Ziah's POV:)
Buong gabi napagisip ko kung bakit kailangan kong pansinin ang mga tao mula sa Section F kung sila mismo ang hindi pumapansin sa akin. Bakit ko pa kailangan ipagsiksikan ang sarili ko kung ayaw naman nila sa akin.
Naglalakad ako ngayon sa hallways. Nang makarating ako sa bago kong classroom, huminga muna ako nang malalim. Eto pa lang ang unang beses na papasok ako sa bago kong classroom dahil nung una kong pagpunta dito, wala nang tao. Agad naman akong pumasok at napatingin naman sa akin ang mga estudyante.
"Welcome to Section 5, Ziah!" Sigaw nilang lahat
Hindi ko ine-expect na ganito ang unang araw ko dito. Malalapitan naman pala silang lahat. Noong napatingin ako sa gawi kung saan nakaupo si Damon, nakita ko itong nakangiti sa akin. Ngitian ko din siya pabalik.
"Thank you for welcoming me." Sabi ko
Nagulat naman ako nung lumapit sa akin ang mga kaklase kong lalaki. Yung mga babae naman ay nakangiti lang sa amin.
'Ang ganda mo pala sa personal, Ziah.'
Napangiti ako. Hindi ko alam na ganito pala sila kabait. Akala ko masasama ang mga ugali nila noon, siguro kasi lahat ng section hindi maganda ang relasyon kasama ang Section F.
'Sana maging close pa tayo!'
Sana nga makasundo ko lahat ng mga kaklase ko dito.
'Sana hindi ka na ilipat ng section.'
Napasimangot naman ako ng konti. Hindi naman sa hindi ako masaya dito. Nasanay lang ako na ang mga kasama ko ay ang mga tao sa Section F.
Napahinga na lang ako ng malalim. Naalala ko nanaman ang Section F. Hindi sila ganito ka-friendly. Pag nakilala mo naman na sila, masaya na silang kasama. Mahilig din silang magkwento.
Bakit nga ba sila ang inaalala ko ngayon? Hindi ko na dapat sila inaalala. Dapat maging masaya na ko sa kung nasaan ako ngayon. Tutal binabaliwala na lang naman nila ako.
"Guys, hayaan niyo muna siyang magadjust dito." Pag singit ni Damon
Si Damon din ang nandyan para sa akin noong panahong wala sila Jin at Kit. Best friends ko si akin tsaka si Kit nung panahong nasa Section F pa ko pero ngayon, hindi ko na alam kung magkaibigan pa rin kami.
"No, it's okay!" Sabi ko bago ko sila bigyan ng isang maliit na ngiti
Gusto ko magkaroon ng mga bagong kaibigan. Nagulat naman ako nang may biglang humawak sa kamay ko. Napatingin naman ako sa gawi nito at nakita si Kit.
"A-Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko
Napansin ko naman na nakatingin sa kanya ang buong klase. Bakit naman siya nagpaparamdaman ngayon kung kailan hindi ko siya gustong makausap.
"Let's talk." Sagot ni Kit
Bigla namang may nagtanggal ng pagkakahawak ni Kit sa kamay ko. Napatingin naman ako sa kung sino ito at nakitang isa pala siya sa mga kaklase ko. Gwapo siya pero mas gwapo pa rin si Ruki.
"Leave. Bawal ang mga taga ibang section dito." Sabi nung isa kong kaklase
Isa pa lang ang kilala ko sa kanila. Hindi ko pa natatanong kung anong mga pangalan nila.
"Wala kayong pake. Kakausapin ko si Ziah." Sabi ni Kit
Para wala nang away na mangyari sa pagitan nila, kakausapin ko na si Kit. Pagkatapos nito, hindi na nila ako pwedeng kausapin ulit.
"I'll talk to him." Sabi ko
Napatingin naman silang lahat sa akin. Bigla namang may nakapintang pagaalala sa mga mukha nila. Nagbigay na lang ako ng isang maliit na ngiti para sigurado silang walang mangyayaring masama sa akin.
~ TIMESKIP: GARDEN ~
"Bakit pinili mong umalis ng section natin? Alam mo ba kung gaano kasakit ang makita kang umalis." Sabi ni Kit
Dapat ko siyang saktan para iwasan niya na ko. Hindi na tama to. Hindi pwedeng ganito na lang palagi ang mangyayari sa pagitan namin.
"I don't want to be there anymore." Pagsisinungaling ko
Sobrang sakit sa parte ko na kailangan kong magsinungaling sa sarili kong best friend pero kinakailangan kong gawin to upang maging masaya na siya kasama ang Section F.
Dapat matutunan niya na, na bumalik sa dati niyang buhay.
"Stop lying, Ziah." Sabi ni Kit
Nahahalata niya pa rin yun? Napahinga ako ng malalim. Kailangan ko pa siyang saktan para iwasan niya na talaga ako. Ayokong ma-attach siya sa akin.
"Alam mong hindi ako nagsisinungaling. Mag best friend na tayo simula nung pumasok ako sa section natin pero ngayon, kinamumuhian na kita. Sana hindi na lang kita nakilala. Pinaramdam mo sa akin na para bang hindi ako parte ng buhay niyo pero walang araw na kinalimutan ko kayo. Ngayon tama na. Kakalimutan ko na kayo. Kaya pwede ba, wag mo nang guluhin ang buhay ko." Sabi ko
Sana nasaktan na siya sa sinabi ko. Ako mismo sa sarili ko gusto kong bawiin ang sinabi ko dahil nasaktan din ako. Nasaktan ako kasi sobrang importante niya sa buhay ko. Wala naman akong magawa kundi saktan siya. Kailangan niya na kong makalimutan.
"Do you really want to forget me?" Tanong ni Kit na may halong sakit sa boses niya
Hindi ko alam kung kaya ko pang manatili sa tabi niya. Alam kong masasaktan ko pa siya lalo kung mananatili pa ko. Hindi niya din alam na alam kong may nararamdaman siya para sa akin. Nung nalaman niya pa lang siguro na may nararamdaman ako para kay Ruki, nasaktan ko na siya.
"Yes." Pagsisinungaling ko
Napahinga siya nang malalim bago siya lumapit sa akin at binigyan ako ng isang halik sa noo. Noong lumayo siya sa akin, nakita kong may luhang tumulo mula sa mga mata niya ngunit pinunasan niya ito kaagad.
"I guess, this is a goodbye for the both of us. Sana wag ka nang babalik pa. Gusto ko lang sanang malaman mo na minahal kita, hindi mo lang alam." Sabi ni Kit
Nasasaktan ako na makita siyang ganito. Mahirap na isipin na kailangan ko nang bitawan ang isa sa mga importanteng tao sa buhay ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na umiyak.
"No. Alam kong minahal mo ko. Na-appreciate ko naman yun. Minahal din naman kita, hindi mo lang napansin." Sabi ko
Noong sinabi ko yun, tinalikuran ko na siya. Kit, sana maging masaya ka kahit wala na ako sa buhay mo. Sana matuto ka nang magmahal ng iba, wag na ako. Sasaktan lang kita.
Mahal kita pero bilang kaibigan lang. Masakit sa akin na kailangan kitang talikuran. Hindi ko man gusto pero kailangan ko nang itapon ang pagka-kaibigan natin.
Sana mapatawad mo ko kahit alam kong, hindi ko na deserve ang pagpapatawad mo. Ilang beses na kitang nasaktan at sa huling beses nating paguusap naging masaya ako para sayo dahil narinig ko ang mga salitang ito mula sa iyo.
"I'm ready to let go."
Alam ko noong sinabi mo ang mga salitang iyon, handa ka nang hanapin ang taong magpapasaya sayo. Hindi ka na matatali sa akin dahil ako ang best friend mo. Sana sa susunod nating pagkikita, malaman mo na nasaktan mo din ako at malaman mo na naging masaya ako para sayo.
——— TO BE CONTINUED ———
hi!
noong sinusulat ko to, ako mismo ang nasaktan.
i hope that you enjoyed reading this chapter! feel free to send a message here or dm me on twitter!
thanks,
X