Unrequited Love (MCMLMF Seaso...

By SoulLily

303K 5.1K 1.3K

"My Crush, My Love, My Fiancé?!" Season II. More

Prologue
Chapter 1: New Episode of Love
Chapter 2: Julian
Chapter 3: Stupid Instincts 1
Chapter 4: Stupid Instincts 2
Chapter 5: Understanding
(Fool) Special Chapter 10: She's Back
Chapter 6: My Life
Chapter 7: Ang Alamat ng Mais 1
Chapter 8: Ang Alamat ng Mais 2
(Fool) Special Chapter 11: Doubts
Chapter 9: Planning
Chapter 10: Back and New
Chapter 11: For Our Future
(Fool) Special Chapter 12: Jealousy
Chapter 12: Cry
Chapter 13: Determined Heart
Chapter 14: Reason
Chapter 15: Blame
Chapter 16: Betrayed
Chapter 17: Pride and Confidence
Chapter 18: Welcome
Chapter 20: A Pleasant Surprise?
Chapter 21: Changes
Chapter 22: I Guess
Chapter 23: Close
Chapter 24: Worthy
Chapter 25: Business
Chapter 26: This is All I Have
Chapter 27: Guilt
Chapter 28: Private Nurse
Chapter 29: Just One Month
Chapter 30: Conflicted
Chapter 31: Restless
Chapter 32: Yes Master
Chapter 33: Again?
Chapter 34: Frustrations and Comfort
Chapter 35: Unrequited
Chapter 36: Shattered Trust
Chapter 37: The Truth
Chapter 38: Free
Chapter 39: Answers
Chapter 40: My Home

Chapter 19: Home Sweet Home

5K 107 21
By SoulLily

A/N: Gulat kayo no! Bilis ng UD! Hahaha! Wala kasing pasok! *partey partey!*. Para naman po may mabasa kayo kahit na sa bahay lang kayo. ♥ Pero guys, keep safe okay? Pray po muna tayo kung lalabas man ng bahay. :)

PS: Dagush, di kita pinagpalit no! We're still beshiessssss! ♥ XD

Enjoy. :)

Chpater 19: Home Sweet Home

Penny's POV

"You mean...you mean...you farted in front of him!?" humahagalpak ng tawa na sabi ni Natalie.

Binatukan ko siya. "Hindi ako umutot sa harap niya! Tumunog ang tiyan ko! There's a big difference, okay!?" todo simangot na sabi ko. Kasalukuyan kaming pauwi ng bahay ko. At ikinwento ko sa kay Natalie yung incident sa pagitan namin ni Vaughn kanina. Paglabas ko ng cr kanina, he's nowhere to be found. Siguro umalis na rin siya 'non. Sana nga panaginip na lang 'yon eh. Kasi tingnan mo ngayon itong si Natalie, mukhang enjoy na enjoy pa sa nalaman. Sa halip na pagaanin ang loob ko, inaasar pa ako! Ang sarap lang itulak palabas ng taxi. 

Hinampas niya ako habang hindi pa rin tumitigil sa kakatawa. "Kasi naman girl, ang epic ng entrada mo eh! I mean, you know after seven years, ngayon lang ulit kayo nagkita ng ex mo tapos ganon pa ang mangyayari!? Sa ganong sitwasyon pa!? Kung kelan taeng tae ka pa!? EPIC KA TALAGA!" Halos maiyak na siya sa kakatawa.

"Wag mo na ngang ipaalala!" yamot na yamot na sabi ko. "Inis na inis na nga ako rito, ganyan ka pa! Buwiset!" Anak naman kasi ng sampung tokwang panis eh! Bakit naman kasi ganon!? Ang habang panahon na, wala pa rin akong ibang ginawa kung hindi ipahiya ang sarili ko sa lalaking 'yon! Sa kanya pa talaga ha!? Great! Just great! Sana talaga hindi na kami magkita 'non. Dahil kung magkataon, wala na akong mukhang ihaharap sa kanya.

Tumawa pa ng ilang minuto si Natalie bago maka get over. Pagkatapos, umupo siya nang maayos at pinahid ang luha niyang sanhi ng pagtawa. -.- She cleared her throat. "Okay, serious na."

I rolled my eyes. "Thank God. Akala ko wala ka nang balak tumigil eh."

"Anong sabi niya sa'yo bago yung..you know?" Halatang nagpipigil na naman siya ng tawa.

Pinandilatan ko siya. "Wala, kinumusta lang ako. Kaya lang naman siya nandon, dahil sinundo niya si ate Vanessa."

"Yun lang!? Wala ba siyang binaggit about doon sa past niyo o kaya kung ano man? Hindi niya ba sinabing namimiss ka niya?" sunod sunod na tanong niya.

I scoffed. "Wala. Duh! Ang tagal na 'non no! I'm sure may asawa na 'yon ngayon. At ako, ma mimiss non!? Bakit sino ba ako sa buhay niya? Waley!"

Tinignan ako nang malisyosa ni Natalie. "Bakit bitter ka?"

Hinampas ko siya. "Hindi ako bitter! I'm just stating a fact!"

Tumawa si Natalie. "Oo na! Eh ikaw, kumusta naman? Anong sinabi mo sa kanya?"

Grabe talaga 'tong si Natalie. Kailangan talagang every detail!? "I talked to him professionally. Kapag tinanong, sasagot. Nothing more," I stated matter of factly.

"Wow! Galing ha! Em so proud of ya girl!" sabi niya sabay nakipag apir sa akin.

"Syemps! Buwiset lang talaga yung tiyan ko eh."

Maya maya, hinawakan niya ako sa braso. She looked at me differently.  "Pero yung totoo? Wala ka bang na feel na kahit ano?"

"Bukod sa masakit kong tiyan, wala," straight face na sagot ko.

Lumapit sa akin ang mukha niya. "Talaga? Hindi mo ba siya namiss? O kaya, wala ba kahit kaunting kurot diyan sa puso mo?"

HIndi ako makapaniwalang napatingin sa kanya. "Of course wala! Ano ka ba!? Past is past! I'm totally over him!" Itinulak ko ang mukha niya palayo sa akin. "Kaya pwede ba, tigilan mo na ako!? Nang aasar ka lang eh!" 

Tumawa siya nang malakas. "Okay! Titigil na po! Basta wag ka lang kasing magpapahalatang affected ka pa rin."

"SIRAAAA!" sigaw ko sa kanya. Baliw talaga 'tong si Natalie kahit kailan. Palagi na lang akong pinatitripan nang ganyan! Akala niya ba nakakatawa!? Tsss. =.='

Inakbayan niya ako bigla. "Uy, joke lang girl. Alam ko namang naka move on ka na eh," nakangiting sabi niya. 

I snorted at her. "Ayusin mo kasi!" Tapos, napangiti na rin ako.

------------------

I felt something warm in my shoulders. "Anak, malamig dito sa labas. Pasok na tayo sa loob para na rin makapag kape ka. Hinihintay ka na ng mga kuya mo," sabi ni momma habang nakahawak sa magkabila kong balikat.

Dalawang araw na mula nang makauwi ako dito sa Pilipinas. Pagdating ko rito sa bahay, umiiyak akong sinalubong ng yakap ni momma. She said she missed me so much. Hindi ko rin napigilan ang sarili ko. I cried in her arms for I don't know how long. Sising sisi ako kung bakit hindi kaagad ako umuwi. Doon ko lalong na realize kung gaano kalaki ang pagkukulang ko sa kanila ni daddy bilang anak.

Hinawakan ko ang kamay ni momma. Oh how I miss my mom's warmth. Ang tagal ko rin itong hindi naramdaman. I smiled at her. "Sige po momma, susunod na po ako."

She kissed my forehead before she went inside. Pinagmasdan ko siya habang naglalakad papasok ng bahay. She got really thin simula ng huli ko siyang makita. I sighed. This is all my fault. Ngayong may mga asawa na ang mga kuya ko, nakabukod na sila ng bahay. Kaya most of the time, mag isa lang si momma dito lalo na kapag nasa trabaho si daddy. Buti na lang at nandiyan si Kaoru para laging icheck siya. Paminsan minsan din, pumupunta punta dito si ate Yssa, asawa ni kuya Philip at ate Jemaica, asawa ni kuya Peter. Bilang bunsong anak at nag iisang babae, ako na dapat ang nag aalaga kay momma. Babawi talaga ako sa kanila ni daddy.

Sumunod na rin ako kay momma pagkatapos ng ilan pang minuto.

Sinalubong ako ng tatlong taong gulang na pamangkin ko, si Muffy, anak ni ate Yssa at kuya Philip. "Ta Penny. Look oh, I drew you," sabi niya.

Kinalong ko siya. "Wow! You're very good," I said as I kissed her cheeks. Tapos ibinigay ko rin siya kay kuya Philip.

He chuckled. "You know what, idol na idol ka talaga nitong pamangkin mo. She said she wants to be like you someday."

I smiled warmly at them. "Well, I bet she'll be better than me."

"Psssh. Malamang. Aba kabahan na kayo ni Yssa kung magiging katulad ni Penny yang anak mo," sabat ng magaling kong kuya Peter.

I glared at him. Oo, hindi pa rin siya nagbabago hanggang ngayon. Maluwag pa rin ang turnilyo, ever! "Buwiset ka talaga kuya!" nakasimangot na sabi ko.

Ngumisi si kuya Peter at tumawa naman sina kuya Philip, daddy at momma. 

Ngayon lang kami kumain nang sabay sabay simula nang ikasal ang mga kuya ko. Kumpleto kaming buong pamilya. Pati pala si Natalie, nandito rin. Si Kaoru na lang talaga ang kulang, buong buo na ang pamilya ko.

Lumabas si ate Yssa mula sa kusina. "Here's your favorite Penny," nakangiting sabi niya habang hawak ang isang mangkok ng adobong manok. 

"Sandali Yssa! May kulang pa diyan," habol ni ate Jem sabay kuha sa mangkok. "Wala pang itlog eh."

"Oops, sorry," naka peace sign na sabi niya.

Nagtawanan kaming lahat na naroon sa hapag kainan. Swerte rin ang mga kuya ko sa napangasawa nila. Si ate Yssa, she's bubbly and gay. Palagi siyang nakahagikgik at nakatawa. Bagay na bagay sa personality ng kuya Philip kong palaging seryoso. Pagdating sa kanya, napapangiti ang kuya ko. At nakikita kong love na love niya talaga si ate Yssa. Si ate Jemaica naman, siya yung silent type. Mabait naman siya at ngumingiti rin. Pero hindi katulad ni ate Yssa na lively talaga ang personality. Si ate Jemaica yung tipong uupo lang sa kwarto niya para magbasa ng libro kesa maki gimik sa mga kaibigan niya. At palagay ko, siya lang ang katapat ng baliw na kuya kong si kuya Peter. Akala ko nga noong una, maa-under siya eh. Pero ang nakakagulat, seryoso si kuya pagdating  sa pagdadala ng relasyon at sa sariling pamilya. At ngayon nga, magkakaroon na sila ng supling. Isang buwan na lang, manganganak na si ate Jem sa pangalawa nila ni kuya. Sana, nandito pa ako sa mga panahon na yon.

Masaya naming pinagsaluhan ang pagkain na inihanda ng dalawa kong ate at ni momma, syempre. Na miss ko talaga ang luto ni momma. 

"So Penny, may nanliligaw na ba sa'yo?" tanong bigla ni kuya Philip sa kalagitnaan ng pagkain namin.

Napatingin silang lahat sa'kin dahil doon. 

Medyo kinabahan ako dahil sa atensyon na nakatuon sa akin. "Wala pa kuya," I answered cooly.

"Anong wala? Paano si boss Kurt?" singit ni Natalie sa tabi ko.

Nanlaki ang mga mata kong napatingin kay Natalie.

"Boss Kurt?" tanong ni dad. Lahat sila, hindi inaalis sa akin ang tingin nila.

Pinandilatan ko si Natalie at hinampas sa balikat. "Baliw mo talaga! Hindi ko manliligaw si Boss Kurt no!" singhal ko sa kanya. Bumaling ako kina daddy. "Lukarit lang po si Natalie. Si Boss Kurt po ang may ari ng pinagtatrabahuhan ko," nakangiti kong paliwanag.

"Hindi mo siya manliligaw?" taas kilay pa ring tanong ni daddy.

I laughed nervously. "Dad, boss ko lang po siya. Wala pong kung anong espesyal na koneksyon sa aming dalawa."

"Wala raw. Eh hinatid ka pa nga niya noong isang gabi," bulong ni Natalie.

Pasimple kong kinurot sa tagiliran si Natalie na ikinapitlag niya. "Manahimik ka," nanggigigil kong bulong.

Biglang lumungkot ang mukha ni dad. "Anak, do you still have grudge on men?"

Napatingin ako kay daddy. "What do you mean po?" takang tanong ko.

"After that...that incident, wala na bang naging espesyal sa puso mo?  Will you ever entrust your heart to anyone?" He sighed sadly. "This is all my fault." 

Nalungkot ako nang maintindihan ko ang sinasabi ni daddy. Tumayo ako at pumunta sa may upuan niya. I hugged him from the back. "Daddy, of course I still trust men. I trust you. I trust kuya Philip and kuya Peter. And I know, makakahanap din po ako ng para sa akin. You don't have to worry dad. Hindi pa lang siya dumarating. But I'm sure, matatagpuan ko rin siya," I said as I kissed his slightly wrinkled cheeks.

Ngumiti na non si daddy at hinalikan ako sa noo.

Suminghot si momma pagkatapos ay ngumiti. "Hay! Tama na nga yang drama nyo! Ituloy na nga natin ang pagkain."

Tumawa ako at bumalik sa upuan ko.

--------------------

Nagpaalam na sina kuya pagkatapos naming kumain. Ako na ang nagprisintang maghugas ng pinagkainan. Nakakahiya naman kasi. Wala na nga akong naitulong sa paghahanda ng pagkain. Kaya ito na lang.

After I washed the dishes, pumanik na lang ulit ako sa kwarto. Bukas pa kami magsisimulang mamasyal ng buong pamilya. Daddy took a week of vacation para makasama siya. 

My room did not change at all. Kung paano ko siyang iniwan noon, ganon pa rin siya ngayon. Pati naman ang buong bahay. Ang nakakalungkot lang, wala na yung dating ingay noong nandito pa ang mga kuya ko.

Naligo muna ako at nagpalit ng mas kumportableng pambahay.

While drying my hair, napadako ang paningin ko sa side table. Napangiti ako nang makita ko ang mga pictures na naroon. There's a picture of me and Kaoru, mommy and daddy pati ang family picture. But what caught my attention is my picture with Vaughn. Nakapalupot ang bisig niya sa bewang ko rito.  Nakalimutan ko itong tanggalin noon. Ang nasa isip ko lang kasi nang mga panahon na 'yon ay makaalis sa lugar na ito.

We looked happily in love here. Too bad it was all lies on his part. Napabuntong hininga ako. Well at least everything is okay now. I moved on at iyon ang mahalaga ngayon. At alam kong ganoon din siya.

Kinuha ko yung picture para itago. Nang buksan ko yung drawer, something caught my eyes.

I didn't know I still have this. Ang akala ko, naisauli ko na ito sa kanya. Yes, it was my engagement ring. The one Vaughn gave me.

Nabulabog ako nang may biglang kumatok. "Anak, may bisita ka!" sabi ni momma.

"Sino po?"

"Basta bumaba ka na lang anak," sabi ni momma. Pagkatapos, ay narinig ko ang yabag niya papalayo.

Hmmm. Sino naman kaya 'yon? Itinago ko ulit yung singsing sa drawer. Maybe I'll just return it to him when I have the time.

Nagpalit ulit ako ng maayos na damit bago bumaba. Nakaka-curious talaga kung sino 'yon. I mean, dalawang araw pa lang akong nandito at wala pang gaanong nakaalam na nandito ako sa Pinas.

Pagkababa ko at makita ko kung sino ang bisita ko raw, I almost fell from the stairs. 

"Hi," nakangiting bati niya.

"Vaughn," I breathed.

to be continued...

Cliffy ^___~.

Continue Reading

You'll Also Like

102K 2.7K 44
Inakala nila Shin at Jordan na matatahimik na ang kanilang buhay nang makalaya sila sa kamay ni Kei. Pero isa iyong pagkakamali dahil kailan ma'y hin...
6.2K 207 56
Umuwi nga ng Pilipinas na mag-isa si Elianna. Umuwi siyang bigo, iniwan at nasasaktan na naman. Keanu left her hanging. Paano kaya yung mararamdaman...
1.1M 24.1K 35
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.