Best thing i (N)EVER had

By septemberoyal

445K 6.5K 1.1K

Try ko lang....... Pwede ba? Hehehehe...... Kinain na talaga ako ng sistema! JB kase eh! Kahit may pinagdadaa... More

PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12 (HUWAG KA NG UMIYAK )
13
14 (AKAP)
15
16
17
18 ( UNKNOWN FEELINGS)
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33(Ambon)
34
35
36
37
38
39
40
41(Moving Closer)
42
43
44
45
46
47
48
49
50(HEARTBEAT)
51
52
53
54
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
Not an update
75 (Sa bingit ng isang paalam)
76( Bibitawan ka )
77
78
79
80 (Hindi tayo pwede)
81(The hardest thing)
82 (beaddie moments)
83
84
85
86
87

55

4.5K 91 44
By septemberoyal


JHO


".......Umamin ka nga sa kin, beatriz. Ilang beses ka bang nagsinungaling sa kin para sa EX mo?" tanong ko.


"Ex?" ulit ni bea pagkatapos ay napakunot noo ito sa kin. "Wait lang. Its not what you think, jho. Hindi naging kame, okay? MU lang kame dati at hanggang dun lang ang naging relasyon namen. P-pano mo---"

"Pano ko nalaman?" alam ko na ang umiikot na tanong sa ulo netong pasaway na to. "Kay maki, actually, pinilit ko lang ang kaibigan mo, alam ko namang di mo sasabihin sa kin ang totoo kaya no choice ako. And please lang wag mong pagalitan si maki kase ako naman ang namilit sa kanya. So, anuna?"


Napabuntong hininga ito. "Busy kase----"

"BUSY?" putol ko sa kanya at sarcastic na tumawa. "HUWAW! Busy talaga eh noh." tas napa iling na lang habang natawa pa rin. "Sa diname dame ng friends nyo, Ikaw pa talaga ha. Ikaw pa talaga na student-athlete ang favorite nyang puntahan para magpasama sayo."

"Always kaseng may mga ginagawa sina maki and cel. Pati rin yung iba nameng friends kaya---" si bea.

"Kaya ikaw na lang?" ako at napameywang na, pinakalma ko ang sarili dahil naiinis na ako sa pinagsasagot ng damulag na to. "Ayokong isipin mo na pinagdadamot kita dyan sa.....dyan sa....." bakit nahihirapan akong sabihin ang name ng babaeng yun. Hmp! "......babaeng yun. Pero kase para namang IKAW lang yung taong pwede nyang haltakin kung gusto nyang gumala." biglang may pumasok sa isipan ko. "Bakit di mo na lang sabihin sa kin na nagde date kayo."

"OF COURSE NOT!" mabilis na sagot ni bea. "Walang date na nangyayare sa min ni janna, okay?" napataas ang tono ng boses neto. "Sinasamahan ko lang talaga sya."

"Okay, sige." ako na tumaas din ang boses ko,pinapantayan ko lang ang taas ng boses ng pasaway na to. "Wala ba nyang mga kamag anak dito para dun sya magpasama at hindi ikaw yung iniistorbo nya."

Tumingin sa kin si bea. "Meron naman kaya lang.....nasa province silang lahat, wala dito sa manila." bumaba ulit ang tono ng boses neto.

Halos sabunutan ko na ang sarili ko sa sagot na yun ni beatriz. Talaga naman noh, ka galeng naman talaga! At kung sinuswerte nga naman ang damulag kase always may magandang alibi na sinasagot sa kin.

"Jho....." tumayo si bea at akmang lalapitan ako pero sumenyas na wag kaya huminto ito. "Yung mga labas labas namen ni janna, wala lang yun. Sinasamahan ko lang talaga sya,yun lang yun. Please maniwala ka." si bea na nasa tono ng boses ang nakikiusap.

"Ang dame mo namang time for her no?" sarcastic pa rin po yun. "Nagagawan mo naman pala ng paraan pag gugustuhin mo Nakakapag adjust ka talaga sa kanya ng oras at panahon pero yung sa ting dalawa......" umiling ako at mapait na ngumiti sa kanya. "Hindi ko alam pero feeling ko parang nababagot ka na......Nagsasawa ka na. Andame mong excuses na ngayon, andame mo na ring alibi pag magkasama tayo. Kesyo pinapauwi ka sa inyo, papaayos mo ang kotse mo at kung anu ano pa. Diretso mo na nga lang ako----"

"Kelanman di ako mababagot at nagsasawa sayo." putol ko sa kanya. "Masaya ako sa kung anuman meron sa ting dalawa."

"Pero kuntento ka ba?" mabilis kong tanong sa kanya, di sya umimik pero nanatiling nakatingin lang sa kin. "Kase feeling ko .....Hindi." naninikip ang dibdib ko. "Okay. Para klaro sayo, nagseselos ako. Nate-threaten ako ngayon, kase bumalik yung kauna unahang babae na nagturo sayo kung pano magmahal. Kaya nga di ko maiwasan ngayong maikumpara ang dati at ngayon......Ang AKO at SYA."

"Jho, di naman kelangan eh." si bea. "Di mo naman kelangang ikumpara ang dati at ngayon pati na rin yung Ikaw at si janna, kase magkaiba kayo. Jho, maniwala ka sa kin please......"

Tinitigan ko si bea pagkatapos nyang sabihin yun. "Bakit di ko magawang maniwala sayo this time?" para namang nag panic si bea ng marinig nyang yun sa kin. "Bakit parang..... kahit gusto kong maniwala sayo, eh sinasampal naman ako ng mga nakikita kong ginagawa mo?.....sa pinararamdam mo?" nag sisimula na akong maging emosyanal. "Bakit di mo na lang sabihin sa kin ng diretso ngayon na.....na nawalan ka ng amor sa kin simula ng dumating/bumalik yung ex-MU na minahal mo ng sobra dati?"

Tuluyan ng nakalapit sa kin si bea at ngayon ay magkaharapan na kame ngayon pero kahit na nagpupumilit na mahawakan ako ay tinatabig ko yun.

"Nagbakasyon lang sya---"

"Yun na nga eh." putol ko sa kanya. "Nagbabakasyon pa lang sya nyan ah, pero yung epekto nya sayo ang lake na. Ang lake ng pinag bago mo simula nung bumalik sya.....Sayo. Sa buhay mo."

"Wala na syang babalikan pa sa kin kase wala na nga di ba." si bea na matamang nakatingin sa kin. "Maniwala ka, walang balikang mangyayare kase unang una walang kame at hindi naging kame."

"Pero pwede nyong ituloy di ba?" pamimilit ko. "Kaya siguro nagpakita sya sayo ngayon kase may balak sya. May balak syang ipagpatuloy nyo ang naudlot nyong love story dati."

"Ang lawak na ng mga naiisip mo. Jhoana, nagbakasyon lang si janna and tama ka, ngayong bakasyon lang nyang ito sya nagpakita sa kin pero it doesn't mean may ganong magaganap na. Alam mo paulit ulit na lang tayo dito eh." naiinis na rin po si bea. "Kung dati nga hindi naging kame ngayon pa ba?" nakuha nya ang isa kong kamay at pinisil pisil yun. "Ngayon pa ba na meron na akong mahal....." nilambingan nya ang boses tas tinitigan ako. "Jho, mahal kita. IKaw na ang mahal ko ngayon."

Umiling ako hindi ko alam kung bakit ko yun nagawa pero para kaseng di ako kumbinsidong mahal ako ng damulag na ito. Marahan kong binawi ang kamay ko sa kanya at lumayo ng onte sa kanya, umupo ako sa bed ko.

"Hindi ka naniniwala?" si bea na di makapaniwala, napasuklay sya buhok gamit ang mga daliri nya. "Bakit?  Sige nga sabihin mo sa kin kung bakit di ka naniniwalang mahal kita?" napahawak sa batok si bea naiinis na tumingin sa kin. "Si marci no? Si marci ang dahilan kung bakit ganyan ka ngayon sa kin?"

"Bakit napasok naman si marci dito?" napakunot noo ako. "Walang kinalaman yung tao sa issue naten, beatriz."

"Talaga?" si bea na sumabog na. "Siguro madalas kayong mag hang out nung lalakeng yun kaya ganyan ka kung mag isip ngayon. Siguro pag wala ako sya yung lageng kasama mo no?" mapaghinalang tanong neto.

"Wag mo ngang baliktarin ang sitwasyon!" awat ko sa nagagalit na si beatriz. "Wag mo nga akong igaya sayo! Wag mong ipasa sa kin yung ganung ugali mo kase di ako ganon! Di ako sinungaling tulad mo!" tuluy tuloy kong sabe at di ko na naisip pa ang mga yun.


"Talaga naman ah!" si bea na nagsisimula ng sumabog ng di ko alam kung bakit. "Nagpaalam ka sa kin kanina na mag gogrocery ka pero ang sabe mo kay deanna ka magpapasama yun naman pala sa katapus tapusin ay si marci naman pala ang kasama mo at di ko pa malalaman yun kung di pa tayo nagkita sa mall."

Di ko maintindihan, ba't parang sya pa yung nagagalit ngayon? di ba dapat ako? Ako, kase sya yung nagsinungaling dito. Parang nabaliktad na nga talaga ng sitwasyon, parang ang lumalabas ay ako na ngayon ang may kasalanan, ako na yung sinungaling sa ming dalawa. Di pwede to, kelangan kong ipagtanggol ang sarili ko.

"Kay deanna nga ako nagpapasama kanina pero ayoko namang ipagdamot dun sa bata ang gumala kasama  mga teammates naten
At para sabihin ko sayo sa mall ko na rin nakita si marci at hindi yung ibinibintang mong sa kanya ako nagpasama. Nagmagandang loob yung tao na samahan ako kase marame pala yung pinamili ko at nag offer sya na ihatid ako hanggang sa eliazo na DAPAT ay IKAW  ang kasama ko kase TAYO ang magpartner sa gawaing ito for this month." counter ko sa nanggagalaiting si beatriz. "Pero sabe mo nga sa kin kanina nung magpaalam ka eh uuwi ka sa inyo kase kelangan kang makausap ni kuya loel, pumayag ako kase family mo naman yun and legit naman yung paalam mo. Maski ako hindi ko aakalaing gagamitin mong ALIBI yun para lang makasama yung first love mo."

Natahimik muli si bea, sukol na sukol ang pasaway na to na sya rin naman ang may kagagawan, ang lakas pa ng loob netong baliktarin ang lahat. Eh sya nga tong may malaking  kasalanan sa kin.


"Sorry...." mahinang sabe ni bea pero sapat na para marinig ko ng malinaw. Lumapit sya sa kin pero nag iba ako ng tingin, lumuhod sya sa harapan ko gamit ang isa netong tuhod at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Im so sorry....."

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko sa king mga mata na di ko na mapigilan pa kase kanina pa itong namumuo sa mga mata ko. Nilingon ko si bea na nananatili sa ganong posisyon, nakayuko at ngayon nga ay may paghalik sa likod ng mga palad ko. Nag angat sya ng tingin at sumakto yun agad sa mga mata ko, kita ko ang luha netong namumuo na rin sa mga mata nya. Nag iwas ako ng tingin kase kahinaan ko ang mga mata nya at ang labe nyang punung puno ngayon ng kasinungalingan.

"Sorry....." nagsisimula na syang humikbi. "Sorry talaga...." saka muling hinalikan ang mga kamay ko pero this time mas matagal na. "Jhoana....please, baby......"

Biglang nagpanting ang tenga ko ng marinig ko yung salitang yun, kaya kinuha ko agad ang kamay ko at dali daling umalis sa silid na yun. Alam kong humabol agad sa kin si beatriz at naabutan nga nya ako sa sala na ng dorm. Pinigilan nya ang tuluyan kong paglabas gamit ang kamay nyang nasa may braso ko.

"Baby, san ka---"




*PAK*




Isang malutong at malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Sinampal ko ang taong mahal na mahal ko pero t*ng*na sobra nya akong sinasaktan ngayon.

Parang eksena sa mga pelikula na sandaling hihinto tas maya maya ay dahan dahan itong nilingon ako. Bakas sa pisngi neto ang palad kong dumapo sa kanya na ngayon ay pulang pula. Ang mga mata netong nagtatanong sa kin na kanina lang ay kumakapit pa ang mga luha neto na ngayon ay tuluyan ng nahulog.

Nagpumiglas ako para makawala sa pagkakahawak nya sa kin at nagawa ko naman yun pero saglit lang dahil mabilis itong humarang sa daraan ko.

"Baby---"

"Stop." ako at naiinis na pumikit ng mariin bago muling dumilat at tumingin sa kanyang mga mata. "Tama na yang pagsabe mo sa kin ng ganyang endearment, kase di mo naman ako kayang panindigan eh." hindi sumagot si bea kaya nagpatuloy lang ako. "Deserve mo ang masampal. Alam mo ba yun?" pinatatag ko ang loob ko. "Baby? Ngayon tinatawag mo na ulit ako ng baby.....Pero kanina?" umiling ako at pilit na pinipigil ang mga luha kong pumatak muli. "Kanina na andun tayo pare pareho, magkakaharap sa isang lamesa ay first name basis lang talaga---"

"Pero yun ang gusto mo di ba?" putol sa kin ni bea. "Ikaw pa nga ang may gusto non, always mo akong nireremind na wag akong masyadong showy pag may ibang taong nasa paligid naten, di ba?"

Tama naman sya banda dun, ako nga ang may gusto sa ganong set up namen. Kahit pa nga sabihin nameng wala pa man masasabeng "kame" ay super na ang sweetness namen ng damulag na to, napapansin na talaga kame ng teammates namen dahil super clingy na rin namen sa isat isa. Sabayan pa na dumadame na talaga yung "shippers" namen ngayon at halos magtrending na kame sa twitter dahil sa kanila. Pero kase iba na ngayon, iba na yung nararamdaman ko ngayon. Nakakaramdam ako ng pagkatakot na baka isang araw ay magising nalang ako na di na pala ako yung taong gugustuhin ni beatriz na mamahalin nya. At baka sa panahong yun ay super mahal ko na ang babaeng ito. Paano na ako kung sakali? Ngayon pa nga lang na nahulog na ako sa kanya at mahal ko na sya.

"Oo, alam ko yun." ako na panay punas na sa mga luha ko na walang  patid na tumutulo ngayon sa mga mata ko. "Pero nung tawagin kang "babe" ng babaeng yun..... kelangan pa bang iparinig sa kin ang endearment nyo dati? At ikaw naman parang gustung gusto mo pa." ayun nahikbi na naman ako ng bongga kaya pilit ko namang pinakakalma ang sarili ko. Ilang beses akong napapalunok para mapigil yung paghikbi ko. "Ano bang gustong ipamukha nya sa kin? Na mas nauna sya sayo? Na minahal mo sya ng sobra dati kaya malakas ang loob nya kase kaya ka nyang pabalikin sa kanya? Ganon ba yun? Ni hindi mo kaya nga akong ipakilala ng maayos sa kanya eh. Ano ako beatriz, mahal mo lang ako sa patago pero di mo kayang ipangalandakan sa tao? ganon?"

"NO!" si bea na umiiling iling sa harapan ko na tigmak na ng luha sa mukha. "Mahal kita, jhoana. God knows how much I love you....Please maniwala ka sa kin baby...." nakikiusap na ang damulag. And this time nagawa nya akong mayakap, as in ng mahigpit na mahigpit at doon sa balikat ko sya umiyak ng bongga na may kasama pang mga paghikbi neto.

Ako rin naman, naiyak na ako ng sobra sobra. Gusto ko syang yakapin pabalik pero yung pride ko na nasaktan ng sobra sa mga pinaggagawa nya ay di ko na lang ginawa. Pinakalma ko muli ang sarili ko saka humugot ng malalim na hininga, isang desisyon ang namuo sa isipan ko pagbalik ko dito kanina lang. Alam kong kelangan ko pa itong pag isipan ng mabuti at alam kong magpapadalus dalos ako sa desisyong ito pero sa tingin ko ito yung TAMA at tanging desisyon ang nararapat sa ming dalawa ngayon.......

"Mahal kita, beatriz.......Mahal na kita." pauna kong sabe still magkayakapan pa rin kame.

Naramdaman ko na lang na unti unting pagbitaw ni bea sa pagyakap sa kin, huminto na sya sa pag iyak at ngayon ay ang mga mata nameng kapwa namamaga na sa kakaiyak ang magkatitigan ngayon.

"Alam mo bang nahulog na ko sayong damulag ka." saka kinutusan ko sya ng mahina kaya naman napangiti kameng pareho ng sabay. "Mahal na kita. Dati, ang tigas ng paninindigan ko na di ako papatol sa kapwa ko.....Sa tulad mo. Pero binago mo ang paniniwala ko, gender bender ka nga talaga kang bata ka!"

Magkatitigan pa rin kame, Kita ko na ang kinang sa kanyang mga mata at sumisilip na rin ang ngiti neto sa kanyang labe. Marahan  kong hinaplos ang pisngi netong nasampal ko kanina lang, inayos ko ang buhok na nakakalat na sa mukha neto and napangiti..........
ng mapait.........

"Oo. Mahal kita walang duda yun.......Dati......"nakita ko ang dahan dahang pag kunot noo neto. "Pero kase ngayon.....Parang natatakot  na kong isugal ang pagmamahal ko, yung puso ko sa isang taong hindi pa man kame ay nagagawa na kong pagsinungalingan.....ang saktan......" nagsisimula na naman akong umiyak, parang di nauubos yung luha ko. "Oo, mahal na kita pero natatakot akong mas mahalin pa kita kase alam kong hindi ako magiging sapat sayo---"

"No no no no...." iling ni bea at hinawakan nya ako sa magkabila kong balikat, pilit nyang hinuhuli ang mga mata kong napapayuko dahil sa pag iyak ko ng sobra. "Look at me baby....." pakiusap ni bea pero di ako tumalima kaya sya na itong nag angat sa mukha ko para makatitigan kame. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko. "Sobra ka pa sa sapat, nukaba? Jho,im sorry. I am so sorry talaga. Di ko inisip yung pwede mong maramdaman, napaka insensetive ko sayo ngayon. Nanliligaw pa lang ako pero sinasaktan na kita and im so sorry for that baby." si bea na hirap na hirap na sabihin yun sa kin dahil  sa paghikbi neto. S-sige tatanggi na ako pag nagpasama sya sa kin ulit, di ko na sya sasamahan......wag naman ganto. Baby......Give me one more chance jho, di ko na uulitin. Promise." parang bata neto sabe.

"Pag isipan na muna nateng mabuti kung tama ba yung papasukan naten." ako. Umiling iling si bea saka niyakap nya akong mahigpit muli, hinayaan ko lang sya. "Ayokong pagsisihan nateng pareho kung sakali man, ayokong magkasira tayong dalawa at sisihin naten ang isat isa pag nagkataon." patuloy ko.

Naramdaman ko ang unti unting pagluwag ng yakap nya sa kin hanggang sa muli kameng magkaharapan ngayon. Pareho kame di umiimik at tanging ang mga mana nakang pag hikbi na lamang ang syang tanging ingay na umiikot sa sala ng dorm. Pareho na kameng naka upo ngayon sa mahabang sofa, di kame magkatabe tulad ng dati, siguro may isang dipa ang pagitan namen ngayon ni beatriz. Nasa gitna ako mismo ngayong nakaupo at nakatulala habang si bea ay nasa left side corner neto, nakayuko hawak ng dalawa netong kamay ang ulo.

Parang ang bagal ng takbo ng oras ngayon, kanina pa kameng nagpapalitan ng salita ni bea pero hanggang ngayon ay di pa rin bumabalik ang teammates namen galing training. Sa kabilang banda, maganda na rin to para walang makialam sa min.

Tumikhim ako dahil nakakabingi pala ang katahimikang ito. Sinulyapan ko ang kasama ko na ngayon ay umayos ng upo pero di ako tinapunan ng tingin, diretso lang ito. "Beatriz---"

"Hey wazzup gu-----yz?" si ponggay na biglang pumasok ng pinto na walang katok katok.

Napatingin ako sa kanya at di ko alintana kung makita nyang namamaga ang mga mata ko. Kita ko ang pagtataka sa mukha neto, agad nyang ibinaba ang gymbag nya na di inaalis ang mga mata sa kin.

"What happ---ened?" si ponggay pa rin na ngayon ay napatingin naman kay bea.

Tumayo ito sa harapan namen ni bea at  napakunot noo ito nagpalipat lipat pa nga ng tingin sa min eh. Di ko na lang pinansin kase wala akong ganang makipagchikahan ngayon, nag iba  na lang ako ng tingin, hanggang sa nagsidatingan na nga ang mga makukulit at chismosa nameng teammates. Tulad ng naging reaksyon ni ponggay pagkapasok nya sa dorm ay takang taka sila ngayon sa min ni beatriz. Walang imik pero ang mata ng lahat ay nagtatanong.

Bakit ba hinahayaan ko na lang na tingnan ako/Kame ng teammates namen ng ganto? Dapat sana pala ay umakyat na ko sa room namen at nagkulong dun hindi yung ganto na para silang nanonood ng movie. Dapat pala sana talaga oh. Tsk!

"Uy anyare sa nyo?" si ate ly na kararating lang at nakita kame ni beatriz na namamaga kapwa ang mga mata.

Ano nga ba ang isasagot ko sa kanila? Ayoko namang sabihin sa kanila yung tunay na pinag awayan namen ni beatriz, para na rin namen isinalang sa apoy ang aming saril nyan. Kelangan kong makapag isip ng magandang palusot sa kanila kase parang walang  balak mag salita ang isang ito. Habang nagpapanic ako sa loob ko sa kakaisip ng pwede kong isagot kay ate ly ng biglang tumayo si bea kaya napatingin ako/kame  sa kanya.

"Sige pag isipan mo muna jho, kung kelangan mo ng space ibibigay ko yun sayo. Kung anong gusto mo, sige lang, kase ako buo sa puso at isipan ko kung ano at sino yung gusto ko. Pero di mo ko mapipigil na mahalin ka kase sa simula pa lang ng marealize ko na mahal kita, alam kong kaya kong ipangalandakan sa lahat na ikaw yung taong mamahalin ko ng di patago." si bea.


Shocks ako sa narinig ko napanganga pa nga ko eh. Gusto kong batuhin si bea pagkatapos non, ang matindi pa dyan ay nag walkout pa sya sa ming lahat. Wala akong nagawa kundi sundan na lang sya habang papaakyat sa second floor.

Nakatingin pa rin ako sa hagdan kung san umakyat si bea kahit ilang segundo na ang lumipas, isang pagtikhim ang nakapagpabalik sa kin sa king wisyo kaya napatingin ako sa paligid ko. Ayun lahat ng mga mata ng teammates namen ay nakatingin sa kin ngayon, at lahat ng mga yun ay iisa lang ang gustong malaman at itanong sa kin ngayon.

"Care to share?" si ate ly na katabe ko na pala di ko man lang napansin.

Napabuntong hininga na lang ako kase mukhang wala na talagang  sekreto  sa team ngayon.
































AN:

IM BAAAAAAACKKKKK!!!!!!😁😁😁

Sorry po dahil natagalan ang pag update, sa di po nakaka alam eh nagkasakit po kase ako. Medyo okay na si author at kaya ng makipagsapalaran ulit sa buhay. CHOS!😄

Sana magustuhan nyo pa rin po pero kung hindi bahala na kayo hehehe....😆✌
Medyo hilo pa po ako eh, pinilit ko lang na makapag UD na kase namimiss ko na kayo......hahahahaha....

Thank you po ulit.😉🤘














Continue Reading

You'll Also Like

470K 13.7K 105
"aren't we just terrified?" 9-1-1 and criminal minds crossover 9-1-1 season 2- criminal minds season 4- evan buckley x fem!oc
951K 36K 86
๐—Ÿ๐—ผ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ ๐˜„๐—ฎ๐˜€ ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฒ ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐—ณ๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ, ๐—น๐˜‚๐—ฐ๐—ธ๐—ถ๐—น๐˜† ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ, ๐—”๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€ ๐—น๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๏ฟฝ...
111K 5.6K 53
(y/n) (l/n) a girl who was born in the modern world who somewhat ends up in the taisho era of demon slayer. Her sassiness and eccentric attitude capt...
623K 38K 102
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...