Abaddon School (Part 1&2)

By TitserAna

12.7K 1.2K 97

Abaddon School (Part 1) - Completed Abaddon School (Part 2) - Completed Abaddon School: The Last Fight (P... More

ABADDON SCHOOL
AUTHOR'S NOTE
CHARACTERS
PROLOGUE
Abaddon School Part 1.1
Abaddon School Part 1.2
Abaddon School Part 1.3
Abaddon School Part 1.4
Abaddon School Part 1.5
Abaddon School Part 1.6
Abaddon School Part 1.7
Abaddon School Part 1.8
Abaddon School Part 1.9
Abaddon School Part 1.10
Abaddon School Part 1.11
Abaddon School Part 1.12
Abaddon School Part 1.13
Abaddon School Part 1.14
Abaddon School Part 1.15
Abaddon School Part 1.16
Abaddon School Part 1.17
Abaddon School Part 1.18
EPILOGUE
ABADDON SCHOOL - END
PROLOGUE (ABADDON SCHOOL PART 2)
Abaddon School 2.1
Abaddon School 2.3
Abaddon School 2.4
Abaddon School 2.5
Abaddon School 2.6
Abaddon School 2.7
Abaddon School 2.8
Abaddon School 2.9
Abaddon School 2.10
Abaddon School 2.11
Abaddon School 2.12
Abaddon School 2.13
Abaddon School 2.14
Abaddon School 2.15
Abaddon School 2.16
Epilogue [Part 2]
note
PROLOGUE (PART 3)
3.1

Abaddon School 2.2

155 12 0
By TitserAna

Chapter Two: Rey is Back!

THIRD PERSON'S POV

Matapos ang usapan nila sa canteen, sabay-sabay silang bumalik sa classroom nila.

"Hindi pa rin ako makapaniwala... na magkakasama na ulit tayo..." mahinang sabi ni Debra sa mga kasama niya.

"Pero, namimiss ko pa rin si Faye. Walang araw na namimiss ko siya..." sa puntong iyon, lumingon sila kay Debra na ngayon ay nakayuko habang naglalakad.

Lumapit si Ivan kay Debra at agad na niyakap ang dalaga. Alam nilang lahat kung gaano nasasaktan si Debra kapag naaalala niya si Faye, para na kasi silang magkapatid.

Lumapit si Fayce kay Debra at tinap ang balikat ng dalaga.

"Ayaw ni Faye na malungkot ka. Alam nating masaya na si Faye ngayon. So, chin up, Debra. Ayaw mo namang sigurong multuhin ka ni Faye?" sa sinabi ni Fayce, ngumiti ang dalaga at tumango ito.

"Hindi ka namin hahayaang maging malungkot,Debra."

"Tama n'yon,Debra! Kami ang magiging joker mo! Diba Lincoln!" masayang sabi ni Gino.

"Siraulo."

"Hoy! Narinig ko n'yon!"

Tumakbong sinundan ni Gino si Lincoln.

Tumingin si Debra kay Ivan na parang may gustong itanong.

Tumingin din ang binata sa dalaga

"G-ganoon na ba nyong dalawang nyon?" Inosenteng tanong ni Debra.

Kaya napatingin din si Fayce kay Ivan na mukhang naghihintay ng kasagutan.

Nakita kasi nilang dalawa kung paano magbatukan ang dalawa hanggang makapasok ang mga ito sa classroom nila.

"Oo, simula nung kami na lang ang magkakasama. Lalong naging close ang dalawang niyan. Mga baliw parehas."

"Kaya naman pala naging ganoon si Gino. Tsk. Nahawaan ni Lincoln ng pagiging baliw. Epidemya nga naman oh!" umiiling na sabi ni Fayce hanggang nakarating ang dalawa sa classroom.

Tumawa nang mahina si Debra dahil sa sinabi ni Fayce.

"Hindi pa rin nagbabago ang isang n'yon." tumingin sa kanya si Debra at sabay sabing "Ganoon talaga! Siya ang Fayce natin eh! Hihihi!" Tumatawang sabi ng dalaga.

Pagkapasok nina Debra at Ivan nakita nila ang tatlo na nagbabatukan sa isa't isa.

"Oooyyy! Dito ako Fayce, wag kang magulo. Doon ka sa tabi ng bintana!" pilit na nililipat ni Lincoln ang bag ni Fayce.

Kada isang row ay may limang lamesa at upuan. Tamang-tama lang para sa kanilang lima.

"Ayoko sa bintana! Si Gino na lang sa tabi ng bintana!" Nakikipagtalo pa rin si Lincoln kay Fayce.

Pero, sa huli ang naging pwesto nila ay ganito;
Debra - Ivan - Fayce - Lincoln - Gino - bintana.

"Ang daya! Katabi ko si Ivan eh!" pagmamaktol ni Lincoln.

"Don't worry, papakopyahin kita kapag nagkaroon na tayo ng quizzes and exams." mayabang na sabi ni Fayce.

"Bro, pakopya rin ah?! Pumayag na akong dito sa tabi ng bintana!" singit na sabi ni Gino.

"Oo naman. Ako pa?!" mayabang na sabi pa rin ng binatang si Fayce.

Tumitig sa kanya si Lincoln "Tumalimo kaya yata? Anong kinain mo sa ibang bansa?" usisa ni Lincoln.

"Kalabasa lang,Bro!"

Nagkatinginan ang dalawa at bakas sa mga mukha nila ang pagkalito.

Sina Debra at Ivan naman ay may ibang mundo kaya hindi nila pinapansin ang tatlong mokong.

"Kalabasa lang kinain?" sabay na sabi ng dalawa.

"Oo!"

"B-bakit Kalabasa lang kinain mo para tumalino ka? " Naguguluhang tanong ni Lincoln sa kaibigan.

"Sus. Hindi niyo ba alam para saan ang ng Kalabasa?" Tanong ni Fayce sa kanila.

"Pampalinaw ng mata niyon." proud na sabi ni Gino.

"Ayun naman pala! Alam niyo naman pala eh!" umayos ng upo ni Fayce at humarap sa Blackboard habang naka-dekwatro.

"Tapos/then?" sabay ulit ang dalawa.

"Hindi niyo pa rin gets? Mga pards, kumain ako ng Kalabasa para lalong luminaw ang mata ko. Para lalo kong mabasa ang sagot ni Ivan. Hahaha!" Tumatawang sabi ni Fayce sa kanila.

Tila hindi pa napoproseso ng utak nila ang sinabi ni Fayce.

Maya-maya. "T*ngina mo ka/ Siraulo ka!" Sabay na sabi ng dalawa.

"Oh bakit?" natatawang sabi ni Fayce.

"Akala ko naman matalino kana,Bwisit ka Fayce!" naiinis na sabi ni Lincoln.

"Wala akong sinabing matalino ako,diba? Ang sinabi ko lang, papakopyahin ko kayo...pero manggagaling kay Ivan ang sagot." natatawang sabi pa rin ni Fayce.

Napakamot ang dalawa sa mga ulo nila. Tama naman kasi si Fayce, hindi niya sinabi na matalino siya at sa kanya manggagaling ang sagot basta ang sinabi lang niya ay papakopyahin sila nito.

"Bwisit ka pa rin." Bulong ni Lincoln sa kanyang sarili.

Humupa ang mga usapan sa loob ng classroom ng dumating ang kanilang principal - Principal Alex Ford.

Nagkatinginan at nagkaroon ng bulungan ang mga estudyante hindi dahil first time pumunta ng principal sa kanila at first day of class ngayon kundi dahil sa gwapong mukha nito.

Si Alex Ford ay ang bagong principal ng Abaddon School. Hindi mahahalata sa mukha niya ang pagiging 50 years old niya dahil na rin sa kakisigan nito at ang kanyang pangangatawan ay parang nasa edad 30 yrs old lamang.

Bakas sa mga mukha ng mga kababaihan ang pakakakilig at pagkakaroon ng paghanga sa kanilang principal.

Pumunta sa gitna ang principal at tumikhim. Kaya napaayos ng upo ang mga estudyante.

Ngumiti ito at nagpakilala sa kanila "Good day everyone! I'm the new principal of this school. I'm principal Alex Ford..." tumayo silang lahat at nag-bow sa kanya.

Maski silang Lincoln ay yumuko rito.

"Alam kong magtataka kayo, pero binabalita ko sa inyo na sa susunod na araw ay magkakaroon tayo ng field trip..." nagbulungan ang iba dahil sa narinig nila. First day of school pero may field trip na agad.

"Alam kong mabilis para rito pero para na rin sa inyo ito..." Hindi natapos ng principal ang kanyang sasabihin dahil may biglang pumasok.

Niluwa ng pintuan si Spencer na ngayo'y may ngiti sa mga labi. Hindi niya binigyan pansin ang principal at dumiretso na lang ito sa upuan sa right side sa last row.

Pagkaraan niya sa pwesto nila Lincoln, nagsalita siya ng sila-sila lang ang makakarinig.

"Kumpleto na kayo... Mag-uumpisa na ang laro..." sabay umupo sa upuan niya.

Nagtataka man sila sa narinig pero bigla silang natakot sa huling sinabi nito.

"Malapit na ang laro..." bulong ni Lincoln sa sarili.

"Alam kong masyadong mabilis ang field trip na ito pero para na rin ito sa inyo. Para tuluyan niyong makalimutan ang bangungot na tungkol sa school na ito." Pagpapatuloy ng principal sa sinasabi niya.

Pero, ang lima ay may sarili na silang mga mundo. Wala na silang pakealam sa sinasabi ng principal nila.

"Kumpleto na raw tayo. Anong ibig niyang sabihin?" nag-aalalang tanong ni Debra sa kanila.

Wala ni isa sa kanila ang nakasagot.

Naagaw ang kanilang atensyon ng muling may nagbukas ng pintuan at sa puntong iyon puro tili ang kanilang narinig.

"Omg!"

"Totoo ba 'to?"

"Si Rey classmate rin natin!"

"Waaaaaah! Si Rey!"

Nagkatinginan ang lima at lumingon sila sa pintuan...Niluwa nito ang kanilang adviser na Ms. Niña kasama ang kaibigan nilang si Rey na matagal na hindi nagparamdam sa kanila.

Nag-usap ang principal at Ms. Niña. Pero si Rey ay nasa harapan pa rin at nakatayo roon.

Lumingon sila kay Spencer na may ngisi sa kanyang labi "Sabi ko sa inyo, kumpleto na kayo. Umpisa na rin ang laro."

"Maghanda na kayo. I-ready niyo ang sarili niyo. Mas bloody ang mangyayari ngayon." Sa puntong niyon, naging matapang ang mukha ni Spencer. "Isa sa kwartong ito ang mastermind."

Dahil sa huling sinabi ni Spencer, lahat sila kinabahan.

"Paano mo nasabi niyon?" tanong ni Debra sa kanya dahil siya ang mas malapit dito.

"Kutob." Sabay kibit-balikit niya.

"Ayan na ang kaibigan niyo, magpapakilala na." dahil doon napunta ang atensyon nila kay Rey.

"Hi. My name is Rey Smith. I'm back because I have a mission to settle down." Walang emosyong sabi ng binata.


- to be continued -

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.

Thank youuuu!💜❤


Continue Reading

You'll Also Like

6.9M 347K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
27.5M 701K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
7.5M 382K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
22.3K 1.1K 11
Dalawang taong may magkaibang sitwasyon ang magkakapalit ng katauhan. Isang gusto nang mamatay at isang mamamatay na ngunit gusto pang mabuhay. Anong...