Could Have Been Better (Crush...

By PollyNomial

16.5K 652 58

Elaine Joy Mendoza was from Los Angeles. Pero kahit ilang taon na mula nang tumira siya roon kasama ang pamil... More

Could Have Been Better
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Ending
Lost With A Shattered Heart

Chapter 13

243 9 0
By PollyNomial

CHAPTER 13 — Kissed


Hindi ko siya pinansin kahit na ramdam na ramdam ko ang presensya niya. Pumasok siya sa library pero hindi siya lumapit sa akin.

I made myself busy. Lahat ng maaaring gawin dito sa desk ng library ay ginawa ko na. Nag-ayos ako ng listahan ng mga hiniram na libro sa araw na ito. Sa tinagal niyang nakatayo ilang metro ang layo sa akin ay hindi ko rin hinayaan ang sarili na ituon ang tingin sa kaniya.

Although, I can feel him staring at me, I didn't let him think that I was affected. Gayunpaman, para bang kabisado ng sistema ko ang bawat galaw niya. When he stood up and approached me, I put down the papers that I was holding and walked away from the desk. Ngayon ay nakatalikod na ako sa kaniya.

"Yes, hijo?" he was greeted by our librarian.

"Good afternoon, Mrs. Raviz," bati rin niya.

I intentionally remained unaware of him. Kunwari ay may mga ginagawa ako sa mga librong nasa harap ko.

"May I excuse Elaine? May mahalaga lang po akong sasabihin sa kaniya," aniya.

Kinuha ko ang mga libro. Ibabalik ko ang mga ito sa bookshelves.

Bago pa sumagot si Mrs. Raviz ay inunahan ko na siya.

"Mrs. Raviz, ibabalik ko po ang mga libro sa shelves," pangunguna ko. Hindi ko sinulyapan si Conrad nang tumungo ako sa mga bookshelves.

Naramdaman ko ang pag-sunod niya. Hindi ko iyon inalintana. Hinayaan ko lamang siya sa gusto niyang gawin habang ako ay inabala ang sarili sa pag-aayos ng mga libro.

"Come on, Elaine. Talk to me," mahinahon ang pakikiusap niya.

I feel stupid. I should not be feeling this way. Wala akong karapatang maramdaman ito sa kaniya. What he did yesterday wasn't my concern anymore. He has promised me that I will be his only girl and yet I don't have a hold on him.

Nilingon ko siya. Bumuntong hininga ako at napayuko. "I'm sorry," bulalas ko.

Siya rin ay nagpakawala ng buntong hininga. "You don't have to say sorry. Ako ang may mali," aniya. "I realized it as soon as I saw you walking out of the gym," usal niya.

Hindi ako nakaimik.

"I'm sorry for what I did. Nakasanayan ko na kasi. But it doesn't mean anything, I swear."

Punong puno ng emosyon ang kaniyang mga mata. Tila gusto akong paniwalain na totoo ang sinasabi niya.

"Kinindatan ko sila kasi natutuwa ako sa pagsuporta nila sa akin. It was my way of appreciating them. I didn't realize that what I did will affect you," paliwanag niya.

Wala akong masabi sa pahayag niya. Hindi ko kayang aminin sa kaniya na tanga ako para masaktan sa simpleng pagkindat niya sa mga babaeng sumusuporta sa kaniya. Nakakahiya ako. I do not have the right to be jealous.

"Elaine... please say something. I need to know what you feel."

Umiling ako at napangiti. Nanatili akong nakayuko. "Don't blame yourself. Masyado lang akong nag-overreact. Hindi dapat ako umakto ng ganoon kahapon," wika ko.

Isang hakbang ang ginawa niya upang makalapit sa akin. Naramdaman ko ang pagdilim ng aking harapan. Kinuha ng dalawang kamay niya ang kanan kong kamay. Maliliit na haplos ang ginawad ng mga daliri niya roon.

"You are my only girl, Elaine." Inilagay niya ang magkahugpo naming kamay sa kaniyang dibdib. "Matagal nang naka-program dito na ikaw lang ang babaeng gugustuhin ko. I only want you, Elaine," malungkot siyang ngumiti. "I'm sorry if I gave a reason to doubt my feelings for you. Pero totoo ang mga sinabi ko nang gabing iyon."

Mariin kong kinagat ang aking labi. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o iiyak sa kaniyang sinabi. Ang dalawang iyon ay dahil ligaya ang naging hatid ng kaniyang mga salita sa akin.

Tuluyang dumilim ang aking paligid nang ipikit ko ang aking mga mata. Niramdam ko ang init ng kaniyang mga daliri. Habang magkahawak ang kamay namin ay dinala naman niya ang isang kamay niya sa aking pisngi. Hinaplos niya iyon. Itinagilid ko ang aking ulo upang idantay ito sa kaniyang palad.

I took in a deep breath when I opened my eyes. Nagulat ako nang ilang pulgada na lamang ang layo ng aming mga mukha sa isa't isa. Mataman niya akong tinititigan. I couldn't bear the way his eyes were looking at me. It was so overwhelming. Kaya naman pumikit na lamang akong muli.

Naramdaman ko ang pagdaan ng hininga niya sa aking labi. I could almost feel his lips. Isang pagkakamali lang na gumalaw ako ay magdidikit ang mga labi namin. But everything happened so fast. Nawala ang palad niya sa aking mukha. Bumitiw ang kaniyang kamay sa akin. Pagdilat ko ay saka ko lamang napagtanto ang muntik na sanang mangyari kung hindi bumitaw si Conrad.

"Elaine," boses ni Mrs. Raviz ang aking narinig.

Dumadagundong ang aking dibdib. Hindi ko alam kung paano ako sasagot sa pagtawag niya.

Tumikhim si Conrad at matamis na ngumiti sa akin. Bago pa kami nakita ni Mrs. Raviz ay halos isang metro na ang layo niya sa akin.

"She's here, Mrs. Raviz. Nag-usap lang po kami sandali," paliwanag niya.

I was still in shocked of what happened. Ngunit nang tingnan ako ni Mrs. Raviz ay inayos ko ang aking postura.

"I need you to help me, Elaine. Come here." Hindi na ako niya ako hinintay sumagot. Inasahan niyang susunod ako sa kaniya.

"I will see you later. Ihahatid kita sa inyo," bulong ni Conrad. "We're okay, right?" tanong niya.

Kumunot ang noo ko at ngumuso. Isang tango ang ginawa ko. Wala na siyang sinabi nang makita iyon. Sabay kaming sumunod sa librarian.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko. What did just happen? Is he going to kiss me? I was already out of my mind. Kung nakita kami ni Mrs. Raviz sa ganoong posisyon ay siguradong iba ang iisipin nitong ginagawa namin. Mabuti na lang at kakaunti pa lang ang estudyante sa library at mabuti na lang din ay napansin ni Conrad ang paglapit ng librarian sa amin.

Gusto ko pa sanang kausapin si Conrad nang hapong iyon pero marami nang pinagawa sa akin ang librarian.

Ganoon kadali ang pagbabati namin ni Conrad. Para bang walang nangyari. But he fulfilled his promise. Mula nang araw na iyon ay hindi na siya tumingin sa ibang babae. Not literally. Ngunit ngayon ay kalkulado na ang kaniyang mga kilos kapag may kumakausap sa kaniya.

I feel happy but sometimes I feel selfish. Kayang kayang tuparin ni Conrad ang kaniyang pangako ngunit siya ay walang pinanghahawakan sa aming dalawa. I still can't give him the answer that he wants. Kahit nagkaintindihan na kami ay heto at pagkakaibigan lang ang mayroon sa amin.

I feel like it's too early for relationships. Yes, I allowed myself to like him but to enter a commitment was definitely a whole different thing. Alam ko sa aking sarili na may nararamdaman ako para kay Conrad ngunit hindi pa ito ang tamang panahon para roon. Ngunit minsan ay naiisip ko rin, mayroon nga bang tamang panahon? O ako lang ang nagpapahuli sa mga bagay na dapat ay mayroon na sa aming dalawa.

Despite all that, I still chose to keep my feelings for now. Hindi naman ito mawawala. At alam kong hindi rin magbabago si Conrad. He'll always be there for me like he promised. Iyon ang panghahawakan ko sa aming dalawa.

Imbes na isipin ang mga nararamdaman para kay Conrad ay tinuon ko ang aking oras sa pag-aaral. Hindi ko na naalintana ang bilis ng panahon. Ngayon ay heto kami at hawak na ang aming report cards para sa natapos na taon namin sa aming ika-11 baitang. Nalalapit na naman ang bakasyon.

Hindi ko akalaing nakatapos ako ng isang taon dito sa Pilipinas bilang senior high school. Time flies really fast. Parang kahapon lang ay umuwi kami rito upang simulan ang aking pag-aaral. I met the two most important people in my life, Celine and Conrad. A months from now, I am entering the last year of high school.

"Alam mo, kung hindi nauso ang K to 12 na 'yan, sana college na tayo ngayon," ani Celine sa akin.

Kasama namin si Conrad. Panay ang sulyap niya sa akin ngunit hinayaan ko na lamang iyon. Ganoon naman siya palagi sa tuwing magkakasama kami.

"Mm-mm." Nginuya ko ang sinubo kong kanin at ulam. Nasa isang mall kami. Dito kami dumeretso upang kumain ng lunch. "Second year college na sana tayo," usal ko.

"It's okay with me," ani Conrad. Makahulugan ang tingin niya sa akin.

Sumulyap ako kay Celine at abala siya sa sariling kinakain.

"Happy-go-lucky ka kasi. Ayaw mo ng responsibilidad ng college!" hayag ni Celine na tinawanan ko naman.

Conrad glared at me. Sa huli ay ngumisi rin siya. "I like it here. I don't want my high school days to end yet," utas niya.

Kinagat ko ang aking labi. Sa ilalim ng mesa ay naramdaman ko ang pag-sipa ng isang paa sa akin. I knew it was Conrad. Siningkitan ko siya ng mga mata. He winked at me and then he smiled with his beautiful white teeth.

"Anong nginingiti-ngiti mo riyan? Alam mo, may sayad ka talaga. Mabuti na lang magkaiba tayo sa parteng 'yan kahit na kambal kita," ani Celine.

I remained silent. I don't know how to react. Kahit na maraming isinisigaw ang aking damdamin ay pinanatili ko na lamang iyon sa aking dibdib. Wala pa ring alam si Celine tungkol sa amin ni Conrad. And as long as there's nothing serious going on between us, I'm not telling anything to her.

Ang pagdaan ng panahon ay parang isang iglap lamang. It surprised me that we are not going back to Los Angeles again for this summer. Nagbakasyon daw kasi ang pamilya ng pinagtatrabahuan ni mommy at kahit na naroon kami ay hindi naman niya kami makikita at maaasikaso. Dad decided to just stay here and focus on his business. Palago ito nang palago. Magandang partnership ang nabuo ni daddy at ang ama ni Celine. Ngayon ay mas naging focus na ang daddy ni Celine sa pinasok na negosyo kasama ang daddy ko. Kaya naman maganda ang idinulot nito sa aming mga pamilya.

It also surprised me that I will be continuing my senior year here in the Philippines. Si daddy ang nagdesisyon niyon. As usual, mom was against it. Ngunit wala siyang nagawa dahil hindi niya mapilit si daddy sa kaniyang gusto. The state of his business was really good and he used that as an excuse. Minsan, nagtataka na ako sa mga desisyon ni dad ngunit dahil doon ako masaya ay sinusuportahan ko siya.

The first week of summer was a bit boring. Palagi lang akong mag-isa sa bahay. Dad goes to work everyday. Ang kasama ko lang palagi rito ay ang isa naming kasambahay. Sometimes, I go to Celine's house. Doon ay manonood kami ng movies o kaya naman ay uubusin namin ang oras sa kwentuhan.

Conrad was always there every time I visit. Kahit na nagkukulong kami ni Celine sa kwarto ay nararamdaman ko pa rin ang presensya niya dahil sa mga munting text sa akin.

Conrad:

I'm also watching a movie.

Napangiti ako sa text na iyon. Sa araw na ito ay napili naming manood ng movie ni Celine.

Ako:

Baka naman hindi movie ang pinapanood mo.

Lihim akong tumawa. Celine was focused on the movie. Hindi niya ako napapansin.

Conrad:

What do you mean?

Aniyang sinamahan ng demonyong emoji.

Hindi ako nag-reply. Natawa na lang ako. Kunwari pa siyang hindi alam ang tinutukoy ko.

Ganoon ang naging lagay namin sa unang linggo ng bakasyon. Nang dumating ang Lunes ay tinawagan ako ni Conrad.

"Oh?" tanong ko matapos sagutin ang tawag.

"Ang sungit naman ng bati mo sa'kin," aniya sa kabilang linya.

Tumaas ang gilid ng labi ko. "Bakit ka ba tumawag?"

Narinig ko ang pagtikhim niya. "Pupunta akong school ngayon. May gustong sabihin si coach sa akin."

Kumunot ang noo ko. Umupo ako sa aking kama. Katatapos ko lang maligo nang tumawag siya. "Oh tapos?"

"Samahan mo ako." Kitang kita ko sa aking isipan ang nakangiting mukha ni Conrad habang sinasabi iyon.

Napailing na lamang ako. Ano namang gagawin ko roon kung sasamahan ko siya? Pumaparaan na naman ang lalaking 'to.

"Samahan mo na ako, please? Ililibre kita pagkatapos niya kaming kausapin."

"Buong team kayo roon?"

"Yup. May meeting lang kami tungkol sa summer practice namin."

"Sinosino kayo ro'n?"

"Elaine, if you're trying to ask if Lorenzo will be there then no, he's not coming," malamig niya sabi.

Humagalpak ako sa tawa. Katahimikan ang sagot niya. "Ano ba, Con? Bakit naman si Lorenzo agad ang naisip mo? I was just asking! Nakakahiya kasi kung ako lang ang babaeng naroon." Umirap ako sa kawalan.

Bumuntong hininga siya. "I'm paranoid, okay? Kung anoano kasi ang tinatanong mo. Pwede mo namang sabihin kung gusto o ayaw mong sumama. Ang dami mo pang sinasabi," aniya.

Sa sobrang kilala ko na itong si Conrad, sa puntong ito ay alam kong nakanguso siya habang nag-iinarte sa mga sinasabi niya. Hindi siya galit. He can't get mad at me.

"Alright, alright! Sasama na ako. Pero maghihintay lang ako sa labas ng venue niyo. Ayokong nandoon din ako sa loob," masungit ngunit ang totoo ang natutuwa ako.

"Okay! I'll pick you up in 30 minutes." He hang up after saying that.

Ako naman ay nagmadaling maghanap ng aking susuotin.

Ang kotse nila Conrad ang aming gamit. Siyempre ay may kasama kaming driver. Conrad's just 17. Kahit pa marunong na siyang magmaneho ay hindi pa rin siya pwedeng gumamit ng sasakyan.

"Wait for me. Mabilis lang ito," aniya at pumasok sa gym.

Naiwan ako sa labas nito. Mainit kaya sumilong ako sa malapit na kiosk. Kahit nasa gilid ito ng entrance ng gym ay makikita ko pa rin si Conrad kung palabas na siya. Hindi ko inalis ang mga mata roon.

Ilang minuto na ang nakalipas nang may makita akong pamilyar na taong patungo sa gym. Nagmamadali siya. Tumingin siya sa orasan at tumigil saglit upang habulin ang hininga.

Nakilala ko siya. Siya iyong grade twelve na lumapit sa akin noon dahil sa laro nilang magkakaibigan. Itinagilid ko ang aking ulo. He was one of the varsity players. He was probably here for the meeting.

Nang tumayo siya ng tuwid upang maglakad ay lumipad ang tingin niya sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin. Ilang segundo lang iyon bago ko siya nilingon. Hindi na siya nakatingin at naglalakad na papasok sa gym.

I sighed in relief. Muntik na niya akong mahuli na nakatingin sa kaniya. Baka kung ano pa ang isipin niyon.

Totoo ang sinabi ni Conrad. Sampung minuto lang ang lumipas ay palabas na siya. Kasama niya ang ilang members ng team. Nagpalingalinga siya. Nang magawi sa direksyon ko ang mga mata niya ay tumayo ako.

Kumaway siya sa akin. Tinapik niya ang mga kasama niya bago lumapit. "Tara na?"

Tumango ako. Nag-init ang pisngi ko nang makarinig ng mga kantyawan. Lumayo ng kaunti sa akin si Conrad.

"Loko loko!" aniya sa lalaking nagsabi na girlfriend niya raw ako.

Paglabas namin ay wala na si Kuya Ben.

"Magko-commute tayo. Okay lang ba sa'yo?" aniya.

Natawa ako sa tanong niya. "Bakit naman hindi okay?" utas ko.

Ngumisi siya at sabay naming pinara ang dumaang jeep.

Sa harap kami sumakay. Nasa gitna ako ni Conrad at ng driver.

"Saan mo ako ililibre?" tanong ko.

"Kakain muna tayo. Tapos manonood tayo ng sine. Tapos, kakain ulit tayo bago umuwi," aniya.

Kinagat ko ang labi ko. Is this a date? Iyon ang laman ng isip ko hanggang sa makababa kami sa malapit na mall.

"Saan mo gustong kumain?" tanong niya.

Hindi agad ako nakasagot. I am thinking of what we are doing today. Umangat ang tingin ko sa kaniya.

"Is this a date?" Huli na nang maisip ko kung anong tinanong ko.

Bumilog ang mata ni Conrad. "Ikaw, Elaine. Ano bang tingin mo rito?" tanong niya.

Pinalo ko ang braso niya. "Kapag may nakakita sa atin, Conrad, siguradong makakarating ito kay Celine. Akala ko ba itatago muna natin?"

"Wala naman tayong kailangang itago. We are... we are just friends hanging out."

"Nasaan si Celine?"

"Nasa bahay." Kinamot niya ang ulo. "Teka, ba't tinatanong mo kung nasaan siya?"

"Because she's my best friend! Kaibigan kita dahil sa kaniya. Tapos nandito ako at ikaw lang ang kasama?"

Nagsalubong ang kilay niya. Alam kong naguguluhan siya dahil kahit ako naguguluhan sa sarili ko. Why I am complicating things?

"So, ayaw mo akong kasama?"

"Of course not!" madaling sagot ko.

Nanatiling nakaawang ang bibig niya.

"Halika ka nga!" hinila ko ang kamay niya.

Dumaan kami sa hanay ng mga kainan. Kung pipili ako ng restaurant na hindi madalas pinupuntahan ng mga kaklase namin ay walang makakakita sa amin. Namili ako habang siya naman ay nakasunod lang sa akin. Nang madaanan namin ang mga mamahaling restaurant ang ngumiwi ako. We can eat here. Pero hindi ako sigurado kung kaya ba naming kumain ni Conrad dito.

"Gusto mo riyan?" Nagkatinginan kami. "Let's go." Siya naman ang humila sa akin.

Sinalubong kami ng isang waitress. Si Conrad ang kumausap doon habang ako ay inililibot ang mata sa loob. Tumigil ang mga mata ko sa pamilyar na likod.

"Elaine, halika na..."

Humigpit ang kapit ko kay Conrad. I was trying to tell him to stop.

"Is that, Tito William?" tanong niyang marahil sinundan ang tinitingnan ko.

Mariin kong pinagmasdan kung si daddy nga iyon. Lumipat ang tingin ko sa babaeng kasama niya.

"Elaine," ani Conrad sa aking gilid. "Elaine, let's go."

"Wait," mahinang bulong ko. Nasigurado kong si daddy iyon dahil sa damit niya. He was wearing that when he left this morning.

Nilunok ko ang mga bumabara sa aking lalamunan.

Nakahawak ang kamay ni dad sa kamay ng babae. It was not just a simple touching of hands. Kitang kita ko kung paano himasin ng mga daliri ni daddy ang kamay ng babae.

Tumayo silang dalawa. The woman laughed. Dad kissed her.

He kissed her... on the lips.

That one... was not a friendly kiss.

"Elaine... Is that your mom?"

Pinanlisikan ko ng mga mata si Conrad. Tumigil siya nang makita ang reaksyon ko. Kumunot ang noo niya nang ibalik ang tingin kay daddy. Alam kong naintindihan niya ako. 

Continue Reading

You'll Also Like

Fierce By Nina

Teen Fiction

9.5M 197K 54
Set up by her parents, Blair is intent on doing all she can to push Gael away. But little by little, she has a change of heart...and uncovers a damni...
14.9M 235K 75
PUBLISHED UNDER POP FICTION [Unlucky I'm In Love with My Best Friend sequel/book 2] BITTER CASANOVA. Kapag sinabing CASANOVA, babaero, mapaglaro sa p...
383K 10.9K 62
PAT & ADAM The picture was not mine, so credit to the owner.