✔ Killer in the Attic

By NoxVociferans

49.8K 2.3K 90

She's nyctophobic. He's an imaginary companion turned killer. Bata pa lamang si Oriana, she had already devel... More

NOX
PROLOGUS
[1] UNUM
[2] DUO
[3] TRES
[4] QUATTOUR
[5] QUINQUE
[6] SEX
[8] OCTO
[9] NOVEM
[10] DECIM
[11] UNDECIM
[12] DUODECIM
[13] TREDECIM
[14] QUATTOURDECIM
[15] QUINDECIM
[16] SEDECIM
[17] SEPTENDECIM
[18] DUODEVIGINTI
[19] UNDEVIGINTI
[20] VIGINTI
[21] VIGINTI UNUS
[22] VIGINTI DUO
[23] VIGINTI TRES
[24] VIGINTI QUATTOUR
[25] VIGINTI QUINQUE
[26] VIGINTI SEX
[27] VIGINTI SEPTEM
[28] DUODETRIGINTA
[29] UNDETRIGINTA
[30] TRIGINTA
[31] TRIGINTA UNUS
[32] TRIGINTA DUO
[33] TRIGINTA TRES
[34] TRIGINTA QUATTOUR
[35] TRIGINTA QUINQUE
[36] TRIGINTA SEX
[37] TRIGINTA SEPTEM
EPILOGUS
More Stories by Nox
[Special Chapter] POST MORTEM

[7] SEPTEM

1.3K 70 1
By NoxVociferans

Nang magising si Oriana, napabalikwas siya ng bangon nang makita ako sa tabi niya. Kumunot ang noo niya pero nang maalala ang mga nangyari, her eyes still stared at me as if I was something that shouldn't be here in the first place.

"You haven't left my room since last night?"

Tumango ako. "Hindi kita iniwan. Tulad ng dati."

She frowned. If she's still angry at me for killing someone or she's just grumpy when she awakens from slumber, I have no idea. Hinayaan ko lang siyang magtungo sa banyo. Nang makalabas na siya rito, tumalim na naman ang tingin niya sa'kin. I raised an eyebrow.

"What?"

"Get out. Magbibihis ako."

Ngayon, ako naman ang napasimangot. Seryoso ba 'tong babaeng ito?

"Why? I've already seen that---"

"SEBASTIAN!"

Natawa ako as I raised my hands in defense. "Sheesh. Fine!"

At lumabas na ako ng kwarto, swallowing whatever arguments I had left. Nakalimutan ko na nga palang dalaga na siya. Pero anong ipinagkaiba nito sa dati? I am not human so she shouldn't be conscious of me. Nakasandal lang ako sa may pader sa tapat ng silid niya nang biglang may lalaking nagmamadaling kumatok sa pinto.

I glared at him. Who the hell is this guy?

"Oriana? Ayos ka lang ba?"

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng lalaking nasa harapan ko. He's a six-something in height, brown hair, dark eyes, but I could barely give a shit. Ano bang ginagawa niya rito? Maya-maya pa, lumabas na si Oriana at ngumiti nang makita ang lalaki.

"Yes. Bakit mo naman natanong?"

Napakamot sa ulo ang lalaki na para bang nahihiya. "Um... Narinig kasi kitang sumigaw kanina. I-I thought you had a nightmare or---"

"I'm fine, Caleb."

"S-Sige. Maiwan muna kita rito ha? My mom just called me. Na-hospitalize na naman si dad. I need to go."

"Ingat ka."

Nang akmang lalabas na nang pintuan ang lalaki, he turned to Oriana one last time and spoke, "Lock the doors, okay? Delikado na ang panahon ngayon. Kagabi lang, may nabalitaan akong nakitang bangkay doon sa eskinitang dinadaanan natin."

Tumango naman si Oriana.

Nang makaalis na ang lalaki, I immediately asked her.

"Sino 'yon?"

Nakita ko ang pag-aalangan sa mukha niya nang sagutin niya ang tanong ko, "He's Caleb. Dito muna ako nakikituloy sa kanya hanggang sa..."

"Hanggang sa?"

Hindi ba siya mamanatili rito?

Nag-iwas siya ng tingin. "Hanggang sa mailibing na si Richard next week."

Sa mga salitang iyon, alam ko na ang kalahulugan niya. Oriana's leaving after her cousin's burial at mukhang babalik na siya ng Maynila. Nawalan na siya ng rason para manatili rito. By all means, she's leaving me alone again in that dark attic. How nice.

"I think I need to kill your other cousins too. Ilan nga ba kayo sa pamilya?"

Natulala siya sa tanong ko. "A-Ano?!"

Mapait akong ngumiti. "Para hindi ka na umalis."

Natataranta siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa kusina. I guess she was horrified by the idea of having other members of their family killed. "Y-You're insane! Naririnig mo ba ang sarili mo? Ano ba talaga ang gusto mong mangyari, ha?!"

Anong gusto kong mangyari?

"I want you to stay."

Hindi makapaniwalang tinitigan ako ni Oriana. Hindi rin naman ako makapaniwalang may balak pa siyang iwanan na naman ako matapos niya akong buhayin mula sa imahinasyon niya. Napasandal ako sa sopa at ipinikit ang aking mga mata kasabay ng pagpapaliwanag ko.

"You imagined me to life, Oriana. Literal akong nabubuhay para sa'yo. You needed someone to hold your hand while you were in the dark, and I happily accepted that fate. Why can't you accept yours?"

Nang magmulat ako ng mga mata, she just stood there frozen. I smiled. "So you can't just leave me alone in the attic again. Either you stay here with me, or take me with you. Those are your only options."

Wala kang takas, Oriana.

Nakita ko ang paglandas ng luha sa mga mata niya. Hindi ko maintindihan. Are those tears of joy? Gusto ko na sanang paniwalaan na dahil nga sa saya ang pag-iyak niya. Pero nang mapagmasdan kong maigi ang mga mata ni Oriana, napagtanto kong natatakot siya.

Natatakot siya.

Pero bakit?

---

Continue Reading

You'll Also Like

106K 4K 55
A hundred nights. A hundred women. A hundred sins. Lust is bullshit. Lust is a bastard. Lust is the demon prince who is now using me as his puppet to...
4.9K 844 12
"You're just a wandering soul now, Dora Marquez. Let me make the decision for you... Tanggapin mo ang inaalok kong serbisyo." Swiper the Fox, an anim...
16K 2.9K 185
Sometimes When I'm Lonely I Pretend I'm A Carrot is a little book about carrots, loneliness, religion, political stance, love, and affirmations.
591 71 24
A group of college friends made the mistake of venturing to an abandoned cemetery while drunk. The next morning, each of them woke with a mark on a c...