Yesterday's Dream [Completed]

By _mysterose

16.8K 2K 195

LOVE STRINGS Series I People's heart wish only some simple things. To be happy and be the reason of someone's... More

DREAM
PROLOGUE
DREAM#1
DREAM#2
DREAM#3
DREAM#4
DREAM#5
DREAM#6
DREAM#7
DREAM#8
DREAM#10
DREAM#11
DREAM#12
DREAM#13
DREAM#14
DREAM#15
DREAM#16
DREAM#17
DREAM#18
DREAM#19
DREAM#20
DREAM#21
DREAM#22
DREAM#23
DREAM#24
DREAM#25
DREAM#26
DREAM#27
DREAM#28
FINALE

DREAM#9

392 87 11
By _mysterose

"She's already hurting but still says she's okay. She denies everything but her heart shouts "YOU'RE ALREADY IN LOVE WITH HIM!"" - Author

"Mari, kanina pa tumununog yang cellphone mo ah. Wala ka bang balak sagutin yan?" Tanong sakin ni Jenna. Napabuntong hininga na lamang ako at dumapa sa kama habang yakap-yakap ang hotdog pillow ko.

"Wala. Hayaan mo na lang yan. Titigil din yan." Pagod kong sagot sa kanya at ipinikit ang aking mga mata. Pakiramdam ko kasi ay pagod na pagod ako kahit na wala naman akong masyadong ginawa ngayong araw.

I heard her sighed and slowly closes the door of my room. Doon lang ako muling napamulat at tumagilid paharap sa cellphone ko. Muli itong umilaw pero tinignan ko lang ang pangalan ng nagpop sa screen. Maya-maya ay muli na naman itong tumawag.

Ika-10 na beses na niya yung tawag pero hindi ko pa rin yun sinasagot. Wala rin naman kasi akong planong kausapin ang taong yun kasi wala rin namang patutunguhan.

From: Shanon G.

Please, Em. Sagutin mo naman yung tawag ko oh. I need to tell you something.

Napaikot ko na lamang ang mga mata ko ng mabasa ang text niyang nag-pop up sa screen.

Tch. Ayan na naman siya sa famous punchline niya. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko para itulog na lang ang pangungulit nito ng bigla na naman itong tumawag. Sa sobrang inis ko ay sinagot ko na lamang yun.

"Pwede ba, magpatulog ka naman. Wag mo kong guluhin kasi nananahimik na ako. Isa na lang talaga at bobombahin na kitang hinayupak ka!" nanggigigil kong sigaw sa kanya.

[Who do you think you're threatening to, woman?!]

Mabilis akong napamulat ng aking mga mata at napabangon sa higaan ng marinig ang pamilyar na boses ng isang tao. Parang agad na nawala ang antok ko at nagising kaagad ang diwa ko.

"S-she?!" Gulat na bulalas ko.

"Ahehehe. Ikaw pala. Akala ko kasi ----"

[Akala mo sino?]

Napalunok ako at napakagat ng ibabang labi ko.

"Wala ka na dun." Mahinang sagot ko sa kanya at yumuko na lamang.

[Lalaki ba?]

Agad na kumunot ang noo ko sa tanong niya.

"Ha? Ang alin?"

[Yung kaaway mo. Lalaki ba? Sabihin mo lang at babangasan namin ni Yuhan.]

Maangas na sabi niya. Hindi ko napigilang mapangiti. Shet! Kinikilig ako sa pesteng banat ng gagong 'to! Pabagsak akong napahiga sa kama ko at muling niyakap ng mahigpit ang hotdog pillow ko.

"Seryoso ka?" nakangiting tanong ko.

[Syempre nagbibiro lang. Asa ka naman.]

Agad na nalusaw ang ngiti ko at napalitan ng busangot. Pakingtape na lalaking to! Paasa talaga kahit kailan.

[Hey. Ang tahimik mo yata?]

"Eh anong gusto mo? Ang sagutin kita ng mura?!" naiinis na sagot ko sa kanya.Narinig kong tumawa siya kaya mas lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa hotdog pillow ko. Ang lakas kasi ng impact ng tawa niyang yun sakin. Lalo na sa puso kong nagiging abnormal na naman.

Deym! What are you doing to me, Sherson?!

[Pikon mo talaga. Pero let's go back to the reason why I called.]

Pag-iiba niya ng topic. Napaayos naman ako ng higa.

"Ano yun?"

[Be early tomorrow.]

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Anong meron?" Panandalian siyang natahimik kaya hindi ko mapigilang mapalunok at kabahan. Pakiramdam ko kasi hindi ko maguhustuhan ang isasagot niya.

[Help me surprise Less---]

Hindi ko na siya pinatapos pa ng sasabihin niya. Bwiset! Nakakaimbyerna lang ha. Alam naman niyang kumukulo yung dugo ko sa malanding babaeng yun tapos kailangan pa niya ng tulong ko?! Hah! Bahala siya sa buhay niya!

Biglang tumunog ang cellphone ko at nagpop sa screen ang text niya. Hindi ko mapigilang mapasimangot ng mabasa ang text niya.

From: Sheshe♥♥

Fck! Ba't mo ko binabaan?! Ulitin mo pa at sasamain ka sakin!

Hindi ko mapigilang matawa ng pagkasarkasiko. Tignan mo tong lalaking to! Manhid na nga, napakademanding pa!

Tumagilid na lamang ako patalikod sa cellphone ko para sana hindi na pansinin ang pangungulit ni Sherson ng bigla na namang tumunog ang cellphone ko.

Isa... Dalawa... Tatlo...

Napabuntong hininga na lamang ako at inabot ang cellphone ko at sinagot siya. Pambihira! Hindi ko talaga kayang tiisin ang lalaking to.

"Ayoko nga kasi." naiinis na sagot ko sa kanya.

[Em, please...]

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na inilayo ang cellphone ko sa tenga ko. Halos mapasigaw ako ng makitang hindi pangalan ni Sherson ang nakasulat sa screen, kundi kay Shanon.

Natataranta kong pinatay yun at isinubsob ang mukha ko sa unan ko at doon tumili.

Shet! Shet! Shet! Ang tanga mo, Mari!

Naglalakad ako ngayong sa hallway papuntang classroom habang paulit-ulit na hinihilot ang sentido ko. Ganito kasi ako kapag kulang ako ng tulog. Malapit na sana ako ng classroom ng may biglang humila sakin papasok ng classroom ng BSBA-3B.

"Ano ba?!" naiiritang sabi ko sa kanya at mabilis na hinila ang braso ko. Ngumisi lang siya at naglakad palapit sakin. Napasinghap ako ng itulak niya ako para mapasandal sa whiteboard at itinukod ang kaliwang kamay niya dun. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano na naman bang kalokohan to, Vernon?"

"You're so hard as ever, Mari. So hard to get but definitely easy to break. Especially, here." Mabilis kong tinapi ang daliri niya ng tinuro niya ang dibdib ko. Tarantado tong isang to ah! Napakamanyak talaga!

"Pwede ba, tigilan mo na 'ko! Tabi nga!" Sinubukan ko siyang itulak pero nagulat ako ng bigla niyang hinuli ang dalawang kamay ko at mas lalong lumapit sakin.

"Why are you so hard to get, Mari? Dahil ba mahal mo siya? Pero iba ang mahal niya? Paano ka na? Kawawa ka naman diba." Natigilan ako sa sinabi niya. Napansin niya yun dahilan na lumaki ang ngisi niya. Mas lalo niyang inilapit ang mukha niya sakin kaya mabilis kong iniwas ang mukha ko. Kinilabutan ako ng dumampi ang mainit niyang hininga sa leeg ko.

"Sakin ka na lang kasi and I'll promise to make you happy." Bago pa tuluyang dumampi ang labi niya sa leeg ko ay buong lakas ko siyang tinulak at sinamaan ng tingin.

"Bakit imbes na ako tong nilalandi mo, bakit hindi mo na lang hanapin yung babaeng go ng go na makipaglandian sayo?! And let me tell you this again, Vernon." Ako naman ngayon ang lumapit sa kanya at seryoso siyang tinignan.

"You can't satisfy me and you will never be. Alam mo kung bakit? Kasi ni katiting, hindi ka papasa maging isang ideal man. You're a sh*t!" Sabi ko sa kanya bago siya tinalikuran at lumabas na dun. Imbes na dumiretso sa classroom ay dumiretso na lamang ako sa likod ng COM building. I badly need a quiet place right now! Lalo na't nagiging imbalance na naman ang emosyon ko. It's still 8:00 at 9:30 pa naman ang first period ng klase ko.

Isang malalim na buntong hininga ang agad na pinakawalan ko ng makaupo na ako sa lilim ng punong manggang nanduon. Ipinikit ko at pinakiramdaman ang malamig na simoy ng hangin. Eto lang ang kailangan ko para kahit papaano ay mabawasan ang pamimigat na naman ng dibdib ko.

Nakakabwiset kasing Vernon yun eh! Kailangan talaga ipaglandakan at isampal sa pagmumukha ko na wala na akong pag-asa?!

Alam ko na naman yun eh. Tanggap ko na noon pa. Tanggap ko na na hindi niya masusuklian ang nararamdaman ko. Basta wag lang siyang mapunta sa taong alam kong sasaktan lang siya.

I'm willing to give him up as long as he'll be happy with the girl he'll love. Kahit sinong babae pa ang mahalin niya, wag lang si Lessy. Kasi sigurado akong gagaguhin lang siya ng babaeng yun.

"Mari!" Mabilis akong napamulat ng marinig ang sigaw ng lalaking iniisip ko. Kumunot ang noo ko ng makitang galit niyang mukha habang malalaki ang hakbang na lumalapit sakin. Kasunod niya si Yuhan na parang may gustong sabihin sakin pero hindi rin naman nagsasalita. Imbes ay pinipilit niyang habulin si Sherson.

"Sherson, bakit?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Napasinghap ako ng bigla niyang hinila ang braso ko. Hindi ko mapigilang mapadaing dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sakin.

"Sherson, ano ba! Nasasaktan ako." Muli akong napadaing ng mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng takot dahil sa mga mata niya ngayon habang nakatingin sakin.

"Anong karapatan mo ha?! Anong karapatan mong pangunahan ako?!" Sigaw niya sakin na ikinanganga ko.

It's the first time. It's the first that he yelled at me.

"Sherson, tama na yan." Pag-aawat sa kanya ni Yuhan pero hindi siya tumigil.

"H-hindi ko alam ang sin---"

"You don't have the right to decide whom I'll love! And you don't have the right to mess with my life!" Ngayon alam ko na kung ano ang ikinagagalit niya.

"W-wala akong ginawang masama." Mahinang sagot ko sa kanya pero muli lang niya akong sinigawan.

"Stop lying to me! Kasi alam ko na! Mari, you were my friend! I trusted you! But what did you do?! You ruined everything! I told you to help me to surprise Lessy. Not to cast her away from me!"

"Sherson, I said stop it!" Pag-aawat sa kanya ni Yuhan at hinila ako mula kay Sherson. Binitawan naman niya ako pero nandun pa rin ang galit aa mga mata niya. Galit para sakin.

Sinubukan kong lumunok para kahit papaano ay mawala ang bara sa lalamunan ko at iniyukom ang kamay ko. Naramdaman ko namang hinawakan yun ni Yuhan.

"Mari, don't talk back anymore." Mahinang bulong niya sakin pero hindi ko siya pinakinggan. Imbes ay diretso kong sinalubong ang nagbabagang tingin ni Sherson.

"D-diba sabi ko naman sayo. N-na ayoko. A-at kilala mo ko, Sherson. Pag sinabi kong ayoko, ayoko ko talaga." Halos nahihirapan kong sagot sa kanya. Pero tumawa lang siya ng pagkasarkastiko.

"Talaga? At sa tingin mo paniniwalaan pa kita? Mari, sabihin mo nga sakin. Kaya mo ba pinapalayo sakin si Lessy dahil may gusto ka sakin?" Bigla akong natigilan dahil sa sinabi niya. Mas lalo siyang natawa ng pagkasarkastiko.

"So, totoo nga. You're unbelievable." dismayadong saad niya bago ako talikuran. Napayuko na lamang ako at pinigilan ang mga luha kong gusto na talagang kumawala kanina pa.

"I'm sorry about that, Mari." Malungkot na sabi ni Yuhan. Napaangat naman ako ng tingin at nginitian siya.

"Bakit ka nagsosorry? Wala ka namang kasalanan ah." Sagot ko sa kanya. Pero tinignan lang niya ako ng matagal bago ako nilapitan at niyakap.

"Don't show me that smile. You're making yourself look stupid." napakagat na lamang ako ng ibabang labi at hinayaan siyang yakapin ako. I needed it right now. I needed someone's comfort. Ipinikit ko ang mga mata ko at isinandal ang ulo ko sa dibdib niya.

"Breathe, Mari. I can feel you trembling." napangiti ako sa sinabi niya at dahan-dahang lumayo sa kanya. Muli ko siyang nginitian na ikinainis niya.

"I told you to stop smiling!" I sighed deeply.

"I can't. Because that's the only thing I know that can make me feel that I'm alright."

"But you're not! You're hurt, Mari! And you're not even crying?! What's wrong with you?!" napaisip naman ako. Pinakiramdaman ang sarili ko. Nasasaktan nga ako at pwede na akong umiyak dahil wala na si Sherson sa harapan ko. Pero bakit nga ba ganun? Ni ayaw ng lumabas ng mga luha ko kahit na sobrang sakit na ng nararamdaman ko?

Ano nga bang mali sakin?

"Hindi ko rin alam." Mahinang sagot ko sa kanya at idinikit ang palad ko sa bandang dibdib ko at ngumiti nang mapait.

"But don't worry, I'm already used to feel this kind of feeling. This one is nothing. I can eventually forget to feel this again."

[A/N: Hello, hello sa mga silent readers ko (kung meron man. Haha.) Magparamdam naman kayo. ]

Continue Reading

You'll Also Like

17.6K 169 81
PROMOTION: Random stories by aspiring authors
81.5K 2.6K 29
An almost happy ending ruined by a tragedy?
1.2M 44.5K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
8.1K 292 29
Unwritten Serenade of Love CHASING DREAMS SERIES COLLABORATION #1 Genre: Romance Status: COMPLETE Mia Vella Hernandez, a hopeful writer, yearns for f...