(Enigma Trilogy) Linford Acad...

By Potato-sama29

529K 11.4K 810

Enigma Trilogy 1 - Linford Academy Raven Spade Martel live in a small village called Belmoor. After she witne... More

Author's note
Prologue
Main Character
Magic 1
Magic 2
Magic 3
Magic 4
Magic 5
Magic 6
Magic 7
Magic 8
Magic 9
Magic 10
Magic 11
Magic 12
Magic 13
Magic 14
Magic 15
Magic 16
Magic 17
Magic 18
Magic 19
Magic 20
Magic 21
Magic 22
Magic 23
Magic 24
Magic 25
Magic 26
Magic 27
Magic 28
Magic 29
Magic 30
Magic 31
Magic 32
Magic 33
Magic 34
Magic 35
Magic 36
Magic 37
Magic 38
Magic 39
Magic 40
Magic 41
Magic 42
Magic 43
Magic 44
Magic 45
Enigma Series 2
FaQs
Volume 2: Prologue
Volume 2 CH 1: Downcast
Volume 2 CH 2: Pain reliver
Volume 2 CH 3: look at me, Dont look at me
Volume 3 CH 4: The villian and superhero
Volume2 CH 5: Three seconds
Volume 2 CH 6: A storm disaster; Silver and Zack
Volume 2 CH 7: A storm disaster Silver and Zack part 2
Volume 2 CH 8: Unexpected event
Volume 2 CH 9: Nightmare
Volume 2 CH 10: Nightingale
Volume 2 CH 12 : Silver trace
Volume 2 CH 13: In The Middle Of The Chaos
Volume 2 CH 14 Two Things
Important Announcement
Volume 2 CH 15 : Reason Why
Volume 2 CH 16: Chain Of The Past
Volume 2 CH 17 : Empathy
Volume 2 CH 18 : Sudden Attacks
Volume 2 CH 18 :Take Away
Volume 2 CH 19 : Familyar Name
Volume 2 CH 20: Xandu Kingdom
Volume 2 CH 21: Just Go Arlea
Volume 2 CH 22 Sinha Forest
Volume 2 CH 23: The Olipo Tribe
Volume 2 CH 24 : Open Your Eyes
Volume 2 CH 24: You're Not A Monster
Volume 2 CH 25 :Beyond The Boundary
Volume 2 CH 26 : Eight Letters
Volume 2 CH 27 : Freedom
Volume 2 CH 28 Signal
Volume 2 CH 29 : Poison
Volume 2 CH 30 : I Decided
Volume 2 CH 31: Pitch Black
Volume 2 CH 32 : The Witch Queen
Volume 2 CH 33: The Queen In The Chess Board
Volume 2 CH 34: Untold Truth
Volume 2 CH 35: Reflection
Volume 2 CH 36: Spring Day
Volume 2 CH 37: This I Promise You
Volume 2 CH 38: Home Again
Volume 2 CH 39 : MEMORIES
Volume 2 CH 40: Flashback
Volume 2 CH 41: A Lie And Apple
Volume 2 CH 42 :the Difference Between Night And Light
Volume 2 CH 43 : Smile
Volume 2 CH 44: Feelings

Volume 2 CH 11: Silvercord

4.2K 88 22
By Potato-sama29





Someone's Pov

'Talagang iniinis ako ng babaeng yan . Napaka landi nung una niligtas sya ni Silver then pangalawa si zack at ngyon si Prince Night naman ' ani ko sabay bato ng hawak kong wine glass .

'Si Prince Night ko niligtas sya ! ' gulat na tanong ni Ashlinn .

I rolled my eyes to her . At narinig kong sinagot ni Frizty ang tanong nya .

Ewan ko ba sa babaeng yan parang lutang palagi . Kanina pa namin pinaguusapan ang Martel na yan e .

'Nagulat ng ako ng bigla syang iniligtas ni Prince Night. As in sobrang nakakatakot sya ngyon ko lang sya nakitang ganon '

'Arghh impakta talaga ang babaeng yun ! Napaka landi nakakadiri ' inis na ani ni Ashlinn sabay tungga ng wine nya .

Unang kita ko palang sa kanya may kakaibang inis na kong naramdaman . Lalo lang tumindi dahil sa paglapit lapit nya kay Silver .

Ewan ko ba kung bakit makita ko palang mukha nya kumukulo na ang dugo ko .

'So anong next plan natin ?' Tanong ni Fritzy .

'Chill muna tayo girls hayaan mo munang magsaya ang insektong yun . Hayaan mo muna syang lumipad lipad . Ako bahala pumutol sa pakpak nya ' ani ko .

Magsaya ka lang Raven, sulitin mo na yang mga ilang araw na masaya ka pa dahil ako na mismo ang magtuturo sayo ng leksyon ..



Silver's Pov

'Silver buti na padala ka dito muli ' salubong saking ng isang babaeng nakabelo at medyo may katandaan na .

Ngumiti ako dito at naglakad papunta sa kinaroroonan nito .

'Long time no see sister Mildred ' bati ko dito sabay mano .

Ngumiti naman ito sakin na katamis tamis . Inilibot ko ang mata ko sa paligid .

Mapuno rito, bawat sulok ay may mga bulaklak at tanging huni ng lang ibong ang maririnig mo .

I miss this place so much,

'Matagal tagal na rin nung huling bumisita ka dito Silver ang laki-laki mo na at ang gwapo pa ' ani ni Sister Mildred .

'Oonga po naging abala kasi ako sa mga gawin sa school, btw nasan na ang mga bata ?' Tanong ko .

Sasagot palang sana si Sister ng may narinig akong mga batang paparating sa kinaroroonan namin .

'Kuyaaaa Silveeeer !' Ani ng mga ito sabay lapit sakin .

Umupo ako para pantayan ang mga laki nila .

'Kuya buti na padalaw kang muli, kala ko nalimutan mo na kami ' ani ni Sarah isang limang taong gulang na batang babae .

Katabi naman nito si Farah na kakambal nya .

'Bakit ko naman kayo kakalimutan ?' Sagot ko sabay pat ng ulo nilang dalawa .

'Kuya Silver alam mo ba na magaling na kong makipaglaban, araw araw akong nagsasanay ' pagmamalaki naman ni Rafael, pitong tanong gulang na lalaki .

'Ako naman kuya kaya ko ng magbasa ' ani naman ni Paolo kasing edad ni Rafael .

Ngumiti ako sa kanila . Dito sa lugar na ito hindi ko pinipilit ngumiti . Dito nalalabas ko yung tunay na ako .

'Dapat ipakita nyo sakin yang mga natutunan nyo . Hindi ba kayo nagpapasaway kay na Sister ' tanong ko . At sabay sabay naman itong nagsabi ng Hindi po sabay iling .

'Good, dahil dyan may pasalubong si Kuya sa inyo ' ani ko sabay labas ng mga dala kong laruan, pagkain at mga damit .

Pagkalabas ko ng mga ito ay lalong namilog ang mga mata nila .Aabutin na sana nila ito ngunit agad itong kinuha nina Sister .

'Mamaya na natin itong buksan, pakainin muna natin ang kuya Silver nyo . Minsan lang sya nandito ' sabi ni Sister Amanda kasing edad lang ni Sister Mildred .

Biglang nalanta ng parang halaman ang mga bata .

'Don't worry mamaya ibibigay sa inyo lahat yun then maglalaro rin tayo after kumain ' ani ko at dahil dun at parang nabuhayan nila at patakbong pumasok sa kumbento .

Yup, nasa kumbento ako, ang lugar kung saan ako lumaki at nagkaisip .

Tumayo ako sa pagkakaupo ko at pumasok na rin .

**

Inubos ko ang aking mahapon dito sa kumbento . Nakipaglaro ako sa mga bata, kumain at kung ano ano pa .

'Buti nakadalaw kang muli Apo ' ani ni Lola Charity ang madreng nagpalaki sakin at tumayong nanay ko .

Nagmano ako dito . At umupo sa gilid ng kanyang higaan .

Matanda na si Lola Charity nakahiga na lang ito dahil sa katandaan ngunit kahit ganon hindi nya parin iniwan ang kumbento at ang mga bata .

'Syempre naman dadalaw ako dito, dahil ito ang totoo kong bahay ' ani ko .

Nakita kong bahagyang ngumiti ito sakin sabay hawak sa aking kamay .

'Kamusta ka na Apo ?' Tanong nito .

'Maayos ako Lola Charity, kayo po ba ?' Tanong ko .

'Mas malakas pa ko sayo aba ' birong sagot nito .

Nagkwentuhan kami ni Lola Charity ng kung ano ano . Hindi ko alam kung ilang oras na ang nakalipas ngunit pag nandito ako hindi ko namamalayan ang takbo ng oras .

Nalilimutan ko yung mga problema ko . Nalilimutan ko ang sakit at lungkot pagnandito Ako . Sana dito na lang ako palagi.

'Kamusta ang trato sayo ng Prime minister?'

Hindi agad ako nakasagot sa tanong nya . Hindi ko kasi kayang magsinungaling sa kanya .

'Kelan ka ba nyang papakawalan, nagsisisi ako na sa kamay nya pa ikaw napapunta ' dagdag nya pa na may bahid ng lukot ang mukha .

'Maayos ang ako Lola Charity, pagsawa na sya sakin for sure papakawalan nya rin ako ' sagot ko at pinilit na ngumiti para hindi na sya magalala .

Mahal ko ang mga taong nandito higit pa sa buhay ko .

'Kasalanan ko ang lahat, kung na itago lang kitang mabuti sa puder ko at kung may sapat lang akong kapangyarihan nun, hindi ka nya makukuha ' sabi ni Lola Charity.

Bigla ko tuloy na alala ang pangyayaring yun .

Nung araw na inilayo ako ng Prime minister sa kaligayaan ko .

Namulat akong narito na ko sa kumbento, hindi ko kilala ang mga magulang ko kahit maalala ay hindi ko sila maalala .

Bata palang ako ay iba na ko sa ibang bata . May kakaiba akong kakayahan na wala ang iba . At dahil din dun ay maraming gustong kumuha sakin .

Isa na nga roon ang Prime minister.

'Wala kang kasalanan Lola, ako ang may kasalanan kung bakit nya ko nakita ' ani ko .

Totoo naman ako ang nabigay at nagpakita ng kakayahan ko sa kanya .

'Wala kang kasalanan Apo, tumulong ka lang nun . Ginawa mo lang yung tungkulin mo ' sagot nya para gumaan ang pakiramdam mo .

Ngumiti naman ako dahil dun .

'Halika nga dito at mayakap kita ang laki laki mo na parang nung dinala ka lang dito ay isa ka lang muting bata ' ani nito sabay yakap sakin .

Yayakapin ko sana syang pabalik ngunit may bigla akong naalala .

Pano ba ko napunta sa lugar na ito ? Ilang taon na ba kong narito ?

'Bakit apo ?' Tanong ni Lola ng napansin nya may iba sa akin .

'Lola Charity pano ba ko napunta dito ? Alam ko kasi limang taong gulang ako ng dumating ako dito' biglang tanong ko .

Nakita ko naman na medyo napaawang ang bibig ni lola sa tinanong ko .

Wala kasi akong maalala, tanging na aalala ko lang ay nung naglima taong gulang na ako

San ba ko galing ?

'B-bakit mo naman naitanong yan A-Apo ?' Pabalik na tanong nito .

'Wala lang wala kasi akong matandaan . At bigla lang pumasok sa isip ko ' sagot ko .

Bigla naman ito napaiwas ng tingin sa akin na labis kong pinagtaka .

'Wala ba talaga kayong alam kung sino mga magulang ko ?' Tanong ko pa .

Ilang segundong hindi nakakibo si Lola Charity.

May alam ba sya ?

'W-wala Apo, at matagal na panahon na yun. Kahit ako ay hindi ko na maalala' sagot nito .

'Ah' taning na isagot ko lang.

Third person's Pov


Habang nakatingin sila sa binata habang papaalis ito ay hindi mawala ang kaba ng matanda .

Hindi mawala sa isip nya ang tinanong ng binata sa kanya . Hindi nya inaasahan na itatanong nya muli ito .

'Anong problema Lola Charity?' Tanong ni Mildred sa kanya .

Tumingin ang matanda dito at pawang nabasa naman ni Mildred ang pinahihiwatig ng tingin nya at sabay silang pumasok sa isang silid .

'Nabigla ako ng muli nyang itanong ito sakin Mildred. Bigla akong natakot bigla ' ani ng matanda .

Maski si Mildred ay biglang nabahala sa sinabi sa kanya ng matanda . Biglang napalitan ng lungkot ang kanina nyang mga ngiti .

'Hindi nya maaring malaman ang mga nakaraan nya Lola Charity, hindi kakayanin ng puso kong makitang mawasak si Silver ' komento ni Mildred na napahawak sa kanyang dibdib .

Ganon din ang tumatakbo sa utak ng matanda . Hindi nya kayang makitang masaktan ang binata . Itinuring nya itong biglang tunay na apo .

Mahal na mahal ng mga tao dito sa Kumbeto ang Binata . Dahil ramdam rin nila na ganon rin ang nararamdaman ng binata .



'Wag kang magaalala Lola Charity tayo lang ang nakakaalam ng nakaraan ni Silver . Kung hindi natin ito sasabihin hindi mapapahamak si Silver ' sabi ni Mildred at pilit kinukumbinsi ang matanda at ang kanyang sariling walang mangyayari masama .

Ngumit hindi talaga mawala sa isip nya ang takot . Napalapit na kasi ang binata sa kanya .

Ayaw man nilang magsinungaling dito at magtago ng mga bagay ay wala silang magawa dahil alam nila mas lalong masasaktan ito .




'Meron pang isang nakakaalam Mildred . At alam kong hindi sya mangingilag sabihin ito sa Apo ko ' biglang sagot ng matanda .

'Sino naman Lola Charity, tayo lang naman ang may alam kung san sya galing diba ? ' tanong nya habang naguguluhan .

Tumingin sa kanya ng seryoso ang matanda .

'A-Ang Punong Ministro ' nauutal na bigkas nito .

***

Silver's Pov

Hindi mawala talaga sa isip ko yung mga katanungan na yun .

Hanggang makauwi akong sa Linford ay dala ko parin ang matinding agam-agam .

Papasok na sana ako sa gusali ng Linford ng napadaan ako sa Garden of Thorn .

Nakuha ng isang babae ang buo kong atensyon . Nagsasanay itong magisa ng combat skills nito .

Sumsabay ang buhok nito sa kanyang paggalaw . At paminsan minsan ay nililipad ang mga hibla nito sa pagihip ng hangin


Natagpuan ko na lang ang sariling na panoorin sya . Hindi ko magawang umiwas ng tingin dito pawang ito na lang kasi ang nakikita ng mga mata ko ngyon .

Parang bula rin na nawala ang agam-agam sa isip ko dahil sa pagsilay sa kanya .

Naalala ko tuloy ang una namin pagkikita . Dahil dun gumuhit ang ngiti sa labi ko .

'Arlea ' bulong ko sa aking sarili .ngunit nagulat ako ng tumingin ito sakin .

Biglang huminto yung mundo ko nung nagtagpo yung mga mata namin . Sa isang iglap lang nawala yun sakit na nararamdaman ko .

Ngumiti ito sakin kaya lalo akong namangha rito .

Suddenly i felt warm.



I miss her so much. Hindi ko nahahayaan na mawalay sya sakin katulad nung dati .

Nagpapasalamat akong nakilala ko ulit sya kahit sobrang daming taon na ang nakalipas .

Pano ko nga ba sya nakilala ? Pano ko nga ba nakilala na sya si Arlea .

Biglang naagaw yung atensyon nya ng may biglang dumating na babae at bigla syang niyakap .

Sa huling pagsulyap ko ay nakita ko syang ngumiti dun sa kaibigan nya . Sobrang ganda, pinaka magandang bagay na nakita ko .



Dahil dun at tumalikod na ko at pinagpatuloy ang paglalakad ko patungo sa aking dorm .


Ngunit bago ako pumasok ay tumingala ako sa langit .


'Magpinky promise tayo na kahit tumanda na tayo at lumaki magkikita parin tayo '

Sa ilalim ng buwan ay nagsumpaan ang isang batang babae at batang lalaki .

'Pangako na kahit anong mangyari makikilala kita at proprotekthan habang buhay pa ko ' ani ng batang lalaki .

'Pangako ko naman na kahit anong mangyari magkikita ulit tayo Ver gagawa ako ng paraan para magkita ulit tayo ' ani naman ng batang babae sabay ngiti ng sobrang tamis .

Bigla akong napangiti nung naalala ko yung ngiti nya nun .

Pero nakaramdam din ako ng lungkot sa hindi ko malaman na dahilan. Napabuntong hininga na lang ako dahil roon.


'San ka galing Silver ' bigla akong napatingin dito ng bigla syang nagsalita .

Bumalik sa dating poker face ang aking mukha at sinagot ang tanong nya .

'Dyan lang Prime minister '

Nasa likod nito ang mga kamay nito . Bakit sya narito ? Tanong ko sa sarili ko .

'Balita ko pumaroon ka sa Kumbento ? Kamusta si Charity roon ?' Tanong nito .

'Maayos naman sila ' sagot ko . Alam nya naman pala kung saan Ako galing .

'Mabuti, magandang balita na nasa maayos parin na kalagayan ng kumbentong tumanggap sayo ' makahulugan nyang sabi .

Biglang kumunot yung noo ko dahil roon .

'Anong kailangan nyo Prime minister?' Daretso kong tanong .

'Wala, Hindi ba ko pede pumunta ako rito Silver ?' Sagot nito na lalo kong ikinais .

'Minsan nga ay madalaw ko muli ang Kumbento gusto ko ulit makita sina Sister ' biglang ani nito na nagpayukom ng kamao ko .

'Wag mo silang idadamay ' matigas ko sabi . At ngumiti ito sakin .

'Mahal na mahal mo talaga ang mga taong yun, hindi nakakapagtaka dahil sila lang naman ang taong tumanggap sayo . Mahal nyo ang isa't isa kaya Silver siguro naman wala silang tinatago sayo ? Diba? ani nito naikinagulat ko .

May alam ba sya ? Ano ba itong pinagsasabi nya ? Pinaglalaruan nya ba ko ?

'Anong alam mo ?' Medyo na pataas ang boses ko dahil sa pagkainis .

'Kung anong alam nila Silver ' sagot nito na lalong nagpakulo ng aking dugo .

Hindi ako nakaimik dahil roon hindi ko alam ang sasabihin ko . Hindi ko alam kung nagsasabi ba sya ng totoo .

'Wag kang magalala Silver hindi ko sila idadamay basta magiging masunurin ka lang ' bulong nito sakin bago tuluyan maglakad paalis .

XXX

LEGAL WIFE NI KIM TAEHYUNG 💕

Continue Reading

You'll Also Like

171K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...