Ruel's Charm

Por xianrandal

2.1M 26.7K 1.4K

He is a certified gigolo. He is a woman's man. Hulog raw siya ng langit para sa mga kababaihan. But he fell i... Mais

Author's Note
Otor's Note #2
Ruel's Charm
1 First Encounter
2 Can't Remember Her
3 Hold Up
4 Police Interview
5 The Visitor
6 Entrapment
7 First Dinner Together
8 Shooting Competition
9 The Visitor
10 The Event
11
12 The Ride
13
14
15
16
16b
17
18 - Jogging Time!
19 M.U.
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60 - END (tonay na koya)
Special Chapter (geh na lang)
Special Chapter 2 - na naman!

46

24.5K 314 46
Por xianrandal

46

Matatapos ko rin itong story na to...aja! Lalaking operator please..PM lang po

*****************************

“Yes, lahat ay pantay-pantay, babae man o lalaki. So naniniwala ako na pwedeng manligaw ang babae sa lalaki. Hmmm. Gusto mo bang itanong sa akin kung liligawan kita kung sakaling magkakagusto ako sa iyo?”

“Whoa!” Lahat nagreact. Langya! Tama ba itong babaeng nai-hire ng kapatid niya? Nakikipag debate sa may-ari, walang takot, take note, si Ruel pa na ubod ng alaskador.

“Alam mo, Miss Kim, kahit na hindi ko itatanong yan sa iyo, alam ko namang magkakagusto ka sa akin, if not now, soon.” Masyadong bilib sa sarili na sabi ni Ruel Acquino.

“That’s enough Ruel. Huwag mong inaasar si Kim.” Awat ni Alexie kaya hindi nakapagsalita ulit si Kim.

“Isa pa, Miss Mendoza, that’s not the proper way of answering your Boss. Baka nakakalimutan mong may-ari ang kaharap mo.” Si Carlos. Nagsusuplado.

Napatingin si Kim sa kanya. Sa kanilang lahat na nandun, itong Carlos Manlotoc yata ang pinakamasungit sa lahat. Mukhang dito siya magkakaproblema. Si Ruel Acquino na masyadong mahangin ay kayang-kaya niya. Sabagay, may ipagmamalaki naman din kasi. Mukha yatang conceited lang.

“Okay! Enough for today, next week, papanoorin natin silang magluto, I mean sina Chef, at titikman natin ang drinks nina Kim at Lowai. Para naman in case na hindi nyo magugustuhang apat ay pwede pa natin silang palitan. Napag-usapan na naming yan. So, gentlemen, and Kim, you can go.” Sabi ni Alexie sa tatlong lalaki at kay Kim.

“What can you say, boys?” Tanong ni Alexie sa apat.

“Okay naman silang lahat sa akin, pero yung Kim, she’s interesting.” Sabi ni Aron Miguel.

“Alangan namang yung tatlo ang interesting, si Kim lang naman ang babae dun.” Asar ni Marcus.  “Huwag mong sabihin na interesado ka Aron Miguel?”

“Hindi ah! I am in love with only one person, at alam nyo kung sino siya.” Parang sira na nangangarap ito.

“Do you think she could handle herself well, Alexie? I mean, she’s a girl and to think na she looks fragile.”

“Uh ha. She’s a black belter in Karate, Carlos. She’s good in other martial arts too, she knows Japanese and Visayan  dialect kahit galing siyang States, and mind you, she’s good in mixing drinks, sa kanilang dalawa ni Lowai, sa kanya ako mas impressed.”

“Really huh! She’s like Gab pala, a tough woman.” Wala sa sariling nasabi ni Ruel. Napatingin ang lahat sa kanya. Hindi nakapagsalita.

“What?” Tanong ni Ruel sa mga kaibigan na nakatingin lamang sa kanya.

“Did you realize what you had just said?” Si Alexie.

“What did I say?” Patay-malisyang tanong ni Ruel.

“You missed her, Pare. Don’t worry, makikibalita ako bukas sa kakilala ko, baka hindi natin alam, nasa Pilipinas na pala.”

“Ulol nyo!” It’s been months. Wala siyang pakiaalam sa babaeng yun, naalala niya lang, yun lang naman.

******************************

He was personally checking the bar when his phone rang. Yung tatlo kasi, madalas rito, siya ay hindi dahil may tinatapos kaya mag-isa siyang pumunta ngayon. He checked who’s calling, it’s Filemon. Bakit siya tatawagan ni Filemon na kasamahan dati ni Gabrielle?

“Hello.”

“Hello, Ruel. In case lang naman na interesado kang malaman. Napadaan kasi ako sa bahay ni Gab kagabi.”

Nagsalubong ang mga kilay niya. As much as possible, ayaw na sana niyang makarinig ng kahit na ano tungkol kay Gabrielle.

“Hindi ako interesado.” He said.

“Ganun ba? Sige, baka lamang kasi anjan na siya at makapag-usap kayo. Sige, yun lang naman.” Then Filemon ended the call.

Ano ngayon kung nasa Pilipinas siya? Ano ngayon kung nasa KIdapawan siya? May magbabago ba? Putek! Akala niya okay na siya. Hindi pa pala, nandun na naman kasi yung sakit na naramdaman niya noon.

“Dammit, Gab! Patahimikin mo na ako.”

********************************

“Ang sabi ng contact ko, Pare, walang Gabrielle DelaMerced na bumalik ng Pilipinas, baka naman namalikmata lamang ang Filemon na iyon.”

“Wala naman akong pakiaalam kung bumalik siya o hindi.” He said while signing on papers that he needed to sign.

“Wala nga ba? Eh bakit mo pa binanggit sa akin?” Nagtatakang tanong ni Aron Miguel.

“Masama bang magkuwento?” Ngayon nagsisisi siya kung bakit natawagan niya pa ang mokong na ito at nabanggit ang tungkol kay Gabrielle.

“Hindi naman, ang masama lang naman pare ay ang ideny mo na hanggang ngayon, apektado ka pa rin ni Gabrielle. Ako nga hindi ako nahihiyang sabihin na hanggang ngayon, umaasa pa rin ako sa amin ni Candice.”

“Iba ang story mo, Pare. Iba yung sa akin.”

“Pareho lamang, Pare. Pareho lamang na hinihintay natin sila, parehong nag-aabang tayo sa pagbabalik nilang dalawa para sa isang paliwanag. Pareho tayong umaasa n asana maayos pa ang lahat.”

“Si Candice iniwan ka dahil kailangan, si Gab, iniwan para sa iba. Ayaw ko na siyang pag-usapan. Soon I will forget her, marami pang iba, mas nakakahigit sa kanya.”

“Marami ngang iba, Pare, pero iisa lang hanap ng puso natin. Corny man pero totoo.”

“Sa iyo siguro, yung puso ko, tuturuan kong maghanap ng iba.”

****************************

Busy ang lahat ng araw na iyon. Opening ng kanilang resto bar. A classy restaurant sa umaga na magbubukas lamang till ten a.m.  And a bar in the evening that opens at six pm. Dalawang opening ang pinaghahandaan nila. At dahil dalawa sila ni Carlos sa bar, napagkasunduan nilang mag imbita ng sikat na banda. Kayang-kaya naman ng budget, dapat kasi mag-iiwan sila ng magandang impresyon sa kanilang magiging parokyano.

“Nasaan na ba si Kim?” Tanong ni Carlos.  Although they still have an hour to prepare pero ang babaeng iyon na lamang ang wala sa kanyang mga staff.

“I don’t know, baka paparating na.” Si Ruel, he was busy looking for his sexytary Mercy na uutusan niya sanang magpalit ng damit dahil halos isang maling yuko na lang ay makikita na ang lahat. Kung hindi lang sana ito efficient, matagal na niyang pinalitan.

“If that lady will be late today, I’ll fire her.” Naiinis na sabi ni Carlos. Hindi man sinabing papasok ang mga empleyado nila ng isang oras bago ang opening, common sense, dapat dumating na ang babaeng iyon dahil malaki ang role na gagampanan niya.

“Easy, Pare. Darating yun. Baka nagpapaganda pa.”

“Yan ang mahirap kapag babae ang empleyado, at mga lalaki ang madalas na customers, magpapaganda pa para mapansin.” Side comment niya.

“I’m here. You don’t need to give me that comment. Hindi ibig sabihin na nahuli ako ng konti, you will be telling me that. Besides, hindi ko na kailangan pang magpaganda, hindi ko kailangan ng effort, maganda na ako.”

Then she went inside the bar and talked to Lowai, her partner.

Susunod sana ni Carlos na inis na inis pero napigilan ni Ruel. “Easy Pare, babae yun.”

“Ang talas ng bibig, hindi niya ba alam na isa ako sa mga may-ari?”

“Hayaan mo na, mukhang mali rin naman tayo ng mga nasabi tungkol kay Kim. Isa pa, akong bahala, idinadaan sa charm yan, Pare. Meron ka nun, gamitin mo, then one false move, papalitan natin siya. Gusto siya ni Alexie eh, at nakita mo naman nung isang Linggo, kakaiba ang mga inuming alam niya, she’s the best in her craft.”

Carlos just shut up. Hindi niya gusto ang Kim na yan, kung siguro siya ang nag-interview rito, kahit gaano pa kagaling ang babae, he will not accept her, not because she’s a girl but simply because there’s something in her that he doesn’t like. And he can’t figure it out this time.

**************************

Sa gusto ko silang isingit….at nasaan na si KIM? Okay na ba yang character mo jan? Mag-ingay ka naman sa comment box..wahahahahaha

-Xian-

Continuar a ler

Também vai Gostar

11.3M 481K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
69.6K 2K 28
BEAUTIFUL LIARS SERIES #2 MISS EAVESDROPPER >>Jhoe Ann (Jhoey) Adorable>>>>>>>>>>>>>>> Anthony x Jhoey Lovestory credits to cas @Iamacoy for the cover
878K 12.1K 34
Book 4 of I LOVE YOU, KUYA! This time, it's Clarisse and Ice Montemayor's story.
872 141 36
Akiesha Cianna Del Via was hidden by his parents. At the age of 9 she accepted that her comfort zone are only in a shelter that designed for her. De...