa akin.

"Tatama sa'yo ito oras na saktan mo si Cane." banta ko. Nginisihan ako ni Simone.

"Mamamatay muna ako bago ko siya saktan." sambit ni Simone.

"Kahit na mahal kita, Simone, tatamaan ka rin ng paa ko oras na paiyakin mo si Cane." banta ni Tenere.

"Narinig mo 'yon Simone? Hindi ka bubuhayin ni Tenere at Lihtan. HAHAHAHAHAHAHA. Mag-isip isip ka na!" -Taki

"Simone, ayos lang bang aking binibini pa rin ang itawag kay Cane?" nakangusong tanong ni Taki.

"Bahala ka sa buhay mo." bagot na sagot ni Simone. Dinamba siya ng yakap ni Taki.

"Hehehehe. Salamat, Simone."

"Mahal ah? Wag mong kalilimutan ang mga pinagsaluhan natin." natawa ako nang batuhin siya ni Simone nang maliit na kahoy na mabilis na nailagan ni Tenere.

"Simone, anong plano ni Cane sa mga bihag?" tanong ko.

"Hindi ko alam ang takbo ng utak ng babaeng 'yon hanggang ngayon."

Tama si Simone. Hindi pa rin namin lubusang mabasa ang takbo ng isip ni Cane. Napaka-komplikado, nakakalito at tuwing makakaharap namin siya ay parang humaharap kami sa isang hindi masolusyonang tanong. Ang maamo niyang mukha, ang ngiti, tingin at salita niyang maraming kahulugan. Napaka-misteryoso pa rin niya sa kabila ng mga nalaman namin. Hindi na mawawala sa pagkatao ni Cane ang pagiging mahiwaga. Napangiti ako nang tipid.

Kahit na sabihin niyang hindi siya mabuting tao, naniniwala ako sa kanya.

Siya ang pinakamabuting taong nakilala ko. Ang may pinakamagandang mata, ngiti at tawa. Ang nagbigay liwanag sa amin at ang nagbigay ng pangalan sa akin.

Magiging masaya ako dahil masaya siya, dahil ganoon ang pagmamahal. Alam kong ganoon din sina Tenere at Taki. Di lingid sa kaalaman ni Simone 'yon. Kung may nararapat man kay Cane ay alam kong si Simone 'yon. Hindi naman ako nasaktan nang malaman ko na sila na ni Simone. Masaya ako at maging sina Taki at Tenere dahil sa wakas tuluyan nang naging lalaki si Simone.

"Pabatok nga, Simone." sinamaan niya ako ng tingin.

"Tigilan mo ko Lihtan, nakakarami ka na."

"Hahahahahaha. Oo nga mahal! Sa wakas lalaki ka na!" -Tenere

"Hehehehe. Pabatok pabatok pabatooook!" -Taki

"Basta tag-iisang sapak sa inyo." ngisi ni Simone.

Masakit ang sapak ni Simone. Nakita kong nilayuan siya ni Taki.

Pffft~!

"Sabi nga ni Taki, hindi na. Hehehe. Damot." -Taki

"Napakamisteryoso mo rin, Simone." sambit ni Tenere na nakalumbaba habang pinagmamasdan si Simone.

"Mas misteryoso kayo." salubong ang kilay na sambit ni Simone.

"Bakit?" tanong ko.

"Dahil sa kakayahan niyo, kung paano kayo napunta rito at higit sa lahat..." tiningnan kami ni Simone isa isa.

"....sino ba talaga kayo?" natigilan kami sa tanong ni Simone.

"Bukod sa mga baliw kayo na sinama namin wala na akong ibang alam sa inyo bukod sa mga may sira kayo sa ulo." tumatangong dagdag ni Simone.

Napangiwi ako sa sinabi ni Simone.

Ngunit sa tanong na 'yon ni Simone ay di ko akalaing itatanong ko 'yon sa sarili ko.

"H'wag kayong mag-alala. May mystery and thriller ang genre natin at dahil mga baliw kayo nadagdagan ang genre natin, may psychological na. Balak na yatang pasukin ni GoddessNiMaster ang lahat ng genre." sambit ni Simone na natatawa pa.

Ha?

"Nababaliw ka na naman Simone, malala ka na." naaawang sambit ni Taki. Napasimangot si Simone dahil do'n. Pfft~

"Nag-aalala na kami sa'yo, mahal. Hinay hinay lang, matutuluyan ka na." paalala ni Tenere.

"Simone, totoo bang isang beses pa lang nakapatay si Cane?" tanong ko.

"Totoo. Hindi siya basta pumapatay, mas gusto niyang nagdurusa nang sobra ang kalaban niya. Kung papatay man siya ay dahil 'yon sa wala na siyang nakikitang dahilan." malamig na sambit ni Simone.

"Hindi siya gumaganti, dahil mas gusto niyang lumalamang. Ganoon siya ka-tuso. Na sa likod ng mala-anghel niyang pagkatao ay may natutulog na halimaw at sa larong pinasok niya ngayon, kailangan na nating maghanda."

Di ko maiwasang kabahan, sabay sabay na nilingon namin si Cane na mahimbing na natutulog sa puno.

Continue Reading

You'll Also Like

7.2K 566 36
[UNDER MAJOR EDITING - READ AT YOUR OWN RISK] Astrid Sullivan is living her ordinary student life not until she and her friends decided to confirm t...
182K 5.9K 32
I can tell when people are lying. Gaya ng isang lie detector machine, nakakaramdam ako ng munting boltahe ng kuryente na dumadaloy sa katawan ko sa t...
60.1K 1.5K 39
Anong klaseng eskwelahan ito? Napaka misteryoso. Sino ba ang nagtayo ng ganitong klaseng unibersidad ? Anong klaseng mga estudyante ba ang mga nagaar...
706K 25.8K 70
EDITED "Usually, people think that I'm a strong person. But behind my strong aura they just don't know how much im in pain and almost damn broken."...