RUN FOR YOUR LIFE

Von ShinichiLaaaabs

5.9M 274K 98.1K

In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and th... Mehr

PROLOGUE
CHAPTER 1: WELCOME
CHAPTER 2: MATCH
CHAPTER 3: ADVISED
CHAPTER 4: MEAN
CHAPTER 5: YOU'RE WELCOME
CHAPTER 6: RESULT
CHAPTER 7: MESSED
CHAPTER 8: RUN
CHAPTER 9: QUARANTINE
CHAPTER 10: SCREAM
CHAPTER 11: ESCAPE GONE WRONG
CHAPTER 12: MARKED
CHAPTER 13: WHAT'S THE CATCH?
CHAPTER 14: A PROBLEM
CHAPTER 15: IT TASTES GOOD
CHAPTER 16: LOCKED
CHAPTER 17: PENTAGON
CHAPTER 18: CHALLENGED
CHAPTER 19: OBEDIENCE
CHAPTER 20: ANTIDOTE?
CHAPTER 21: BIRTHDAY BLAST
CHAPTER 22: SECRETS
CHAPTER 23: FACE-OFF
CHAPTER 24: WELCOME BACK TO 3RD WARD
CHAPTER 25: CHANCE
CHAPTER 26: FACE-OFF!
CHAPTER 27: RANKING
CHAPTER 28: FIRST DAY
CHAPTER 29: I'M HAPPY TO BE WITH THEM
CHAPTER 30: SLAUGHTER HOUSE?
CHAPTER 31: MISSING
CHAPTER 32: THE GREAT DEPRESSION
CHAPTER 33: LOSS
CHAPTER 34: ASKING FOR HELP
CHAPTER 35: LIKE THEY MATTER
CHAPTER 36: IT'S A DEAL
CHAPTER 37: SEIZED
CHAPTER 38: BRENDA IS HERE
CHAPTER 39: WHO ARE YOU BUNNY?
CHAPTER 40: WHATEVER IT TAKES
CHAPTER 41: YOU DID WELL
CHAPTER 42: SECRETS ARE BEST KEPT HIDDEN
CHAPTER 43: WE'RE BOTH NOT
CHAPTER 44: THIS IS WAR
CHAPTER 45: CAPITAL PUNISHMENT
CHAPTER 46: PREFECT OF DISCIPLINE
CHAPTER 47: TROPHY MOTHER'S TROPHY SON
CHAPTER 49: TRIANGLE
CHAPTER 50: FOR YOU TO FIND OUT
CHAPTER 51: SECRETS WE KEEP
CHAPTER 52: EYE FOR AN EYE
CHAPTER 53: WHO ARE YOU SUNNY
CHAPTER 54: ONLY TO SEE YOU FALL FOR SOMEONE ELSE
CHAPTER 55: YOU ALWAYS PUT ME FIRST
CHAPTER 56: YOU ARE
CHAPTER 57: COWARDICE AT ITS FINEST
CHAPTER 58: GAME OVER
CHAPTER 59: FOR THE ONES WE CARE
CHAPTER 60: INSURGENCY
CHAPTER 61: BUSTED
CHAPTER 62: PHOTOGRAPHS
CHAPTER 63: RED, YELLOW, GREEN
CHAPTER 64: RUN
CHAPTER 65: TO BE USED
CHAPTER 66: IMPOSSIBLE IS IMPOSSIBLE
CHAPTER 67: TAKE A BITE
CHAPTER 68: READY TO RUN
CHAPTER 69: GONE
CHAPTER 70: BANG
EPILOGUE

CHAPTER 48: PINKYLICIOUS!

77.7K 3.3K 1.5K
Von ShinichiLaaaabs

Chapter 48: PINKYLICIOUS!

HALOS itapon ko na ang sarili ko sa sahig. We spent half the day cleaning! Puto, naghihirap ba ang Academy at hindi na nila ma-afford ang mag-hire ng mga janitor?

My mind wandered into the things we found kanina. The artificial womb, the research . . . Base sa mga gamit na naroon, ang Building L1485 ay ang dating classroom sa panahon nina Marie at Curie Grande. Trench told us kanina na huwag na naming pakialaman ang mga bagay na naroon at sa halip ay maglinis na lamang.

Napangiwi ako nang may dumapong bimpo sa mukha ko. Inis na napaupo ako mula sa pagkakahiga at nabungaran ko ang nakabusangot na mukha ni Tatsulok.

"You're sweating. Magpunas ka," wika niya at tinalikuran ako.

Hala puto, bakit naka-topless siya?! I got to view his sexy back—siomai. What am I thinking?! Nag-iwas ako ng tingin sa likuran ni Tatsulok at saktong sa nakangising mukha naman ni Gon nalipat ang tingin ko.

"Gusto mo ba ng kanin, Kitten?" Eh? Ano namang gagawin ko sa kanin?

"What?" I raised a brow.

He pouted his mouth and pointed at Triangle na nakatalikod pa rin sa amin at nagpupunas ng katawan. "Ulam kasi, oh."

"Shut up, Pentagon."

Tumawa siya nang malakas na tila ba aliw na aliw siya. Tsk, nakakatawa 'yon? Tumunog ang broadcasting system (na akala ko ay bulok na pero gumagana pa rin naman pala, thank goodness).

"Maghanda kayong lahat dahil pupunta kayo sa inyong on-field class sa mismong Research Laboratory."

Paulit-ulit iyon na inanunsyo at gumalaw na ang iba para maglinis ng katawan. Pagkalipas ng ilang minuto ay lulan na kami ng service vehicle patungo sa research lab na nasa tapat ng Foster.

Trench sat in front at nasa unahan din sina Tatsulok at Gon samantalang sa likurang bahagi ng sasakyan naman kami ni Megan. Tahimik lang siya at nagmamasid sa sitwasyon. When the car pulled to stop in front of the research lab ay hindi ko maiwasang tumingin sa harap ng Foster. Ano kaya ang sitwasyon doon ngayong wala na si Moran?

"I don't like you, Sunny, pero I think we two need to stick together kaya halika na," pukaw sa akin ni Megan. Nakatayo lang kasi ako at nakatingin sa Foster samantalang nakapasok na sa loob ang mga lalaki.

I made a face. Sabagay, at least honest si Megan na hindi niya ako gusto. "The feeling is mutual," sagot ko at sumunod na lamang sa kanya.

Ito ang unang beses na nakapasok ako rito. Well, I am not surprise to see the fake astronauts at the side. If I will be naughty today, malamang, kinumusta ko na naman ang pag-landing nila. Hindi lamang fake astronauts ang nadaanan namin kundi pati na rin mga taong nakasuot ng lab gown at abalang-abala. Gaya ko ay matiim na pinagmamasdan ni Megan ang paligid.

"As you see, halos mga lalaki lang talaga ang nagtatrabaho rito," sabi ni Megan kasabay ng pagbuntonghininga. Hindi kami maririnig ng mga lalaki dahil mas nauna sila sa amin.

"Because the system is nothing but trash," sagot ko. "How could they look down on us na para bang sa nagdaang mga taon ay walang nagawang notable ang mga kababaihan?"

Megan slowed down and looked at me. "Bakit ka pumasok sa Academy?"

"Gusto kong maging opisyal ng 3rd Ward," I replied. Iyon naman talaga ang unang layunin ko nang pumasok ako rito. Just be a female official and do something good to the women of the 3rd Ward. Pero nang nagtagal na ako rito, I realized such goal is too small. Mas malawak pa pala dapat ang kailangang saklaw ng layunin ko dahil hindi lamang pala ang 3rd Ward ang nangangailangan ng babaeng opisyal. The whole Capital should have a female leader and eliminate inequality.

"Eh ikaw?" balik tanong ko sa kanya. Kahit namam hindi kami close okay lang naman siguro mag-usap ng kaswal lang, 'di ba?

Megan forced a smile pero mababakas ang lungkot sa kanyang mga mata. "Dati gusto ko lang na sundin ang gusto ng mga magulang ko but then, I realized I want to reform the Capital."

Pinagtimbang-timbang ko sa isipan ko kung si Megan nga ba si Bunny. I can see some similarities in their visions pero malakas din ang kutob ko na hindi siya si Bunny.

"Sigurado ka ba na hindi ikaw si Bunny?" tanong ko sa kanya.

Megan's pretty face twitched like she really has no idea of what I am talking about. "Who's Bunny?"

Napalingon kaming dalawa ni Megan sa unahan nang may mga sabay na tumawag sa akin.

"Kitten!"

"Pancake!"

"Gallego!"

"Sunn—" Coco stopped and covered his mouth as he looked at the three.

Anong problema nilang apat?! Kailangan talagang chorus?!

"Bilisan n'yo ngang dalawa diyan!" sigaw ni Gon kaya agad kaming nagmadali ni Megan palapit sa kanila.

"Why does this seem like a melodrama where every guy fall head over heels to you?" tanong ni Megan. Walang sarcasm sa boses niya, but there is jealousy.

"Ang ganda ng naisip mong plot, bakit hindi ka na lang naging writer? Iyon nga lang, cliché," sagot ko. "At huwag kang mag-alala, wala akong gusto sa ex mo at sa nanulo—" Ooops. No Sunny, no. "Wala akong gusto sa kanila."

Hindi na siya sumagot dahil nasa harap na nila kami. Gon grabbed my arm and at the corner of my eye, I saw Triangle's sulking figure. Binuksan ni Trench ang isang pinto at tumambad sa amin ang malawak na conference room. May malalaking screen na naroon na naglalaman ng kung ano-ano gaya na lamang ng nutrition facts ng bawat meat parts.

"Hello, brilliant students!" bati ng isang lalaki na kapapasok lamang. Gaya ng mga nakasalubong namin kanina ay nakasuot din siya ng lab gown. Iniayos niya ang suot na salamin at isa-isang tiningnan kami.

"Please take your seat."

Sumunod naman kami at sinundan siya ng tingin habang umupo sa harap.

"By the way, I'm Dr. Grahambell. I hope you're fully aware why you're here. You should feel honored to be recognized as exceptional students."

I mentally cringed. Exceptional students. Iyon ba talaga ang tamang term na gamitin?

"Do you have any questions in mind right now?"

Unang nag-angat ng kamay si Megan at ni-recognize naman siya ni Dr. Grahambell. "Why is this too soon? I mean, most researchers here took 3-4 years in the Academy." Megan ignored the glare that the doctor gave her.

Hala, puto mukhang wala yatang balak si Grahambell na sagutin iyon kaya nagtaas na rin ako ng kamay.

"Yes?"

I cleared my throat. "I have the same question as Megan Galendez."

Muli ay naningkit ang mga mata ni Grahambell kaya bahagya kong sinipa ang paa ni Gon mula sa ilalim. He glared at me and I return the glare pero mukhang hindi niya maintindihan ang ibig kong sahihin.

This time, Triangle raised a hand and spoke. "Ako rin, iyon din ang gusto kong malaman."

Buti pa si Tatsulok, nakuha ang ibig kong sabihin. I glared at Gon again at saka lang niya nakuha ang ibig kong sabihin.

"Me too. I'm curious," sabi ni Gon.

"Alright. If you're all curious, I will tell you kahit pa masyado pang maaga para iyon na ang pag-usapan natin. Ni hindi pa nga natin nasisimulan ang bridge lessons."

Grahambell pressed something on a remote at nag-flash sa malaking monitor ang balita tungkol sa Capital.

"This is the reality. Salat na ang food supply ng Capital. Meat is our staple food pero ikinalulungkot ng buong Capital na hindi na nagbibigay ng satisfaction ang karne. Five years ago, we launched the long-term project called the Research for Ultimate Meat."

I frowned. Bakit kailangang satisfaction ang i-fulfill? Bakit hindi dahil kailangan iyon ng katawan? Why not for survival?!

"That was the main and only goal of this project but this year, a new problem arose. Meat sources declined at humina ang sector ng pagkain. For some reasons, animal production declines as population increases. So along with the main goal, the Capital aims for large volume of meat production lalo na at halos paubos na ang rasyon para sa bawat ward matapos ang nangyaring depression sa 3rd Ward."

Grahambell sighed and shook his head na tila ba problemadong-problemado siya.

"It was a domino effect. Ang matinding economic depression na nangyari lamang sa 3rd Ward ay ramdam ng bawat sulok ng Capital dahil sila ang pangunahing taga-supply ng karne and that is why we are rushing you—kayo, na mga mahuhusay na estudyante, na sa tingin namin ay magiging kaakibat namin sa pagseserbisyo sa bawat mamamayan ng Capital."

I bit my lower lip. Kung gayon ay hindi lang pala ang 3rd Ward ang apektado. Kahit papaano ay natuwa ako na naging bahagi ako ng Project: RUM. Ngayon ay buo na ang loob ko na magserbisyo dahil para ito sa lahat.

Ang natitirang oras ay inilaan ni Grahambell sa lecture namin. We started from basic—nutrition facts, meat composition, and everything. Matapos ang lecture ay hinintay na lamang namin ang van na maghahatid sa amin pabalik sa Academy. I moved away from them at muling tinanaw ang Foster na nasa harap.

"Kanina ka pa nakatingin doon. Wanna go there?" tanong ni Triangle na nakatayo na pala sa gilid ko.

So far, the whole day, he remained a sulking machine at ngayon lang yata siya naging maayos. Maybe he woke up on the wrong side of the bed or what.

"Oo, gusto kong pumunta roon," pag-amin ko.

"Let's go."

Napatingin ako sa kanya. Okay, I know Triangle has become the lesser jerk these past few days pero hindi talaga ako sanay na ganito siya.

"What?" he mouthed nang nanatili akong nakatingin sa kanya. "Come on, Pancake."

Humigpit ang hawak ko sa backpack ko at tiningnan ang iba mula sa 'di kalayuan. I nodded my head at naunang maglakad papunta sa Foster at sumunod naman si Tatsulok. Sabihin na lamang natin na hindi naman niya binuwisit ang araw ko, so for today, let's call it a truce.

Madali kaming nakalagpas mula sa nagbabantay na sentinels dahil na rin sa presensya ni Triangle. Iba talaga kapag elite, parang may all-access ka sa bawat sulok ng Capital.

Ang unang bahagi ng Foster na tiningnan ko ay ang directory. Gaya ng inaasahan ay naalis na roon ang pangalan ni Elpidio Moran at napalitan na ng pangalang Manuel Rivera.

"Moran stepped down at ayon sa narinig ko, he's facing charges regarding the meat hoarding issues," sabi ni Tatsulok.

"Iyon lang?" Hindi ba nila in-imbestigahan ang tila slaughter house ng aso sa loob ng Foster?

"That's what I've heard."

Medyo disappointed ako pero kahit papaano ay okay na rin iyon. Kung natagalan pa ang pagkakaupo ni Moran sa Foster ay baka mas lumala pa ang problema.

Nagtungo ako sa mga ward ng matatanda kung saan madalas na bumibisita sina Iris. Nalungkot ako sa isiping wala na ang kanyang lola.

"Hindi na masyadong congested ang wards," komento ko. It's a good thing ngunit nakakalungkot isipin na kaya hindi na masikip ang lugar ay dahil sa pagkamatay ng mga matatandang naroon.

"It's saddening but looking on the positive side, mas mabuti na hindi na masikip dito. Bahagya na ring bumaba ang mortality rate ng Foster and I heard it's because your brother requested that all the food supply during Moran's term will be thrown away," paliwanag ni Tatsulok.

Gustong magbunyi ng isipan ko. If that's the case, ibig sabihin ay naniwala si Jean-Claude sa akin nang sinabi ko sa kanya na tila may slaughter house dito sa loob ng Foster. Ibig sabihin ay pinaniwalaan niya ang teorya ko na maaring pinakain sa mga matatanda ang dog meat kaya nagkaroon sila ng rashes. I smiled in relief.

Tumunog ang cellphone ni Triangle at agad niya iyong sinagot. He listened on the line at mayamaya ay bumaling sa akin.

"Let's go, kailangan na nating bumalik roon," wika niya sa malumanay na boses.

Tumango ako at tinahak na lamang ang daan patungo sa elevator. Tahimik na sumunod si Triangle hanggang sa tuluyan kaming makalabas sa Foster.

Natagpuan namin ang iba na nakatayo sa harap ng malaking delivery van.

"Sunny, hali na kayo!" tawag ni Coco sa amin at binuksan ang likurang bahagi ng delivery van.

Eh? Seriously, diyan kami sasakay?

"Unfortunately, our service encountered some problems, Kitten. Mas matatagalan tayo kung magko-commute tayo and we cannot just ask for a chopper," wika ni Gon. "So, I came up with the idea na sasabay na lamang tayo sa delivery van na ito tutal dadaan naman ito sa Academy."

Ngumisi si Gon sa akin na para bang sinasabing ang brilliant ng ideya niya. Uh, sabagay. At least, he didn't use his unfair privilege as a Grande. Nang tingnan ko si Trench ay wala itong reaksyon but the way he looks at the van, mukhang labag sa loob niya ang ideyang ito ni Gon.

Magrereklamo rin sana si Tatsulok ngunit tinuro ako ni Gon at ngumisi sa kanyang kambal. Isang masamang tingin na lamang ang iginawad ni Tatsulok at mabigat ang loob na naglakad patungo sa front seat kung saan naroon din si Trench.

Megan looks tired at mukhang hindi naman labag sa loob niya na sumakay kami sa likod ng delivery van kasama ang rasyon ng canned goods.

Mayamaya ay lulan na kami ng sasakyan. Kanya-kanyang sandal sa mga box at pikit na kaming apat na nasa likurang bahagi ng delivery van. Si Coco naman ay tila hyper na hyper pa habang tinitingnan ang mga box na naroon.

The trip was tiring at sa wakas ay nakarating na rin kami sa Academy. Kasama kong bumalik sa District 9 Dormitory sina Gon at Coco. Pagdating sa dorm ay nagpaalam na si Gon na magpapahinga samantalang si Coco ay yakap-yakap ang bag niya.

"Mauna na rin ako Coco," paalam ko at akmang tatalikod ngunit pinigilan niya ako.

"Sandali, Sunny!" Nilingon ko siya at binuksan niya ang kanyang backpack at naglabas ng isang lata at inihagis iyon sa akin. Kung hindi ako naging alerto ay marahil tumama na iyon sa mukha ko.

"Puto—ano ba!" Sinalo ko ang lata at sinuri iyon. "Oh my God, Coco, did you get this from the boxes?" He guiltily nodded. "Alam mo ba'ng mali ang ginawa mo?"

Muli ay tumango siya ay yumuko. "I know, it can count as stealing pero gusto ko lang matikman 'to. Saka, hindi naman nila malalaman na kumuha ako, eh, hindi naman 'to naka-seal kaya malamang mga excess 'to. See? Wala ring barcode."

"Kahit na. Excess o hindi, mali ang ginawa mo." I sighed. Kapag pinaalam namin 'to ay baka ano na naman ang gawin ng PoD. I'll let this slide for now. "Fine, hindi natin 'to ipapaalam kahit kanino but promise me you won't do this again."

Lumiwanag ang mukha ng kalbo at ngumiti. "Promise!" Inilabas niya ang isang lata. "I'll keep this one at sa 'yo na 'yan. Don't worry, Sunny, dalawa lang ang kinuha ko at hindi ko na talaga ito uulitin."

Tumakbo na siya patungo sa kanyang silid at naiwan ako roon na nakatingin sa lata. Aba, hayop, ginawa pa akong accessory to the crime. Tinungo ko na lamang ang silid ko.

Inilapag ko sa mesa ang lata at tinitigan iyon. The packaging says that it's an exclusive canned goods ration for 5th Ward. Bago lamang iyon at mukha namang masarap. It comes in an easy-open can kaya natakam akong tikman iyon.

Tutal, pinasya naman naming huwag na lamang ipaalam kahit kanino ang ginawa ni Coco, I'd better dispose this evidence pero syempre, kakainin ko ang laman. Kumuha ako ng plastic spoon at binuksan ang lata.

I smiled when I smelled the delicious aroma when the can was opened. Mukhang masarap nga iyon. I scooped a spoonful and was about to take a bite ngunit biglang natigilan ako.

On top of the meat chunks was a wrinkly human pinky finger!

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

8.8K 548 104
Dalawang magkaparehong pangalan. Magkaibang pagkatao. May nagpakatotoo at may nagkukunwari. Kabutihang sinuklian ng kalupitan. Kalupitang naging sanh...
5.9M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
9.3M 392K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...
1.3M 19.2K 53
"She's hot, sexy, and beautiful." I exclaimed. "I'll take her." -Keither Andrew Montrose Highest Rank Achieved:#1 in Robot ...