Love Will Find A Way

By iloveaxclu

18.7M 126K 17.8K

She is a stranger to him. He is a stranger to her. She's simple and nice. He's a playboy. Will he ever chang... More

Description
Prologue
Chapter 1 [Part 1] - Laureen
Chapter 1 [Part 2] - Luigi
Chapter 1 [Part 3] - The Dare
Chapter 1 [Part 4] - The Expert
Chapter 1 [Part 5] - Reasoning
Chapter 2 [Part 1] - The Event
Chapter 2 [Part 2] - Accident
Chapter 2 [Part 3] - Small World
Chapter 2 [Part 4] - Post It
Chapter 2 [Part 5] - Zoom In
Chapter 3 [Full....] - OMG
Chapter 4 [Part 1] - Guide
Chapter 4 [Part 2] - Dinner
Chapter 4 [Part 3] - Courage
Chapter 5 [Part 1] - Pancakes
Chapter 5 [Part 2] - Lost
Chapter 6 [Part 1] - First Week Funk
Chapter 6 [Part 2] - Stares
Chapter 7 [Part 1] - Rematch
Chapter 7 [Part 2] - Assumptions
Chapter 8 [Part 1] - Blue Team
Chapter 8 [Part 2] - No Guts, No Glory
Chapter 8 [Part 3] - Ripple Effect
Chapter 9 [Part 2] - Unexpected **
Chapter 10 [Part 1] - Guilt
Chapter 10 [Part 2] - Clueless
Chapter 11 [Full....] - Mood Swings
Chapter 12 [Part 1] - Hon *
Chapter 12 [Part 2] - Hon **
Chapter 13 [Part 1] - Friday Night
Chapter 13 [Part 2] - Tick Tock
Chapter 13 [Part 3] - Every Little Thing She Does
Chapter 14 [Part 1] - The Engagement
Chapter 14 [Part 2] - Babies *
Chapter 14 [Part 3] - Babies **
Chapter 15 [Part 1] - We're In This Together
Chapter 15 [Part 2] - I Got Your Back
Chapter 16 [Part 1] - The New Us *
Chapter 16 [Part 2] - The New Us **
Chapter 17 [Part 1] - This Means War *
Chapter 17 [Part 2] - This Means War **
Chapter 17 [Part 3] - This Means War ***
Chapter 17 [Part 4] - This Means War ****
Chapter 18 [Part 1] - You've Been Invited *
Chapter 18 [Part 2] - You've Been Invited **
Chapter 19 [Part 1] - TLC
Chapter 19 [Part 2] - TLC
Chapter 19 [Part 3] - TLC
Chapter 20 [Part 1] - Steps
Chapter 20 [Part 2] - Steps
Chapter 21 [Part 1] - Changed and Unchanged
Chapter 21 [Part 2] - Changed and Unchanged
Chapter 21 [Part 3] - Changed and Unchanged
Chapter 21 [Part 4] - Changed and Unchanged
Chapter 22 [Part 1] - When The Going Gets Tough
Chapter 22 [Part 2] - When The Going Gets Tough
Chapter 22 [Part 3] - When The Going Gets Tough
Chapter 23 [Part 1] - Hard To Breathe
Chapter 23 [Part 2] - Hard To Breathe
Chapter 23 [Part 3] - Hard To Breathe
Chapter 23 [Part 4] - Hard To Breathe
Chapter 23 [Part 5] - Hard To Breathe
Chapter 23 [Part 6] - Hard To Breathe
Chapter 24 [Part 1] - Memory Lane
Chapter 24 [Part 2] - Memory Lane
Chapter 24 [Part 3] - Memory Lane
Chapter 24 [Part 4] - Memory Lane
Chapter 24 [Part 5] - Memory Lane
Chapter 24 [Part 6] - Memory Lane
Chapter 25 [Part 1] - Back In The Game
Chapter 25 [Part 2] - Back In The Game
Chapter 25 [Part 3] - Back In The Game
Chapter 25 [Part 4] - Back In The Game
Chapter 25 [Part 5] - Back In The Game
Chapter 26 [Part 6] - Back In The Game
Chapter 26 [Part 7] - Back In The Game
Chapter 26 [Part 8] - Back In The Game
Chapter 27 [Part 1] - Mr & Ms
Chapter 27 [Part 2] - Mr & Ms
Chapter 27 [Part 3] - Mr & Ms
Chapter 27 [Part 4] - Mr & Ms
Chapter 27 [Part 5] - Mr & Ms
Chapter 28 [Part 1] - All or Nothing
Chapter 28 [Part 2] - All or Nothing
Chapter 28 [Part 3] - All or Nothing
Chapter 28 [Part 4] - All or Nothing
Chapter 29 [Part 1] - Firsts
Chapter 29 [Part 2] - Firsts
Chapter 29 [Part 3] - Firsts
Chapter 29 [Part 4] - Firsts
Chapter 29 [Part 5] - Firsts
Chapter 29 [Part 6] - Firsts
What's Your Fave LWFAW Part? :)
Chapter 30 / Last Chapter [Part 1] - Every End Is A New Beginning
Chapter 30 / Last Chapter [Part 2] - Every End Is A New Beginning
Chapter 30 / Last Chapter [Part 3] - Every End Is A New Beginning
The Long Wait Is Over :) Ang Love Will Find A Way Book ay Nandito Na :)
Love Will Find A Way Book - Part 2 is out! :)

Chapter 9 [Part 1] - Unexpected *

194K 1.2K 107
By iloveaxclu

 [Laureen's POV]

[School]

"Bessie, san tayo lunch?", tanong ni Charm sa akin pagkalabas na pagkalabas ng prof namin. Tapos na ang subjects sa morning. Lunchtime na. Mamayang 3:00pm na ulit ang kasunod. 

Ang haba ng break namin ni Charm. Buti na lang talaga nag-advance kami ng mga subjects nung 2nd year at 3rd year kami. Kinuha na namin yung mga subjects na walang pre-requisites. Floating subjects. 

"Hmmm", nag-isip ako.

"Ang tagal naman", sabi ni Charms.

"Wala akong maisip eh", sabi ko.

"My treat!", sabi ni Charms.

Mabilis akong sumagot, "Don Hen!" 

"Ang bilis ah! Akala ko ba wala kang maisip?", natatawang sabi ni Charms. 

"Hehe. Eh hayaan na, pag libre talaga may maiisip agad!", sabi ko sa kanya.

"Ok, ok. Who's driving?", sabi nya.

  

"You!", sabi ko. 

"Ako? Ako na nga manlilibre eh!", reklamo ni Charms.

"Eh bakit nagtanong ka pa kasi?", tanong ko sa kanya.

  

"Sabi ko nga eh!", sabi ni Charms.

Naglakad na kami papunta sa kotse nya.

Pumunta kami sa pinakamalapit na mall sa school.

Dumerecho na kami agad ni Charm sa Don Hen.

  

Buffalo wings at pasta ang inorder namin.

"Ang takaw mo naman bes!", sabi ni Charms. 

"Eh libre eh! Sulitin na diba?", sabi ko sa kanya.

  

Pagkatapos namin kumain, nagyaya naman si Charm sa arcade house. Libre ko naman daw sya.

Bumili ako ng 100 pesos worth na tokens. Sabi kasi may libre daw na limang tokens eh. Hehe. Oo na, nadala ako sa promotion.

Unang hinarass namin ni Charm ang mga manibela ng mga car racing machine. Naka-ilang hulog kami ng tokens don. Nakakaawa nga yung batang nasa likod namin kasi parang gusto na nyang maglaro pero kaming mga damulag ayaw pa bumitaw sa manibela.

  

Kinalabit ko si Charm at ngumuso ako sa direction ng bata.

  

"Sige, last na talaga'to, pagtapos nito lipat na tayo sa iba", sabi ni Charm sa akin.

  

Adik lang? Ang ganda-gandang babae, halimaw sa racing. Buti na lang wala kaming uniform. Atleast di malalaman kung saang school kami nag-aaral. 

Sunod na pinuntahan namin ang isang widescreen na machine kung saan babatuhin lang namin at tatamaan gamit ang maliliit na bola ang mga mumu, lamok, bote o crocodile, depende sa pinili naming stage.

Haha. Dito nag-enjoy ako. Inisip ko lang yung mukha nung malditang babae na yun, andami ko ng tinamaan. Kahit matagal-tagal na din yung nangyaring pamamahiya nya sa akin sa birthday ni Benj, hindi ko pa din makalimutan minsan. Buti na lang naka-vacation leave si Ms. Dianne kaya wala din kaming practice ng badminton lately. Atleast hindi ko kelangan pumunta sa court ng school pag Sabado.

  

"Ang galing mo bes!", tuwang-tuwa na sabi ni Charm.

"Mag-isip ka ng FACE, gawin mong inspirasyon mo!", sabi ko tapos tumawa ako sa kanya.

"Ha?"

"Wala!", sabi ko, "Go na bes! Kinakagat na sya ng mga lamok!", tinuro ko ang drawing na bata sa screen.

Nag-ilang rounds din kami don.

  

Sinunod namin ni Charmie ang bowling machine. Tig-isa kami. Pagkatapos barilan naman.

  

Hinatak ko si Charmie sa basketball, gusto kong mag-shooting. 

Pero gusto nya daw dun sa dance machine. Aba at talagang hindi na sya tinatablan ng hiya?

  

"Sasayaw ka don?", tanong ko.

"Hindi noh! Manonood lang!".

"Akala ko....mamaya na, dito muna tayo", sabi ko.

Pinauna nya na ako kasi isa lang ang bakante.

  

"Go bes!", sabi ni Charm.

  

Hulog ng token and press start button!

Hagis ng bola:

Shoot!

Hagis ulit ng bola: 

Shoot!

  

"Wooo! Galing!", sabi ni Charm.

Kumindat ako sa kanya. Hindi naman ako nagmamadali mag-shoot. Hindi ko habol ang score. Hindi ko din habol ang tickets na lalabas sa machine. Ang habol ko talaga maka-shoot.

  

Hagis ng bola, isang kamay lang this time:

Shoot!

"Oh, look who's here!".

Hagis ng bola, narinig ko na may nagsalita pero di muna ako lumingon, tumama sa board at:

Shoot!

  

Lumingon na ako sa nagsalita.

  

Tapos balik ng mata sa ring at hagis ng bola.

 SABLAY!

Halos hindi ko nga actually nabato ang bola sa ring eh. Kumapos. Air ball.

  

MONSTER ALERT.

"Magaling ka pala talaga umasinta noh?", makahulugang sabi ni Kara.

  

Madami syang kasama. Nakita kong nakatingin sila sa aking lahat. Siguro mga hindi din makapaniwala na magkikita-kita kami lahat ngayon dito. Si Billy. Si Jake. Si Aaron. Si Luigi. At iba pa. Andon lang sila nakatayo lang at nakatingin sa akin. 

Hindi ako nagsalita. Nagbaba ako ng tingin ko. Mahina ako sa ganito. Umiwas ako sa tingin ni Kara.

"Excuse me. Nice!" 

Tinaas ko ang tingin ko. "Billy", nag-smile ako ng tipid.

"Let's go!", sabi nya sa akin ng nakangiti. "Una na kami. Pa-drive na lang ng sasakyan ko Aaron", tinapon nya kay Aaron ang susi ng kotse nya.

  

Nakita ko naman na kinausap ni Jake si Kara. Si Luigi, nakatayo lang sya, nakatingin lang sya sa akin. 

"Hi Charm", mahinang sabi nung Aaron.

Tumango lang si Charm. 

Hinawakan kami ni Billy sa wrist parehas ni Charm at hinatak nya kaming dalawa palabas ng arcade house. 

 ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Thanks Billy", sabi ni Charm.

"Welcome", sagot ni Billy habang inaabot pabalik ang susi ng kotse ni Charm.

"Thanks Billy ha", sabi ko din. 

"Yup. O girls, balik na sa klase. Baka ma-late na kayo", sabi ni Billy. 

Bumalik na kami sa class ni Charm. Pagtapos ng klase dumerecho na akong umuwi agad sa condo ko.

************************************************************************

[School again]

Elective ang first class ko today kaya kelangan ko dumerecho sa computer lab.

  

Sana di pa ako late. Waaaah. Na-late ako ng gising eh. Nag-park na ko at dali-daling bumaba ng sasakyan ko. 

Haay, may disadvantage pala ang dress, di ka makapagmadali bumaba ng sasakyan ng hindi inaayos ang pagbaba mo, unless gusto mo makitaan.

Sinara ko na ang pinto ng kotse ko at tumayo muna ako sa harap nito saglit para ibaba ng konti ang dress ko na tumaas dahil sa pagkakaupo ko siguro sa kotse.

  

"Di naman maiksi ah. Tama lang".

Napatingin  ako sa nagsalita. 

Di ako sumagot sa kanya. Patuloy kong inayos ang damit ko. Di naman talaga sobrang iksi ng dress ko, inaayos ko lang kasi umangat.

  

"Wow. Ang aga pa para magsuplada", naka-smile si Luigi pero halatang naasar sya sa di ko pagpansin sa kanya.

"Anong kelangan mo?", sabi ko sa kanya. 

"Wala naman".

"Wala naman pala eh, late na kasi ako so I'll go ahead", flat na sabi ko.

"What's your problem?", tanong nya.

"Bakit ka ba nandito? Sinundan mo ba ako?", inis kong tanong.

"Tss!", yung lang ang sinabi ni Luigi, tapos tinapat nya ang kamay nya sa kotseng katabi ng kotse ko, umilaw yun at tumunog.

BOOM! Pahiya ako.

  

"Pahiya ka noh!", sabi nya.

  

Tinaasan ko lang sya ng kilay. At nagsimula na ako lumakad.

"Hey!", humabol sya. 

Tumigil ako sa paglalakad. 

"Luigi, kung may sasabihin ka, sabihin mo na agad. Kasi baka makita pa tayo ni Kara, mapag-initan pa ako ulit", sabi ko. 

Di sya sumagot. Tinignan lang nya ako.

  

Kaya naglakad na ako ulit.

"Hi Laureen! Hi Luigi", si Billy nadaanan namin at kakasara lang nya ng pinto ng sasakyan nya.

  

"Hi Billy", bati ko sa kanya. 

"San ka?", tanong nya.

"Computer lab", sagot ko.

  

"Ah, I'll walk you there", nakangiting sabi ni Billy. 

"Ok, wala ka bang klase?", tanong ko. 

"Meron pero mamaya pa naman",  sabi nya. "Kaw Gi, san ka?", tanong ni Billy kay Luigi.

  

"Caf", sagot ni Luigi. 

Pumunta na kami ni Billy sa computer lab. Andon na din si Charm nung dumating kami. Wala pang prof kaya lumabas muna kami ni Charm at nakipagkwentuhan kay Billy. Lumabas din si Julia kasama namin. Kaming apat. Nakakatuwa lang.

  

Dumaan ang prof kaya nagpaalam na kami kay Billy. 

"See you later girls!", sabi ni Billy.

Sabay-sabay kaming magla-lunch.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[Luigi's POV]

  

"Ayoko nga", sabi ko.

Pinipilit ako ni Aaron na i-represent at maging 'male face' ng College of Engineering sa darating na College Week.

"Sige na, ikaw na lang bro", pangungulit nya.

"Ayoko nga! Bakit hindi na lang ikaw?", sabi ko sa kanya. 

"Part nga ako ng committee eh. Di ako pwede!", sabi ni Aaron sa akin.

"Ayan si Jake o!", sabi ko, sabay turo kay Jake. 

"Nananahimik ako dito ah", sabi ni Jake.

"Ayaw din ni Jake eh, kanina ko pa din pinipilit yan. Naman p're, lalakad ka lang konti, mag-smile, ganon lang", sabi ni Aaron.

  

"Kahit pa", sabi ko.

"Kaasar naman! Buti pa yung ibang courses meron na sila. Tayo wala pa!", sabi ni Aaron.

"Talaga?", tanong ni Jake.

"Oo naman! Si Benj ang rep ng Multimedia-Arts. Sino pa nga ba ang ieexpect natin diba? Si Lance sa Accounting, basta ok na lahat, kaya kinukulit na tayo sa Engineering. Bakit wala pa daw tayo", sabi ni Aaron.

  

"O, baket nakasambakol ang mukha mo Aaron?", dumating na si Billy na nahuling lumabas sa classroom kanina dahil kinausap pa sya ng prof. 

Nagla-lunch na kami ngayon nina Aaron at Jake.

  

"Eto pala si Billy eh! Kaw na lang p're!", sabi ni Aaron. 

"Ang alin?", tanong ni Billy.

  

"Rep ng Engineering sa College Week", sabi ni Aaron. 

"Ayoko nga!", sabi ni Billy.

"Ano ba naman yan! Bakit ba yung mga gwapo umaayaw? Yung mga mukhang aso pinipilit ako na sila na lang ang magrepresent sa atin?", sabi ni Aaron.

  

Tumawa kami nina Billy at Jake sa sinabi nya. Kunsimido na ata talaga ang gago sa paghahanap.

  

"Yung mga kaibigan kong GWAPO ayaw ako tulungan! Bakit naman ayaw mo din Billy?", sabi ni Aaron.

"Magpi-PA ako nyan eh", sabi ni Billy.

"PA? Alalay?", sabi ni Aaron.

  

"Yes", sabi ni Billy. "Itong dalawa? Bakit ayaw?", binalik sa amin ni Billy ang spotlight.

  

"Ang weird naman kung papartneran ko si Kara", sabi ni Jake.

"Sabagay", sabi ni Billy.

  

"Basta ako, ayoko", sabi ko sa kanila.

"Tss! Fine!", sabi ni Aaron. "Kumain na lang tayo. Nagugutom ako lalo sa inyo eh", sabi nya pa. "Nasan na ang food mo Billy?"

"Maya-maya ako", sabi ni Billy.

  

"Baket?", tanong ko sa kanya.

  

"Ah teka, ayan na pala sila", sabi ni Billy, tumingin sya sa pinto ng caf.

  

Si Julia. Si Charm. At si Laureen.

  

"Kasama mo sila?", tanong ni Aaron kay Billy.

  

"Oo", tumawa sya kay Aaron. "Gusto mo siguro dito na kami umupo noh?", biniro sya ni Billy.

"Wag p're. Stressed yung mukha ko ngayon eh", sabi ni Aaron.

Natawa kami sa sinabi nya.

Tumayo na si Billy para puntahan ang mga babae na mukhang hinahanap din sya.

  

Hindi na ko tumingin sa kanila.

"Aaron, ok ka lang. Kumain ka na!", tanong ni Jake. 

"Pare! Busog na ko", sabi ni Aaron.

"Hindi ka pa nga nag-start kumain eh", sabi ko sa kanya. 

"Busog na mata nya", sabi ni Jake. 

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[Laureen's POV]

Umakyat na kami nina Charm at Julia sa classroom pagkatapos namin mag-lunch with Billy.

Three more subjects at natapos din ang klase. Sabay kaming nagpunta ni Charm sa parking at naghiwalay na doon. Magkalayo kasi ang mga sasakyan namin.

Pumwesto na ko sa driver's seat at nilagay na ang gamit ko sa tabi ko.

  

Binuksan ko ang bag ko para kunin ang susi ko. Napansin ko na umiilaw pala ang iphone ko. Yikes! May tumatawag at naka-silent ang phone ko? Kinuha ko ang phone ko pero hindi na ito umiilaw.

  

6 missed calls. Unregistered number.

Sino 'to?

  

Hindi naman siguro 'to prank caller lang. Hindi naman sya tatawag ng ilang beses kung hindi mahalaga. 

Nag-return call ako. Tinawagan ko ang number.

  

"Hello", sabi ko.

"Ms. Laureen?", sabi ng isang babae.

"Yes, speaking. Who's this please?", sabi ko.

"Si Issa po 'to", sabi nya.

  

Issa. Issa. Issa.

  

"Si Sir Lauro po kasi.............................."

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Dali-dali kong pina-andar ang sasakyan ko.

Oh my God. Lolo!

  

Halos paliparin ko na 'yon papunta sa bahay ni Lolo.

Nakaka-frustrate tuloy lalo ang traffic.

Kung kelan ka nagmamadali, saka ka naman naiipit sa heavy traffic.

Hindi ko na inayos ang pag-park ng kotse ko. Dali-dali na akong lumabas at nagpunta sa kwarto ni Lolo.

Nakasalubong ko si Issa sa hagdan.

"Ms. Laureen", sabi ni Issa.

"Kamusta si Lolo?", sabi ko sa kanya habang naglalakad.

Nakasalubong namin ang doctor na kalalabas lang sa room ni Lolo.

"Hi doc", bati ko dito.

  

"Hi hija".

"Kamusta po si Lolo?"

  

"Nawalan sya ng malay dahil sa sobrang pagod at stress. At dahil sa age nya, kelangan mas mag-ingat. Medyo mahina pa sya ngayon. Pero safe naman na sya. Bantayan na lang natin sya nga maigi. At wag masyadong i-stress. Pinag-leave ko din sya sa work nya para makapagpahinga na muna sya", sabi ng doctor.

Napapikit ako sa narinig ko.

  

"Salamat po doc", sabi ko sa doctor. 

"Welcome hija", sabi nito sa akin, pagkatapos ay humarap sya kay Issa. "Issa, yung medicine nya wag mo kalimutan ipainom on-time. At yung diet nya ha, make sure sinusunod." 

"Opo doc" sagot ni Issa.

"I'll go ahead", paalam ng doctor.

  

"Sige po. Salamat po ulit", sabi ko.

"Hatid ko na po kayo doc", sabi ni Issa.

  

"Salamat Issa, kaw na bahala ha", sabi ko kay Issa.

Ngumiti naman sa akin si Issa.

Pagkababa nila ng hagdan, dumerecho na ko sa kwarto ni Lolo.

  

"Lo", sabi ko pagbukas ng pinto ng kwarto ni Lolo.

"Hi hija", sabi ni Lolo. Gising naman ito pero nakahiga sya sa kama nya. Nag-smile sya sa akin.

  

Hindi ko napigilan tumulo ang luha ko. Kanina ko pa 'to pinipigilan. Ewan ko pero sobrang kaba ang naramdaman ko kanina.

Lumapit ako para humalik sa noo ni Lolo.

"Hija, I am fine", sabi ni Lolo.

  

"Pinakaba mo ako", sabi ko sa kanya. Pagkatapos ay umupo ako sa kama nya at hiniga ang ulo ko sa ulo nya.

"Ikaw talaga", sabi ni Lolo.

Bumukas ang pinto ng kwarto ni Lolo.

Pumasok si Tito Nilo at si Luigi. Si LUIGI? Anong ginagawa nya dito?

  

Tumayo lang si Luigi sa may pinto, pero si Tito Nilo lumapit sya sa paanan ng kama ni Lolo.

"Hi hija. Andito ka na pala", sabi ni Tito Nilo.

"Hi Tito", tumayo ako sa pagkakaupo ko at nagpahid ng luha. "Andito po pala kayo".

"Oo hija, kanina pa ako dito, magkasama kami ng Tito Lauro. Itong si Luigi halos magkasunod lang kayo", sabi nya.

"Thanks Nilo", sabi ni Lolo.

"Don't mention it", sabi ni Tito Nilo at nag-smile sya kay Lolo.

  

Kanina pa pala si Tito Nilo dito. Tapos nauna pa si Luigi sa akin dumating. Baka tinext sya ni Tito Nilo.

"O, magkaaway ba kayo?", sabi ni Tito Nilo na tumingin kay Luigi pagkatapos ay sa akin naman.

"Po?", sabi ko.

"Bakit ang layu-layo nyo naman sa isat-isa?", sabi ni Tito Nilo.

  

"Aah, eh....", wala akong masabi. Oo nga pala, boyfriend-girlfriend kami. Lumapit na lang ako kay Luigi. At tumabi ako sa kanya sa may pintuan.

  

"Hi", sabi ko sa kanya. Sinungitan ko pa naman sya kaninang umaga. Patay.

"Hi", sabi nya din sa akin.

"Ganon lang?", sabi ni Tito Nilo, "Son, you're girlfriend was so worried and scared, and just cried. You should have been comforting her, asking her if she's ok!", sabi ni Tito Nilo.

  

Nagulat ako kay Tito Nilo.

  

Nanahimik kami ni Luigi. Maya-maya pa.

"Dad talaga o", hinawakan ako ni Luigi sa braso at hinatak ako papunta sa unahan nya at niyakap ako mula sa likod. Parehas kaming nakaharap sa dalawang matanda, "Inuunahan mo naman ako eh".

Anong ginagawa nya? Waaaaah!

Tumahimik saglit at pagkatapos ay natawa si Tito Nilo at nakita kong nag-smile si Lolo.

Pinatong ni Luigi ang ulo nya sa balikat ko at nagsalita, "Ok ka lang ba? Ha? Wag ka na mag-alala, everything's gonna be fine", sincere at malambing na sabi ni Luigi sa akin.

Tumalon ang puso ko at kinabahan ako ng sobra sa sinabi nya. Umiinit na din ang mukha ko.

  

*Dug-dug-dug-dug*

"Baka naman Laureen apo, pinapahirapan mo si Luigi ha?", mahinang sabi ni Lolo.

Narinig ko ang sinabi nya pero Laureen lang ang naintindihan ko. Dahil hindi ako maka-focus sa ibang bagay, kundi sa pagkayakap lang ni Luigi sa akin.

  

"Po? Ano po 'yon Lo?"

"Pinahihirapan mo ba si Luigi?", sabi ni Lolo.

"Hindi po ah", lumingon ako para tignan ang mukha ni Luigi na nakasandal pa rin sa balikat ko. "Diba hindi naman?". 

Ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Mas uminit ang mukha ko at mas kumabog ang dibdib ko. 

"Hmmmmm", sabi ni Luigi na nagpipigil ng ngiti.

Hinampas ko ang kamay nya na nakapulupot sa may tyan ko.

Natawa na naman si Tito Nilo at nag-smile si Lolo.

Bumitiw na si Luigi sa akin at sumandal na lang sa pinto at tumatawa.

  

Lumapit ulit ako sa tabi ni Lolo at umupo, "Lo, dito muna po ako titira para makasama kita", sabi ko kay Lolo.

"Oh really? That's nice. Luigi will be staying here as well!", masayang sabi ni Tito Nilo.

  * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

Post ko yung Chapter 24: Unexpected [Part 2] na sobrang iksi lang din bukas :)

Continue Reading

You'll Also Like

36.2K 3.3K 76
It follows the life of a merman named Yuelo who will try to live on the land to achieve his mission to assassinate the person whom he believes is the...
523K 9.4K 33
Please, read the Student Terror Part 1 first.
15.2K 317 5
Second installment of the "THE BOSS" Twin Series. This story is stand alone with five chapters. First Installment: BTW - It's Love! (Story in partner...
The Substitute By Pinky

General Fiction

1.1M 8.7K 5
Nagsimula sa pagpapanggap dahil sa isang pabor. Pumabor din kaya si Kupido at ang tadhana?