Best thing i (N)EVER had

By septemberoyal

445K 6.5K 1.1K

Try ko lang....... Pwede ba? Hehehehe...... Kinain na talaga ako ng sistema! JB kase eh! Kahit may pinagdadaa... More

PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12 (HUWAG KA NG UMIYAK )
13
14 (AKAP)
15
16
17
18 ( UNKNOWN FEELINGS)
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33(Ambon)
34
35
36
37
38
39
40
41(Moving Closer)
42
43
44
45
46
47
48
49
50(HEARTBEAT)
51
52
53
54
55
56
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
Not an update
75 (Sa bingit ng isang paalam)
76( Bibitawan ka )
77
78
79
80 (Hindi tayo pwede)
81(The hardest thing)
82 (beaddie moments)
83
84
85
86
87

57

3.7K 55 1
By septemberoyal

JHO

New season na naman so ibig sabihin may bago na naman kameng roommates. Di ba, nasabe ko naman sa inyo na every year ay nagpapalit palit kame para iwas umay kaya nung isang araw lang kasabay ng pagbalik muli nila ana at mich sa dorm ay ibinigay na ni jia yung mga bago nameng assign na room and roommates. And tulad ng dati ay di kame pinagsama ni beatriz sa iisang kwarto at isa lang naman ang dahilan ng bago nameng kapitana at alam nameng pareho yun ni bea, lalo pa ngayong nalaman na ng girls ang naging "relasyon" namen ilang buwan na ang nakakaraan.

Sa halip ang makakasama ko sa kwarto ang ever hyper at di nawawalan ng energy na si ponggay. At si bea naman ay si kat tolentino, wala akong nakitang violent reaction sa kanya ng pagkakataon yun di tulad dati na para itong bata na nagmamaktol. Siguro kase isa sa mga close friend din nya si kat kaya ganon, magkakabatch nga pala sila,hehehe....Or Siguro....may balak na syang iwasan ako at magandang way nga naman ang isang yun.☹

Ilang linggo na rin ang pag iwas nya sa kin at pansin kong palala ng palala yun everyday na lumilipas. Kung dati ay pasimple pa pero netong mga nakaraang araw ay lantaran na ang paglayo nya at pati na ang buong team ay pansin na nila yun. Tinatanong nila ako kung anyare sa min pero wala akong masagot kase hindi ko talaga alam.

Ang tanging naiisip ko lang na dahilan ay yung pagsisinungaling nya sa kin at yung pagseselos ko dun sa first love nya na nagbakasyon lang dito. Di ba nga may dramahan pa kame non at halos maabutan kame ng team na nagpapalitan ng mga salita. Pero kase........Ilang months na rin yun eh......almost 3 months na nga yata at yung pag iwas naman nya sa kin ay isang buwan pa lang. Kaya nga nagtataka ako.🙄🙄🙄

Kanina pa kameng tapos mag dinner pero nag paiwan ako dito sa sala kase may hinihintay ako......si beatriz, nag dahilan na nga lang ako na may kelangan akong kabisaduhin kaya ako andito (may dala dala nga akong notes eh para makatotohanan 😉😊) kase di ako maka concentrate kase andun sina ponggay, deanna at ria na trip manood ng movie at naiingayan ako dun sa tatlo. Magandang alibi para sa pasimpleng paghihintay kay damulag na hanggang ngayon ay di pa bumabalik ng dorm. Past 9 pm na ng gabe pero ang pasaway ay wala pa!

Napabalikwas ako ng biglang mag ring ang phone ko, nagkanda hulog yung dala dala kong "praps" makuha ko lang yung phone ko. Di ko na muna pinulot yun kase ang importante ay masagot ko yung call, pagkakuha ko ay napasimangot na lang ako ng yung inaasahan kong tumatawag ay hindi pala sya.☹

"Hello...." walang gana kong umpisa.

"Oh, anyare, girl?"

"Wala." ako at tumayo at nagpalakad lakad. "Oh, napatawag ka? May problema?"

"Ako, wala. Ikaw?" balik neto sa kin.

"Hay naku, Marci Juene Bacalla.....Wala akong sa mood na makipagbiruan sayo." mataray kong sabe. Tawa lang ang narinig ko sa kabilang linya kaya lalo akong nainis. "Ibababa ko na to meron akong hinihintay na---"

"Tawag?" si marci na yung nagtuloy. "Di pa rin ba umuuwi ang behbeh mo?"

Magka chat kase kame kanina lang at nasabe ko ngang umuwi sa bahay nila si beatriz at dun na nagdinner. Napabuntong hininga na lang ako at pasandal sa railings ng hagdan. "Hindi pa." ako at napanguso na lang.

Muli tawa ang narinig ko sa kabilang linya. "Labas ka nga." si marci.

Hihindi sana ako kaya lang sinabe nya yung magic word na FOODS kaya ayun napalabas ako ng di oras. Sa di nakakaalam at sa mga nakalimot na, kame ni ate ells pag foods na ang pinag uusapan ay nababago ang mood namen kaya ginamit din ng lokong ito yung magic word na yun. Wais din eh!😏

Madali akong nakalabas di ganong mahigpit yung bagong ate guard na karelyebo nung istrikta saka wala pa naman sa curfew hour eh. Hindi na ako pupunta pa ng parking para makita lang ang damuhong ito kase andun lang naman sa tapat ng lobby yung car ni marci, sa katunayan ay nakatayo na ito sa labas ng maabutan ko. Pagkakita sa kin ay agad nya akong kinawayan kaya dali dali din akong lumapit sa kanya.

"Kala ko ba may pa-foods ka." ako ng makalapit sa lalakeng ito. "Wag mong sabihing pinagtitripan mo lang ako, ay naku Mr. Bacalla ha, ayokong---"

"Eto na po." si marci at inilapit ng husto ang dala nyang naka paper bag sa pagmumukha ko.

"Nukaba?" kunyareng naiinis ako sa kanya kaya nakasimangot ko itong inalis sa pagmumukha ko. Sinamaan ko naman sya ng tingin bago ko binuksan yung paperbag na obviously galing sya sa mcdo.

"Oh, nasan yung coke?" burger and fries lang ang laman ng paperbag pero wala ang coke.

"Hehehe....Sorry naman girl, nauhaw ako habang nabyahe papunta rito kaya nainom ko." isang nagkakamot sa ulong si marci ang nasa harapan ko ngayon, naghintay ako ng sagot sa kanya pero ngiti at tawang alanganin ang ibinigay neto sa kin. Yun bang wala halos nakapikit na sya.....Parang si beatriz lang.....Nawawala ang mata pag sobrang nakangiti at tawang tawa.

Di ko namalayan na nakatulala na lang ako sa kaharapan ko pero hindi sya yung nakikita ko kundi si bea.....Nagulat na lang ako ng maramdaman ko na masakit na ang noo ko.

"Aray! Nukaba?!" ako at napahawak sa noo kong pinitik nya pala.

"Tawagan mo na kase." si marci. "Hindi yung natutulala ka na lang sa kakahintay at pag aalala dyan sa behbeh damulag mo." maarte netong sinabe yung behbeh damulag with matching pa make face.

"Ayaw nya akong sagutin eh." nakanguso kong sumbong. "Nakailang beses na kaya akong nag try pero ring lang ng ring. Mine-ssage ko na rin sya pero no reply."

"Eh di ulitin mo ulit!" si marci. "Wag mong tigilan para makulitan sayo at sagutin na yung call mo." suggestion pa neto.

Ginawa ko naman yun pero ganun pa rin eh, ilang ulit ko pang ginawa hanggang ako na mismo ang sumuko.

Napasandal ako sa kotse nya at nagcrossarm pa. "Baka busy.....Busy sa iba--- ARAY!"

"Huy! Wag ka nga! Magdilang demonyo ka pa dyan eh." magkasalubong ang kilay kong hinarap ang lalakeng yun na kanina lang ay nasapok ko.

"Baka lang naman." nakangusong sabe ni marci habang hinihimas yung ulong nasapok ko. "Malay mo may ibang pinagkakabusy-han ang damulag---ARAY!!!"

"Talagang inulit mo pa eh noh!" ako.

Umusod palayo ng slight si marci dahil kinurot ko naman sya ngayon. Ang kulit kase sabe ng ayokong marinig yung mga ganong dahilan kase ayoko nga at HINDI PWEDE.

"Uwi na ko, mapanakit ka na eh." at umikot na sa kotse nya.

"Salamat sa pa midnight snack mo." ako at nasmile sa kanya.

"CHE!" maarteng sabe neto tas irap.

Natawa na lang ako sa ginawang yun ni marci, alam kong "arte" lang nya yun. Bago tuluyan umalis si marci ay bumeso na naman ito sa kin, nakasanayan na nameng pareho tong gawin. Inihatid ko ng tingin ang papalayong kotse neto hanggang mawala na ito sa paningin ko.

Nasa lobby na ko ng maisipan kong tawagan muli si beatriz baka naman sagutin na nya ako this time pero nakakadismaya lang kase out of coverage na sya ngayon. Napatingin ako sa labas kase parang umuulan, oo nga, umuulan na nga at di lang basta ulan kundi malakas na ulan talaga.Nag aalala talaga ako dun sa isang yun, ba't hanggang ngayon wala pa sya? Ngayon ko lang din napansin na almost 10 pm na pero ang pasaway na babaeng yun ay di pa bumabalik!

"Pano ko malalaman kung uuwi ka or hindi, kung naka off ang phone mong bata ka!" galit kong bulong habang nakatingin sa phone kong sya ang wallpaper ko. "Kainis!"

"May problema po ba miss jho?" ai ate guard na nakuha ang atensyon dahil sa napalakas kong sabe sa huli. Nasa pwesto lang naman sya habang may tinitingnan sa log book ng mga guard.

Nagsmile ako sa kanya. "Hehehe....Wala po to ate....." ako tas nagpeace sign pa sa kanya.

"Di ka pa ba babalik sa loob?" si ate guard. "Malapit ng mag 10."

"Ah....Wait lang po may tatawagan muna ako." then muli kong kinuha ang phone ko tas nag dial ako.

Kung ayaw akong kausapin ng damulag na yun, eh di kina tito ako magtatanong. Kakapalan ko na ang fez ko this time kelangan ko lang malaman kung uuwian pa ba nya ako---ang ibig ko bang sabihin ay kung UUWI PA BA SYA  (hehehe...sorry naman po😅✌) or dun na matutulog sa kanila. Sandali lang ako naghintay at meron agad na sumagot.

*OTP*

"Hello?"

Napakagat labe naman ako. Si tito elmer ang sumagot sa phone ni tita det. "Ay h-hello po, tito." ako na kinakabahan sa boses ng daddy ni beatriz. "uhm....Tito, si jhoana po ito" pakilala ko.

"Oh, bunso kaw pala to." si tito elmer na sumigla ang boses. "Nasa  cr kase si tita mo kaya ako na sumagot."

"Ahh...." ako. "Uh, tito....A-andyan pa po ba---uh, i mean babalik pa po ba si beatriz dito sa dorm? Kase po almost 10 pm na po eh."

"Ha? Bakit wala pa rin ba dyan?!" gulat na balik tanong ni tito elmer. "Pero kanina pa syang umalis dito sa min, halos katatapos lang namen kumain ay nagpaalam na syang babalik dyan, ayaw daw nyang maabutan ng curfew."

Napakunot noo ako at nakaramdam ako ng kaba, kung kanina pa palang umalis sa kanila si bea, bakit hanggang ngayon ay wala pa rin sya rito? Di naman daw ganong traffic ngayon sabe ni mich na
halos kararating lang din dahil may dinner date sya kasama yung gf nya. Hindi naman din ganon kalayo yung house nila bea kaya dapat andito na yung damulag na yun.

"Natawagan mo na ba si cel or si maki, baka andun yung batang yun kase before kame magdinner ay katawagan nya si cel." si tito elmer na parang di naman nag aalala kay beatriz.

"Ay hindi pa po." ako tas napakamot sa ulo. "Sige po, sensya na po sa istorbo. Paki hello na lang po ako kay tita."

"Aysus kang bata ka." si tito elmer tas sandaling natawa. "Di ka kelanman naging istorbo sa min bunso, tandaan mo yan. Part of the family ka nga di ba hija."

"Salamat po tito." nahihiya kong sabe.

"Ah bunso, alam kong may pinagdadaanan kayo ni isabel ngayon....." si tito elmer na biglang sumeryoso. "Pag pasensyahan mo na ang isang yun ha, kahit naman na pilya, bully at isip bata si isabel ay sinisigurado ko sayo na mabuting tao naman ang anak ko......At mahal ka non........"

At mahal ka non.......

At mahal ka non.......

At mahal ka non......

Yan tumatak at paulit ulit na nag eecho sa pandinig ko kahit na nga kanina pa natapos ang paguusap namen ni tito elmer. Bumalik na nga rin pala ako sa loob at ngayon nga ay nasa room na ako, di pa ako nahihiga, nakaupo lang ako ngayon sa bed ko. Tinawagan ko na rin sina maki and cel, ang sabe nila ay inaya nga daw nila talaga si bea kaya lang daw eh tumanggi daw eto.

10:30 pm na sa phone ko pero hanggang ngayon walang paramdam ang pasaway na yun. Napatingin ako sa may bintana nameng nakasara na ng biglang kumidlat at mabilis na dumagundong ang kulog, sa gulat ko ay napahawak ako sa dibdib
anlakas ng pagtibok ng puso ko kasabay non naalala ko na naman  si beatriz. Isang lugar ang pinupuntahan neto dito sa ateneo pag gusto nyang makapagrelease ng ka badtripan.

Tumayo ako at kinuha ko ang hoodie ko bago ako tahimik na lumabas ng kwarto. Madilim na ang labas kase mga nagsipagtulog na sila, dahan dahan kong binuksan ang pinto para tuluyang makalabas ng dorm. Habang nasa hallway ako palabas ay nag iisip na ko ng magandang alibi kay ate guard para payagan akong lumabas ng eliazo at sana pumayag nga si ate guard.(crossfinger)

Pagkarating ko dun ay wala sa mismong pwesto si ate guard, siguro nag cr or nag roving lang sandali pero di ko naman naka salubong eh. Naghintay ako sandali para makapag paalam sa kanya para pag bumalik ako ay di sya magulat na nasa labas ulit ako di ba.

Napapatingin na ako sa labas kase lalong lumalakas ang ulan, di ako mapakale kaya napatayo na ako sa upuan, di ko na mahihintay pa si ate guard, antagal nya po kaya ngayon, kaya nagdesisyon na kong lumabas na lang. May nakita akong payong kaya kinuha ko na rin, ayoko ngang maulanan magkasakit pa ko.

Tuluy tuloy akong naglakad kahit may kalakasan talaga ang ulan eh sumige pa rin ako. Di naman ganong nakakatakot dito kase may mga ilaw ang bawat poste ng kuryente dito sa loob ng campus plus pa yung iilang kotse na nagdaraan pa rin hanggang ngayon.

Basa na ang halos kalahati ng suot kong short dahil medyo humahangin pa. Nakarating din ako sa lugar na unang sumagi sa isipan ko kanina lang, sa moro. Pagdating ko dito ay lalong lumakas ang ulan na parang nagagalit pa sa pagbagsak eh.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, nabuhayan ako ng makita ang kilalang kilala kong puting kotse na nakaparada lang ilang dipa lang ang layo mula rito sa kinatatayuan ko. Di ako nag aksaya ng panahon at nilapitan ko agad yun, sinubukan kong buksan yun pero nakalock, sinubukan ko rin katukin ang salamin ng pinto neto ng ilang ulit kasabay pagtawag ng name nya pero walang sumasagot, ni magbukas ng pinto neto, pilit ko pa ngang inaaninag sa loob kung andun sya at nakatulog lang. Nadismaya lang ako kase wala talaga yung hinahanap ko.Siguro nga wala rito sa loob ng kotse nya si beatriz.Laglag ang balikat akong umalis sa lugar na yun.

Napahalukipkip ako ng humangin muli. "Di ako babalik ng dorm hanggat di kita natatagpuan kang bata ka." determinado kong sabe.

Naglakad lakad pa ko, nagbabakasakali akong nasa waiting shed lang sya at nagpapalipas ng lakas ng ulan. Alam ko kaseng di nagdadala ng payong yun eh, tanging panangga nya sa kin pag pinagsasabihan ko sya na magdala sya ng payong ay meron naman daw syang kotse kaya di na kelangan pa. Oh di ba, ganda ng katwiran ng pasaway na yun.Tsk!

Halos yakapin ko na ang dala kong payong dahil nadadala ng hangin ang hawak hawak kong payong. Sa paglalakad ko sa mismong running field ay napahinto ako ng may naaninagan akong parang may tumatakbo sa malayo paikot kung san ako nakatayo ngayon. May kabilisan ang pagtakbo nya, di alintana ang lakas ng buhos ng ulan at ihip ng hangin.

Dinunggol ako ng kaba dahil kahit medyo may kalabuan sa paningin ko ang taong nagmamarathon ngayon dito sa moro dahil sa lakas ng ulan ay alam na alam ko kung sino yung walang pakelam sa weather ngayon. Kahit may kalayuan pa sya ngayon sa kinatatayuan ko ay kilalang kilala ko na sya, ang built ng katawan neto at kung pano sya tumakbo---si beatriz!

Nakahinga na ako ng maluwag ngayon kase nakita ko na rin yung taong kanina ko pang hinahanap at hinihintay ay andito lang pala at trip ang tumakbo ngayong gabe at umuulan pa. Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko dito sa gilid lang ng field habang hinihintay na makalapit sya sa kin......

Eto na......Malapit na sya sa kin.....Onte na lang.....

















Huh!?

Nilagpasan lang nya ako!?😧😦

"Di nya ako nakita?!....or nakita nya ako pero mas pinili nyang iwasan ako? ganon?!" tanong ko kay self.

Sinundan ko na lang ang nakalayo ng si beatriz. Mabilis ang takbo nya na para bang sinasabayan lang nya ang malakas na pagbuhos ng ulan. Siguro kanina pa syang natakbo dito, di man lang umuwi sa dorm or nagpasabe man lang na andirito sya or sinagot man lang nya ang mga tawag at text ko sa kanya.

( Iniiwasan ka nga di ba, ba't nya gagawin yun? duh! )

Nag aalala kase ako sa kanya. Kahit pa na di kame in good terms netong damulag na to ay di ko maiwasan na isipin sya lalo pa at ganto ang panahon tas malalim na ang gabe at di pa sya nauwi.

Muli akong naghintay dito tutal nag isa pang ikot si bea, hihintayin ko syang makalapit bago ako magpakita sa kanya. Yan ay kung di nya talaga ako napansin kanina.

Ayan na naman sya.......Palapit na ng palapit muli.....

Para walang takas ay sisiguraduhin ko ng makikita nya ako this time, ng malapit na syang talaga ay humarang na ko sa tinatakbuhan nya. Nakita ko kung pano parang nagulat ang itsura ni beatriz ng bigla akong sumulpot at ngayon ay nakaharang na sa tinatakbuhan nya.

Huminto sya.....Isang dipa lang ang layo namen ngayon sa isat isa......Nakatingin lang sya sa kin kaya ganon din ang ginawa ko, nakipagtitigan ako sa kanya.

Pansin ko ang suot nya, yung shirt na binili ko dati sa kanya na meron din ako.

( Ahh....Yung kupal shirt nyo-----couple shirt pala......😂✌ )

Suot nya pa rin ang short na suot suot nya ng umalis sya kanina, rubbershoes at nakapony tail.....nakahapit na nya ang suot nyang shirt sa katawan nya dahil basang basa na sya. Kita ko ang panginginig ng labe nya at para bang namumutla na. Kanina pa ito natakbo dito, sigurado ako.

"Tara na, uwi na tayo." pauna kong sabe.

Wala akong nakuhang sagot sa kanya. Nakatingin lang sya sa kin, napabuntong hininga ako. Pano ko ba papauwiin ang isang ito? Nag iisip pa ako ng way para mapauwi ko ang batang ito ng maglakad bigla ito palapit sa kin, ang aking kaba ay dumoble. Parang slo-mo ang lahat sa paningin ko, ang paglakad nya palapit sa kin pati ang pagbuhos ng ulan. Parang nag mute ang paligid dahil wala akong naririnig na pagbagsak ng ulan kundi ang lakas ng tibok ng puso ko.

Habang lumalapit sya sa kinatatayuan ko ay nakatitig lang sya sa kin, di ko rin naman maalis ang tingin ko sa kanya.....

Ayan na......Isang hakbang na lang......

"Una ka na." si bea na huminto sa gilid ko. "May ilang laps pa akong tatakbuhin....."







































AN:

1st Update.....😁😁😁

Continue Reading

You'll Also Like

1M 54.4K 35
It's the 2nd season of " My Heaven's Flower " The most thrilling love triangle story in which Mohammad Abdullah ( Jeon Junghoon's ) daughter Mishel...
417K 17K 61
โ•ฐโ”ˆโžค *โ‹†โ ๐ข'๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ก๐ž๐ซ ๐ง๐จ๐ญ ๐ฅ๐จ๐ฌ๐ž ๐ฆ๐ฒ ๐œ๐จ๐Ÿ๐Ÿ๐ž๐ž ๐ญ๐š๐›๐ฅ๐ž ๐š๐ฌ ๐š ๐ซ๐ž๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐ง๐  ๐จ๐Ÿ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐š๐ญ ๐ญ๐ข๐ฆ๐ž-๐›...
307K 6.8K 35
"That better not be a sticky fingers poster." "And if it is ." "I think I'm the luckiest bloke at Hartley." Heartbreak High season 1-2 Spider x oc
239K 5.9K 52
โŽฏโŽฏโŽฏโŽฏโŽฏโŽฏโŽฏ เชœโ€โžด ๐…๐„๐„๐‹๐’ ๐‹๐ˆ๐Š๐„ .แŸ โ› & i need you sometimes, we'll be alright. โœ IN WHICH; kate martin's crush on the basketball photographer is...