The Billionaire's Secretary

Od CussMeNot

11.2M 205K 17.7K

The Billionaire Series 1: King Tyron Sandoval (Self-published under Immac Publishing) Simple lang ang hangad... Více

The Billionaire's Secretary
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Note
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 49
Kabanata 50
Huling Kabanata
Special Chapter
The Billionaire's Sexy Whore
Unspoken Truth
King Hyron
Note
Announcement!
SELF PUBLISHED under Immac Publishing Services
BOOK ANNOUNCEMENT
TBS book Reprint!
The Mafia Boss Love Interest Published under Immac PPH

Kabanata 48

149K 2.8K 214
Od CussMeNot

Kabanata 48

"Birthday ng anak ni Mang Lano. Gusto mo bang pumunta tayo sa kanila?"

Sandaling huminto ako sa paghuhugas ng kamay nang marinig ko ang sinabi ni King Tyron. Tumango ako sa kaniya habang nagtutuyo ng kamay gamit ang maliit na towel.

"Oo naman. Anong oras ba tayo pupunta doon?" nilingon ko siya at nginitian.

Ngayon pala ang Birthday ni Sam Joy. Ang makulit na bata na anak ni Mang Lano. Naalala ko na naman siya. Noong isang buwan ko pa siya huling nakita. Hindi na kasi siya nakakapunta dito dahil tapos na ang bakasyon nila at nagsimula na ang kanilang klase. Dati ay lagi siyang pumupunta dito para kwentuhan ako ng kung ano ano. Nakakatuwa siya kaya naman lagi akong nalilibang tuwing nandito siya.

Lumapit sa akin si King Tyron at hinawakan niya ang aking kamay.

"Kaya mo bang maglakad?" tila nagdadalawang isip na tanong niya sa akin.

Tumango ako at ngumiti sa kaniya. "Oo naman, kaya ko. Malapit lang naman ang bahay nila tsaka mas maganda sa buntis ang naglalakad lakad."

“Para maging mas mabilis at madali ang pag anak ko.”

Tatlong buwan na mula noong pahiramin niya ako ng cellphone, at iyon ang una’t huling paghawak ko noon. Mabilis na lumipas ang panahon. Malapit na akong manganak.

Pinagmasdan niya ang tyan ko. Maya maya ay huminga siya nang malalim. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat.

"Sure ka ba?" paninigurado niya.
Natatawang umirap ako sa kaniya.

"Oo naman. Kayang kaya kong lumakad no. Kahit mabigat ang dala dala ko ay kayang kaya ko ‘yan. Tsaka konting minuto lang naman ang lakarin." sabi ko.

Tinapik ko ang kaniyang balikat. Masyado siyang Oa. Maglalakad lang naman, akala mo naman ay manganganak agad ako dahil lang sa paglalakad.

"So, anong oras nga tayo pupunta sa kanila?" muli kong tanong sa kaniya.

"Alas-kwatro ng hapon tayo pupunta sa kanila. Mamayang hapunan daw kasi gaganapin."

Tumango ako sa kaniya. "Ayos lang naman pero huwag tayong magpapaabot ng gabi ah? Madilim kasi sa daan." nakangusong paalala ko sa kaniya.

Hinawakan niya ang aking mukha habang nakangiti. "Oo naman. Hindi tayo magpapaabot ng gabi."

"Delikado sa daan." sambit ko.

Malapit lang naman ang bahay nila Mang Lano. Nasa may parte ito ng aplaya. Sa may dinadaungan ng mga bangka na pangisda. Doon kalimitang nakatira ang mga residente sa isla. Medyo malapit lang naman ito sa bahay namin. Ang problema nga lang ay nakakatakot magpagabi sa daan.

Madilim kasi dahil puros punuan ang dadaanan namin papaunta doon. May short cut namang daanan sa dalampasigan pero hindi naman kami makakadaan dahil madulas doon. Medyo batuhan din ang dadaanan. Delikado para sa amin, lalong lalo na sa buntis na tulad ko. Baka mapasala ako ng tapak at madulas ako.

"Bago mag-ala sais ay aalis na tayo doon. Magdadala narin ako ng flashlight para may ilaw tayo sa daan." ani niya.

Nakangiti akong napanguso sa kaniya. Dapat talagang magdala ng linte para may ilaw kami mamaya.

"Huwag kang masyadong mag-iinom ah? Baka kasi patagayin ka nila Mang Lano. Mahirap mag uwi ng lasing lalo na at buntis ako." tinaasan ko siya ng kilay matapos kong sabihin sa kaniya iyon.

Nag-aalala kasi ako. Alam kong may posiblidad na patatagayin siya mamaya. Kailangan ko na siyang paalalahanan hanggat maaga pa. Baka kasi mapadami ang inom niya. Ayokong mag-akay ng lasing pauwi no.

Umiling siya habang tumatawa. "Hindi ako maglalasing. Sapat na ang dalawang tagay."

Dahan dahan akong tumango sa kaniya. "Sige na sige na. Siguraduhin mo lang ah. May pingot ka sa akin sa ilong pag-naglasing ka ng sobra."

Tumatawang tinalikuran ko siya upang kumuha ng tubig sa ref. Nang maisara ko ang pinto ng ref ay  naramdaman ko ang unting unting pagpulupot ng mga braso niya sa aking bewang. Kasunod noon ay naramdaman ko ang mainit na hininga ni King Tyron na dumadampi sa aking leeg.

Natigil ako sa pag-inom nang dinampian niya ako ng halik sa aking leeg. Ilang beses niyang ginawa ‘yun at hindi ko naman siya pinigilan.

Ibinaba niya ng konti ang manggas ng aking bistida. Maluwag ang manggas nito kaya naging madali sa kaniya ang ilihis ito. Alam kong sunod niyang hahalikan ang balikat ko.

Naramdaman ko ang init ng hininga niya dito. Ipinikit ko ang mga mata ko habang inihintay ang kaniyang halik. Nang dumampi ito sa aking balikat ay kasabay ding sumipa ng malakas ang anak ko sa tyan. Natigil ang ginagawa niya nang dumaing ako nang malakas.
Nasasaktang hinawakan ko ang tyan ko. Napamura ako sa sakit.

Natatarantang pumunta si King Tyron sa aking harapan. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.

"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya.

Hindi ko siya pinansin at pinakiramdaman ko ang aking tyan. Ramdam ko ang malikot na pag-galaw ng anak ko sa loob. Napapikit ako at kagat labing ininda ko ang sakit.

Hindi naman ganitong kasakit ang nararamdaman ko tuwing sumisipa siya pero bakit ngayon ay parang triple ang lakas ng pagkakasipa niya. Grabe naman! Gusto pa yatang maging football player ng anak ko.
Nakangiwing hinimas ko ang tyan ko habang hinawakan naman ni King Tyron ang aking pisngi.

"Anong masakit sa'yo? Teka manganganak ka na ba?" tanong niya. Bigla siyang nataranta.

Umiling ako habang iniinda ang sakit. Sumipa kasi ulit ang baby ko sa tiyan. Ang hyper naman ng anak ko. Trip na trip akong sipain.

"Anak ng tokwa! Baby naman huwag kang manipa. Masakit eh. Grabe ang lakas mong manadyak. Daig mo pa ang soccer player eh." dumadaing na wika ko habang hinihimas ang tyan ko.

Nang matapos kong sabihin iyon ay awtomatikong tumigil sa paggalaw ang malikot na baby na nasa tyan ko. Napahinga ako nang malalim.

"Very good anak. Tsaka ka na manipa pag-nakalabas kana pero huwag ka munang lalabas ah? May isang buwan ka pang hihintayin." pagkakausap ko sa baby ko.

Napahawak ako sa noo ko habang tumutunghay. Nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Tyron.

"Okay ka na ba?" nag-aalala na tanong niya.

Napatawa ako habang hinihimas ang tiyan kong sobrang laki. Grabe naman kung sumipa ng baby ko. Alive na alive ah. Pwedeng pwede siyang maging future football player.

"Sobrang lakas na niyang manipa." sabi ko at pagkatapos ay napanguso ako.

Tumingin si Tyron sa mga mata ko at nasalubong ko ang kaniyang tingin. May konting ngiti na nakapaskil sa kaniyang mukha.

"Masakit ba?" tanong niya.

Hindi ko napigilan na mapahalakhak ako ng todo. "Sobra. Feeling ko nga eh tatlo ‘yung sumipa sa akin. Sobrang lakas kasi."

"Okay ka na ba?" tanong niya.

Parang batang tinanguan ko s’ya. "Oo naman. Hindi na masakit."

Nakita ko kung paano sumilay ang ngiti niya. Nawala ang pag aalala sa kaniya. "Mabuti naman kung ganon."

Mabilis niya akong hinalikan sa labi kasunod noon ay naramdaman ko ulit ang malakas na pagsipa ng baby ko.
Napadaing ako at pagkatapos ay nakangiwing napatawa ako nang malakas. Naguguluhan namang napatingin sa akin si Tyron.

"Bakit?"

"Sumipa na naman siya. Alam ko na ang dahilan kung bakit siya naninipa." tumatawa na sabi ko.

Tumingin muna siya sa tiyan ko at pagkatapos ay tiningnan niya ako.

"Ano iyon?" may kuryosidad na tanong niya sa akin.

"Ayaw niyang hinahalikan mo ko! Nagseselos yata!" sabi ko.

Matapos kong sabihin iyon ay humagalpak kami ng tawa.
Excited na tumakbo si Sam Joy papunta sa akin. Niyakap niya ang mga hita ko pagkatapos ay hinimas niya ang tyan ko at hinalikan.

Napangiti ako sa ginawa niya kaya marahan kong ginulo ang kaniyang itim na itim buhok. Bumitaw si Sam Joy sa pagkakayakap niya sa akin at tumingala siya upang tingnan ako.
Naramdam kong hinawakan ni King Tyron ang kamay ko. Hindi ko siya pinansin dahil nanatiling nakatuon sa bata ang atensyon ko.

"Mabuti naman po at nakapunta po kayo sa birthday ko, Tita Hera. Masaya po ako!" masiglang sabi niya. Akala ko ay tapos na siyang magsalita pero may kasunod pa pala siyang sasabihin.

"Tita Hera, miss na miss na po kita. Di na po ako makapunta sa inyo kasi po lagi akong may school. Tuwing sabado at linggo naman po ay lagi akong nag gagawa ng mga takdang aralin. Tita Hera, madami na po akong friends." nakita ko siyang nag-isip tapos nagbilang siya gamit ang mga daliri niya.

Pinagmamasdan ko lang siya at pinapakinggan habang nagsasalita siya. Ang bibo niya talaga!

"Sampo na po yung kaibigan ko. Mababait po sila Tita Hera. Binibigyan po nila ako ng mga candy tapos sabay sabay po kaming kumakain tuwing recess." pagkukwento niya habang tumatalon.
Ang sigla sigla niya.
Napagka-masayahin niyang bata. Nakakatuwa siyang titigan.

Pinisil ko ang kaniyang pisngi. "Naku, ang cute mo talaga." nanggigigil na anas ko.

Ngumuso siya at umiling. "Hindi po ako cute. Maganda po ako."

Napahagalpak ako nang tawa at ganon din si King Tyron. Magaling na bata. Alam na alam na ang kalakaran ng mga magaganda. Ganyan din ako. Gandang ganda sa sarili.

Ilang minuto pa kaming nag-usap ng bata. Puros tawanan at kulitan ang nangyari sa amin. Ganito kami lagi tuwing nagkikita kami. Hindi kami nauubusan ng pagkukwentuhan.

Natigil lang ang pag-uusap namin nang biglang sumulpot si Mang Lano at si Aling Ising. Nakangiti sila sa amin kaya naman sinuklian ko ang ngiti na ibinibigay nila. Sila ang mga magulang ni Sam Joy.

"Nandito na pala kayo. Hali kayo at pumasok kayo sa loob ng bahay namin para kumain." magiliw na pagyayakag ni Mang Lano.

Malawak kaming ngumiti sa kanila at pinaunlakan ang kanilang alok.

"Sige po." sabi ko habang lumalapit ako sa kaniya. Niyakap ko siya saglit at nginitian.

"Salamat nga pala sa pag punta ah." nakangiting pagpapasalamat ni Aling Ising.

"Naku, Aling Ising, syempre pupunta ako dito. Hinding hindi ko papalampasin ang birthday ni Bulinggit. Tsaka hindi po ako natanggi sa handaan." magiliw na wika ko habang hinihimas ang tyan kong malaki.

Narinig ko ang malakas na tawanan nila. Nahihiyang napanguso tuloy ako. Mali pala ‘yung nasabi ko. Para ko na tuloy inamin sa kanila na matakaw ako.

"Natatandaan ko nga dati noong mga panahong hindi pa malaki ang tyan mo. Nakakagala ka pa dito. Dito ka nakain ng hapunan kasi gustong gusto mo ang luto kong okoy." masayang kwento ni Aling Ising.

Nang marinig ko ang sinabi niya ay napalunok ako. Okoy? Paborito ko ang pagkain na iyon. Nakaramdam ako ng paglalaway. "Miss ko na po ang luto niyo. Sa susunod pong punta ko dito ay ipagluto niyo po akong okoy. Miss ko na po iyon eh." napanguso ako.

"Huwag kang ma-alala. Nagluto ako ng okoy. Alam ko kasi na pupunta kayo dito." nagningning ang mga mata ko sa tuwa nag marinig ko ang sinabi ni Aling Ising.

"Talaga po?" masayang anas ko.

"Oo naman." sabay na sabi ng mag-asawa.

Sumunod kami sa pagpasok sa kanilang bahay. Napansin kong kakaunti ang bisita nila sa loob at nang itinanong ko kung nasaan ang iba ay ininguso nila ang likuran ng bahay.

Nasa likod ng bahay ang ibang bisita. Siguro ay doon sila nag-iinom at nagkukwentuhan.

Katamtaman lang kasi ang laki ng bahay nila Mang Lano. Siguro ay mga sampung katao lang ang kasya. Mas pinili nilang sa likod bahay maghain ng handa kasi mas maluwag ang espasyo doon.

Nang makapunta kami sa salas ay ipinaupo agad ako ni King Tyron sa upuan. Siya na daw kasi ang kukuha ng makakain ko. Ayaw niya daw na nahihirapan pa ako.

Dahil tamad naman ako ay pumayag na lang ako sa gusto niya. Habang naghihintay ay nakikipag-daldalan ako kay Sam Joy. Tuwang tuwa ako sa kaniya dahil hindi talaga siya nauubusan ng kwento.

"Ilang taon ka na nga pala?" tanong ko sa kaniya.

Ipinakita niya ang daliri niya at nagbilang siya hanggang anim. Sumilay ang ngiti sa aking labi ng makita ko ang ginawa niya.

"Anim na po." tumili siya habang sinasabi iyon.

Napahagalpak tuloy ako nang tawa sa kaniya. Ang hyper niya. Kung babae man ang magiging anak ko, sana naman ay katulad niya. Bibo at masayahing bata.

"Happy Birthday pala, ha. Mamaya ko na ibibigay yung gift namin sa'yo. Mamaya pagbalik ni Tito Tyron mo." tumango siya at nagpasalamat.

Umupo sa tabi ko si Sam Joy tapos tinitigan niya ako ng sobrang tagal. Humalumbaba pa siya habang tinitingnan ako. Tahimik lang siya habang pinagmamasdan niya ang aking mukha. Maya maya pagkatapos niya akong pagmasdan ay nagtanong siya sa akin.

"Tita Hera, Ano pong epilyido mo?" inosenteng tanong niya.

Nginitian ko siya nang malawak. Kahit na naguguluhan ako kung bakit niya tinanong iyon ay sinagot ko pa rin siya.

"Buencamino. Hera Buencamino ang buo kong pangalan. Bakit mo nga pala naitanong?" may kuryosidad na tanong ko.

Sa ilang buwan kasi naming magkilala ay hindi naman siya nagtatanong o naku-curious sa mga pribadong impormasyon tungkol sa akin.

Inilagay niya ang kaniyang hintuturo sa kaniyang noo na tila nag-iisip, tapos ay lumabi siya.

"Mahaba pong kwento pero dahil po madaldal ako ay ikukuwento ko po sa iyo ang puno at dulo ng lahat." may kalaliman na sagot niya.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maguguluhan sa sinabi niya. Pero hindi ko maipagkakaila na natutuwa ako sa kaniya. Kahit talaga anim na taong gulang pa lang siya ay matalas na ang isip niya. Para siyang matanda kung mag-isip at magsalita. Matalino nga talaga siya.

"Sige nga. Gusto kong malaman kung bakit?"

"Bumili po kasi kami ng mga kaibigan ko sa tindahan doon sa may tapat ng school, tapos nakita ko po iyong tv kaya nanood po ako saglit. Wala po kasi kaming tv kaya nawili ako sa panonood. Matagal pong magbenta yung nagtitinda kaya iginigol ko na lang sa panonood sa tv ang pagkainip ko." huminga muna siya nang malalim bago niya itinuloy ang kwento.

"At nang matapos po ang palabas ay may ipinakita silang picture. Nagulat pa nga po ako kasi kamukhang kamukha niyo po ‘yung nasa larawan. Napatili pa nga po ako nang makita kong Hera din po yung pangalan noong babae. Di ko po natandaan yung epilyido kasi po ang hirap basahin pero noong sinabi niyo po yung epilyido mo katulad din po noong nasa tv. Tita Hera, bakit ka po nasa Tv? Artista ka po ba?" inosenteng tanong niya.

Nawala ang ngiti ko nang makinig ko ang sinabi niya. Unting unting nagsalubong ang aking mga kilay habang nagtataka ko siyang tiningnan.

"Nakita mo ako sa tv?" nagtatakang tanong ko.

Sunod sunod na tango ang ginawa niya. "Opo. Opo. Artista ka po ba, Tita?"

"H-hindi." naguguluhang sagot ko. Saglit akong napatulala habang iniisip ang sinabi niya.

Bakit naman ako ipinapalabas sa tv? Nalilitong tanong ko sa isip ko.

"Pero bakit po nasa tv kayo?" pag-uulit na tanong ni Sam Joy.

Dahan dahan akong umiling sa kaniya. Bakit nga ba? Hindi ko rin alam ang dahilan eh.

"Hindi ko din alam." naguguluhan na sagot ko sa kaniya.

Napatulala ako dahil sa pag-iisip. Naguguluhan at nagtataka ako sa sinabi sa akin ni Sam Joy. Bakit ako nasa tv? Hindi ako artista. Nag isip ako ng maaaring dahilan kung bakit ako ipinalabas sa tv.

Pero ilang minuto na akong nag isip ay wala parin akong malamang dahilan kung bakit.

Ang pagkakaalam ko ay wala naman akong sinalihan na promo sa tv. Ni-hindi rin naman ako gumawa ng krimen. Hindi rin ako adik at imposibleng matokhang ako. Hindi ako wanted. At lalong lalo nang hindi ako missing dahil hindi naman ako nawawala dahil may nakakaalam na umalis ako at nagpakalayo layo. Alam ni Mich na nagbabakasyon ako.

Hindi ko talaga maisip ang dahilan kung bakit ako nasa tv. Pero totoo ba yung sinasabi niya? Baka naman niloloko lang ako ng bata na ito. Pero napaisip ako. Bata pa siya at alam kong hindi nag sisinungaling ang mga bata. Lalo na kung nasa edad na anim na taong gulang pa lang.

Hanggang sa makauwi kami sa bahay namin ay iyon lang ang nasa isip ko. Hindi kami nagtagal sa bahay nila Aling Ising. Matapos naming kumain ay ibinigay na agad ni King Tyron ang regalo. Ilang minuto lang kaming nagpahinga at umuwi narin kami. Napansin kasi ni Tyron na wala ako sa sarili. Nagtataka nga si King Tyron kung bakit sobrang tahimik ko. Siguro ay inakala niya na masama ang pakiramdam ko.

Oras na nang pagtulog pero heto parin ako, gising at nag iisip pa rin.

"Bakit nga ba?" may kuryosidad na tanong ko sa aking sarili.

Nagtataka talaga ako kung bakit nasa tv ako. Gusto kong malaman kung bakit. Gusto kong manood ng tv pero wala naman kaming tv dito. Gusto ko sanang makinood sa iba pero naalala kong wala nga pa lang tv ang mga nakatira dito. Wala kasing kuryente sa isla na ito. Tanging bahay lang ni King Tyron ang may kuryente dahil nagamit kami ng solar panel at generator.

Kung may paraan lang sana. Hindi naman ako pwedeng sumama sa school ni Sam Joy kasi nasa kabilang isla iyon. Sa kabilang isla kasi sila nag-aaral. Nanlulumo na napahugot ako nang malalim na pag-hinga.

Yung ibang tao mas malaki pa ang pinoproblema sa akin. Problemang pinansyal at sa pamilya pero heto ako at tv ang pinoproblema. Sobrang babaw kasi pero para sa akin ay importante. Napahugot ako ng sobrang lalim na hininga. Gusto ko talagang malaman kung bakit ako ipinalabas sa tv.

"Hay nako! Tv lang pero wagas kung problemahin ko!" inis na sabi ko.
Nasabunutan ko ang buhok ko. Nakaka-istress ang pag iisip.

"Ano ba ‘yan! Bakit ba sobra sobra ang pagka-curious ko sa bagay na iyon."
Para bang may humihikayat sa akin na alamin ang tungkol sa bagay na iyon.

Gusto kong makapunta sa kabilang isla. Nanlulumo na napalabi ako. Hindi naman ako makakapunta doon dahil hindi ako papayagan ni King Tyron. Hindi niya ako papayagan lalong lalo na kung wala naman akong importanteng gagawin doon. Kung meron lang sana akong magandang idadahilan para lang makapunta ako.
Napahimas ako sa aking tyan dahil naramdaman kong sumipa na naman ang baby ko.

"Kung may maidadahilan lang sana ako edi easy na. Malalaman ko na kung bakit ako naging instant artista sa tv. Sikat na pala ako pero ngayon ko lang nalaman. Ang saklap naman ng life diba baby---" namilog ang aking mga mata at bigla akong natigilan.

"Baby. Tama! Checkup! Kailangan nating magpa-check up" impit na tumili ako sa naisip.

Kailangan kong magpa-check up at magpa-ultra sound.

Bumangon ako sa pagkakahiga sa kama. Nagmamadali pero may pag-iingat na pumunta ako sa kwarto ni King Tyron. Hindi na ako kumatok pa. Binuksan ko na lang basta ang pinto ng kwarto niya. Nakita ko siyang nakaupo sa kama habang nag titipa sa kaniyang laptop.

Siguradong nagbibigay siya ng instruction sa mga empleyado niyang namamahala ngayon sa mga kompanya niya. Minsan kasi ay nakikita ko siyang may ka-face time. Siguradong mga business partners, empleyado at cliente niya ang kausap niya.

Napanguso ako habang nalapit sa kaniya. Bakit pa kasi ayaw niya pang umuwi sa Maynila para hindi na siya mahirapan pa.

Hinintay ko siya na matapos makipag-usap. Nang isara niya ang laptop niya ay agad akong tumabi sa kaniya. Malawak ko siyang nginitian na siyang ginantihan niya din pabalik.
Bumuntong hininga muna ako.

"Tyron, gusto ko sanang mag-pa check up sa doctor. Pwede ba tayong pumunta sa kabilang isla para makapag-pacheck up ako sa ospital?" pinagmamasdan ko siya habang nagsasalita.

Nakita ko kung paano nawala ang ngiti na nakapaskil sa kaniyang mukha.

"Hindi pwede." tipid na sabi niya at pagkatapos noon ay tumayo siya.
Napasinghap ako nang hindi siya pumayag.

Nakaramdam na naman ako ng inis kaya naman inirapan ko siya. Hindi pa ako nakuntento at pinaningkitan ko pa siya ng mata.

"Tse! Ayan ka na naman! Ayaw mo na naman akong payagan! Tyron naman! Hindi pa ako nakakapag patingin sa doctor mula noong magbuntis ako! Bakit ka ba ganyan ha? Bakit ba lagi mong pinipigilan ang kagustuhan kong malaman ang kalagayan ng anak natin? Ano bang ikinatatakot mo?" pagrereklamo ko.

“Bakit pakiramdam ko ay marami kang tinatago sa akin?”

Hindi naman siya umimik at nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Mas lalo tuloy akong naasar sa kaniya.

"Tyron naman eh! Magpapa-check up lang naman ako kasi gusto kong malaman kung babae ba o lalaki ang magiging anak natin. Gusto ko ding malaman kung malusog b siya o hindi. May masama ba doon?" naniningkit ang mga mata na matigas kong sabi sa kaniya.

"Gusto ko lang malaman ang kalagayan ng anak ko. Masama ba iyon?" mahina kong inulit ang sinabi ko kanina.

Wala ba siyang pakialam sa anak namin? Nalungkot ako sa naisip.

Nawala ang inis sa aking mukha at napalitan iyon ng lungkot. Tumalikod ako at naglakad papunta sa pinto. Bubuksan ko na sana ito nang bigla akong natigilan. Tinawag ako ni King Tyron. Bago siya muling magsalita ay humugot muna siya nang malalim na pagbuntong hininga.

"Sige. Kung iyan ang gusto mo. Bukas na bukas din ay pupunta tayo sa kabilang isla." hindi nakaligtas sa akin ang takot at pangamba sa boses niya.

CussMeNot

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

2.2M 144K 50
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
7.2M 114K 89
Zig's new plan for Jessielie.
3.5K 139 12
Chasing Series #3 Ellaine Nicole Andrade The SSG president of Ferrer international School, best friend of lance Benedict Volibar, Ellaine has been...