Chapter 14.8

233K 4.1K 255
                                    

Mabagal ang naging usad ng traffic kaya medyo nabored ako. Dahil itong driver ko ay ayaw naman ng maingay at wala naman akong ibang makausap ay naglaro nalang ako ng cellphone. Mas okay na rin kesa makipagtitigan sa mga dumadaang motorista. 

Matiwasay naman kaming nakarating sa Midnight Owl kuno na restaurant. Pumasok kami at winelcome ng mga tao dun. Ngumiti nalang ako sa bawat pagbati, pwede na nga akong maaward-an bilang miss congeniality.

Pambawi manlang at pang balance dahil itong kasama ko ay nakakaintimidate na nga dahil sa seryoso niyang aura, mukha pang nakakatakot.

Kumuha kami ng private area na pang 5-10 persons. Hindi karamihan ang tao ngayon kaya mabilis kaming naassist. Napansin kong may sinasabi si Mico sa isa sa mga nag-aassist sa amin pero hindi ko na narinig.

Hindi ko na rin naman pinakinggan pa kasi hindi pa naman ako ganun katsismosa. Nakita ko nalang na tumango ito at umalis na rin. 

Pinigilan ng nakausap ni Mico ang waiter na magbibigay sana ng menu sa amin. Siguro sinabi na ni Mico ang order o kung ano man ang kailangan siguro namin. Baka nga isa sa mga inorder niya ay 'katahimikan', biro lang. 

Pabilog ang style pala nung table, wala lang napansin ko lang. Nagserve na rin ng drinks yung waiter. Maya maya napansin ko namang napatingin siya sa akin. 1 second, 2 seconds, 3 seconds.

"Ano ba? Magtititigan nalang ba tayong dalawa?" Kala niya kasi cute siya sa pagtitig niyang ganun, pogi kaya. 

"Sorry." Naguilty naman ako dun. 

"Ma'am this way po." Narinig kong sabi ng isa sa mga waiter kaya napalingon ako. I saw Shane. I smiled at her. Alam ko naman kung paano niya ako sinuportahan noong bago pa ako umalis at nakaalis na ako.

She did not smile in return. 

"Hi Mico." Tumango naman si Mico as a sign na na acknowledge niya ang presence ni Shane. 

Napabaling agad siya kay Mico maging ako ng magring ang cellphone nito.

"Excuse me." Tumango naman kaming dalawa. Wow, sige nalang katango, speechless ang lahat. Ang awkward ng ganito. Parang masyadong formal para sa akin. 

Pagkaalis na pagkaalis ni Mico ay bumaling sa akin si Shane.

"Hindi ko gusto ang ginawa mong pagtakbo sa problema mo. Nonetheless, I'm still on your side. Naging b*tch at ininis man kita noon I swear I like you as a friend. Kaya ituring mo akong kaibigan kung gusto mo." 

Yan siguro ang magugustuhan ko sa kanya bilang kaibigan. She's not plastic. She's straightforward. She may be mistaken as a b*tch but at least she knows what she feels at handa siyang panindigan yun. 

Saglit lang nawala si Mico at bumalik din naman agad. Kasama na rin niya pagbalik niya si Cassandra at Kane Lee.

She's Rich, He's RicherKde žijí příběhy. Začni objevovat