A Night To Fall

By thelonewriter_

90.1K 2K 833

It is kind of romantic, but a little bit funny that Natalia thought she could experience love through books a... More

Prologue
ANTF 1
ANTF 2
ANTF 3
ANTF 4
ANTF 6
ANTF 7
ANTF 8
ANTF 9
ANTF 10
ANTF 11
ANTF 12
ANTF 13
ANTF 14
ANTF 15
ANTF 16
ANTF 17
ANTF 18
ANTF 19
ANTF 20
ANTF 21
ANTF 22
ANTF 23
ANTF 24
ANTF 25
ANTF 26
ANTF 27
ANTF 28
ANTF 29
ANTF 30
ANTF 31
ANTF 32
ANTF 33
ANTF 34
ANTF 35
ANTF 36
ANTF 37
ANTF 38
ANTF 39
ANTF 40
ANTF 41
ANTF 42
ANTF 43
Epilogue

ANTF 5

1.9K 55 7
By thelonewriter_

Nagising ako nang maramdaman ko ang sun rays na tumatama sa mga mata ko pero hinayaan ko lang at sumubsob sa yakap kong unan para ipagpatuloy ang tulog ko. Hanggang sa ma-realize ko na matigas ang niyayakap ko at mabango, at bahagya akong napaupo bigla nang malaman ko kung nasaan ako ngayon.

And here, nandito pa rin pala ako sa room ni Lennon at tulog pa rin siya hanggang ngayon. Naka-spread ang braso niya kung saan ay ayun ang nagmistula kong unan, at buti na lang, hindi niya alam na nakayakap pala ako sa kanya.

At sa pagyakap ko, bigla akong namula nang malaman kong wala akong suot na brassiere dito sa loob ng suot kong manipis na shirt knowing na nakadikit ako sa kanya. Hindi naman siguro niya alam at.. naramdaman. Aish! Ewan! Kuya ko naman siya, okay lang naman. Siguro.

"Hindi na pala ako nakabalik sa room ko." Bulong ko sa sarili ko at napaaray ako nang madaganan ng leg ko ang inhaler ko kaya kinuha ko na 'yon.

Kasi, paano akong makakabalik doon, eh tinakot ako nitong lalaking ito? Sinabi ba naman na baka mumu ang katabi ko roon sa room ko. Ayoko naman kaya kahit pati siya na mukhang mumu, mas gugustuhin ko pang makatabi siya. Tapos, brownout pa, hanggang ngayon?! Malakas nga yata ang tama ng mga kulog kagabi, kaya pati itong katabi ko, himala na nagmalasakit sa akin na rito na lang ako patulugin.

At mabuti at wala siyang trip na ginawa sa akin.

Napatingin ulit ako sa kanya at tsaka ko napansin na mukha siyang anghel kapag natutulog. Mukha siyang mabait at laging nakangiti, pero kapag gising, parang isang member ng fraternity kung tumingin at magalit. Magulo ang buhok niya, half lang ang nakatakip ng bedsheet at nagulat na lamang ako nang mapansin kung wala pala siyang suot na shirt. Kaya sunod na dumako ang tingin ko ay sa tiyan niya para tignan kung may abs--

"Laway mo, please lang. Huwag mong tuluan ang kama ko."

Napatigil ako at bumalik ang tingin ko sa mata niya na ngayon ay nakamulat na. Gising na ang mukhang angel kapag tulog.

Tinakpan ko ang bibig ko at umiwas ng tingin. "Hehe, nakatulog pala ako. Hehe." Sabi ko na lang at iginala ang tingin ko sa mga display at posters na nandito sa room niya. Puro deadly verses and quotes, at nakakatakot na mukha, tulad na lamang ng joker. Nakakatakot pala rito, feeling ko, nanonood ako ng horror movie kapag iisa-isahin ko pang tignan.

Tumayo na ako at inayos ang suot ko and I have to cover my chest dahil sa nipis ng suot ko na alam kong visible ang breasts ko. At napamura ako nang makita ko kung ano'ng oras na. 6:30 na at may pasok pa pala ako nang 7:30!!!

"Ah, babalik na ako sa room ko! Bye!" Aligagang sabi ko at tumakbo nang lumabas sa room.

"Ate!" Tawag ni Jasper sa akin nang makasalubong ko.

"Ah, hello. Good morning." Sabi ko.

"Saan ka galing? At bakit hindi ka pa nakabihis? Wala ka bang pasok, Ate?" Tanong niya at I have to make excuses dahil hindi niya pwedeng malaman na kay Lennon ako natulog at baka.. Baka ano, basta, hindi pwede.

"Ah, may pasok ako.. M-may tinignan lang ako sa kusina. Pero ito na, maliligo na ako. Pero hindi na ako makikisabay sa inyo, okay? Mauna na kayo ni Evan, pakisabi na rin kay Kuya Jeric na magko-commute na lang ako." Sabi ko at tumango siya.

At nang makarating na ako sa room ko, isinarado na ko ang pinto at sumandal dito. Ilang saglit, nagbalak na ako maligo at good thing na may naipon akong tubig dito sa timba ko at para hindi na ako makapagsayang sa shower dahil brownout pa.

Wala pang 1 hour, tapos na ako mag-ayos at ito, nagmamadali pa ring bumaba upang makapasok na. Talagang nagmadali ako dahil sa 7:30 class na mayroon ako ngayong araw!

Mukhang napasarap ang tulog ko dahil sa paggising ko kagabi na hindi ko alam ang oras, at ngayon, late na talaga ako dahil 7:15 na ay nandito pa rin ako sa bahay, hindi naman ako aabot doon sa class ko sa tamang oras kahit 15 minutes ang byahe at hindi pa kasama roon ang traffic at paglalakad ko papasok sa campus. Lagot ako kay Sir Elias.

"Hija, hindi ka mag-aalmusal? Halika, kumain ka muna rito bago umalis."

"Manang, hindi na po. Doon na lang po sa school, late na po kasi ako." Sagot ko.

"Sigurado ka ba?" Tumango ako. "Sige, mag-iingat ka."

"Sige po, salamat po." Sagot ko at pareho kaming nagulat ni Manang nang mag-switch ang ilaw dito sa sala. May kuryente na, ngayon lang nagbalik. "Mabuti po at may ilaw na."

"Nagtataka nga kami kung bakit nawala, mayroon naman 'yong mga katabi natin. Kaya pina-switch ko sa guard na naglilibot, nakapatay pala 'yong circuit breaker." Sagot pa ni Manang kaya nagtaka ako. Ibig sabihin, hindi talaga brownout at may nangialam lang sa circuit breaker? Sino naman?

Nagpaalam na ako kay Manang at lumabas na. Hanggang ngayon, wala pa rin sina Daddy at Mommy dito sa bahay, wala pa rin silang text sa akin. Pero siguro, pauwi na sila.

Pero buti na lang at hindi pa sila dumating. Paano na lang kung makita nila akong wala sa room ko at malamang nagtabi kami ni Lennon? Not that big deal pero alam kong pagagalitan kami.

Pero hindi ko naman sinisisi si Lennon na pinatulog niya ako sa room niya, natutuwa nga ako kasi parang nagkakaroon na siya ng pake sa akin. Kahit tinwanan niya ako kagabi dahil takot ako sa kulog, narandaman ko pa rin 'yong care niya para sa akin na magtabi na lang kami para may kasama ako at hindi matakot.

Hindi man niya sinasabi. Ramdam ko.

Tuluyan na akong nakalabas ng gate at napatigil ako nang makita si Lennon. Nakasandal siya sa pinto ng kotse niya and he's playing his car keys, naka-shades siya and with his usual attire na suot niya, at parang may hinihintay siya kaya napatingin ako saglit sa likod ko.


Oh, nandito pa rin siya. 7:30 rin ba 'yong class niya? O baka naman may vacant pa siya. Bakit hindi pa siya umalis at mukhang may hinihintay pa?

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa madaanan ko siya at tumabi para maghintay ng taxi. At siya, nasa ganoong pwesto pa rin siya at patuloy lang sa paglalaro ng susi niya. Bagong trip niya ngayong umaga, o baka naman, nagpapa-late o may trip na gawin sa akin.

"Tanga ka ba o sadyang manhid ka lang talaga?" Tanong niya at siningkitan ko siya ng tingin, at sakto namang nakalingon na siya sa akin.

Ano na naman ang nagawa ko at galit na naman siya sa akin?

"Ha?" Tanong ko lang at umiwas ulit ng tingin sa kanya.

"So hindi naman siguro ako maghihintay nang 20 minutes sa'yo kung hindi kita isasakay sa kotse ko, 'no?" Sabi niya kaya napatingin ulit ako.

So pinapasabay niya ako ngayon sa kanya? Wow, parang ang bago ah. Ano kaya ang nakain nito at mukhang mabait? Hindi halata sa mukha pero sa kilos, oo. Siguro, himala, pero sino ako para maniwala? Malay ko ba na baka pagtripan niya ako knowing na wala sina Daddy at Mommy kaya ganito 'yong inaasta niya. Nakakatakot.

"Hindi, okay lang, magta-taxi na lang ako. Dapat nauna ka na." Sabi ko at sa opposite na gawi niya ako nakatingin, at nagdadasal na sana umalis na siya dahil napapansin ko, parang lately na kaming nag-uusap at nagkakasama.. Pakiramdam ko, may hindi magandang mangyayari kung magpapatuloy pa 'to.

Kaya habang maaga pa at wala pang nangyayari, itigil na at baka mahuli na ang lahat. Eh, malay ko kung ano ang tumatakbo sa isip nito, nakakatakot. Malamang, may mga past experience ako sa kanya sa mga trip niya. Magsasabi lang ako ng isa, 'yong pagtago niya ng black shoes ko noong nasa high school days kami kaya hindi ako nakapasok.

Nagulat ako nang lilingon na sana ako sa kanya ulit nang malaman kong nasa tabi ko na siya at nakakunot-noo na siya. Kahit naka-shades siya, kita ko pa rin.

"Hindi nga. Okay lang--Lennon!"

Hinila niya na ako sa wrist ko at pilit na pinasakay sa kotse niya at hindi naman na ako umangal at baka ma-miss ko na talaga ang first class ko. Pero ang rude niya, sabing ayoko. Baka mamaya, may kapalit pa 'tong pagsakay niya sa akin.

"Ang arte mo." Sabi niya nang makasakay naman na siya sa driver seat at pinaandar na ang sasakyan niya.

Sa buong byahe, walang nagsalita. Gusto ko siyang tanungin tungkol sa girl na tinutukoy niyang girlfriend niya pero nahihiya ako. Pero napapaisip ako, sino nga ba iyon? Sabi niya, schoolmate namin. Batchmate nila? Classmate niya kaya? Sino kaya siya at mali ang desisyon niyang patulan itong Lennon na 'to? Bukod sa playboy ang lalaking ito, marami siyang makakaaway na girls na nagkakagusto sa boyfriend niya. Good luck na lang sa kanya.

Nakarating kami sa school nang 7:40. Nang ma-stop niya na ang sasakyan niya rito sa parking space dito sa campus, agad na akong bumaba pero hindi pa ako umalis. Hanggang sa bumaba na rin siya at naglakad kaya hinabol ko siya para magsabay kami.

"Thank you pala sa pagsakay, kahit ayaw ko." Sabi ko at diretso lang ang tingin niya.

"You're not welcome." Sagot niya at napasimangot ako.

Paalok-alok siya riyan ng sakay, tapos ganyan 'yong sasabihin niya. Ang galing lang. Ang galing.

Nagpaalam na ako na pupunta na ako sa building ko at hindi man lang niya ako sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Mga nasa 2 minutes ay nakarating na ako sa room namin at tama nga akong late na ako, malamang. Napatingin sila sa akin lahat nang pumasok ako at nag-good morning ako kay Sir Elias, Science professor namin. Nakasimangot siya at tinignan ako pababa hanggang sa mata.

"You're late, Ms. Ford." Sabi niya at nag-sorry na lang ako.

Nagpunta na ako sa upuan ko at nakinig sa kanya. Nag-discuss lang naman siya and as usual, inaantok ang lahat. Sino ba naman ang may gusto ng 7:30 class? Ang aga, pero para sa akin, okay lang naman. Ngayon lang ako na-late at sisiguraduhin kong hindi na mauulit.

Napatingin ako sa pwesto ni Andrei na ka-row ko. Kumaway ako sa kanya at kumaway rin siya sa akin. Mabuti at mukhang wala siyang work ngayon sa department kaya nandito siya sa class.

Natapos ang science class namin nang purong discussion lang ang ginawa ni Sir. Ilang saglit, nag-dismiss na siya na na ayun naman ang paglapit ni Andrei sa akin.

"Late ka?" Tanong niya.

"Napahaba lang ang tulog ko." Pag-amin ko at sabay kaming natawa.

Lalabas na rin sana kami para magpunta na sa gym dahil PE na ang susunod namin na class nang tawagin ako ni Sir Elias. Napatingin ako at sinenyasan niya ako na lumapit sa kanya, nag-excuse muna ako kay Andrei at lumapit sa kanya sa teacher's table.

"Mr. Saavedra, can you leave us for a minute?" Sabi ni Sir at lumabas na muna si Andrei sa room at naiwan kaming dalawa rito.

Napatingin ako sa kanya at mukha siyang seryoso. Mukhang galit ata dahil late ako.

"Sir, s-sorry po kung late ako." Sabi ko ulit pero hinawakan niya ako sa braso at nanigas ako nang hinaplos niya 'yon.

"Hindi, okay lang naman 'yon, Talia.." Sagot niya at ngumiti siya.

Napalunok ako but I'm still smiling pero deep inside, nanginginig na ako sa takot lalo na't iba na siya makatingin sa akin at sa katawan ko.

"Kaya kitang bigyan ng uno kahit wala nang activities na pinapasa sa akin o kahit hindi ka pa um-attend ng class ko.. Kapalit ng isang gabi lang." Sabi niya at napunta na sa balikat ko ang kamay niya.

"A-aalis n-na po a-ako.." Pilit kong tinanggal ako hawak niya sa akin at tumakbo na palayo sa kanya.

***

Totoo pala 'yong usap-usapan tungkol kay Sir Elias Pamintuan, na maniac siya. Masasabi ko na rin dahil ito, na-experience ko na. Sa halos three months na isa siya sa minor instructors ko, ngayon lang siya nagparamdam nang ganoon. 'Yung touching pero hindi naman na bago 'yong tingin niya na binabalewala ko lang. Nasa age siya na 40's and yeah, he's handsome and he is even a family man! And no way, hinding-hindi ako magiging isa sa laruan niya kahit gawin niyang threat 'yong pagbaba ng grades ko.

Kaya pala Sir Maniac 'yong tawag sa kanya kasi ayun, and I guess, siya rin 'yong tinutukoy sa secret site ng university na ito na marami nang na-harass na estudyante.

Napatingin ako sa reflection ko at mukha akong balisa. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko, kahit hinawakan niya lang naman ako sa braso, but I feel uncomfortable tuwing naaalala ko. Ewan ko sasabihin ko ba kay Claire, kay Mommy? Pero kapag ginawa ko 'yon, baka magkagulo na naman at ayoko 'yon mangyari.

Huminga na ako nang malalim at tsaka ko na napagpasiyahan na lumabas na para magpunta sa gym para sa PE namin.

Bumungad sa akin ang nagkalat na students ng campus, mga classmates ko at 'yong iba ay taga ibang block. Naglakad na ako pabalik pwesto kung nasaan ay nandoon din si Andrei pero tanaw kong wala pa ang PE instructor namin na si Ms. Yuki.

"Natalia." Napatigil ako nang may tumawag sa akin. Tumingin ako sa bleachers para tignan kung sino, si Yanna.

"Yes?" Tanong ko sa kanya.

Bumaba siya at nakasunod ang dalawa pa niyang kaibigan para lapitan ako. And I do not know kung bakit at ano naman ang kailangan niya sa akin. And this is the first time na pinansin niya ako, like what the heck did I do para lapitan ako ng isa sa mga sikat na v-logger sa social media. And as far as I remember, nilait niya ako noong nalaman niya na ako 'yong writer ng play back when I was in first year college.

"Sino 'yong girlfriend ng Kuya mo?" Tanong niya agad nang wala man lang greeting or gentle smile sa akin, kundi mukha siyang mataray at ganoon din ang mga kasama niya na nakatingin sa akin.

"Hindi ko alam eh.." She answered and they laughed, a sarcastic one. Mukha ba akong nagjo-joke? Haha.

"Sige na, sabihin mo na nga kung sino. Kasi, Talia, inagaw niya sa akin ang Kuya mo!" Tumaas ang boses niya pero kami lang apat ang nakakarinig kung ano ang pinag-uusapan namin dahil sa sari-saring ingay na mayro'n ang gym.

Sinabi ko na, hindi ko nga kilala at kung kilala ko man, hindi ko rin sasabihin sa kanya at baka saktan niya 'yong girl. At inagaw? Inagaw ng girl sa kanya si Lennon? Kung siya naman talaga ang gusto ni Lennon, hindi naman siguro siya maghahanap ng iba at sila pa rin sana. Pero wait, naging sila ba talaga ng Kuya ko?

"Or baka naman, tinatago mo 'yong girl, kilala mo pero ayaw mo lang ipaalam sa akin. Tell me, sino nga? Classmate ba siya ng Kuya mo? What is her name? Or ano? What? Ano'ng year? Ano'ng course niya? Ano'ng section? Nandito ba siya ngayon?"

Nanlaki lang ang mga mata ko sa mga tanong niya at even 'yong dalawang girl na kasama niya ay ganoon din, nagulat dahil sa mga sinasabi ni Yanna. She's desperate.

"I'm sorry but I really don't know, Yanna." Sabi ko.

Wala ngang sinasabi sa akin si Lennon tungkol sa lovelife or trip niya sa buhay niya. At kung kilala ko man ang girlfriend ni Lennon, labas na ako para magbigay ng info sa girl at kay Yanna pa mismo.

Yanna sounds like an obsessed girl na humahabol kay Lennon at nakakainis kasi pati ako ay kinukulit niya. And now, I'm out of this, I don't care about her intention to me.

"Excuse me." Sabi ko pero hinawakan niya ako sa braso kaya napatigil ako at napalingon ulit ako.

"Malaman ko na kilala mo 'yong girl at pinagtatakpan mo lang ang Kuya mo, makakatikim ka sa akin." Sabi niya at nilampasan na nila ako.

At mukhang pati ako ay damay sa kung ano ang mayroon sa kanila ni Lennon. She left me with that threat and I don't know her reason. Na pinagtatakpan ko si Lennon? Seriously?

Napaka-childish ni Yanna, now I know na mabuti nga't hindi ko siya naging kaibigan kahit na-dream ko noon na gusto ko ring maging kilala sa lahat at maging trendsetter sa styles na tulad niya, how cheap I was.

Tuluyan na akong lumapit kay Andrei at may pag-aalala sa kanyang mukha.

"Nakita ko kayo ni Yanna, nag-uusap. Are you okay, Talia? Nag-away ba kayo?" Tanong niya at umiling ako.

"Kinulit lang ako kung sino 'yong girlfriend ni Kuya Lennon. Sa tingin mo ba, Andrei, kilala ko?" Sabi ko at napaisip siya.

"Well, siguro dahil kapatid ka niya." Sagot niya at napasimangot ako. "Bakit? Wala ba siyang dinadala sa bahay niyo na babae? Or nababanggit sa parents niyo?"

Natatawa ako kay Andrei, feeling niya, ang good boy ni Lennon sa sinasabi niya. Malay ko ba kung fling lang 'yong sinabi ni Lennon, naging exaggerated lang para maging girlfriend. Eh, hindi nga nagsasalita si Lennon sa bahay, magdala pa kaya? At mukha talagang hindi nagseseryoso ang tulad ni Lennon! Mukha at kilos pa lang niya, napaka-playboy.

"Wala, really." Sabi ko at naputol na ang usapan namin nang saktong dumating na si Ms. Yuki.

***

"Guys, ikinalulungkot ko pero hindi magiging part ng foundation day ang play natin."

Nagbulungan nang sabihin na ni Ms. Katy ang dahilan kung bakit niya kami ipinatawag dito sa theatre, lahat kami na kabilang sa Film and Play club. Pati ako, hindi ko alam ang ire-react ko, I feel so disappointed and embarrassed at the same time.

"Ma'am, bakit po?" Si Andrei ang nagtanong and I can also feel the disappointment sa kanyang boses.

"Hindi in-approve ng department head 'yong atin. 'Yung team natin ang tinanggal. Mas pinaburan pa nila 'yong theatrical play na gawa SHS department.. I'm sorry, guys." Sabi pa ng instructor namin sa play.

"But, Ma'am, bakit po?" Tanong ko na kaya napatingin siya sa akin. "Akala ko po, okay na, kaya nga po nakapag-umpisa na po tayo and ito, pinaghandaan natin at tapos na natin. Hindi ko po sinasabi na nasayang ang efforts natin but we all know how we wanted to be part of the celebration to show what we got in our team." Sabi ko at muling nagbulungan at sumang-ayon sa sinabi ko.

"Bakit ba lagi na lang mga SHS ang pinapaburan? Dahil ba sa bata sila at mas magaling sila? Hindi naman pwede 'yong ganoon!" Sabi ng isang ka-team namin.

Napatingin ako kay Andrei at umiling lang siya telling me that he doesn't know what to do about it.

Pero bakit nga? Bakit naman tinanggal kami? Hindi ba pwedeng pagsabayin na lang kami or what?

"Guys, bakit kayo nalulungkot?" Sabi pa ni Ms. Katy kaya natahimik kami. "Hindi ko sinasabing natanggal na tayo. What I mean is hindi man tayo magiging part ng foundation day, hindi mawawala ang pinaghirapan natin. Hindi masasayang because.."

Napahinto lahat kami sa sinabi ni Ms. Katy. Praying na sana ay maipakita namin ang pinaghirapan naming lahat.

"Because.. Because naisip ng principal at mga head ng school na tayo ang ilaban sa regional conference na magaganap sa Kia Theatre at next month na 'yon. Other schools na galing sa ibang town dito sa Manila and other school na sikat like ADMU, La Salle, FEU, etcetera, makakalaban niyo."

Speechless ako sa sunod na sinabi ni Ms. Katy habang ang lahat ay nagkakagulo na dahil sa saya. Pero hindi na rin ako masaya, nape-pressured ako dahil kailangan pang galingan pa lalo dahil.. dahil this is a big opportunity hindi lang sa amin na students kundi para na rin sa school.

"At kapag nanalo tayo, vacation trip sa isang resort and beach dito sa Pinas ang prize. Iba pa ang cash doon."

Mas nagsigawan ang lahat nang magsalita ulit si Ms. Katy at ako, hindi pa rin makapag-react dahil na sa excite at pressured pa rin. Sino ang mape-pressured, malalaking school ang kakalabanin namin!

"Hoy." Natatawang sabi ni Andrei sa akin. "Surprised, huh? Hindi pa tayo nananalo, Natalia, but save that, mare-react mo ulit 'yan next month."

Hinawakan ni Andrei ang kamay ko at napangiti ako. "Galingan natin." Sabi ko at tumango siya.

"But, guys, may bad news naman ako." Sabi ni Ms. Katy at biglang natahimik kami ulit. "Nag-request si Mr. Principal tungkol sa play natin na palitan natin. Gawin daw nating Romeo and Juliet remake at sabi niya, hindi lang dapat mga nandito sa team natin ang sakop ng casting, kundi magpasok tayo ng ibang students na may potential rin. At ngayon, pumipili na siya from third year and fourth year college students kung sino ang makakasama natin."

***

Pagkatapos kong isulat ang lahat nang nangyari ngayong araw sa diary ko, napangiti ako. Tumingala ako sa kalangitan at pinagmasdan ang ganda ng bituin at buwan.

Ang ganda, mapapangiti ka na lang talaga. Alam kong hindi rason 'yong kagandahan ng kalawakan kung bakit ako ngumingiti, hindi rin dahil sa pagiging kontento sa buhay na mayroon ako ngayon o sa saya na nararamdaman ko sa pamilya ko. Wala lang, feeling ko lang rin kasi, nakangiti ang langit sa akin. At alam kong alam Niya ang hinihiling ko kaya kusa akong napapangiti.

Sabi nila, kapag.. kapag patay na ang isang tao, nagiging isang star na. Siguro kapag wala na ako, isa na ako sa stars na pinapanood ko ngayon mula noong bata pa ako.

"Let me live." Sabi ko at pumikit.

Pero nagulat ako nang may bumato sa ulo ko, napamulat ulit ako at nakita ko ang crumpled paper na siyang tumama sa akin. Kinuha ko 'yon and I opened it.

"Pangit."

Ang sabi kaya napatingin ako sa paligid ko and I saw him. Nasa terrace ng room niya na katabi ng akin. Nakatingin siya sa akin at nakakunot lang ang noo niya na para bang nawe-weirdu-han sa akin.

"Bakit ba lagi mo 'yang sinasabi? Patay ka na ba?" Sabi niya kaya napalunok ako.

Lagi? So lagi niya akong nakikita at naririnig dito sa terrace na sinasabi 'yon?

"Grabe ka, patay agad?" Sabi ko at medyo natawa. "Hindi ba pwedeng.. Gusto ko lang mabuhay nang matagal?"

"Bakit?" Tanong niya and I don't know kung bakit parang bigla siyang naging interesado, but there's no way na sasabihin ko sa kanya 'yong dahilan.

Lalo na't ayaw ko siyang ma-attach sa akin at isa rin sa umiyak para sa akin.

---

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 135K 64
RATHOD In a broken family, every person suffers from his insecurities and guilt. Successful in every field but a big failure when it comes to emotio...
33.3K 938 34
He's older than her, way too old for her. But still there's something about him. Maybe she made a mistake when she broke up with him. It doesn't get...
50.7K 1.6K 18
So to summarize it, a motherfcker named Zack slept and woke up in Ayanokoji's body and lemme tell you this, Zack loves chaos and drama so how will Za...
263K 19.3K 23
Avantika Aadish Rajawat Aadi, with his fiery nature, adds intensity and excitement to their relationship, igniting a spark in Avni. Avni, like the ca...