GirlfriendS.

By BrashHeart

12.1K 585 244

He is a soon to be Mafia boss and he is the boyfriend of my new friend/bestfriend, Lily. Then oneday nalaman... More

1 - meeting her bf
2 - playboy Mafia
3 - mastermind
4 - hidden reason revealed
5 - First Girlfriend
6 - morning sunlight and dark mind
7 - scary jealousy and flashback
8 - OH SHEEP!
9 - 101 "iloveyou"
11 - I've decided
12 - gentleman epek pa kasi
13 - be your girlfriend
14 - Thankyou Russel
15 - SlamDunk
16- Jogging
17 - Kung alam ko lang
18 - normal na asaran
19-Ending ng intrams
20 - Vampire
21 - Flying Saucer
22 - Renz's bday
23 - Halaga
24 - Suspense
25 - The End - Part 1
25 - The End - Part 2
26 - A single Rose
27 - worst confession
28 - Lily's Confession
29 - Best Confession EVER

10 - gentleman epek ^_^

412 21 3
By BrashHeart

CHAPTER 10 - GENTLEMAN EPEK ^_^

"tuloy ba lipat ni Jass?" sabi ni Russel sa pinsan habang nagkatingin sa labas ng bintana ng classroom nila.

"ang alam ko oo, naayos na ata lahat eh, ang alam ko rin nakausap na niya ang principal" sagot ni Chad na nakatingin din sa labas ng bintana.

mahigit isang linggo na ang nakalipas mula nung nangyari at ngayon din ang labas ni Jasmine sa ospital at bukas na siya ulit papasok.

LILYs POV

hai ^___^ ...ahmmmm.....hehehe XD di ko alam kung pano ko sisimulan ang first ever POV ko. Ahhmmm...salamat sa opportunity at tsaka hindi ko alam kung pano ko icoconvey yung mga dapat ikwento sa inyo kaya bahala na kayong umintindi please, pagpasensyahan niyo na ko ahh..>_<

uwian na namin at nakasakay ako ngayon sa kotse namin on the way sa ospital kung san nakaconfine si Lady Jass, ngayon kasi ang labas niya ehhh at niyaya niya kaming samahan siya pauwi at magstay narin ng onti sa house nila. ang totoo niyan sobrang excited ako ngayon hehehe >_< alam niyo yung feeling na ang tagal niyo nang magkakilala pero ngayon ka lang niya inimbitahan sa house nila? ito yun eh. ito yung nafi-feel ko ngayon. Pero alam ko at nasesense ko na may mas excited pa kaysa sakin, aura palang nitong katabi ko ramdam mo na eh. Hulaan nyo sino katabi ko, hehehe si Rose lang naman walang iba.

nakatingin lang ako sa kanya at siya naman hawak-hawak ang bouquet ng white Jasmine flowers at masayang inaamoy-amoy. abot langit ngiti sobra at syempre hindi ko rin maiwasan ang mapangiti ng sobra.

Masaya ko para sa friend ko na para sakin BFF ko na, pano ok na ang lahat. OO ok na ang lahat, hindi rin ako makapaniwala nung una, akalain niyo yun si Lady Jass at Rose naging friends na. ang hirap iexplain kung pano, pero kung alam niyo lang araw-araw dumadaan si Rose sa ospital para makipagfriends kay Lady Jass. una syempre ayaw ni Lady Jass pero nung mga sumunod na araw ok na sila at super close na sila, oo super close todo kwentuhan na nga sila palagi ehh...kaya ako rin masaya syempre, kahit naman ganon si Lady Jass at kahit naman na masungit siya sa mga girls na nalilink kay King, friend parin ang turing ko sa kanya, ewan ko basta friend ang turing ko kay Lady Jass simula palang kahit na feeling ko hindi ganon ang tingin nya pero anyway hindi lang kami ni Rose ang papunta sa ospital pati narin yung ibang girlfriends ni King na sila Micah, nasa kanya-kanyang kotse sila eh kasi may mga service sila eh kaya hindi namin magawang magsama-sama at nakauniform pa kami lahat ah, mga excited din sila alam ko ^_^.

nagpark na ang kotse na sinasakyan namin, nandito na kasi kami sa ospital eh. dumiretso agad kaming lahat sa room ni Lady Jass. Si Rose ang nangunguna at siya na rin ang nagbukas ng pinto ng room. Naabutan namin si Lady Jass na nakabihis na at may maid na nag-aayos ng mga gamit niya. Napangiti naman kaming lahat dahil hindi mo mahahalata sa looks ni Lady Jass na naospital siya, naka make-up na nga siya eh.

"Jass!!! XD" sabi ni Rose sabay abot ng hawak niyang bouquet at sabay hug pa, oh diba close na sila.

"Lady Jass congrats po makakalabas na kayo ng hospital" sabi ni Micah

"congrats po Lady Jass" sabi ni Jen,Anne, Lyka at syempre sabi ko rin. Si Lyka po yung #6 gf ni King. nabanggit napo siya nung chapter 3 kasama siya ni Micah at King na nahuli ni Rose basta balikan niyo nalang >_<

"Salamat..kayo naman Jass nalang ^_^"

O_O <--- kaming mga girlfriends ni King

tama ba tong narinig ko? talaga bang? hindi nga? sinabi ba talaga ni Lady Jass na Jass nalang??

"oh bakit natahimik kayo? ayaw nyo? ayaw niyo?" bigla naman kaming nagising lahat sa sinabi ni Lady Jass i mean ni Jass pala..hindi ko alam kung matatakot ba ko sa sinabi niya oh matatawa pero napangiti naman kaming lahat

"hindi po LAdy Jass, ay Jass pala hehehehe" Anne

lumabas na kami ng ospital at dumiretso sa bahay ni Lady Jass >_< Lady Jass parin tawag ko sa kany aahh..yamo na sa isip lang naman ehh..nasanay na kasi ako ehh hehehe.

dito na kami sa house ni Lady Jass todo kwentuhan at kainan ang naganap hehehe . naka uniform parin kaming lahat except si Lady Jass.

kwentuhan namin habang kumakain ..

"Wow Jass, kahit san ko tignan wala ka man lang peklat sa kahit saan parang hindi ka nahiwa man lang?" Micah

"hehehe...may pinadala kasi si papa galing France. Rose oil siya na nakakagaling agad ng sugat and prevents it from being scarred" -- Lady Jass

" wait, Rose kanina kapa text dyan ng text, will you stop it muna?" dagdag ni Lady Jass, haist buti nga kay Rose, text kasi ng text eh, simula nang una kaming magkakilala text na yan ng text, halata niyo ba?

"ay, sorry naman hehehe sige sige titigil na ^_^ ahh..nga pala Jass papasok kana ba bukas?"

"ahhmm... yeah..pero lilipat na ko?"

"WHAT??" --sabay-sabay na sabi namin

"hehehheheehehehehehehehehehe...i knew you'll react that way XDD"

" WEH? di nga Jass wag kana lumipat please..boring yun :(" sabi ni Rose sabay hawak sa braso ni Lady Jass

"hindi yan don't worry, just wait and see ok ^_^" --Lady Jass

natahimik naman na kaming lahat, mga 6pm umuwi na kami, hinatid ko muna si Rose sa house niya bago ko dumiretso umuwi, una ayaw pa ni Rose sumabay ehh gabi na kaya buti nalang pinilit siya ni Lady Jass kung ako yun malamang hindi ko toh mapipilit si Rose. halata niyo naman diba..sa lahat ng kaganapan hindi ko napipilit si Rose ng basta-basta ..

on the way pauwi, iniisip ko kung talagang lilipat si Lady Jass. san siya lilipat? anong school? o house ba? o baka naman sa ibang bansa siya lilipat? haist ..nakakalungkot naman, ngayon nga lang namin naging kaclose ng ganto si Lady Jass ehh, oo ngayon lang kami naging ganto na parang magkakaibigan na nagbobonding, ngayon ko lang naranasan yun na kasama si Lady Jass, mailap kasi siya sa ganon ehh, tapos kung kelan naman na nakikipag bonding na siya ngayon pa siya lilipat.

bakit kasi ngayon lang dumating si Rose ehh? haist kung noon palang lumipat na sya ng Dragnet edi sana matagal na kaming friends-friends kay Lady Jass, noh? haist..pero sabagay hindi naman namin siya pwedeng pigilan lalo na ngayon na nabanggit niya na sumuko na siya kay King. yun pa isa kong kinagulat akalain mo yun sumuko na si Lady Jass. saming lahat ng gfs ni King siya lang ang tanging hindi sumusuko diba. pero ngayon sumuko na siya. Feeling ko rin naman parang gusto na nyang sumuko dati pa ngayon lang siya nagkalakas ng loob at natanggap ang lahat kaya nga todo tipid sya dun sa 100 iloveyou nya diba.

hehehe..alam ko din yung 100 iloveyou na yun, nakwento niya kanina, ang cool nga ehh, feeling ko ginawa niya yun para malaman niya kung kelan siya susuko diba? pero dahil tinitipid niya yun dati it means ayaw niya sumuko pero dahil ginamit na niya lahat yun sumuko na siya. at masaya ko at sumuko na siya, kasi si King eh... ay ewan ko ba kung bakit hindi talaga siya nainlove kay Lady jass o kahit na kanino, kay Rose lang. Pero di ko din masisisi si King may something naman kasi na kakaiba kay Rose kaya ganon. >_<

the next day.

" OH MY GOSH!!!" -- gulat na sabi ni Rose pagkarating na pagkarating palang ng classroom namin

" OH MY GOSH talaga friend XDDDD" masayang sabi ko hehehe..nauna kasi akong pumasok sa kanya kaya ako unang nakaalam

"WAAAAAAAAHH!!!! JASS!!! IM SO HAPPY!!! WAAH!!! FRIEND!! HINDI LANG KITA FRIEND, CLASSMATE NA RIN KITA!!" masayang sabi ni Rose na nagtatatalon sa tuwa habang hawak-hawak ang kamay ni Lady Jass.

"stop it Rose, ang O.A ahh =D" nakangiting sabi ni Lady Jass

"ehhh...kasi naman todo emote ako kagabi iniisip ko kung bakit ka lilipat, kala ko kasi school, yun pala section lang pala ehehehe...i'm so happy classmate kana namin ni Lily..ang saya-saya" masayang sabi ni Rose at niyakap-yakap pa si Lady Jass

napangiti naman ako sa sinabi ni Rose na yan, hehehe ako din kasi todo emote eh XD

"eh, so Jass sure na ba talaga na 3-B kana? eh panlaban ka pa naman sa mga quizbee tapos magiging 3-B ka lang" sabi ko kay Lady Jass, syempre kailangan malaman na sure diba

"oo nga Jass, buti pumayag yung masungit na principal natin sa gusto mo" dugtong ni Rose

"hehehe, of course! tinakot ko lang naman siya na magtatransfer ako ng school pag di niya ko pinayagang lumipat sa section niyo hehehe, kaya yon, no choice sya XD"

"waahhh!! ang saya-saya XDDD" sabi ulit ni Rose at sabay yakap ulit kay Lady Jass at pati narin ako sinama sa yakap nila, group hug kaming tatlo, ang saya hehehe... buti nalang hindi kaya ng school na mawala si Lady Jass kaya pumayag sila hehehe..

natutuwa naman ako, kahit na naiisip ko na kaya lumipat ng section si Lady jass ay para mapalayo muna kay King pero atleast sa kabila non mas magiging close namin ni Rose si Lady Jass diba hehehehe..kung sawi sa lovelife i-bloom nalang ang friendship, diba? diba? XDD

.

.

Lunch time

andito kami ngayon sa canteen... joke lang hehehe XDD

oo na, alam ko di kayo natawa >_< . 

dito kami ngayon sa club room ng karate club may pinahanda kasi sila King dito ehh, celebration naming grupo para sa pagpasok ulit ni Lady Jass.

kung naiisip nyo na sosyal na celebration, mali kayo hehehe. nakaupo kami lahat sa sahig at nakaikot kami sa mga pagkain, malinis naman dito sa karate club room ehh, at wala ka naman kasi talagang makikita mga upuan, mga dalawa lang ata upuan dito, karate club nga toh diba, syempre yun na yun.

" oh..Boss!! ilabas mo na yung alak natin dyan..hehe" sabi ni Jeff kay boss

" Hoy ALAGAD!! makautos ka wagas ahh...batukan kita dyan ehh!" sabi ni King pero tumayo naman para kunin yung alak hehehe..ang bait ni King noh..simpleng mabait,..kaya naging crush ko yan ehhh... NAGING na ah >_<

habang papunta si King sa lugar kung san nakalagay yung bag niya, tumayo naman si Rose at tumakbo papunta kay King at hinarangan si King..kami naman nanunuod lang sa ginawa ni Rose habang sumusubo-subo ng pagkain.

" HOY CHAD DREION!! bawal uminon ng alak dito, school parin toh nakalimutan mo na!!" sabi ni Rose habang nakaharap kay King at naka arm sideward na pose, hehehe..kitang-kita mo na todo harang si Rose sa dadaanan ni King..

hehehe...napangiti naman kaming lahat, yung mga alagad ni King na sila Jeff may onting sound..natatawa ata sila pero pinipigilan lang.

" HOY ROSE VILLANUEVA!! sino ka para harangan ako ahh..lagi ka nalang harang..tabi-tabi.." sabi ni King at lumakad na ulit, binaba ang kamay ni Rose para itabi toh at nilagpasan na niya si Rose..

si Rose naman tumakbo ulit at nauna kay King at kinuha yung bag ni King kung san nakalagay yung alak

" hOY!! bag mo yan? bag mo yan? akin na yan..may pagnanasa kadin pala sa alak ahh..tsk..wag ka mag-alala di ka namin bibigyan" sabi ni King habang hinahabol si Rose para kunin yung bag..OH MY! ang cute nila pagmasdan XD

natatawa naman kaming lahat na pinapanuod sila, si Lady Jass naman napansin ko na medyo napayuko na parang nalungkot pero inakbayan naman siya ni Russel at tinapik-tapik ang balikat, tumingin naman si Lady Jass kay Russel at napangiti. Ngumiti naman si Russel pabalik at tinanggal na ang kamay sa pagkaka-akbay. tumingin na ulit si Lady jass sa naghahabulang King at Rose at napatawa narin.. hmmm..ang hirap naman ng sitwasyon ni Lady Jass, syempre hindi naman basta-basta makakamove-on diba.

Nung nahuli na ni King si Rose todo palag parin si Rose pero tumayo na si Jeff at Jerr para pigilan na yung dalawa.

"Tama na yan mga batang paslit, sige na sundin na natin si Rose, tutal naman tama siya" napangiti naman si Rose sa sinabi ni Jeff at binigay na niya dito yung bag.

"ok, lalabas muna kami ahh, itatapon namin tong alak para sure ok. ano Igor sama ka? -- sabi naman ni Jerr

" oh sige-sige, para matunaw naman kahit papano yung mga kinain ko, para maka round 2 narin pagbalik hehe"-- Igor

"ako din" sabi naman ni Russel at tumayo na silang dalawa..

"oh..ahmm, me too! i want to exercise, tataba ako nito sa dami ng kinain ko ehh" --sabi naman ni Lady Jass

" oh, sige lahat na kayo lumayas!" sabi naman ni King

nagtinginan naman kaming lahat sa isa't-isa, ngumiti naman kami at tumayo na kaming lahat. lam na >_<

" hehehe...ok, sabi ni Boss ehh" --Jerr sabay punta na sa pinto palabas

"sige, babalik din kami agad King ah, kayo muna ni Rose magbantay ng pagkain dito ahh ^_^"Anne

"HAH??!?" -- King at Rose

"HOY!! HOY!! di na kayo mabiro ahh..magsi balik kayo!!" --sabi ni King hehehe.. pero syempre di na namin siya sinunod at nagsilabas na kami. >_<

CHAD'S POV

asar...bwisit..bwisit na mga alagad at girlfriends yan, pag inuutusan mo hindi susunod tapos pag binibiro mo lang tsaka susundin..mga bwisit talaga tsk. pero buti  nalang iniwan nila dito si Rose.. hahaha.. XP

naiwan lang kaming nakatayo ni Rose, nagtinginan kami tapos ngumiti siya sakin, nagulat naman ako sa pag ngiti niya ..para akong kinabahan na ewan..asar... pagkangiti nya naglakad na siya pabalik sa mga pagkain at umupo na ulit don sa pwesto niya kanina. pagkaupo niya kumuha agad siya ng pagkain at sinubo yun tsaka naman ako parang natauhan na at umupo narin.............sa tabi niya.

"kasalanan mo toh, kung hindi ka masyadong nagdala ng mga pagkain dito edi sana ubos na toh, makakasama na sana tayo sa paglalakad nila..tsk" --sabi ni Rose na todo subo parin ng pagkain

"sus..kung lam ko lang, ehh sarap na sarap ka nga ehh, parang kulang pa nga sayo ehh" pang-aasar ko sa kanya hehe

"ano!? kapal mo ahh..ayoko lang masayang toh..di mo ko katulad na paluto ng paluto tapos sasayangin lang pala"

"hoy!! sino ka para sermunan ako ahh.. Nanay kita?"

"tse..kailangan talaga maging nanay para masermunan ka, di ko alam kung bakit nagustuhan ka ni Jass ehh para kang bata"

"ano?! ako bata?"

"OO..bakit hindi ba? kala mo, tsk..kala ko mabait ka pero anong ginawa mo di mo man lang sinundan si Jass non.. kahit napatawad kana niya..inis parin ako sayo kala ko mabait ka..tsk" sabi ni Rose sakin sabay ikot ng mata sakin

ano daw? asar sya sakin? ..parang naasar naman ako sa sinabi nya..dapat nga matuwa siya at pinili kong wag sundan si Jass at magstay dun sa kwarto ko, gusto ko sanang gamutin yung kalmot ni Jass at yung mga sugat niya na gawa ni Jass, pero anong ginawa niya? pinapaalis pa ko sa sarili kong bahay para sundan si jass at di lang yun, pagkatapos non sabay takbo siya palabas ng bahay namin at galit na galit na iniwan ako. eh diba ako pa nga dapat magalit at maasar sa kanya..tsk. asar!

"HOY!! wala kang karapatang maasar sakin!! Dahil wala kang alam!!" asar na sabi ko sa kanya

"ako walang alam?! baka ikaw!!" naasar na talaga ko sa mga sinasabi niya..

"wala kang alam sa nararamdaman ng isang babae!! alam mo yun!?" dagdag pa niya..hindi ko na alam mararamdaman ko..pero naasar ako.ayoko na siyang pagsalitain..

"ang dami-dami mong gfs pero ala ka paring-------- ()_()" hindi na natuloy ni rose ang sasabihin niya dahil hindi na ko nakatiis nilapit ko ang muka ko sa kanya....

hahalikan ko sana siya, gusto ko sana siyang halikan pero pinigilan ko ang sarili ko, hindi ko alam, nakakairita gusto ko sanang idikit pa yung muka ko sa kanya pero alam ko namang hindi tama at hindi ako ganon, gusto kong magpaka gentleman sa kanya kaya pinigil ko ang sarili ko

nakapause lang kaming dalawa hindi umaalis sa pwesto, nakalapit parin ang muka ko sa kanya nakatingin ako sa labi niya, gusto ko sanang magbago ng isip pero pinipigilan ko parin ng sobra. tumingin ako sa mga mata niya nakita kong nanlalaki ang mata niya sobra at parang nanigas siya na di gumagalaw, parang di na nga din humihinga toh ehh, nagkatinginan lang kami tapos pumikit na ko at lumayo sa kanya, habang kaya ko pang pigilan..napayuko ako saglit at tumayo na.

"sa susunod tototohanin ko na" nakatalikod ako sa kanya habang sinasabi yan at sabay labas ng clubroom at iniwan siyang nakafreeze parin at di parin gumugalaw.

nakasalubong ko sila Jeff na papunta na ulit sa clubroom pero tuloy lang ako sa paglakad..

"oh Boss!! san ka pupunta? di pa time ahh!" rinig kong sabi ni Igor pero di ko sila pinansin, tuloy lang ako sa paglalakad .........

bwisit! sabi ko sa sarili ko habang naglalakad palayo ng clubroom, para akong sira!! bwisit..lalo na siyang maaasar sakin...pero di ko naman tinuloy diba, nagpaka gentleman parin ako,tsk..bahala na nga!! ASAR!!!

----------------------------------------------------------------------

a/n:

hindi ko alam kung bakit yan yung kinalabasan..hehehe...bahala na  >_< kayo na magdecide

hit vote and be a  fan pag po nagustuhan niyo..feel free to say anything po..salamat

^_^ BrashHeart ♥

Continue Reading