Sweetheart, You are my Target...

By LadyDenn-sama

468K 5.2K 90

HAVE YOU BEEN BORED IN YOUR LIFE? Why not take a chance to enter in our world...where you can be aware of the... More

AUTHOR'S NOTE
Prologue
Chapter 1: Sweet Death
Chapter 2: Zachary & the D.E.A.T.H. Squad
Chapter 3: Crimson Skull Gang
Chapter 4: The Merciless Death
Chapter 5: Mafia Boss meets the Assassin
Chapter 6: She sings
Chapter 7: Assassin's duty; Zachary's brutality
Chapter 8: Stuff toy-lover assassins
Chapter 9: Psychopath VS. Assassin
Chapter 10: Bestfriends and their Mission
Chapter 11: Nightmare's tactic
Chapter 12: Tricked; Death & Nightmare
Chapter 13: Sammy's feelings
Chapter 14: Tasia's bratness
Chapter 15: Preparations
Chapter 16: The upcoming Grand Ball
Chapter 17: Monitored?
Chapter 18: Night of the Grand Ball
Chapter 19: Nightmare at the Grand Ball
Chapter 20: Born to love, not to kill?
Chapter 21: Showdown's coming
Chapter 22: Zachary's threat
Chapter 23: Queens' Showdown
Chapter 24: ZenHur Vs. Vaughn Queen
Chapter 25: Obvious feelings
Chapter 26: Numb
Chapter 27: Awkwardness
Chapter 28: Crazy bestfriends
Chapter 29: Romantic date
Chapter 30: Brother or twins?
Chapter 31: Decode
Chapter 32: Gabriel Vaughn
Chapter 33: Vaughn VS. ZenHur
Chapter 34: Enemy

Chapter 35: Confession

4K 101 8
By LadyDenn-sama

Chloe's POV:

Nakita kong seryoso at galit ang mukha ni Sammy pero napansin kong masyado pa ring sincere ang mata niya kay Death.

Maski si Death ay nagulat din sa sinabi ni Sammy.

Pasimple akong napangiti.

Bilang isang maunawaing tao, bibigyan ko muna sila ng time nila hihihi.

Alam kong mainit ang tensyon kaya gusto ko ring matauhan si Death sa mga pinag-gagagawa niya.

Pasimple akong pumunta malapit sa pinto at agad lumabas. Yiiieeee, bibigyan ko sila ng moment...

Sammy's POV:

Ramdam ko ang pagkagulat ni Laverne sa sinabi ko.

Pero ang sakit lang dahil wala pa ring kaemo-emosyon ngayon ang mata niya habang nakatingin sa akin.

Bigla akong lumapit sa kanya at isinandal siya sa dingding. Ikinulong ko siya ng mga kamay ko at seryosong tumingin sa kanya.

"Laverne..." mahina kong saad sa kanya. Malapit ang mukha naming dalawa kaya medyo naiilang ako.

"Hindi mo man lang ba iniisip ang posible naming maramdaman sa mga ikinikilos mo?" tanong ko sa kanya pero seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

Ni hindi man lang siya gumagalaw at inaasahan ko pa namang agad siyang magpupumiglas sa akin.

"Masyado lang kayong paranoid..." bagot niyang sagot.

"No! Hindi lang ito simpleng bagay, Laverne!! Pwede kang malagay sa panganib kung puro ka lang padalos-dalos! Tao ka lang, hindi ka imortal na pakiramdam mo ay balewala lang sayo ang mga panganib na dulot ng misyon na ito. Bakit hindi mo ba maintindihan 'yun?" inis ko sa kanyang sabi.

Saglit kong ikinalma ang sarili ko dahil magkalapit lang kami sa isa't isa. Masyado siyang malapit sa akin ngayon at ramdam ko ang bawat paghinga niya.

"Laverne, masyado ka nang walang pakialam sa paligid mo. Isipin mo man lang kahit paano ang kalagayan mo", mahina kong saad sa kanya kasabay ang pagpatak ng luha ko.

Hindi ko napigilan ang emosyong ito. Natatakot ako sa ideyang mapapahamak siya.

Napatingin ako sa kanya at nakitang nagulat siya.

"S-Sammy, huwag kang umiyak sa harap ko..." saad niya sa akin.

"Kailangan kong ipaunawa sayo ang lahat. Ayokong malagay ka sa panganib dahil sa kapabayaan ko", sagot ko at nagulat ako nang hawakan niya ang mukha ko sabay punas ng mga luha ko.

"L-laverne..." tangi kong saad dahil sa pagkagulat.

Laverne is wiping my tears? Laverne is holding my face... Hindi ko alam kung dapat ba 'kong matuwa, kiligin o lalong maiyak.

"I don't want to see you cry in front of me. At mas lalong ayokong umiyak ka dahil lang sa akin..." mahina niyang banggit.

"I- I just want to protect you. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling may hindi magandang mangyari sayo dahil sa mission na ito..." sabi ko sa kanya.

"Hindi mo kailangang mag-alala. Kaya kong protektahan ang sarili ko." saad niya na ikinabagsak ng balikat ko.

"Damn! Laverne... Bakit ba ang manhid mo?! Bakit hindi mo naintindihan ang sinasabi ko?!" inis ko sa kanyang sabi.

"What are you talking about, Sammy? Bakit ka ba nagkakaganyan?" inis niya rin sa aking tanong.

"Why?! You're asking me, why?! Damn it, Laverne! Hindi mo man lang ba nararamdaman? Laverne, I really love you! That's why I'm fucking worried about you! Hindi mo pa rin ba naiintindihan?!" inis ko sa kanyang sabi na ikinagulat niya.

"S-Sammy..." saad niya sa akin.

"Bakit sinasabi mo sa akin to?" tanong niya.

"Bakit? Laverne, ano ba?! Bakit kailangan mo pang itanong yan?! Of course, mahal kita!! Kaya ako nagkakaganito!" sagot ko sa kanya sabay hawak ng mukha niya.

"Laverne... Hindi ko naman hinihiling na mahalin mo rin ako. Just let me love you. I'll take all the risk. Hindi mo ako kayang mahalin? So what?! Masiguro ko lang na ligtas ka lagi, sapat na sa akin 'yun!" nanghihina kong sabi sa kanya.

Hindi ko kailanman pinagsisihan na mahalin ang isang katulad niya.

Napansin ko ang pagtahimik niya. Nakayuko lang siya ngayon kaya iniangat ko ang mukha niya.

Nagulat ako nang makitang namumula ang mga pisngi niya at nahihiyang tumingin sa akin. Iniwas niya ang tingin niya sa akin.

"W-wag mong isipin na na-namumula ako d-dahil sa sinabi m-mo. N-nilalagnat lang s-siguro ako..." pagdepensa niya pero ngayon ay mas lalo siyang namula.

Damn! Laverne is blushing?! She is really blushing right now?! The heck?! I can't believe it.

Natatawa kong hinawakan ang noo at leeg niya.

"Laverne, wala kang lagnat. Hindi ka mainit." natatawa ko sa kanyang sabi. Nagulat siya kaya iniyuko niya ulit ang ulo niya.

"Now tell me why are you blushing?" tanong niya sa akin na ikinatingin niya.

"W-what?! I'm not fucking b-blushing! IDIOT!!" sigaw niya sa akin kaya nakita ko kung gaano kapula ngayon ang pisngi ni Laverne.

Bigla ko siyang niyakap. "Laverne, I love you so much", saad ko sa kanya.

"Sammy! Wag mo ngang sabihin 'yan nang basta-basta!" inis niya sa aking sabi.

"Huh? What do you mean?" tanong ko habang yakap-yakap siya.

"I-I mean, bakit ang bilis mong sabihin s-sa akin 'yan?" utal niyang sagot na ikinatawa ko.

"Oh!? The word, 'I love you'? Then, Laverne, I LOVE YOU", saad ko muli  sa kanya.

Damn! This is crazy but I love this moment. I knew Laverne is blushing and now, I'm hugging her. Nakaamin na rin ako sa kanya ng matagal ko nang nararamdaman.

Nagulat ako nang bigla na rin siyang yumakap sa akin.

"S-Sammy...Can you wait?" mahina niyang saad.

"Huh?" nagtataka kong tanong.

"Can you wait until I am ready to l-love? Can you wait until the day I realize that I am still a human?" sagot niya na lalong ikinabilis ng tibok ng puso ko. Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.

"Yes. I'm willing to wait", saad ko sabay harap sa kanya.

Nahihiya siya sa aking tumingin kaya wala sa sariling hinalikan ko siya sa pisngi at muling niyakap.

Chloe's POV:

Haayyys, nababagot na ako sa labas. Siguro naman ay tapos na sila ng pag-uusap at sapat na ang time na binigay ko sa kanila kaya baka pwede nang pumasok ulit, ano?

Bigla kong binuksan ang pinto at nakangiting kumaway sa kanila.

Nagulat na lang ako sa nasaksihan ko. Magkayakap silang dalawa. Whaaaattt???

Totoo ba ito? Inuntog-untog ko ang ulo ko sa pader para malaman if this is the reality? Si Laverne, nakayakap kay Sammy?! Oh! Please, kill me!

Nang marealize kong totoo ang nakikita ko ay bigla akong napangiti. Hindi rin naman nila siguro ako ngayon napapansin. Well, good idea talaga ang ginawa ko kanina. I'm so happy for them. Ito talaga ang gusto ko hihihihi

Emegesh. Kinikilig talaga akooo!! Botong-boto ako sa kanila hihihi

Napansin kong masyado nang matagal ang moment nila kaya sisirain ko na.

"AYIIIIIIEEE!! Whoooo, kelan ang kasal?" agad kong hiyaw kaya gulat silang napatingin sa akin at agad lumayo sa isa't isa.

"A-anong kasal ang sinasabi mo, Chloe?!" agad tanong ni Sammy at kunwaring nag-aayos pa ng mga papeles sa mesa niya. Sus, parang 'di ko naman nakita.

Napatingin naman ako kay Death at gayon na lang ang pagkamangha ko nang makita siyang namumula ngayon. Sa ibang direksyon siya nakatingin kaya alam kong kinikilig siya.

Maygaasshh!! Bakit nagkaganito si Death? This is more than what I'm expecting. Laverne is blushing? Waaahhh!!

"WAAAHHH?! BAKIT KINIKILIG SI DEATH, HA SAMMY? HINALIKAN MO NA BA SIYA?! TELL ME, BAKIT NAGBLUSH 'YANG SI DEATH?" agad kong talak na ikinagulat nila.

"My God, Chloe!! What are you talking about?" tanong ni Sammy sa akin.

"Ano ba? Come on, Tell me! Kelan ba ang kasal? Ako nang bahala mag organize ng kasal niyo ah!" nakangiti kong sabi at nagulat ako nang sumugod sa akin si Death.

"What the fuck are you talking about?" inis niyang sabi sabay hila ng buhok ko.

"WAAHHH!! I'M JUST KIDDING, STOP IT NAAAA WAAHHH!!" sigaw ko habang sinasabunutan niya ako.

"Stop it, both of you!" saway ni Sammy at hinihila niya ako kay Death. Mayghhaadd, masisira ang world-class beauty ko dahil sa ginagawa ni Death!

Buti na lang at nahila na ako ni Sammy kay nakabusangot akong tumingin kay Death. Aaiisshh, hindi tuloy ako nakaganti. Hmmpp!!

"Tsk." asik ni Death sabay labas ng office. Tiningnan ko nang nakakaloko si Sammy pero bumalik lang siya sa pag-aasikaso ng mga papel niya.

Waaahh, ang daya! Bakit ayaw nilang magkwento sa akin huhuhuh

Laverne's POV:

Damn!! Ano bang nangyayari sa'kin!! Bullshit!!

Hindi na normal ang pakiramdam ko! NO! Bakit ko nasabi ang mga bagay na yun?!

Hindi ako mapakali ngayon kaya nagdesisyon akong lumabas at magtungo sa kotse ko.

Pagkapasok ay agad kong sinabunutan ang sarili ko.

Damn! Hindi ko pwedeng maramdaman 'to! Masisira ang lahat ng mga ambisyon ko! No,No,No! This is fucking insane!!

Parang nawala ako sa sarili ng mga oras na 'yun! Is this the fucking feeling of love? Damn! I hate this! I hate this feeling! Hindi pwedeng maging hadlang sa akin si Sammy.

Sa kalagitnaan ng pagpapakalma sa sarili ko ay biglang nag-ring ang phone ko at nakitang tumatawag si Gregg.

"ANO?" agad kong bulyaw sa kanya.

[Ms. Stanley, kailangan po kayo ni King bukas] sagot niya.

"Tsk. Oo, pupunta na ako. Ano bang oras?" tanong ko sa kanya.

[Susunduin na lang kita bukas]

Toot-toot-toot

Yeah, right. Sammy and my feelings must not be in my way. Mas kailangan kong intindihin si Zachary at ang misyong ito.

Dylan's POV:

Nang makabalik kami sa Mansion ay sumalubong sa amin ang mga idinidispatyang mga katawan.

"Bro!" biglang sigaw ni Evan.

Lumapit kami ni Tasia sa kanila.

"Anong nangyari dito?" agad tanong ni Tasia.

"Tsk. Nagkagulo sina King pati ang ZenHur Mafia", sagot ni Herbert habang nakita kong pinupunasan ni Thomas ang mga dugo sa salamin niya.

"Nasaan si King? Eh si Queen?" tanong ko sa kanila.

"Pinauwi ni King si Queen Charlotte", sagot ni Thomas.

"Tsk. Bakit naman kasi nagkagulo? Don't tell me, involve dito si Charlotte?" mataray na tanong ni Anastasia.

"Tasia! It's Queen, not just Charlotte!" inis ko sa kanyang sabi.

"Hindi namin alam eh. Basta nakita na lang namin na nagbabarilan na sila", sagot ni Herbert.

"Eh kamusta ang nilakad niyo?" tanong sa amin ni Evan.

"Ayos naman. Handa na kami sa gaganaping Underworld Gathering. Inayos ko na ang lahat", nakangisi kong sabi.

"Next week na pala yun ano?" sabi ni Herbert.

"I want to challenge Sweet Death in that Gathering." biglang sabi ni Tasia na ikinalingon namin sa kanya.

"You're insane", bulalas ko pero naglakad lang siya palayo.

Napailing na lang kaming apat dahil sa kanya.

Hindi normal na assassin ang kakalabanin mo, Tasia. Hindi kayo magkapantay. Kahit gaano ka pa kagaling, wala kang panama sa isang demonyong kagaya niya.

-----------------------------------------------
(A/N: Ang complicated ng chapter na ito, given na mukhang napahaba pa. Paiba-iba ang emosyon ng ating  characters. Oh well, thanks for waiting sa update na ito.)

Note: This is an edited version of SYAMT.

Continue Reading

You'll Also Like

110K 3.3K 50
Highest rank achieved: #1 Servant Category ❤️ #1 FUNFICTION #68 watty What does it feels like to be trapped in your own cage? Must be hard isn't it...
399K 13K 97
Si Adrianne Selene Montreal ay lumaki kasama ng labing-isang mga kuya niya. Palagi siyang pinoprotektahan ng mga ito at iniiwas sa mga gulo. Ngunit a...
37.6K 1.4K 47
'We met in the weirdest way, But I'm glad you fell on my roof.' Dark Cabal Series: One
204K 6.2K 43
One precious blood for twelve different Vampires. Dianara Damin, ang pag-aagawan ng labing dalawang bampira. Ngunit ang natatanging bampira lang ang...