Mr. Rich meets Miss Nobody (C...

By skittygems

4M 74.8K 3.8K

Genre: Romantic-Comedy/Drama Meet Zachary Ridenfield, ultimate heartthrob ng Ridenfield academy. Mayaman, mat... More

Mr. Rich meets Ms. Nobody -Synopsis
Notice before reading!
Prologue
1-Wrecking first kiss
2-Dead Comfort Zone
3- The Secret Untold
4- Is it Jealousy?
5-I caught him half-naked
6-Villain's Arrival
7-First Encounter
8- Lunch date with Hearthrobs
10-Somebody Help
11-Honeybunch on the Rescue
12-My Crying Shoulder
13- The Big Threat
14-Unexpected Passenger
15-Angel Sent from Heaven
16-Love Stranded
Author's note
17- K-One; Z-Zero
18-Let's Play the Tug-of-War Game
19- Head over Heels in Love
20- He who Cannot Eat
21-The Price when you strive
22- Loving an Arrogant Boy
23-Mystery Zale
24-Limit for Everything
25- Better Late than Never
26- Side Effect
27 - I'm Speechless
28- Pretentious Love
29-Surprised Concert
30- An Invitation
31- Story of Two Rabbits
32-Painful Truth
33-The Ride
34- I can't let you go
35- When the Bad Day Strikes
36- Confrontation
37- Reconciliation or Disaster?
38 -Song for my Heart
39-When Everything Falls Apart
40-Unrequited Love
41- It's complicated
42 - The Truth
43- True Love Doesn't Exist
44-The Father's Love
45-Send-off Kiss
46- I'm Leaving
47-Cutting Ties
48- Don't Close The Book
49-Love Is Painful
50-Could it be the Last?
51- A Bomb to my Ear
52- The Meeting
53- Captured
54-Tragic Love
55- Wishing Tree
Epilogue
Special Chapter - New Born Love

9-Detention

93.1K 1.6K 56
By skittygems

9 – Detention

Azalea:

I was on the verge of the life and death. Kung hindi ko makikita ang liwanag malamang katapusan ko na. Habol ko ang hininga habang tumatatakbo, hindi alam kung sa’n patutungo. Basta ang alam ko lang ngayon ay makaalis sa madilim na lugar na ito. Wala akong makita, nangagapa ako sa dilim but I need to run, I need to run for my life kung hindi ay baka ito na ang katapusan ko.

Mas lalong bumibilis ang pagtibok ng puso ko at dahil sa bilis nito ay hindi ko na ramdam ang paghinga ko. I need somebody to help me. Kailangan kong makalabas dito. Ramdam kong gusto ng sumuko ng katawan ko pero kailangan kong lumaban. I have to be strong. I have so many things to do. I still want to meet my mother so please, somebody help me.

The moment I feel so helpless. There’s a voice calling my name.

 “Thea? Thea? I’m here.” Narinig kong wika ng pamilyar na boses. Naramdaman ko ring bigla akong nabuhayan ng loob.

“Z-Zach, is that you? P-Please… help me. I-I’m scared.” Nilingon-lingon ko ang palibot ko pero wala akong makita kundi madilim na palibot lamang. Tears started to flow in my cheeks. I need Zach at this very moment. I want to hear his voice again.

“Just stay there, I’ll come, don’t be scared.” I heard that voice again making my body trembled. And I ended up sitting on the floor hugging my own knees, sobbing.

“Z-zach, p-please get me…” puno ng luha na sabi ko at hindi ko alam kung naririnig pa ba niya ako. I stayed there for how many minutes until I suddenly feel the warmth embrace.

“Shhh… Don’t be scared, Thea. I’m here now. I’ll take care of you.” At nakita ko ang pag-aalala na bumabalot sa kanyang mga mata. Ang takot na baka mawala ako.

Yes, it was Zach. Mas lalong lumakas ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko at napayakap din dito. I lean my head on his chest… crying. “A-akala ko w-wala ng magliligtas s-sa a-akin, Zach. S-salamat at dumating ka.” Umiiyak pa rin na sabi ko sa kanya habang hinihimas-himas niya ang likuran ko para pakalmahin.

“Shhh…Nandito na ako, Thea. Huwag ka ng mag-alala at palagi lang akong nandito para iligtas ka. Tahan na…”

Umiiyak pa ako ng umiiyak hanggang naramdaman ko na ang dahan-dahang pagkawala ng takot ko habang kayakap ang lalaking tanging nagbibigay ng seguridad sa akin. Nang sa tingin ko ay nakatahan na ako ay umalis na ako sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan uli siya nang may pagtatakang bumabalot sa aking mga mata.

“Bakit mo ako tinatawag na Thea?” nagtatakang tanong ko dito.

“Because you’re my Thea.” Wika pa niya habang pinapahid ang luha sa mga mata ko.

“But I am Azalea.” turo ko pa sa sarili.

“Yes, I know.”

Magkasalubong ang kilay na tinitigan ko ito. “Anong ibig mong sabihin?”

Lumabas naman ang ngiti nito at nang akma na sana itong magsasalita ay nakarinig ako ng malakas na tunog.

 (When I see your smile

Tears roll down my face I can't replace

And now that I'm strong I have figured out)

 

Bigla kong naimulat ang mga mata at hindi ko alam kung magpapasalamat dahil nagising ako sa bangungot na iyon o hindi dahil hindi ko nakuha ang sagot sa katanungan ko.

(How this world turns cold and it breaks through my soul

And I know I'll find deep inside me I can be the one)

Ngunit ganun na lamang ang pagtataka ko sa sarili dahil ramdam ko ang pamamasa ng pisngi ko. Ibig sabihin napaiyak din ako ng totoo habang tumutulo ang mga luha ko sa panaginip ko?

 

(I will never let you fall (let you fall)

I'll stand up with you forever)

 

At bakit parang ang bigat-bigat ng dibdib ko? Bakit parang dalang-dala ako sa panaginip na iyon?

(I'll be there for you through it all (through it all)

Even if saving you sends me to heaven)

 

Pero kung may isa man akong pinagtatakhan at ikinakagulat ng malaki iyon ay ang pagtawag niya sa akin ng Thea. Ano kaya ang ibig sabihin nun?

 

(It's okay. It's okay. It's okay.

Seasons are changing

And waves are crashing

And stars are falling all for us)

 

Bigla rin ay tumaas ang kuryosidad ko kung bakit sa dinami-daming taong pwedeng magligtas sa akin ay siya pa ang dumating? Bakit parang ramdam kong hindi iyon ang unang beses na nagkakilala kami?

(Days grow longer and nights grow shorter

I can show you I'll be the one)

Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip na iyon? Hindi kaya isa iyong implikasyon na kailangan ko na talaga lumayo sa kanya?

 

(Co’z you're my, my true love, my whole heart

Please don't throw that away

Cuz I'm here for you

Please don't walk away and

Please tell me you'll stay woah, stay woah)

 

Nilingon ko ang cell phone na ginawa kong alarm clock nang naririnig ko pa rin ang tunog nito. Muntik ng mawala sa isipan ko ang bagay na iyon dahil okupado na ang utak ko sa naging panaginip ko. Bigla nama’y sumilay ang ngiti ko nang marinig ang mga katagang iyon mula sa kanta. Coincidence lang ba o sadyang may kahulugan ang lyrics na iyon tungkol sa isiping layuan na ang binata.

What are you doing, Zale? Siyempre naman kailangan mo na siyang layuan kung ayaw mong lumala pa ang sitwasyon.

Agad ko din namang pinalis ang ngiting iyon at tinampal-tampal ng mahina ang pisngi ko.

 Ano bang iniisip ko ngayon? Ba’t naman biglang ayaw mo ng lumayo ha? Magtigil ka, Zale ha?

(Use me as you will

Pull my strings just for a thrill

And I know I'll be okay

Though my skies are turning gray)

 

Tinampal ko pa ang aking noo bago kinuha ang aparato para e-off ang alarm.

“Three message received” basa ko sa screen ng phone bago pa man yun mailapag muli sa mesa.

Chineck ko kung kanino galing ‘yon at ganun na lamang ang pagkakunot ng noo ko nang malaman kung kanino galing yung text. My first kiss. At ngayon ko lang muling naisip na kailangan ko na palang palitan ang naka-phonebook na number ni Zach.

‘Good night, Zale. ;)’ Unang text na nabasa ko. Tiningnan niya ang oras ng pagsend nito at ganun na lamang ang paglaki ng mga mata niya ng mabasang ‘1:18AM.’ My gosh, what is he doing late that night?

‘Why are you so difficult? ;(’ yun naman ang laman ng isang text nito.

Nag-goodnight na nga may pahabol pa. Napapailing na sabi ni Zale sa sarili ng makitang ‘1:20A.M’ ang date received na nakaregister sa message. Anong pinagsasabi niya? Kung ganun gusto na pala niya talaga akong edespatsya? An evil smile form in my lips. Sabi ko na nga ba eh, mawawalan na rin siya ng interes sa akin. Week lang pala ang kailangan kong hintayin..haha… Napapatawa pa siya na parang sira.

‘Meet me at the basement by ten. It’s important.’ – ‘yun naman ang laman ng pangatlong message na nabasa niya which makes her snort.

What’s so important this time? Nagtatakang tanong niya sa sarili tsaka nilapag na yung phone sa table at pumunta sa banyo para maligo.

-----***-----

“Hi, best.” Bati ni Jamaica sa akin nang makarating ako sa Ridenfield. Papunta kami ngayon sa locker para kunin ang libro namin for our first subject.

“Good morning, best.” Bati ko naman dito.

“Best, di ka ba pwedeng lumipat dun sa dati mong silya?” tanong pa niya sa akin.

“Hay, best! Hindi na pwede noh? Katabi ko kaya si Ryder.” Pagbibiro ko pa dito inirapan niya ako bago magsalita.

“Selfish mo talaga. Dati kay Zach ngayon naman kay Ryder.”

“Di ko choice yun noh? Tsaka sa tingin mo ba masaya akong katabi si Zach? Hindi noh? Kala mo lang okay na makipagtabi sa kanya.” Totoo yun kasi palagi siya nitong ginugulo tuwing nag-uumpisa ng magdiscuss ang guro nila.

[Flashback]*-*

 “Zach, akin ng libro ko.” Naiiritang sabi ni Azalea sa lalaki nang hablutin nito ang libro mula sa kanya. Pinipilit niya yung abutin ngunit pilit din namang nilalayo ng lalaki buti nga lang nakatalikod yung guro nila kung hindi sa detention ang bagsak nila.

“Let me borrow it. I didn’t bring my book.” Nakangisi pang wika nito.

“Hindi ko na problema ‘yun… kaya please lang ibigay mo na sa’kin ‘yan.”

“Noooo…”

“Zach!”

“What’s that noise?” napatakip ako sa bibig nang napalakas ang sigaw ko sa pangalan niya.

“Sorry po, sir.” Napaayos ng upo na sabi ko sa guro namin dahil wala talagang balak si Zach na ibigay iyong libro ko. Nilingon ko si Zach na pagkalaki-laki ng ngisi nito. “Halimaw!” nakairap na sabi ko dito bago iniwas ang tingin sa kanya at nag-cross arm.

Kung hindi siya nito inaagawan ng libro ay kinukuha naman nito ang notebook niya kaya ang nangyayari hindi siya nakakapag take notes.

Inilayo ko na ang libro ko the next day, mahirap na at baka agawin na naman niya. Tahimik akong nagtatake –note sa mga dinidiscuss ni sir habang iyong libro ko naman ay nasa lap ko. Siguro naman hindi na iyon aabutin ni Zach kasi nakayuko rin ako habang nagsusulat dahilan upang matakpan nito ang librong nakapatong sa binti ko.

Pero ‘pag ang halimaw nga naman pag-umatake hindi mo alam kung anong parte ang aatakihin kaya nang akala ko ay hindi na niya maaagaw ang libro ay siya namang paghablot niya sa notebook ko.

“What the!” nilingon ko si Zach na hawak-hawak na nito ang notebook at maingay na pinakli-pakli ang pahina nito. “What are you doing?” mahinang tanong ko dito.

“I’m checking your notes.” Sagot niya sa akin na hindi tumitingin.

“Zach, please give me my notebook.” Sabi ko dito na pabulong afraid na marinig na naman ng guro namin.

Hindi niya ako pinansin sa halip ay nagpatuloy lang sa pagpakli-pakli ng pahina nito.

Sa halip na lumakas naman ang boses ko ay kinalma ko ang sarili, inipon lahat ng hininga ko habang nakakuyupos ang mga kamay bago ibinuga iyon.

“You’re really getting in my nerves, Zach.” Galit ngunit mahina lang na pagkakasabi ko dito.

“Uh-oh. Galit ka na ba niyan?” sabi pa niya sa akin bago kinurot iyong isang pisngi ko ng ilang segundo bago binitawan.

 Ramdam ko ang pagkawala ng lahat ng naipon kong galit sa kanya at napalitan iyon ng malakas na pagkabog sa dibdib ko.

‘Bakit ganito na lang palagi ang epekto niya sa akin?’

Ibubuka ko na sana ang bibig ko ngunit hindi ko alam kung ano ang sasabihin kaya naman isinara ko na lang ulit iyon at sumandal na lang uli sa inuupuan para maitago ang pamumula ng pisngi ko.

Isa pa minsan hindi niya alam sinusulat-sulatan na pala ang manggas ng uniform niya sa may parteng braso nito. Kaya nahirapan siyang labhan iyong uniform niya nung isang araw.

Again, tahimik siyang nakikinig sa guro niya nang maramdaman niya na may gumagalaw sa manggas ng damit niya sa kanang parte ng braso niya. Nilingon niya iyon at nakita ang pagsara ng lalaki sa hawak na signpen at nakangising itinuro ang manggas nito.

“I’m done.” Sabi pa niyang nakangiting parang maniac. Kunot ang noong tiningnan ko ang manggas ko at ganun na lamagn ang pag-init ng ulo ko nang makitang sinulatan niya ito.

‘Pangit forever ^-^’ yan yung nakasulat sa manggas ng damit ko. Nilingon ko ito sabay sabing “Zachary Ridenfield!” napalakas na sigaw ko dito habang nakakuyupos ang kamao ko.

“You two, detention after class.”galit na asik ng guro namin upang marealize ko kung gaano kahiya-hiya ang ginawa ko.

‘What are you doing, Zale?’ tanong ko na lang sa sarili.

Napaayos ako ng upo at nilingon si Zach na kinibitan lang ako balikat habang nakangiti.

“May sayad ka ba sa utak?” tanong ko dito.

“Wala. Baka ikaw ang may sayad, sumisigaw ka na lang bigla eh.” nakangisi pa ring sagot niya sa akin.

Naka-cross arm na inirapan ko na lang ito bago sumandal sa upuan.

Detention…

“You two stay here until six.” Sabi ni Mr. Sanchez nang puntahan namin ito sa office pagkatapos ng huling subject namin. “Iyan iyong nakukuha niyo habang naglalaro sa dis-oras ng klase.” Sabi pa nito.

“Pero, sir-“ pinutol agad ni Mr. Sanchez ang e-rarason ko pa sana.

“No more buts. I expect improvement from both of you when the detention is over.” Sabi pa niya bago kami iniwan.

“Haay!” naiinis na pinagpapadyak-padyak ko ang paa ko sa sahig saka nilingon si Zach na nakaupo lang sa pinakadulo. Nakapatong ang paa sa isang silya. Padabog na naglakad ako papunta dito. “Kasalanan mo ‘tong halimaw ka.” Asik ko pa dito nang makalapit sa kanya.

“Woohh..” paumpisa niya na itinaas sa ere ang kamay bilang depensa sa sarili nang makatayo . “Ikaw iyong sumigaw not me, so it’s your fault.” Pagtuloy niya sa sinasabi.

“Still, kung hindi mo ako palaging inaasar tuwing nagdidiscuss si sir hindi sana ako aakto ng ganun.”

“At ba’t hindi mo naisip na nasa loob ka ng classroom at may gurong nagtuturo bago ka sumigaw?”

“At bakit palagi ka na lang nanggugulo sa akin, ha?”

“Hindi kita ginugulo binigyan lang kita ng autograph kanina.” Nangingiting sabi pa nito.

“Autograph? Autograph?” singhal ko dito habang naglalakad papalapit sa kanya at siya naman ay paatras din ng paatras. “Kahit ikaw na lang ang isang lalaki na natitirang artista sa buong mundo hindi kita titingalain.”

“Tsk.tsk.. Masyado pang maaga, Honeybunch. You don’t know what will happen next.”Wika niyang iwinagayway pa ang isang daliri nito sa harap ng mukha ko.

 Napangiwi naman ako sa sinabi niya. “What?!... H-honeybunch? …Ha!” tiningnan ko ito ng mata sa mata, medyo nakatingala nga lang ako kasi matangkad ito sa height na 5’7. “Huwag mo akong tatawaging ganyan. Ever…!” Sabi ko sa kanya bago siya tinalikuran.

“Why not?  Ang ganda kaya, honeybunch.” Nakangisi pa rin ito nang paglingon ko.

Napapailing na napatsk-tsk na lang ako dito.

“Whatever pleases you, Zachy monster?”

“Zachy?” ito naman ang napakunot noo.

“Yeah, Zachy. Isn’t it nice? Zachy monster. Oh right, yan na ang itatawag ko sayo, Zachy monster.” Ako naman ngayon ang may malapad na mga ngiti. ‘HaHa’ tawa ko pa sa sarili. Ngunit napalis din ang ngiting iyon nang sumilay ulit ang ngiti sa labi niya.

“Zachy’s not bad.” Kibit-balikat pa nitong sabi saka nagpatuloy. “Isn’t it sweet of us? We’re calling each other with endearment.”

Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko sa sinabi niya pero agad ko din naman pinakalma ang sarili bago nagsabing “Dream on, Zachy monster.”  

“Then, why are you blushing?” tudyo pa niya sa akin. Iniwas ko ang tingin sa kanya.

“I-im not. Y- Your just imagining things.”

          ‘My Gosh, Zale. Your stuttering for nothing. Don’t be too affected, his just playing with you.’ Pagpapaalala ng isip ko sa sarili.

“Oh, really? But it’s written all over your face.” Kinalma ko ang sarili bago ito muling hinarap.

“Alam mo, hindi ka rin mayabang no? Feeling ka rin masyado! Hindi ikaw gusto ko kaya huwag kang ambisyoso.” Sabi ko saka nagwalk-out na. Humagalpak naman ito ng tawa pero hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy na lang paglakad papunta sa harapan kung saan ako nakaupo kanina.

Kinuha ko ang art book sa loob ng bag at ipinakli sa pahinang blanko at nagsimulang mag-outline habang naririnig pa rin ang pagtawa nito. ‘Nasisiraan na ata ng bait,eh.’ Naiiling na sabi ko na lang sa sarili at nagsimula ng magsketch.

Ilang sandali rin bago ko narinig ang paghinto ng tawa nito. At hindi ko namalayang nakalapit na pala ito sa akin dahil abala ako sa pag-e-sketch ng mukha ng tao.

“Anong ginagawa mo?” tanong niya sa akin nang makalapit siya nakayuko ito habang pinagmamasdan ang pagguhit ko.

“Malamang nagda-drawing. Engot nito.” Hindi ko nililingong sagot sa kanya at patuloy pa rin ako sa pagtatapos ng nasimulan kong mukha.

“I mean, why me?”sabay turo niya sa papel nang kunot-noong nilingon ko ito.

Nasapo ko ang sarili kong noo nang makita ang naging kinalabasan ng ine-sketch ko. ‘It was him. Why?’ tanong ko sa sarili na kunot noo ring nakatitig sa papel. Dati naman kasi pag nagagalit ako palaging mukha ni Ryder ang nagiging output ng ginuguhit niya. Basta hinahayaan lang niya ang sarili na iguhit kung ano man ang nasa isip nito not really minding if what should be the output of it.

Pero bakit ngayon mukha ni Zach ang naging output? It should be Ryder! Kasi pag nakikita niya ang mukha ni Ryder ay gumagaan ang pakiramdam niya. Oo, ganun kalakas ang epekto ni Ryder sa kanya dati pa. Alam mo ‘yun yung naghahanap ka ng inspirasyon sa buhay mo aside from your parents, family or friends? Iyon bang gusto mong mag-excel dahil sa kanya, ‘pag nakikita mo mukha niya ay okay na, kumpleto na araw mo. Alam mo ‘yun? Ganun ako kay Ryder kaya walang pakialamanan…Peace. J

Nawala ako sa pagmomomento nang inagaw ni Zach ang art book ko.

“Ako nga ito, honeybunch.” Itinabi pa niya ito sa mukha niya. “Hindi ko alam na may gusto ka pala sa akin.” Sabi pa niya na kay laki ng pagkakangisi.

“Wow! Over ha? Di ba pwedeng ginuhit ko muna iyan dahil ipapakulam ko mamaya.”

Napahagalpak siya ng tawa. Tawang ang sarap pakinggan sa tenga.

“You’ll never wish to do that, honeybunch. You can’t afford to do that kind of thing. Masyado akong gwapo para sirain mo.”

Bigla akong napahagalpak ng tawa sa sinabi niya saka tumayo at kinuha ang art book mula dito.

Tinapik-tapik ko pa ng mahina ang mukha nito bago nagsalita.

“Oh right, Zachy monster. Kung gaano ka kagwapo ganun din kakapal ang mukha mo.”  Sabi ko pa dito na nakangiti at pinisil ng mahina ang ilong nito. “Cute mo, Zachy boy.”

“What are you doing?” hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa kamay niya at ganun na lamang ang pagkapatda ko sa sarili ng mapagtanto kung ano ang ginagawa ko. Napaatras ako dahilan upang mapatumba dahil nasa likuran ko nga pala ang upuan at napatid ako sa paahan nito.

Buti na lamang at mabilis ang reflexes ni Zach at nahawakan niya ako kaagad sa beywang at hinila palapit sa kanya. Dahilan upang mapahawak ang kamay ko sa dibdib niya at naaamoy ko rin ang mabangong perfume nito.

‘Oh my Gosh. Nakayakap siya sa akin.’ Kinabahan ako sa naisip at sa takot na baka maramdaman ni Zach ang bilis na pagtibok ng puso ko ay inilayo ko na agad ang sarili at nagpasalamat na hindi ako pinigilan ni Zach na gawin iyon. ‘Ambisyosa ka din, noh?’ bulyaw ng isang utak ko.

Umupo ako sa silya na hindi na nilingon si Zach hanggang sa naramdaman ko rin ang pag-alis niya sa harapan ko at nagpunta na rin sa dating kinauupuan niya.

The rest of that time was so silent. No one bothers to talk or say anything until the detention was over.

“Honeybunch, are you okay?” naramdaman ko ang pagyugyog ng kamay sa balikat ko dahilan upang mapabalik ako sa kasalukuyan.

  -------------------------------------------------

Hello, there...

Nakaupdate na rin ulit. hehe..

Inspire ako kasi padami na ng padami ang bumabasa sa story ko and I really am glad na may napupuntahan rin ang pagsusulat ko. Hehe..

Well, I wouldn't be here if not because of you readers. You're my inspiration but I do hope na makavote din kayo at makapagcomment pag may time..I will appreciate it really..

Thanks sa lahat ng support:)

Vote..Comment..Follow *-*

Luvyah -*-

Continue Reading

You'll Also Like

697K 15.2K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
4M 59.2K 44
Married to an idol (Published under LIB/Pastry Bug)- Available in all National book stores and Precious Pages store. :) Hana Kim and her parents used...
1M 23.1K 58
{Revised Ending} And now, they've finally fallen in love. Is being called MINE enough? Second Book of Hey! Be Mine story! What will happen next? read...