✔ Killer in the Attic

By NoxVociferans

48.6K 2.2K 89

She's nyctophobic. He's an imaginary companion turned killer. Bata pa lamang si Oriana, she had already devel... More

NOX
PROLOGUS
[2] DUO
[3] TRES
[4] QUATTOUR
[5] QUINQUE
[6] SEX
[7] SEPTEM
[8] OCTO
[9] NOVEM
[10] DECIM
[11] UNDECIM
[12] DUODECIM
[13] TREDECIM
[14] QUATTOURDECIM
[15] QUINDECIM
[16] SEDECIM
[17] SEPTENDECIM
[18] DUODEVIGINTI
[19] UNDEVIGINTI
[20] VIGINTI
[21] VIGINTI UNUS
[22] VIGINTI DUO
[23] VIGINTI TRES
[24] VIGINTI QUATTOUR
[25] VIGINTI QUINQUE
[26] VIGINTI SEX
[27] VIGINTI SEPTEM
[28] DUODETRIGINTA
[29] UNDETRIGINTA
[30] TRIGINTA
[31] TRIGINTA UNUS
[32] TRIGINTA DUO
[33] TRIGINTA TRES
[34] TRIGINTA QUATTOUR
[35] TRIGINTA QUINQUE
[36] TRIGINTA SEX
[37] TRIGINTA SEPTEM
EPILOGUS
More Stories by Nox
[Special Chapter] POST MORTEM

[1] UNUM

1.9K 96 9
By NoxVociferans

Sebastian.

'Yan ang pangalan na ibinigay niya sa'kin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis dahil ipinangalan niya ako sa patay niyang aso. Since then, Oriana had been accustomed to dark places dahil alam niyang doon ko siya laging binabantayan. Every time she'd approach me, aayain niya akong makipaglaro sa kanya.

"Sebastian! Tara, laro tayo."

Hindi ko kayang tumanggi sa kanya. Bukod sa alam kong pipilitin din naman niya ako hanggang sa pumayag ako, I couldn't help but live by the fact that I no longer reside inside her head. For so long, I have been a part of her mind. Now that I'm out in the real world, I know that I only live for her existence. Hindi ko na maaalis sa sarili ko 'yon.

"What are we gonna play, little girl?"

We sat across from each other on her room's floor. Napasimangot siya sa sinabi ko, "Don't call me that!"

I smirked. "Call you what, little girl?"

Oriana puffed her cheeks in frustration. Natawa ako sa hitsura niya. Ganito pala siya mainis.

"Don't call me 'little girl', you bastard! I'm already thirteen!"

Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang pisngi niya. She froze on the spot. Kita ko ang kaba sa mga mata niya at ang pamumula ng pisngi niya. She's really entertaining. Bumulong ako, "You don't look thirteen to me." Agad siyang nakabawi at marahas na kinabig ang kamay ko sa mukha niya.

"Hmph! Ewan ko sa'yo, kadiri!"

Napahagalpak na ako ng tawa sa iritasyon niya habang inaayos niya ang chessboard sa gitna namin. Inilibot ko ang mga mata ko sa silid at napansin ang pagtakip ng mga kurtina sa bintana niya. Nang makita ni Oriana na nakatitig ako sa gawi nito, marahan siyang nagpaliwanag, "Napansin ko kasi na ayaw mo sa liwanag... So I decided to pull down the curtains."

Ngayon, ako naman ang napatitig sa kanya.

"Aren't you afraid of the dark?"

Nahihiya siyang tumango. Bahagyang natakpan ng buhok niya ang kanyang mukha, "Not anymore."

"Why?"

She met my eyes. "Because you're here."

Napangiti ako. Siguro nga, tama lang na tumugon ako sa tawag niya noong gabing 'yon. Tama lang nandito ako't binabantayan ko siya mula sa dilim. As long as I am here, she will no longer have to be terrified of darkness. I will live to keep her fears away.

Iyon ang ipinangako ko sa sarili ko.

Pero lumipas ang mga araw, napapansin kong balisa lagi si Oriana kapag nakikipaglaro na siya sa'kin. She looks like she's upset about something kaya hindi ko maiwasang usisain kung ano ang bumabagabag sa kanya.

"Is something wrong?"

Umiling siya. She forced a smile and said that she's just tired, but I knew better. Nagsisinungaling siya at hindi ko gusto 'yon. Just the mere thought of Oriana lying to me and hiding what she feels is making me angry. Hindi ba niya maintindihan na wala na ako sa loob ng utak niya kaya hindi ko na maramdaman ang mga nararamdaman niya? Na hindi ko na malalaman ang mga iniisip niya?

Hindi ko maintindihan ang sarili ko at wala akong balak intindihin ang lahat. Hindi sa ngayon.

Namalayan ko na lang nakamasid na ako sa kanila mula sa bintana ng kwarto niya. Oriana and her playmates were having a game of hide-and-seek when a boy, about her age, suddenly pushed her out of her hiding spot. Nawalan siya ng balanse at napaupo sa lupa. Tumalim ang mga mata ko sa nakikita ko. The boy laughed at Oriana's terrified face. Naiiyak na siya. Fuck!

At sa mga sandaling ito, mukhang alam ko na kung ano ang bumabagabag sa kanya.

I felt range instantly surge my being. Nanginginig ako sa galit. Anong karapatan niyang paiyakin si Oriana? The girl had barely managed to overcome her phobia, now the world wants her to fear something else? Damn them. Damn them all to hell. Parang may kung anong nabuhay sa loob ko. I then felt it. The desire to harm others just to keep my little Oriana safe.

The desire to avange her...

The desire to kill.

Because I knew she was too fragile to be broken again.

Kaya noong sumapit na ang gabi at tahimik kaming nakahiga sa kama niya, kinausap ko si Oriana, "Lagi ka ba niyang binu-bully?" Agad siyang humarap sa'kin na puno ng pagtataka ang mukha. When she met my eyes, alam kong naintindihan na niya ang sinasabi ko. She avoided my gaze and nodded.

"O-Oo... Pero okay lang."

Kumunot ang noo ko at nararamdaman ko na naman ang pagkuyom ng mga kamao ko. "Anong okay lang? That bastard should be punished. Want me to do it?"

"Do what?"

"Kill him."

Sa sinabi ko, bigla syang napaupo sa kama. Rumehistro ang gulat at takot sa mukha niya. May nasabi ba akong mali?

"S-Sebastian! What the heck are you talking about?"

Nagkibit ako ng balikat. "I'd kill that bully if you want. Para wala ka nang katakutan pa."

She frowned. I then watched Oriana shake her head in disapproval and disbeliefm "You're not killing anyone, Sebastian! Hindi magandang biro 'to... I-It's no big deal. Lahat naman tayo nabubully paminsan-minsan."

"Not me. I came from inside your head, remember?"

She sighed and smiled.

At sa mga sandaling iyon, pakiramdam ko nawala ang galit ko sa nananakit sa kanya. Hindi ko alam kung paano niya nagawa, pero hindi ko na rin inintindi. Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. Nakapikit na ang mga mata niya at may sumilay na ngiti sa mga labi ng batang kaharap ko.

"Oo nga pala... I imagined you to life. Pero hindi ko naman naimagine na maging mainitin ang ulo mo, Sebastian."

Napangiti ako. "Natural na yata 'to... Oriana?"

"Hmm?"

"Give that bully a warning. Sabihin mo papatayin ko siya kapag hindi ka pa niya tinantanan. Ayokong umiiyak ka... ayokong nasasaktan ka."

Napamulat siya ng mata sa sinabi ko. After a while, she nodded. "Fine, but don't kill him. You are not a killer, Sebastian. Please?"

Napalunok ako. Bahala na.

"I understand."

Pero sinusubok pa rin ng batang lalaki na 'yon ang pasensya ko.

Kinabukasan, binantayan ko muli si Oriana mula sa bintana ng kwarto niya at nakita kong kinausap niya yung batang nambubully sa kanya. Matalim ang mga mata kong nakaantabay sa mga pangyayari. Nang matapos magsalita si Oriana, tumawa lang yung lalaki at hinawakan siya sa braso. She squirmed in his grasp pero ayaw pa rin siyang bitawan. Walang ibang nakakakita sa kanila dahil ang ibang mga bata ay naglalaro sa kabilang bahagi ng playground.

I felt myself tremble in anger again. Tangina, hindi ba niya titigilan si Oriana?!

At mas nagdilim ang paningin ko nang umiyak na naman siya. Mula rito, nararamdaman ko ang takot niya sa lalaking nananakit sa kanya. Mukhang tinutukso pa siya nito at nang bitiwan niya ang braso ni Oriana, all the rational thoughts inside me snapped when I saw the deep bruise he left on her pale skin.

That's the last straw.

Nang masiguro kong tulog na si Oriana, I sneaked out of her room through the window. Walang kahirap-hirap akong nakatalon mula sa taas ng pangalawang palapag at mabilis kong tinahak ang daan papunta sa bahay ng batang lalaki.

Don't ask me how I found out about it.

It was a starless night sky at mukhang nakikiayon ang dilim dahil natatakpan ng mga ulap ang bilog na buwan.

Nang makarating ako sa tapat ng bahay, wala akong inaksayang oras at sinira ang seradura ng pinto at naglakad papuntang kusina. My hands fumbled around noiselessly until I found a chef's knife inside a cabinet. Kuminang sa dilim ang patalim. Hinawakan ko ang malamig na metal. Napatitig ako sa repleksyon ko rito.

Wala na akong ibang nakikita kung hindi galit.

The next thing I knew, I was choking the boy's neck. Hindi na ito makahingi pa ng tulong dahil hiniwa ko na ang dila niya at itinapon kung saan. Wala na akong pakialam. I angrily glared at him and saw the fear in his brown eyes. Napupuno na ng dugo ang kama niya pero walang habas ko pa rin siyang pinagsasasaksak hanggang sa hindi na siya nakakilos pa.

I smiled.

Hindi pa rin ako kuntento.

Kada naiisip kong sinaktan niya si Oriana, namamalayan ko na lang na itinatarak ko na naman nang paulit-ulit ang patalim sa puso niya. Paulit-ulit. Crimson blood oozed out of his lifeless body habang ang mga mata niya ay nakadilat pa rin. Nakatitig sa'kin kahit na alam kong hindi niya ako nakikita. Para bang nagmamakaawa siyang tumigil ako.

And I did.

Hinagis ko ang kutsilyo sa gilid. I'm not human, kaya wala akong problema kung hanapan man nila ng fingerprints ang bagay na 'yan. The law of mortals do not apply to me.

Napatitig ako sa obra maestra ko.

That was the first time I killed for her.

Matapos ang gabing 'yon, nagbago na ang lahat. One day, I found Oriana crying in front of me. Her eyes held the disappointment that made me confused. Bakit siya malungkot? Hindi ba dapat nagsasaya siya dahil nawala na ang taong nanakit sa kanya?

"Ikaw ba ang gumawa 'non, Sebastian?!" Bahagyang pumiyok ang boses niya at nakita ko ang panginginig ng mga kamay niya. She was surpressing her emotions.

Napatahimik ako. Huminga siya nang malalim at walang ganang nagsalita, "Jonathan was found dead this morning. W-Walang awa siyang pinatay... ang daming saksak... his tongue was also cut out!" Hindi na niya naitago ang pagbasag ng boses niya. "I-Ikaw ba pumatay sa kanya..?"

Mas naguluhan ako. She should be celebrating! Wala naman akong ginawang masama. The world should even thank me for eliminating an evil soul in this society!

Wala akong naramdamang pagsisisi. Hindi nga ako tao, at hindi ko kailanman maiintindihan ang emosyon nila.

Tumango ako.

Mas bumilis ang pagbagsak ng luha mula sa mga mata niya. She trembled uncontrollably. Nang akmang pupunasan ko na ang mga luha niya, humakbang siya papalayo. "S-Sabi mo hindi mo gagawin! What the heck, Sebastian?! Pumatay ka ng tao! Y-You mercilessly killed him!"

"Ginawa ko yun para sa'yo."

Napahawak siya sa ulo niya. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo." Nag-aalinlangan man ako, hinawakan ko pa rin ang mga kamay niya.

"If it makes you feel better, I'll accept a punishment for what I did... 'Wag ka lang umiyak."

Totoo ang mga sinabi ko. Gagawin ko kung anuman ang gusto niya para lang hindi na siya umiyak. Kahit na sa totoo lang, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit siya nagkakaganito. Pero 'di bale na, basta ayoko siyang nakikitang umiiyak. Pakiramdam ko mababaliw na ako nang tuluyan at walang halong biro 'yon.

Her coffee brown eyes met mine.

"From now on, you're staying in the attic."

At kahit na labag man ito sa kalooban ko, sinunod ko pa rin ang sinabi niya. Wala na akong nagawa nang dahan-dahang isinara ni Oriana ang pintuan sa attic ng bahay ng lola niya. Maya-maya pa, naiwan na akong mag-isa sa dilim. Wala siyang sinabi kung hanggang kailan ako rito, pero nangako naman siyang dadalawin niya ako. Magpapasukan na rin kasi kaya kailangan na niyang bumalik sa Maynila.

Obediently, I waited for her to return.

Pero lumipas ang mga buwan, hanggang sa mga taon na pala ang nagdaan, wala pa rin siya. Every semestral break, every summer, I anticipated her comeback. I sat here inside the darkness of the attic, waiting...

..waiting.

Pero parang wala na siyang planong balikan ako.

---

Continue Reading

You'll Also Like

1.8K 84 6
What if you're just good enough to mess around, but not better to get invested with? How much can you risk to play a game knowing that you will lose...
23:57 By RAYKOSEN

Paranormal

1.1M 48.1K 40
May urban legend na kumakalat online. May sumpa raw sa Shibuya na tuwing sasakay ka sa last train ride ng 23:57PM ay magsisimulang magbago ang buhay...
108K 3.7K 33
(Memories of a Lady) Sequel to "The Señorita" Higit pang kilalanin si Señorita Almira de Izquierdo sa pamamagitan ng kanyang mga sulatin, na nasa ka...
2.1K 254 13
WHO'S NEXT? [COMPLETED] - "One wrong answer, one person will die." - Start: 07/13/20 End: 07/17/20 Language: Filipino Book cover by: KalypsoAkaila