Married to Unknown

By CloudMeadows

8.7M 320K 132K

12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you t... More

Married to Unknown
PROLOGUE
I.
II.
III.
IV.
V.
VI.
VII.
VIII.
IX.
X.
XI.
XII.
XIII.
XIV.
XV.
XVI.
XVII.
XVIII.
XIX.
XX.
XXI.
XXII.
XXIII.
XXIV.
XXV.
XXVI.
XXVII.
XXVIII.
XXIX.
XXX.
XXXI.
XXXII.
XXXIII.
XXXIV.
XXXV.
XXXVI.
XXXVII.
XXXVIII.
XXXIX.
XL.
XLI.
XLII.
XLIII.
XLIV.
XLV.
XLVII.
XLVIII.
Bonus Chapter: "The plan and the truth about 5 years ago."
XLIX.
L.
EPILOGUE.
Final note
Special Chapter # 1
Special Chapter # 2

XLVI.

107K 4K 636
By CloudMeadows

Third Person

Nagising siya nang may bumuhos sa kanyang tubig. Ilang beses siyang kumurap upang mas luminaw ang kanyang paningin at napasinghap dahil hindi lang pala siya ang nag-iisa sa gusaling kinaroroonan nila. Mas bumilis ang kabog ng kanyang dibdib nang masilayan ang kanyang mga kaibigan na gaya niya ay nakagapos din at may takip ang bibig.

Napatingin siya kay Raven-Mira na siya ring nagbuhos sa kanya ng malamig na tubig, pumunta ito sa kinaroroonan nila Rose at ginawa din ang ginawa nito sa kanya. Hanggang sa lahat nga sila ay nilalamig at mulat na mulat.

"G-Gemma!" Agad na agaw pansin ni Rose at doon niya lang napansin ang namumulang mata nito, mukhang kagagaling sa pag iyak.

"Rose bakit...anong ginagawa niyo dito?" Gusto niyang yakapin si Rose ngunit hindi niya magawa.

"Pasensya na." Nagbaba ito ng tingin at para bang nahihiya ito sa kanya.

"Rose tignan mo 'ko! Anong ginagawa niyo dito? Harold? Hector? William? Derick?" Isa isa niya itong tinignan sa mukha at napasinghap na lamang siya nang mas luminaw ang mga pasa nila.

"S-Sinong gumawa n-nito?" Alam kong malalakas sila pero bakit sila napunta dito?

"Hector?" Halos pumutok na ang labi niya at nagdurugo din ito. Hindi ko na makita ang masiyahing mukha nito at tulad ni Rose, namumula din ang kanyang mata. Lahat sila para bang kagagaling nila sa pag iyak pero bakit?

"Harold?" Kitang kita ko kung paano niya gustong ikulong si Rose sa kanyang mga bisig.

"William?" Pilit niya akong ngitian kaso may naglalarong sakit at pagsisi sa kanyang mga mata.

"Derick?" Sa kanilang lahat, siya yung pinaka mukhang kalmado. Sobrang bilis ng pangyayari at hindi niya nakuha lahat ng sagot na gusto niyang makuha sa kanya pero bakit siya nandito? Bakit siya nadamay?

All of them looked ragged, beaten and burnt out. Lahat sila nakatungo at hindi makatingin sa kanya. They kept saying sorry at hindi niya alam kung bakit.

"Pathetic freaks." Hindi niya pinansin si Raven at nakatuon lamang ang atensyon niya sa lima.

"Please say something guys. Bakit nandito din kayo?" Nagsusumamo siyang tumingin. "Bakit pati kayo nadamay dito?"

"We deserve this." Si Harold na ang nagsalita para sa kanila.

"Bakit? Anong ginawa niyo?" She tried pushing her luck kaso may pumasok na mga nagsisilakihang tao at bigla itong lumapit sa kani-kanilang likod at kinalagan ang kanilang tali kaso mas pinalitan nila ito ng posas at nilapatan nila ang kanilang mata ng blindfold. Nanlaban sila kaso mas di hamak na mas malalakas ang mga taong ito.

Narinig nila ang tawa ni Raven habang nakatingin sa kaawa-awa nilang sitwasyon. They were punching and kicking while engulfed in complete darkness.

"Raven, you witch! Tulungan mo kami dito! Anong klaseng kaibigan ka?!"

"Who the hell is Raven? Mira, Mi-ra is my name okay? Quit calling me Raven you idiots."

"Let go of me! Kakalbuhin ko talaga yang babaeng yan!"

"Rose calm down."

"You better listen to them baby Rose. Be a good girl and keep quiet. Kung ayaw mong ikaw ang kalbuhin ko."

"This bitc--"

Kahit walang makita, nagawa pa ring hablutin ni Rose ang buhok ni Raven dahil malapit lang ito sa kanya kaso agad din siyang hinila at binuhat ng mga tauhan nila.

"How dare you!"

Too late. Tumunog sa kwartong iyon ang napakalakas na tunog na para bang may sinampal. Otomatikong kumulo ang dugo ni Harold pero narinig nila ang tawa ni Rose.

"Humanda ka, kapag ako nakawala dito, ibabalik ko yung sampal sa'yo with matching dos por dos. Ayaw mo nun? Tipid ka sa cheek tint." Naramdaman nila ang paghila sa kanila kaya wala silang nagawa kundi sumunod at maglakad. Napatawa nalang ng mapakla si Rose nang marinig niya ang gigil na sigaw ni Raven sa kanilang likuran.

"Pasalamat ka hindi pa nagsisimula ang tunay na paghihirap sa inyo. What you received a while is just an appetizer."

"Scare me not, gaganti pa rin ako and with full course. So special for you."

"Tignan natin kung saan pa yang tapang mo mamaya."

Puno ng bangayan ang hallway at wala manlang umawat sa kanila. Siguro malalim lang ang iniisip nila lalo na si Gemma na kanina pa tahimik habang kanina pa naglalaro sa kanyang isipan ang mga imahe na nakita niya noong nakita niya si Logan na palapit sa kanila. Hindi rin niya maintindihan kung bakit tinawag siyang Nicca ni Luc nang mahimatay siya.

Pero isa lang ang nasisiguro niya, nasa katauhan siya ng batang tinatawag na Nicca. Bawat galaw ng batang iyon ay para bang may nagkokonekta sa kanila. At ang bagay na iyon ay aalamin niya ngayon din. Kalmado siyang sumunod sa lalaking nagtutulak sa kanya at pagkahinto nila, doon din nanahimik yung dalawa.

Gemma

Nanikip bigla yung dibdib ko nung ipasok kami sa isang van. Ipinikit ko nang mariin ang mata ko at huminga ng malalim. Hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan lalo na sa sitwasyong kinaroroonan namin. Kaso kahit na anong pilit kong kalmahin ang sarili ko para bang may bumabagabag sa akin.

I need him. Huminga ulit ako ng malalim but I can't. I really need him. He's the only one who can comfort my emotions. He's the only one who knows to handle me really well. Think straight! Stop being dependable! Paalala ko sa sarili ko at hindi ko namalayan na tinatawag na pala ako ni Hector.

"Gemma? Ayos ka lang?"

"O..Oo."

"Of course she is, ano pa't ang daming lalaki dito at wala ang asawa niya. Being the hoe she is, she's absolutely fine. Right Gems?" Raven snickered. Hindi ako nakasagot dahil wala namang katotohanan yung sinabi niya.

"Well who am I to oppose to the famous saying 'Silence means yes'?"

"Kung gaano mo kadami ibinuka yang bibig mo ngayon, siguro ganun din karami mong ibinuka yang hita mo. Tama ako diba? Sangkot ka sa isang prostitusyon." Nagulat kaming lahat nang magsalita bigla si Hector at ngayon ko lang din napansin na malapit lang yung boses kaya ibig sabihin katabi ko lang siya.

"Sinong hoe ngayon? Nagsalita pala yung magaling." Dinagdagan pa ni Rose na pinapangalawahan yung sinabi ni Hector.

"Takpan niyo nga mga bibig na yan! Pasalamat kayong dalawa habang nagpipigil pa ako kundi tatapusin ko na kayo!" Rose snorted loudly para mas inisin pa si Raven.

I blocked myself out. Hindi ko na sila pinakinggan at mas nag focus ako sa pag hinga ko. I'm trying my best to calm myself pero nagsisimula na naman, may nakikita na naman akong scenario at puro iyak ang tangi kong naririnig hanggang sa palakas ito nang palakas.

"Mama! Mama!" Sapilitan siyang isinakay sa van kasama ang mga iba pang bata na kagaya niya ay umiiyak na rin sa kawalan ng pag-asa. Umaasa pa rin siya na babalik ang kanyang ina ngunit nawala iyon na parang bula nang tuluyan siyang maisakay.

"T-Teka lang p-po *sob* y-yung nanay ko po *sob* b-babalik siya d-diba? K-Kuya hintay*sob*h-hintayin po natin siya, h-hintayin po n-natin si m-mama *sob* at y-yung kapatid k-ko *sob*." Humawak siya sa kamay ng estranghero ngunit tinapik niya ito palayo.

"Huwag mo nga akong hawakan! Wala na ang mama mo! Iniwan ka na nila sa amin kaya sa ayaw at gusto mo, susundin mo lahat ng gugustuhin namin bata. Naiintindihan mo ba? Ha?!" Napaigtad siya nang sigawan siya sa mukha. Hinawakan niya nang mahigpit ang hello kitty na stuff toy niya at mahinang umiyak. Paos na paos, uhaw, gutom at kawalan ng pag-asa ang nararamdaman niya ngayon.

"Kuya saglit!" Mabilis na kumabog ang kanyang dibdib nang umandar ang sasakyan. "*sob* K-Kuya p-parang awa..kuya itigil *sob* n-niyo na po itong sasakyan..baka h-hanapin na ako ni m-mama t-tapos si N-Nicole po. A-ayaw *sob* ko silang i-iwanan.."

Pagmamakaawa niya at ganun din naman ang mga ibang bata, nagmamakaawang pakawalan sila.

"Ang dami niyong satsat mga nyeta kayo! Kaya kayo nandito ay dahil pinamigay na kayo ng mga walang kwenta niyong magulang, bobo ang tawag sa mga 'ganon!"

"Mali po kayo."

"Mahal po kami ng mga magulang namin."

"Hindi po totoo ang sinasabi niyo."

"Ibalik niyo na po kami."

"Maawa po kayo sa am--"

"Talihan niyo mga bibig ng mga yan, nakakaimbyerna na." Malamig na utos ng isa at kahit anong pilit nilang piglas ay wala silang magawa dahil bata pa lamang sila at walang kalaban-laban.

Puno ng iyakan ang loob ng van na kinaroroonan nila at ang mga walang puso, tumatawa lang habang nakatingin sa mga kawawang puslit na kasama nila.

***

"Ito na ba sila?"

"Opo boss, higit sampo silang lahat."

"Magaling."

Takot na takot na nakalinya ang mga bata sa isang lugar na hindi nila alam.

"Hello mga bata." Nakakatawang bati nito ngunit wala manlang natawa sa kanila dahil natatakot sila sa taong nasa harapan nila lalo na't may baril itong nakatambad sa kanilang harapan.

"Ako nga pala ang bagong magulang ninyo at magmula ngayon, susundin niyo lahat ng utos ko. Maliwanag ba 'yon?"

Walang may balak na sumagot. Hindi nila mahanap ang kanilang boses samantala si Nicca ay naiiyak na dahil hanggang ngayon ay iniisip niya pa rin ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang kakambal na may sakit.

"Ang sabi ko, maliwanag ba?" Wala pa ring sumagot.

"Oh sige, ayaw niyong sumagot?" Kinuha niya ang kanyang baril at pinaputok ito sa taas saka ito itinutok sa kanila.

"MALIWANAG BA?!" Gulat at takot, napatango nalang sila habang nakatingin sa baril na nakatutok sa kanila.

"SAGOT!" Nagpaputok ulit ito ng isang beses at sa pagkakaitong ito ay sa ibaba na kung saan malapit sa kinatatayuan nila. Napatalon sila dahil doon at umiiyak silang sumagot.

"O..Opo." Paulit ulit nilang sambit.

"Ayan, ayan ang gusto kong marinig." Ibinalik niya ang baril sa likod ng suot niyang pantalon at bumalik ang palangiti nitong mukha kanina.

"Ganito, gumawa tayo ng batas. Ang sumunod, may reward. Ang hindi, may parusa. Maliwanag ba mga bata?"

"O..opo."

"Magaling!" Pumalakpak ito at naglakad ito sa harapan ng isang batang babae.

"Anong pangalan mo?"

"K-Karen po."

"Karen, gusto mo ba ng chocolate?" Nagdalawang isip si Karen ngunit nang makita niya ang matulis na kutsilyo na kumikintab galing sa kanyang bulsa ay napatango siya sa takot.

"Magnakaw ka ng dalawang libo sa simbahan sa susunod na araw. Naiintindihan mo ba?" Naiiyak siyang tumango. At para bang gusto niyang maglaho nang hawakan niya ito sa buhok.

"Ganun din sa inyo mga bata at kung hindi niyo ito sinunod, ganito ang mangyayari sa inyo." Tumayo siya at nilaro laro ang blade sa kanyang kamay.

"Unang una, kung sino man ang magbabalak na tumakas at magsumbong o humingi ng tulong, alalahanin niyo na may mata ako sa paligid. Nakita niyo itong hawak ko?" Napangiti siya nang sumagot sila. "Tatapyasin ko ang mga labi ninyo at isasaksak ko 'tong kutsilyo na 'to sa dila ng mga madadaldal at saka dahan dahan itong paiikutin. Naiintindihan niyo?"

Halos lumuwa ang kanilang mata pero iyak lang ang tangi nilang nagawa. Gusto din nilang maihi sa takot sa bawat bigkas niya ng mga batas na nakakatakot labagin.

"Pangalawa, bawal kayong tumanggap ng mga pagkain. Kung sino man sa inyo ang maaaktuhan ay matutulog sa kulungan ng manok at hindi kakain sa loob ng tatlong araw." Tumango ulit sila. Ngayon palang natatakot na silang gumawa ng hindi ikasasaya nito.

"Pangatlo, bawal ninyong ibulgar ang nangyayari sa loob ng gusaling ito kung nagtanong sila. Gumawa kayo ng sarili niyong kwento lalo na kapag mga pulis ang nakahuli sa inyo. Alalahanin ninyo, may mata din ako sa loob at labas ng kulungan. Kung may lalabag man nito ay..." Napatingin siya sa mga tauhan niya. "Bahala na sila kung anong gusto nilang gawin sa inyo kahit na ikamatay niyo pa."

And the list goes on.

"Nakikinig ka ba bata?" Pang aagaw pansin nito kay Nicca na tahimik sa sulok.

Lutang ito at para bang hindi nakikisama ang kanyang katawan sa lutang nitong pag iisip. Kinalabit naman siya ng kasama niyang bata at doon lang siya natauhan at napatingin sa matanda na kakaiba na ang tingin sa kanya.

"P-Po?"

"Mukhang may makakatikim ng unang parusa mga bata." Nanlaki ang kanyang mata at kitang kita ang takot sa mata ng kasamahan niya.

"Halika dito." Kinaladkad siya papuntang harapan. Nakatungo lang siya at pilit niyang tinatatagan ang kanyang sarili.

"Oh anong ginagawa sa mga batang hindi nakikinig sa sinasabi ng magulang?" Nandiri siya nang banggitin niya ang salitang magulang.
Hinding hindi niya ituturing na magulang ang lalaking ito.

"Mga bata, gusto kong kayo ang sumagot." Napatingin siya sa kanyang kasamahan, nagmamakaawa at naiiyak.

"Ayaw niyong sumagot?" Akmang kukunin niya sana ang baril nang may sumagot sa kanila.

"P-pinapalo po." Sagot ni Karen at hindi siya makatingin kay Nicca. Napanganga ang ibang bata at ang laki naman ng ngiti ng matanda.

"Ano yun? Pakilakasan."

"Pinapalo po."

"Mahina pa rin eh."

"Pinapalo po." Nakisabay na rin yung iba hanggang sa palakas nang palakas at wala nang nagawa si Nicca kundi ihanda ang kanyang sarili.

"Magaling! At dahil diyan makakakain kayo mamaya habang ikaw naman..." Napatingin siya kay Nicca at dahan dahan niyang tinanggal ang kanyang sinturon.

Magmula ng araw na 'yon, kalbaryo na. Tanging ang kanyang manika ang nagiging sandalan niya kapag punong puno ng pasa ang inaabot ng kanyang katawan. Ni hindi siya pinagbubuhatan ng kamay ng sarili niyang pamilya ngunit heto siya, hindi na mabilang kung ilang beses sinampal, pinalo, binugbog, hindi pinakain at kung ano ano pa na ikinahina ng kanyang katawan.

"Patahimikin niyo nga yan!" I'm scared, dadalhin na naman ba ako sa lalaking iyon? Ayoko. Ayoko na. Hindi ko makakaya.

"Pakawalan niyo ako! A-Ayoko! A-Ayoko! Mama! Tulungan mo ako! Mama!" Pagwawala ko. I can't control this emotion this time. Nararamdaman ko yung takot ni Nicca at hindi ko alam kung bakit basta ayaw ko. Ayaw kong pumunta doon.

"Gemma! Gemma! Huwag kang mag-alala, kasama mo kami." Rinig kong sabi ni Hector but I can't shut the hell up. I'm hyperventilating. Ang sikip sikip na kasi sa dibdib.

"Princess stay strong, hindi ka namin iiwan. Andito lang kami sa tabi mo. Deep breaths okay? Hinga ng malalim." Hindi ka namin iiwan. But that woman--Nicca's mom left her. How am I suppose to believe this?

"Gemmy, happy thoughts okay? Happy thoughts." Pang e-engganyo ni Rose but those memories caused havoc in my mind.

"Be the strong person we know you are, don't entertain it please." Harold pleaded. Tama siya, pero ang tanong, paano? Paano kung itong alaala na ito ay patuloy akong hinahatak sa nakaraan? Nakaraan ng isang bata na nagngangalang Nicca? I have my own parents, own name and own memories but why am I stucked in someone's past?

"Ang drama niyo nakakabwisit." Lalagyan na sana nila ng takip yung bibig ko nang bigla akong mag hysteric. I fiddled, na parang bang nandidiri kapag hinahawakan nila.

"Stop! Hindi na ako mag iingay! Just stay away from me! No, no, no don't touch me!" I scream.

"Oh my god Gemma! Para kang kinakatay! Gusto mong katayin na talaga kita diyan sa kinauupuan mo? Shut up okay!? Takpan niyo na yan!"

"No! I will make sure na hindi siya gagawa ng ingay just don't do that." Naramdaman ko yung kamay ni Rose sa braso ko. Katabi ko pala silang dalawa ni Hector.

I tried my best to seal my lips throughout the whole ride habang tinutuungan nila akong mahimasmasan. I just prayed silently.

END OF CHAPTER XLVI.

I know bitin. Prepare your hearts. Wala lang.





Continue Reading

You'll Also Like

166K 4.4K 78
Every midnight: A stalker. A stranger. A phone call. I should be scared. I should not talk to him. I should not entertain him. But all I did was... f...
2.3M 36.2K 55
A story about two antagonists, a jerk and a bitch, who have long been disillusioned by love, but in some twist of fate, they'd soon find themselves h...
28.2K 1.2K 21
Natural lang na nagkakagusto tayo sa isang tao. Natural lang na magandahan tayo o ma-gwapuhan sa isang taong first time lang natin nakita. Natural la...
4.7K 508 15
β€’PUBLISHED UNDER KPub PHβ€’ βœ… Complete 'Kahit hindi na ako ang mahal mo, patuloy akong aasa na balang araw ako pa rin ang nakatakda para sayo.' Carleig...