His Blue Eyed Bad Girl Angel...

By helliza

7.7M 173K 27K

Good and kind hearted Angela pormised Dylan Santiago na hihintayin nya ang pagbabalik nito. Kasabay ng pang... More

♥️ Prologo ♥️
1. The New Student ♡
2. The New Student Part 2 ♡
3. Is She A Gangster? ♡♡
4. Everything I Own ♡
5. The Nightmare or The Angel? ♡
7. Medicine ♡
8. Confusion♡
9. Confusion 2 ♡
10.Pachie ♡
11. Pachie 2 ♡
12. Accidental Kiss :-* ♡
13. 1st & 2nd Kiss ♡
14. That Should Be Me ♡
15. Kidnap ♡
16. Kidnap 2 ♡
17. Angel's Painting
18. Angel's Revenge
19. Angel's Friends?
20. Mark
21. I Crave
22. A Blue Eyed Bad Girl or A Blue Eyed Angel
23. Contest
notes
24. Sick Angel
25. Sick Angel 2
26. Sick Angel 3
The Dark King
28. The Dark King 2
29. Tres Wood
30. Tres Wood 2
31. Not Good For Him
The Blue Eyed Angel
The Blue Eyed Angel 2
October 8
Sa Huli Ay Tayo
Losing Hope, Broken Promises
37. Attack
38. Attack 2
39. Unfair
Chasing His Angel
41. Chasing His Angel 2
Dark & Blue
43. Dark & Blue 2
Captured
Memories
Memories 2
47. Proposal
His Jinx Synopsis
48. I make love to you
Epilogue
Special Chapter
S.C.2
S.C 3
S.C 4
S.C 5. Property Shirt

6. Shot ♡♡

144K 3.4K 391
By helliza

     Hindi na pumasok si Angela sa mga huli nyang subject nagtext nalang siya kay Maelyn.

     Napapangiti siya dahil alam niya hinahanap na siya ni Dylan sa buong campus.

     Malamang nakakunot na ang noo nito at inis na inis. Hindi pa nga niya nakukuha I.D niya mula rito. As if naman na mapipigilan sya non sa pagpasok.

     Nothing can stop her now... ngayon pa na nakita niya na ang binata. Hindi na nya hahayaan na mawala ito sa paningin nya.

     Mas binilisan pa niya ang pagpapatakbo sa motor.

     Nilibot niya ang San Nicholas gamit iyon. Nagdrive lang siya hanggang sa abutan na sya ng dilim.

     Now tinatahak niya na ang lugar papunta sa kanya mga kaibigan.

     Nakaliko na siya sa Valley 2, iyong lugar na malapit sa gubat at kakaunti ang mga sasakyan na dumadaan. Nang bigla siya sabayan ng itim na Innova. Hindi pa man alam niya na kung ano ang ibig sabihin noon.

     "Shit hanggang dito ba naman!"

     Kinabig niya ang manibela palayo sa sasakyan, kasabay ng pagbukas ng bintana at paglabas ng baril ng mga sakay niyon.

     Nagpreno siya at nauna ang innova dahilan para di sya tamaan ng bala.

     They are wearing a mask, as she expected.

     Sa London palang pinagtatangkaan na ng mga ito ang buhay niya.

     Muli siya tinutukan ng baril ng mga ito.

     Sabay-sabay pa nagpaputok ang tatlong ugok.

     Nagpalipat-lipat siya. Mula sa kanan then sa kaliwa, pagkatapos ay sa kaliwa papunta kanan, para maiwasan ang mga bala.

     "Bwisit! Para paring palos ang babae yan!" Gunman 1

     "Gago! Puntiryahin mong mabuti malilintikan na tayo kay boss. Tatlong buwan na nati tina-trabaho yan babaeng yan. Hindi parin natin mapatay-patay." Gunman 2

     "Tigilan nyo na ang kwentuhan barilin nyo na lang!'" Gunman 3

     Muling nagpaputok ang tatlo na naiwasan naman ni Angela.

     Then sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa mga labi nya at sa labis na gulat ng tatlo ay naglabas din sya ng baril.

     Hindi siya tanga para di magdala ng proteksyon. Kung noon hinahayaan nya lang ang mga ito, iba ngayon.

     Ibang-iba ngayon.

     Nagpaputok siya at pinatamaan ang kaliwa unahan gulong ng innova.

     Nagpagewang-gewang ang sasakyan. Ang sunod naman na pinatamaan niya ay ang gulong sa may likuran.

     Tuluyan ng nawalan ng kontrol ang driver, napunta sa gilid ang sasakyan, hanggang sa bumangga sa isang puno.

     Isang nang-aasar na tawa ang binigay niya sa mga ito.

     Ngunit bago pa sya makalayo nagpaputok pa si Gunman 3. The next thing she felt is a searing pain in her left arm.

     "Damn!" huli na para makuha niya ang balanse. Nawalan narin siya ng control.

      Sa may puno ng mangga na nasa bukana ng gubat sya bumangga.

      She was flying...

       Ipinikit nya ang mga mata, hinanda ang sarili sa sakit na mararamdaman, after the pain everything went black...

*****

     After one week...

     Iilan nalang ang estudyante sa School Ground at lahat ay napapatingin kay Angela na naglalakad.

     Ten minutes ago pa ng tumunog ang bell at hindi man lang sya nag- abala na magmadali.

     Its been one week ng pagtangkaan ang buhay niya at ngayon lang siya pumasok.

     Patuloy ang pagtingin sa kanya ng iilang estudyante.

     "Anong nangyari sa kanya?"

      "Bakit puro galos sya?"

     "Hmp malamang napaaway yan. Dapat di na pumasok, tiyak na iinit na naman ang ulo ni Reina nyan."

     Ilan lang yan sa mga naririnig niya na hindi nya pinagkaabalahan na pansinin.

     Pinagpatuloy nya lang ang paglalakad, taas ang noo and oblivious in her surrounding.

     Sa hallway wala ng mga estudyante.

     Fifteen minutes na syang late sa klase ni Ms. De Guzman. At nang makarating na sya sa harap ng pinto, walang katok-katok na binuksan nya iyon.

     Lahat ng mga mata napatingin sa kanya, kabilang si Dylan na bahagyang nagulat lalo na ng makita ang itsura niya.

     Si Maelyn na kanina pa masakit ang ulo dahil sa pagsagot sa exam ay kabilang sa nanlaki ang mga mata.

     "G-gela." bulong nya pa.

     Isang linggo na di nagpakita sa University si Angela akala niya nga hindi na ito papasok. Ilan beses din na nagtanong si Dylan sa kanya, habang si Reina kapag hindi kaharap ang binata ay sinasabi sa lahat na tinuruan niya ng leksyon ang dalaga, pinabugbog at sa takot na daw nito ay ayaw ng pumasok.

     Hindi sya naniniwala, kahit maikling oras palang nya na nakilala si Angela, alam nya na hindi ito ang tipo na matatakot na lang basta-basta. Nadagdagan nga ang respeto nya rito ng tulungan nito sina Daniella na kaibigan din nya, yeah... friend nya ang mga ito obvious naman kung bakit hindi ba.

     Kaya hindi na sya nagulat na pumasok na ulit ang dalaga ang talaga kinagulat nya ay ang itsura nito.

     May mga galos ito sa pisngi, noo at baba. May pasa sa kaliwang cheekbone at may benda sa kanang braso.

     Medyo haggard din ang itsura nito at maputla na para bang kulang sa tulog at pahinga.

      Para tuloy gusto na nya maniwala na pinabugbog nga ito ni Reina.

     Ngunit nabura rin sa isip nya ang isiping iyon. Nang magkatinginan kasi ang mga ito ay nginisihan nito si Reina iyong ngiti na walang takot, bagkus ay nang-aasar pa nga.

     At nang kay Dylan naman sya mapatingin. Nangunot ang noo niya dahil nakita nya ang pagsasalubong ng kilay ng binata, ang pagkuyom ng mga kamao nito habang pinagmamasdan ang itsura ni Angela. Tila ba galit na galit ito sa nangyari sa kaibigan nya.

     Napapaisip tuloy sya sa reaksyon na iyon ni Dylan.

     "Well...well Ms. Fuentebella buti naman naisapan mong pumasok na." Sabi ni Ms. De Guzman using her terror voice na kapag naririnig niya ay nagpapakaba at nagpapanginig talaga sa kanya.

     Obvious na hindi ganon ang epekto kay Angela.Bakas ang boredom sa mukha na tinignan lang nito amg guro nila.

     "And you are fifteen minutes late."

     "Tss... Obvious naman, hindi ko naman sinabi na fifteen minutes early ako Ma'am."

      Kahit kinakabahan di niya napigilan na lihim na matawa sa sagot na iyon Angela.

     Namula at lalong nagsalubong ang kilay ni Ms. De Guzman.

     "Hindi ka pumasok ng isang linggo at ngayon na naisipan mong pumasok may gana ka pang sumagot. You know what? I can drop you in my subject o kaya ibabagsak kita. Kayang-kaya ko gawin iyon kung gugustuhin ko."

     Di man lang nabagabag si Angela sa sinabi ni Ms. De Guzman. She just shrugged her shoulder and said...

     "Fine drop me, but Ma'am sana mai-refund nyo ang binayad ko sa school na'to. Sabay tayo pumunta sa admin then I'll tell them na I want to leave this university because of the professor who want to drop me out, dahil lang sa di ako nakapasok ng one week, even though I have a valid reason for that." She said while smirking. "Sasabihin ko na kukunin ko na ang binayad ko for the whole two years."

     Nanlaki ang mga mata niya at ng ilan pang estudyante sa narinig.

     Binayaran na nito ang whole two years? Ibig sabihin hanggang sa graduation na. Samantalang sya itong semester lang ang bayad.

     Malamang magagalit kay Ms. De Guzman ang management ng school kapag binawi ni Angela ang bayad nito.

     Mukhang gets naman ni Ms. De Guzman ang sinabi ni Angela, hindi agad ito nakasagot tumalim lang ang tingin sa dalaga. Then...

     "Maupo ka na Fuentebella kung di mo alam may exam kayo, you can take your exam. Wala akong pakialam kung one week kang absent, I don't care kung di mo natutunan ang lesson ko for the past days. I won't give you any special lesson, project or exam dahil kapag bumagsak ka sa exam na ito, bagsak ka na sa subject ko!"

     Nagkaroon ng bulungan sa loob ng room.

     "That's so unfair." Gusto niyang sabihin, di ba pumasok na si Angela sa kalagitnaan ng sem, tapos ngayon absent pa ito ng one week imposibleng may masagot ito sa exam.

     "Quiet." saway ni Ms. De Guzman sa mga nagbubulungan.

     "You only have one hour to finish your exam, if I were you sisimulan ko na Ms. Fuentebella." sabay abot kay Angela ng test paper.

     "Thank you." Angela said with matching tilting her head na ikinainis naman lalo ng professor.

     Naglakad na paupo si Angela ngunit nakakailang hakbang palang ito ng muling magsalita si Ms. De Guzman.

     "Kailangan din nakasulat ang formula at solution sa test paper dahil kahit tama pa ang sagot mo kapag wala iyon I considered it wrong."

      Hindi naman ito nilingon ni Angela, sumagot lang ito ng okay pagkatapos ay nagpatuloy na sa pag-upo.

      "Hi." bati nito sa kanya habang umuupo.

      Nginitian naman nya ito.

      "Go back answering now."

      Nag-aalala na patingin-tingin sya kay Angela habang pinagpapatuloy ang pagsagot.

      After thirty minutes, nagsasagot parin sila ng exam at wala parin tumatayo para magpasa ng test paper.

       Bawat tingin nya kay Angela ay sumasagot ito pero panay naman ng hikab, bakas ang pagka-inip sa mukha.

      Hindi lang din sya ang patingin- tingin dito sa gilid ng mga mata niya nakikita niya si Dylan na patingin-tingin din sa dalaga. Iyon nga lang blanko ang mukha ng binata kaya hindi niya mabasa ang iniisip nito.

      Nakikita din nya si Brena na tumitingin ng palihim sa katabi nya, tulad ni Dylan wala ding expression ang mukha nito.

      Tanging si Reina lang ang tumitingin kay Angela na may kasamang pag-irap na sa tuwing nahuhuli naman ni Angela ay ginagantihan nito ng ngisi.

      Naisip tuloy nya kung aware din ba ito sa sulyap nina Dylan at Brena? Kay Reina lang kasi ito nagpapakita ng reaksyon.

      Ten minutes pa ang lumipas muling napaangat ng tingin ng lahat ng tumayo si Angela.

     "Tapos ka na?" gulat na tanong nya.

     Walang emosyon tango lang ang sagot   nito sa kanya.

      Lumapit ito kay Ms. De Guzman na nagulat din habang inaabot ang test paper ni Angela.

      Hindi na talaga siya makapaniwala huling nagtest si Angela, ngunit ito pa ang naunang matapos. Plus the fact na absent ito ng one week.

     "Hmp...malamang na hinulaan niya lang ang sagot." si Reina na sadyang ipinarinig kay Ms. De Guzman at kay Angela ang sinabi, na sinagot lang ni Angela ng ngisi naupo ulit ito, sumandal sa upuan at sa kauna-unahang pagkakataon ay tinignan nito si Dylan.

     Her blue eyes is cold, her face is emotionless.

      Si Ms. De Guzman naman wala sa oras na nagcheck ng test paper.

      (=_=)...o_O...(o_o)...(O_O)

      Lahat sila ay nakatingin kay Ms. De Guzman kaya kitang-kita nila ang pabago-bagong expression ng mukha ng kanilang professor.

      Mula sa poker face then pagkagulat hanggang sa hindi makapaniwala na reaksyon.

     Tumingin ito kay Angela na nakatingin parin kay Dylan pagkatapos ay nilipat ulit ang tingin sa test paper.

      Hindi makapaniwala si Ms. De Guzman habang nag c-check ng test paper ni Angela.

      Kumpleto ang sagot nito pati formula at solution at kahit ano pag check ang gawin niya ang mga sagot ni Angela Fuentebella ay...

     ...tama...lahat.

     "P-perfect." ang wala sa loob na sabi niya na narinig ng lahat.

     "Perfect...i-ibig sabihin tama lahat ng sagot nya?' Hindi rin makapaniwala ulit ni Brena.

******

     Mula sa pakikipagtitigan kay Dylan, binalingan ni Angela ang mga klasmeyt nya na nakangangang nakatingin sa kanya.

     "Malapit ng mag time hindi kayo matatapos sa pagsagot kung titigan nyo lang ako." malamig na sabi nya.

     Tila naman nagising sa pagkakatulog ang mga ito at bumalik sa pagsasagot.

     Hindi nya na ulit tinignan si Dylan, hindi rin sya lumabas kahit tapos na syang mag-exam.

     Ipinatong nya ang ulo sa mesa paharap kay Maelyn na tipid na ngumiti sa kanya na ginantihan nya rin ng matipid na ngiti.

      Ramdam pa rin nya ang titig ni Dylan sa kanya. Hindi na nya ito nilingon, baka hindi sya makapagpigil, lumapit sya rito at yumakap ng mahigpit.

      Five days sya sa ospital pero ang pakiramdam nya pagod na pagod sya at tila sa isang gera galing. Nang gabi nabaril sya at tumilapon sa motor nya, sa damuhan sya bumagsak, ilang minuto sya nawalan ng malay at nang muli sya magmulat ng mga mata ay nakahiga pa din sya sa damuhan.

      Kahit masakit ang katawan pinilit nyang kunin sa bulsa ang cellphone at tinawagan ang mga kaibigan nya.

     Fifteen minutes sya naghintay, tinitiis ang sakit na nararamdaman and when they arrived hinayaan nya muli na lamunin ng kadiliman ang diwa nya. At ngayon nga heto sya pumasok na sa kabila ng pagtutol ng mga kaibigan nya, because ...

     ...kailangan nya ito makita...

     ...kailangan nya ito mayakap...

     ...kailangan nya si Dylan...

     Ngunit ang tangi pwede nya lang gawin ay tignan ito at dapat na makuntento na muna sya sa ganon...for now.

     Ang makita ang mukha nito ay sapat  na para maging mabuti ang pakiramdam niya.

*****

     "G-GELA..." kasabay ng pagtawag sa pangalan niya ay ang marahang pagtapik sa kanya balikat.

     Imbes na sumagot, mariin niya pa ipinikit ang mga mata.

     "A-angela." ulit ni Maelyn sa pagtawag at pagtapik sa kanya.

     "Back off Maelyn." Mahinang saway nya.

     Alam nya ginigising sya nito dahil tapos na ang klase ni Ms. De Guzman. But she want to sleep, bakit hindi nalang ito umalis at hayaan sya na matulog muna rito.

      Sa limang araw nya sa hospital hindi sya nakatulog ng ayos.

     Ayaw na ayaw nya sa lugar na iyon lalo na ang magpalipas ng gabi duon, hindi sya komportable at may naaalala sya pangyayari na hangga't maaari ay ayaw nya maalala. Kaya naman heto sya mukhang adik na kulang sa tulog.

     Muli sya nakaramdam ng pagtapik, na ngayon ay tumama sa balikat nya na nabugbog nang tumilapon sya.

     "Ouch!" Napaalis sya sa pagkakaub-ob sa mesa at hinarap si Maelyn.

     "Ano bang-" Nahinto sya sa pagsasalita at nanlaki ang mga mata nang makita hindi si Maelyn ang tumapik sa kanya kundi si Dylan.

     Ang kinagulat niya, malapit na malapit ang mukha nito sa kanya mukha.

     Ilang segundo na nagkatitigan sila, hanggang  sa tawagin nya ito sa pangalang...

      "Ylan." bulong iyon, pero alam nya narinig iyon ng binata dahil kumunot ang noo nito.

      Nagulat sya ng bigla nito ililis ang manggas ng suot nya itim na t-shirt .

     "How in the world did you get that!" Gulat na sabi nito habang nakatingin sa malaking pasa niya sa kaliwang balikat.

     Si Maelyn naman ay napasinghap ng mapagmasdan din ang parteng iyon ng katawan nya.

     Pinalis niya ang kamay ng binata at inayos ang damit nya.

     "None of your business." She said bago binalingan si Maelyn.

     "Lets go." dinampot nya ang backpack nya at aktong isusuot ng agawin iyon ni Dylan.

     "Mauna kana Maelyn, mag-uusap lang kami." sabi nito.

     "H-ha? Sige...o-oo." saka mabilis na nagpaalam ito sa kanya bago lumabas ng room.

     Silang tatlo na lang pala ang nasa loob.

     "Come." Bago pa sya ulit makapagprotesta hinawakan na sya nito sa kamay at hinila palabas, bitbit parin nito ang bag nya.

     "Dylan?"

     Napangisi sya ng makasalubong nila si Brena at Reina, nakita nya ang gulat at pagtataka sa mukha ng dalawa.

     "Bakit mo hinihila si Dylan?" si Reina na matalim ang tingin sa kanya.

     "Duh bobo pala talaga to. Hinihila ko daw."

     "Bobo ka teh... O sadyang bulag lang mukha bang ako ang nanghihila?" Asar nya.

     "Dylan, bakit kasama mo siya?" Malumanay ang pagkakasabi ni Brena. Ngunit nahimigan naman nya ang inis sa boses nito.

     "I'm sorry may pag-uusapan lang kami ni Angela."

     Tumaas ang isang kilay nya sa sinabi ng binata, nawala ang expression sa mukha niya kasabay ng kirot sa dibdib. Tila boyfriend na nag-e-explain si Dylan kay Brena.

     "You know what Brena kunin mo na sya at may klase pa ko." She said coldly, sabay hila sa kamay na hawak ng binata. Dylan tighten his grip kaya naman di sya nakawala dito.

     "Mauna kana sa room mo. I'm sorry Brena kung di kita maihahatid ngayon."

     She smiled sweetly at him. "Its okay sabay naman tayo magl-lunch diba?"

     Ngumiti din ang binata.

      "Of course." Sagot ni Dylan. Pagkatapos ay nagpaalam na ito sa dalawa at muli syang hinila.

     Kahit di sya lumingon alam nyang hinahabol sya ng matatalim na tingin ng dalawang babae.


*****
     SA SG office sya dinala ng binata.

     Hindi na sya nag-abalang umupo. Hinintay nya na lang ang kung ano man ang sasabihin nito.

      Lumipas ang limang minuto wala ito sinasabi.

     Tinititigan lang sya. From her face up to her bandage arm.

     Blanko ang expresyon ng mukha nito, tulad ng sa kanya.

     Another five minutes pa ang lumipas, nang hindi parin ito kumibo sya na ang nagsalita.

     "Kung tititigan mo lang ako at magtitigan lang tayo dito mabuti pang mauna na ako sayo." She said.

      Hinablot nya rito ang bag nya at naglakad papapuntang pinto...

     Ngunit bago pa sya makarating ng doon. Dylan's strong arms snaked into her waist.

     And the next thing she knew.
Nakasubsob na ang mukha nito sa leeg nya, inhaling her scent...


****

H/n

Salamat po sa reads.

10162017uiv 18:38

~♡♡♡

Continue Reading

You'll Also Like

80K 2.6K 63
Pano mo mamemelt ang cold nyang pagkatao? Minsan sa mundong ito marami tayong namemeet na mga tao pero what if yung nameet mong tao na akala mo isang...
1.8M 125K 45
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
12.8K 440 7
"I woke her up and let her consumed my soul. Pretending to leave the call, let all those dreams, role, predictions to fall. I no longer feared the da...
20.3K 1.6K 90
[GAMER] [Completed] An Epistolary: You Are My MVP ALL RIGHT RESERVED © It's all started in playing with you in a game of heroes, where everyone are f...