Married to Unknown

By CloudMeadows

8.7M 320K 132K

12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you t... More

Married to Unknown
PROLOGUE
I.
II.
III.
IV.
V.
VI.
VII.
VIII.
IX.
X.
XI.
XII.
XIII.
XIV.
XV.
XVI.
XVII.
XVIII.
XIX.
XX.
XXI.
XXII.
XXIII.
XXIV.
XXV.
XXVI.
XXVII.
XXVIII.
XXIX.
XXX.
XXXI.
XXXII.
XXXIII.
XXXIV.
XXXV.
XXXVI.
XXXVII.
XXXVIII.
XXXIX.
XL.
XLI.
XLII.
XLIII.
XLIV.
XLV.
XLVI.
XLVIII.
Bonus Chapter: "The plan and the truth about 5 years ago."
XLIX.
L.
EPILOGUE.
Final note
Special Chapter # 1
Special Chapter # 2

XLVII.

112K 4.5K 2.7K
By CloudMeadows

"Hon, don't stress yourself. Makasasama yan sa bata." Muntik na niyang makalimutan na nagpapanggap lang pala siya. She flash a sickingly sweet smile to her husband.

"Of course, I won't harm our baby." She massage her flat tummy as if may laman 'yon.

"Ano nang plano mo pagkatapos?" Logan asked referring about the unending drama. Nagbalat siya ng mansanas at ibinigay kay Nicca.

"After that, I can finally say, and we live happily ever after. The end. Hindi ba masaya 'yon?" She happily bit her apple na kunwaring naglilihi siya doon.

"She's still your twin. I have one. It hurts to lose your other half, undeniably."

"C'mon Logan! Ngayon ka pa ba uurong? I thought you're with me?" Pinahid niya ang pekeng luha sa mata niya. She knows how to tickle his weak spot at napangiti siya dahil tumalab ito.

"Where's Luc?" Speaking of, saktong bumukas ang pinto at gaya ng dati, nagagawa pa rin nitong pabilisin ang tibok ng puso niya. He smiled coldly to her at tumabi sa kanyang kambal.

"Hey lover boy."

"Nic." New nickname? Cute. She thought.

"Akala ko talaga nahulog ka na sa babaeng 'yon. What changed your mind?"

"You."

"Liar." She laughed like a witch, oh how she wish na totoo yung sinabi niya but she's no fool. Alam niya at nakita niya sa mga mata nito kung paano ito tuluyang nahulog sa kanyang kapatid. Just the thought of that made her blood boil in angst.

"Why would I let you do that to her if I really love her? What's the point of being here if I could just save her?"

Nagkibit balikat siya. "Who knows?"

"Ituloy mo." Luc smirked. One of her weaknesses--but not this time. Punong puno ng poot ang kanyang dibdib.

She stand from her elegant set up and walk towards him. Inayos nito ang kwelyo niya at inilapit ang kanyang bibig sa kanyang leeg.

"Who knows...you're up to something?"

"Try me Nicole." His voice held power and it took just 1 second for her smile to falter.

"Nicca." She rolled her eyes. Lumayo na siya at pinagpagan ang kanyang damit. Inunat niya ang kanyang katawan at masayang nilaro-laro ang baril sa kanyang kamay. The two didn't show emotions, sanay na sila. Inipit niya ito sa kanyang pantalon sa likod.

"Fine. Let's finish this then. Gentlemen first."

Luc starts to walk at napangisi siya, she didn't take him as the irrational stereotype hottie. Napatingin siya sa naglikod nito habang naglalakad palayo, she glanced at Logan at parang wala lang ito sa kanya, but she didn't miss the vile glint that flashed through his eyes. He wanted this too. He wants his twin dead as much as she does.

Kinuha niya ang baril sa kanyang likod at itinutok ito sa ulo ni Luc na walang kamalay kamalay sa nangyayari, at ang pagtataksil sa kanya ng sarili niyang kambal. Kung normal lang siguro siyang tao, baka hindi niya magagawa ito dahil sa bilis ng pupuntiryahin niya but sad fact: she's not human.

Naunahan niya si Luc bago pa ito makalingon, the silver bullet penetrated his skull thrice at hindi pa siya nakuntento, she aims for his chest when all memories of her came rushing in. Ipinikit niya ang kanyang mata at tanging ang boses lang ni Luc ang kanyang naririnig noong una silang nagkausap sa bakuran ng kanilang bahay.

"Shut up!"

"Hon what's wrong?"

Ibinaba niya ang hawak niyang baril at saka tumalikod. She doesn't care anymore. She walk as if nothing happened, as if hindi niya pinatay ang lalaking nagpasaya sa kanya minsan, as if her heart is not breaking right now.

It's because of her! Kasalanan niya lahat!

Right, kasalanan lahat ng magaling niyang kambal. Kung hindi dahil sa kanya, hindi siguro nangyayari ito, she felt like her childhood went down to hell nang agawin niya lahat.

Malapit ng mag-umaga at sinisiguro niya na sa pagsapit ng umaga ay tuluyan ng mabubura ang kanyang pinakamamahal na kambal.

"Why don't we go back to where everything started?"

Without looking back, she held her head high at kumapit sa kamay ni Logan at sabay na umalis. Leaving a lifeless and bloody body behind.

****

Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Bigla nalang inagaw ni Harold, Hector, William at Derick yung baril na hawak ng mga bantay at nagpaputok sila upang gumewang gewang yung sinasakyan namin na van at doon nga kami nagising ni Rose.

Lahat kami nag papanic lalo na't wala nang buhay yung driver at si Raven lamang ang pilit na nagmamaneho.

"You idiots!"

Paglingon namin, wala ng mga tali yung kamay nila at sa sobrang bilis ng pangyayari, napatumba din nila ang mga ibang bantay dito sa loob.

Kinalagan nila ang mga tali namin ni Rose at agad namang sumunggab si Rose papunta kay Raven at nag agawan sila sa manibela.

"Gemma, dapa!" Mabilis naman akong sumunod at nabasag ang salamin na malapit sa akin.

"Sh.t!" Malakas na mura ni Harold.

"Sino na naman 'tong mga ulupong na 'to?! Lintik ng."

"Gemma huwag kang tataas, diyan ka lang sa pwesto mo." Pansin ko rin kasi na nakapuntirya yung tama sa pwesto ko. Iniusog agad ni Hector yung katawan ng bantay kanina at siya ang pumalit dito, ginawa niyang harang yung katawan niya upang hindi ako masaktan sa mga bubog na nagtatalsikan.

Medyo nakakahilo ngunit itinuon ko yung atensyon ko kay Rose at nakita ko kung paano nagkagalos-galos yung mukha at braso niya, ganun din si Raven.

"Pwede ba Raven? Bitawan mo yung manibela!"

"Lahat kayo mamamatay!"

"Okay. Mauna ka muna. Ang hirap mong pakiusapan bwisit." Hinawakan niya ang kamay ni Raven at pinaikot 'yon habang nakatingin pa rin sa daan. Napasigaw si Raven sa sakit at nabitawan nito ang hawak sa manibela.

"Rose!" Muntik nang tumama yung kotse sa isang poste ngunit sa pagikot niya ulit ng manibela ay tuluyan itong sumalpok sa isang sasakyan na kaalitan kanina nila Harold. Sa sobrang lakas ng tama ay nagpagulong gulong ang sasakyan. Hindi ko alam kung paano pa kami buhay sa lagay na 'to.

May tumapik tapik sa pisngi ko, nandidilim ulit yung paligid kaso di ko maatim na ipikit yung mga mata ko.

"Gemma...gising. Kailangan niyong umalis dito." Panggigising ni Hector at itinuro niya si Rose na pilit na lumalabas sa driver's seat. Napakunot noo ako. Bakit parang di man lang sila napuruhan?

Napatingin ako sa gawi ni Raven at wala itong malay.

"Saan sila..."

"Hayaan mo na sila. Ang importante, makaalis kayo dito."

"Gemma! Bilis! Malapit na sila!" Iniabot niya ang kamay niya mula sa labas habang medyo tinutulak-tulak ako ni Hector para tuluyang makalabas. Wala na akong maintindihan sa sinasabi nila dahil naglalaban yung diwa ko.

"Kumapit ka lang sa kamay ko, kaya mo yan. Gemma naririnig mo ba ako? Tara na!" Hindi ako makagalaw. Napangiwi ako sa sakit dahil nakaipit yung paa ko. Nadaganan ito ng mabigat na bagay at napamura si Hector. Mabilis niyang inalis yung bagay na nakapatong at pumunit siya ng tela sa kanyang damit at ibinalot sa paa ko.

"Paano ka--"

"Oh my god!" Mismo pati ako ay napapikit. May mga putukang nagaganap di kalayuan dito sa pwesto namin.

"Gemma bilisan mo!" Parehas nila akong inalalayan hanggang sa tuluyan akong makalabas. Inabot ko naman yung kamay ko kay Hector pero hindi niya inabot ito.

"Anong ginagawa mo?"

"Tumakbo na kayo!"

"Pero-"

"Gemma tara na!"

"Paano si Hector? Paano yung iba?"

"Please tara na habang hindi pa tayo inaabutan..."

"Gemma makinig ka sa kanya, kailangan niyo nang umalis dito."

"Hindi-"

"Gemma!!"

Tuluyan na akong hinila ni Rose at inalalayan niya akong tumakbo. Hindi ko alam kung saan kami pupunta basta medyo magubat na yung dinadaanan namin dahil sa gilid ng kalsada ay puro puno na sa gilid. Pumasok kami sa madilim at mapunong lugar hanggang sa tumigil kami saglit upang habulin ang mga hininga namin.

"S-Sino bang tinatakbuhan natin? Bakit natin iniwan yung iba doon?"

"Gusto nila tayong patayin Gemmy, mga kasamahan 'yon ng bruhilda mong kakambal--"

Huminga nalang siya ng malalim.

"Kaya na nila sarili nila, ang mahalaga, mailayo ka dito."

Hindi na ako nagsalita. Kanina pa naglalaro sa utak ko yung sinabi niya. May kinalaman din kaya si Rose? May matagal na ba siyang itinatago sa akin?

"Bakit ako? Bakit kanina niyo pa ako nililigtas? Bakit hindi niyo unahin yung sarili niyo?"

"Eto naman, syempre lab na lab ka namin Gemmy girl kaya tara na." Biro niya pero hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Kung dati, napapatawa niya ako sa mga ganitong eksena niya, ngayon hindi ko na alam. Gusto kong isipin na walang nagbago kay Rose pero siya ba talaga ang Rose na nakilala ko nung una palang?

"May problema ba?"

"W-Wala."

Sumunod lang ako sa kanya, pero yung bibig ko hindi na nakapagpigil.

"Rose, may gusto ka bang sabihin sa akin?"

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Alam mo kung anong ibig kong sabihin."

"Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo." Tumigil ako.

"Hanggang kailan ba kayo mag mamaang-maangan?"

"Gemma hindi ko talaga alam kung anong sinasabi mo."

Mas lumakas yung putukan sa kinaroroonan namin kanina at may sigawan na rin akong naririnig.

"Gemma halika na!"

"Kailangan natin silang tulungan!"

"Ano ba, mapapahamak lang tayo!!"

Pilit niya akong hinihila pero nagmatigas ako. What's wrong with her?! Paano kung mas mapahamak sila? Paano kung kagaya nung mga bata...Ipinikit ko yung mata ko kaso puro bangkay ng mga bata ang nakikita ko.

"Kailangan na nating umalis! Gusto mo bang mamatay?" Tila naiinis na ito.

"Pipilin kong mamatay basta ang alam ko may nagawa ako para sa mga kaibigan ko, ikaw Rose? Anong klaseng kaibigan ka?"

"Hindi mo ba alam na ginagawa namin ito para mailigtas ka tapos ito ang ibabato mo sa akin?" Hindi makapaniwalang sambit ni Rose. Napatawa ako.

"Bakit? Ganon na ba ako kaawa awa tignan para hindi ko mailigtas ang sarili ko?"

"Hindi mo naman kasi naiintindihan eh!" Sigaw niya at mukhang binabawi niya agad ito.

"Bakit hindi mo ipaintindi sa akin para hindi naman ako nagiging pabigat sa inyo? Alam kong nahihirapan kayo pero paano naman ako? Paano kung kayo ang mapahamak dahil sa akin? Paano kung ako ang maging rason kung masaktan kayo? Paano nalang ha Rose? Maipapaintindi mo pa ba sa akin kung nangyari na lahat 'yon? Ano Rose? 'Ganon ba kahirap ipaintindi? Tatanggapin ko naman kahit masakit basta maging totoo lang kayo sa akin..." Marahas kong pinunasan ang luhang tumulo.

"Kaibigan mo kami..."

"Pero marami kayong tinatago sa akin."

"Mas makakabuti 'yon sa'yo." Umiling ako.

"Hindi mo alam kung anong mas makakabuti sa akin dahil hindi ikaw ang nakararamdam."

"Gemma...please kailangan na nating umalis dito."

"Rose, pasensya ka na." Tumakbo ako pabalik sa direksyon kung nasaan yung iba.

*****

Tumahimik bigla, nawala na yung ingay at mukhang naliligaw ako. Tinangka akong habulin ni Rose kaso mas binilisan kong tumakbo. Huminto ako saglit sa tabi ng puno upang habulin ang hininga ko.

Hindi sana hahantong sa ganito kung hindi lang matigas ang ulo ko pero anong magagawa ko? Tatakbo at iiwan nalang sila?

"Argh!" Pulang pula na yung tela na nakabalot sa paa ko at ngayon ko lang ulit naramdaman yung sakit. Hindi ko na kasi ininda ito nung tumatakbo ako.

Isinandal ko muna yung likod ko at pumikit. If I would given the chance to restart my life, I would pick yes in a heartbeat. Pakiramdam ko kasi hindi ko na alam kung sino ako. Who am I? What's my real identity? Is Nicca my real name? Pero hindi ako 'yon kasi meron nang nagmamay-ari ng pangalan na 'yon at walang iba kundi ang babaeng gustong pumatay sa akin.

Ano bang atraso ko sa kanya? Dahil ba kamukha ko siya? Totoo bang kambal ko talaga siya? Ibig sabihin noon palang pinapakain na ako ni Luc ng mga kasinungalingan niya? Sino ba dapat ang paniniwalaan ko?

Masyado nang magulo. Yung mga napapanaginipan ko, yung mga nagpaparamdam na alaala ni Nicca, bakit ako pa yung ginugulo? Ako ba talaga yung batang 'yon? Kung ganon napakalaking kasinungalingan yung nakaraan ko? Pero paano 'yon? Si Derick..isa siya sa mga kaibigan ko nung bata ako, may mga alaala pa ako sa kanya pero ang alam ko patay na siya pero bakit buhay na buhay at nagpaparamdam siya sa akin ngayon?

"Gemma!"

Napalingon ako at halos maiyak ako sa tuwa nang makita ko si Hector.

"Bakit mag isa mo lang? Nasaan si Rose? Pakshet mas lumala pa yang sugat mo!"

"Eh kayo? Asan yung iba? Ayos lang ba kayo?"

"Umalis ka na!" Hinila niya ako patayo. "Kahit ngayon lang, sundin mo yung sasabihin ko. Umalis ka at huwag na huwag kang lilingon."

"Bakit? Huwag ka namang magsalita ng ganyan."

"Malalaman mo lahat ang gusto mong malaman kung ililigtas mo ang sarili mo, tumakbo ka na."

Mukhang alam ko na kung bakit niya ako pinapaalis. Naririnig ko na rin yung mga kaluskos sa paligid, mukhang may paparating.

"Sino ba sila?"

"Isa..."

"H-Hector." Ayoko. Ayoko. Pag may mapapahamak dahil sa akin, hindi ko kakayanin.

"Dalawa..."

"Huwag... huwag ka namang ganyan." Hinawakan niya ang pisngi ko at hinalikan sa noo sabay bulong ng, "takbo..."

****

Kahit ilang beses kang tumakbo, hahabulin at hahabulin ka pa rin ng kamalasan. Sa sobrang abala ko sa pagtakbo ay hindi ko namalayan ang tinapakan ko at ang buong akala ko ay mahuhulog ako sa isang bangin ngunit nang mapalingat ako sa paligid ay nanindig ang mga balahibo ko.

Napatingin ako sa napakaraming kabaong na nakabalandara sa paligid, yung iba ay wala nang takip at yung iba naman ay nakalabas na ang iilang kalansay mula sa bahay nito.

"Ang malas malas mo Gemma." Natatawa pero walang bakas ng kasiyahan ang boses ko. Pinilit kong bumangon nang umalingawngaw ang isang boses na nagpatigil sa akin.

"Kahit ilang beses kang iligtas ng mga kaibigan mo. Sa kamatayan ka pa rin babagsak."

Napalingon ako sa banda ng boses at natanaw ko ang isang anino ng babae.

Alam kong hindi ito guni-guni. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Pinilit ko pa rin bumangon, napaka pamilyar ng lugar na ito. Ito yung catacomb sa panaginip ko.

"Remember when I used to love planting flowers?"

"Nicole..." It was on reflex.

"I changed my mind, I love planting bodies in one of those coffins. Gusto mo ikaw isunod ko?"

"Anong kailangan mo?"

"You, silly."

"Bakit? Bakit mo 'to ginagawa?"

"To make your life miserable, hindi ba 'yon obvious?"

"Alam mo? Isa kang malaking duwag!"

Then it happened so fast, I was on my knees with a bleeding arm. Napangiwi ako sa hapdi at narinig ko yung nakakaasiwang tawa ni Nicole.

"Duwag? What just happened to you then?"

Hindi ko na naman namalayan, may sugat ulit ako sa kabila kong braso at mas malalim na ito.

"It's so fun watching you bleed and hurt you physically, this is my biggest fantasy you know?" Then a sharp kick was aimed to my stomach. Napasandal ako sa isang kabaong at hindi sinasadyang natabig ko yung takip 'non kaya kumalat yung masangsang na amoy sa paligid.

"Oo duwag ka." Idinura ko yung dugo at ngumisi. "Kasi hindi ka lumalaban ng patas."

"Oh boo, kanina lang nag-aala bida ka na kailangan nang prince charming, and now you're acting tough again? Your life is such a big fat drama."

"Dami mong satsat, lumabas ka dito." Panghahamon ko.

Hindi ko na kailangan ulitin pa dahil ilanh segundo ay narinig ko ang tunog ng takong na tumatapak sa malamig na semento papalapit sa kinaroroonan ko.

Mula sa kanyang sapatos, dahan dahan kong itinaas yung tingin ko papunta sa kanyang mukha at hindi pa rin ako makapaniwala. Para akong nakatingin sa salamin.

"Lakas mong manghamon, iyakin ka naman katulad noong mga bata pa tayo." Her arms were crossed in front of her. Standing so tall and so full of hauteur.

"Now what? Are you going to kill me?"

"Not so fast."

In just a snap of her finger, nagsimulang magsilabasan yung mga ibang anino. Habang palapit sila nang palapit, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumayo ako at tinakbuhan sila kaso may humablot sa akin mula sa likod at hindi ako hinayaan makalapit sa kanila.

"Logan?"

"One step and you'll die." He said in a monotone.

Akala ko si Luc yung nasa likuran ko buti nalang napigilan ko yung sarili ko bago ko siya mayakap.

"Asan si Luc?" Hindi ko napigilang tanong.

"Relaxing, lazy to save your ass dear sister." Nagpumiglas ako sa hawak ni Logan. Nangangati na yung kamay ko na sampalin 'tong nasa harapan ko.

"Say hi to your pathetic friends." On cue, lumabas na yung mga anino mula sa madilim na parte at isa isang nagpakita sila Rose, William, Hector, Harold at Derick na may kanya kanyang guardiya sa kanilang likuran.

"Paano ba yan, ang hihina ng kampon mo Nicca, ikaw na nga yung niligtas, ipinahamak mo pa yung sarili mo at ano?"

Nakita kong umiling si Rose para bang sinasabi niya na huwag akong makikinig sa sinasabi niya.

"Idinamay mo pa sila."

"Tutal andito rin naman kayong lahat, bakit hindi na tayo magbulgaran para malaman kung sino sino ang mga traydor dito?"

Don't listen to her. Kahit maari ayokong magpaapekto.

"Nicca, hindi ako ang kalaban mo dito. Hindi mo ba alam na ang totoong kalaban mo ay ang mga taong malalapit sa'yo?"

Lumapit siya sa akin at inilagay ang kutsilyo sa leeg papunta sa baba ko at idiniin niya ito.

Kinuha ko itong pagkakataon para itama ko yung ulo ko sa kanya, medyo masakit pero alam kong siya ang napuruhan. Nabitawan niya agad yung kutsilyo at doon ako nagpumiglas sa hawak ni Logan at mabilis kong kinuha yung kutsilyo at hinablot si Nicole sa leeg.

Sinubukan ni Logan na lumapit at mas lalo kong diniinan yung kutsilyo sa leeg niya.

"Remember, hawak ko pa rin ang mga kaibigan mo." She smirks.

Of course, I'm not that dumb.

"Harold and Rose were in a relationship before you knew it, matagal na silang may plano sa'yo and you think your man wouldn't know that? Every little single that has happened to you was all his plan. All your friends has their own skeleton in their closet and certainly Luc's."

"Huwag kang makikinig sa kanya!"

"Oh you should." Nicole snorted.

"Marami kang hindi alam. Now be a nice girl and do me a favor; drop the freaking knife or your friends die."

I did the opposite, mas diniin ko pa yung blade ng kutsilyo sa leeg niya. But she just laugh like the psycho she was.

"Oh how selfish aren't we twin?"

"Don't call me that, hindi kita kakambal."

"Nicca, ayaw ko din naman na maging kadugo ka but sh*t happens."

"Right, sh*t happens."

Tinignan ko si Logan at tumango siya, I threw the knife away at itinulak si Nicole. She looks confuse pero hindi niya ipinahalata. Tumayo siya at pinagpagan yung suot niyang damit at tumawa. I can't believe she's acting like that with my face. Nakakapanibagong tignan.

"Logan why aren't you doing anything?! She f*cking pushed me and I'm carrying your child!"

Gusto kong maawa sa kanya pero ibang klase rin ang pagka hipokrita ng babaeng ito. The twins--lalo na si Logan, they were deceived from the very beginning. Luc has other plans but Logan was the masochist not until now.

"Pregnant in high heels? Pregnant and you've just reacted now? Pregnant but the absence of another hearbeat inside that womb is missing? I'm not a human, in case you've forgotten that fact."

"No, no, no, baby. Nagpacheck up ako and you've got the results. Ano pa bang ebidensya ang kailangan mo?!"

"Goddam*it! I wish they were all true! Umasa ako sa wala Nicole! I thought that child will be the one who will change you, na magbabago ka pa. I was under your spell for so long because I love you, I did anything for you and when you told me you're carrying my child..." I can see tears forming in his eyes, that must be upsetting.

"Akala ko may pag-asa pang magbago ka. That you will learn to forgive yourself and live peace finally for the sake of the child but I was wrong, fucking wrong. You were consumed by envy and hatred. Luc could have killed you kung hindi niya lang iniisip yung mararamdaman ni Gemma (Nicca) because unlike you, she's too kind for her own sake, he knows he can't kill you because it will affect her big time. Whilst you, wala kang pakealam kung mamatay man ang kakambal mo, you're even causing her pain more and more as if she's not your other half. Each day, I'm getting tired, you're not the person I used to love anymore."

Everything went silent.

He cried, mukhang nailabas niya lahat ng hinanakit niya at hindi ko maipagkakailang naaawa ako sa kanya. Nicole's reaction was far from empathy---it was blank perhaps.

"But I killed him first, I killed Luc." She smiled in truimph.

All of us were stunned. Sa dami ng sinabi ni Logan, yun lang ang nasabi---what?! She did what?

"He's not loyal to me anymore because of her!" She cried like a spoiled brat and pointed at me. But I didn't react because I was too stunned. She killed him?

Everything happened so fast. She grabbed the knife and started to attack me kaso nakita ko yung lima na mabilis na pinatumba yung mga nakabantay sa kanila.

I don't know what to do, my body is not following my brain's order.

He can't be dead.

Napag usapan naming walang mamamatay dito pagkatapos ng lahat. Did he broke his promises? No, no please God no.

"I'm going to end this game!" I felt a sting on my cheeks, nakailag ako kaso mas mabilis siya. The others tried to stop her but she's like a wild creature. She kept screaming and kicking. I can't believe kung gaano siya kalakas.

"We're done playing your game, my turn." Everyone look at his direction. He's covered in blood that complemented his crimson iris . My heart leaped in joy and relief but I'm confused. Napatingin ako kay Logan but he just wink at me.

END OF CHAPTER 47.

3 chapters left.




Continue Reading

You'll Also Like

1.2K 73 36
She felt she was sheltered but destiny flipped her life 360 degrees. Her secrets, lies and desperation lead her to claim the truth that prevails. Wh...
212K 7.6K 97
Sabi nga nila, marriage will always be far different from dating. Sa dating, puro kilig lang. Sa dating, puro cheesy lines. Sa dating, puro keme. Sa...
13.4M 641K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...
1.2M 20.7K 81
"Ang pag-ibig na pinilit, nakakapilipit." Sinong matinong babae ang itatali ang sarili sa isang beki?! P.S. Isang SUPER-DUPER-MEGA-OVER-GWAPONG BEKI.