Love at First Sight?! [REVISI...

By kathnielogist_

24.8K 526 41

"Ano ba tong nararamdaman ko? Nagseselos ba ko? Eh? Ang baduy man pakinggan pero... na Love at first sight at... More

Disclaimer
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
!!!THIS IS NOT AN UPDATE!!!
Chapter 15
Chapter 16

Chapter 14

813 20 5
By kathnielogist_

HII GUYSSS!! i'm baackkk!! sorry sa matagal kong pagbabalikkkk :(( here's an updatee for ya'll xoxo





MAZEON KACE'S POV




"CHEERS!" Sigaw naming tatlo nila Ethan at Zach tsaka pinagtama ang mga baso namin. Kasalukuyan kaming umiinom ngayon para i-celebrate ang success ng lovelife ni Zach. Hindi pa naman sila ni Savannah pero alam daw kasi ni Zach na sasagutin din siya Sav eh. Sir*ulo! Nong una nagulat ako kasi bigla na lang bumukas pinto ng bahay ko at pumasok tong dalawang ugok na to pero nung nalaman ko na kung para saan yung pagce-celebrate ay ako pa mismo nagsponsor ng alak. Tuwang-tuwa nga sila dahil napakadamot ko daw sa mga alak dito sa bahay. 

"Para sa dating non-existent na lovelife ni Zach na ngayon ay nage-exist na!" Sigaw ni Ethan na dinugtungan ko naman ng, "Cheers!"

"Kanina pa tayo umiinom. Di ko napansin na lumalalim na ang gabi ah. Pero guys, kinikilig talaga ako! Nakakabakla mga par!" Sabi ni Zach matapos namin pinagtama ang mga baso namin.


"Pero sigurado ka ba talagang sasagutin ka?" Halakhak ni Ethan.

"Malamang! Hindi ko siya susukuan hanggang sa mapasagot ko siya noh!" Sagot naman ni Zach.

"Tinamaan na nga ang ugok!" Ang tanging nasabi ko. Inapir-an naman ako ni Ethan.


"Tigilan niyo na nga ako. Basta successful na akin ah." Tigil samin ni Zach. "Ngayong ayos na yung samin ni Savannah, sa inyo naman ni Arzaley ang aayusin natin." Dagdag niya at tinapik ako sa balikat.


"Oh bakit sakin napunta?" Gulat ko namang tanong nang marinig yun.


"Oh, eh kanino naman mapupunta? Kay Ethan? Eh mas non-existent pa sa mga walang lovelife yung lovelife niyan eh!" Sabi niya na para bang yung sinabi niya yung pinaka-obvious na bagay sa mundo. Kaya naman batok ang inabot niya.

"Ah!" Reklamo niya at hinimas himas ang ulo pagkatapos siyang batukan ni Ethan.

"Pero seryoso, par. Kailan mo ba balak umamin kay Arzaley?" Baling sakin ni Ethan.


"Oo nga! Baka mamaya tsk tsk tsk! Ikaw rin. Baka magsisi ka pag naunahan ka." Dagdag pa ni Zach, nagkibit balikat at nilagok yung bote ng alak na hawak niya.

"Hindi ko alam mga orb... pero kasi ayokong─"


"MA-REJECT!" Sabay nilang sigaw kaya naputol ang sinasabi ko. Tama naman sila. Ayaw ko lang kasing ma-reject. Ang weak man pero ayoko na ulit maulit yung nangyari dati.


"Eh hindi naman natin maiiwasan yun, orb. Atsaka isa pa, it will serve as a lesson for Arzaley, and of course, you." Sabi ni Ethan at tinapik ako sa balikat.


"Tumpak! Tignan mo ako. Diba na-reject ako ni Savannah. Sumuko ba ko? Diba, hindi. Kasi mas pinatatag ako nung pag-reject niyang yun. Kasi may natutunan ako dun sa nangyaring yun." Seryosong saad naman ni Zach at pumikit. 


Tumingin ako kay Ethan at naabutan siyang humihikab. Maya-maya ay nagsabi na siyang mauuna na daw siya sa loob para magpahinga. Hindi nagtagal ay tumayo na rin si Zach, tinapik ako at pumasok na rin sa loob. Bakit ang hilig nilang manapik ngayon? Ganun pala ang mga yon pag sobrang nalalasing. Ang dami rin naming nainom ah.



Nagligpit na ko pero di pa ko makatulog kaya napag desisyunan kong maglakad lakad nalang muna sa labas. Nag dala din ako ng dalawang beer in can. Naglakad lang ako hanggang sa makarating ako sa park. 


May tama na ko pero di pa rin sapat yun para antukin ako kaya naman binuksan ko ang isang dala kong beer at uminom dito. Tumingala ako sa langit at tinitigan lang ang mga bituin. Nang maubos ang beer na iniinom ko ay binuksan ko ang pangalawa at huling beer na iinumin ko. Nasa kalahati na ko nang makaramdam ng antok. Bumabagsak na ang mga mata ko. Sinubukan kong tumayo pero ang resulta ay muntikan na kong bumagsak. Buti na lang at may nakasalo sakin.






ARZALEY KAYLIE'S POV





Kasalukuyan akong naglalakad patungong sa di ko alam kung saan. Hindi ko alam pero may nagtulak sakin na lumabas kahit gabing gabi na at napaka-tahimik na nang paligid.


Sa wakas ay dinala ako ng aking mga paa sa park. Umupo muna ako sa isa sa pinaka-malapit na bench. Maya-maya ay may narinig ako kalusk- hindi parang nagbukas ng can. Basta yun. Akala ko kung ano na kaya kinabahan ako.


Tumayo ako para tignan kung may tao. Tama nga ako.. may lalaki... Sakto naman na patayo siya muntikan na sanang tumumba. Kung di ko nahawakan ang dalawa niyang balikat ay nasa sahig na siguro siya ngayon. Nakita kong may dalawang can in beer sa inuupuan niya kanina. Hmm, that explains the smell. Tinaas ko ang ulo niya para matignan ang mukha. Nagulat ako nang makitang si Mazeon iyon. Bakit naman siya nasa labas ng ganitong oras. Umiinom pa siya.



"Urgh..." Nag groan siya at tinanggal ang pagkakahawak ko sa mukha niya na ginamit ko pang taas dun kanina at inihilih niya ang ulo niya sa balikat ko.



"Mazeon." Mahina kong tawag sa kanya at marahan siyang niyugyog. Di siya gumalaw o nagsalita.


"Maze..." Tawag ko ulit.



"Hmm.." Sagot niya. Magsasalita pa sana ako nang banggitin niya ang pangalan ko.

"Arzaley." Sabi niya in a husky voice. Kumalabog naman ang puso ko. Tinaas niya ang ulo niya.



"Ikaw nga." Dagdag pa niya at ngumiti.

"Bakit? Anong meron sakin?" Tanong ko sakanya. Umiiral nanaman ang pagiging matanong ko.




"hwgkngmgpplgwsibaah." Sabi niya na hindi ko naintindihan dahil sa sobrang husky ng boses niya.

"Huh?" Tanong ko kaya naman medyo nag clear siya ng throat niya at inulit ang sinabi niya kani-kanina lang.



"Sabi ko..." Sabi niya at lumapit sa may bandang tenga ko kaya medyo napaatras pa ko pero hinawakan niya ako sa dalawang balikat ko bago tuluyang sabihin ang sasabihin niya...





"Huwag kang magpapaligaw sa iba." Ulit niya nang mas malinaw na mas nagpalakas nang kalabog ng puso ko. Feeling ko nga lalabas na siya eh. 




"A-ano? B-bakit naman?" Tanong ko kahit kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit.







"Kasi gusto ko akin ka lang." Sagot niya at naramdaman ko nalang na bumagsak na yung ulo niya sa balikat ko. Narinig ko pa ang marahan niyang paghilik. T*ngina! Kung kanina feeling ko lalabas pa lang yung puso ko... ngayon, feeling ko lumabas na siya. Para akong nabingi at yun lang ang paulit-ulit na narinig ko.






Fuck. I'm falling.







[End of CHAPTER 14]

==========================================================



Continue Reading

You'll Also Like

38.8K 1.2K 74
Compilation of Vhoice stories.
9.3K 342 65
neardy type na mahilig magbasa ng novel about reincarnation ngunit paano kapag napunta Siya sa pinaka favorite niyang libro?... nanaisin niya pa bang...
9.2K 284 18
AshMatt fanfic
41.3K 1.4K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"