Abaddon School (Part 1&2)

By TitserAna

12.7K 1.2K 97

Abaddon School (Part 1) - Completed Abaddon School (Part 2) - Completed Abaddon School: The Last Fight (P... More

ABADDON SCHOOL
AUTHOR'S NOTE
CHARACTERS
PROLOGUE
Abaddon School Part 1.1
Abaddon School Part 1.2
Abaddon School Part 1.3
Abaddon School Part 1.4
Abaddon School Part 1.5
Abaddon School Part 1.6
Abaddon School Part 1.7
Abaddon School Part 1.8
Abaddon School Part 1.9
Abaddon School Part 1.10
Abaddon School Part 1.11
Abaddon School Part 1.12
Abaddon School Part 1.13
Abaddon School Part 1.14
Abaddon School Part 1.15
Abaddon School Part 1.16
Abaddon School Part 1.17
Abaddon School Part 1.18
EPILOGUE
ABADDON SCHOOL - END
PROLOGUE (ABADDON SCHOOL PART 2)
Abaddon School 2.1
Abaddon School 2.2
Abaddon School 2.3
Abaddon School 2.5
Abaddon School 2.6
Abaddon School 2.7
Abaddon School 2.8
Abaddon School 2.9
Abaddon School 2.10
Abaddon School 2.11
Abaddon School 2.12
Abaddon School 2.13
Abaddon School 2.14
Abaddon School 2.15
Abaddon School 2.16
Epilogue [Part 2]
note
PROLOGUE (PART 3)
3.1

Abaddon School 2.4

151 10 0
By TitserAna

Chapter Four: Field trip

LINCOLN'S POV

Nakarating na ako lahat-lahat sa bahay namin pero hindi ko pa rin makalimutan ang mga narinig ko sa dalawa.

Tungkol saan ba ang pinag-uusapan nina Spencer at Rey?

Ano iyong sa field trip? Ano iyon? Ginulo ko ang buhok ko dahil sa hindi ko malaman na dahilan.

Hindi ako mapakali kung tungkol saan ang pinag-uusapan nila, kinuha ko ang phone ko at hinanap ang numero ni Rey. Alam kong may alam siya sa mga nangyayari ngayon.


Nang makita ko ang number niya, agad ko itong tinawagan.

Answer my call, Rey.  Naknang! Sagutin mo tawag ko Rey Smith!

"Your number you dialed is not in service. Please, try again later. Thank you."

"Your number you dialed is not in service. Please, try again later. Thank you."

Binaba ko ang tawag at saka ko ulit tinawagan ko siya.

Puro ring nang ring ang phone niya. Baka naman hindi pa siya nakakauwi?

Ilang beses nagriring ang phone niya at ilang minuto narinig ko na naman ang boses ng babae.

Your number you dialed is not in service. Please, try again later. Thank you.

Your number you dialed ---

Bago pa ulit magsalita ang babaeng iyon, binaba ko na ang tawag ko.

Mamaya ko na nga tawagan ang kumag na iyon.

Nagpalit na muna ako ng damit at inasikaso ang mga gamit ko.

Habang inaayos ko ang mga gamit ko sa school, naalala ko ang sinabi ni Ms.Niña, may mag-eemail sa amin para sa waver ng field trip. 

Kinuha ko ang laptop ko at binuksan ito. Habang hinihintay ko itong ma-open, may natanggap akong text galing kay Debra.

Lincoln, may natanggap na akong email. Iyon yata iyong waver natin para sa field trip. Buksan mo na iyong email mo. Then, iprint mo na. Pinaalala ko lang sayo baka nakalimutan mo,eh.

Napailing ko sa kanya. Anong akala niya sa akin? Makakalimutin ako?! Parehas talaga sila ni Ivan.

Nagreply ako sa kanya.

Yes, mahal na prinsesang Debra. Ito na oh, binubuksan ko na laptop ko. Parehas talaga kayo ni Ivan. Itext mo rin si Fayce mas makakalimutin iyon kaysa akin.

Sent.

Nang mabuksan ang laptop ko, agad akong pumunta sa email address ko. Naknang, ang bagal ni WiFi,oh. Nakikisama siya ngayon.

After 10 yrs, nakapaglog-in din.

Hinanap ko agad ang email ng school namin. Nang makita ko ito, nakita ko rito ang waver para sa field trip namin.

Agad kong kinonnect ang laptop ko sa printer namin para maprint ko itong waver na 'to at mapapirmahan kay mama.

Nang makita kong naiprint na, sinarado ko na ang laptop ko at bumaba agad sa sala para ipakita ko ito sa mga magulang ko.

Sana lang talaga pumayag sila.

Simula ng mangyari ang tungkol sa Abaddon School, naghigpit na sila sa akin. Kailangan alam nila kung saan ako pupunta, kung sino mga kasama ko at anong oras ako makakauwi.

Naging mahigpit sila sa akin pero alam ko namang para sa akin iyon. Ayaw na nilang maranasan ko ang nangyari sa amin 1yr ago. Kahit kaming anim ayaw na namin maranasan iyon.

Nang makababa ako, nakita si papa na nanonood ng tv, mukhang balita na naman pinapanood niya.

Tumabi ako kay papa sa sofa, balita nga ang pinapanood niya.

Lumingon sa akin si papa.

"Ano iyang hawak mo Lincoln?" At tumingin ulit sa tv.

Magsasalita na sana ako.

"Mga kabataan talaga ngayon, hindi alam ang tama sa mali..." May binalita kasing mga kabataan na gumagamit ng bawal na gamot.

"Alam naman nilang bawal iyan. Hindi ba sila ginagabayan ng mga magulang nila?" Tumingin sa akin si papa "Kaya ikaw Lincoln, wag kang gagaya sa mga kabataan ngayon na pa-cool at sunod sa uso na akala mo mga adult na kung kumilos. Ienjoy mo 'yang kabataan mo, minsan lang iyan. Baka kapag dumating ka na sa adult stage, gusto mo na lang ulit maging bata." Napatango na lang ako sa sinabi niya. Nakakatakot si papa.

Bumaling ulit siya sa tv at nanood ulit ng balita. Puro patayan at awayan sa pulitika ang mga binabalita sa tv. Wala na bang bago? Wala na bang pwedeng ibalita? Iyong mga good samaritan pwede naman nilang ibalita iyon para maging impluwensya sa mga kabataan ngayon.

Nakakatakot na talaga sa bansa namin.

"Ano pala iyang hawak mo Lincoln?" Sabi ni papa sa akin.

Muntik ko ng makalimutan.

"Ah-eh. Pa, waver po para sa school field trip namin." Mahinang sabi ko sa kanya.

Napatingin siya sa akin na parang nagtataka. "Field trip? First day of school tapos field trip agad?" Tanong ni papa sa akin.

"Ah-opo papa,eh. Para raw po makalimutan ng mga estudyante ang nangyari sa ekswelahan." sagot ko sa kanya.

"Hindi ba delikado niyan? Kailan ba niyang field trip niyo?"

"This week po,pa. Baka po sabihin ni Ms.Niña bukas iyong exact date po."

"Ah-okay. Puntahan mo mama mo sa kusina, sa kanya ka magsabi about dyan, kung sa akin papayagan kita. Iyong mama mo mukhang natrauma na dahil sa nangyari sa last year." tumango na lang ako kay papa at tumayo para puntahan si Mama sa kusina.

Nakita ko si Mama na naghahain na ng pagkain sa lamesa.

"Oh, nandito ka na pala. Tawagin mo na papa mo, kakain na tayo." tumalikod na ulit siya at pumunta sa refrigerator.

Ni-roll ko muna ang waver at tinawag si papa sa sala.

Habang kumakain hindi ako mapakali kung sasabihin ko na ba ang tungkol sa field trip ng school. Kinakabahan ako baka hindi ako payagan.

"Mery, si Lincoln may sasabihin sayo." tumingin si papa sa akin at tumango na parang sinasabi na sabihin ko na.

Uminom muna ako ng tubig.

"Ma, may field trip pong magaganap sa school. This week na po." mabagal at mahinang sabi ko kay mama habang hindi nakatingin sa kanya.

"Field trip?" unang salitang lumabas kay mama.

Tumingin na ako sa kanya "Opo,ma. Field trip po."

"First day of class, field trip agad?" parang may bahid na ng galit ang boses ni mama.

"Mery, para raw mawala ang trauma ng mga bata sa ekswelahan. Saka, kasama naman yata sila Ivan at Gino." malambing na sabi ni papa kay mama.

Hindi ko pa pala nasabi na nandito na sila Fayce, Debra at Rey.

"Kasama rin po sina Fayce, Debra at Rey. Nandito na po ulit sila." Mahinang sabi ko sa kanilang dalawa.

"Umuwi na sila? Dito na ulit sila mag-aaral? Si Rey? Umuwi na ba sa bahay nila?" sunod-sunod na tanong ni mama.

Kaya tumango na lang ako sa kanya.

"Sabi na nga ba,e. Iyong sinundo kita, siya iyong nakita ko. Akala ko ibang tao."

"Kaya mama payagan mo na ako." nagpapaawa effect ko sa kanya. "Lahat po sila sasama." dugtong ko.

Nagcross finger na ako. Sana payagan ako. Sana.

"Okay. Papayagan kita,Lincoln. Pero, tawagan mo ako kada oras. Kung nasaan na kayo at kung anong ginagawa niyo. Ayoko ng mangyari sayo, ang nangyari last year. Okay?"

Ngumiti ako sa kanya at sunod-sunod ang ginawa kong pagtango kay mama.

Nang matapos kumain ng dinner. Umakyat agad ako.

Naalala kong tatawagan ko pala si Rey, itatanong ko kung anong mayroon sa field trip na iyon.

Kinuha ko ang phone kong naiwan sa kama at tinawagan agad siya.

Ring!!! Ring!!!

Gutchi-gutchi-gutchi gawn gawn. Gutchi-gutchi-gutchi

Naknang! Anong klaseng ringtone ito?

Dalawang ring pala, sinagot na agad ni kumag. 

"Hello Lincoln? Bakit napatawag ka?"

"Bakit ganoon ringtone mo? Ang panget? Anong Gutchi-gutchi? Kabaklaan mo pre!" sabi ko sa kanya. Nakakarindi kasi iyong ringtone. Sabihin ko nga kay Fayce bukas.

"Kupal! Wala kang pake sa ringtone ko! Ang ganda kaya. Hindi ka isang millennial." Anong millennial ang pinagsasabi niya.

"Bakit ka nga pala tumawag? Kung about sa email, naprint ko na iyong waver at may pirma na rin ng magulang ko. Bwisit nga,eh nabungangaan ako ni Mama hays. Kung saan daw ba ako nagtago ng apat na buwan." Gusto kong tumawa sa kanya pero may itatanong pa ako sa kanya.

"Hindi iyon ang itatanong ko. Tungkol saan ang pinag-uusapan niyo ni Spencer kanina? Iyong about sa field trip." May narinig akong kalabog mula sa kanya.

"Ayos ka lang ba,Rey?"

"Ah-oo. Langya, nagulat lang ako sa tanong mo. Bukas ko sasabihin sa inyo ang tungkol d'yan. Para lahat kayo may alam. Basta mag-ingat tayo sa field trip na magaganap." Naging seryoso ang boses niya.

"Basta bukas sasabihin namin. Lahat ng alam namin..."





- to be continued -

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.

Thank youuuu!💋💕

Continue Reading

You'll Also Like

21.6M 752K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
27.5M 701K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
25.4M 850K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
18.6K 1.6K 22
Tatlong Dalagita ang napadpad sa Tulay ng Baryo Kasalanan at nabiktima ng limang kalalakihan.. May tatlong Dalagita pa kaya silang mabibiktima sa Tul...