Best thing i (N)EVER had

By septemberoyal

445K 6.5K 1.1K

Try ko lang....... Pwede ba? Hehehehe...... Kinain na talaga ako ng sistema! JB kase eh! Kahit may pinagdadaa... More

PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12 (HUWAG KA NG UMIYAK )
13
14 (AKAP)
15
16
17
18 ( UNKNOWN FEELINGS)
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33(Ambon)
34
35
36
37
38
39
40
41(Moving Closer)
42
43
44
45
46
47
48
49
50(HEARTBEAT)
51
52
53
54
55
56
57
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
Not an update
75 (Sa bingit ng isang paalam)
76( Bibitawan ka )
77
78
79
80 (Hindi tayo pwede)
81(The hardest thing)
82 (beaddie moments)
83
84
85
86
87

58

4.2K 88 17
By septemberoyal

BEA


Itinigil ko ang kotse ko sa gilid ng daan, nakatulala lang ako sa harapan ng manibela ko. Naka on ang playlist ko and nasakto na naman na TEMPURA ng spongecola ang tumugtog ngayon.


Di ko namalayan na tumutulo na naman ang mga luha ko. Kaya pala tinatamad akong bumalik ng eliazo ngayon ......Kaya pala kase.....Meron akong masasaksihan na di ko gugustuhing makita.


"Shit..." mahina kong nasabe. "Shit...."


Bakit kelangan kong makita ng paulit ulit na nasa ganong scene sina jho at marci? Bakit lageng ako yung makakakita ng ganon? Bakit......Nananadya ba silang talaga? kelangan ipamukha sa kin na masaya sila sa kung anuman ang meron sila ngayon?! Ganun ba yun!?


"SHIT!" sigaw ko sa loob ng kotse ko. "Bakit ba?!" muli kong sigaw and this time ay pinag hahampas ko na ang manibela ko. Sa kakahampas ko di ko inaasahan na napapalo ko rin ang busina ng kotse ko. Nakailang beses na rin bumusina ang kotse ko and salamat na lang na walang guard na nagiikot ngayon kaya wala sisista sa kin. "Bullshit!"  huli kong sigaw bago ako napayuko sa mismong manibela ko.


Talunan na ko at alam ko yun, dapat nga sanay na ko na makita sila na nasa ganong eksena. Tutal kung di ako nagkakamali ay more than a month na yata sila at natural lang na may mga paganon sila kase nga meron ng SILA.


Naninikip ang dibdib ko, gusto kong makalanghap ng hangin kaya bumaba ako ng kotse ko. Pagkababa ko ay sumandal ako sa pinto neto habang hawak ko ang susi at pinaglalaruan yun. Parang may replay button ang utak ko kase paulit ulit na nagpe-play ang lahat ng mga nakita ko sa kanilang dalawa dati. Yung naabutan ko sa parking lot ng eliazo, na umuwi rin ako non kase gusto ko syang makita at makausap pero di ko naman inaasahan na may maaabutan ako ng panahong yun(Parang yun yung time na nilevel up na nila yung sa kanila) then yung nakita ko sa labas ng BEG, na hinatid pa ni marci si jho ( na dati ako ang gumagawa sa kanya 😢 ) tas yun may pabaon pang kiss si marci kay jho. And kanina lang.....Yun na naman ang nakita ko. May pasalubong pa si bf kay gf na bff ko/ former MU ko, kita ko ang saya ni jho ng kunin nya yun kay marci. May pacute pa sila sa isat isa na talagang nakakabasag ng puso ko habang pinanonood ko sila kanina lang....hanggang sa nagpaalam na sya kay jho tas ayun.....Ayun na naman....Inulit na naman nila......May pa kiss pa ang lalakeng yun kay jhoana.


Tumingala ako sa langit kase pinipigil kong wag malaglag ang luha ko na naipon na naman. Wala akong makitang stars ngayon, ni isa ay wala. "Pati si buwan di nagpakita. Dinadamayan ba nila ako ngayon." malungkot kong sabe. Tas ilang sandali lang ay may pumatak sa mukha ko.


Isa......dumalawa.....Naging tatlo......


"Umaambon...." ako. Nanatili lang akong nakatingala, kaya pala walang star akong nakikita kase natatabunan yun ng makapal na ulap. Parang sinasabayan akong sumenti ng panahon ngayon ah, nakisabay sa kin na gustong ilabas ang hinanakit at sakit na nararamdaman ko.


Lumalakas na ang ambon, ulan na nga ang pwedeng itawag dito kase sunud sunod na ang mga malalaking patak na bumabagsak ngayon sa pagmumukha ko. Pumikit ako para damhin ang may kalakasan ng ulan, pagkapikit ko ay isang mukha lang ang nakikita ko.....Ang nakatawang face ni jhoana na alam mong masaya sya....Masaya sya sa piling ni marci.😢💔


Nagflashback sa memories ko ang naging eksena namen ni jho sa ulanan dati.....Para kameng mga bata na naglaro sa ulanan......naghabulan, nagasaran.....Nagyakapan.....Napangiti ako ng mapait. Di na mauulit ang ganon, hindi na sa kin.....


Dumilat ako, still nakatingala pa rin, basa na ang mukha ko. Basa na dahil sa patuloy ng pagpatak ng ulan sa mukha ko at di ko na rin napigilang pagpatak ng luha ko. Tiningnan ko ang suot ko at napangiti na naman ako ng mapait, dahil sa wala akong sa mood ay di ko napansin na naisuot ko pala yung shirt na birthday gift nya sa kin last year. Naalala ko na one week na nga yata ang lumipas nung mabilhan nya ako ng gift, ang ikinakilig ko pa nung panahon yun kase meron din pala syang binili for her kaya nung nagpunta kame ng tagaytay ay saktong suot nameng pareho kaya nagmukhang couple shirt ang mga suot namen.😊


Lumakas ng lumakas ang pagpatak ng ulan hanggang sa naging mabibigat na ang mga patak nya ngayon na bumabagsak sa katawan ko. Basang basa na ko pero nakatayo at nakasandal pa rin ako sa kotse ko, Wala akong balak na sumilong pa kase basang basa na rin lang ako kaya lulubusin ko na.


Ni-lock ko ang kotse ko bago ako umalis sa pinag parkingan ko, lumakad ako palayo dun. Naglakad lang ako ng usual na lakad ko, yung sakto lang, yung bang di nagmamadali, yung parang walang ulan. Di ko lam kung san ako pupunta, pero gusto ko lang yung ganto lang, saka ko lang napansin na andito pala ako sa moro ngayon, biglang bumilis ang pag lakad ko, isang bagay lang ang nasa isipan ko ngayon........Ang tumakbo.


"Takbo......Takbo......Takbo pa......Dalian mo pa.......Takbo pa!" Yan ang isinisigaw ng puso ko ngayon.


"Itigil mo na yan. Sumilong ka. Magkakasakit ka pa nyan." Saway naman ng "KJ" kong utak.


"Nasasaktan ka di ba? Kaya itakbo mo na lang yan, para kahit papano di mo maramdaman ang sakit kahit panadalian lang." si puso.



"Di nga nya mararamdaman ang sakit pero sakit sa ulo, OO! Magkakasakit ka kaya." si utak.



Dahil sa matigas ang ulo ko at dahil na rin sa nasasaktan ako ay mas pinakinggan ko ang "EVER" kong tandem pagdating sa pagpapakatanga----ang puso ko.💙😢💔


Palakas ng palakas ang ulan na minsan pa nga ay may kasabay na kidlat and pagkatapos non ay ang pagdagundong ng malakas na kulog. Napapahinto ako pag may ganon, ang isa ko pang kinatatakutan kase ay ang kidlat at kulog, Nahinto ako sabay takip sa magkabila kong tenga pero pagkalipas non ay balik agad ako sa pagtakbo. Lalo kong binibilisan naman pag sumasagi sa isipan ko sina jhoana at marci na sweet sa isat isa. Nakakaramdam ako ng sakit kaya binibilisan ko.


Marameng beses na akong nagpaikot ikot dito sa running field, di ko na nga alam eh kung nakailang laps na ba ako. Sige lang ang takbo ko hanggang sa sumunod na pag ikot ay napahinto ako ng dahan dahan. Malayo pa lang ng may naaninagan na akong nakatayo mismo dun sa running field na tinatakbuhan ko.


Babae. Sigurado ako kase ang igsi ng suot netong short, kung di ako nagkakamali ay naka hoodie pa sya at may dala syang payong na nakasukob sa kanya. Ang kaba ko na biglang tumimo sa kin ngayon at ang kabang nararamdaman ko ngayon na may halong kung ano sa buong sistema kung ba't nagwawala sila ngayon ay sa  iisang tao ko lang nakakaramdam ng ganto---- walang iba kundi kay jhoana lang. Sa kanya lang.....


Lumapit pa ako ng ilang hakbang at ayun nga, si jhoana nga yung girl na nakatayong nakapayong sa ulanan. Dalawang dipa ang pagitan namen ngayon sa isat isa. Di ko alam ba't di ko magawang igalaw ang mga paa ko ngayon, gusto ko syang lapitan pero di ko magawa bukod sa mga paa kong parang napako na sa kinatatayuan ko ay sinasabihan ako ng utak ko ngayon na wag na lang.


"Tara uwi na tayo." dahil sa lakas ng ulan ngayon kaya may kalakasan din ang pagsabe nya sa kin.


Wag na lang dahil di na kelangan pa, makakagulo ka pa sa kanila kung gagawin ko yung ibinubulong ng puso ko ngayon na yakapin sya at sabihin sa babaeng ito na mahal na mahal ko sya......Pahihirapan ko lang daw ang sitwasyon pati ang mga sarili namen......Kaya wag na lang.


Pinilit kong ihakbang ang mga paa ko at thank god nagawa ko. Humugot ako ng malalim na hininga bago ako nagpasyang lumapit sa kanya, habang palapit ako kay jho ay di ko maiwasang di sya titigan. Ilang hakbang na lang at halos kaharap ko na sya pero hanggang ngayon ay nagtatalo ang isipan ko at puso ko kung titigil ba ako sa harapan nya o lalagpasan ko na lang sya.


Tatlong hakbang na lang......


Dalawa......


Bahagya akong lumihis ng hakbang bago ako makarating sa kanya, huminto ako sa mismong gilid neto.....


"Una ka na......May ilang laps pa akong tatakbuhin." ako tas nilagpasan ko sya.


Napakagat labe ako sa ginawa kong yun, nakakailang hakbang pa lang ako palayo sa kanya ng marinig ko ang pagtawag nya sa pangalan ko. Wala akong balak na huminto pero kusang tumigil maglakad ang mga paa ko, tanging magagawa ko na lang ay ang di pag lingon ko sa kanya.


"Tama na muna yang pagtakbo mo." si jho na alam kong nakaharap na sa kin ngayon. "Pwede mo naman siguro ipagpa bukas yan, may training naman tayo tomorrow di ba?"


Di ako sumagot, nanatili lang akong nakatalikod sa kanya. Kahit malakas ang mga patak ng ulan ay narinig ko at naramdaman ko ang paglapit nya sa kin, nagpapanic ako ng di ko alam kung bakit. Kelangan kong makalayo sa kanya ngayon din, pilit kong ginagalaw ang mga paa ko na nakapagkit na naman sa sementadong kinatatayuan ko.


"Beatriz...."


Nasa likuran ko na sya ngayon, ipinihit ko ang sarili ko paharap sa kanya, agad na sumalubong sa kin ang kanyang malalaki pero para sa kin ay ang pinaka expressive na mga mata na nasilayan ko at lageng gustung gusto kong makita. Nag aalala ang mga mata netong nakatingin sa kin.


"Bumalik ka na sa dorm, tingnan mo, nababasa ka na. Magkakasakit ka nyan eh." simpleng taboy ko sa kanya.


"Baka ikaw ang magkakasakit sa ganyang ginagawa mo." counter naman nya sa kin. "Umuwi na tayo para makapagbanlaw ka na kase sigurado akong pagkatapos ng gabeng ito ay sisipunin ka nyan at kung minamalas ka pa ay may kasama pa yang ubo o lagnatin ka pa. Kanina ka pang andito no?"


"Hindi ah." pagsisinungaling ko.


"Tsk! Nagsinungaling pa sya oh." si jho. "Eh, basang basa ka na nga oh."


"Duh, malakas po ang ulan." sagot ko. Eh totoo naman di ba, kanina pa nga eh. "Kaw na umuwi kase mababasa ka talagang tuluyan pag nag stay ka pa dito." ako at tinalikuran ko na sya.


Patakbo na ko ng pigilan nya ako gamit ang kamay netong nakahawak sa wrist ko, muli ko syang hinarap at tinapunan ko sya ng questioning look.


"Di ako aalis dito hanggat di kita kasama." si jho na halata mong pursigido.


"Wag ng matigas ang ulo." ako na ipana halata ko na naiinis ako pero ang totoo ay hindi naman. "Sige na umuwi ka na." at ako na mismo ang nag alis ng kamay nya sa kin. Di pa man ako tuluyang nakakatalikod sa kanya ay nagsalita na naman sya.


"Hindi nga ako aalis dito hanggat di kita na isasama." si jho. "Tara na kase."


"Ba't ba ang kulit mo!?" nasigawan ko na sya ng muli akong humarap sa kanya. "Mauna ka na nga kase gusto ko pang tumakbo."


"Iba rin kase trip mo eh noh." mataray na counter naman nya sa kin. "Gantong dis oras ng gabe at malakas ang ulan pa ang gusto mo. Sakit talaga ang habol mo eh. Halika nga rito...." saka lumapit sya sa kin at isinukob ako sa payong nya.


Nagkalapit na naman kame. Parang kay tagal na ng maging malapit kame ng ganto ni jhoana.....Yung ganto na pakiwari ko ay dalawang dangkal ko lang yata ang layo namen sa isat isa. Bahagya akong nakatungong nakatingin sa kanya ngayon at sya ay bahagyang nakatingala sa kin. Gustung gusto ko ang height nameng dalawa, perfect eh.....Kahit yun man lang ang maging perfect sa min.☹


Magkatitigan kame ngayon, ayokong mauna akong umiba ng tingin, gusto kong matitigan ng malapitan ang babaeng nagturo muli sa kin kung pano magmahal.....At masaktan....Muli.....


Alam kong maliit na lang ang tsansang magkalapit pa kame ng ganto lalo pa at meron ng marci sa buhay nya ngayon. Sumagi na naman sa isipan ko ang relasyon nila kaya muli akong nasaktan.....Nasasaktan.....


Umatras ako ng di inaalis ang tingin sa kanya, isang hakbang paatras kaya nasa ulanan na naman ako. Pero ang isang jhoana ay di rin nagpadaig, nakatitig din syang humakbang palapit sa kin kaya magkasukob kameng muli sa payong nya.


Napakunot noo ako sa ginawa nya kaya, muli kong inulit ngunit ganon pa rin ang ginawa nya, para na kameng mga tanga dito. Aatras ako then hahakbang na naman sya palapit sa kin kaya magkasukob na naman kame ulit. Di ko na nagugustuhan ang nangyayare kaya umatras ako ng bongga as in bongga kase ngayon ay isang dipa na naman ang pagitan namen sa isat isa.


"Please lang umuwi ka na, basang basa ka na eh." sabe ko saka ako
tumalikod sa kanya at naglakad na palayo.


Nakakailang hakbang pa lang ang nagagawa ko ng mapahinto ako, may bumangga sa likuran ko tas biglang yumakap sa kin. Di ko na nilingon pa  at di na ko nagtaka kung sino yun.


Kahit nakatalikod ako ngayon sa kanya ay alam kong wala na syang hawak na payong, ang dalawa netong kamay ay mahigpit na nakayakap ngayon sa bewang ko. Nanatili lang akong nakatayo, ni hindi ko nga hinahawakan ang braso nyang nakapulupot sa bewang ko.


"Bakit ba?.....Ano bang problema?" malumanay na sabe nya.


Di ako kumibo, nanatili lang kame sa ganong ayos i guess....Few seconds....Patuloy lang ang pagbuhos ng mabibigat na ulan sa ming dalawa.


"Bakit mo ba ako iniiwasan?" muli nyang tanong still nakayakap pa rin sa kin.


Dahan dahan kong hinawakan ang braso nyang nakapulupot sa bewang ko at tinanggal ko yun, nang magawa ko ay dahan dahan akong humarap sa kanya. Bahagya namang tumingala sa kin ang babaeng ito at muli ay nagkasalubungan ang aming mga mata.


Ewan ko kung dahil ba sa ulan ang pamumula ng mata nya pati ang tungki ng ilong nya o umiiyak sya ngayon. Di ako nagtangkang magtanong sa kanya bagkus nakatingin lang ako ng diretso sa kanya habang ang tibok ng puso ko ngayon ay kakaiba. Ang tipikal na pagbilis ng pagtibok neto everytime na nakikita, nakakasama, nagkakalapit kame ni jhoana......Ngayon ay may halo ng pagkirot neto. Ang babaeng katitigan ko ngayon na ang tagal kong pinangarap ay pag mamay ari na ng iba, at napaka sakit sa kin yun.


"Alam mo bang nabubwiset na ko sayong damulag ka." si jho na nagka-crack na ang boses at nagsisimula ng mapuno ng luha ang kanyang mga mata. Confirmed. Nagsisimula ng umiyak si jhoana, umiiyak na ang baby ko. "Lage ka na lang ganyan!" sabay palo nya sa dibdib ko. "Lage mo na lang ako pinag iisip ng husto." tas bigla syang humikbi sa harapan ko at nagsisimula na rin ang madalas na pagtaas baba ng mga balikat neto.


Gusto ko syang yakapin at patahanin sa mga bisig ko pero pinigilan ko ang sarili ko kase hindi na ito ang "papel" ko buhay nya ngayon. Wala na kong KARAPATAN.😢


"Bakit mo ba ako iniiwasan!?" muli nyang tanong na halata sa boses ang pagkaasar na may halong tampo.


"Dapat lang di ba?" sagot ko naman.


"Anong dapat lang!?" si jho na mataas ang boses.


"Dapat lang na iwasan na kita kase....Kase yun ang dapat...." mahina kong sabe.


Nabubwiset nya akong tiningnan. "H-hindi kita maintindihan eh, bakit ba? anong dahilan mo?" magkasalubong ang mga kilay netong nakatingin lang sa kin.


Napakamot na lang ako sa batok ko kase di ko masabe sa kanya ang dahilan ko....Ang totoo kong dahilan.....


"Beh.....Please naman oh, para na kong tanga kakaisip kung.....Kung may nagawa ba ako kaya ka umiiwas." si jho.


"Jhoana, meron ka man nagawa na di ko gusto, eh wala akong magagawa dun kase desisyon mo yun...." ako na nahihirapan ng huminga dahil nagsisimula na akong maging emosyonal. "Ayoko lang.....Ayoko lang na ako ang maging dahilan ng mga pagtatalo nyo......Alam mo at alam kong may hint sya sa feelings ko sayo." huminto ako sandali at kumuha ng lakas sa paghinga ng malalim. "Kung lage akong nakadikit sayo tulad ng dati, alam kong di nya magugustuhan yun, pagseselosan nya ako.....Ayokong makasira ng isang bagong relasyon...." mahaba kong paliwanag.


"Ano?" si jho na napakunot noo.


Napayuko na lang ako. Pinakakalma ko ang sarili ko, ilang beses akong napapalunok para di nya marinig ang pagka-crack din ng boses ko. Ayokong malaman nyang umiiyak ako.


"Beatriz, linawin mo nga yan?" si jho. "Gusto kitang maintindihan."


Nag angat ako ng tingin. "Alam ko na. Alam ko na and naiintindihan ko kung.....Kung di mo sa kin sinasabe." wala na. Di ko na mapigilan ang emosyon kong mataas, tumulo na ang mga luha ko. "Naiintindihan ko." and napatango na lang ako sa kanya sabay buntong hininga. "Di mo na kelangan pang mag adjust pa kase ako na ang gumagawa neto sa tin. Kahit di mo na sabihin pa sa kin....Pipilitin kong maging masaya sayo kase yun naman ang ginagawa ng bestfriend di ba? Ang suportahan ang kaibigan sa magpapasaya sa kanya." pilit akong ngumiti sa kanya. "Pipilitin ko ring maging okay ako, magiging okay din ako.......Promise. Hindi man ngayon pero darating din ako dun." naitawid ko pa rin kahit humihikbi ako habang nagsasalita sa harapan nya.


"Ano ba yang pinagsasabe mo?!" si jho na halata mong naguguluhan. "Bakit ganyan ka kung magsalita?"


"Ayoko lang masira ko ang relasyon nyo." mahina kong sabe na alam kong narinig din nya saka muling nag iba ako ng tingin.


"RELASYON?!" ulit ni jho.


Hindi ako kumibo. Ilang segundong katahimikan sa min, tanging buhos ng malakas na ulan lang ang namayani sa pagitan namen.


"Sa pagkaka alam ko,WALA AKONG BOYFRIEND." basag nya sa katahimikan.


Di ako makapaniwalang napatingin ako sa kanya. "Ngayon, Idedeny mo sa harapan ko." sarcastic kong sabe. "Maawa ka naman dun sa tao, jho. Maawa ka kay marci---"


"Si marci?" gulat na tanong pa neto tas maya maya pa ay natawa na ito ng mahina. "So, si marci ang tinutukoy mong BOYFRIEND ko?"


"Wag mo nga syang ideny....Wag mo na kong gawing tanga....." nagsisimula na naman akong maging emosyonal. "Naiintindihan ko.....At iintindihin ko ang lahat. Dapat, sa una pa lang sinabe mo na sa kin ng harapan ang tungkol sa inyo ni marci. Sana diniretso mo na lang ako kesa ganto lang.....Kung di ko pa kayo na huhuli di ko malalaman ang sa inyong dalawa." humihikbi na naman ako. "Ma-matatanggap ko naman eh, sinisimulan ko na nga eh....."


"Yun ang dahilan mo kaya ka umiiwas sa kin?" si jho. "Alam mo di mo naman kelangan umiwas eh---"


"Kelangan ko." putol ko sa kanya. "Kung di ko gagawin yun mamamatay ako.....Sa malayo nga lang kitang tingnan na masaya sa kanya ay nadudurog na ko lalo pa kaya kung sa mismong harapan ko na, baka ikamatay ko na. Masyado na kong masukista pa nangyare yun." dalawang hakbang ang ginawa nya kaya nagkalapit na naman kame...... dalawang hakbang kaya natitigan ko na naman sya. "Maawa ka naman sa kin jhoana...." dagdag ko.


Ang mga matang habang buhay kong nanaising makatitigan ng ganto......ang mga mata na ngayon ay may bahid luha pa ring nakatingin din sa kin, naramdaman ko na lang ang isa nyang kamay na nasa pisngi ko ngayon at marahan itong hinahaplos haplos......


Ngumiti sya sa kin.....Nakakapanibago lang kase......Ang kanyang ngiti ay kakaiba......Ngayon. Ang kanyang ngiti ay di na tulad ng dati, yung may pag aalinlangan......Ngayon ay may tamis na(?) kasabay ng pagngiti ang kanyang mga matang nakatingin pa rin sa kin......


BAKIT?.....


"Hindi mo na kelangang umiwas....." halos pabulong nyang sabe sa kin.


Magsasalita sana ako ng mapahinto nya ako. Parang lahat ng mga naiisip ko ngayon ay biglang nawala sa isipan ko, nagwawala ang buong sistema ko, di ako makagalaw sa kintatayuan ko, para bang muling nag slo-mo ang pagpatak ng mga ulan pati ang ingay neto ay di ko marinig, parang bang nag mute ito.


Ayokong pumikit o kumurap man lang baka kase mawala......ayokong malaman na nananaginip lang ako ng gising  ngayon dahil di ko yun matatanggap.



Ilang segundo na ba ang lumipas?.....Hindi ko na nabantayan. Basta, nakafocus lang ang buong sistema ko kay jhoana......At sa kanyang labeng nakadikit pa rin sa labe ko.....



Oo. Hinalikan nya ako......at sya muling unang nag iniate. At tulad ng dati ay nabigla/nagulat ako. 😮


Unti unti syang humiwalay sa labe ko. Ako, na inshock sa nangyare ay di makapagsalita kahit andame ng nag uunahan na mga tanong sa isipan ko. Ang labe kong nakauwang ng slight kase marame akong gustong sabihin pero tulad ng utak ko di nag fafunction ito ngayon. Nakatingin lang ako sa kanya at ganundin sya sa kin. Muli syang nagsmile this time super tamis na.


"May nagwagi na kase....."



























AN:

2nd Update.......😊😉








































Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 64.6K 131
[BOOK ONE IN THE LIFELINE SERIES] lifeยทline หˆlฤซfหŒlฤซn/ noun "A person you can always depend on to help you in a really messed up situation where you n...
244K 6K 52
โŽฏโŽฏโŽฏโŽฏโŽฏโŽฏโŽฏ เชœโ€โžด ๐…๐„๐„๐‹๐’ ๐‹๐ˆ๐Š๐„ .แŸ โ› & i need you sometimes, we'll be alright. โœ IN WHICH; kate martin's crush on the basketball photographer is...
461K 16.6K 95
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! ๐Ÿ˜‚๐Ÿ’œ my first fanfic...
1.1M 44.6K 51
Being a single dad is difficult. Being a Formula 1 driver is also tricky. Charles Leclerc is living both situations and it's hard, especially since h...