Ziah's POV:)
Tumakbo na ako papunta sa classroom dahil alam kong late na ko. Bahala na si Ruki sa buhay niya. Wala na kong pake kung malate din siya, kasalanan niya naman to e.
Nung binuksan ko yung pinto sa classroom, lahat sila napatingin sa akin; even Jin looked at me. Tinaasan ako nang kilay ni Jin. Hindi ako nakapagpaalam sa kanya kanina dahil bigla na lang ako hinila paalis ni Ruki. Babawi na lang ako sa kanya. Napatingin naman ako sa harap to check if I was interrupting a class but thankfully walang teacher.
Umupo na ko sa pwesto ko and being in between two people, who are probably blabbering non-sense; they didn't even notice me sit beside them. They're still both noisy and I feel like parehas silang nakakain ng microphone.
Bigla namang lumapit si Jin sa pwesto namin. That's where Viel and Dia stopped talking. They just exchanged glances. Kumuha ng silya si Jin sa harap ko at binaliktad niya ito, para magkaharap na kami.
"Bakit bigla kang nawala kanina?" Tanong ni Jin
Nagulat naman ako dahil biglang bumukas yung pinto, it was Ruki and he was glaring at me. Padabog niyang sinarado yung pinto causing me to jump a little bit. Pati ba naman pinto dinadamay niya sa galit niya.
Inalis ko yung tingin ko sa kanya. Nung binalik ko yung tingin ko kay Jin, Jin was intently looking at Ruki. He looks like he was observing him. Eto namang dalawa na nasa tabi ko, mukhang nakikichismis. Pagdating talaga sa chismis laging napapansin netong dalawang to.
"Meron kasing lalaki kanina na binastos ako. He was from Section 2. Ruki saved me but then let's all accept this fact, hindi anghel si Ruki na bumaba sa langit. Pagkatapos niya kong iligtas, siya naman tong nagpapaalis sa akin sa Section F." Sagot ko
Pabulong ko lang kwinento kay Jin yun. Alam naman nating malakas yung pandinig ni Ruki. Kung malakas na yung music, mas malakas yung pandinig niya. Pag triny ko siguro yung ganon, wala na kong maririnig sa paligid ko.
"So you haven't eaten yet?" Tanong ni Jin
Umiling iling lang ako. Okay lang naman na hindi ako nakakain, meron pa kong chips tsaka chocolate sa bag. Biglang tumayo si Jin sa pagkakaupo niya sa harap ko at pumunta siya sa pwesto niya.
Nung bumalik siya sa pagkakaupo niya sa harapan ko, inabutan niya ko ng cake tsaka mango-banana shake. May hawak din siya para sa sarili niya, mukhang hindi niya kinain yung food niya.
Kinuha ko naman yung bag ko at kinuha ko yung chocolate na baon ko. Inabot ko naman to kay Jin na may kasamang malaking ngiti. Ang panget talaga nung una naming pagkikita kasi in all honesty, sobrang bait pala talaga ni Jin.
"AKO DIN ZIAH! GUSTO KO NANG CHOCOLATE!" Sigaw ni Viel
Nakakagulat yung biglang pagsigaw ni Viel. Malapit pa siya sa tenga ko ah. Nakakain ba talaga to ng microphone? Ilang taon na ba siya at ganyan parin siya umakto? Kumuha na lang ako nang chocolate sa bag at inabot sa kanya para matahimik na siya.
"Okay ka na? Happy ka na? Pwede ka namang manghingi nang maayos e, hindi mo naman kailangan sumigaw pa." Sabi ko and I slightly ruffled his hair
Binuksan ko na yung cake na binigay sa akin ni Jin at tinikman ito. Medyo ang awkward nga lang nung sumusubo ako, halos lahat sila nakatingin sa akin. Di ko rin naman maiwasan mapatingin kay Ruki, he has his usual blank expression habang nakatingin sa akin.
He was really emotionless. On the other hand si Kit, when he noticed that I looked at him; he gave me his cutest smile. Nakita ko sa expression niya na parang gutom na gutom siya.
Napatingin naman sila lahat sa pinto dahil may bigla namang kumatok dito. May isa akong kaklase na tumayo at binuksan yung pinto. Di ko maaninag yung mukha nung tao dahil may araw. Baka naman sinusundo na ko nang guardian angel ko?
"We're looking for Ziah." Sabi nung tao na nasa labas
Tatayo na sana ako sa pagkakaupo ko nung may pumigil sa akin. Isa siya sa mga kaklase ko na hindi ko napansin na nasa likod ko na pala. Ano namang problema neto?
"Students from Sections 1-5, aren't allowed here." Sabi nung kaklase ko na nakahawak sa balikat ko
Tinanggal ko naman yung pagkakahawak niya sa balikat ko. Hinahanap ako nung tao sa labas tapos pinipigilan ako ng mga tao dito?
"Sino ka ba at ano ang karapatan mo para pigilan ako?" Tanong ko dun sa kaklase kong nakahawak sa balikat ko
Tumingin siya sa akin at nginitian lang ako. He looks normal and he also had the looks. May deal lang talaga yung section na to sa ibang mga section. Okay lang sana kung pagbawalan nila ako dahil binastos ako niyan e. Hindi e.
"My bad. My name is Matt Sia. It's really nice to meet you Ziah." Sabi nung lalaki na nasa likod ko na may kasamang ngiti
Makulit din siya pero hindi niya parin mapapantayan yung kulit ni Viel. Mas makulit naman kasi talaga si Viel tapos yung boses niya, akala mo nakakain nang microphone.
"Nice to meet you too. Hinihintay na ko sa labas, kakausapin ko na sila." Sabi ko at tumayo na ko sa pwesto ko
Lalabas na sana ako ng classroom nung may humawak sa wrist ko. Pagtingin ko naman nakita ko si Ruki. Ano nanaman bang problema netong lalaking to? Lagi na lang siyang nangengeelam.
"Pwede bang bitawan mo ko." Matigas kong sabi
Kung tatanungin niyo ko kung may galit ba ko kay Ruki. Meron pero slight lang. Pinapaalis niya kasi ako sa section namin nang walang dahilan but at the same time, I'm thankful to have him.
"Hindi ka aalis dito." Matigas na sabi ni Ruki
Ang gulo naman nang utak netong lalaking to. Kanina gusto niya kong paalisin sa section namin tapos ngayon naman, lalabas lang ako ng classroom; ayaw na kong paalisin. Yung totoo? Ano ba talagang gustong mangyari neto?
"Parang kanina lang gusto mo kong paalisin ng section tapos ngayon, lalabas lang ako ng classroom; ayaw mo na kong palabasin. Okay ka lang? Nahihibang ka ba o sadyang hilo ka lang?" Sabi ko
Gulo din pala kausap neto e. Stress lang yata sa buhay tong tao na to. Pag talaga hindi ako nakapagtimpi sa lalaking to, wala kong pake kung gwapo siya; makakatikim talaga siya sa akin.
"Let her be. That's her life and she's old enough to make choices for herself." Sabi ni Kit
Kailan pa to nakalapit sa amin? Tumingin si Kit dun sa kamay ni Ruki na nakahawak sa akin. Bigla niyang hinawakan yung kamay ni Ruki at tinanggal yung mahigpit nitong pagkakahawak sa akin. Sobrang talim ng tingin nila ngayon sa isa't isa, kung nakakapatay lang yan; parehas na silang patay.
"Mind your own business, Kit." Sabi ni Ruki
Alam niya pala yung mind your own business. Nage-exist pala yung sa dictionary niya. Kung gamitin niya kaya yung word na yun! May pa mind your own business pa siya, hindi naman marunong sumunod.
"Does that even exist in your dictionary? Business ko nga pinakikielaman mo e. Wag ka nang mag mind your own business dyan." Sabi ko sabay irap
Pare-parehas naman silang napatingin sa akin, mukhang gulat na gulat sila sa sinabi ko. Totoo naman kasi, hindi ba nila napapansin? Ruki doesn't know how to mind his own business.
"Go, talk to the person outside. They've been standing there for too long." Sabi ni Jin
Tumango na lang ako at lumabas na nang classroom.
——— TO BE CONTINUED ———
hi!
mind your own business! kanina pa yan e joke. mamili na lang kayo kung sino gusto niyo for Ziah— Jin, Kit or Ruki.
thanks,
X