The Greatest Wizardess

By blutisquare

409 67 4

Gusto niyo bang matuto ng mga spells and magic?? Well.. tama kayo ng napuntahan dahil ang story na ito ay tun... More

Prologue
Chapter 1-The Letter
Chapter 3-Encounter
Chapter 4-Emblems
Chapter 5-Sid Damien
Chapter 6-The Proposal
Chapter 7-His Threat
Chapter 8-The Devil Found its Prey
Chapter 9-Battle Royal
Chapter 10-Conclusion
Chapter 11-Elemental Room
Chapter 12-Devil's Brother and the Forest's Guardian
Chapter 13-Medical Magic Class
Chapter 14-Team Work Fails?
Chapter 15-Her Sealed Azura

Chapter 2-Laurelia

33 11 0
By blutisquare


Nakasakay kami ng train, nakatayo ako dahil wala ng bakanteng upuan, "Lukot pa rin ang mukha mo, ganyan mo ba kaayaw na sumakay ng tren?" tanong ni Mr. Lexter the envelope.


No, it's not like that...


An hour ago...


Tinanghali ako ng gising dahil madaling-araw na kong nakatulog sa sobrang pagkaexcite at maging ang pag-iimpake ay nawala lahat sa isip ko dahil tanging tumatakbo lamang sa isip ko nung mga oras na iyon ay makakapasok na rin ako ng Laurelia sa wakas.


"I'm done." excited akong bumaba ng hagdan habang dala ang isang maleta ko at nakasabit naman sa balikat ko ang sling bag.


"So slow, sinabi ko ng kapag tatanggapin mo ay dapat nakaimpake ka na bago pa ko dumating. blah! blah! blah! blah!!! blah! blah!!! Nasaan ba ang mga magulang mo at hindi ka man lang ginising at tinulungan mag-impake???" wala siyang ibang ginawa kundi ang sermonan ako ng sermonan. "Nakikinig ka ba ha???"


"Yes po Mr. Lexter the envelope."


"This kid... Ilagay mo sa gitna ang mga gamit mo." utos ni Mr. Lexter the envelope habang magkasalubong ang mga kilay. OO may kilay siya o wala? Ah basta.


Mabilis kong sinunod ang utos niya at tumayo sa kanyang harapan, this is it, I'm so excited about this.


"What are you smiling for?"


"Well uhm, diba dadalhin mo ko sa academy? Excited na kong makita ang magic mo Mr. Lexter the envelope. For sure it was fantastic and amazing dahil galing ka sa Laurelia. Hihihihihi.. Anong magic gagamitin mo para makarating tayo sa Laurelia? Teleportation? A broomstick? Flying carpet? Excited na ko." excited na excited talaga ko.


"Creepy. Anong sinasabi mo??? Get out of the circle."


"Hmm? Bakit??? Ah so sa broomstick? Pero never ko pang natry makasakay doon, kyaaahhhh. Anong gagawin ko, kailangan kong magprepare.."


"Are you an idiot? Be quiet at hindi ako makapagconcentrate dahil sayo." I zipped my mouth saka lumayo sa maleta ko, anong cirle ang sinasabi niya? Wala naman akong makitang circle. Maya-maya ay bigla na lamang nagkaroon ng bilog na nakapaligid sa maleta ko. Nagliwanag ito ng sobrang tindi at may parang star sa loob, so this is the magic circle??? Ang galing! Ng mawala ang liwanag ay wala na rin ang maleta ko. "Dinala ko na sa academy ang mga gamit mo, to be exact... sa magiging dorm mo mismo."


"Wooowww!!! Ang galing!!! Ang galing non Mr. Lexter the envelope! Ang galing talaga."


"Idiot. That's no big deal, it's just a simple magic." simple magic? Para sa kanya simple magic lang yon??? "Ah right, hindi mo nga pala kaya yon, you can't do anything nga pala."


"Konting preno naman diyan oh. And for your information may kaya kaya kong gawin."


"Oo nga pala, sorry-sorry, kaya mong bigyan ng buhay ang mga bagay na wala namang buhay. And yeah in a wrong way. Hahahahah."


"Tch."


"Now let's go."


"Ha? Saan??"


"Sa train station."


"Ahhh, aano tayo doon?"


"Idiot, ano ba sa tingin mo ang ginagawa doon?"


"Wag mong sabihing..."


"That's right, dadalhin kita sa academy sa pamamagitan ng train."


"Pero---paanong---bakit... no wayyyyyy!!!!!!"


"Let's go, bago pa tayo abutan ng dilim. It's your fault for fantasizing."


"Ibig sabihin, kailangan kong sumakay ng train at hindi instant ang pagpunta ko ng school at gamit ko lang ang nakaexperience ng ganon?" bigla kong nanlugmok, at sa mga oras na 'to ay pinangarap kong maging gamit ako at maexperience ang kakaibang magic.


So that's what happened, I really am disappointed pero wala akong karapatang magreklamo.


Matapos ang maraming oras ay narating na rin namin ang Sylvana. Biglang nakuha ng shopping district ng Sylvana ang atensyon ko, waaaahhhh!!!! Walang katulad talaga ang Sylvana, maraming tao, maraming shops ng mga kakaibang bagay, mga magic items, mga pagkain at kung ano-ano pa pero hanggang tingin lang ako dito lagi... dahil wala kong pera. HUHUHUHUUHUUHUHUHUHU!!!!!!! Sabi nila once a month, lumalabas ang mga Laurelia students at bumibisita dito. Isa sa pinakakilalang attraction na dinarayo ng lahat dito sa Sylvana ay ang kanilang shopping district.


"Hey little kid with a weird face, is this the first time that you saw this place?"


"Ahhhh... hindi, nakikita ko yan sa tuwing pumupunta ko dito sa Sylvana para kumuha ng entrance exam. Pero sa tuwing nakikita ko ang shopping district nila hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi mamangha, parang lagi itong bago sa paningin ko. At balang araw, gusto kong makapunta doon."


"You... how many times have you taken the exam?"


"Three." wala sa sariling sagot ko at nakalimutang si Mr. Lexter the envelope nga pala ang kasama ko na walang ibang ginawa kundi maliitin ang pagkatao ko.


"You poor thing, mabuti at hindi ka man lang pinanghihinaan ng loob matapos ang tatlong beses na failures." umiling-iling pa ito, "You're unbelievable."


"Compliment ba yan o pinagkakatuwaan mo lang ang pagiging positibo ko?"


"Both."


"What?" napalakas ang sabi ko kaya nakuha ko ang atensyon ng mga tao. "Sorry."


"Hindi ba iyon yung messenger ng Laurelia?"

"Talaga? Kung gayo'y isa siya sa nakapasa sa entrance exam?"

"Ang swerte niya."

"Pero dalawang linggo ng nagsimula yung klase diba?"

"Mukha siyang mahina, bumaba na ba ang standard ng Laurelia?"

"Wow! Yung envelope si Lexter diba?"

"Ang galing!!!! Ngayon ko lamang siya nakita."


"Wow kid mukhang sikat ka na." -Mr. Lexter the envelope.


"Jeez. Baka ikaw. Lahat lang ng sinasabi nila sakin ay puro pangit, pero balang araw kapag naging Greatest Wizardess na ko malalaman nilang hindi nagkamali ang Laurelia sa pagkuha sakin." itinaas ko pa ang fist ko saka tumango.


Tawa naman ng tawa si Mr. Lexter, "That's the spirit. You've never failed to entertain me kid. Greatest Wizardess huh? I can't wait to see kung hanggang saan ang kaya mong marating."


He's always looking down on me, I hate this messenger really.


I wonder kung alam niya man lang ba ang pangalan ko.


Nang makarating sa station ng Sylvana ay naglakad naman ako, ako lang dahil nakalutang sa ere si Mr. Lexter the envelope, at parang normal na normal na sa mga tao dito ang makita siya na nakalutang sa ere, matapos marating ang dulo ng town square, take note: inabot kami ng ilang oras para marating ang dulo dahil sa sobra kong pagkalibang sa lugar, wala na ngang ibang ginawa si Mr. Lexter the envelope kundi ang bungangaan ako ng bungangaan, after ng town square ay sumalubong naman samin ang gubat ng Frost na kanina'y walang daan ay biglang nagkaroon ng path, gumilid lahat ng halaman, nahati ang gubat at nagkaron ng tuwid na daan papunta sa paanan ng bundok, masyado talaga kong nahihiwagaan sa lugar na ito, after marating ang bundok ay nagkaroon naman ng hagdan paakyat.


Ngayon pa lang ang opisyal na pagpasok ko ng academy, dahil never pang naganap sa loob nito ang mga entrance exams. Sa tatlong experiences ko, una kong naranasan ang burol, kasunod ay sa East Forest, at itong latest lang ay ginanap sa Olympus kung saan ginaganap ang Wizard Olympics.


After marating ang tuktok kung saan nakatayo ang pinapangarap kong academy, tila nawala lahat ng pagod at hirap ko sa pag-akyat sa napakaraming steps nag hagdan ng makita ko kung gaano kaganda ang academy na ito, ngayo'y nakatayo ako sa harapan ng napakataas na gate ng Laurelia.


This is it... sa likod ng higanteng gate na ito, naroon ang dream school ko... ang school kung saan grumaduate si Sid Damien na dati'y hanggang panaginip ko lang. Pero ngayon totoo na 'to.


"Who is it?" a voice from nowhere says na nakapagpabalik sakin sa earth.


"Sino yon?" tanong ko kay Mr. Lexter the envelope.


Hindi niya ko pinansin, "It's me Lexter and the new student, we've arrived."


Maya-maya'y unti-unting bumukas ang higanteng gate, maliit lamang ang bukas nito, sapat na para makapasok kami ni Mr. Lexter the envelope.


Naunang pumasok si Mr. Lexter the envelope, I'm nervous yet excited. Sumunod ako sa kanya na may halong pagkamangha sa lugar.


"WWWWWOOOOOOWWWWWWWWWWWWW!!!!!!!!!!!!!!!!!" tila nanigas ang buong katawan ko dahil sa nakikita ko. So this is Laurelia Royal Wizard Academy. "It's so big and beautiful and sparkly and.. and so magical." sabi ko with sparkling eyes at magkawak pa ang dalawang kamay.


"Hey kid, let's go."


"Mm--mmmm..." doon lamang ako nabalik sa katinuan saka sinundan si Mr. Lexter the Envelope. Naglakad kami dito sa tuwid na daan na may hilera ng mga puno sa kabilaang side na nagbibigay lilim sa daan, tunay ngang napakalaki ng paaralang ito, andaming bulaklak na may iba't ibang uri at kulay na nagsisipagkinangan kapag nadadaanan namin at ngayo'y papalapit kami sa isang higanteng fountain na nasa gitna at instead na clear water  ang lumalabas ay variations of colors... ang ganda... sobrang ganda... may malaking building rin ang nasa likod ng fountain, the building looked extravagant with the silver and white color at tila kumikinang ito, kaakit-akit ang dating nito at ramdam mo ang pagkaelegante nito at pagkamagical. I can sense a strong magical energy from there.


Biglang huminto si Mr. Lexter the envelope ng nasa harapan na kami mismo ng colorful fountain, "Hanggang dito na lamang kita masasamahan."


"Ano? Dito mismo? Hindi ko alam kung saan na pupunta." may halong pag-aalala na sabi ko.


"It's already late, hanapin mo lang ang girl's dormitory at ang house mother na ang bahala sayo, nandoon na rin ang mga gamit mo."


"Wait, paano ko mahahanap yung dormitory? Sa laki ng lugar na 'to palagay ko ay maliligaw ako." wala pa man din akong sense of direction.


"I'll give you the map of the academy, I really have to go... I know you can find it, even though you suck in magic," kailangan pa ba talagang sabihin iyan Mr. Lexter??? "Hahahahaha, I really like that expression," so sinasadya niya talaga ang panlalait sakin just for his own amusement, "I will miss that."


"Mr. Lexter the envelope, sinasabi mo bang hindi na tayo magkikita dahil mapapatalsik ako agad?"


"Hahahahahha, listen kid, enough with the envelope thing, I'm just a messenger, and once I finished my duty ay mawawala na ko."


"Saan ka pupunta? Oh my gosh, pati ba kayo ay may hangganan ang buhay?? Mamamatay ka na? Bakit hindi mo sinabing may taning na ang buhay mo? Sana'y nagpakabait ako ng konti."


"Idiot."


"Rude."


"Well.. Goodluck kid, just a piece of my mind, even though you suck in magic kapag isinapuso mo ang lahat ng gagawin mo at determinado kang matutunan ang mga ito at handang harapin lahat ng hirap, alam kong magtatagumpay ka at gagaling rin balang araw. You have to aim high but of course it's not easy but having a heart that don't know how to give up, that will be your charm to succeed."


"Mr. Lexter..." halos maiyak ako sa mga sinabi niya. Hindi ko ineexpect na manggagaling iyon sa kanya na walang ibang ginawa kundi maliitin ako lalo na yung suck in magic part.


"But of course depende pa rin iyon sa kakayahan ng isang tao, in your case maybe a miracle is needed, after all your ability is still at a level of a first born child."


"What?" nagkamali ako, he's still Mr. Lexter who is always making fun of me and looking down on me. "Tch. Rude as always."


"Then I'm looking forward for your improvements kung may iiimprove ka man ZANIAH HEARTFILIA!!! HAHAHAHAHAHAHHAHAH!!!!!!!!!!" sa huli ay ang nakakairitang tawa niya ang iniwan niya sa pandinig ko but he called me in my full name, tch, alam niya naman pala pangalan ko. Hmp. Ang envelope ay naging flat na papel na bumagsak sa aking kamay at nakalagay ang mapa ng academy.


Hmmm...


Habang tinititigan ko ang mapa ay sumasakit lang ang ulo ko, wala kong maintindihan, ang totoo hindi ako marunong tumingin sa mapa, itinupi ko na lamang ang papel saka ibinulsa. Magsasariling sikap na lamang ako sa paghahanap ng girl's dormitory.


Sabi ni Mr. Lexter mawawala siya matapos niyang magawa ang kanyang trabaho, hmm.. saan naman kaya siya napupunta after??


Naglakad-lakad ako sa academy, masyado kong nalibang at namangha sa kalakihan, kagandahan at kahiwagaan nito, it's already late ng marealized kong naliligaw na ko at dapat na hinahanap ko ang girl's dormitory kesa ang maglibot.


Lumiko ako sa kaliwa at natagpuan ang panibagong garden, may bilog sa gitna at sa loob nito ang mga naggagandahang mga bulaklak, naalala ko sa kanila ang mga iniwan kong mga alagang halamang gamot. Wala ng mag-aalaga sa kanila ngayong wala na ako...


Pero kailangan kong mahanap yung dorm, malapit ng magdilim, nakakatakot namang maiwan dito at magpalipas ng magdamag, kung may makita lang sana ko na pwede kong mapagtanungan tapos gutom na gutom na rin ako, naalala kong huling kain ko ay yung tinapay na kaninang umaga pa.


Nagulat ako ng biglang may kumaluskos sa may likuran ng bilog na puno ng mga bulaklak.


I step back and back and back ng may biglang lumabas sa gilid ng circle. Isang aso na mukhang lobo???


"H-hello..." nag-aalangang sabi ko dahil mukhang maling galaw ay lalapain niya ko ng buhay.


Tinitigan lang ako nito, hindi man lang nagsalita...


"Eto... uhm... unang araw ko lang dito, bago lang ako, hi-hi-hinanahap ko yunggggggg..." napaatras na naman ako ng muli itong maglakad. Talagang nakatitig lang ito at hindi pinapansin ang mga sinasabi ko, I sensed danger. Nasa harapan ko na ito, wala na rin akong maatrasan pa dahil pader na ang nakalapat sa likod ko.


I gulped, kapapasok ko lang sa academy pero ganito na agad ang sasaluboong sakin? Hindi ko naisip na pwede pala akong mamatay sa loob ng paaralang ito.


Yung magic wand ko, kinapa ko ang magic wand ko at unti-unting inilabas, ah-eh.. anong dapat kong gawin? Never ko pang nagamit ang magic ko sa living things...


I started to panic, hanggang dito na lang ba talaga ko?


Nung akmang lalapain na ko ng aso slash lobo na ito, I immediately covered my face with my two arms waiting for its bite... oh please ayoko pang mamatay. LOLO!!!!!!


"Cyrus, stop."


I slightly opened my eyes, wala na sa harapan ko ang wild animal kundi nasa isang lalaki na ngayon at hinihimas ang aso slash lobo sa ulo.


Bakit? Bakit hindi siya kinakagat nung aso slash lobo??


Tinignan ako ng lalaki at ganon na lang ang gulat ko ng makita ang gwapo nitong mukha ngunit walang emosyon na makikita sa mata niya habang nakatakip naman ng pirate patch ang isa pa. Mabilis akong umayos ng tayo at kinomposed ang sarili ko.


"H-hello, alaga mo ba siya? I'm sorry, mukhang nagulat ko siya kaya bigla niya kong inatake." sabi ko habang hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan ko.


Binitiwan ng lalaki ang aso na naging dahilan para kabahan na naman ako, "Oh my gosh!!!!" pero pumunta lamang sa gilid niya ang aso habang nakatingin sakin. Tumayo ang lalaki.


"No, it was Cyrus fault, sorry if he scared you, when he smells something unfamiliar, he started to attack it without thinking." wow englishero! Nosebleed. Hmmm.. Kung iisipin, si Mr. Lexter the envelope rin ay englisero, ganon ba talaga ang mga nandito? Sabagay may mga foreigners nga rin palang nag-aaral dito.


"Ibig sabihin Cyrus ang pangalan niya, aso siya diba?" paniniguro ko.


"No."


"Kung gayon... isang lobo?" nag-aalangan kong tanong. Syempre imposibleng magpapasok sila ng lobo dito diba? Pero tumango siya, woah! Nagkaroon ako ng goosebumps, muntik na kong lapain ng lobo, if he was a second late maaaring gutay-gutay na ngayon ang katawan ko. Bakit may lobo sa loob ng academy?


"It's okay he doesn't bite, I know he scared you that much, that's why I'm very sorry." sabi niya saka nagbow ng 90 degrees, what a very polite guy, ngayon lang ako nakaencounter ng kagaya niyang lalaki. Is he a royalty? A noble?


"Ahhh, hindi okay lang... ang totoo kasi niyan kapapasok ko lang ng academy." Doesn't bite? Bakit para ko nitong lalapain kanina?


"New student?"


"Mmmmm." halatang nabigla talaga siya sa sinabi ko, parang napakaunusual na magkaroon ng new student sa school na 'to. Sabagay dalawang linggo ng nagsimula ang klase dito sa Laurelia. Bigla kong may naalala, "Oo nga pala, pwedeng magtanong? Hinahanap ko kasi yung girl's dormitory."


He stared at me, saka siya humarap sa kanyang likuran at itinuro ang direksyon na iyon. Nakahinga ko ng maluwag.


"Wow, salamat, mabuti na lang at nandito ka, alam mo kasi nalibang ako sa paglilibot at nawala sa isip ko na dapat kong hanapin yung girl's dormitory pero di ko alam kung saan magsisimulang maghanap dahil di ko alam kung nasaan na ko, ahhh... hahaha.. kung ano-ano ng sinabi ko, ako nga pala si Zia short for Zaniah." sabi ko habang nakangiti.


"Yuan." tipid na sabi niya.


"Yuan? Wow ang ganda ng pangalan mo. Ahhh oo nga pala, kailangan ko ng umalis, mamaya na lang ulit Yuan, at Cyrus," medyo nag-alangan pa kong tawagin si Cyrus. "Ano, alam kong ayaw mo kong kausapin ngayon, pero nasisiguro kong balak araw ay kakausapin mo na rin ako. Bye!!!!!!!" sabi ko kay Cyrus.


Nagmamadali akong pumunta sa direksyong itinuro ni Yuan, though medyo iwas pa ko nung dumaan ako sa gilid nila dahil kay Cyrus na baka bigla na lamang akong dakmalin. But in the end I was stack again. No way!!! Which way??? Right or left???


Nagulat ako ng bigla na lamang may umakbay sakin, "Yo, missy, haven't seen you here before." mabilis akong umalis mula sa pagkakaakbay niya at saka dumistansya bago siya hinarap. "Hahahahahah, ang ilap mo naman. Anyway you are???" another englishero.


"I'm Zia, bagong student, at hinahanap ko ang girl's dormitory, pasensiya na kung aabalahin kita saglit... pero pwede mo bang ituro kung saan ang daan, hindi ko kasi alam kung sa kanan o sa kaliwa."


"Other than pointing, pwede naman kitang samahan, we can enjoy our time together you know and get to know each other intimately." sabi niya saka ngumiti ng kakaiba. Iba ang pakiramdam ko sa kanya, feeling ko I'm in danger...


Napaatras ako, "Ahhh... hahahahha. h-hindi, kaya ko naman na."


"Hahahahahaha! Bakit ka lumalayo, para namang takot na takot ka sakin, wala naman akong gagawing masama."


Really? "Pasensiya na."


"Na. I'm just kidding Zia, you're name suits you by the way." sabi niya saka kumindat. Napakunot-noo naman ako dahil sa ginawa niya, ano na nga bang tawag sa gaya niya? Flirty type compared to Yuan na magalang. "Tch. Ang boring mo naman, di ka man lang affected ng charm ko? Siya nga pala, Lucas Crawford," he offered his hand, nag-aalangan ako kung hahawakan ko ba ito, pero ansama ko naman kung tatanggihan ko kaya hinawakan ko na, infairness sobrang lambot ng kamay niya... pero maling-mali na hinawakan ko ang kamay niya dahil bigla niya kong hinila palapit sa kanya at konting-konti na lang ay magdidikit na ang mga ilong namin. Ramdam ko ang pag-akyat ng init sa mukha ko dahil sa ginawa niya, too close.. "Oooopsss, I really want to accompany you missy, but too bad dahil may dapat rin akong puntahan, but if you want..." bigla itong tumawa, "HAhahahaahahhaah," binitiwan niya ko saka siya tumawa ng tumawa at may paghawak pa sa tiyan, "Hahahahahahha... you're so cute... sorry, sorry.. hindi ko na talaga napigilan nakakatawa kasi ang itsura mo, panalo. HAHAAHAHAHHA.."


"Jeez, bahala ka na nga diyan." Tinalikuran ko siya, nakakainis, pagtawanan ba naman ako? Ano bang problema sa mukha ko? Mukha nga bang katawa-tawa ang expression ko kanina? Hayyy bahala na. Sino ba naman kasing di maoawkwardan sa ginawa niya diba? Di ko naman na siguro ulit makikita ang lalaking iyon. Hmp.


"Hey Miss Cutie, alam mo na ba yung daan??"


"Hindi, magtatanong na lang ako sa iba. Bye." sabi ko habang patuloy sa paglalakad.


"Hahahahahha. Just turn right miss cutie, see you later." Sabi niya na nakapagpaharap sakin ulit sa kanya.


"Stop calling me that, Zia ang pangalan ko at salamat sa info bye." Sabi ko saka nagpatuloy na sa paglalakad though narinig ko pa ang pagtawa niya pero binalewala ko na lang...


Ginawa ko ang sinabi nya, I turned right. Bagay na sana'y hindi ko na lamang ginawa dahil hindi ko inaasahan na doon na magsisimula ang trahedya sa buhay ko.

***

Continue Reading

You'll Also Like

62.2M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
933K 59.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...
2.1M 189K 211
Online Game# 2: MILAN X DION
73.4K 2.7K 36
Geca Rella, a die hard fan of a romance and mafia novels that full of red flag male leads. Highest Ranking: #2 in Reincarnation #13 in Fantasy #1 in...