Carrying The Billionaire's Ba...

By journialisqui

2.2M 41.7K 8.4K

Amanda agreed with Lucian's agreement. Iyon ay ang dalhin ang magiging anak nito. Hindi niya alam while she'... More

Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)
Maikling Info <3
Maikling Paalala Ni Owtor
Prologue
Paalala Saiyo Ni Owtor
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Special Chapter (Lucian's POV)
Special Chapter (Part Two)
Special Chapter (Part Three)
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Special Chapter (Lucila's POV)
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
PAGBATI๐Ÿ’•๐Ÿ’•๐Ÿ’•
Importanteng Mahalagang Note T_T
Chapter Twenty Five (Part One)
Chapter Twenty Five (Part Two)
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Twenty Nine (Part Two)
Happy Valentine's Day๐Ÿ’•๐Ÿ’•
Chapter Twenty Nine (Part Three)
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five (Part One)
Chapter Thirty Five (Part Two)
Chapter Thirty Six (Part One)
Chapter Thirty Six (Part Two)
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
PLEASE READ! NOTE FOR THE LAST 12 CHAPTERS! PLEASE READโœŒ๐Ÿ’•
Chapter Thirty Eight (Part Two)
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six (Part One)
Chapter Forty Six (Part Two)
Mahalaga Mensahe (Paumanhin)
Chapter Forty Six (Part Three)
Chapter Forty Six (Part Four)
Chapter Forty Seven (Part Three)
Chapter Forty Seven (Part Three)
C
Chapter Forty Seven
Special Chapter (TiffanyโคPhoenix)
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Eight (Part Two)
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty (Last Chapter Part One)
Chapter Fifty (Last Chapter Part Two)
Chater Fifty (Last Chapter Part Three)
Epilogue (9/24/18)
Special Chapter (Caiden's POV)
ANNOUNCEMENT ๐Ÿ’• (Please Take Time to Read ๐Ÿ˜Š)
TEASER ONE๐Ÿ’•
TEASER TWO ๐Ÿ’•๐Ÿ’•
BOOK THREE IS UP ๐Ÿ’•
Merry Christmas ๐Ÿ’•
Self Published Book for CTBB (Announcement ๐Ÿ˜)

Chapter Forty Seven (Part One)

17K 343 32
By journialisqui

Chapter Forty Seven (Part One)












[A/N: Annyeonghaseyo guyseu :) I miss you. Sorry for not updating. Alam kong paulit-ulit na si Owtor kaya sasabihin na lang niya na enjoy kayo sa pagbabasa ng update na maikli ni Owtor haha. Salamat :) Huwag po kayong mag-alala. Matapos ko lang po ang birthday celebration ni Amanda mabilis na matatapos ang story. Hindi ko po alam kung kailan pero limang update na lang tapos na. So ayun po. Sana po maintindihan niyo. Enjoy reading po. Salamat. God bless po <3 Saranghae ~

P.S This is just the part one. Hindi po kasi tumatanggap si Wattpad ng higit sa 17,000 words kaya naman hinati ko na po siya sa dalawa dahil mahigit 20K ang nagawa ko. Pero bukas ko na po i-a-update iyong karugtong para hindi kayo mainip kasi sinusulat ko pa iyong celebration ng birthday ni Amanda. It's more on Phoenix at Cassandra lang muna because after ng CTBB it's either kay Cass o kay Phoenix ang isusunod ko :) Salamat :) God bless po :)]










***


Nang makauwi kami ni Lucian sa may isla ay ang unang ginawa namin ay tawagan sina Lola sa may Hacienda. Sinabi lang namin sa kanila na nakauwi na kami. Nang matapos ng ilang sandaling pag-uusap ay nagpaalam na rin kami kina Lola. Pinagpapahinga na rin kasi kami nina Lola dahil nga bumiyahe pa kami.






Kumain na kami sa labas nang bumiyahe kami ni Lucian pauwi kaya naman umakyat na agad kami sa kwarto para magpahinga. Matapos namin makapaglinis ng katawan ay nahiga na kami ni Lucian para magpahinga dahil sa pagod ng pagbiyahe.






Nahiga ako sa tabi ni Lucian. Agad niyang ipinulupot ang kamay sakin. Inunan ko ang ulo sa kanyang dibdib at pinayapa ang sarili sa tibok ng puso ni Lucian. Hinalikan niya ang aking noo. Tiningala ko siya. Ngumiti ako sa kanya habang nakangiti rin siya sakin habang tinutunghayan ako.







"Thank you, Lucian for this. Thank you really for making this to happen." sabi ko sa kanya.








Ngumiti pa siya lalo at hinalikan ako saking noo. "Anything for you babe." masuyong sabi niya dahilan para mapangiti ako lalo.







Nagpasalamat ako sa Diyos para sa pagkakataon na ibinigay Niya para samin ni Lucian. Para sa masayang sandali na iyon kasama ang pamilya ni Lucian sa Hacienda Paraiso.








Nag-usap pa kami ng ilang sandali bago pa kami nakatulog na may kasiyahan saming damdamin.








Tanghali na nang magising ako. Wala na si Lucian sa tabi ko. Paniguradong gising na iyon. Anong oras kaya siya nagising? Alam kong napagod talaga siya sa biyahe dahil siya ang nagmaneho. Tumayo ako mula sa pagkakahiga pagkatapos magdasal ay tinungo ko ang banyo para makapag-ayos. Nang makalabas ako galing banyo ay sakto bumukas din ang pinto ng kwarto namin ni Lucian. Naroon si Lucian habang bitbit bitbit ang isang tray na naglalaman ng pagkain. Nagkatinginan kami at napangiti sa isat'isa.








"Good morning, sleepy head. Kamusta ang naging tulog mo?" masuyong tanong ni Lucian. Inilapag niya ang hawak na tray sa side table. Lumapit ako sa kanya.







"Pasensya ka na tinanghali na ko ng gising." sabi ko sa kanya nang makalapit. Ipinulupot agad niya ang mga braso sakin para bigyan ako ng masuyong halik saking noo. Napangiti ako.







"Huwag mong alalahanin iyon, babe dahil alam ko naman na napagod kayo ni baby sa mahabang biyahe natin kahapon." sabi niyang nakangiti.







Napangiti rin ako at hinalikan siya. Ang mga ngiti at tawa niya ang kumukumpleto ng araw ko. "Good morning." malambing na bati ko dahilan para tumawa siya at halikan ako ng dalawang magkasunod. "Good morning," bati niya. Yumuko siya para halikan ang tiyan ko at tulad ng lagi niyang ginagawa ay kinausap niya ang baby sa tiyan ko. Napangiti ako at dinama ang pamilyar na init na bumabalot sa puso ko.







"Pasensya ka na. Ikaw pa tuloy ang nagluto." sabi ko sa kanya. Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi ko at ang aking buhok.







"I am very pleased to cook for you and for our baby." sabi niya at masuyong hinaplos ang aking buhok. "Kung pwede nga lang ay lagi kitang ipagluluto." sabi niya. Mas lalong lumawak ang pagkakangiti ko.







"Thank you. Lahat naman ng ginagawa mo para samin ni baby ay talagang na-a-appreciate ko. Tiyak na mauubos ko ito dahil napakasarap mong magluto." sabi ko sa kanya.







Tumawa siya na gustong-gusto ang narinig mula sakin. "Good to hear that babe." ngiti niya at hinalikan ako sa noo bago ako pinaupo. Inilagay niya sa kandungan ko ang tray.







"Kumain ka na babe para may lakas kayo ni baby at para makainom na rin kayo ng vitamins." sabi niya. Ramdam na ramdam mo talaga ang concern niya at pagmamahal para samin ng anak niya. Masasanay talaga ako ng husto sa pag-aalaga niya samin ng ganito ni baby.







Ngumiti ako sa kanya. "Maraming salamat." pasasalamat ko. Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo.







Kumain ako nang dinala ni Lucian. Sobrang sarap talaga niya magluto kaya naman talagang nauubos ko ang mga niluluto niya na ikinatuwa naman niya ng husto. Pagkatapos kumain ay uminom na rin ako ng mga vitamins para samin ni baby. Mahalaga iyon para maging healthy at safe si baby. Nagpasalamat ako sa kanya dahil siya na rin ang nagbaba nun sa kusina habang nag-aayos naman ako ng sarili. After nun ay naglalakad lakad kami ni Lucian sa labas para magpahangin. Makulimlim kahit na tanghaling tapat, nagbabadya ng pag-ulan.







Magkahawak kamay kami habang naglalakad. "Namimiss ko na agad ang Hacienda." sabi ko sa kanya. Kauuwi lang namin pero miss ko na agad ang Hacienda at ang mga taong naroon. 







Hinila niya ko palapit pa lalo sa kanya. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "Babalik tayo roon, pangako." sabi niya.







Tumango ako sa kanya at ngumiti. Alam kong babalik kami roon. Sabi nga ng mga pinsan ni Lucian ay sana makabalik kami roon sa bakasyon dahil doon sila sa Hacienda Paraiso nagbabakasyon. Gustuhin man namin ni Lucian na bumalik ay hindi muna pwede dahil seven to eight months na ang tiyan ko nun baka bigla na lang akong manganak doon. Safety na rin ni baby kaya sa susunod na bakasyon na lang kami pupunta roon sabi ni Lucian.





Nagulat ako nang bigla niya kong buhatin. "Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.





Ngumisi siya dahilan para matawa ako dahil nangingislap ang kapilyuhan sa mga mata niya. Nagsimula na siyang maglakad sa may dagat. Natawa ako. "Lucian please... ibaba mo ko." sabi ko sa kanya. Takot akong pumiglas nang husto dahil baka mahulog ako na alam ko namang hindi hahayaan ni Lucian pero hindi ko maiwasan, mabigat pa naman na ko at aminado ako roon dahil malaki na rin ang tiyan ko. Palaki na kasi ng palaki si baby.





Tumawa siya at binaba nga ako sa mababaw na parte ng dagat kung saan maaabot kami ng tubig galing sa malaking alon.





Tumawa ako at lumayo sa kanya bago pa tumama samin ang tubig pero hinawakan na niya ko. Napatili ako sa ginawa niya. "Lucian! Mababasa ako!" sabi ko sa kanya.






Tumawa siya at niyakap ako. Nakatalikod siya sa may dagat para maprotektahan ako sa tubig. Parang dejavu. Ganoon din kami noon. Napatili ako nang tumama ang tubig. Pero bago pa ko mabasa ay niyakap na niya ko ng mahigpit na parang pinoprotektahan sa may tubig. Natawa kami parehas kasi hindi ako nabasa. Lumayo ako sa kanya.






"Pasaway ka, Lucian." sabi ko sa kanya. "Basa ka na," sabi ko sa kanya. Tumawa lang siya at hinila na naman ako. Binasa ko na siya ng tubig para bitawan lang niya ko. Natawa ako nang matamaan siya sa mukha niya. Kita ko ang gulat at amused sa mga mata niya. Napatili ako nang dumating ulit ang alon. Lumayo ako sa kanya at hinayaan niya ko habang tumatawa siya at nabasa ng tubig.






Nang pumayapa sandali ang dagat ay hinila na naman niya ko. Binasa ko siya ng tubig hanggang sa nagbabasaan na kami roon. Sa tuwing nandiyan ang alon ay yayakapin lang niya ko para hindi mabasa ng husto at magtatawanan na lang kaming dalawa.






Yakap-yakap ako ni Lucian sa likuran ko habang nasa dalampasigan pa rin kami at tinatanaw ang malawak na dagat at ang papalubog na araw. Nakasuot na ko ng T-shirt niya ngayon na ipinatong ko sa damit na nabasa ng kaunti. Mabuti na lang at tinanggal niya ang T-shirt niya kanina kaya hindi basa. Pinasuot na niya muna sakin para hindi ako malamigan.







Patuloy sa paghampas ng malawak na alon ang dagat at tahimik naming pinagmamasdan ni Lucian iyon.







"Gusto ko hanggang pagtanda natin ay ganito pa rin tayo." sabi niya sa tainga ko. May init na kumalat sa buong sistema ko dahil sa sinabi niya. Hindi talaga napipigilan ng puso ko ang matuwa ng husto kapag sinasabi ni Lucian ang tungkol sa future niya na kasama ako at ang mga anak namin. Walang palya sa kasiyahan ang puso ko. Nakikita ko ang hinaharap na kasama si Lucian at ang mga anak namin. Napakasarap sa damdamin nun.





Napangiti ako at bahagya siyang nilingon. "Habang tinatanaw na natin ang mga anak natin na nagtatampisaw sa dagat." dugtong ko sa sinabi niya.






Ang sarap i-imagine ang ganoong scenario. Na sa mga lilipas na taon ay magkasama kami ni Lucian habang kasama namin ang mga anak namin. Magkasama kaming pinapalaki ang aming mga anak.






Ngumiti siya at hinalikan ako sa sentido ko. Napangiti ako at tinuon na ang pansin sa dagat. Naramdaman ko ang masuyong halik niya saking buhok at ang pagbaon niya ng mukha saking uluhan. "I love you..."





Napakagat ako sa labi. Bakit ba sobrang sweet ni Lucian?





Hinawakan ko ang braso niyang nakapulupot sakin. "Mas mahal kita." sabi ko sa kanya. Tumawa siya ng masuyo at mas hinigpitan ang yakap sakin.






Nang hapon ay lumabas ulit kami ni Lucian para puntahan ang pamilya nila Attorney. Dala namin ang mga pasalubong namin sa kanila galing pang Hacienda.






Isang babaeng naka-uniporme ang nagbukas samin ng pinto. "Good afternoon po. Ano pong kailangan nila?" tanong niya sa magalang na paraan. Nasa thirties ang tingin kong edad niya. Ito na siguro ang tinutukoy ni Cassandra na kinuhang kasambahay ng biyenan niya.







"Good afternoon. Nandiyan ba sina Cris? Mga kaibigan niya kami." pakilala ni Lucian.






Tumango ang kasambahay at binuksan ang pinto. "Tuloy ho kayo." sabi nito. "Tatawagan ko lang po si Ma'am." sabi nito. Tumango kami ni Lucian at nagpasalamat.






Nang pumasok kami ay nasa may sala ang mga bata kaya naman nakita nila kami agad at tumakbo sila palapit samin para salubungin kami.






"Tatay Lucian! Tita Amanda!" masayang bati nila. Niyakap namin sila pabalik. Miss na miss ko sila. Isang linggo ko rin silang hindi nakita. Nasanay na kasi ako na lagi silang nakikita at nakakausap at nakakasama kahit sandali lang. 







"Miss na miss ko kayo. How are you?" sabi ko sa kanila at binigyan sila ng kiss sa noo.







"Miss na miss rin po namin kayo," sabi naman nila. "Really? Patingin nga nung miss niyo kay Tita Amanda?" sabi ko sa kanila. Niyakap ni Ana ang maliliit niyang braso saking leeg at pinaulanan ako ng halik sa mukha na ikinatawa ko dahil sa tuwang nadarama. "Miss na miss mo nga si Tita." sabi ko sa kanya sa naaaliw na tono.






"Paano naman si Tatay?" tanong ni Lucian nang bigyan niya ng halik sa buhok si Ana at ginulo naman niya ang buhok ni Nathan. Tulad ng ginawa ni Ana sakin ay ganoon din ang ginawa niya kay Lucian na ikinatuwa rin niya. Namumula naman si Nathan nang bigyan niya ko ng halik sa pisngi ko. Natutuwa talaga ako sa kanya kaya naman niyakap ko siya. Naupo kami sa may sofa habang nagkakamustahan kami roon ng mga bata.







Lumabas mula sa kusina si Cassandra. "Nandito na pala kayo." nakangiting sabi ni Cassandra at sinalubong ako ng yakap. "Kamusta?" tanong niya nang kumalas para si Lucian naman ang yakapin.







"Sobrang saya na makilala ang pamilya ni Lucian sa may Hacienda saka sobrang ganda roon." sabi ko sa kanya. "Miss na miss namin kayo," sabi ko pa dahil talaga namang namiss ko sila. Ngumiti siya at sinabi niya na masaya siyang marinig iyon at miss na miss rin daw nila kami lalo na ng mga bata. Naupo na kami sa may sofa.






Hinarap niya muna ang mga bata. "Pwede niyo bang tawagin si Daddy sa office niya para sabihing nandito sina Tita Amanda?" sabi ni Cassandra sa mga bata.







Ngumiti si Ana habang tumango naman si Nathan. Mukha pa ring suplado si Nathan haha.







"Thank you, kids. Be careful." nakangiting sabi ni Cassandra sa mga ito at umakyat na nga sa taas ang mga bata para tawagin ang Daddy nila na nasa opisina raw nito sa bahay nila.







"Masaya ko marinig iyan, Amanda. Halata nga saiyo dahil sobrang blooming mo lalo." nakangiting sabi niya. Tumawa ako sa sinabi niya at nagpasalamat sa kanya. Inabot namin sa kanya ang pasalubong namin na sinuklian niya ng pasasalamat. May dinala rin akong bulaklak na pwede niyang alagaan. Bigay iyon ni Lola. Mayroon din ako sa bahay namin ni Lucian. Tuwang-tuwa naman si Cassandra dahil doon.







Nagkamustahan lang kami roon. I shared to her the things na ginawa namin ni Lucian doon habang hinihintay namin na makababa si Attorney.







Nang bumaba na si Attorney kasama ang mga bata ay tumayo si Lucian para salubungin ito. Tumayo na rin kami ni Cassandra.







"Hey, beautiful." bati sakin ni Attorney Cris at hinalikan ako sa pisngi. Napangiti ako at binati rin siya. "Kamusta ang naging bakasyon niyo?" maligayang tanong niya samin ni Lucian.







"It was wonderful Cris especially when you have the woman you love with you." sabi niya dahilan para mag-init ang puso ko at matunaw ito sa tuwa sa sinabi ni Lucian.







Tumawa si Attorney. "I can see that." sabi niya. Ngumiti kami ni Lucian sa kanya.







"Congratulations, man! Dapat na ba tayong magcelebrate ngayon na naipanalo mo ang kaso?" bati ni Lucian sa maligayang tono at naroon ang pagiging proud niya for his friend.







Nasabi nga sakin ni Lucian na nakauwi na si Attorney dahil naipanalo na nito ang kasong hinahawakan sa Manila. Naging matagumpay raw iyon dahil isa naman daw talaga sa magagaling na lawyer si Attorney Crisostomo Arnaiz.







"Congratulations, Attorney." bati ko kay Cris. Ngumiti si Attorney. "Salamat. Masaya ko na nakatulong ako. Mabuti na nga lang naging maayos ang kinalabasan dahil nakauwi na ko agad sa pamilyang miss na miss ko sa nakalipas na mga linggo." sabi ni Attorney.







Napangiti kami dahil naroon ang katapatan sa sinabi ni Attorney. Pinisil ko ang kamay ni Cassandra na hawak ko. Nagkatinginan kami at ngumiti naman siya. Alam kong masaya rin siya na narito na ang kanyang asawa.







Nagkamustahan muna kami ng ilang sandali bago kami nagpaalam sa kanila para pumuntang kusina. Iniwan na muna namin sina Lucian at Attorney kasama ang mga bata dahil magpi-prepare kami ng meryenda ni Cassandra para sa lahat. 







Habang gumagawa kami ng macaroni spaghetti ay hindi ko na naiwasan na kamustahin si Cassandra. Isang linggo kaming nawala. Alam ko rin na hindi madali sa kanya ang mga nangyari nitong mga nakaraang linggo.






Ngumiti ako at hinawakan ang mga kamay niya. "Ikaw, Cassandra? Kamusta ka? Bakit parang pumayat ka." sabi ko sa kanya.





Bumuntong-hininga siya at umiling.
Sa isang linggo kaming nawala ay napansin ko na pumayat siya at mukhang nahihirapan talaga siya. 






"Ayos naman. Mahirap man pero okay lang." sabi niya. "Alam kong hindi ganoon, Cassandra. You can tell me." sabi ko sa kanya. Ayoko naman na masaya ko tapos alam kong nasasaktan si Cassandra. Alam ko na kailangan din niya ng makakausap.







Bumuntong-hininga siya. "Okay naman talaga kami, nahihirapan lang talaga ako na mag-adjust." umpisa niya. "Simula kasi nang makabalik si Cris dito ay dito na rin tumutuloy si Trickery sa bahay kaya kasama namin siya sa araw-araw at kailangan ko silang pakisamahan ni Mama. Nakabakasyon siya rito kasama si Mama. Sa pasukan pa sila aalis." sabi niya sa nasasaktang tono.







Hindi ko naiwasang magulat sa sinabi niya. Nasa kanila si Trickery ngayon? Umusbong ang galit sakin. "Hinayaan ni Attorney iyon?" gulat na tanong ko. Hindi ako makapaniwala na hinahayaan ni Attorney ang bagay na iyon. Hindi ba niya naiisip na magseselos si Cassandra at masasaktan?







"Si Mama ang may gusto na dito na muna patuluyin si Trickery. Wala namang sinasabi si Cris, siyempre kaibigan pa rin ang turing niya rito or more than that. I don't know. Hindi naman kami kinasal dahil mahal niya ko kaya wala akong karapatan na magreklamo. At si Trickery parang siya na nga ang asawa kung umasta lalo pa at kung tratuhin siya ni Mama ay parang siya ang manugang. Na kung ireto siya ni Mama kay Cris ay parang wala ako roon at kung itrato ako ay parang hindi ko asawa si Cris. Sobrang sakit nun para sakin, Amanda. Imagine my pain, of seeing my husband being with other woman. Imagine my pain seeing and hearing how my mother in law dislike me so much na ang gusto niya ay ibang babae para sa anak niya. Masakit, Amanda." sabi niya. Napakagat siya sa labi at ngumiti. Pinunasan niya ang gilid ng mga mata dahil sa luha na nag-aabang sa kanyang mga mata.







I can feel her pain. Hinagod ko ang likuran niya. Kahit ako ay nasasaktan sa mga kinukwento niya. Ang hirap ng sitwasyon ni Cassandra. Hindi rin naman kasi iba si Trickery sa pamilya ni Attorney lalo na sa Mama nito. Bisita pa rin siya pero ang masakit lang kung harap-harapang ipakita saiyo ang disgusto para lang masaktan ka.







"Sorry. Kararating mo lang ay sinabihan na kita agad ng mga problema ko." sabi niya at ngumiti na para ipakita sakin na ayos lang siya. Alam kong matagal niyang kinimkim iyon dahil wala naman siyang ibang nakakausap dito sa isla para mapagsabihan ng nararamdaman niya.







Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya. "How I wish, he could open his eyes to see how much you love and cared about him and his family. And your mother in law will accept you." sabi ko sa kanya. Matagal ko ng ipinagdarasal iyon. Sana mabigyan na rin ng kasagutan.






Kita ko ang pagmamahal at pagmamalasakit niya sa pamilya ni Attorney. Sana makita rin iyon ng kanyang biyenan.






Niyakap niya rin ako. "Thank you, Amanda. Namiss kita. Wala kasi akong nakakausap dito. Ikaw lang kaya miss na miss kita. Wala rin kasi akong ibang mapagsabihan ng mga problema ko." sabi niya.






Hinaplos ko ang likod niya. "Namiss din kitang kasama at kausap. Saka... Nandito lang ako para saiyo." sabi ko sa kanya.





Narinig ko ang mahina niyang tawa. "Thank you." sabi niya. Tumawa rin ako. "Wala iyon. Para na tayong magkapatid." sabi ko sa kanya.







Nakarinig kami nang pagtikhim kaya naman napakalas kami ni Cassandra sa isat'isa. Napatingin kami kay Attorney na nasa bungad ng bukana ng kusina.






Nagulat kami parehas ni Cassandra sa pagsulpot ni Attorney. Nagkatinginan kami ni Cassandra. Pinunasan niya ang mga mata. Tinignan namin si Attorney. Kanina pa kaya siya diyan? Kung ganoon baka narinig niya ang pinag-uusapan namin.







"Ayos lang kayo?" tanong ni Attorney. Sinulyapan niya ko saglit pero lumipat agad ang tingin niya kay Cassandra.






"Namiss ko lang si Amanda." sabi ni Cassandra at ngumiti pa siya para itago ang pag-iyak niya. Lumapit si Attorney kay Cassandra. Kita ko ang bigat ng mga titig niya at seryoso siya habang nakatingin sa asawa. Iyong mga tingin, na lagi kong nakikita kay Lucian kaya hindi ko mapigilan ang pagngiti sa kanila. 







Nakita ko na pinunasan ni Attorney ang mga pisngi ni Cassandra kahit wala naman ng luha roon. Kita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata ni Cassandra. Ngumiti pa rin siya kay Attorney.





"Ayos lang kami." sabi ni Cassandra at ngumiti.





Napailing si Attorney. "Alam mong nandito lang din ako para saiyo..." narinig kong sabi ni Attorney sa mababang boses na ibinubulong lang sa asawa ang mga iyon pero dahil nasa malapit ako ay naabot pa rin ng tainga ko. "I'm your husband, you can tell me everything too." sabi pa niya. 





Tumango si Cassandra at ngumiti na sa asawa. Nakita ko ang paghalik ni Attorney sa noo ni Cassandra. Napangiti ako at umusal ng panalangin para sa kanila. Alam ko kulang lang sila sa usap na dalawa. Tinignan na nila kong dalawa. Ngumiti ako sa kanila na sinuklian naman ni Attorney. Kita ko ang pamumula ni Cassandra.






"Tulungan ko na kayo." sabi ni Attorney. "Kami na dito, honey. Sige na. Puntahan mo na sina Lucian doon." sabi ni Cassandra sa asawa. Napangiti ako. Kung titignan mo naman sila ay ayos naman sila. Na makikita mo kay Attorney na mahalaga si Cassandra sa kanya. Hindi nga lang sila gaanong nagkakaintindihan dahil kulang sila sa pag-uusap na dalawa.






Tinignan siya ni Attorney na parang tinatantya si Cassandra. Ngumiti si Cassandra assuring her husband.







Tumango si Attorney in defeat. "Tawagin niyo lang ako kung may kailangan kayo." sabi ni Attorney. Tumango kami sa kanya. Nagpaalam na samin si Attorney na babalik na muna sa sala. Nang maiwan kami ni Cassandra ay tinukso ko siya.







"Sa tingin ko kulang lang kayo sa usap." sabi ko sa kanya. "Mukhang nagselos dahil sakin sinasabi mo ang problema mo sa kanya mukhang hindi." sabi ko pa.





Napakagat siya sa labi at umiling. "Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya." sabi niya.







"Ano na bang nangyari sainyo ni Attorney? Nakapag-usap na ba kayo?" tanong ko. Bago ako umalis ay nagkaroon pa sila ng problema ni Attorney. Naayos na kaya nila iyon?







"Simula nang makabalik siya ay hindi pa kami nag-uusap tungkol sa huling issue na nangyari samin. Hindi naman na niya binubuksan pa ang tungkol doon kaya hindi ko na rin naman binubuksan pa. Saka mukhang okay naman na kami." sabi niya.







Napatango ako. "Siguro nga kulang lang talaga kayo sa pag-uusap. Subukan mo rin sabihin sa kanya ang mga saloobin mo. Ganyan din kami noon ni Lucian." sabi ko sa kanya.






Tumango siya at ngumiti. "Hayaan mo. Kapag may pagkakataon ay kakausapin ko siya." ngiti niya. Tumango ako at ngumiti sa kanya.






Sana nga magkaayos na sila ng tuluyan. Bakit ba kasi hindi pa sila mag-aminan ng nararamdaman eh. Napabuntong hininga ako ng tahimik. Hindi nga pala ganoon iyon kadali. Alam kong mahirap iyon dahil doon din ako nanggaling kaya naiintindihan ko kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin masabi-sabi ni Cassandra ang nararamdaman niya para kay Attorney. Natatakot siya na hindi nito masuklian at masaktan lang siya lalo sa huli.







Nang matapos kami sa pagluluto ay tinawag na namin sila para makapagmeryenda na kami. Nanatili lang kami kina Attorney para makipagkwentuhan sa kanila. Wala roon ang Mama ni Attorney at si Trickery dahil may pinuntahan ang mga ito. 







Kinabukasan ay maaga ako nagising hindi tulad ng mga nakaraang araw na tanghali na. Tulog pa si Lucian sa tabi ko kaya malaya ko siyang pinagmamasdan. Hinaplos ko ang pisngi niya at hinalikan siya. Akala ko tulog pa siya pero gumanti siya ng halik. Nagulat ako pero nang makabawi ay natawa ako nang humiwalay. Dinilat niya ang mapupungay niyang mga mata. Bakit ba napakagwapo talaga niya? 







"Good morning," bati ko. Ngumiti siya. "Good morning," bati niya rin at niyakap ako para mapaunan ako sa dibdib niya.





"It's still early babe. Tulog ka pa..." sabi niya.






Natawa ako sa kanya. Kumawala ako sa yakap niya at bahagyang umangat para tunghayan siya. Nakatingin siya sakin nang may kaaliwan at panunuyo. Hinalikan ko ulit siya pero sandali lang. Hinalikan ko siya sa labi, sa baba niya, sa pisngi niya, sa ilong, sa mga mata at pati sa leeg saka ko siya k-in-iss ulit sa mga labi niya habang sinasabihan siya ng 'I love You'.





Natawa siya dahil doon at sa isang iglap ay ako na ang tinutunghayan niya. Ako na ngayon ang nakahiga at siya na ang bahagyang nakaangat habang masuyong nakatingin sakin. Natawa ako sa ginawa niya. Hinalikan niya ko ng malambing sa mga labi. Sunod sa pisngi, ilong, noo, mga mata sa baba at sa labi ulit pero this time mas matagal na.






I laughed at his lips. Kumapit ako sa leeg niya at gumanti ng halik. Nang kapwa na kami mauubusan ng hangin ay humiwalay na siya. Nagkatinginan kami at sabay na natawa. "Wo ai ni," sabi niya kasabay nang pagkakasabi ko ng "Mahal kita,"






Tumawa kami parehas at bahagya kong inangat ang ulo para maabot ang mga labi niya at halikan siya. Naramdaman ko ang pagngiti niya sa mga labi ko bago niya iyon tinugon. Nang maramdaman niyang lumalalim na ang halik at naghahangad na siya ng mas higit pa roon ay kinontrol na niya ang sarili. Kumalas na siya sa halik. Nagkatinginan kami. Ngumiti siya kasabay ng pagngiti ko. I really appreciate how he control himself even he really wants more of it. Hinalikan niya ko sa noo bago na nahiga ulit sa tabi ko at yakapin ako para hilain palapit pa sa kanya.





Nakayakap na rin ang kamay ko sa baywang niya habang parehas kaming nakatagilid. Ang mga labi niya ay nasa noo ko. "Let's stay here for a while babe." sabi niya sa naglalambing na paraan. Natawa ako ng mahina at tumango.






Minutes passed tumunog ang cellphone ko na nakalagay sa side table para sa isang tawag. Humiwalay ako sandali kay Lucian na hinayaan naman niya kahit napasimangot siya at bumulong ng istorbo. Natawa ako sa kanya.






"If that's Phoenix, I'll kill him." nagsusungit na sabi niya. Natawa ako sa kanya. Kinuha ko ang cellphone ko at muling tumabi kay Lucian. Agad naman niya kong niyakap na para bang ayaw niya kong malayo sa kanya.







Nang makita ko ang caller ID ay si Kuya Knight. Madalas tumatawag si Kuya para mangamusta sakin. Kahit saglit lang kami nakakapag-usap ay masaya na ko. Araw-araw naman kasi siya nagti-text sakin ganoon din sina Mommy at Daddy. Napangiti ako nang sagutin iyon.







"Hello Kuya!" bati ko. "Hello Shobe. Maaga ka nagising ah?" panunukso niya. Natawa ako ng mahina lang para hindi ko masyadong maistorbo si Lucian. Nakahiga pa rin kaming dalawa sa may kama dahil maaga pa at naglalambing si Lucian na dito lang muna kami.







Naramdaman ko ang pagyakap ni Lucian sakin lalo at paghila pa niya sakin palapit sa kanya. Ibinaon niya ang mukha saking leeg. Tinignan ko si Lucian. Nakapikit na siya ngayon at tahimik na dahil alam niyang si Kuya Knight na ang kausap ko.







"Maaga ka lang talaga gumigising, Ahia." sabi ko sa kanya na ikinatawa niya. Tulad nga nang sinabi ko ay tanghali na ko nagigising. Lagi pa kong inaantok.







"I miss you." malambing na sabi niya. Napangiti ako. "I miss you too, Kuya." sabi ko. Tumatawag lang si Kuya para sabihin iyan tapos mag-uusap lang kami ng kung anu-ano.







"Oo nga pala, Shobe. Bago ko makalimutan. Pupunta ka ba sa concert nung EXO mo?" tanong ni Kuya pagkaraan ng ilang minutong pag-uusap namin.







Napangiti ako at may mga alaalang dumaan sa isipan ko dahil sa sinabing iyon ni Kuya. Si Kuya Knight kasi ang laging bumibili ng ticket ko para sa concert ng EXO, a kpop group, sa tuwing mayroong concert dito sa Pilipinas. Alam kasi ni Kuya na fan ako ng isang kpop group.







"Para alam ko kung bibili ako. Bukas na ang ticketing diba?" sabi niya na talagang inalala pa ang araw na iyon para lang sakin. May init na bumalot sa puso ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pala nakakalimutan iyon ni Kuya kahit na hindi na kami nagkakasama. Hindi naman ako kinakalimutan ni Kuya kahit nasa malayo siya. Supportive si Kuya sa lahat ng gusto ko. He spoiled me a lot.







"I love you, Kuya. Hindi mo talaga nakakalimutan ang EXO ko." sabi ko sa kanya. Natawa siya. "Tuwing magkasama tayo baby, lagi mo ba naman silang binibida sakin. Nagseselos na nga ako eh." sabi ni Kuya sa nagdadrama at nagbibirong tono.







Tumawa ako. Sa tuwing naaalala ko ang mga iyon natutuwa ng husto ang puso ko. Naramdaman ko ang paggalaw ni Lucian. Tinignan ko siya. "EXO hmm..." narinig kong sabi niya. Mahinang tawa ang pinakawalan ko para kay Lucian at hinalikan siya sa pisngi niya.







"Ikaw pa rin naman ang mahal ko Kuya." sabi ko para kay Kuya. Hinalikan ko si Lucian sa ilong niya. "Ikaw rin." I mouthed him. Napangiti si Lucian na tuwang-tuwa at hinalikan ako sa noo ko at mas niyakap ako.







Tumawa si Kuya. "Naalala ko pa nung unang beses mong sinabi sakin na may mahal ka na." sabi ni Kuya. Mukhang narinig ni Lucian iyon dahil humigpit ang yakap niya at tinignan ako na para bang gusto niya malaman kung sino ang tinutukoy ni Kuya.





Pinagtaasan ko si Lucian ng kilay dahil naaaliw ako sa kanya. Sumimangot siya at ni-loud speaker ang cellphone ko. Natawa ako dahil doon.





"Akala ko talaga may igigisa na kong boyfriend mo ganoon pala mga EXO mo iyon." sabi ni Kuya. Napailing si Lucian at umungol ng walang ingay. Natawa ako sa kanila ni Kuya Knight.






"Naalala ko na nasa Grade ten ka nun. Nagseselos na talaga ako sa kanila." sabi ni Kuya. Tumango si Lucian na para bang sinasang-ayunan si Kuya. Natawa ulit ako. "Grabe mo silang mahalin nun tapos nalaman ko umiiyak ka sa kanila noon kaya nagalit ako."





"Opo. Naaalala ko iyon, Kuya. Iyong tinanong mo pa nga ako kung sinong lalaking nagpaiyak sakin at ikaw na ang bahalang gumanti para sakin."






Tumawa si Kuya. "I'll do that too," bulong ni Lucian sa tainga ko. Natawa ako.






"Tapos nalaman ko na lang na dahil umalis ang ilang member ng EXO mo noon kaya ka umiiyak." dugtong ni Kuya. Napatango ako kahit hindi nakikita ni Kuya. Natawa rin ako nang maalala iyong ginawa ni Kuya noon na handa na talagang sumugod sa lalaking sasabihin ko na akala niya sinaktan ako.








Totoong nasaktan talaga ko nung nalaman ko na isa-isang umalis ang tatlong member ng EXO kaya ako umiyak kay Kuya noon. Iyak ako ng iyak noon kay Kuya kaya galit na galit siya pero nang sabihin kong dahil sa EXO iyon, inalo na lang niya ko nang sabihin ko ang dahilan. Nasasaktan pa rin ang puso ko hanggang ngayon sa tuwing naaalala ang pangyayaring iyon sa pagiging fangirl ko. Umalis kasi ang tatlong member ng EXO at iyon ang pinakamasakit na bahagi ng pagfa-fangirling ko. Sobra na tatlong beses akong na-heartbroken at si Kuya Knight lang ang karamay ko noon. Kaya naman nakakalungkot na may mga anti-fan na ginagamit ang pag-alis ng tatlong member just to hurt us Exo-ls. They don't know how we went through and they don't know the feels. 







"At ilang beses mo rin na pinlano na pumunta tayo sa China just to see them." sabi ko sa kanya. Sa tatlong beses na umalis ang tatlong member ay ganoon niya rin ako niyaya na umuwi ng China just to see Luhan, Kris and Tao na mga Chinese. Natutuwa nga ako kay Kuya nun at hindi ko iyon makakalimutan. Mahal na mahal niya talaga ako because he will do everything just to make me happy. Kaya naman tuwing uuwi siya galing school o kaya kapag kasama siya kay Daddy sa mga business ay nag-uuwi siya ng mga EXO merchandise mula pa sa ibang lugar ang mga iyon. Dinaig pa niya ang fanboy haha. Kaya kapag may concert kasama ko siya pagfa-fangirling habang nagpapaka-fanboy na rin siya. Tuwang-tuwa talaga ako sa kanya kasi siya ang kasa-kasama ko sa pagfa-fangirling dahil nagustuhan na rin niya. Isa iyon sa pinaka namimiss ko kay Kuya at pinaka memorable na experience ko sa pagfa-fangirling. 







Simula kasi nang maghiwalay kami ay wala na kong kasama na nagpapaka-fan at hindi na ko nakakatanggap ng mga merchandise galing sa kanya. Hindi rin naman kasi niya alam ang address ko para padalhan ako. 







"I miss those days Kuya... miss na miss na kita." hindi ko napigilang maging emosyonal. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Lucian sakin. I mouthed 'I'm sorry' to him. Kumunot ang noo niya at pinunasan ang luha sa gilid ng mga mata ko. Napahikbi ako.







Narinig ko ang mahinang mura ni Kuya na paniguradong ganoon din si Lucian kung pwede lang siyang mag-ingay. Pinatay na ni Lucian ang loud speaker ng phone ko. Naramdaman ko ang marahang haplos niya sa buhok ko.






"I'm sorry, Shobe kung kailangan nating maghiwalay. Pangako kapag naging maayos na ang lahat, magsasama-sama na tayo. Hindi ka na rin pwedeng lumayo. Tandaan mo isang taon ka lang diyan. Uuwi ka na satin. Hindi na kami papayag na malayo ka pa samin. Ayokong mag-alala araw-araw na wala ka sa bahay, na wala kang kasama diyan. Kung kamusta ka. Kung kumakain ka ba. Kung wala bang nagpapahirap saiyo diyan. Kung lagi ka bang nasa maayos na kalagayan. Hindi na ulit tayo magkakalayo pag-umuwi ka na satin. Miss na miss na kita, shobe. Kayo nina Daddy at Mommy. Miss ko na iyong dating tayo."







Patuloy sa pag-agos ang mga luha ko. May kirot sa puso ko dahilan para kumawala ang hikbi sakin. Alam ko kahit kay Kuya ay masakit ang malayo. Alam ko na mahirap sa kanya ang ganitong sitwasyon namin. Alam ko na matinding pangungulila rin ang nararamdaman niya tulad ng sakin. "Gusto ko rin iyon, Kuya. Miss na miss ko na kayo nina Mommy at Daddy."







"Magkikita rin tayo, Shobe. Huwag ka ng umiyak. Tahan ka na..." masuyong sabi ni Kuya. Miss na miss ko na rin kung paano ako alagaan, lambingin, patahanin at kung gaanong mapagmagal si Kuya. Kung gaano niya ko bine-baby.







Pinatahan muna ko ni Kuya bago na siya nagpaalam sakin. Nung una nga ay ayaw pa niya na putulin ang tawag pero dahil napatawa na niya ko at mukhang may gagawin pa siya ay nagpaalam na ko sa kanya. Dinahilan ko na lang na mag-a-almusal ako.






"Fuck. I'm sorry... dahil sakin kung bakit nalayo ka sa pamilya mo, babe." nagsisising sabi ni Lucian.







Umiling ako sa kanya at isinubsob ang mukha sa kanyang dibdib. Niyakap niya ko at hinahalik-halikan ang buhok ko.







"Wala akong pagsisisi, Lucian dahil kasama kita kaya please huwag mong ihingi ng tawad iyon."






Napamura siya at tinignan ako. "6:54, babe." sabi niya at hinalikan ako. Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya pagkahiwalay sa halik.






Wala akong pinagsisisihan na kasama ko si Lucian. Hindi ko man kasama ang mga magulang ko at si Kuya alam kong darating din ang araw na sama-sama na ulit kami at kasama ko na si Lucian nun at ang anak namin. Na alam ko matatanggap kami nina Kuya, Daddy at Mommy. Na maiintindihan nila kami.








Hapon habang nasa sala kami ni Lucian at nanonood ng movie ay tumunog ang cellphone ko para sa isang tawag. Si Momo. Mukhang alam ko na kung bakit siya tumatawag. Napangiti ako.







"Sino iyan?" tanong ni Lucian. Ngumiti ako sa kanya. "Si Momo." sagot ko kay Lucian at tinanggap na ang tawag ni Momo.






"Hello Momo... kamusta?"






Napatili agad siya kaya natawa ako. "Oh my gosh, Ate! Ticketing na bukas! Punta tayong Elyxion. Please? Sabay tayo!" excited na sabi ni Momo.






Napangiti ako kahit may panghihinayang sa puso ko dahil kahit gustuhin ko man ay hindi na ko makakapunta next month. Nakakalungkot na hindi ako makaka-attend but it was for our baby's sake naman kaya ayos lang. May susunod pa naman.







"Sorry, Momo. Gustong-gusto ko sumama saiyo at umattend pero hindi kasi ako pwede eh. Sorry. Next time." puno ng panghihinayang na sabi ko. Hindi ko talaga mapigilan na maramdaman iyon.






Dinig ko ang panghihinayang niya. "Sayang naman ate. Ibig sabihin hindi ka pupunta sa concert nila? Baka ito na ang huling concert ni Xiumin babe bago siya ma-enlist sa military. Sayang naman Unnie kung hindi ka makakapunta minsan pa naman lang na nandito sila sa Pilipinas." sabi pa niya na mahihimigan ang panghihinayang.







Mas lalo akong nanghinayang. "Oo nga eh. Kahit gusto ko talaga na pumunta hindi talaga pwede. Enjoy ka roon. Kwentuhan mo na lang ako and send me some preview." sabi ko sa kanya.







"Sayang naman po. Pero sige ate. Don't worry po magsi-send ako ng maraming pictures nila. Isasako ko na rin po sila para saiyo." sabi niya. Natawa ako at nagpasalamat sa kanya.







Nag-usap pa kami ni Momo roon. Ilang minuto rin ang tinagal nun bago kami nagpaalam sa isat'isa.






"Baka may tatawag pa saiyo tungkol sa EXO na iyan ah." sabi ni Lucian dahilan para mapatingin ako sa kanya. Gulat na tinignan ko siya. Huwag mong sabihing nagseselos siya sa EXO?







"Are you jealous?" hindi ko napigilan ang manukso sa tanong na iyon. Nahihimigan ko kasi ang pagseselos niya. Natawa ako nang sumimangot siya. 






"Tss. Its not funny." sabi niya dahilan para mas matawa ako sa kanya. Lumapit ako sa kanya at niyakap ang baywang niya. "You're being jealous with them? Really babe?" amused na sabi ko at hinalikan siya sa pisngi niya.







Narinig ko ang tss niya pero alam kong distracted na siya kaya mas lalo akong natawa. "Sabi ko naman saiyo noon, mahal ko sila pero mas mahal kita." sabi ko pa at hinalikan siya sa gilid ng labi niya.







Tinignan niya ko. Napakagat siya ng labi at napailing. Mahinang mura ang pinakawalan niya bago niya hinawakan ang baywang ko at idinikit ako sa kanya para halikan. "I'm sorry... hindi ka makakapunta sa concert nila." sabi niya. Half hearted sa sinabi. Natawa ako dahil parang sinasabi niya na nagso-sorry siya pero mas pabor sa kanya na ganoong hindi ako makakapunta.







"Silly. There are live streaming," pang-aasar ko pa dahil ang cute niya lang magselos. Seriously? He's jealous with a kpop group. Of course who wouldn't? That's EXO. Umungol siya at inatake ng halik ang mga labi ko. Natawa ako pero nahinto nang palalimin niya ang halik.








Sa buong araw na magkasama kami ni Lucian ay wala kaming ginawa kung hindi magkulitan, maglambingan, maglandian, kumain at bumisita kina Attorney habang wala roon ang biyenan ni Cassandra. Tuwing hapon naman ay tulog ako.







Kinabukasan ng hapon habang nasa sala si Lucian at may tinitignan na mga emails niya ay nasa kusina naman ako nagpi-prepare ng meryenda namin. Hindi kasi maiiwasan na may mga e-mail si Lucian na kailangang i-check galing sa opisina. Kahit naman naka on leave siya ay time to time ang pagchi-check niya ng trabaho. Naiintindihan ko naman dahil alam kong ganoon talaga kapag may trabaho lalo na siya ang namamahala nun.







Tumunog ang cellphone ko para sa tawag. Nagpunas muna ko ng kamay dahil hinuhugasan ko ang mga gulay na ilalagay ko sa sopas mamaya kapag lumambot na. Umuulan kasi ngayon at malamig kaya naman gusto ni Lucian ng mainit na makakain. Gusto pa nga niya dapat akong tulungan sa kusina pero sinabi kong gawin na lang niya muna ang kailangan niya sa opisina para wala na siyang intindihin kapag kakain na kami.







Sinagot ko ang tawag ni Momo. "Hello Momo..." bati ko sa kanya. Narinig ko ang pag-iyak niya sa kabilang linya dahilan para atakihin ng kaba at pag-aalala ang sistema ko.







"Bakit ka umiiyak, Momo? May nangyari ba?" tanong ko sa nag-aalalang tono. Kahapon lang ay ang saya-saya pa niya habang nag-uusap kami ngayon bakit siya umiiyak?







"Ate ~ hindi ko na makikita ang EXO~" umiiyak na sabi ni Momo. Nagulat ako doon pero nakahinga na nang maluwag dahil akala ko kung ano nang nangyari sa kanya.








"Bakit? Diba dapat bibili ka ng ticket ngayon?" tanong ko sa kanya. Ngayon ang ticketing. Naiinggit nga ako sa iba na nakakuha na ng ticket nila eh. At kanina ko pa hinihintay na tatawag si Momo para sabihing nakuha na niya ang VIP ticket niya. Kahapon pa lang may pila na agad sa dami ng gustong bumili at ayaw maubusan eh. Kaya ine-expect ko na na nakakuha na si Momo by now. Pero bakit hindi siya nakakuha?







Mas lalo siyang naiyak. Jeez! I can her pain. She's really a die hard Eris, EXO-L.








"Si Kuya Kai kasi ang nagvolunteer na bumili ng ticket ko ngayon kasi nga last time si Kuya Leo ang bumili. Kahapon nandoon na ko pumila pero dahil may test ako that time ay umuwi ako at nakipagpalit si Kuya Kai ng pwesto sakin. And I was so hurt nang sabihin niyang wala siyang nabili. Paano nagawa ni Kuya Kai sakin iyon? Sana sinabi na lang niya para kay Kuya Leo na lang ako nakipagpalit." umiiyak na sumbong niya.







Napakagat ako sa labi. Naalala ko si Kuya Knight na niloko ako na hindi siya nakabili ng ticket and I am really crying that time pero nalaman ko na joke lang pala niya iyon. Feeling ko gino-good time rin ni Kai si Momo. Napagdaanan ko na iyon kaya alam ko. Alam ng mga Kuya ni Momo na mahalaga sa kanya iyon kaya alam kong hindi nila bibiguin ang kapatid.








Napatingin ako kay Lucian nang pumasok siya sa kusina. May kausap sa cellphone. Nagkatinginan kaming dalawa. Mukhang kilala ko na kung sino ang kausap niya at alam kong alam din niya kung sino ang kausap ko. Napailing si Lucian at natawa ng mahina. Napangiti na lang din ako sa kanya.







"Anong sabi ng Kuya mo?" tanong ko. Lumapit si Lucian sakin at niyakap ako mula sa likuran. Ipinatong niya ang baba sa balikat ko.







"Kausap na siya ni Amanda..." narinig kong sabi ni Lucian sa kausap.






"Ayoko siyang kausapin. Bahala siya sa buhay niya. North at South kami ngayon." sabi niya dahilan para mapangiti ako. Gusto ko sanang matawa pero alam kong hindi tama kasi nga feeling ni Momo binigo siya ng Kuya niya kaya hindi niya makikita ang EXO.






"Kausapin mo na lang muna siya  Momo. Saka baka may mga nagbebenta pa ng ticket." sabi ko naman sa kanya kahit sa tingin ko malabo na iyon lalo pa at sold out agad agad ang mga ticket. Bihira kung makabili ka pa sa iba.






Napaiyak na naman siya lalo, kulang na lang makita ko siyang nagta-tantrums na. "Small chances na lang iyon unnie. EXO's ticket is no joke. Walang mag-aaksaya ng chance na hindi makakuha nun ate. Hindi ko matanggap."






Humiwalay ako kay Lucian kasi talagang umiiyak na si Momo. Tinignan ko si Lucian para ipaalam. Mukhang alam niyang umiiyak na si Momo kaya mahina niyang minura si Kai at sinabi rito na umiiyak na ang kapatid.






"Huwag kang mawalan ng pag-asa. Baka naman makahanap ka online. Tutulungan kita." sabi ko sa kanya. Patuloy si Lucian sa pagkausap kay Kai at pinapagalitan pa ito. "At baka niloloko ka lang ng Kuya mo." sabi ko pa.






"Sinabi ko na rin na nagbibiro siya but hindi eh. Kilala ko si Kuya Kai kaya sobrang sama ng loob ko." umiiyak na sabi niya. Nalulungkot din ako para sa kanya.






Marami siyang rant tungkol sa Kuya niya at kung gaano siya kabigo sa nangyari. Kung gaano siya nasasaktan sa katotohanang hindi na raw siya makaka-attend ng concert. Iyak siya ng iyak dahil doon. Hanggang sa hindi na nakatiis si Lucian.






"Kausapin ko nga siya babe." sabi niya. Alam ko naman na nag-aalala siya para kay Momo. Lahat naman sila. Binigay ko naman sa kanya ang cellphone ko. Nag-usap silang magpinsan. Mukhang tapos na niyang nakausap si Kai.






Sinabi ni Lucian kay Momo na huwag ng umiyak. Na gagawa siya ng paraan para makahanap ng ticket. Na kausapin na raw niya ang Kuya niya at umuwi sa kanila dahil lahat sila ay nag-aalala na. Umalis kasi ng bahay si Momo at hindi alam ng mga Kuya niya at mga pinsan niya kung nasan siya. Hindi rin naman niya sinabi sakin kung nasan siya basta ang sabi niya ay nasa maayos daw siyang kalagayan at gusto lang muna na mapag-isa lalo pa at ayaw niya munang makita ang Kuya niya. Nagpaalam na samin Momo. Sinabi namin sa kanya na tumahan na siya at magagawan pa ng paraan iyan. Sinabi naman ni Momo na magti-text siya kapag nakauwi na.








"That bastard. Pinaiyak pa niya ng ganoon ang kapatid. Hindi na lang niya inamin ang totoo." sabi ni Lucian. Nasabi na sakin ni Lucian na wala talagang nabiling ticket si Kai dahil si Arkin daw ang bumili ng ticket para kay Momo. Sinabay na raw nito dahil nagtext si Arkin kay Kai na siya na ang bibili para kay Momo. Ang mali lang ni Kai ay niloko pa si Momo na wala na raw ticket dahil hindi talaga siya bumili. Hindi niya sinabi ang tungkol kay Arkin.






Napangiti ako dahil ang sweet naman ni Arkin para gawin iyon kay Momo. Si Arkin ay nakababatang kapatid ni Attorney Crisostomo na isa ring kpop fan. Iyong nameet namin dito sa isla nung holidays. At kaibigan siya ni Momo. His first ever boy friend.   






Hindi naman nasabi ni Lucian dahil hindi raw niya alam kung paano sasabihin. Ayaw kasi makinig nito kapag nababanggit ang Kuya. Masama talaga ang loob ni Momo sa kapatid.






Parehas naman kaming nag-aalala ni Lucian kay Momo pero tiwala naman si Lucian na nasa maayos lang si Momo. Alam naman daw nito ang makakabuti. Nagpapalipas lang talaga ng sama ng loob si Momo.






Tinapos ko na ang pagluluto ng sopas. In the end iyon na ang naging hapunan namin dahil hindi na kami nakapag meryenda dahil ngayon lang naluto ang sopas gawa nga ng nangyari kay Momo.






Nagtext pa si Kai samin na hindi pa raw umuuwi si Momo. Pinagalitan na talaga ng husto ni Lucian si Kai. Tinext ko si Momo at tinawagan na rin. Hindi niya sinasagot ang tawag ko. Nag-aalala na kami. Nagtext na kami kay Leo at sa mga pinsan nila. Hinahanap na nila ngayon si Momo.






Pagkaraan ng ilang minuto ay nagtext na samin si Momo at ang mga pinsan nila na nakauwi na siya. Pinagsabihan naman siya ni Lucian dahil masyado niya kaming pinag-alala. Pinagsabihan na rin siya ng mga pinsan niya na nag-alala sa kanya.






"Pinag-alala mo talaga kami Momo." sabi ko sa kanya nang tumawag siya samin pagkaraan ng ilang minuto nang makauwi na siya. Ngayon lang daw siya nakatawag dahil napagsabihan pa raw siya ng mga pinsan.







"Sorry po talaga, Ate. Hindi na po mauulit." sabi niya. "Pauwi na po talaga ako kanina, na lowbat po ako kaya hindi ako nakapagtext. Hinatid naman ako ni Oppa pauwi." sabi niya.







"Mabuti naman at walang nangyari saiyo. Basta huwag mo ng uulitin iyon." sabi ko sa kanya. "Opo. Pasensya na po talaga." paumanhin niya. 






"Sige na. Huwag mo na isipin iyon. Ang mahalaga nakauwi ka na. Buti nahanap ka ng mga Kuya mo." sabi ko pa. Ang sabi kasi niya ay hinatid daw siya ni Oppa, ibig sabihin Kuya niya iyon.







Alam kong natigilan siya dahil hindi agad siya nakasagot. "Hindi po sila Kuya ang tinutukoy ko..." sabi niya pagkaraan.







Nagulat ako. "Hindi sila? Si Arkin ba?" tanong ko pa.







"Hindi rin po. Napagalitan nga rin po ako ni Arkin eh. Pero hindi po siya iyon."







"Ganoon ba? Alam mo na ba iyong tungkol sa ticket?" tanong ko.







Hindi ko napigilan ang magulat nang tumili siya. "Omo, eonnie! Alam mo ba na may EXO ticket na ko? Kyaaahhh! Bumili si Alkiel ng ticket para sakin, Ate. Nagulat na lang ako na nagkita kami kanina. Pinagalitan pa nga niya ko dahil lahat daw sila hinanap ako. Siya nakakita sakin. And I am really so happy dahil may ticket siya for me! Makakapunta na ko sa concert!" sabi niya na tuwang-tuwa pa.







Hindi ako makasabay sa mga kwento niya dahil sa sobrang tuwa niya at excitement. Sinong Alkiel? Ang naintindihan ko lang ay may ticket siya na binigay nung Alkiel. I smell something different with that guy.







"May ticket ka na? At sino si Alkiel?" tanong ko. Umupo si Lucian sa tabi ko. Hinawakan niya ang isa kong kamay at pinaglaruan iyon habang nakikinig sa usapan namin ni Momo. Naka-loud speaker kasi ang phone ko para marinig din ni Lucian.







"He's a friend po. Alam niyang kpop fan ako at super fan of EXO. Alam po kasi niyang test namin ngayon kaya bumili siya. Galit na galit nga po siya nung nalaman na nawawala ako dahil lang doon." sabi niya.






Hindi ko naiwasang magulat at tuksuhin siya nang makabawi ako. Tumawa siya sa panunukso ko. Sumimangot naman si Lucian pero masaya naman ang mga mata dahil sa naririnig sa pinsan. Alam kong masaya siya na unti-unti nang nababago ang pananaw ni Momo sa mga lalaki. Na hindi lahat tulad nila na playboy haha.






Nalaman ko sa kwento ni Momo na kaibigan niya iyong Alkiel. Woman hater daw ito at nameet niya accidentally sa school, schoolmates daw nila and unexpectedly they became friends. Sinungitan daw kasi siya bago tulungan nang matapilok siya, doon daw nagsimula ang pagkakaibigan nila. Kilala siya nina Lucian at ng mga pinsan nila kaya naman hindi na nagulat si Lucian sa kwento ni Momo.







Masaya ko na mukhang unti-unti ng nagbabago ang pananaw ni momo sa mga lalaki. Magkakaroon na siya ngayon ng mga kaibigan na guy. Tapos tuwang-tuwa siya na may ticket na siya binili pa para sa kanya at sasamahan pa raw siya nito na manood kasama ng mga pinsan nila. Masaya ko para sa kanya iyon nga lang nalulungkot ako para kay Arkin. Mukhang hindi pa niya alam na bumili rin si Arkin ng ticket para lang sa kanya.







Ilang minuto pa kami nag-usap bago na nagpaalam sa isat'isa. Nagkatinginan kami ni Lucian. Tumawa siya at hinila na ko pahiga sa tabi niya.






"Ang daming nangyari ngayong araw..." sabi niya. "Ayos ka lang?" tanong niya.






Napangiti ako at niyakap ang kamay sa baywang niya. "Ang dami ngang nangyari babe." sabi ko sa kanya.






Napag-usapan namin ang tungkol kay Momo. Nagulat talaga ako tungkol doon kay Alkiel. Napag-usapan din namin ang mga nangyari ngayong araw.






Maaga kami nagising ni Lucian kinabukasan para magsimba. Lumabas kami ni Lucian para mamasyal at kumain sa labas. Sinusulit ang bawat araw na magkasama kami. Kinagabihan ay nakausap pa namin ang mga pinsan ni Lucian para mangamusta sa nangyari kahapon. Tumawag din ako kina Mommy at Daddy pati kay Kuya.







Mabilis na lumipas ang mga araw. Naghanda sina Attorney ng isang salu-salo para sa pasasalamat ng pagkakapanalo niya ng kaso. Naging masaya ang salu-salo naming iyon sa pamilya nila Attorney kahit nandoon ang biyenan ni Cassandra at si Trickery. Mabait naman ang trato samin ni Mrs. Arnaiz at ni Trickery, sadyang gusto lang talaga nito na si Trickery ang makatuluyan ni Attorney kaya siguro ganoon ang trato niya kay Cassandra. Alam ko na darating din ang araw na matatanggap na ni Mrs. Arnaiz si Cassandra bilang manugang nito at asawa ng anak nito.






Isang linggo matapos kaming dumalaw kina Lola. Sa isang linggo na lumipas ay lumalabas lang kami ni Lucian para mamasyal, puntahan ang mga bata o kaya hinihintay na sila ang dumalaw dahil naroon na ang biyenan ni Cassandra at si Trickery.







At dalawang araw mula ngayon ay ang aking kaarawan. Magkahalo ang nararamdaman ko ngayon. Masaya na malungkot. Ito ang unang birthday ko na hindi ko kasama ang pamilya ko to celebrate it pero masaya ako dahil ito naman ang unang birthday ko na si Lucian ang kasama ko para i-celebrate iyon. Alam ko sa kabila ng wala ang pamilya ko sa tabi ko at hindi ko sila kasama ay magiging memorable pa rin iyon dahil kasama ko naman si Lucian.







Hapon nang may kausap si Lucian tungkol sa trabaho sa opisina niya rito sa bahay. May tatapusin lang daw siya na files sandali. Hindi ko na siya inabala pa dahil alam kong marami siyang inaasikaso. Tinupad niya ang pangako niya na isang buwan na bakasyon kasama ko. At alam ko kung gaano siya mahihirapan sa trabaho pagbalik niya kaya naman sobrang thankful ako sa ginawa niya. Ginagawa ko lahat para maging sulit ang isang buwan na bakasyon na pinaghirapan niya.







Nakaupo ako ngayon sa sala habang nagpapalipas ng oras sa pagbabasa ng mga libro na may kinalaman sa pag-aalaga ng isang anak. Wala akong alam sa mga ganitong bagay kaya naman kailangan kong magbasa ng ganito.







Napangiti ako nang maalala na si Lucian ang nagbigay sakin nito.







"Ano iyan?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya. Kita ko ang kislap ng kasiyahan sa mga mata niya nang iabot sakin ang isang paper bag.






"Open it babe." sabi niya.






Nangunot ang noo ko pero napangiti pa rin nang buksan ko ang paper bag pagkatapos kong kuhanin sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita na puros libro, magazine at guidelines iyon tungkol sa pagbubuntis, sa pag-aalaga ng baby at kung paano maging isang magulang.







Napatingin ako sa kanya. May mainit na bagay ang humawak sa puso ko kasabay ng pag-iinit ng aking mga mata. "Is this..."






Tumango siya at hinawakan ang pisngi ko. Hinaplos ng hinlalaki niya ang pisngi ko. Ngumiti siya kahit naroon ang pag-aalala. "Para hindi ka mahirapan sa pagbubuntis babe..." panimula niya. "Mga guidelines iyan for pregnancy and parenting." sabi niya.






"Thank you, Lucian. I really need this." sabi ko sa kanya. Wala akong alam sa pagiging isang magulang kaya naman napakalaking bagay na bumili siya nito just for me to have an aidea and to adjust. Naramdaman ko ang pagyakap ng isang braso niya sakin dahilan para mapaangat muli ako ng tingin sa kanya.






Kita ko ang hindi maipaliwanag na emosyon sa mga mata niya. "I'm sorry... kung bigla, napunta ka sa ganitong sitwasyon kahit alam kong hindi ka pa handa. Sorry for putting responsibility in you."






Umiling ako at ngumiti sa kanya. Nag-aalala siya para sakin. At hindi ito ang unang beses na inalala niya ang tungkol sa bagay na ito. "Wala akong pagsisisi Lucian. Masaya ko na magiging isa na kong ina. Masaya ko na magkakaroon tayo ng anak." sabi ko sa kanya at niyakap ang isang braso sa kanya.






Napakagat siya sa labi. "I promise, Amanda. Na hindi mo sosolohin ang paghihirap ng pagbubuntis mo sating anak. Pangako na makakaramay mo ko sa lahat. Pangako dahil hanggang kasama mo ko, gagawin ko lahat para hindi ka mahirapan. Dalawa tayo sa lahat ng bagay. You will never be alone babe because you already have me." puno ng pangakong sabi niya dahilan para tuluyan nang matunaw ang puso ko sa init na hatid ng mga sinabi ni Lucian.







Napangiti ako nang maalala iyon. Alam na alam talaga ni Lucian kung paano ako pasisiyahin at pakikiligin. Alam na alam niya kung paano ipaparamdam sakin ang pagiging kampante at protected sa piling niya. I never regret anything between us.






Narinig ko ang pagkatok sa may pinto kaya naagaw nito ang aking atensyon. Napalingon ako roon at nakita ang mag-iina na nakangiti sakin. Napatayo ako at nilapitan agad sila. Binigyan ako ng mahigpit na yakap ng dalawang bata. Madalas na sila talaga ang bumibisita samin. Ilang oras lang sila sa bahay dahil uuwi rin sila. Ayaw kasi ni Cassandra na may nasasabi ang biyenan niya sa kanya.






Nasabi sakin ni Cassandra na kapag nagyaya na ang mga bata na lumabas ay sinasamahan na niya ang mga ito dahil gusto rin daw niya kahit paano na makalayo sa biyenan at sa babaeng gusto nito para sa anak. Sinasabi sakin ni Cassandra na sa pamamasyal nila ng mga bata ay kahit paano ay nakakahinga siya.







Sa tuwing kasi na lalabas silang pamilya, siya, si Attorney at ang mga bata ay kasama nila si Trickery at ang biyenan kaya minsan daw ay parang alalay siya ng mga ito. Minsan naman kapag lumalabas ang mga bata kasama ang Daddy ng mga ito ay hindi siya kasama dahil si Trickery ang kasama, sadyang nagpapaiwan siya dahil iyon ang gusto ng biyenan at nasasaktan na siya sa sitwasyon nila kapag nakikita na masaya naman ang mga ito na kahit wala siya roon. Nadudurog ng husto ang puso ko sa tuwing naririnig ko sa kanya iyon. Napakahirap ng sitwasyon niya. 







Namimiss na raw ni Cassandra ang mga panahon na silang apat lang na pamilya. Na walang mga taong gusto silang paghiwalayin. Masaya naman daw siya dahil nakakasama nila ang biyenan niya ang problema lang nasasaktan na daw siya sa tuwing pinaparamdam nito na ayaw nito sa kanya at kahit kailan ay hindi siya magugustuhan. Na si Trickery pa rin ang gusto nito at hinihintay lang kung kailan siya bibitawan ni Attorney.







Sa tuwing ganoon na ang kwento niya ay nadudurog ang puso ko. She deserves better than that. Hindi naman daw hinahayaan ni Attorney na maramdaman niya na mas gusto nito si Trickery na kasama o hindi pinaparamdam ni Attorney na may ibang babae na gusto nito. Minsan nga raw ay wala itong pakealam kung naroon ang biyenan at si Trickery kapag ginagampanan ang pagiging asawa nito sa kanya at paglalambing nito sa kanya. Pero ang mga ganoong instances ay bilang lang mangyari dahil laging may kontra.







Nang malaman ni Lucian na nandito sina Cassandra ay bumaba na rin siya para makipaglaro sa mga bata. Wala pang isang oras na nandito sina Cassandra ay may kumatok sa pinto. Napatingin kami roon. Nakita namin si Attorney na nasa may pinto at nakangiti samin.








"Pwede bang makimeryenda?" nakangiting sabi niya. Tinakbo agad siya ng mga bata para yakapin at humalik sa pisngi niya. Binuhat niya si baby Ana pagkaraan ng maikling pag-uusap nilang mag-a-ama.








"Halika pasok ka, man." sabi ni Lucian. Nagpasalamat si Attorney at lumapit na samin. Niyakap ni Lucian ang kamay sakin. Lumapit si Cassandra kay Attorney. Kita ko ang pagngiti ni Attorney nang salubungin siya ng asawa. Nakita ko ang pagyakap ng kamay ni Attorney kay Cassandra at ang paghalik nito sa pisngi ng asawa. Nag-usap pa silang mag-asawa. Hinalikan pa ni Attorney si Cassandra sa sentido nito bago na sila humarap samin.







Humalik si Attorney sa pisngi ko bago siya nakipagyakap kay Lucian. Nang matapos ay nakisama na siya samin. Pinapakita ng mga bata ang drawing nila. Napangiti kami parehas ni Lucian nang ipakita ni Ana ang dalawang drawing niya. Isa na buo silang family. Silang apat at may nakalagay na mommy sa baba kung saan si Cassandra. Tuwang-tuwa si Cassandra nang yakapin niya ang bata at magthank you at hinalikan si baby Ana sa uluhan nito. Binigay naman sakin ni Ana ang isa. Apat naman kami roon nina Lucian kasama silang magkapatid.







Napakasweet talagang bata ni Ana. Nagpasalamat kami sa bata at tuwang-tuwa naman itong nagsabi ng you're welcome.






Nakisalo na samin si Attorney na magmeryenda. Nang matapos ay nag-usap na sina Lucian at Attorney habang kami naman ni Cassandra ang nakikipaglaro sa mga bata.







Nakaupo kami ngayon sa sofa habang nanonood ng isang movie, na aliw na aliw ang mga bata. Magkatabi kami ni Lucian nakaupo habang nakaupo rin na magkatabi ang mag-asawa habang sa throw pillow na nilagay sa carpet naman nakaupo ang dalawang bata at sobrang seryoso sa panonood.







"Baka hinahanap na kami ni Mama, dapat ganitong oras nakauwi na kami." narinig kong sabi ni Cassandra sa asawa. Magkatabi kami kaya kahit mahina ang boses niya ay narinig ko pa rin.







Napatingin ako sa kanila. Nakayakap din si Attorney sa asawa at nakatingin dito nang nakakunot ang noo.







"Alam nina Mama na kasama niyo ko. At ayoko pang umuwi... not now that I am enjoying being with you and the kids without any disturbance." sabi ni Attorney.







Bakit hindi ko napigilang kiligin?  Nag-iwas na ko nang tingin nang biglang tumawa si Lucian. Alam kong pati ang mag-asawa ay napatingin kay Lucian including me.







"Hindi ko alam na magiging ganyan ka-cheesy." sabi ni Lucian. Tumawa si Attorney. "Oh shut up man, as if you weren't like this too." nakangising sabi niya kay Lucian.







Nagkatinginan kami ni Cassandra at sabay na namula at napailing.







"Daddy why are laughing?" tanong ni baby Ana na nakatingin na pala samin pati ang kuya niya, mukhang nagulat sa pagtawa ng Papa nila.







"I am just saying to Tito Lucian that if it's okay for them, we will be having our sleepover here."







Kita ko na natuwa silang magkapatid sa narinig mula sa ama. Tumingin agad samin ang dalawang bata.







"Say yes Tatay and Tita Amanda please." sabi ng cute na cute na si Ana. Nakaabang din si Nathan sa isasagot namin na kahit siya ay gusto ring um-oo kami. Nagkatinginan kami ni Lucian at sabay na tumawa at tumango sa mga bata.







"Of course you can baby as long as your daddy is not joking." sabi ni Lucian.







Tumingin kami kay Attorney. "Daddy.... please?" si Ana na si Attorney naman ngayon ang ginagamitan ng charm niya. Tumawa si Attorney.







"Dahil okay lang kina Tatay Lucian niyo, dito na tayo matutulog." sabi ni Attorney sa mga anak. Tuwang-tuwa ang dalawa. Niyakap pa ni Ana sina Attorney at Cassandra at pati na rin kami ni Lucian ay niyakap niya at nag thank you rin. Tuwang-tuwa naman kami ni Lucian sa kanilang dalawang magkapatid.







Pinagpatuloy na ng mga bata ang panonood nila pagkatapos naming magwelome sa kanila at sabihing masaya kami na nandidito sila at matutulog pa rito.







"Thank you, man." sabi ni Attorney kay Lucian. Ngumiti rin sakin si Attorney at nag thank you. Ngumiti kami sa kanya ni Lucian. Hindi pa rin makapaniwala si Cassandra.







"Are we really staying here overnight? Paano sila mama?" narinig kong tanong ni Cassandra sa asawa.







"Don't worry about them, hindi na sila mag-alala sainyo dahil kasama niyo naman ako." sabi ni Attorney at hinalikan sa noo ang asawa. Napangiti ako at nagkatinginan kami ni Lucian. Ngumiti si Lucian sakin at hinalikan rin ako sa noo. Bakit ang sweet nila?







"Lucian, Amanda thank you." sabi ni Cassandra. Ngumiti kami sa kanya.







"Huwag mong alalahanin iyon." sabi namin ni Lucian. "Pwede kitang pahiramin ng damit. Iyong nga lang paano iyong mga bata..." sabi ko kay Cassandra.







"Thank you, Amanda." sabi ni Cassandra. "Ako na lang kukuha ng damit natin sa bahay. Malapit lang naman." natatawang sabi ni Attorney. Tumango si Cassandra at ngumiti sa asawa. Natawa rin kami dahil doon.





Tulad nga ng sabi ni Attorney ay umuwi muna siya sa bahay nila para magsabi na dito na sila samin matutulog. Habang wala pa si Attorney ay patuloy lang sa panonood ang mga bata. Nag-usap naman kami ni Cassandra. Nagpasalamat ulit siya na dito sila matutulog at masaya siya sa gustong mangyari ni Attorney. She loves the idea of sleeping here with her family kaya masaya na rin ako para sa kanya.







Wala pang kalahating oras ay nakabalik na si Attorney. Agad siyang sinalubong ni Cassandra. May tinanong si Cassandra kay Attorney. Hinaplos ni Attorney ang buhok ni Cassandra at ngumiti sa asawa nang sumagot sa itinanong ni Cassandra.







"Kaya gusto ni Cris na dito sila matulog para masolo niya si Cassandra at ang mga bata." bulong sakin ni Lucian sa naaaliw na tono. Napatingin ako sa kanya. Nangunot ang noo ko. Ngumiti siya sakin at umiling sa sinabi niya.







Sumimangot ako sa kanya kasi binibigyan niya pa ko ng huhulaan dahil sa makahulugang sinabi niya.







Nang maihatid na namin sila sa kwarto nila ay silang mag-asawa na ang nagpresintang magluto kaya naman pumayag na kami ni Lucian dahil nagpumilit sila kahit sinabi na naming kami na ni Lucian at mga bisita namin sila. Mas gusto raw nila na sila na muna ang magluto lalo pa at hindi na raw nila iyon madalas na nagagawa sa bahay nila dahil may kasambahay na silang kaagapay. 







Habang nagluluto sina Attorney at Cassandra ay naiwan kami ng mga bata sa sala. Nagkukwento si baby Ana ng kung anu-ano kaya naman aliw na aliw kami ni Lucian sa kanya. Si Nathan naman ay nakikisali rin sa mga kwento.







Nang matapos ang pagluluto nina Cassandra ay sabay-sabay na kaming kumain. After kumain ay kami ni Lucian ang nagligpit ng pinagkainan namin. After nun ay nag-usap usap pa muna kami sa sala. Nang inantok na ang mga bata ay nagpaalam na kami sa isat'isa.







"Good night, Tita Amanda and Tatay Lucian." malambing na sabi ni baby Ana at niyakap kami ni Lucian na may kiss pa sa pisngi. Niyakap din kami ni Nathan. "Good night po." sabi naman ni Nathan.







Masuyo namin silang nginitian. "Good night baby Ana, Nathan." sabi namin sa kanila. Ngumiti sila at nauna nang pumasok sa kwarto nila pagkapasalamat nila at pagkapaalam nila.







Humarap na kami sa mag-asawa. Niyakap ako ni Cassandra at ganoon din si Attorney. "Salamat ulit sa inyong dalawa. Good night," sabi nila.







Ngumiti kami sa kanila. "Masaya kami na nandito kayo. Good night and we hope you'll be comfortable." sabi ko. "Good night. Kung may kailangan kayo katukin niyo lang kami." sabi ni Lucian.







Ngumiti ang mag-asawa. "Salamat. Good night." sabi nila. Pumasok na sila sa kwarto nila pagkayakap ulit namin. Dumiretso naman na kami ni Lucian sa kwarto namin.






Kinabukasan ay maaga kami nagising ni Lucian para magluto ng almusal para sa lahat. Inaayos pa lang namin ang mga lulutuin nang pumasok sa kusina ang mag-asawa.







"Good morning," bati namin na ginantihan naman nila na may kasama ring ngiti.







"Bakit ang aga niyo gumising? Hindi ba kayo kumportable?" tanong ko.







Ngumiti silang mag-asawa at umiling. "Napasarap nga ang tulog namin eh. Parang ayaw na nga naming umuwi eh." ngiti ni Attorney. Natawa kami ni Lucian sa biro niya. "Walang problema samin kahit dito na kayo tumira." sakay ni Lucian sa biro ni Attorney. Nagtawanan kami dahil doon.







"May maitutulong ba kami?" tanong ni Cassandra. "Salamat. Kaya na namin." sagot ko. "Gusto niyo na bang magkape?" tanong ko sa kanila.







"Thank you." sabi nila. Habang nagluluto kami ay nakikipagkwentuhan naman kami sa mag-asawa.







Nang matapos kami ay ilang minuto pa bago nagising ang mga bata. Magiliw na bumati ang mga bata samin. Napakasweet nilang mga bata.








Sabay-sabay na kami kumain ng almusal. Naging masaya ang agahan naming iyon. Nang matapos kumain ay nanatili pa sila ng ilang oras bago na sila umalis.







Naging maayos naman ang buong araw namin ni Lucian. Si Phoenix naman tumatawag tawag lang samin kapag libre siya. May ginagawa raw kasi ito sa Manila. Sinabi niya samin na bukas ay bibisita siya.








Kinabukasan kasama ko si Lucian na nagluluto ng tanghalian namin. Natagalan kami dahil sinasamahan ni Lucian ng pangungulit sakin haha.







"Araw-araw nating gagawin ito, babe." sabi niya at inilagay ang ulo sa pagitan ng leeg at balikat ko. Natawa ako at hinayaan siya.







"Ang laki na ni baby..." sabi niya. Napangiti ako at hinahaplos ang kamay niyang hinahaplos ang tiyan ko.







"Four months na lang lalabas na si baby. Madali na lang iyon." sabi ko sa kanya. Tumango siya. "Excited na ko..." sabi niya at hinalikan ang leeg ko. Natawa ako sa kanya. Patuloy siya sa paghalik sa leeg ko habang patuloy siyang hinahaplos ang tiyan ko. "Mahal na mahal ko kayong dalawa." sabi niya.







Napangiti ako ng maluwag. Bakit hindi pa rin nasasanay ang puso ko kapag nagsasabi si Lucian ng mga sweet? Kilig na kilig at tuwang-tuwa pa rin lagi ang puso ko. Lagi na lang ata siyang tatalon kapag nagsasalita si Lucian ng ganoon. 







Humarap ako sa kanya. Hinaplos ko ang pisngi niya at mapupungay ang mga matang tinignan niya ko habang nakangiti sakin. "Mahal din kita." sabi ko sa kanya at pinatakan siya ng halik at nginitian siya pagkahiwalay ko. Ngumiti siya at hinalikan ako. Kinawit ko ang braso sa leeg niya at ginantihan siya ng halik.







Masuyo at malalim ang bawat atake niya ng halik na sinusuklian ko naman. Bago pa lalong lumalim iyon ay napahiwalay kami sa isat'isa nang makarinig ng ingay sa sala. Napaungol pa siya bilang protesta kaya naman bahagya akong natawa sa kanya.







Nagkatinginan kaming dalawa. "Si Phoenix ba iyon? May kasama ata siya." sabi ko. Si Phoenix ang naririnig kong boses at mukhang may kasama siya. "Istorbo talaga nun... hindi pa kasi maghanap ng babae niya." bulong ni Lucian. Narinig ko naman kaya natawa ako sa kanya. Sumimangot naman siya.







Humiwalay kami ni Lucian at pumunta sa sala para tignan kung sinong kasama ni Phoenix. Nakita namin si Phoenix na nakatalikod samin at kaharap ang isang napakagandang babae. Nangunot ang noo ko dahil sa gulat. May babae sa sala?







"Iuuwi na kita agad. I will book you a flight back to Manila! Ni hindi pala alam ni Tita na umalis ka sa bahay niyo? Dalawang oras tayo bumiyahe ni hindi mo man lang sinabi sakin?" inis na inis na sabi ni Phoenix sa kausap na para bang isa itong bata.







Kitang-kita ko ang pagsimangot nung babae at ang pagnguso nito habang nakatingin kay Phoenix at nakikinig sa mga sinasabi ni Phoenix.







"Stop doing that!" inis na sabi ni Phoenix. Bakit kaya galit na galit siya doon sa babae? Saka sino ba iyong babaeng kasama niya? Parang kanina lang sinabi ni Lucian na bakit hindi pa maghanap si Phoenix ng babae, at ngayon nga... may babae na siyang kasama! Oh my gosh!







"Huwag mo kong daanin sa pagpapaawa mo ngayon." frustrated na na sabi ni Phoenix na para siyang tumanda ng ilang taon dahil sa kausap.







Mas lalong ngumuso iyong babae. Napatingin ako kay Lucian dahil sa gulat ko. Hindi ako makapaniwala na may kasamang babae si Phoenix!







Oh my gosh! Tinutuo ni Phoenix ang sinabi niya samin noon na sa susunod na punta niya ay may babae na siyang dadalhin!







"May kasamang babae si Phoenix." kahit obvious na ay hindi ko pa rin naiwasang sabihin dahil nagulat naman talaga ako.







Tumawa si Lucian nang mahina. "That is Tiffany babe..." sabi niya sakin na halatang aliw na aliw sa nakikita. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Iyon ang Tiffany?







"Siya si Tiffany? Oh my gosh!" gulat pa rin ako. Iyon pala si Tiffany? At magkasama sila ni Phoenix dito ngayon? Paanong...? Tumawa ng mahina si Lucian sa tabi ko. Napatingin ako ulit sa mga ito.







"How can I tell you? You're mad at me! Ni hindi mo nga ko kinausap sa daan eh. I was scared kaya na baka mas magalit ka. Sisigawan mo na naman ako." nakasimangot na sagot nung Tiffany, na hindi man lang natatakot sa galit na si Phoenix sa harap niya. Na para bang sanay na siya kay Phoenix.






Naramdaman ko ang yakap ni Lucian sakin mula sa likuran. Walang gumagawa ng ingay samin para hindi kami makaistorbo kina Phoenix. Kita ko ang pagpasada ni Phoenix sa buhok ng mga daliri sa frustrated na paraan.







"Dahil ang tigas ng ulo mo! Nagagalit ako saiyo dahil lagi mo na lang nilalagay ang sarili mo sa kahapamakan! Like what the fuck? Hindi ako laging nandiyan para saiyo. What if hindi kita nakita kanina sa terminal huh?!" galit na na sabi ni Phoenix.







Hindi ko naiwasan ang mapangiti. Kahit galit siya ay naroon ang concern sa tono ni Phoenix na hindi niya naikubli. Masyado ko ng kilala si Phoenix kaya hindi niya maitatago ang concern niya na hindi naman napansin ng kausap.







"Nakita mo naman ako eh! Ano pa bang ikinagagalit mo?" nakasimangot na sabi nito.







Napamura si Phoenix na para bang nauubusan ng pasensya sa kausap. Narinig ko ang mahinang halakhak ni Lucian sa tainga ko. Nakayakap na siya sakin mula sa likuran ko. Nakita ko na kumukuha siya ng video ng mga ito. Nilingon ko siya. Aliw na aliw sa napapanood. Ngumiti lang siya sakin at hinalikan ako sa sentido ko.







"Look at your logic!" galit na sabi ni Phoenix.







Kitang-kita ko ang pamamasa ng mga mata nung Tiffany. Yumuko ito. Oh my gosh! Nananaginip ba ko? Kailan pa nagsimula ito?






"Marunong naman akong magtanong. Mahahanap ko naman iyong hotel kung saan ka tumutuloy. I am not a baby!" sabi nito at tinignan si Phoenix.







Napakagat ako sa labi pero tumawa naman si Lucian nang mahina. I can almost imagine their set up. Tiffany always messing Phoenix at si Phoenix naman nagagalit pero hindi naman kayang tiisin si Tiffany.







Napamura si Phoenix. Lumapit siya kay Tiffany. Napalabi ito na halatang nagpapaawa kay phoenix at mukhang gumagana iyon sa playboy na si Phoenix dahil hinaplos na niya ang pisngi ni Tiffany. Oh my gosh! I really can't believe it!







"Sige na. Huwag ka na umiyak." mahinahon na ngayon ang boses ni Phoenix at mukhang may paglalambing pa. Gosh! This is new!  







Kesa tumahan ay mas umiyak iyong Tiffany. Hindi ko naiwasan ang magulat nang dalhin ni Phoenix si Tiffany sa dibdib niya para yakapin.







Oh my gosh! I didn't see him like this! Natawa pa ng mahina si Lucian sa reaksyon ko. Tinignan ko siya pero binalik ko rin sa mga ito ang tingin. Hindi lang talaga ako makapaniwala at hindi kasi ako sanay na ganito si Phoenix.







"I was scared kanina tapos galit ka pa." parang batang sabi nito.







"I'm sorry. Tahan na. Kung gusto mo palang sumama sakin dito you should have called me hindi iyong papatayin mo ko sa pag-aalala na nasa terminal ka na! What the hell?!"







Napatingin ako kay Lucian. Kitang-kita ko ang pagkaaliw sa kanya. "Fuck. Ang corny ni Phoenix tang ina." sabi niya. Hinampas ko siya. Talagang pinapanood namin sila? Haha. Hindi ko kasi maiwasang panoorin sila dahil nagulat talaga ako at ang cute nilang tignang dalawa. At talaga namang nagulat ako na may kasama si Phoenix at ganito niya tratuhin ang kasama!







"Hindi mo naman ako isasama eh..." sabi nito na parang batang nagpapaawa.







"Tss. You should have tried. Knowing you, brat."







Narinig ko ang mahinang tawa nung Tiffany. "Akala ko hindi mo na ko hahanapin kanina." sabi nito at tinignan si Phoenix. Hindi ko makita ang reaksyon ni Phoenix.







"Kailan pa kita hindi hinanap? You're always messing me up!"







Kitang-kita ko ang pagngiti nung Tiffany. Paniguradong nakasimangot na si Phoenix ngayon kasi narealized na niyang nagpatangay na naman siya kay Tiffany.







"Don't smile. I'm mad."







Lalong napangiti si Tiffany. Bakit hindi ko rin maiwasang mapangiti sa kanila? Bakit parang kinikilig ako at tuwang-tuwa sa kanilang dalawa? Maybe because I am happy seeing Phoenix like this. This must be the start.







"You're mad? Hindi halata." sabi ni Lucian na hindi na naiwasan. Malakas ang pagkakasabi niya kaya narinig nila siya. Tumawa pa si Lucian. Binaba na niya ang cellphone niya bago pa makaharap samin ang dalawa.







Kita ko ang gulat nilang dalawa na hindi inaasahan na nanonood kami sa kanila. Unang nakabawi si Phoenix dahil sumimangot na siya habang si Tiffany ay nanlaki ang mga mata sa gulat nang makita kami. Sumiksik siya kay Phoenix na para bang nagtatago rito.






"May kasama ka pala rito? Oh my gosh! Nakakahiya. Nakita ata nila..." sabi nito sa nahihiyang tono dahilan para mapangiti kami ni Lucian sa kanya. She's pretty! 






Tinignan siya ni Phoenix. "Ikaw pa talaga nahiya?" inis na sabi niya rito. Sumimangot si Tiffany. "Sungit..."






Tumawa si Lucian. "Hi, Fanny." bati ni Lucian kay Tiffany. Ngumiti si Tiffany. "Hi, Kuya Handsome! Ang sungit talaga ng pinsan mo." bati ni Tiffany. Tinawag niyang Kuya si Lucian.






"Nagpapakipot lang iyan." sabi ni Lucian na ikinatawa nila ni Tiffany habang sumimangot lalo si Phoenix. Humiwalay si Phoenix kay Tiffany kaya naman napatingin si Tiffany sa kanya.






Nakatingin na sakin si Phoenix kaya napatingin si Tiffany sakin. Ngumiti ako kay Tiffany pero natabunan nang lumapit sakin si Phoenix para halikan ako sa noo.






"I miss you, babe." malambing na sabi ni Phoenix. "How are you? Namiss kita." malambing na sabi niya dahilan para mapangiti ako.






Napangiti ako lalo na nang marinig namin ang pagrereklamo ni Lucian sa ginawa ng pinsan. "I miss you too. May kasama ka pala. She's pretty bagay kayo." bulong ko sa kanya. Umungol siya dahil doon. Natawa ako.






Tinignan ko ang kasama ni Phoenix at inabot ang kamay sa kanya. "Hi! Masaya ko na nakadalaw ka rito at sinamahan si Phoenix. I'm Amanda." pakilala ko sa kanya.






Ngumiti si Tiffany, halatang friendly dahil sa sincerity ng ngiti niya. "Ikaw pala si Amanda? Totoo nga ang mga narinig kong kwento saiyo. You're pretty and I know you're nice." nakangiting sabi niya.






Bahagya pa kong nahiya sa sinabi niya at nagulat. "Thank you. Ikaw rin. You look really pretty," sabi ko sa kanya. Bumagay sa maamo niyang mukha ang magaganda niyang mga mata, matangos niyang ilong, perpektong kilay, high cheekbones at manipis na mga labi.  Napakaganda niya.






Ngumiti siya. "Thank you." ngiti niya. "Ikaw iyong nang-busted kay Phoenix hindi ba?" sabi niya dahilan para mapasinghap ako sa gulat. Paanong nalaman ni Tiffany iyon?






Nagulat ako lalo sa sinabi niyang iyon. Umungol si Phoenix dahil sa sinabing iyon ni Tiffany habang si Lucian naman ay tumatawa.






"Gusto ko lang sana mag thank you kasi hindi mo siya nagustuhan kaya may chance na ko kahit paano." ngiti niya. Natawa naman ako dahil doon. Wow! She has the confident to say that. Umiling si Phoenix.






"Mahal ko naman si Phoenix... sadyang hindi lang kami ang para sa isat'isa." sabi ko naman. Tumawa si Tiffany sa sinabi ko.






"Kung ako ang sinabihan ni Phoenix ng mahal niya. Gosh! I will say yes agad if he will ask me to be his girlfriend." sabi nito na kinikilig pa.






Natawa kami sa kanya maliban kay Phoenix na tinakpan na ang bibig ni Tiffany.






"Ang ingay mo. Masyado kang advance mag-isip." sabi nito. Kita ko na nagningning pa ang mga mata ni Tiffany kesa ma-offend. Natawa kami ni Lucian dahil talaga namang naaaliw kami sa kanilang dalawa. 






Kumalas si Tiffany sa ginawa ni Phoenix at nakangiting tinignan si Phoenix, naroon ang panunukso. "Ikaw ah. Pasimple mo kong hinahawakan."






Gulat na tinignan siya ni Phoenix. Natawa naman kami ni Lucian sa kanila.






"Ilagay mo na muna, Phoenix ang mga gamit niya sa kwartong inuukupa mo. I know, you don't mind sharing room with her. Do you?" pang-aasar ni Lucian sa pinsan.






"I wouldn't mind." sagot agad ni Tiffany na tinignan pa si Lucian. Nagulat pa ko roon sa bilis niyang sumagot. Hindi talaga siya nahihiya na ipangalandakan ang pagmamahal niya kay Phoenix.






"Funny." pagsusuplado ni Phoenix. "Iuuwi na kita ngayon din." sabi niya rito.






Sumimangot si Tiffany. Tinapik ko na si Lucian para sabihin sa kanya na tapusin na muna namin ang ginagawa namin sa kusina at para hayaan ang dalawa na makapag-usap. Nagpaalam na muna kami sa kanila na magluluto muna kami ni Lucian.






"Kararating ko lang... hindi mo na lang ba ko hahayaan na muna dito?" narinig kong sabi ni Tiffany sa tonong alam kong makokonsensya si Phoenix at walang nagagawa kung hindi payagan si Tiffany na manatili. Napangiti ako sa nabuong ideyang iyon.






"I am really surprised na may kasama si Phoenix na babae. At iyon pa pala si Tiffany. Maganda pala talaga si Tiffany." sabi ko kay Lucian. Hinahanda na namin ni Lucian ang pagkain sa mesa para makakain na kami kasabay nung dalawa.





Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na may kasama si Phoenix dahil unang beses iyon. Pero masaya ko kasi kahit paano alam kong hindi na niya masyadong maiisip si Gracia dahil masasaktan lang siya.






"She's really pretty and nice too. Kahit na may pagkamatigas ang ulo." sabi ni Lucian at nakangiti.






"Para siyang si Sky at Callie." sabi ko kay Lucian. Naalala ko kasi iyong dalawa kay Tiffany.






Bahagya siyang tumawa. "Pinaghalong Sky at Callie ang ugali niya." natatawang sabi ni Lucian. Napangiti ako.






"Really? I can't imagine kung paano naha-handle ni Phoenix si Tiffany kung ganoon." sabi ko.






Kilala ko na sina Sky at Callie. They're brat. At paniguradong mas brat pa si Tiffany sa kanila. Paano kaya nagagawa ni Phoenix na i-handle si Tiffany? At isa pa paanong nagagawa ni Tiffany na pasunurin ang isang playboy na si Phoenix Mekhi Dela Forte Griffin?! Ibig sabihin, may espesyal kay Tiffany para mangyari iyon.






"Nung una halos mabaliw na nga siya sa pangungulit ni Tiffany sa kanya and the girl is really a  stubborn brat." sabi niyang naaaliw. 






Natawa ako ng bahagya. "That's interesting. But I'm actually glad na may isang tao na ang inaabala siya." sabi ko sa kanya. "At mukhang hindi niya kayang hindi pansinin si Tiffany. Ini-spoil niya rin naman ata." hindi napigilang sabi ko.






Nakita ko kasi kanina kung paano aluin ni Phoenix si Tiffany. Isang iyak lang ni Tiffany sa kanya ay bumibigay agad si Phoenix kaya nga hindi na natatakot si Tiffany sa kanya eh. Mas lalo lang niyang ini-spoil si Tiffany nun eh.






"He is. She will just use her charm to him and that's it. Ibibigay na ni Phoenix lahat ng gusto ni Tiffany. Kunwari ayaw niya at nagagalit pero makikita mo namang ginagawa niya." sabi ni Lucian habang nakangiti.






Natawa rin ako. "Napansin ko na nga rin iyan agad kanina. Kahit sino naman ata, bibigay kay Tiffany eh. She's pretty and irresistible. Ang nagulat lang talaga ako... ang playboy na si Phoenix na hindi marunong manuyo ng ibang babae, ginawa kay Tiffany!" amused na sabi ko. Well, iba naman sa case ko kasi matagal na kaming magkakilala at magkasama ni Phoenix kaya natural na siyang malambing sakin. "Sana si Tiffany na ang babaeng makakakuha ng interest ni Phoenix para makamove on na siya kay Gracia." sabi ko pa.






Kung si Tiffany na ang sagot sa mga panalangin namin tungkol sa kaligayahan ni Phoenix ay magiging masaya ko at susuportahan namin silang dalawa. Sa lahat ng babae ni Phoenix ay si Tiffany lang ang hinayaan niya na makalapit sa kanya ng ganoon kaya umaasa ako na baka siya na ang magpabago sa nararamdaman ni Phoenix para lahat na sila ay maging masaya ng tuluyan. 






Tumango si Lucian sakin. "Sana nga, babe. Iyon nga rin ang iniisip ko kaya kahit alam kong magiging mahirap para sa kanilang dalawa, sana lang, matulungan nila ang isat'isa." sabi niya.







Tumango ako. Naiintindihan ko naman ang inaalala ni Lucian. Mahirap naman kasi talaga ang sitwasyon nila. Si Phoenix may mahal ng iba habang si Tiffany gustong-gusto si Phoenix. Alam kong hindi magiging madali para sa kanila. 







"Ilang taon na ba si Tiffany?" tanong ko. Mukha kasing kaedad ko lang si Tiffany.






"She's just 20. Third year in business management." sagot niya. "Really? Kaya pala. Napansin ko nga rin na halos magkaedad lang kami." sabi ko sa kanya.






Tumawa siya ng bahagya. "Kahinaan na ata namin talaga ang mga mas bata samin na ang lakas ng charm dahil nagagawa nilang i-mesmerized kami." sabi niya. Natawa ako sa kanya kahit alam kong namumula ako.






Natigil kami sa pag-uusap nang pumasok si Phoenix sa may kusina. Sumimangot siya samin pero tumutulong naman sa pag-aayos ng hapag.






"Phoenix ah. Ikaw ah. May babe ka na pala. Tinutoo mo na." sabi ko sa kanya. Parang kailan lang kasi nung sabihin niyang may kasama na siyang babae sa susunod na punta niya rito.






Ngumuso siya. "Hindi ko alam na pupunta siya. Nakatanggap na lang ako ng text niya na nasa terminal siya at mukhang naliligaw. That brat really driving me crazy!" inis na sabi niya pero alam ko naman na hindi na talaga siya inis ngayon.






Ngumisi kami parehas ni Lucian sa kanya. "Hindi nga? Hindi naman iyon ang nakikita ko." sabi ko sa kanya na may halong panunukso.






Tumawa siya sa sinabi kong iyon. "She's a brat." iiling-iling na sabi niya na wala ng ibang maidahilan.






"At kayang-kaya ka niyang paikutin sa mga palad niya." sabi ni Lucian dahilan para murahin siya ni Phoenix. Natawa ako sa kanila.







"Para lang siyang sina Callie at Sky kaya naman hindi ko matanggihan." pagrarason ni Phoenix na ikinataas ng kilay ni Lucian, nanunukso.






"Hindi ganoon ang pagkakakilala ko saiyo, Nix." sabi ni Lucian. Minura na lang siya ni Phoenix. Natawa ako sa kanila.






Nakarinig kami ng katok sa may hamba ng kusina. Napatingin kaming tatlo roon. Nandoon na si Tiffany. Ngumiti siya samin.







"Hi. Can I join?" tanong nito. Ngumiti kami ni Lucian sa kanya. "Halika. Sakto kakain na din." sabi ko sa kanya.






Ngumiti siya. "Thank you. Hmm. Mukhang masarap ang mga iyan ah? Ikaw nagluto?" tanong niya nang makalapit. Pork and beans ang niluto namin at fresh lumpia.






"Kami ni Lucian. Mas masarap kapag siya ang nagluto." sabi ko, proud sa sinabi dahil proud naman talaga ako na magaling si Lucian magluto eh. Narinig ko ang mahinang tawa ni Lucian saka ako pinaghila ng upuan. Nginitian ko siya at nagthank you pagkaupo ko.







"Talaga? Hindi na ko magtataka kasi magaling din magluto si Phoenix. At ang sweet naman dahil pinagluluto ka ni Kuya." sabi niya.






Napangiti ako sa narinig. Ibig sabihin ay pinagluluto na rin siya ni Phoenix. "Bakit? Pinagluluto ka din ni Phoenix?"






Kita ko ang pamumula niya. "Hmm. Hindi. Pumupunta lang ako sa kanya kapag umaga dahil alam kong magluluto na siya at makikikain ako. Hindi kasi ako marunong magluto." sabi niya.






Nagulat ako roon. "Hinayaan mo na ikaw pa ang puntahan niya, Phoenix?" hindi makapaniwalang sabi ko kay Phoenix nang balingan ito. How can he do that? Tumawa si Lucian sa tabi ko habang sumimangot naman si Phoenix. Sinimulan nang lagyan ni Lucian ang pinggan ko ng pagkain. Nagthank you ako sa kanya.






"Magkaharap lang ang condominium namin kaya hindi naman problema sakin kung lagi ako roon." nakangiting sabi ni Tiffany na tuwang-tuwa sa ideyang iyon.






Mas nagulat ako roon. "Really? Doon ba kayo nagkakilala? What a coincidence." sabi ko sa kanya. Kaya pala siya na ang pumupunta kay Phoenix. Tumawa si Lucian at nag-Tss naman si Phoenix. Kita ko ang pamumula ni Tiffany.






"That's not a coincidence babe. Binili niya iyong condo sa harap ng condo ko." sabi ni Phoenix. "You did that?" gulat na tanong ko sa nalaman.






"Yes. Para hindi na ko mahirapan na punta-puntahan siya kapag gusto ko. I like being with him." proud at sincere pa na sabi niya na para bang kahit namumula siya ay hindi niya ikinahihiya na malaman ng iba na gusto niya si Phoenix.





Nakakatuwa naman siya para maging ganyan kalakas ang loob niya.






"Tss! Kaya ako ang pinahihirapan mo kapag nanggugulo ka na sa condo ko?" sabi ni Phoenix. Napangiti ako dahil hindi naman siya totally galit, parang pinipilit nga lang niya magalit eh. 






"Hindi kaya kita ginugulo. Nilalagyan ko lang ng buhay ang mundo mo at pinipigilan lang kita sa pagiging playboy mo pa lalo no." nakangiting sabi ni Tiffany kay Phoenix. "You should be thankful that I am doing you a favor," sabi pa niya.






Umungol si Phoenix at napailing. "You're unbelievable!" sabi ni Phoenix. Natawa kami ni Lucian sa palitan nila ng conversation.






Tumawa lang din si Tiffany sa sinabi ni Phoenix. "Paano ba kayo nagkakilala na dalawa?" tanong ko.






Ngumiti si Tiffany. "Babe huwag mo na alamin. Hindi na mahalaga iyon." sabi ni Phoenix sakin. Sinimangutan namin siya ni Tiffany. Tumawa si Lucian dahil doon. Napailing si Phoenix at hinayaan na magkwento si Tiffany.






"Nabunggo niya ko nang patawid ako dahil nakikipag-flirt siya sa babae habang nagda-drive kaya hindi niya ko napansin. Imagine that, ate?" umpisa niya.






"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo." kontra ni Phoenix dahilan para matawa si Lucian. Ako man ay naaaliw din talaga sa kanilang dalawa.






"Buti na lang hindi ka masyadong napuruhan sa pagkakabangga ni Phoenix." sabi ko. "Next time kasi Phoenix mag-iingat ka." sabi ko naman kay Phoenix.






"Nag-iingat ako babe. Siya iyong hindi marunong tumawid." sabi pa ni Phoenix at tinaasan pa ng kilay si Tiffany.






Tinaasan siya ng kilay ni Tiffany pabalik, hindi papatalo. "Ako pa? Samantalang nasa pedestrian lane kaya ako. It's you kaya." sabi ni Tiffany.






Natawa ako sa kanila. "Tapos? Anong nangyari?" curious na tanong ko.






"Dinala niya ko sa ospital kasi masakit ang paa ko dahil doon and I got small bruises din. Hindi naman niya ko totally nabunggo but I am bit shocked kaya natumba ko. Galit na galit pa siya sakin dun Amanda. Can you imagine that?" hindi makapaniwalang sabi ni Tiffany na may gestures pa. Natawa ako nang mag-react si Phoenix pero nagpatuloy si Tiffany sa pagkukwento.






"Pero dahil doon sissy, I like him. Kasi kahit ang suplado suplado niya I can sense his concern."






Napaungol si Phoenix na ikinatawa namin ni Lucian. Napatango ako sa kanya. I agree with her.







"Tapos after nun hindi ko akalain na magkikita pa ulit kami sa school. Subject namin iyon kay Sir Fausto Griffin. Professor ko kasi sa dalawang subject si Sir na pinsan pala nila Phoenix." sabi niya na mababakasan ang kasiyahan sa mga mata. Hindi ko napigilang magkomento.






"Wow! Talaga? Mukhang itinatadhana kayo ah?" panunukso ko na tinawanan ni Tiffany na ikinaungol ni Phoenix.






"Kinikilig ako. My gosh!" kinikilig na sabi ni Tiffany. "Dahil sa pagbisita niya doon ko siya nakilala. Then nagmeet ulit kami sa party ni Daddy at doon ko nalaman na business partners ang mga parents namin. See that? Pinagtatagpo talaga kami ng tadhana." sabi pa ni Tiffany na kilig na kilig.






Natawa ako sa kanya. Ang inosente niya magkwento. Nakakatuwa talaga siya. "Nakakatuwa naman iyon. Talagang pinagtatagpo kayo." sabi ko.






Tumawa siya. "Nakilala ko rin ang mga pinsan niya. They are all nice." ngiti niya. "Buti pa si Kuya Lucian hindi ako sinupladuhan. Si Phoenix sobra." simangot niya na ikina-Tss ni Phoenix.






"Hindi naman iyan masungit eh." tawa ko. "Saka pansin ko hindi mo tinatawag na Kuya si Phoenix..." sabi ko.






"Hindi kasi tinatawag na Kuya ang mga taong minamahal mo, romantically." nakangiting sabi niya.






Natawa ako doon kasabay ni Lucian. Umiling si Phoenix. "Amanda keeps on calling me by my name kasi ayokong tawagin niya kong Kuya. Ngayon alam mo na kung bakit."






Natigilan si Tiffany at sumimangot kay Phoenix. Minura naman ni Lucian si Phoenix. Tumawa lang si Phoenix.






Nagkausap lang kami roon habang kumakain. Nang matapos ay nagtungo lang kami sa sala para doon na ipagpatuloy ang mga pinag-uusapan namin.






"Okay lang po ba Kuya Lucian kung dito muna ko?" tanong ni Tiffany.






Kitang-kita ko ang pagngisi ni Lucian. "Oo naman. Hindi ka talaga natitiis ni Phoenix." ngisi pa niya.






Natawa kami ni Tiffany habang umungol naman si Phoenix bilang protesta. "Wala lang akong choice." depensa niya. "Denial..." tukso namin ni Lucian sa kanya dahilan para nagtawanan kami nang magreact si Phoenix.






Nakapagkwentuhan kami ni Tiffany. Nalaman ko na isang linggo ang sport fest nila ngayon kaya naman pwede raw siyang hindi umattend doon.






Hindi boring kasama si Tiffany. Para talaga siyang pinagsamang sina Callie and Sky. Saka mabait siya. Nag-iisa siyang anak kaya naman ngayon palang ay tumutulong na siya sa papa niya. Kumuha siya ng business management para magkaroon ng kaalaman sa business at tinuturuan na din siya ng Daddy niya para alam na niya ang pagpapatakbo ng business nila. Hanga ako sa pagkakaroon niya ng responsibilidad.






Naaaliw ako sa pakikipagkwentuhan kay Tiffany na hindi na namin namalayan ang oras. Marami rin kasi akong naibabahagi sa kanya lalo na at halos magkasing edad lang din kaming dalawa at parehas pa ng kursong kinukuha.






Natutuwa ako sa tuwing kinukwento niya sakin ang tungkol kay Phoenix. Kung gaano niya ito kagusto despite sa pagiging masungit daw nito sa kanya. Natatawa na nga lang ako sa tuwing sinasabi niya na nagseselos siya sakin dahil lagi raw akong kinukwento ni Phoenix sa kanya.






"Hindi ko na nga alam kung sino ang pagseselosan ko eh. Si Gracia o kung ikaw eh." nagbibirong sabi niya.






Natawa din ako dahil doon. Ayokong maging tensyonado kaming dalawa dahil sa biro niyang iyon. Alam ko na talagang nagseselos siya kay Gracia at hindi pala sekreto sa kanya ang pagmamahal ni Phoenix kay Gracia.






"Kahit alam kong mahal na mahal ni Phoenix si Gracia, mahal na mahal ko pa rin siya. Hindi ko alam na kahit masakit na, minamahal ko pa rin siya. Ganoon siguro talaga kapag nagmamahal ka, hindi mo maiiwasang masaktan pero kahit na ganoon na, mas pinipili mo pa rin ang patuloy na magmahal."






"Alam kong mahirap para saiyo, Tiffany. Pero nagpapasalamat ako saiyo sa pagmamahal mo kay Phoenix sa kabila ng lahat." sabi ko sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya. "Napakabait niyan ni Phoenix kaya gusto namin na makahanap na rin siya ng mamahalin siya at mamahalin niya." sabi ko sa kanya. "At sana ikaw na iyon." sabi ko pa.






Kung siya Tiffany na ang magpapabago kay Phoenix ay susuportahan namin silang dalawa. Sana... siya na talaga para maging kampante na ko na may minamahal na si Phoenix na iba at masaya na siya sa piling nito.








Ngumiti si Tiffany at naroon din ang pag-asam niya sa bagay na iyon. "Nakikita ko rin iyon, Amanda. Kaya nga mahal na mahal ko pa rin siya. Hindi ako susuko hanggang sa mahalin niya rin ako pabalik. Ayokong magsisi na wala man lang akong nagawa." sabi niyang nakangiti. Very positive siya at determined.






Ngumiti rin ako sa kanya at pinagpatuloy namin ang pag-uusap namin sa mga bagay-bagay.






Nang gabi na ay sabay-sabay lang kaming naghapunan. Hinatid na ni Phoenix si Tiffany sa kwartong gagamitin nito, ang kwartong inuukupa niya.






"Kunwari ka pa, Phoenix. Hindi mo rin naman pala siya matitiis." tukso ko sa kanya. Nasa may veranda kaming dalawa. Umiinom ako ng gatas habang nagkakape naman siya. Nasa kwarto naman si Lucian para may i-check sa email niya. Nang malaman niya na magkausap kami ni Phoenix ay hinayaan na muna niya ko kasama ang pinsan.





Ngumuso si Phoenix at tinignan ako. "Wala naman akong choice babe kaya hinayaan ko na lang." sabi niya.







Tinusok-tusok ko ang tagiliran niya. Tumawa siya at hinawakan ang kamay ko. "Denial king. Sabihin mo hindi mo talaga siya kayang tiisin. Masaya ko na makita kang may kasamang iba at masaya." ngiti ko sa kanya. Kahit mukha siyang naiinis kay Tiffany ay naroon naman ang kasiyahan niya.







Pinaglalaruan niya ang nga kamay ko. "Pinagbibigyan ko lang siya babe..."







Tumawa ako sa kanya. "Iba ang nakikita ko, Phoenix. Huwag mo na kasi ipagkaila. Hindi naman ako magseselos eh."







Ang lakas ng tawa niya. "Walang papalit saiyo babe. Ikaw lang talaga ang nag-iisang baby baobei ko."







Natawa ko sa kanya. Marami kaming napag-usapan lalo na sa kanila ni Tiffany. Kung hindi lang masyado ng malalim ang gabi ay hindi pa kami magpapaalam sa isat'isa para magpahinga na.







"Good night, Phoenix." paalam ko sa kanya. Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo bago ako niyakap. "Good night, babe." sabi niya at hinaplos pa ang tiyan ko. "Good night little Griffin." sabi niya sa baby. Napangiti naman ako dahil doon.






Pumasok na ko sa kwarto namin ni Lucian. Napatingin siya agad sakin. Ngumiti siya. "Tapos na kayo mag-usap?" tanong niya. Ngumiti ako sa kanya at lumapit. Pinaupo niya ko sa kandungan niya. Hinalikan niya ang sentido ko.







Ngumiti ako sa kanya. "Natutuwa ako sa nakikitang improvement kay Phoenix." sabi ko sa kanya.







Ngumiti siya at humigpit ang yakap niya. "Napapansin din naming lahat ang pagbabago niya..." sabi niya na hindi napigilang itago ang kasiyahan nang sabihin iyon. "Tatlong buwan pa lang silang magkakilala pero malaki na ang naitulong ni Tiffany kay Phoenix." sabi niya.








Nagulat ako. "Tatlong buwan na pala silang magkakilala? Hindi man lang nabanggit ni Phoenix." sabi ko na may pagtatampo. Tumawa siya dahil doon. Hinahaplos ng kamay niya ang braso ko.








"Denial kasi siya babe. Saka ngayon na lang din sila naging close ng ganyan. Nung una kasi hindi pa siya pinapansin ni Phoenix pero dahil sa pagiging makulit ni Tiffany at irresistible ay nakuha niya ang atensyon ni Phoenix." sabi ni Lucian.








Tumango ako sa kanya at sinang-ayunan siya. "Ngayon ko pa lang nakita si Tiffany pero masasabi ko ng mabait siya." sabi ko sa kanya. "And very patient and adorable too." ngiti ko pa.








Tumawa siya doon at sumang-ayon. We talked for a while bago na niya ko pinatulog dahil kailangan na magpahinga para kay baby na rin. Humiga na ko sa tabi niya. Hinalikan niya ko sa noo at sabay kaming nag-Good night. Tulad ng lagi niyang ginagawa ay nag-ha-hum siya ng isang kanta para makatulog ako. 







Nakatulog ako ng may ngiti sa mga labi. Nagpasalamat sa Maykapal para sa lahat ng magagandang pangyayaring nararanasan namin ngayon.






***

Waaahhh! Sorry po kung ngayon lang nakapag-update si Owtor. Sorry kung bitin at nasa iba ang focus ng chapter ngayon. Kailangan ko lang talagang ilagay iyon dahil I am planning na pagsasabayin ko ang kwento nina Lucila at Brandall sa story ni Phoenix o kaya nina Cassandra. Pinag-iisipan ko pa pero focus muna ko sa pagtatapos ng CTBB. Five updates na lang po tapos na. Iyong karugtong bukas ko na i-a-update at hindi po iyon kasali sa limang update na sinasabi ko.

Anyways. Hindi kasi tumatanggap si Wattpad ng mahabang updat kaya kailangan ko siyang hatiin sa dalawang update pero bukas ko na i-a-update para hindi kayo mainip dahil hindi ko pa tapos ang birthday celebration ni Amanda. Next update kasi ang umpisa ng umpisa niya.

So ayun. Sana po nagustuhan niyo pa rin. Pagpasensyahan niyo na po si Owtor kung napakatagal na niyang mag-update. Sorry. But really I am excited para sa nalalapit na pagtatapos ng story nina Amanda at Lucian :) Kunting push na lang po :)

Maraming maraming salamat po <3 God bless po <3 Saranghaeyo <3 Byeeeeee ~

Continue Reading

You'll Also Like

199K 3.5K 43
Kababata ko si Jeremy. Lumaki kami sa probinsya: sabay nag-aral sa pampublikong paaralan, umakyat ng mga bakod at puno, at nangarap. Lumipas ang mara...
8.1K 296 57
Original Title: Unforgettable Love (Second Half) Please read His First Love (HOP Series #5) and His Unforgettable Love HOP Series #4) before reading...
1.8M 33.2K 39
Alex was just a simple girl. Isang babaeng ang gusto lang ay ma-enjoy ang buhay. She was hired to be the secretary of the CEO from one of the multi-b...
914K 16.4K 74
Mauree is a young lady who works not only for herself but also for her family. Decade ago, their lives were nice and planned until her father's diapp...