Section F ( BOOK 1, COMPLETED)

By rherrerakaitlyn

146K 3.9K 188

Noong pagpasok ko sa paaralang ito, ang una kong akala magiging normal na ang aking buhay. Hindi pala. Bakit... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
AUTHOR'S NOTE
BOOK 2

Chapter 35

2.1K 57 3
By rherrerakaitlyn

Ziah's POV:)
Lunch na sa school at umuulan pero hindi ko alam kung bakit gustong ko pa ding pumunta sa garden. Noong naglalakad na ko papunta doon, nakasalubong ko si Jin pero nilagpasan niya lang ako. Hindi niya rin ako tinapunan ng tingin.

Noong dumiretso na ko sa garden, napatigil ako sa harap ng paborito kong pwesto. Wala na akong pake kung umuulan. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na masaktan ngayon dahil nakikita ko si Ruki at si Marielle na naghahalikan na para bang wala silang pake sa mga nangyayari sa paligid nila.

Dapat ko pa rin bang pagkatiwalaan si Ruki? Hindi ko alam kung nagsisinungaling siya sa akin noong araw na yun. Siguro nga panaginip ko lang ang lahat ng iyon pero kasi parang totoo talaga. Siguro dahil umasa ako. Nagulat naman ako nang may biglang nagtakip sa mga mata ko.

"Don't look." Sabi ng isang pamilyar na boses

Alam kong si Jin yun. Sobrang kalmado niya at ang baba ng boses niya. Akala ko umalis na siya? Dapat iniwasan niya na lang ako. Ayokong makita niya akong ganito.

Noong tinanggal niya ang mga kamay niya sa mga mata ko. Bigla niya akong hinarap sa kanya. Maraming beses ko na tong tinatanong sa sarili ko, bakit hindi na lang kaya ako kay Jin nagkagusto? Sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit si Ruki pa?

"Don't cry." Maikling sabi ni Jin

Walang emosyon sa mga mata niya. Masakit. Paano ko magagawa ang hindi umiyak? Noong pagkakita ko pa lang sa eksenang iyon, hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Masakit e." Sabi ko

Nagulat naman ako noong bigla niya akong niyakap. Naririnig ko ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Sana ganyan din ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Bakit? Bakit siya pa? Bakit hindi mo magawang makita yung ibang mga taong nagmamahal sayo? Bakit mo iniiyakan ang taong sinasaktan ka lang?" Tanong ni Jin

Tinamaan ako. Bakit nga ba? Bakit ko nga ba hinahabol ang taong sinasaktan lang ako? Bakit nga ba hindi ko muna isipin ang sarili ko? Kumalas ako mula sa pagkakayakap niya sa akin.

"Mahal ko siya e. Wag kang magalala. Kapag napagod na ako, susuko ako. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko siya kayang sukuan ngayon. Thank you, Jin. Palagi kang nandyan para sa akin. Na-appreciate ko yun. Hindi ko lang masusuklian ang pagmamahal na binibigay mo sa akin." Sabi ko

Tumango lang siya bilang tugon. Kinuha niya ang bag niya at naglabas siya ng payong mula dito. Binigay niya ito sa akin. Naglabas din siya ng panyo at inabot din ito sa akin. Pagkatapos noon, naglakad na siya palayo sa akin.

Hindi ko na siya kayang saktan kaya hiniling ko sa kanya na lumayo mula sa akin. Hindi ko lang alam kung bakit tuwing nasasaktan ako, siya yung laging nandyan para sa akin. Para bang hindi siya nasasaktan.

Nagdecide ako na manatili dito dahil wala na sila Ruki. Naupo naman ako sa usual na inuupuan ko tuwing break time. Napahinga ako ng malalim. Marami na kong nasaktan. Dapat na ba akong umalis?

Noong hindi ko na naramdaman na may tumutulong ulan sa akin, napatingin ako sa taas at may nakita akong payong. Napatingin naman ako sa taong may hawak ng payong at nakita si Damon.

"Gusto mo bang magkasakit?" Tanong ni Damon

Tinignan ko lang siya. Paano yung mga taong maiiwan ko dito? Mami-miss kaya nila ako? Madami akong naging kaibigan dito, yung iba naman nakaaway ko.

"Alam ko namang gwapo ako no pero hindi mo naman ako kailangan titigan." Sabi ni Damon

Ang kapal naman pala talaga ng mukha niya. Umirap na lang ako bilang tugon sa sinabi niya.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko

Huminga siya nang malalim bago siya umupo sa tabi ko. Hawak hawak niya pa rin ang payong. Tumingin siya sa akin ng may kasamang ngiti.

"Wala. Gusto lang kitang makita." Sagot ni Damon bago siya nagiwas ng tingin

Hindi niya naman ako ki-kitain ng ganito unless may importante siyang sasabihin sa akin.

"Geojismal jaeng-i." Sabi ko [Liar]

"Hindi man ako pinanganak sa Korea katulad mo pero tumira ako sa Korea ng ilang buwan noong bata ako. Kaya marunong ako ng onting korean. Hindi ako sinungaling, Ziah." Sabi ni Damon na may kasamang ngiti

Hindi ko in-expect na maiintindihan niya pala yung sinabi ko. Pwede ko naman pala siyang kausapin gamit ang ibang language e.

"Really, Damon? Tama na ang pagsisinungaling. Tell me why you're really here?" Sabi ko

Tumawa siya bago siya tumango.

"I'm actually leaving." Sabi ni Damon

Napatingin naman ako sa kanya at bigla siyang hinampas sa ulo.

"Aray ko!" Sabi ni Damon

"Bawal kang umalis!" Sigaw ko

Ako nga, ngayon ko lang naisipang umalis ng bansa e pero iniisip ko pa rin na hindi ko kayang iwan ang mga kaibigan ko dito. Alam ko namang kailangan ko nang magdesisyon agad pero hindi ko naman alam kung saan ako pupunta kung sakali mang aalis ako.

"Bakit nanay ba kita?" Tanong ni Damon

Oo, nandito ang dalawa kong kapatid at ang best friend ko pero hindi nila maiintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Kapag umalis si Damon, wala na kong makakasama.

"Kung aalis ka, sasama ako." Sabi ko

Napatingin naman siya sa akin nang may pagkagulat sa kanyang mga mata.

"What?" Tanong ni Damon

Mukhang litong lito pa rin siya sa desisyon ko. Hindi ko rin naman inaasahan na masasabi ko to.

"I'm coming with you." Sagot ko

Yung tingin sa akin ni Damon ngayon, parang hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ko. Babalik din naman kami sa Pilipinas e, wala namang big deal doon.

"It's going to take me years to come back here." Sabi ni Damon

Wala naman sigurong masasaktan kung aalis ako diba? I'm leaving for my own good naman. This time sarili ko naman ang iisipin ko.

"So? It's fine with you." Sabi ko

Napahinga naman siya nang malalim.

"Ziah. Babalik ako after seven years. Think about it. Think about those people na maiiwan mo dito." Sabi ni Damon

He's really going to try to convince me to stay pero alam ko sa sarili ko na, gusto ko na munang magpakalayo.

"I'm coming with you. Whether you like it or not." Sabi ko

Napatingin naman siya sa akin nang may pagaalala sa kanyang mga mata. Alam kong gusto niyang maging maayos ang relasyon ko sa mga kaibigan ko pero ayos lang naman talaga kami e. Kailangan ko lang i-distansya yung sarili ko mula sa kanila.

"Aalis tayo next week. Alright? Para makapagpaalam ka na rin sa mga kaibigan mo." Sabi ni Damon

Sinara niya ang payong niya dahil napansin niya na hindi na umuulan. Huminga muna siya ng malalim bago siya lumakad palayo. Wala pang isang araw noong sinasabi sa akin ni Ruki na wag ko siyang susukuan. Kung titignan mo sila na naghahalikan kanina, wala naman talaga silang problema na dalawa.

Sa tingin ko, mahal niya naman talaga si Marielle. Siguro nga oras na para sa akin na magpakalayo na lang muna. Wala na namang point na manatili pa ako dito e. Wala na naman akong karapatan pang hintayin siya. Pinakita niya lang sa akin na dapat kamuhian ko siya. Mahal ko pa siya and I know that I'll always love him. Hindi ko naman maalis yun e pero siguro dapat ko nang ipakita sa kanya na kaya kong mabuhay ng wala siya.

Hintayin mo ko, Ruki. Makakapag-move on din ako sayo.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
malapit ng matapos tong first book but don't worry, i have something in store for you guys. i hope that you enjoyed reading this chapter!

thanks,
X

Continue Reading

You'll Also Like

Class Z By arathyst

Mystery / Thriller

31.8K 1.2K 68
Si Briella Xandra Garcia o mas kilala bilang Xandra, ay isang simpleng istudyante lamang. Ngunit nagbago ang lahat ng 'yon ng mapunta siya sa tinataw...
97.3K 4.7K 39
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
33.6K 2.4K 43
Asher june san jose,Isang basag ulo at pasaway na babae,kaya sa ugali niya nailipat siya sa isang eskwelahan na makakapagbago ng kanyang buhay at pat...
109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...