The Billionaire's Secretary

By CussMeNot

11.3M 206K 17.8K

The Billionaire Series 1: King Tyron Sandoval (Self-published under Immac Publishing) Simple lang ang hangad... More

The Billionaire's Secretary
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Note
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Huling Kabanata
Special Chapter
The Billionaire's Sexy Whore
Unspoken Truth
King Hyron
Note
Announcement!
SELF PUBLISHED under Immac Publishing Services
BOOK ANNOUNCEMENT
TBS book Reprint!
The Mafia Boss Love Interest Published under Immac PPH

Kabanata 46

145K 2.7K 271
By CussMeNot

Kabanata 46

May 28, 2018

Nilagyan ko ng X mark ang petsa na nasa kalendaryo. Ito ang petsa ngayong araw. Nakasanayan ko nang markahan kada umaga ang bawat araw na lilipas. Nakakatulong kasi ito sa akin. Sa pamamagitan kasi nito ay naalala ko ang date. Nitong mga nakaraang buwan kasi ay naging malilimutin ako. Dala siguro ng pagbubuntis.

Tinitigan ko ang kalendaryo at binilang ko kung ilang buwan na kaming nakatira dito.

Napakamot ako sa pisngi ko. Grabe, matagal na pala. Ang bilis lang ng panahon. Parang kailan lang ay kakarating lang namin dito.

"Anim na buwan." mahinang wika ko sa sarili.

Anim na buwan na pala ang lumipas mula noong dinala ako ni King Tyron sa isla na ito. Akalain mo nga naman at naging mabilis ang panahon. Hindi ko inaakala na matuling na palang lumipas ang mga araw.

Parang kahapon lang ay nalaman kong buntis ako tapos ngayon ay kitang kita na ang ibidensya ng pagbubuntis ko.

Biglang pumasok si King Tyron sa isip ko. Nalaman niyang buntis ako noong pangatlong buwan namin dito. Naging mausisa kasi siya noong nakita niya akong sumusuka. Wala akong choice kundi ang umamin.

Hinimas ko ang aking malaking tyan nang may naramdaman akong mahinang kirot. Napangiwi ako.
Sa ngayon ay malaki na ang tyan ko. Naging maayos naman ang aking pagbubuntis. Hindi naman ako naging maselan sa paglilihi. Naging maayos ang lahat, sa tulong narin ni King Tyron. Hindi naging mahirap ang paglilihi ko.

Sa mangga na may bagoong at ketchup lang naman kasi ako nahilig. Hindi ako naging mapili sa kinakain. Mangga, bagoong, at ketchup lang ay sapat na. Naalala ko tuloy si Mich. Kinakaayawan niya kasi yung gusto ko na sawsawan. Nakakadiri daw.

"Si Mich. Kamusta na kaya siya?" wala sa sariling tanong ko habang bumubuntong hininga.

Nang maisip ko si Mich ay nalumbay ako. Ang tagal ko na siyang hindi nakikita at nakakausap. Nakakaramdam ako ng lungkot. Wala na akong balita sa kaniya. Hindi ko na siya nakontak pa simula noong dinala ako ni King Tyron dito.

Dahil sa nakakapagtakang dahilan ay bigla na lang nawala ang aking cellphone. Hinanap ko ito sa bag pero wala akong nakita. Noong tinanong ko naman si Tyron ay hindi niya daw ito alam. Lubos ang pagtataka ko pero isinawalang bahala ko na lang ito.

"Miss ko na 'yung lukaret na iyon. Nakakamiss din pala ang kabaliwan niya." nakanguso na pagkakausap ko sa sarili ko.

"Nakakainis kasi si Fucking tyron. Ayaw niya pang umuwi sa Maynila." paghihimutok ko habang naiinis na nagkakamot ng ulo.

Nakiusap naman ako kay Tyron tungkol sa kagustuhan kong bumalik sa Maynila pero hindi siya pumayag. Hindi ko na muling nakita pa si Mich. Ni-hindi na rin ako nakapunta pa sa La Union.

Sa pagtira namin dito ay nasanay narin ako. Ang anim na buwan naming pagtira dito ay naging simple. Walang luho o mga bagay na mahahalin. Simpleng buhay lang ang meron kami ni King Tyron ngayon.

Minsan nga ay napapaisip ako, kung bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin. Kung bakit bigla na lang niyang ginusto na mamuhay ng simple. Nakapagtataka. Pansamantala niyang iniwan ang lahat ng yaman niya para lang makasama ako sa isla na ito. Mas pinili niyang mamuhay muna ng simple.

Nang tinanong ko naman siya tungkol sa mga kompanya na naiwan niya sa Maynila ay tipid lang ang isinagot niya. May inatasan daw siyang tao na gumagawa ng mga dapat niyang gawin.

Siguro ay daddy niya muna ang namamahala nito. Iyon kasi ang sabi ni Mich dati.

Sa anim na buwan naming pananatili dito ay tatlong beses palang umalis si King Tyron upang bumalik sa maynila. Gusto kong sumama sa kaniya pero ayaw niya. Dati ay pilit akong nakikipagtalo sa kaniya na gusto ko nang bumalik sa amin pero hindi niya ako pinapayagan. Ayaw niya at hindi ko alam ang dahilan niya kung bakit ayaw niya akong pauwiin.

Hindi ko alam kung saang lupalop ng pilipinas kami naroroon. Tinanong ko siya dati pero hindi siya sumagot na siyang naging dahilan nang matindi kong galit sa kanya. Di ko alam kung bakit ayaw niyang ipaalam.
Tyron. Bakit ka ganyan?

Napapaisip nga ako minsan na baka itinatago niya ako dito sa isla pero alam ko naman na imposible iyon. Kung itinatago niya ako ay sa anong dahilan at kanino? Wala akong maisip na dahilan kaya naman iniaalis ko na lang ang ideya na iyon.

"Ang weird talaga ng daddy mo, baby." malambing na sabi ko habang hinihimas ko ang aking malaki na tiyan.

Hindi ko pa alam kung ilang buwan na ba akong buntis. Hindi pa kasi ako nakakapagpa-check up sa doctor. Gustuhin ko man ay hindi naman ako pinapayagan ni King Tyron.

Pero sa palagay ko ay magpi-pitong buwan na akong buntis. Sa palagay ko lang. Sa hula ko kasi ay nabuo yung anak namin noong mga panahong sweet pa kami sa isa't isa. Bago kami naging busy sa trabaho, ilang linggo mula noong nakauwi kami galing sa Palawan.

Dahan dahan akong naglakad at lumabas sa pinto. Nang makarating ako sa terrace ng bahay ay umupo agad ako sa upuang bakal. Medyo nahirapan ako sa pag-upo dahil sa malaki kong tiyan.

Nang makaupo ako ay iginala ko agad ang paningin ko. Sumisikat na ang araw. Ang gandang pagmasdan ng araw na tumataas sa gitna ng karagatan. Tapos masarap pa sa pakiramdam ang malamig ngunit sariwang hangin na dumadampi sa aking katawan.

Umayos ako nang pagkakaupo dahil nakaramdam ako nang ngawit. Minsan ay hirap akong kumilos dahil sa tyan ko. Sobrang laki kasi nito eh. Nakakapagtaka at parang hindi normal ang laki nito kung pitong buwan palang akong buntis. Para kasing 9 months na ang tyan ko dahil sa sobrang laki. Mabigat din ito kaya naman medyo nahihirapan na talaga akong maglakad. Hindi naman ako makapag pacheck up dahil wala namang clinic sa isla na ito. Nalabas pa ng isla ang ibang tao para pumunta sa ospital na nasa kabilang isla. Kailangan pang sumakay ng bangka para makaliban sila.

Kakaunti ang mga residente na nakatira dito sa isla. Hindi tulad sa boracay na madaming populasyon. Dito ay mabibilang mo lang ang mga tao.

Napagawi ang tingin ko sa kabilang dako ng dalampasigan. Nakita ko si King Tyron na naka-topless. Nakatayo siya doon at kasama niya ang isang mangingisda.

Muli akong napatingin sa kaniyang katawan. Malayo siya sa akin pero kitang kita ko ang pagkinang ng mga pawis sa kaniyang katawan. Kung dati ay maputi ang kutis niya noong pumunta kami dito, ngayon naman ay medyo tan na ang balat niya. Mas bumagay sa kaniya ang kulay ng balat niya. Para siyang brazilian model. Lalo siyang pumogi.

Matagal ko siyang pinagmasdan. Ang ganda niyang titigan. Para siyang modelo. Nakatayo siya doon sa dalampasigan habang kausap si Mang Lano. Isa siyang mangingisda. Nang tumira kami dito ay marami na kaming nakilala na mga tao. Halos kalahati ng populasyon dito sa isla ay kilala ko. Medyo naging gala kasi ako noong unang buwan. Ayoko kasing makita si King Tyron kaya naman nagpaka-ala-dora ako. Nag-gala ako upang iwasan siya. Medyo malapit lang naman dito sa aming bahay ang tirahan ng mga naninirahan dito sa isla. Limang minutong lakarin lang mula dito sa bahay.

Naalala ko tuloy ang mga nangyari noong nakalipas na buwan.
Hindi naging madali ang naging pagsasama namin ni King Tyron dahil naging sarado ang isip ko sa mga paliwanag niya. Ang unang buwan naming magkasama ay naging mahirap. Dahil sa isang buwan na iyon ay wala akong ginawa kundi ang barahin siya. Hindi ko siya pinapakinggan. Lagi ko siyang iniiwasan. Nang mapagod ako sa pagsagot at pambabara sa kaniya ay tumahimik na lang ako. I gave him a silent treatment. I don't talked to him. Kahit may kailangan ako at may gusto akong isang bagay ay hindi ko siya kinakausap.

Isinusulat ko lang ang gusto ko at inilalagay ko ito sa pinto ng refrigrator. Ibinibigay niya naman ang gusto ko pero hindi niya ito iniaabot sa akin ng harapan.


Inilalagay niya iyon sa may lamesa tapos kinukuha ko ito tuwing wala siya sa paligid. Hindi ako nalapit sa kaniya at ayoko din siyang lumapit sa akin. Para kaming mga bata na ayaw magbati.

Lumipas ang pangalawang buwan at para parin kaming mga estranghero na hindi nag uusap. Pag nagkakasalubong kami sa bahay na ito ay umiiwas ako. Alam kong gusto niya akong kausapin pero hindi niya ako magawang makausap dahil iniiwasan ko siya. Iniirapan ko pa nga siya at itinataas ko pa ang kamao ko.

Kunwari ay inaambahan ko siya ng suntok. Alam ko na gawain iyon ng bata pero hindi ko parin mapigilan na gawin ang ganoong kilos. Naiinis kasi ako sa pagmumukha niya. Nainit ang dugo ko sa kaniya.

Noong patatlong buwan naman naming paninirahan dito ay medyo iniimikan ko na siya. Nakakasawa na kasi ang set up namin. Naboboringan na ako dahil sobrang tahimik namin sa bahay. Kaya naman ako na rin yung unang nakipag usap sa kaniya.

Nagulat pa nga siya tapos kalaunan ay mangiyak ngiyak na siya sa tuwa dahil daw inimikan ko na siya. Para lang siyang tanga noong araw na iyon. Mukha siyang bata na nabigyan ng gustong gusto niyang laruan.

Medyo nawala na rin kasi ang inis at galit ko sa kaniya. Tsaka naisip ko rin na wala namang patutunguhan 'yung pag-iwas ko sa kaniya. Napagtanto ko na hindi na naman kami teen ager pa para mag-artihan ng ganoon. Sa pangatlong buwan din niya nalaman na buntis ako.

Tandang tanda ko pa ang nangyari noong mga panahon na iyon.

Tumakbo ako sa may lababo nang makaramdam ako nang pagbaliktad ng aking sikmura. Habang sumusuka ay narinig ko ang pagkalabog ng kung ano sa may lutuan tapos ay narinig ko ang mabilis na yapak ni King Tyron.

Maya-maya ay naramdaman ko ang marahan niyang paghimas sa aking likod. "Anong nangyari sa'yo? Bakit ka nagsusuka? May sakit ka ba? Kumain ka na ba? Sabi ko naman sayo na huwag kang magpalipas ng gutom, baka sinisikmura ka." natataranta na tanong ni King Tyron.

Mas lalo akong nahilo dahil sa dami niyang tanong sa akin. Nang matapos ako sa pagsusuka ay napahawak ako sa braso niya. Hindi ko siya sinagot.

Nanghihina na tiningnan ko siya.
Bumuntong hininga muna ako bago ako nagsalita. Ano kayang magiging reaksyon niya? Magiging masaya kaya siya tulad ng naramdaman ko noong nalaman kong buntis ako? O magagalit dahil hindi ko agad ipinaalam sa kaniya.

"Anong problema, mahal kong Hera? May masakit ba sa'yo?" mahinahon niyang sabi habang hinihimas ang likod ko.

Sinalat niya din ang noo ko para tingnan kung may sakit ba ako. Tuloy lang siya sa paghagod sa likod ko.

Gumaan ang pakiramdam ko sa kaniyang ginawa. Tinitigan ko siya pagkatapos ay mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Nang imulat ko ito ay sumalubong agad sa akin ang nag aalala niyang kulay asul na mga mata.

"Tyron, buntis ako. Magkakaanak na tayo" lakas loob na sabi ko. Lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.


Nagkaroon ng takot ang aking puso.
Anong magiging reaksyon niya? Matutuwa ba siya o hindi? Pero agad ding nasagot ang tanong ko nang makita kong nawala ang pag-aalala sa mukha niya. Unting-unting lumungkot ang kaniyang ekspresyon. Naramdaman ko ang unti-unting pagluwag ng pagkakahawak niya sa aking bewang.

Tumungo siya dahilan kung bakit hindi ko na muling napagmasdan ang kaniyang mukha. Malungkot siya. Iyon ang nakikita ko sa kaniya, pero bakit? Bakit siya naging malungkot sa nalaman? Kumirot ang puso ko dahil sa kaniyang reaksyon. Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng aking mga mata.

Sabi ko na nga ba eh. Kaya ayokong ipaalam sa kaniya kasi baka ayaw niya. Na baka hindi niya pa tanggap. Na baka hindi pa siya handang magka-anak kami. Masakit. Masakit makita sa kaniya ang ganitong reaksyon.

"Hindi ka ba masaya?" may hinanakit na tanong ko sa kaniya.

Nanatili lang siyang nakatungo. Tahimik lang siya. Hindi siya sumagot sa akin kaya naman humawak ako sa braso niya upang kuhanin ang kaniyang atensyon.

"T-tyron, sumagot ka naman. Buntis ako! Hindi ka ba masaya?" may hinanakit na tanong ko sa kaniya. Ramdam ko ang pagbara sa may lalamunan ko upang pigilan ang paghikbi.

Kita ko ang pagkuyom niya ng kaniyang kamao. Huminga siya ng lalalim na para bang nag pipigil ng galit. "Tyron. Tyron. Lagi na lang si Tyron." may gigil sa tonong bulong niya.

Mahina lang iyon na para bang kinakausap niya lang ang sarili niya pero dahil sobrang lapit ko sa kaniya ay narinig ko iyon. Naguguluhan na napasinghap ako. Ano bang nangyayari sa kaniya?

"Hindi ka ba talaga masaya na buntis ako sa magiging anak natin." may sakit sa tono na sabi ko.

Tumunghay siya at pagkatapos ay umiling siya at bumuntong hininga. "Magpapahangin lang ako sa labas." mahinahon niyang pagpapaalam sa akin.

Binitawan ko siya habang tumatango. "Si-sige. Kung iyan ang gusto mo." may pait sa boses na sambit ko.

Pinagmasdan ko siyang tumalikod. Naramdaman ko ang pagbagsak ng luha sa aking mga mata. "Hindi ka masaya."

Matapos kong sabihin sa kaniya ang mga katagang iyon ay dumaretso na agad siya sa pinto para lumabas. Sinundan ko siya nang tingin habang pumupunta siya sa dalampasigan. Nakita ko kung paano niya pinagsisipa ang buhangin na may halong galit at pighati. Narinig ko ang sigaw niya at pagmumura niya.

Naluluhang napailing ako. "Masakit makitang hindi ka masaya na malamang magkakaanak na tayo. Ang galing mong magpaputok sa loob pero heto ka at galit na galit nang malaman mong buntis ako. Edi sana kung ayaw mong magkaanak ay sa labas mo na lang pinaputok para naman sure na sure na wala kang magiging problema. Tsk." inis na hinawakan ko ang aking tyan at pagkatapos ay hinimas ko ito.

"Huwag mong pansinin ang daddy mo, baby. May topak talaga siya. Basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita."

Natigil ang aking pagbabalik tanaw nang may marinig akong tumatawag sa akin. Tumingin ako sa pinangagalingan ng boses at nakita ko si King Tyron na kumakaway sa akin habang itinataas niya ang timba. May hawak na siya na maliit na taro. Sa wari ko ay may isda itong laman.

"May ibinigay na hipon at hiwas si Mang Lano. Anong gusto mong luto dito?" may ngiti sa labi na sigaw ni King Tyron.

Tipid na ngiti ang itinugon ko sa kaniya. Hindi ko sinagot ang tanong niya. Tinatamad kasi akong makipag sigawan sa kaniya at tsaka alam ko na namang alam na niya ang gusto kong luto doon.

"Sinigang na hipon at piritos na hiwas." nakangiti na sigaw niya.

Itinaas ko ang aking kamay at nagthumbs up ako sa kaniya. Pagkatapos niyang makita ang naging tugon ko ay muli niyang hinarap si Mang Lano. Nakita kong ibinigay niya ang bayad kay Manong. Tumango si Mang Lano at sa wari ko ay nagpasalamat. Nang matapos silang mag usap ay kumaway si Mang Lano sa akin. Kumaway ako pabalik habang nakangiti. Tumalikod na ito at sumakay na siya sa bangka niya at tsaka umalis.

Ganito ang senaryo namin sa umaga. Naghihintay siya sa may dalampasigan upang abangan ang pagdating ni Mang Lano sakay sa bangka na galing sa laot. Bumibili siya ng isda na pang-ulam namin sa mag hapon. Minsan sa isang linggo ay pumupunta din siya sa palengke upang mamili ng mga karne, manok at mga panglahok.

Pinagmasdan ko si Tyron habang naglalakad siya palapit sa aming bahay. Habang pinagmamasdan ko siya ay naisip ko ang mga bagay na nagbago sa kaniya pamula noong nagpunta kami dito. Malaki na ang pinagbago niya ngayon. Ibang iba na siya.

Muli kong naisip ang lahat ng mga bagay na nagbago sa kaniya. Marunong na siyang magluto. Nakakapagtaka nga lang at sobrang sarap niyang magluto. Hindi naman siya ganoon dati, ni-hindi nga siya maalam. Miski pag prito ng hotdog ay di niya alam. Kung iisipin ay sobrang nakakamangha dahil sa maikling panahon na paghihiwalay namin dati ay natuto na agad siya sa mga bagay na ginagawa sa kusina.

Nawala ako sa malalim na pag iisip nang biglang sumulpot sa aking harapan si King Tyron. Nakangiting hinawakan niya ang aking kamay.

"Tara na sa loob? Samahan mo akong magluto, mahal kong Hera." tumayo ako mula sa pagkakaupo.

"Sige." sabi ko habang hinahawakan ko ang aking balakang.

Bigla kasing sumakit ang aking likod. Siguro ay nabigla sa pagkakatayo ko. Nakita niyang medyo hirap akong maglakad kaya inalalayan niya ako. Habang naglalakad kami papasok sa loob ng bahay ay nagbibiro siya kaya hindi ko maiwasang mapatawa.

"Tumigil ka na sa pagpapatawa. Nasakit ang tyan ko sayo eh. Huwag mo na akong patawanin, please lang." nakangiwi na sabi ko sa kaniya.

Naramdaman ko kasi ang pagsakit ng tiyan ko dahil sa kakatawa. Feeling ko nababarino ang anak ko dahil sa mga joke niya na medyo waley.

Tumawa si King Tyron. "Alam mo naman na gustong gusto ko na lagi kang masaya diba?"

Kinurot ko siya at tinawanan. "Pero sumasakit ang tyan ko sa kakatawa eh. Baka mapaanak ako ng hindi oras dahil dyan sa mga joke mo."

"Sumipa nga ang anak mo kanina eh. Waley daw ang joke mo." pang aasar ko sa kaniya.

Tumatawa ako habang tinitingnan siya. Nakita ko kung paano unting unting nawala ang ngiti sa kanyang labi. Napansin ko din ang pag-igting ng panga niya. Pagkatapos ay tumahimik na siya. Hindi ko na lang iyon pinagtuunan ng pansin at tumawa na lang ako.

"Mga anak ko?" may pait sa boses na bulong niya.

Natatawang tinanguan ko siya. "Oo naman. Para kang sira. Tatanong ka pa. Nakahithit ka ba ng katol. Syempre, anak mo"

Nakita ko kung paano siya ngumiti ng tipid habang inaalalayan ako sa paglalakad.

"Saan mo gustong umupo? Sa salas o sa kusina?" tanong niya.

Napanguso ako dahil sa ginawa niya. Bakit parang iniiba niya ang usapan? Ipinagsawalang bahala ko na lang ang napansin ko.

"Sa kusina tayo. Sasamahan kita sa pagluluto." nakalabi na sambit ko habang hinihimas ko ang aking tyan.

Naramdaman ko kasi ang mahinang pagsipa ng baby ko sa tiyan. Paniguradong gutom na naman ito. Napahagikhik ako sa naisip. Gutumin kasi ang baby ko. Gusto niya lagi akong nakain. Siguradong paglabas niya sa tiyan ko ay sobrang taba niya. Ang takaw kasi eh. Mabuti na lang at hindi ako nataba dahil kung hindi ay paniguradong mukha na akong balyena sa sobrang takaw kong kumain.

"Gutom ka na ba?" tanong niya.

"Medyo pero mas gutom na yung nasa tyan ko. Naninipa na eh."
humahagikhik na pahayag ko habang hinihimas ang malaki at bilugan kong tiyan.

Nakarating agad kami sa kusina. Nilagyan niya muna ng maliit na unan ang aking uupuan bago niya ako inalalayang umupo.

"Hindi na ba matigas sa pang-upo?" mahina niyang tanong.

Umiling ako sa kaniya. "Hindi na. Ayos na ako dito. Bilis na magluto ka na." sabi ko habang tinutulak siya palayo sa akin.

Nagpatinaod naman siya at pumunta siya sa lababo upang magluto.
Pinanood ko lang siya na magluto. Hindi s’ya nagsasalita kaya pinili ko na lang din na tumahimik. Habang naghihintay sa kaniya ay nakahalumbaba ako sa may lamesa. Nakakapagod maghintay. Nang mainip ako sa paghihintay ay binasag ko na ang katahimikan sa pagitan namin.

"Wala ka ba talagang balak bumili ng tv?" naiinip na tanong ko sa kaniya.

Nakita ko kung paano siya natigilan sa paghihiwa ng rekados pero agad din naman siyang bumalik sa ginagawa.

Hindi siya sumagot sa akin kaya naman inulit ko ang aking tanong sa kaniya. "Oy bili ka naman ng tv. Naiinip na ako dito eh. Walang mapaglibangan. Walang tv tsaka wala din akong cellphone. Nakakabano ang pagkaboring dito. Susko, sawa na akong titigan maghapon ang dagat at buhanginan. Anim na buwan na akong buryo dito. Tsaka nakakasawa ka naring titigan." mahabang pagrereklamo ko habang naghahaba ang nguso ko.

"Nagtitipid tayo, mahal kong hera. Masyadong mahal ang tv." hindi siya lumilingon sa akin habang kinakausap niya ako.

Napaismid naman ako sa sinabi niya. "Tipid ka d’yan. Tse, Mayaman ka, Tyron. Sobrang yaman mo. Barya lang yan kung bibilhin mo. Huwag mo nga akong maloko loko d’yan. Sapakin kaya kita. Gigil mo si ako."

Hindi na s’ya nagsalita pa at ipinagpatuloy na lang niya ang pagluluto. Napanguso ako at napabuntong hininga.

Ano ba ‘yan! Tahimik na naman siya. Napakamot ako sa aking buhok. Ang laki nga talaga ng pinagbago niya. Haist!

Tsk. Grabe, miss ko na 'yung dating siya. Yung King Tyron na pikon, yung palamura, yung medyo mapang-asar pero clingy na malambing. Miss ko na yung dati niyang ugali. Miss ko na yung kamahalan ko na malakas ang topak. Yung kamahalan ko na malambing tapos biglang magiging seryoso. Na mimiss ko na yung ugali niyang pabago bago. Miss ko na yung masungit pero malambing na ugali niya. Yung seryosong si King Tyron.

Simula kasi noong nagpunta kami dito ay nagbago na siya. Hindi na siya pikunin tapos lagi siyang nakasunod sa lahat ng gusto ko. Hindi siya nakikipagtalo sa akin. Lahat ng gusto ko ay ayos lang sa kaniya. Lagi siyang nakangiti kaya nakakapanibago noong una. Naging sobrang bait niya at sobrang lambing pero ewan ko ba.

Mas gusto ko parin talaga yung dati niyang ugali. Doon kasi ako napamahal at nasanay eh. Sa ugali niyang walang kasing sama.
Miss ko na yung pagiging pikon at pagiging asar talo niya.

"Napapangitan na ako sa'yo. Hindi ka na pogi." malawak ang ngiti na pangaasar ko sa kaniya.

Tuwing sinasabi ko sa kaniya 'yan dati ay nalulukot na mukha niya tapos pumupula na ang mukha niya sa inis.

Sinulyapan niya ako ng saglit at nginitian. "Ayos lang kung hindi na ako pogi. Ang mahalaga tao pa rin."
Nawala ang nang-aasar na ngisi ko sa kaniya.

Napaismid na lang ako. Hindi siya naasar. Hindi siya napikon sa akin. Ano ba ‘yan! Hindi ko na naman nakita ang pagkunot ng noo niya at ang galaw ng panga niya tuwing nagagalit siya.

Kung hindi siya nagbago ng ugali ay paniguradong asar na naman siya at ang sasabihin niya ay 'What the fuck! Are you blind? Can't you see that i'm fucking handsome. Look at my face, and you can definitely see that my face is so fucking perfect. Hera, i'm so fucking handsome'

Ganyan ang lagi niyang sinasabi sa akin dati pag inaasar ko siya na panget. Nanlilisik ang mga mata niya, umiigting ang kaniyang panga, tumitingkad lalo ang kulay asul niyang mga mata pag nagagalit. Tapos tuwing napipikon siya ay nagmumura siya na labis kong ikinakatawa.

Miss ko na 'yung dating siya. Miss ko na yung dating kami na parang aso't pusa kung mag-asaran pero talo pa ang asukal sa sobrang tamis tuwing naglalambingan.

Miss ko na 'yung dating ugali niya.

CussMeNot

Continue Reading

You'll Also Like

6.2K 261 22
Calderon Series #3 Bisaya | Completed Started: March 21, 2021 Ended: May 20, 2021
990K 34K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
105K 495 19
If you want or seeking for some stories na TAGUAN NG ANAK, Check out this stories and read! Hope you like it:)
His By iorikun

General Fiction

1.5M 39.7K 20
WARNING: RATED 16+ || Young Adult Read EXCERPT: "Fuck Zeleny! Don't you get it huh?" sigaw niya sa 'kin na nanlilisik ang mata. "N-na ano? 'Di kita m...