Best thing i (N)EVER had

By septemberoyal

445K 6.5K 1.1K

Try ko lang....... Pwede ba? Hehehehe...... Kinain na talaga ako ng sistema! JB kase eh! Kahit may pinagdadaa... More

PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12 (HUWAG KA NG UMIYAK )
13
14 (AKAP)
15
16
17
18 ( UNKNOWN FEELINGS)
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33(Ambon)
34
35
36
37
38
39
40
41(Moving Closer)
42
43
44
45
46
47
48
49
50(HEARTBEAT)
51
52
53
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
Not an update
75 (Sa bingit ng isang paalam)
76( Bibitawan ka )
77
78
79
80 (Hindi tayo pwede)
81(The hardest thing)
82 (beaddie moments)
83
84
85
86
87

54

3.9K 62 3
By septemberoyal

BEA

Nung moment na magtagpo ang mga mata namen ay bigla akong nakaramdam ng takot, takot dahil sa alam kong pagkatapos neto ay baka mawala ang lahat ng pinaghirapan ko ng ilang buwan na panunuyo kay jhoana. Gusto kong lumapit agad sa kanya at lumuhod sa harapan nya at mag sorry ng mag sorry hanggat di nya ako napapatawad.

Pero para akong nanigas sa kinatayuan ko ngayon, nanginginig din ako. Alam kong namumutla ako ngayon, panigurado yan. Huli ako sa akto mga dude, nagsinungaling na naman ako sa kanya. Pinilit kong maglakad palapit sa kanila kahit nanginginig ako, at shit lang talaga. Wala akong choice kung hindi dumaan sa pagitan nila ni jho!

Halos di ako mag angat ng tingin dahil ayokong salubungin ang mga tingin nya, Guilty ako.....Guilty ako sa pagsisinungaling kay jhoana.

"Bea, makikishare sa tin si jhoana----i mean sila ng friend nya ng table." si janna na nakangiti.

"Uh.....O-oo naman." nauutal kong sagot. Saka ko lang napansin na may kasama pala si jho, at si marci pa talaga eh no.

Kala ko ba na magpapasama sya kay deanna na maggrocery? Eh bakit si marci ngayon ang kasama nya?!

Nung nagpaalam ako kanina sa kanya ang sabe nya ay magpapasama na lang daw sya kay deanna, Eh, bakit----"

( Angal pa?.....Eh pano kung ibalik sayo ni jho yung tanong ha?......Nagsinungaling ka po sa kanya, paalala lang po.😒 )

"Upo na tayo." alok ni marci. "Jho, upo ka na rin. Punta lang ako ng counter, okay."

Kitang kita ko kung pano igiya ni marci si jho para makaupo, okay naman sana eh kaya lang di nakaligtas sa mga mata ko yung pag hawak nya sa bewang neto. Biglang nag init ang ulo ko sa nakita kong yun, ang mas ikinainis ko talaga kase ay may katagalan pa ito at itong si jhoana ay di man lang nakaramdam?

Naiwan kame tatlo,bale ang position namen ngayon ay magkatabe kame ni janna at sina marci at jho naman kaharapan namen. Wow ang galing naman di ba at kaharapan ko pa talaga si jho, ang ganda ng position namen! GRABE! GRABE!

Parehong busy sina jho at janna sa mga phone nila, kaya nakigaya rin ako kahit wala ako sa wisyo ko ngayon, panay ang sulyap ko kay jho pero di ko mahuli ang tingin neto. Halos isubsob na nya ang mukha nya sa phone nya, kung makatungo eh. Di ako mapalagay, ang awkward ng katahimikan sa aming tatlo ngayon, gusto kong magpauna ng salita or ng kwentuhan pero wala akong maisip na topic eh.

( Eh ano na lang kaya.....Hmm.....gawing topic nyo yung pagsisinungaling mo sa baby mo....ganda nyan,dude.....YARE KA TALAGA!!! Tsk! )

Shut up! tss....

Pasimple kong sinagi ng paa ko yung paa ni jho sa ilalim ng mesa namen. Napansin ko nung umpisa ay bahagya itong nagulat pero maya maya lang ay nagpatuloy ito sa kakapindut sa phone nya. Inulit ko yun at tulad kanina ay dedma ako, muli kong inulit pero this time ay wala ng makapa ang paa ko sa ilalim ng mesa, siguradong iniiwas na nya ito kaya nakaisip na naman ako ng paraan.

Nagtype ako ng message at si-nend ko yun kay jho. Alam kong nabasa nya yung message ko, kaya nagsend ulit ako pero ni isang sagot ay wala akong natanggap kahit emoticon man lang. Galit nga talaga ang baby ko kase kanina pang magkasalubong ang kilay neto.

Hanggang dumating na si marci na may dala ng food, nagsabay sabay na kameng kumain. Di ko maiwasang di mapatingin ngayon sa mga kaharapan ko na very sweet(tsss...😒) asikaso ng mabuti ni marci ang baby ko ah. Panay nga ang pabebe smile naman si jho ngayon, pero kanina kala mo di na maaayos ang pagkakasalubong ng kilay neto! Tas ngayon.......

"Bea," tawag sa kin ni janna kaya napalingon ako sa katabe ko, ang di ko inaasahan ay ang pagdutdot ng hawak netong pizza sa labe ko. Napanguso naman si janna ng tingnan ko lang sya, ayokong gawin kase nasa harapan ko lang si jhoana pero ayoko namang mapahiya si janna.

Kahit napipilitan ay wala na akong nagawa pa kaya kumagat na lang ako tas nagsmile pagkatapos kay janna. Nagsmile back naman ito sa kin bago muling kumagat dun sa mismong pinagkagatan ko saka muling umayos ng upo. Pag baling ko sa harap ko ay nasaktong nahuli ko ang mata ni jhoana.....Kita ko kung pano namuo ang luha sa mga mata neto saka mapait na ngumiti sa kin. Nataranta ako bigla, alam kong nakita nya ng buo yung ginawa namen ni janna at alam ko, simula pa lang kanina ay nasasaktan ko na sya at ngayon ay dinagdagan ko pa.

Gusto ko syang lapitan ngayon din kaso andito si marci at ayokong makahalata ang lalakeng ito dahil baka maging mitsa ito ng pagkabunyag ng lihim namen ni jhoana. Napabaling naman ako sa katabe ni jho na panay lang ang asikaso neto sa kanya, halos subuan na nga rin nya ang baby ko kung tutuusin eh, tss....😒

( Bakit nakakaselos ba? )

Oo naman! Baby ko yan eh tas makikita kong may gumagawa ng mga ganon na dapat ay ako ang gumagawa! at saka AKO ang may karapatan---

( Hep hep hep....... Wala pang KAYO no, paalala lang po ulit. )

Pero binigyan nya ako ng karapatang magselos kaya sa madaling salita mag-MU kame!😏

( Oo nga pala!....Hehehehe.....MU kayo.......Magulong Usapan......ang meron kayo ng baby mo!😂😂😂.......Ang gulo mo kaseng kausap, hahahahaha..... )

"You look good together." si janna na nakangiting sabe nya kina marci at jho.

Napatingin ako sa katabe kong to. SERIOUSLY! parang gusto kong sabihin yun kaya lang pinigilan ko, lam nyo naman kung bakit di ba guys, hays!

"Talaga?" si marci na lumapad ang ngitian. "Sabe ko sayo eh!" biglang baling neto at nagpa cute kay jho na napahinto naman sa pagnguya at napatingin kay janna. "Medyo marame na nga ang nakapagsabe nyan eh." si marci pa rin.😅😅😅

"Medyo lang?...." tas napasmirk ako. "Para sa kin wala kayong dating no! tss...." bulong ko sabay kagat sa slice na pizza na kinuha ko.

"Parang di payag si jhoana ah, hahahah...." biglang kambyo ni janna.

Natawa ako ng sabihing yun ni janna. Marunong naman palang makaramdam ang isang ito kala ko build up kung build up ang gagawin neto sa #JhoMar.

"Wala namang masama." si jho. "Actually, si marci yung tipo ng taong magugustuhan ng kahit na sino....."

Napahinto ako sa pag kain at napatingin sa kaharapan kong si jhoana na umayos ng upo.

"Mabuting tao to." si jho at nilingon ang katabe at tinapik tapik ang balikat neto. "Ang loyal kaya nya......super ang LOYAL nya."

Tinamaan ako dun ah! Diniinan pa nya yung word na LOYAL, alam kong sinadya nya yun para tamaan ako.At totoo nga, tinamaan nga ako. Ayun, sapol!......Bullseye! Galing!.....Ang sakit ah!

"Ayokong magsalita ng tapos pero.......malay naten, di ba?" si jho tas tinitigan pa talaga ang lalakeng yun tas nag smile pa!

Napahampas ako sa mesa namen sa sobrang selos. Napatingin silang tatlo sa kin na may halong pagtatanong ang mga mata, nginitian ko ang dalawa sabay peace sign✌pero si jho ay inirapan lang ako ng bongga. Lalo akong nainis sa ginawang yun ni jhoana kaya ang nagawa ko na lang ay muling kumuha ng pizza at kumain.🍕

"Yun oh!" si marci na kala mo sinagot na sya, grabe lang yun reaksyon? Tss.... "Alam nyo?.....Kayo rin naman ah.....Ang cute nyong tingnan together. Ang cute nyong couple." 😁

Nagkatitigan kame ni janna matapos na sabihin yun ni marci, pero agad din nabawi yun ng masamid si jho, mabilis pa sa alas kwatro na napatayo ako sa kinauupuan ko at lumapit kay jhoana,nasa gilid nya ako pumwesto gamit isang tuhod kong itinukod para makaupo lang, walang patid ang pag ubo nya kaya ang ginawa ko ay hinimas himas ko ang likod ng baby ko sabay sabe ng "ehem". Habang si marci naman ay agad na may kinuhang bottled water at lalong inilapit ang upuan kay jhoana.

( Aba! Boy scout si boy singkit ah. Meron agad na tubig at bottled water pa ha. Tsk!.....+10 points na agad si marci.... ) 😀✌

Pinag buksan agad ni marci si jho at iniabot yun sa kanya, kameng dalawa ay parehong naghihintay kung ookay na ba ang kalagayan nya. Agad kong inihanda ang panyo ko, at ng matapos sya sa pag inom ay inialok ko ito sa kanya. Pareho kameng napatingin ni marci sa isat isa, sabay kase kameng nag abot ng panyo kay jho.

Nagulat kameng tatlo ng biglang may nagflash sa mga mukha namen, yun naman pala ay kinuhaan kame ng picture ni janna gamit ang phone nya.

"See guys...." si janna at iniharap sa ming tatlo yung nakuhaan nya ng picture. "Parang pang poster lang ng romantic flix ang datingan eh." dagdag pa nya sabay tawa.

Wala ni isa sa min ni marci na kinuhaan nya ng panyo sa halip ay sa mga tissue na lang sya kumuha. Napabuntong hininga ako na tumayo at itinago ang panyo, bumalik ako sa kinauupuan ko pero di ko na iniaalis ang mata ko kay jhoana na ngayon ay panay tango ang ibinibigay kay marci tas ngingiti sandali.

"Okay ka na?" tanong ko sa kanya.Wala akong pelam kung nag uusap pa sila ni marci, gusto kong malaman ang kalagayan nya.

Tinitigan nya ako ng seryoso. "Hindi pa......Pero magiging okay din ako." makahulugang sabe neto.

Napalunok ako sa sinagot nya. Alam kong double meaning yun kaya pasimple ako ngayong nagpapanic sa loob ko. Kelangan ko talagang magpaliwanag sa kanya at alam kong mahabang pag uusap ito at alam ko ding mahihirapan ako na pagpaniwalain sya.
Naku naman bea, bad shot ka ngayon sa baby mo.Tsk...Tsk....Tsk....

"Kayo?....I mean....Kayo ni bea.....Ang cute nyong tingnan." si marci. "Para kayong couple."

"Kame?!" si janna na napatingin sa kin kaya napatingin din ako sa kanya. Di ko inaasahan na (naman) ang pag akbay nya sa kin kaya napasubsob ako sa pisngi nya. "Couple kame? hahahaha...." tas lalo nyang hinigpitan ang pag akbay nya sa kin at halos pasakal na yun. "Bagay ba kame?......Jho?"

Nalintikan ka na! Si jhoana pa talaga yung tinanong eh noh! Kahit hirap ako sa posisyon ko ngayon ay napatingin pa rin ako kay jho na seryoso na nakatingin sa ming pareho bago bumaling kay janna.

"Yung totoo?" tumango si janna naman. "Hindi." simple at tipid na sagot neto saka uminom muli ng tubig.

"Awwww......" si janna na napanguso na lang. At saka nya ako pinalaya sa pagkakasakal/akbay nya sa kin. Kala ko tapos na yun pero iniharap nya ako sa kanya at hinawakan sa magkabilang pisngi at pin-ress. Para akong sisipsip ng kuhol ngayon sa itsura kong nakanguso. "Di daw tayo bagay bei, sabe ng BESTFRIEND mo.....Ouch naman!" tas lalong pin-ress ang mukha ko. "Bakit ba ang cute cute ng babe ko?"

"Janna...." ako. Buti na gets neto yung gusto kong mangyare kaya binitiwan na nya ako. Pareho kameng umupo ng maayos.

"Matagal na ba kayong magkakilala?" si marci na gusto talagang ungkatin ang nakaraan ko.

"Sa poveda....."si janna na yung sumagot para sa kin. "Dun kame nagkakilala and naging......"

Binigyan ko ng "umayos ka" look itong katabe ko, para kaseng mabubunyag na yung nakaraan namen dalawa dati, ngayon mismo sa harapan pa ng baby ko. Para naman di na gets yun ni janna kaya nagpatuloy ito.

".....were became friends......And......Eventually---"

"Janna." firm kong sabe sabay hawak sa kamay nyang nasa mesa. Agad ko din naman yun binitawan.

"M-marci, tara na kaya." sabat ni jho. Napatingin ako kay jho na nakakunot noo na talaga.

"Huh?" si marci na napatingin sa kanya. "Nabusog ka ba? Parang di ka naman kumain eh."

"Kelangan ko ng bumalik ng dorm, meron pa akong tatapusin na project di ba? Kaya tara na." si jho na tumayo na at kinuha yung mga pinamili nya.

"Uh....Okay." si marci at nagmadali ding kumilos.

Napatayo ako. "Hatid na kita."

Napabaling naman ng tingin sa kin si jho. And swear nakita kong muli ang mga na mumuong mga luha sa kanyang mga mata. "Hindi na. Tutal si marci naman yung kasama ko kaya sa kanya ako sasabay saka......" saka sumulyap sa katabe ko. "Di pa kayo tapos kumain eh and parang may pupuntahan pa kayo."

Muli nyang inaya si marci at this time ay tumuloy na silang umalis. Di ko magawang sundan sina jho kaya tanging nagawa ko na lang ay ihatid sya ng tingin hanggang sa makalabas sila ng shakeys at mawala sa mga taong nandoon.

Walang gana akong napa upo ulit, di ko na din magawang ipagpatuloy ang pag kain ko. Maya maya lang din ay nag aya na ding umalis si janna.

"Ano yun kanina?" naiinis kong tanong kay janna ng nasa kotse na kame pero di pa kame naalis. "Alam mo ba sa ginawa mong yun magkakalabuan kame ni jho?"

"Selosa pala ang baby mo." nakangiting sabe naman ni janna.

Naikwento ko na kase sa kanya ang lahat and naging malinaw na rin sa ming dalawa ang lahat, kumbaga, nagkaroon na kame ng closure. Malinaw na mahal ko talaga si jhoana at ai janna ay parte ng nakaraan kong di nag succeed/ di kelanman nagkaroon ng pagkakataon na maumpisahan pero agad na naputol ng tadhana. Alam nameng pareho noon na meron kameng feelings sa isat isa yun nga lang di ba nagkahiwalay ng pagkakataon.

"Nantrip ka lang no?" ako na nakatingin sa kanya na ngayon.

"Grabe naman yung term mo babe." saka natawa.

"Isa pa yan, talagang binanggit mo pa yung endearment naten dati. Nang iinis ka lang eh." ako. "Ngayon di ko tuloy alam ang gagawin kong panunuyo sa kanya ngayon."

"Im sorry." biglang sabe ni janna na halatang naguilty. "Sorry talaga bea, you want kakausapin ko sya magpapaliwanag ako---"

"No need." putol ko sa kanya. "Baka lalo pang magulo eh. Ako na lang ang bahala." napabuntong hininga na lang ako saka binuhay ang makina ng kotse ko. "San nga ba ang punta mo?"





























Nagpahatid si janna sa bulacan, gusto kase nyang dalawin yung isa nyang pinsan na super close sa kanya at sa kin na rin dati. Isa yun sa may alam sa MU stage namen ni janna dati, pabalik na kase sya sa australia at gusto na muna nyang makapagbonding dito bago man sya umalis ng pinas.

Dapat ay hatid lang talaga ang gagawin ko kaya lang ng makita nya ako ay inaya na akong pumasok sa kanila, kamustahan at chikahan ang nangyare sa min.....actually sa kanilang dalawa. Mostly, nakikinig lang ako sa kanila at nakikitawa na rin kung minsan. Gusto ko na sanang umuwi kaya lang everytime na magta try akong magpaalam at sya namang may tinatanong yung pinsan nya sa kin tungkol sa UAAP, sa ALE, kay ate ly at ang matindi pa dyan ay nakichismis na rin ito about sa aming "relationship" ni jho. Halos kalat na nga yung sa ming dalawa, tsk! Wala pa man dun sa stage na "girlfriend" namen ang isat isa ay alam na nilang lahat ang sa ming dalawa! WOW!😱

Nakakuha ako ng tyempo at di na ako napatumpik tumpik pa kaya nagpaalam na sa kanila, binigay kong alibi na may training pa akong hahabulin which is totoo naman na may training kame pero nagtext na ko kanina kay ate ly na di na ko makaka attend ng afternoon training gawa nga na nasa bulacan nga ako ngayon at baka maipit ako sa traffic. Nag okay naman si ate ly at sinabihan pa akong mag ingat pauwi, ang bait talaga ni phenom, kaya mahal namen yan eh and mahal sya ng lahat.😉😁

Habang nabyahe ako pabalik ng manila ay nalipad ang utak ko, nauna pang nakarating sa kin sa manila! hehehe.....Seriously, di ako mapakale kase kanina ko pang tinatawagan si jho pero ring lang ring ito. Alam kong di rin sya umatend ng training dahil hinahabol nya yung project na pasahan na bukas, saka ko lang naalala! Nagpapatulong nga pala ang baby ko sa kin!

( Hala ka, bea! )

Muli kong tinawagan si jhoana pero this time ay out of coverage na sya, Siguradong in-off nya ang phone nya pagkatapos nung huli kong tawag sa kanya.😥

Madilim na ng makarating ako ng ateneo, diretso ako agad sa eliazo. Alam kong andito lang sa dorm si jho, halos takbuhin ko na nga makarating lang dun. Pagpasok ko halatang wala ang mga makukulit na agila sa pugad, ang tahimik kase ng loob ng dorm. Diretso ako sa second floor, nakaawang ng onte ang pinto ng room nila jho kaya sinilip ko naman ito mula dito sa kinatatayuan ko.

Nung una halos wala akong makitang tao sa loob, yun nga lang ay ang kalat ng floor nila. Halatang may ginagawa dun kase sa mga nakakalat na papel, glue, styrofoar at marami pang iba. Lumapit ako sa pintuan nila, huminga muna ako ng malalim bago ko dahan dahang iniuwang pa ng medyo maluwag ang pinto nila. Isinilip ko ang ulo ko dun para mahanap kung san ang tao dito sa loob, at ayun na nga. Nakita ko si jho na nakaupo sa bed nya habang tulala dun project nya na almost patapos na rin. I feel bad kase di ko man lang natulungan ang baby ko sa project nya. Kung tutuusin ay pinilit ko pa ang sarili ko na tulungan sya kahit di naman sya nahingi ng tulong pero nagpumilit ako kaya umo-o na lang si jho.

Mahina akong kumatok para makuha ko ang atensyon ni jho na nakatulala nga, and buti naman parang natauhan ito. Bahagyang napapitlag si jho sa pagkatok ko sabay lingon nya sa may pintuan nila, nakasungaw na ko kaya nakita agad ako ni jhoana.

Wala syang reaction na nakatingin sa kin ngayon, humigit ako ng malalim na hininga bago tuluyang pumasok sa room nila. Tipid akong ngumiti sa kanya habang nalapit pero NR pa rin ang baby ko, hanggang sa binaling na lang ang paningin nya sa project nya na nakalagay sa floor ng room nila. Umupo ako sa tabe nya pero may onteng space sa pagitan namen, tinatantya ko ang timplada ng baby ko eh, mahirap na.😅

"Tara, kain tayo." pinasigla ko ang boses ko saka tumingin sa kanya. Pero ang isang jhoana ay binalingan nga ako ng tingin pero mabilis ding binawi yun.

Tumayo sya at may kinalikot ng onte sa project nya.

"Uh....Almost done na rin pala eh." sabe ko. "Mukhang di mo na kelangan ang tulong ko, hehehe...." sabay kamot sa ulo.😅😅😅

Huminto sa kanyang ginagawa si jho at tiningnan ako ng walang emosyon, blangko lang. Napahinto ako sa pagtawa ko ng makita ko yung ganong tingin sa kin. Di ko matantya si jhoana ngayon, ang hirap nyang basahin, ang hirap basahin yung tingin nyang yun.

"T-tara kain muna tayo sa kusina then balik na lang tayo maya para sa finishing touches dyan sa pro---"

"Mauna ka na." cold nyang sabe tas muling nagpaka busy sa ginagawa nya.

"Maya na yan, kain na muna tayo. Mauna na tayo sa kanila, may dala akong foods sa baba." nakangiti kong sabe.

"Sige. Una ka na lang, maya na ko." si jho.

"Jho---"

Tiningnan nya ako pasandali. "Kung gutom ka na, mauna ka, wag mo kong istorbuhin dahil may ginagawa pa ako." may pagkamataray nyang sabe sa kin saka muling nagpakabusy. "Di ka man lang ba pinakain ng EX mo bago ka pinauwi?"

"EX? Sino?" ako na napataas pa ang boses ko.

Tumayo si jho at pumunta sa study table nya na para bang may hinahanap dun, sinundan ko lang sya ng tingin.

"San na ba kase yun?" narinig kong sabe nya habang kinakalkal ang bawat sulok ng mesa nya. "Leche naman oh! Pag di kelangan andyan pero pag kelangan mo wala! NAWAWALA! Peste!"

Di ako manhid para di maramdaman na double meaning yung sinasabe nya. "Ano ba yung hinahanap mo?" tanong ko na at saka tumayo na rin. Di sya sumagot sa kin pero patuloy syang naghahanap, binabagsak na nga nya yung mga libro na nasa mesa nya.

"Asan ka bang bwiset na scissor ka!" si jho na halata sa boses na bwiset na bwiset na.

Nakita ko yun kanina lang ah, inilibot ko ang mata ko sa lapag then sa bed kung saan kame umupo kanina.......And yun! Andun nga andun yung hinahanap nyang gunting. Kinuha ko yun and then lumapit kay jho na patuloy sa paghahanap.

Kinalabit ko sya pero di nya ako pinansin sa halip ay lumayo ito sa kin at dun sa lapag naman sya naghanap, muli ko syang nilapitan pero this time ay tinarayan nya ako.

"Ano ba, beatriz?!" si jho na humarap sa kin na magkasalubong ang mga kilay.


Bago pa man sya makapagsalita ulit ay pinakita ko na sa kanya yung scissor na kanina pa nyang hinahanap, akmang kukunin na nya yun sa kin ng mabilis ko itong itinaas ito. Masama nya akong tiningnan pero di ako nagpasindak, pilit naman nya itong kinukuha sa kin pero lalo ko lang iniiwas to sa kanya.


"Akin na." seryoso nyang sabe.


"No. Ibibigay ko lang to pag pumayag kang kumain na muna tayo." ako then nginitian ko sya.

"Ayoko." si jho sabay muling tumingkayad para maabot yung gunting na nasa kamay kong nakataas pa rin.


Eh wais akong tao kaya tumingkayad din ako para lalong mataas at lalong di maaabot ng baby ko, ang ginawa naman nya ay tinalon talon na lang nya ito bakasakaling maabot, eh parang nga! Kaya gawa naman ako ng paraan para maiiwas sa kanya to, pinagpalit palit ko sa dalawa kong kamay yun. Natatawa at natutuwa ako sa ginagawa nameng pareho para kameng mga bata! Ako, na nang bubully at sya na napipikon na sa kin. Hahahah.....😄😄😄

Determinado talaga si jho na makuha ang gunting, kesehodang maglambitin sya sa kin ay gagawin nya para makuha lang to. Paatras kame ng paatras hanggang sa ma-out of balance ako at buti na lang ang mababagsakan namen pareho ay kama. Mabilis kong niyakap ng isa kong kamay ang bewang ng baby ko habang ang isa ay hawak pa rin yun gunting ng paitaas bago kame bumagsak pareho sa kama nya.

Sandali kameng natahimik pareho, ako na nakatingin sa kisame habang yakap ko pa rin ang baby ko, binitawan ko na yung gunting para dalawang kamay ko na syang mayakap. Ilang segundo din na ganon lang ang posisyon namen, si jho na nakadapa sa kin mismo at nakahilig ang ulo neto sa dibdib ko.


"Okay ka lang?" ako.

Nag angat sya ng tingin at nakita ko agad ang pamumuo ng luha neto sa mga mata nya, nag panic ako kaya ibinaba ko sya sa gilid ko. Tinanggal ko ang ilang strands ng buhok na tumabing sa mukha ng baby ko, magtatanong ulit sana ako ng tinabig nya ang kamay kong hinihimas ang pisngi nya.

Tumayo si jho at lumayo sa kin, halata kong pinunasan nya ang kanyang mga mata kahit nakatalikod pa sya sa kin ngayon. Umupo rin ako then lumapit ako sa kanya kase alam kong may problema at kelangan nameng ayusin to ngayon.

"J-jho.....Okay ----"

"Ang lakas mong tanungin sa kin yan no?" sarcastic nyang sabe na di humaharap sakin.

"Gusto ko lang kaseng malaman kung okay ka lang ba? Nasaktan ka ba?" saka ako nakakuha ng tyempo para mahawakan sya sa magkabilang balikat at sinipat sipat sya at buong katawan nya. "May.....May masakit ba sayo?"

Muli nyang tinabig ang mga kamay kong nakapatong sa balikat nya at tulad kanina ay lumayo ito sa kin. Sinundan ko lang sya ng tingin, nagpalakad lakad ito pasandali saka nakapameywang na humarap sa kin.

"Seryoso? Gusto mong malaman kung OKAY ako?" sya saka sarcastic na tumawa. "Pwes, Ms. De leon, HINDI PO AKO OKAY. Okay?" tas ngayon ay seryoso naman sya. "May masakit ba sayo? Nasaktan ka ba?" na inulit at ginaya pa nya yung pagtatanong ko kanina. "Oo. May masakit sa kin at NASAKTAN mo ako."

Nanatili ako sa kinatatayuan ko na tahimik ngayong nakatingin lang sa kanya. Alam kong di ang pagbagsak namen kanina sa kama yung gusto nyang ipunto dito, ramdam ko.

Humugot ng hininga muna si jho na para bang pinakakalma ang sarili. "Bakit ka nagsinungaling?" si jho.

Napayuko ako. Sabe na nga ba ito yung issue namen ngayon ng baby ko, ito yung gusto nyang ipunto kanina pa. Ipinapadaan lang nya sa ibang bagay. "Sorry." mahina kong sabe.


"Sorry?" si jho. "Yun lang? sorry lang?"

Nag angat ako ng tingin at ayun si jhoana namumula ngayon sa (galit) sa inis sa kin. Magkasalubong at halos magdugtong na nga ang mga kilay nyang nakatingin sa kin.

"Wala ka man lang bang ibang sasabihin? Di ka man lang ba magpapaliwanag sa kin? huh?" si jho. "Sabagay, ano nga ba ako sayo? di ba?"

"Hindi naman sa ganun yun---"

"GANUN YUN!" putol sa kin ni jho. "Kung di pa ako nagpu pupunta ng mall, di ko malalaman yung mga kalokohan mo.....Umamin ka nga sa kin beatriz, ilang beses ka na bang nagsinungaling sa kin para lang sa EX mo?"



































































Continue Reading

You'll Also Like

431K 17.6K 61
โ•ฐโ”ˆโžค *โ‹†โ ๐ข'๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ก๐ž๐ซ ๐ง๐จ๐ญ ๐ฅ๐จ๐ฌ๐ž ๐ฆ๐ฒ ๐œ๐จ๐Ÿ๐Ÿ๐ž๐ž ๐ญ๐š๐›๐ฅ๐ž ๐š๐ฌ ๐š ๐ซ๐ž๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐ง๐  ๐จ๐Ÿ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐š๐ญ ๐ญ๐ข๐ฆ๐ž-๐›...
330K 19.1K 72
Y/N L/N is an enigma. Winner of the Ascension Project, a secret project designed by the JFU to forge the best forwards in the world. Someone who is...
289K 11.7K 41
แ€ค Fic แ€žแ€Šแ€บ แ€กแ€›แ€™แ€บแ€ธแ€›แ€ญแ€ฏแ€„แ€บแ€ธแ€…แ€ญแ€ฏแ€„แ€บแ€ธแ€žแ€ฑแ€ฌ แ€กแ€žแ€ฏแ€ถแ€ธแ€กแ€”แ€พแ€ฏแ€”แ€บแ€ธแ€แ€ฝแ€ฑแ€€แ€ญแ€ฏแ€žแ€ฌแ€žแ€ฏแ€ถแ€ธแ€‘แ€ฌแ€ธแ€žแ€ฑแ€ฌ Big Warning ๐Ÿšจ18+ Fic แ€แ€•แ€ฏแ€’แ€บแ€–แ€ผแ€…แ€บแ€žแ€Šแ€บ แ‹
873K 40.5K 61
Taehyung is appointed as a personal slave of Jungkook the true blood alpha prince of blue moon kingdom. Taehyung is an omega and the former prince...