She's Rich, He's Richer

By Girl_Princess

25M 388K 43.9K

A feel good story that will drive you crazy. Hanap mo ba ang kilig? Sweet words? Chase? Gusto mo bang matuwa... More

She's Rich, He's Richer
Chapter 1
Chapter 1.2
Chapter 1.4
Chapter 1.6
Chapter 1.8
Chapter 2
Chapter 2.2
Chapter 2.4
Chapter 2.6
Chapter 2.8
Chapter 3
Chapter 3.2
Chapter 3.4
Chapter 3.6
Chapter 3.8
Chapter 4
Chapter 4.2
Chapter 4.4
Chapter 4.6
Chapter 4.8
Chapter 5
Frequently Asked Questions (FAQs)
Chapter 5.2
Chapter 5.4
Chapter 5.6
Chapter 5.8
Chapter 6
Chapter 6.2
Chapter 6.4
Chapter 6.6
Chapter 6.8
Chapter 7
Chapter 7.2
Chapter 7.4
Chapter 7.6
Chapter 7.8
Chapter 8
Chapter 8.2
Chapter 8.4
Chapter 8.6
Chapter 8.8
Chapter 9
Chapter 9.2
Chapter 9.4
Chapter 9.6
Chapter 9.8
Chapter 10
Chapter 10.2
Chapter 10.4
Chapter 10.6
Chapter 10.8
Chapter 11
Chapter 11.2
Chapter 11.4
Chapter 11.6
Chapter 11.8
Chapter 12
Chapter 12.2
Chapter 12.4
Chapter 12.6
Chapter 12.8
Chapter 13
Chapter 13.2
Chapter 13.4
Chapter 13.6
Chapter 13.8
Chapter 14.2
Chapter 14.4
Chapter 14.6
Chapter 14.8
Last Chapter
Special Chapter (1)
Special Chapter (2)

Chapter 14

225K 4.3K 436
By Girl_Princess

ATTENTION: Attitude Problem <--- My new story. Hope you guys will support it just like how you support(ed) SRHR. Thank you ^_^ Follow @Vevenuusss on Twitter. Yey. 

------------------------

She's Rich, He's Richer : Chapter 14

~Hide and seek...


*****

"Mico b-baka naman n-nagkakamali ka" Nilakihan ko ng mata si Karen. Ang obvious kasi yung boses niya nanginginig. Halata mong nagsisinungaling. 

(You should have tried harder if you want me to believe you. Ngayon, nasaan kayo?!) 

Hindi na ako nakatiis at hinablot ko na ang cellphone kay Karen. Alam na rin naman niya. At lalong hindi naman na yun magpapauto kahit ano pang palusot ang sabihin namin.

"Hanapin mo! Leche ka!" Pasigaw kong saaad tsaka siya binabaan ng telepono. Hihi pero sa loob loob ang sarap sabihing, "Nandito sa greenwich sa MOA. Love you." 

Pero paano niya kaya nalamang nandito na ako sa Pilipinas? 

"Sa tingin mo Kane, paano niya nalamang nakauwi ka na?"

"Yan din ang iniisip ko. Hindi kaya sinabi ni Cassandra?"

"Hello to Earth naman. Sa tingin mo paglalapitin niya kayo ni Mico? Asa naman girl." May point nga naman siya.

"Ano magtatago na ba tayo?" tanong ni Karen as if mamamatay tao ang pinagtataguan namin. Wow ha. Kinareer niya na talaga.  

"Hindi ah. As if naman malalaman niyang nandito tayo. Kainin nalang natin itong mga pagkain sayang naman kung iiwanan natin. Haler. Marami kayang taong nagugutom." 

"Kapag kinain ba natin yan mabubusog sila? IpaLBC mo nalang kaya. Tss."

"Oh ano pong pinaglalaban mo? Kumain ka nalang kesa nagbubunganga ka." 

Tumahimik din naman siya at pinagpatuloy namin ang paglamon na para bang walang bukas. Brunch na kaya ito at talaga nga namang gutom na gutom ako. Mga halos sampung minuto kaming walang imikan pagkatapos ay balik nanaman sa chikahan hanggang sa maubos na namin ang chicken, kanin, spaghetti pati barkada size na hawaiian pizza. Nakatatlong iced tea naman ako kaya medyo ramdam ko nang naiihi na ako. 

"Teka Kah, CR muna ako. Ihing ihi na ako talaga ako eh." Tumango naman siya bilang tugon. 

Lumabas ako ng greenwich at naghanap ng comfort room. Habang hinahalungkat ko ang bag ko at naghahanap ng tissue ay may pamilyar na mukha akong nakita at sa tingin ko ay nakita niya rin ako.

Nginitian niya ako kaya ngumiti rin ako pabalik. Patungo siya sa direksyon na hindi kalayuan mula sa kinatatayuan niya.

"Oy Kier, kamusta?" 

"Hi Kane. Gumaganda ka ah." 

"Ikaw naman. Ikaw nga itong gumwapo. Kamusta?" Syempre I must return the favor. Sinabihan niya akong gumanda kaya sasabihin ko ring gumwapo siya. Well, totoo rin naman talaga. 

"Ayun, ayos naman." 

"Mukhang masaya ka ah. May girlfriend ka na 'no?" PaFC kong tanong habang tumatawa tawa.

"Wala pa. Actually nakita ko nga yung ex ko kanina na kapangalan mo." Ex niya na kapangalan ko?

Oh! Right. Ang pangalan nga pala ng ex niya ay Kane rin. Teka, di ba nandito rin si Kane at Cassandra? 

"Kier, by any chance, is Kane Lee your ex?" he look surprised.

"What a small world. You know her?"

"Yes. She's my ex's bestfriend." I don't like the sound of ex geeez. 

"Ex?" Tumango ako. "No, I mean, is he the ex you're talking about?" Nacurious naman ako dun kaya lumingo ako sa direksyon na tinitingnan ni Kier. 

Lumaki ang mga mata ko. Oh sh*t. Bigla kong binalik ang tingin ko kay Kier dahil napansin kong napatingin si Reynaldo sa direksyon namin. 

"Hindi Kier. Hindi ka nagkakamali. Can you help me? Pwede bang umikot ka muna at umalis tayo sa direksyong ito. Please." 

It would be rude kung iiwanan ko nalang siya bigla so humingi nalang ako ng favor. 

"But if you're bus---"

"No I'm okay. Let's go." Tumalikod nga siya at hinila ako palayo. Ngunit ng hindi pa kami nakakalayo may biglang sumigaw.

"Kaney!" If I am not mistaken, it's definitely Reynaldo. 

"Can we run?" Asked Kier.

"Should we?" He just shrugged. 

"The one who called your name is heading towards our direction. You wanna be caught?" 

"Absolutely no. I'm still playing hide and seek with someone I know." 

"Then we should." Bigla nalang siyang tumakbo at dahil hawak niya ang wrist ko ay bonggang bonggang nadala naman ako. 

"Kaney!" patuloy na tawag ng boses na nanggagaling sa likod namin. 

We made turns and run and run and run and we lost them or maybe just him, Rey alone. I don't know, hindi naman ako lumingon.

Hingal na hingal ako. Grabe. 

"Are you okay?" 

"Grabe. Ang bilis mo tumakbo. Are you some kind of a horse or what? Kabayo ka ba nung past life mo?" Hingal na hingal kong sinabi. Bigla niya akong iniwan kaya sinundan ko siya ng tingin. Pumunta siya sa stall ng potato corner at bumili ng tubig. 

"Oh. Inom ka muna." nginitian ko siya at nagpasalamat. 

 "Sweet naman haha." Pabiro kong sabi. "Sorry pala sa abala." Ininom ko na rin ang tubig na binigay niya. 

"Wala yun. Wala naman akong ginagawa. Nga pala, bakit hindi ka na nagtetext?" 

"Ahh yun ba? Ano kasi. Umalis ako, nasa US ako ng one year. Kaya ayun, wala akong masyadong connections dito.Tsaka mahal ang calls and texts pag nasa ibang bansa. Haha. Pasensya."

Hashtag, medyo kuripot na palusot. 

"Hindi ayos lang. Nakakapagtaka lang. Yun pa rin ba yung number mo?"

"Ahh oo. Yung dating sim ko pa rin ang gamit ko." Ngumiti naman siya at tumango. May hidden desire kaya ito sa akin? Ha ha ang feeler mo Kane. Napakamalisyosa ko naman.

Maya maya napansin kong ngumunguso nguso si Kier. 

"Ha? Ano? Gusto mo ng kiss? Hindi pwe----" 

"Anong kiss?!" P*ksh*t. S-si Mico! Lagot na. Huhu.

Lilingon o tatakbo?

----------------------------------------------

Ako po ang reyna ng mga cliff hangers. Kung bitin lang po ang icocomment niyo, 'wag na po. Sayang effort niyo, alam ko na rin naman po. Hahaha. Tsaka mabibitin at mabibitin kayo kasi di pa ending. Kapag di na kayo nabitin, malamang ending na yun ^_^.

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 25.1K 62
Highest Rank Achieve: #56 in Teen Fiction Kung sino ang unang mahuhulog. Siya ang talo. Kung sino ang unang mahuhulog. Siya ang mahina. Kung sino an...
1M 15.2K 21
Kilala si John Axle bilang isang barumbadong estudyante ng sikat na college school. babaero at basagulero. Ngunit may isang babae na susubok ng kanya...
159K 3.2K 65
Is there any possibilities na magkakaintindihan ang dalawang lenggwahe? Magiging magulo kaya ang storyang to? Magiging maayos? O may makakaintindi ka...
752K 3.2K 85
This is not a story but you can find a best stories ever Taglish