Best thing i (N)EVER had

By septemberoyal

445K 6.5K 1.1K

Try ko lang....... Pwede ba? Hehehehe...... Kinain na talaga ako ng sistema! JB kase eh! Kahit may pinagdadaa... More

PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12 (HUWAG KA NG UMIYAK )
13
14 (AKAP)
15
16
17
18 ( UNKNOWN FEELINGS)
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33(Ambon)
34
35
36
37
38
39
40
41(Moving Closer)
42
43
44
45
46
47
48
49
50(HEARTBEAT)
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
Not an update
75 (Sa bingit ng isang paalam)
76( Bibitawan ka )
77
78
79
80 (Hindi tayo pwede)
81(The hardest thing)
82 (beaddie moments)
83
84
85
86
87

51

6.6K 106 7
By septemberoyal

JHO



Naging smooth pa naman ang takbo ng 2 outings ng team ngayong season,as of now, wala pa kameng talo. And yung "relationship" namen ni beatriz ay masasabe kong okay lang. Chill lang kameng dalawa, walang pressure, magaan lang talaga. Ang sarap lang sa feeling na merong nag aalaga sayo at meron ka ring inaalagaan. 😊



Nag super level up na yung treatment namen sa isat isa. Nakakahalata na nga yung team eh, pero paninindigan nameng "Friendshipgoals" lang ang namamagitan sa ming dalawa. Mayayare kame pag nalaman at nakarating ito sa board of athletic directors ng school. Sa tingin ko naman ay di kame mahuhuli kase ang alam ng lahat ay mag bestfriend lang kame. At sa simula pa lang ay sweet at clingy na kame sa isat isa kaya walang makakapag isip na nagliligawan na kame in real life di ba?




Yun nga lang naging super sweet at clingy na si beatriz simula ng umamin sya sa kin at pinayagan ko namang ligawan nya ako. Andyang share kame sa foods in one plate, inumin ko-inumin nya, always nagsusubuan, kung asan ako/sya dapat andun sya/ako or susunod sya/ ako; walang palya yung paghatid at pagsundo nya sa kin. Nakikipag unahan na sya ngayon kay marci.😊 She loves wearing my own clothes, ilang damit ko na ba ang nasa kanya at isinusuot nya? Wala na akong damit sa kabinet ko sa dorm eh kaya para makaganti ako ay kumukuha din ako ng damit nya at di ko na rin sinusoli---para patas lang. 😁



Tulad ngayon tapos na ang game namen at nakapag freshen up na ang halos lahat, hinahanap ko yung shirtsey ko dahil yun ang isusuot ko,yun naman pala ay na kay beatriz na at dala dala neto sa banyo at yun daw ang isusuot nya pagkapaligo nya. Kaya, ako eto, suot suot ko yung shirtsey nya na may surname sa itaas at jersey number nya.




"Kelan pa naging De leon si Maraguinot?" si gizelle. Nang dumaan ito sa may likuran ko.




"Hala!" si jia. "Kelan pa!?" pasakay nya sa banat ni gizelle.




"Di man lang kame na informed." si kimmy na nakisawsaw na din. Nasa dugout pa kame at nagaayos ng mga sarili.




"Hay naku kayo." sabat ko na. "Pagtitripan nyo na naman ako." sabe sa mga ito tas umirap. Nagsitawanan naman ang lahat.




"Lam mo bagay naman sayo eh." si ponggay na lumapit sa kin tas sinilip yung likuran ko (yung shirtsey ni bea) "Jhoana louisse Maraguinot-De leon......" may pag muestra pa ang makulit na to sa ere. "Pwede? "




"PWEDE!!!" sigaw ng lahat.




"Ay wan ko sa inyo." ako at iniwan sila sa loob.




Valentines day ngayon at nagkataong may naka schedule kameng game against UP and thank you lord nanalo ang team in 3 straight sets! 1 hour and 17 minutes lang ang tinagal ng game kaya masaya ang lahat dahil maaga kameng makakauwi ngayon.




Pagkatapos ng game ay may kanya kanya ng gala ang mga girls. May mga vday dinner date ang ilan nameng may ka relationship goals at may pa singles night out ang mga singles ng team. Kame ni beatriz, uhhh......🤔🤔🤔 San nga ba kame lulugar? ehehehe.....😅😅😅




"Nice game huh!" si marci na nakasmile . "For you." tas ibinigay sa kin yung bouquet of flowers na hawak nya. Hala sya! Nanood pala si marci. Bakit di ko man lang sya napansin kanina sa crowd?😓




"T-thank you." tas tipid na ng smile.




"Happy vday." si marci. "Tara gala tayo." na di mawala wala yung smile nya oh.




Nasa labas na kame ng dug out at hinihintay ko na lang na lumabas si beatriz na antagal namang magbihis. Halos nagsilabasan na nga ang mga teammates namen pero ang bea de leon, wala pa rin. Ano na kaya ang ginagawa non sa loob?




"Jho?...." si marci.




"Huh?" ako ng makabalik ako sa katinuan. "A-ano yun?"



"Hang out naman po tayo, sabe ko." si marci.



Hala! anong isasagot ko? eh uuwi nga kame ngayon sa bahay namen ni beatriz....Uh, i mean....Sa bahay nila beatriz, hehehe.....
Every sunday na kase ang uwi ni beatriz sa house nila at always akong binibitbit netong pasaway na to. Baka daw kase may sumalisi sa kanya habang wala sya kaya isinasama na nya talaga ako. At ako naman ay nakasanayan na rin yung ganon kaya sabado pa lang nakalagay na sa bag ko yung mga dadalhin kong damit at gamit kina beatriz, kung tutuusin parang second home ko na rin yung house ng mga de leon kase mej marame na kong damit na andun eh,heheheh.....




Pero going back dun sa gustong mangyare ni marci......Ay di ko alam ang isasagot ko! Nakatingin pa rin sya sa kin at hinihintay ang sagot ko! Anong isasagot ko?! Hay naku naman eh! Ang bad ng timing ni marci. Sasabihin ko bang di pwede kase iuuwi ako ni beatriz---uuwi pala kame, heheheh...😅😅😅 Strike 2 na ko ah!




( Oo nga! Napaghahalataan ka na talaga bes!😁 )




Pano na lang pag nalaman ito ng damulag na yun? Naku, sigurado magtatampo yun at baka mapagtalunan pa namen ito mamaya kaya dapat makaisip ako ng magandang alibi para di masyadong halata na tinatanggihan ko yung alok ni marci.



Isip.....Isip.....Isip.....




"Wait lang ha, sagutin ko lang tong call ko." excuse ni marci at lumayo sa kin. Nung umpisa eh halos isang dipa lang ang layo nya pero parang may problema sa signal kaya sumenyas muli sa kin si
marci tas lumabas na. Mej nakahinga muna ako ng slight kaya nagmamadali ang isip ko ng magandang alibi baka biglang dumating si marci ay wala akong maisip na dahilan ko kung bakit tatanggihan ko ang pa-vday sa kin neto. Nakaka konsensya sya pero mas gusto kong kasama yung mahal ko. Kaya sorry pero buo na ang desisyon ko na kay beatriz ako sasama ngayon. Ang problema lang ay kung pano ko sasabihin kay marci yun?




Hayst! Kay hirap naman oh!




"Huy!"




"AY ANG MAHAL KO!!!"




"Ay AKO!......" si beatriz na tawang tawa ng bigla syang sumulpot sa likuran ko. "Si BEA DE LEON!" at taas noo'ng nameywang pa.





Nagpalinga linga ako sa paligid at halos wala na ngang tao ngayon kase nasa labas na halos lahat at parang kame na lang ng damulag na to ang andito. Napalakas kase yung pagkasagot nya sa pagkabigla ko kanina ng gulatin nya ako. Isang tawang tawa na bea de leon ang umakbay sa kin pero inaalis ko naman kase naiinis ako sa kadaldalan ng isang ito.




"Nakakaasar ka!" ako at pinagpapalo ko sya. Ilag na naman sya sa kin kaya yung braso na naman nya yung kawawa sa kin ngayon. "Pano na lang kung may nakarinig sa sinabe mo,ha? Eh di malilintikan tayo ng maaga nyan sa coaching staff pati na rin sa athletic directors naten pag may nagsumbong sa kanila. Hay naku naman beatriz eh!" sabe ko na pinagkukurot ko naman ngayon.





"We-wait lang." si beatriz na nahuli na ang mga kamay ko. Parang di umubra yung mga palo at kurot ko sa kanya dahil nakangiti pa rin ito at hanggang tenga ang luwag ng pagkakangiti neto, halos nakapikit na nga rin ang batang ito. "Ako naman talaga di ba?" sya na biglang may sumilay na pilyang ngiti sa kanyang labe.




At mukhang di ko yun nagugustuhan, yung ganyang mga ngitian ni bea ay naku may naiisip na naman syang kapilyahan. Yung huli na ginanyan ako ng ngitian nya ay naku......Ay naku talaga!




( ano ba kase yun? share mo naman, wag madamot bes! )




Di ba nga bigla nya akong hinaltak palapit sa kanya kaya napadapa ako sa ibabaw nya tas binuhat nya ako tas.....tas.....




( tas humopia ka na ikikiss ka nya sa lips pero ayuuuuunnnn......Sa forehead lumanding yung nguso ni beadel hahahaha....)




Sana pala di ka na lang bumalik, sana niligwak ka ng tuluyan ni author eh, wala akong mahihita sayo. Wala kang magandang masasabe talaga, kainis....😕




( bwahahahahaha........😝😝😝 )




"Ako naman talaga di ba? di ba?.....Baby, di ba?" inulit pa talaga ng isang ito at ganon pa rin yung lakas ng boses nya.




Kinurot ko ulit sya. "Hinaan mo nga, marameng makakarinig ng mga sinabe mo."




"Pero totoo na muna yun, di ba?" hininaan naman na nya ang boses nya. "Ako ang mahal mo di ba jhoana?" biglang seryoso ni bea. Nagkatinginan kame at kita ko yung sincerity nya kaya di ko mapigilang wag mangiti pero kusang napupunit ang labe ko para mag smile. Nilamukos ko yung pagmumukha nya para di nya makita yung pagngiti ko at maitago ko yung kilig ko na kanina pang gustong makawala.



"Yieehhhh......Kinikilig sya!......" biglang banat ni bea. Tas muling nagsmile, yung signature smile nya nq labas lahat ng ngipin kaya lalong naningkit ang mata ng behbeh ko.




Di ako nakasagot dahil biglang may lumapit sa min na isang fan at nanghingi ng video greeting for vday, nagsure agad ang damulag kaya kinuha agad ang phone neto at itinutok yun sa ming dalawa. Binigyan ko ng questioning look muna itong katabe ko pero tulad kanina ay ngiti lang isinagot nya sa kin.




Umakbay si beatriz sa kin. "HAPPY VALENTINES DAY......." duet nameng dalawa.




"With me and my valentines...." si bea sabay glance sa kin ng onte. "CHOS!" sabay tawa.




"Happy." dagdag ko tas smile.




"Thank you po!" sabe nong isang fan tas nagbid goodbye na kame sa kanya.




Dala dala na namen yung mga gymbag at magkasabay kame ngayong naglalakad sa lobby ng arena.




"Kinabahan ako dun ah." halos pabulong ko ng sinabe yun kase may mangilan ngilan pang mga tao dito at nakakasabay nameng maglakad.




"San dun?......sa video greeting naten?" si bea na napalingon sa kin.




"Isa pa yun." sabe ko. "Okay na sana yung "happy valentines" eh kaso dinagdagan mo pa ng "with me and my valentine". "tas nag make face sa kanya.




Huminto si bea sa paglalakad kaya napahinto rin ako tas hinarap nya ako. "May "chos" naman sa dulo yun ah." paliwanag ng damulag.




"Oo nga." sabe ko tas napapahinto hinto ako sa pagsasalita kase yung mga taong nagdaraan sa min ay baka marinig yung pinaguusapan namen. "Pero beh, lam mo naman sigurong may "shippers" tayo, di ba?" tumango naman si bea. "At alam nilang double meaning yun kaya next time medyo ano lang tayo......uh.....dahan dahan lang tayo sa pagsasalita....."




"Lowkey ganon?" si bea.




"Nadale mo beh!" ako tas napasnap pa ng fingers.




Nalungkot ang itsura ni bea ng sabihin ko yun, ramdam ko na di nya masyadong feel yung ganon. Ipapaliwanag ko pa sana ng mas maayos yung point ko kaso biglang dumating si marci kaya natahimik ako.






"Ano? Tara?" si marci na ang saya ng bukas ng mukha nyang nakatingin sa kin.




"Uh---" wala akong maisagot.




"May lakad kayo?" si bea na gulat na nakatingin sa kin then maya maya kay marci naman.




"Oo dude eh." si marci tas natawa ng bahagya sabay kamot sa batok. "Pwede ko bang mai-date ang bestfriend mo? Valentines kase di ba kaya---"




"Yeah sure!" si bea tas tinapunan ako ng tingin na alam kong di sya natutuwa sa nangyare.



"Oh pano ba yan jho, payag na ang bestfriend mo." si marci na nakatingin sa kin na abot hanggang tenga ang ngiti.


"Eh ano kase eh---"



"Okay, una na ko sa inyo." biglang putol ni bea sa kin. "Dude, ingatan mo tong BESTFRIEND ko ah, iuwi mo ng maaga yan." dagdag pa nya. Sandali nya akong sinulyapan,alam kong badtrip na sya kanina sa usapan namen tas nadagdagan pa ngayon. Magkasalubong ang mga kilay netong tumingin ng saglit sa kin tas nilingon nya si marci na may pilit na ngiti tas may pagtapik pa sa balikat neto.



"Oo naman dude." si marci. Tinanguan na lang sya ni bea bago tuluyan kameng iwan.




Gusto kong habulin si beatriz para magpaliwanag pero napigilan ako ni marci, tiningnan ko yung kamay nyang nakahawak ngayon sa kamay ko then nag angat ako ng tingin sa kanya, kita ko ang mata nyang nagtatanong. Napapikit na lang ako.



"Lets go?" si marci na pinilit na ngumiti. "Para mas marame tayong time together....."



Nakatingin ako sa kanya at napabuntong hininga na lang ako, Pano ko nga ba sasabihin sa kanya? nilingon ko ang nilakaran kanina ni beatriz tas napabuntong hininga ulit.


























BEA


Nasa parking na ako ng arena, dapat kanina pa ko nakaalis dito kaya lang hinarang ako ng mga fans kaya wala akong nagawa kundi pagbigyan sila na magpa picture then pa-fan sign sa kanila. Medyo may karamihan din ang mga fans na napagbigyan ko kaya inabot ako ng may katagalan.



Binuksan ko ang driverseat tas inihagis ko sa backseat ang gymbag ko. Di ko pa in-start ang makina neto, nakaupo lang ako sa harap ng manibela habang nakatulala sa kawalan maya maya ay hinampas ko ang manibela ko.



"May lakad pala sila at wala syang sinabe sa kin!?" ako tas sarcastic na napatawa magisa. "Parang tanga lang ang itsura ko kanina. Ang saya!" napapakagat labe ako sa inis. "Huh, ayaw ng may makakarinig sa mga pinaguusapan namen, ayaw ng mga pasweet na gesture ko sa kanya, gusto nya yung lowkey lang?" tas napasmirk ako. "Pero pag dating sa suitor nya okay lang!?! Okay lang na walang sabihin sa kin na gagala sila?!" nabubwisit kong litanya. "WOW! Ang galeng naman!"


Nakailang ulit ko pang hinampas hampas ang manibela ko sa sobrang inis at badtrip ko bago ko binuhay ang makina tas nag seatbelt na ko, di pa rin ako naalis kase pinahuhupa ko muna yung sama ng loob ko baka kase mawala yung focus ko sa pagdadrive at baka mapano pa ko di ba kaya....Inhale....Exhale.....
Inhale.....Exhale..... habang nakapikit para makalma ako.



"JHOANA!?!" ako na nagulat ng makita ko na binuksan ang pinto sa passengerseat tas umupo.


Inihagis nya muna sa backseat ang gymbag nya. "Wala ng tanong tanong. Hala, larga na tayo!" si jho na di ako nililingon at nagseatbelt na rin (Marunong na po sya....😁😊👏)


Nagtataka man ako pero ang sabe kase ng kumander ay larga na kaya umalis na kame sa arena, nasunod lang ako sa misis ko......(joke lang po yun!😁✌) heheheh....



Paglabas namen ng arena ay maliwanag pa talaga as in kala mo 4pm pa lang ng hapon dahil medyo mataas pa ang araw, ganon kabilis ang naging game namen kanina?! WOW!!!



Napalingon ako ngayon sa katabe ko na tahimik na nakaupo at nagmamasid lang sa labas habang nabyahe kame. Kala ko ba may DATE sila ng suitor nya....Eh bakit andito ngayon to?


( Eh ba't di mo tanungin? Para malaman mo ang sagot, hindi yung hanggang isip ka lang dyan di ba, Tss....)


"Kung tatanungin mo ko kung bakit ako andito?....." si jho na parang may super powers nadale nya yung gustong tanungin sa kanya. Nabasa o narinig nya ba ang nasa isipan ko!? "Kase IKAW ang PINILI ko." nilingon nya ako pagkatapos.



Nakaramdam ako ng kilig ng marinig ko yun sa kanya.Biglang nawala, nalusaw yung inis, tampo, asar, selos, pagkabadtrip ko sa kanya. Ganong kabilis lang, grabe yung magic words na yun ni Maraguinot, nadale ako dun ah!😍😊 Di tuloy ako makafocus sa pagdadrive kase lamang talaga yung kilig na nafefeel ko ngayon, halata sa kin na tagos sa puso ko yung kilig ng sabihin nya yun sa kin, kusang lumalabas sa mga ngiti ko eh. Halos mapunit na nga yung labe ko sa pag smile ng bongga, naramdaman ko ring biglang uminit ang loob ng kotse ko pati ng mga pisngi ko. Namumula na ko for sure!😊😍


"Yieeeeehhhhh.......Kinikilig ang bataaa......." si jho na may pag sundot sundot pa sa tagiliran ko.


"Stop it beh, nagmamaneho ako." sabe ko na naiwas sa mga pagsundot nya sa kin. "Okay. Fine. Kinilig nga ako.......Pero slight lang." pagsisinungaling ko.


"Bakit mo naman ako iniwan mag isa dun." si jho na nakanguso na ngayon at umayos ulit ng upo.


"Anong mag isa? May kasama ka kaya, May pa vday nga sayo di ba?" ako na naalala ko na naman yung kanina. "Wag ka ngang mag pout!" saway ko nakaka tempt kaya.✌😁😚


"Tinanggihan ko." si jho na inayos naman nya kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Masunurin. Very good! "Sabe ko may ka date na ko ngayong valentines eh."



Napalingon akong bigla ng marinig ko yun. "Jhoana, kala ko keep it lowkey lang ang gusto mo? Eh bakit ganon na lang yung pagkasabe mo kay marci?" naguguluhan ako sa kanya sa totoo lang dude.



"Oo nga. Lowkey nga lang pero kase.....Gusto kitang kasama ngayon. First valentines naten na level up yung relationship naten kaya dapat memorable to" parang bata nyang sabe. "Saka totoo naman di ba, ikaw yung kasama ko ngayon kaya literally IKAW yung ka date ko ngayon." then nagsmile sya sa kin. "Di naman siguro mahahalata yun ni marci..."



Napa facepalm na lang ako. Seryoso nga ang baby ko. Ano na lang ang iisipin ngayon ni marci? Baka magkahinala na sya na lihim kong nililigawan si jhoana. Wala pa sa plano ko(sa ngayon) na aminin sa team yung nangyayareng ligawan sa min ng bestfriend ko. Isa lang kase ang mangyayare kung sakali malaman nila lalo na ng board of athlete directors, siguradong mawawala kame sa team or isa sa ming dalawa.



Pareho nameng mahal ang volleyball kaya kung kelangan itago ang lahat ay gagawin ko, alam namen na BAWAL as in BAWAL yung gantong relasyon unang una, pareho kameng babae although di naman sila against sa LGBT and pangalawa, nasa iisa kameng team ayaw lang nila re focus kame. At naiintindihan ko yun baka nga naman kase pag meron kameng away kung sakali ay maapektuhan ang mga laro namen which is medyo totoo naman yun. Noon nga lang mag bestfriend pa lang kame at medyo nagkakabwisitan kame ay naaapektuhan na, ngayon pa kaya na alam namen sa isat isa na may feelings kame ay baka mas malala pa at pinag pe-pray ko na di kame umabot na nakakasakitan na kame ng damdamin ha.Para malinaw, hehehehe.....✌😅



"Oh, san tayo pupunta?" si jho ng mapansin nyang nag iba ako ng daang tinatahak. "Huy, dun ang papunta sa inyo." si jho na nilingon pa yung daan na dinaanan namen.



"Tinanggihan mo si marci for me di ba kaya......" nilingon ko si jho, tamang tama naman na nakastop ang stoplight. "Ayoko namang masayang ang pagtanggi mo dun sa suitor mo kaya ide-date na lang kita. Magde-date tayo Ms. Maraguinot." ako tas kinindatan ko sya.















"Dito!?" si jho na nagulat pa ng i-park ko ang kotse ko malapit sa manila bay. "Seryoso ka ba,beatriz?" tas nilingon ako.



"Uh-huh." sabay tango tas ngumuti sa kanya. "Sensya na kung dito lang tayo mag de-date ha. Actually, wala talaga akong nakaplanong vday naten eh...." sabe ko sabay napakamot sa ulo. "Nakalimutan ko talagang magpa reserve ng dinner date naten, you know naman na super busy ko this week, may hinabol pa akong paperworks, sabayan pa ng may report ako di ba kaya---"


"Ay, ang dameng kuda ni Ms. De leon oh." si jho ng putulin ako sa pageexplain ko. "Wala naman sa kin talaga kung dito lang tayo, okay lang sa kin no. Di naman ako mapaghangad ng bonggang valentines date, ang concern ko lang ay baka may makakita sa tin dito na shippers naten tas lam mo yun........"



"Dont worry baby. " nakangiti kong sabe sa kanya. Tas may kinuha sa bag ko, ibingay ko sa kanya yung isa bago ko isinuot yung akin. "Girl scout din kaya ako noon kaya, im always ready!"


May suot kame ngayong shades at pareho pa ng kulay kaya napangiti ako ng humarap kame sa salamin. "Matchy matchy!" duet pa nameng dalawa kaya napatawa nalang kame at nag apir pa. Kinuha ni jho yung bagong bili kong phone tas nagselfie kame ng baby ko habang suot namen yung couple shades namen,hehehe...


"Sorry talaga ha kung dito lang muna yung date naten." ako tas bigla akong sumeryoso. "Promise pag medyo maluwag na yung----"



"Shhh......." putol nya sa kin. "Eh, ano naman? Busy ka naman talaga tas may training pa tayo. Buti nga naba-balance mo yung studies mo at ang volleyball, tas consistent pang deans lister ka pa. Na aamazed nga kame sayo eh kala mo ba saka beh.....Super proud po ako sayo."


"Sus maliit na bagay lang yan." sabe ko na lang kase nahiya akong bigla. "Saka inspired ako." then nag smile ako sabay kindat.



"Ewan ko sayo." saka nya nilamukos ang pagmumukha ko. "Siguro naman manonood tayo ng sunset di ba kase nga andito tayo sa bay kaya malamang sa alamang ay yun ang gagawin naten dito di ba."



"Tara na." sabe ako at nagpatiuna ng lumabas ng kotse ko.


Kasunod ko lang si jho na lumabas, syempre di pwedeng di ko sya hawak kaya kinuha ko yung kamay nya kaya ngayon ay magkaholding hands kameng naghanap ng magandang pwesto para makapanood ng sunset. May karamihan din ang nakatambay dito and most of them ay mga lovers na nagtitipid para sa vday nila ng partners nila. Ayokong isipin ni jho na tinitipid ko ang baby ko kaya lang talaga wala akong naplano for today baka next day or next week na lang basta babawi ako sa baby ko.



"Beatriz, usod ka dito." si jho tas hinila ako palapit sa kanya. Pareho kameng nakaupo ngayon sa seawall at nakaharap na kame ngayon sa papalubog na araw.



"Always ang gandang panoorin talaga ng sunset." si jho.


Napalingon ako dito sa katabe ko at kita ko sa mga mata nya ang madalas kong makita sa kanyang kislap sa mga mata everytime na manonood kame ng sunset. Amazed na amazed sya sa paglubog ng araw, ang pag kain ng dilim kay haring araw. Pareho na nameng tinanggal yung shades gusto nameng makita ng maganda ang sunset eh, yaan na kung may mga fans na makakilala sa min.


"Di ba tinanong mo ko dati?" si jho sabay tingin sa kin kaya napailag ako ng onte kase kung di ko gawin yun ay halos magkadikitan na ang mga ilong namen. "Kung anong gusto kong mas magandang panoorin, sunset or sunrise?"



Naalala ko nga yun, nasa ilocos kame at doon din nangyare yung una nameng kiss ni jhoana sa lips😙😚......Yieeehhhhh...... pag naaalala ko yun ay kinikilig talaga ako ng sobra!😊😍



"Para sa kin sunset......kase para bang lageng may maganda kang kahaharapin kinabukasan. Be positive ka lang......Pero kung gusto mo panoorin din naten minsan---kahit araw araw pa nga ang sunrise eh......Basta ba ikaw lang lageng makakasama ko." si jho na seryosong nakatingin sa mga mata ko then nag smile sya sa kin.



Sandali akong napatulala sa kanya at parang nahipnotismo sa kanyang mga ngiti. "Suuussss....." ako ng makabawi sa pagkatulala ko. "May pag banat ka na rin ngayon ah!"




"Sus!" si jho sabay ankla ng braso nya sa braso ko at ang paghilig ng ulo nya sa balikat ko. "Kinilig ka rin naman eh. Aminin mo na."



"Hindi kaya." pagsisinungaling ko kahit totoo naman. Inakbayan ko sya tas inihilig ko din ang ulo ko sa ulo nya.



Nanahimik kame ng ilang sandali habang pinanonood ang paglubog ng araw. Naramdaman ko ang kamay netong dahan dahang pinagsasalikop ang aming mga palad, sandali ko itong tiningnan tas nangiti na may halong kilig. Si jho na mismo ang locked ng mga daliri nya, kaya ganon din yung ginawa ko.



"Happy valentines,baby ko." malamyos kong bulong sa kanya.




"Happy valentines day din beh." si jho. "Wait. Akin na yung phone mo." kaya binigay ko naman sa kanya. "Dapat always may capture yung mga gantong moments naten para may souveneir tayo."



Nakabili na kase ulit ako ng bagong phone kase di ba hinagis ko sa pader yung dati kong phone dahil sa inis at selos ng malaman kong magkasama sina jho at marci. Magkasama kameng bumili ng phone ni jhoana at dahil sya ang kasama ko ay sya na rin namili. Okay naman at nagustuhan ko rin yung pinili nya sa kin, halos parehas din naman yung type namen ng baby ko. Bumili rin sya ng casing neto,bale parehas ulit kame. Mukha na ngang couple phone yung sa ming dalawa dahil parehas pineapple ang pinili nyang maging case ng phone namen, hehehe.....Pinabayaan ko na, gusto ni kumander eh.😊😁




"Say cheese beh...." si jho na itinutok sa ming dalawa yung phone tas kin-lick na nya.





































"Beh, okay ka lang?" si jho tas hinawakan ako sa balikat. Nasamid kase ako ng inumin ko yung beer na hawak ko, napalingon ako sa kanya na katabe ko lang sa upuan kasama sina maki at cel.




Nasa isang club kame ngayon, umatend ako ng get together ng high school friends ko sa poveda. Ayoko sana kaso itong si maki ay ginamit nya ang weakness ko, which is ang baby ko--si jhoana. Inimbita nya rin ito, eh pumayag si kumander at sya na ang umaya sa kin kaya wala na akong nagawa pa kundi ang pumunta na lang.😕 Galeng ni maki 'no? Tssss.....




Medyo late na nga kame nakarating ni jho kase may training pa kame, pagkarating namen ay nagsisimula ng mag walwal ang mga loka. Nagpauna na ko sa mga lasenggang yun na di ako iinom ng marame kase may training pa kame ni jhoana bukas kaya uuwi rin kame bago mag midnight, saka mabuti na rin andito at kasama ko ngayon ang baby ko para may mag aawat sa kin kung napaparame na ko ng inom.😅😅😅




Ewan ko ba pero di maalis alis yung kaba ko na di alam kung bakit nakakaramdam ako ng ganto, nung isang araw pa ako nakakaramdam ng kaba na di ko mawari kung bakit at para saan naman kaya ito. Iniisip ko na lang na baka "siguro" dahil next saturday na yung much awaited na face off namen ng archrival namen--ang la salle. Siguro nga, Yun lang yun. Pero itong kabang meron ako ngayon ay kakaiba .....




"Wag kang masyadong iinom ng marame ha, magda-drive ka pa." bulong paalala sa kin ng baby ko.



"Yes po maam." bulong ko din sa kanya. Ang lakas kase ng music na pintutugtog ng dj, kelangan ilapit pa sa tenga ang bibig para ng marinig ng kausap.



"Huy, ano yang ginagawa nyo dyan, ha?" biglang salita ni maki na halos katabe lang ni jho. "Grabe bei, di ka na makapagpigil at----"



"Hey,hey." putol ko sa katabilan at kaberdehan ni maki. "Wala akong ginagawa okay. Anlakas kase ng tugtog, di kame magkarinigan ng baby----i mean ni jho...." pag cocorrect ko kase lam kong iintrigahin kame lalo ng babaeng ito pag nagkataon. Itinatago nga namen ang ligawan namen ni jho. "Kaya wag kang issue dyan. Pagsabihan mo yung dj na hinahinaan naman nya yung volume."



"Nukaba naman, bea." si cel na sumabat na rin. "Nasa club po tayo oh, kaya ganyan ang volume ng music."



"Oo nga naman." segunda ni maki. "Ayaw mo lang mapahiya eh..." dagdag pa neto sabay tawa.



"Ewan ko sayo, maxine."sinabe ko na lang para matapos na yung usapan nameng yun.



Kung kanina ay magkakakwentuhan pa kame ngayon ay may kanya kanya ng kausap. Bahala sila dyan basta may sarili kameng mundo ngayon ng baby ko hehehe....Di ko sila kelangan ngayon, si jhoana lang sapat na.😍😉😁 Wait,nakailan na nga ba ako?🤔



"Beatriz, naka 7 ka ng bote ng beer, tama na yan." muling paalala ng kumander ko. Narinig nya ata yung tanong ko sa self ko hehehe....



"Seven? Naka 7 na ko ng beer!?" di ako makapaniwala. Eh, ni hindi nga pa ako tinatamaan ng amats. "Di ko po ramdam baby." bulong ko sa kanya.



"Pero namumula ka na oh. Wala ka pa ring amats!?" si jho na medyo napalakas pa pero tulad kanina di ko ganong narinig yun.
"Wag mong sabihing dadagdagan mo pa, ha!" inilapit na ni jho yung labe nya sa tenga ko ng sabihin nyang yon. Nakaramdam ako ng pag tayo ng balahibo ng bahagyang nasasagi ng labe nya ang tenga at ang init ng hininga neto.



Ipinilig ko ulo ko dahil may pumapasok sa isipan ko at di ko yun gusto kaya ang ginawa ko na lang ay smile na lang ang binigay ko sa baby ko tas inusog ko sya palapit sa kin. "Kaw di ka talaga iinom?" umiling si jho. "Kahit isang bote lang, kahit tikim ka lang?"



"Nope." si jho tas muling umusod ng onte kaya may space na naman kame.



"Dont tell me di ka nainom ng alak, dahil di ako naniniwala sayo. Anlakas mo kayang uminom din ng alak. Remember.......Sa rooftop at may dala kang isang plastic na may mga beer in-can?" paalala ko sa kanya. "Kase nag eemote ang isa dyan dahil----"




"Ewan. Ko. Sayo." si jho tas inirapan ako. Kinuha nya yung phone nya at nag scroll lang twitter.




Natawa ako saka tumungga muli sa beer ko. Napansin kong biglang nawala yung iba nameng kasama, pinagtanong ko na sa mga naiwan pero kibit balikat lang ang nakuha ko kina cel at maki na busy na rin sa kanya kanya na nilang phone.



11: 15 na ng gabe, siguro kelangan na nameng umuwi ngayon dahil may training pa kame bukas at maaga ang call time namen. Inuubos ko na lang yung beer ko at aayain ko ng umuwi si jho. Sumandal ako at tiningnan kung anong pinakakaabalahan ng baby ko at syempre nasa twitter pa rin sya hanggang ngayon. Naki-usyoso na rin ako kay jho, isinandal ang ko ang ulo ko sa balikat ng baby ko at minsan nakiki scroll na rin ako. Ayan na naman po kame, kanina inis pa tas ngayon panay na naman ang tawa nya habang nakikikulit ako sa kanya .




"Guuuuysssss!...... Hey gusto kong tumingin kayong lahat sa kin---i mean sa spot na ito." masayang sabe ng isa kong friend.



Di ko na pinansin pa ang mga pinagsasabe neto, basta kame ni jho ay nagtayo na naman ng sariling mundo. Tawanan on the side habang tungga pa rin ang gawa ko, bulungan at may kasamang harutan ang gawa namen ng baby ko.




Nag ingayan ang lahat ng kasama namen pero wa pa rin akong paki kase kasama ko ang mundo ko, hehehehe.....lasing na nga yata ako eh.😂 Pero dude totoo yun, si jho na yata ang buhay ko at mundo ko. 😍😍😍




"Oh my---" si cel na di na natapos ang sinabe.



"God." si maki na ang nagtuloy.



Napatingin ako kina maki at cel na nakatulala ngayon na nakatingin sa harapan namen. Ang weird lang ng itsura ng mga ito, kala mo nakakita ng multo, mga nakatulala! Nasobrahan na ng alak! Mga laseng na!😂😂😂



"HUY!" sita ko sa dalawa at binato ko sila ng pulutan namen sabay tawang malutong. Pero di ako pinansin ng dalawa nakatanga lang sila at may pag nganga pang nalalaman ang dalawa. "Laseng na nga sila." ako at napailing na lang. Binalingan ko si jho na bahagyang nakakunot noo na nakatingin din sa harapan namen, ano bang nakita ng mga ito bakit ang eepic ng mga reaction nila ngayon.




Bumaling na ko sa harapan habang patungga na rin ako ng beer at sakto namang biglang nagalisan sa harapan ang mga friends ko dun sa pinagkukumpulan nila kaya ngayon kitang kita ng dalawa kong mga mata kung sino yung dumating.....Yung nakatayo mismo ngayon sa harapan ko.




Di ko na naituloy pa yung pagtungga ko ng beer sa halip ay napatulala akong nakatingala sa bagong dating. Ilang beses akong nagpapikit pikit pero dude.........SYA talaga yung nakatayo ngayon mismo sa harapan ko at yung lamesa lang ang pagitan nameng dalawa!




Isang napakatamis na ngiti ang sumilay sa kanyang labe habang nakatingin sya sa kin, ako, di ko magawa. Wala nga yata akong reaction kundi nakatulala lang sa KANYA.















"Hi bea....."











AN:

Unang una, gusto ko pong mag thank you sa lahat ng nagbabasa ng story kong pangit. Salamat sa mga nagvovote, nagcocomment at nag aadd sa kanilang reading list. Sobra po akong kinikilig sa mga comment nyo sa ginagawa ko. 😊😊😊

Sana wag kayong magsawa kahit bihira na lang ako makapag UD
SALAMAT PO ULIT.....😁😁😁

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 64.6K 131
[BOOK ONE IN THE LIFELINE SERIES] lifeยทline หˆlฤซfหŒlฤซn/ noun "A person you can always depend on to help you in a really messed up situation where you n...
431K 17.6K 61
โ•ฐโ”ˆโžค *โ‹†โ ๐ข'๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ก๐ž๐ซ ๐ง๐จ๐ญ ๐ฅ๐จ๐ฌ๐ž ๐ฆ๐ฒ ๐œ๐จ๐Ÿ๐Ÿ๐ž๐ž ๐ญ๐š๐›๐ฅ๐ž ๐š๐ฌ ๐š ๐ซ๐ž๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐ง๐  ๐จ๐Ÿ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐š๐ญ ๐ญ๐ข๐ฆ๐ž-๐›...
Fake love By :)

Fanfiction

113K 2.6K 42
When your PR team tells you that we have to date a girl on the UCONN women basketball team and you can't say no to it... At first you don't think too...
114K 5.7K 54
(y/n) (l/n) a girl who was born in the modern world who somewhat ends up in the taisho era of demon slayer. Her sassiness and eccentric attitude capt...