Just A Kiss

By yoursjulieann

10.5K 278 42

"Ano bang problema mo? I mean, bakit lagi kang nandiyan sa tuwing lumalapit sa akin ang gulo. Superhero ka ba... More

Prologue
Chapter 1 (His eyes)
Chapter 2 (Stalker)
Chapter 3 (Talking to him)
Chapter 4 (Jake)
Chapter 5 (Jacob)
Chapter 6 (Dahon)
Chapter 7 (Saviour)
Chapter 8 (I like you)
Chapter 9 (Dream)
Chapter 10 (New Friend)
Chapter 11 (Talking to Jacob)
Chapter 12 (Awkward)
Chapter 13 (Meeting Arianne)
Chapter 14 (Curious)
Chapter 15 (His House)
Chapter 16 (Bet)
Chapter 17 (Kuya at Bunso)
Chapter 18 (Alone)
Chapter 19 (Sunset)
Chapter 21 (A day with Lee Jacob)
Chapter 22 (Snow Globe)
Chapter 23 (Ignorance)
Chapter 24 (I almost do)
Chapter 25 (Jake is back)
Chapter 26 (Cheater)
Chapter 27 (Her first kiss)
Chapter 28 (Her bodyguard)
Chapter 29 (Boyfriend)
Chapter 30 (Runaway Soldiers)
Chapter 31 (The News)
Chapter 32 (Kahit kailan at 7th Monthsary)
Chapter 33 (Fck you)
Chapter 34 (Jealous)
Chapter 35 (The secret)
Chapter 36 (Meeting Arvin Suarez)
Chapter 37 (Psycho)
Chapter 38 (Dinner at Suarez's House)
Chapter 39 WARNING: SPG
Chapter 40 (The accident)
Chapter 41 (Runaway)
Chapter 42 (Freedom)
Chapter 43 (Rosebel)
Chapter 44 (Going to places she doesn't want to go)
Chapter 45 (Bad dream)
Chapter 46 (Use of Love)
Chapter 47 (Birthday)
Chapter 48 (Hero)
Chapter 49 (Suarez Family)
Chapter 50 (Arrest)
Chapter 51(In prison)
Chapter 52 (Reincarnation)
Chapter 53 (Just a final kiss and goodbye)
Chapter 54 (13th rose)
Chapter 55 (Justice for Jake)
Chapter 56 (The one that got away)
Chapter 57 (Finding myself)
Chapter 58 (Healing is a process)
Chapter 59 (Facing my pain)
Chapter 60 (The fall down)
Chapter 61 (Restart)
Chapter 62 (Begin Again)
Chapter 63 (Last chapter)
Epilogue
Author's Note

Chapter 20 (A night with Jake)

91 1 0
By yoursjulieann

Pagkatapos niyang kumain ay sumakay na muli kami sa kanyang motor. Tiningnan ko ang orasan ko at past seven o'clock na. Mapayapa naman niya akong naihatid sa bahay.

"Thanks sa ride. Ingat ka pauwi, kuya." Wika ko pagkababa ko ng motor. Nasa tapat kami ng gate.

"Kaya mo ba talagang tumulog mag-isa diyan?" Tanong niya.

"Of course, I can. Hindi ba halatang kaya ko?" Tanong ko sa kanya at napatawa naman siya.

"Pwede ka namang matulog sa bahay." Offer niya sa akin.

"Hindi ako makatulog dun. Ang iingay ng mga aso." Sagot ko.

"Diyan nalang ako matutulog para mabantayan kita." Sagot niya.

"Kung hindi kita superhero, bodyguard ba kita?" Tanong ko at natawa naman siya.

"Bodyguard na walang sweldo." Sagot niya.

"Sa sala ka matutulog, Kuya."

"Yes, bunso." Sagot niya. Binuksan ko na ang gate at pinasok niya sa garahe ang motor niya. Sumunod na siya sa akin paloob ng bahay.

Umakyat ako sa aking kwarto at kumuha ng makukumot niya. Bumaba na ako at iniabot ko sa kanya ito.

"Okay ka lang diyan, Kuya?" Tanong ko at tumango naman siya.

"Sige. Kung gusto mong manood ng tv, buksan mo nalang at kung gusto mo namang patay ang ilaw, patayin mo nalang. Matutulog na ako. Goodnight." Sabi ko.

"Goodnight." Sagot niya at nahiga na siya. Nagtungo na ako sa aking kwarto. Naglinis at nagpalit ng pantulog at nahiga na. Pinatay ko na ang ilaw. Kinuha ko ang cellphone ko. Nagtext si Jacob at mama.

JACOB: Text me, okay? Take care.

MAMA: Okay lang ba kayo ni Jacob diyan? 'Yung mga pinto wag mo kalimutang ilock.

Hindi ko nalang sila nireplyan. Nandiyan naman si Jake. I now he can protect me. Natulog na ako.

Nagising ako in the middle of the night. Nauuhaw ako. I was about to turn on the light when someone covered my mouth. I knew this scent.

"Wag kang maingay. May mga taong nakapasok." Bulong niya sa akin. Ang tahimik. Pinagpapawisan ako at ang bilid ng tibok ng puso ko. Paano nangyaring may nakapasok e nakalock lahat ng pintuan?

"Dito ka lang sa kwarto mo. Ilock mo 'yan." Wika niya at inalis na niya ang kanyang kamay sa bibig ko. Aalis na sana siya nang hawakan ko siya sa braso.

"Wag mo akong iwan." Nanginginig na sabi ko.

"Humawak ka lang sakin." Sagot niya. Nangangapa kami sa dilim. Pero meron naman kaming nakikitang liwanag na nagmumula sa labas. Lumabas kami ng kwarto ko. Nasa likod niya lang ako habang nakayapos sa bewang niya. Nahihirapan na nga siyang lumakad eh. Kinuha niya ang flower vase sa gilid ng hagdanan. Lumapit kami sa kwarto ni mama. May naririnig kaming kalampag. Shit. Lalo akong kinabahan. Tumigil kami sa may pintuan at hinintay na lumabas ang magnanakaw. Buti naramdaman niyang may tao e sound proof pa naman itong bahay unless bukas ang mga bintana, dinig mo ang mga tunog mula sa labas.

"Diyan ka lang sa likod ko. Wag masyadong mahigpit ang hawak kase hindi ako makalakad ng maayos, Kazrine. Wag kang matakot. Nandito ang superhero at bodyguard ng buhay mo." Sabi niya. Hindi ko ba alam kung kikiligin ako sa sinabi niya o lalong matatakot. And suddenly, narinig ko nalang ang pagbasag ng base.

"Buksan mo na ang ilaw." Utos niya at agad ko namang binuksan. Hawak-hawak niya ang kamay ng magnanakaw habang nakadapa. Inalis niya ang bonnet nito.

"Sorry po. Sorry po. Patawad." Wika ng magnanakaw.

"Kailangan ko po ng pera. May sakit ang anak ko. Kailangan ko po siyang maipagamot." Dagdag pa ng magnanakaw.

"Pero bakit kailangan niyo pong magnakaw? Kilala niyo po ba ang may-ari ng bahay na ito? Chief of Police ang tatay ko at kaya ka niyang ipakulong once na malaman niya ito." Sabi ko at nakatingin lang sa akin si Jake.

"Jake, tatawag na ba ako ng police?" Tanong ko pero nakatingi pa rin siya sakin.

"Jake? Tatawag na ba ako?"

"Hindi!" Sagot niya.

"Ha? Bakit? Kailangan niyang makulong. Trespassing ang ginawa niya at nagnakaw pa siya." Inalis niya ang pagkakahawak niya sa kamay ng magnanakaw.

"Diba sabi niya kailangan niya ng pera na pangpagamot sa anak niya. Paano niya mapapagamot yun kung makukulong siya?"

"Pero mag possibility na magnakaw pa siya sa iba."

"Yung iba naman kaya nakakagawa ng masama e dahil sa kahirapan. Ano kaya kung bigyan mo siya ng trabaho. Tutal mayaman ka naman." Sagot niya

"Are you kidding me? Sinet up mo ba ito?" Tanong ko sa kanya at natawa siya sa sinabi ko.

"Bakit naman kita iseset up? Ask this man kung kilala niya ako." Sagot ni Jake at umiling-iling naman ang magnanakaw.

"See?"

Natahimik nalang ako.

"Umalis kana." Utos ni Jake sa magnanakaw at umalis na.

"Why did you do that?" Kunot-noong tanong ko.

"Kasi hindi lahat ng masama e masama."

"Sinet up mo talaga 'yun no?" Tanong ko.

"Hindi ah!" Taas boses niyang sagot at naglakad pababa ng hagdab. Sinundan ko siya.

"Kung wala ako dito, edi sana may masama nang nangyari sa'yo. Imbes na magpasalamat ka, pinag-iisipan mo pa ako ng masama. Sana hindi nalang ako natulog dito." Sabi niya atsaka kinuha ang jacket na nakasampay sa couch.

"Saan ka pupunta?"

"Uuwi na." Sagot niya habang dire-diretsong naglalakad papunta sa garahe. Hinawakan ko ang kamay niya. Napatigil siya sa paglalakad.

"Wag mo akong iiwan. Please?" Sabi ko habang nagpapapuppy eyes sa kanya.

"Stay." Dagdag ko pa. Inalis niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Nilock niya ang gate atsaka bumalik na sa loob. Nagtungo siya sa likod ng bahay at nilock din ang pinto. Kasalanan ko pala. Hindi ko pala nilock ang pinto. Pero sigurado akong nilock ko yun. Dinoble check ko pa nga eh. Humiga na siya sa couch at nagtago sa kumot niya. Nakaupo lang ako sa mini couch.

"Hindi ka pa ba tutulog? Tanong niya habang nagtatago sa ilalim ng kumot.

"Hindi na ako inaantok. Hihintayin ko nalang mag-umaga."

"Alas dose palang. Matulog kana." Sagot niya. Hindi nalang ako sumagot.

"Hindi na 'yun babalik." Wika pa niya at hindi pa rin ako sumagot.

"Gusto mo bang buhatin kita pabalik ng kwarto mo?" Dagdag niya.

"Ang tigas talaga ng ulo mong bata ka. Spoiled ka talaga sa mga magulang mo." Dagdag niya ulit.

"Bahala ka diyan." Dagdag niya ulit. Ang sarap pala niyang galitin. Ang dami niyang sinasabi. Nanatili akong nakaupo sa couch. Isinandal ko ang uli ko sa headboard ng couch.

Kung tutuusin swerte talaga ako kase may mga taong nagpoprotekta sa akin lalo na siya/ sa kanya. He was always there to protect me and save me. At ang pagiging malapitin ko sa disgrasya ang naging tulay para matagpuan namin ang isa't-isa. Sandali kong ipinikit ang aking mga mata at naramdaman ko ang pagbuhat niya sa akin. Ibinaba na niya ako sa kama at aalis na sana siyang nang hawakan ko ang kamay niya.

"Dito ako matutulog sa couch. Wag kang mag-alala." Sabi niya at inalis na ang pagkakahawak ng kamay ko sa kamay niya.

Namalayan kong umaga na pala. Tiningnan ko ang couch ng aking kwarto subalit wala na siya. Umuwi na kaya siya? Lumabas na ako ng aking kwarto at nakita kong nakalinis na ang vase na nagkalat kagabi dahil sa paghampas niya sa magnanakaw.

Bumaba na ako ng bahay at nakita ko siya sa labas na may inaayos.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko.

"Inaayos ang pinagdaanan ng magnanakaw kagabi." Sagot niya at nakita kong sira pala ang bakod. Akala ko bukas lang ang gate kaya siya nakapasok.

"Chief pala si papa mo." Sabi niya at tumango ako.

"Chief pero hindi naman safe ang bahay." Dagdag pa niya.

"Okay lang, may CCTV naman dito." Sagot ko at napatingin siya sa akin.

"Bakit?" Tanong ko.

"Wag mo 'yan ipapakita sa papa mo."

"Bakit?"

"Basta " sagot niya habang pinupukpok ang bakod. Basta? Enough reason ba 'yung basta. Tapos na siyang magkunpuni ng bakod.

"Kailan ang dating ng mga magulang mo?" Tanong niya.

"Sa saturday." Sagot ko. Tuesday palang ngayon.

"Nag-almusal kana ba?" Tanong ko at umiling-iling siya.

"Gusto ko ng kape." Wika niya.

"Sige. Ipagtitimpla kita." Sagot ko at nagtungo na sa kusina. Hard na coffee ang gusto niya. Yung mapait maige. Pinagtimpla ko na siya atsaka nag toast ng bread at nagpirito ng itlog. Yun lang kaya kong lutuin.

"Kain na tayo." Sabi ko sa kanya at sumunod naman siya sa kusina.

"Eto ang kape mo." Abot ko sa kanya at tinikman niya.

"Mapait ba masyado?" Tanong ko at umiling-iling siya.

"Gusto kong tuwing umaga ikaw ang nagtitimpla ng kape ko." Wika niya at natawa naman ako.

"Hindi ko 'yan nilagyan ng gayuma ha. Baka kung ano isipin mo." Sagot ko. Kumain na kami.

"Hindi ako kagaya mo na pinag-iisipan ng masama ang isang tao." Sagot niya at mukhang kinokonsensya niya ako.

"Psh. Late kana sa trabaho mo." Sabi ko habang kumakain.

"Okay lang." Sagot niya. Pagtapos naming kumain ay naghugas na ako.

"Kazrine.." tawag niya sa pangalan ko at napatingin ako sa kanya.

"Lalakad na ako. Text ka nalang." Sabi niya.

"Sige kuya. Ingat ka sa pagdadrive."

"Pupuntahan kita sa coffee shop mamaya." Sagot niya at tumango nalang ako.

/////////

Continue Reading

You'll Also Like

4.7K 172 22
Jasmine Devon Sevilla lets go of the man she loved the most in order to correct the mistake that has been made, she chased her dreams in Australia an...
654K 13K 54
For him, living with his son is a comfort zone. But then his son ask for a mom's real care and affection. He knows that it won't happen. Hiring a fak...
23.6K 811 48
Meet Series #2: Meeting Mr. Cold He is cold hearted. She is stupid girl. What if he want her to be his pretend girlfriend so that, he can get back Ly...