NIGHT BLOOD UNIVERSITY

By SELIEMBLADE

783K 40K 8.8K

[UNEDITED] Night Blood University is a place where death is nothing but a next deadly adventure. The Earth's... More

NBU
coup d'œil
i
ii
iii
iv
v
vii
viii
ix
x
xi
xii
xiii
xiv
xv
xvi
xvii
xviii
xix
xx
xxi
xxii
xxiii
xxiv
xxv
xxvi
xxvii
xxviii
xxix
xxx
xxxi
xxxii
xxxiii
xxxiv
xxxv
xxxvi
xxxvii
xxxviii
xxxix
xl
xli
xlii
xliii
xliv
xlv
xlvi
xlvii
xlviii
xlix
l
li
lii
Epilogue
Note
special chapter

vi

14.6K 945 219
By SELIEMBLADE

ALPHA

Maaga akong nagising para mag-ayos at pumasok dahil kagaya kahapon ay wala akong planong hintayin ang tatlo na 'yon dahil ayaw kong gulohin nila ang buhay ko habang nandirito pa ako sa impyerno na 'to.

Pagkatapos kong maligo ay isinuot ko na kaagad ang bagong dating kung uniform. Kahapon ay hindi ko nasuot ang uniform na 'to dahil hindi agad ipinadala ng principal sa'kin kahapon. The color of our uniform is a combination of red, black, and white. Ibang-ba sa kulay ng unipore ng mga night class students na kulay itim.

Maikli din ang skirt na hindi man lang umabot sa itaas ng tuhod ko. Aside from the uniform, we also have a silver name with our name engraved into it. Nakalagay iton sa kulay pulang blazer ng uniform sa itaas ng logo ng paaralan.

"Oh crap!" Bulong ko dahil sa maikling palda ng uniform na 'to. Kunting yuko lang ata eh masisilipan na ako nito eh. Napailing nalang ako. Humarap na ako sa salamin para mag lagay ng contact lens nang sa ganon ay matakpan ang totoong kulay ng mga mata ko.

My eye color is not normal. This is something that will bring confusion to normal students and that's why I have to hide it from them. Bukod pa doon, these eyes don't just remind me of my mother's angelic face but the tragedy of that night also.

I shook those thoughts away. Pagkatapos kong mag ayos ay lumabas na ako sa kwarto ko at tahimik na naglakad pababa sa hagdan para hindi ko sila magising. Sigurado akong tulog parin ang mga 'yon hanggang ngayon.

Naglalakad ako ngayon sa pasilyo ng main building papaunta sa unang klase ko. May iilang mga estudyante na mukhang kagaya ko ay maaga ding nagising at naglalakad ngayon papunta sa main building ng paaralan.

Nang makapasok ako sa unang klase ko ay iilan palang ang mga estudyante ang naabutan ko kaya naman tumungo nalang muna ao sa upuan ko tsaka ako pumikit para matulog. Mukhang masyado ata akong napaaga ngayon kaya naman inaatok pa ata ang kaluluwa ko.

Ilang sandali lang ay nakatulog na nga ako dahil sa antok at nagising nalang ako ng maramdaman ko ang paggalw ng upoan ko na kasunod ang malakas na tawanan ng kung sino.

"Hey, wake up newbie. Let's play a game, an exciting one." Someone kicks my chair again. Dahil mukhang wala na naman akong magagawa at hindi narin ako makakabalik sa pagtulog ko dahil sa maiingay na nilalang na ito ay itinaas ko nalang ang paningin ko sa mga nilalang na 'to na naglakas loob gulohin ang payapa kong pagtulog.

Unang tumambad sa paningin ko ang mukha ng babaeng naghagis saakin ng kutsilyo kahapun. Buhay pa pala to? Ano nga bang pangalan ng isang 'to? Ang alam ko lang ay myembro siya ng sumpreme student ng eskwelahan na 'to eh. Ano na namang kailangan ng mga hinayupak na 'to?

"It's me again, newbie." Saad niya tsaka niya ako nginisihan.

"Oi, kamusta! Buhay ka pa pala?" Medyu inaantok na tugon ko. I recieve my first warning ng dahil sa kaniya. She's a member of the supreme student government and yet she's acting like a spoiled brat, what a shame. Ibinaling ko ang paningin ko sa mga minions na nakatayo sa likuran niya.

"Umayos ka newbi-

Hindi na natapos ng isanv minion niya ang sasabihin niya pa sana ng ihagis ko sa mukha niya ang notebook na nakapatong sa upuan ng katabi ko. Naririndi na ako sa mga linyahan na 'yan eh. Paulit-ulit na sila para silang mga meangirl wannabe sa isang palabas.

"Bakit ba kayo nandito?" Binalingan ko na iyong leader nila na siyang umawat doon sa minion niya na tinapunan ko ng notebook sa mukha.

Ngumiti siya saakin. "Wala naman. Gusto lang kitang kamustahin."

Tumango naman ako. "Ah? Okay," 'Yon lang naman pala ang sasabihin niya e' ginambala niya pa ako sa pagtulog ko.

Ibinaling ko nalang ang paningin ko sa labas ng bintana tsaka ako nangalumbaba. Nang manatili siyang nakatayo sa tabi ko ay binalingan ko ulit siya tsaka ko siya tinaasan ng kilay.

"What?" Kitang-kita ko pa ang pagkabura ng mga ngisi sa labi niya ng dahil sa ginawa ko.

"I really hate your attitude, newbie!" Galit na sigaw niya getting more attention from the students inside of our classroom.

Bakit nga pala nandito ang isang 'to? Sa pagkakaalala ko ay hindi ko naman siya kaklase sa unang subject ko. Nagpunta lang ba siya dito para inisin ako?

Hindi ko nalang sana siya papansinin at hahayaan ko nalang sana siyang mamatay sa inis but then one of her minions just dared to touch my hair, pulling it harshly like a mad bitch. Nawalan ako ng balanse kaya naman muntik na akong matumba dahilan para mapigti lahat ng pasensyang natitira sa katawan ko.

I grab her hand and briskly turn to face her causing her arm to twist as I pinned it in her back. She squeals in pain when I twist her arm even more. Kung pwedeng baliin ko nalang 'to ay baka kanina pa siya nawalan ng kamay.

"Ops, sorry. Nabigla lang." Nakangising saad ko.

Marami ng mga estudyante ang nakiki-chisms sa labas ng klasrom namin at mukhang ang ilan sa kanila ay napadaan lang kanina.They gasp in chorus dahil sa ginawa ko dahilan para mapairap ako.

Patulak kong binitawan 'yong babae saka ko binalingan ng masamang tingin ang mga kasama niya. Sandali silang natigilan. Ang ilan ay humakbang pa patalikod. Oh! Bakit parang naduduwag na ang mga 'to? Hindi pa nga ako nag sisimula eh.

Humakbang ako papalapit sa kanila pero agad din namang silang nagsipulasan paalis sa paningin ko.

"Mga praning," bulong ko at napailing nalang.

Ibinalik ko ang tingin ko sa babaeng myembro ng supreme student na mukhang nagulat din. Isa pa sa lalaking kasama niya ang sumugod sa direksyon ko pero mabilis ko lang ding naiwasan ang pagatake nito at bilang ganti, sinigurado kong hindi na siya magkakaanak pa. Ngumisi ako nang makita ko ang pagguhit ng sakit sa mukha niya.

"Oh, how I love this kind of view. Want more? Let me give you an exciting ride to hell."

Lumapit ako roon sa babae saka ko hinawakan sa damit at mas lalong lumapit sa kaniya para bumulong.

"Umalis na kayo. I'm not a player and I don't like playing games. Next time you'll challenge me on a fight, prepare for the worse. I want to see blood. That's more exciting, right?"

Itinulak ko siya saka na ako naglakad ulit pabalik sa upuan ko. None of my classmates dared to make a noise until our professor came. Tahimik lang sila. Tinitimbang ang mabigat na awrang bumabalot sa buong klasrom.

"Another boring day for me huh."

Tumingin nalang ako sa labas ng bintana. Dalawang subject nalang at matatapos na naman ulit ang araw na wala akong nagagawa kundi ang makinig sa walang kagana-ganang klase ng mga teacher.

Wala nang bampirang naligaw rito dahil nga balik na sa normal ang schedule ng mga estudyante. Kung lumabas kaya ako mamayang gabi?

"Damn, he's a hottie!"

"Look at his eyes. I can stare at those for like the rest of my life."

Those were just some of the gossips I heard while walking inside of my next class. Tanginang, Physics na naman!

"Who's Luna Hyrreti Salvatore? You are excused from my class now." Iniangat ko ang paningin ko nang marinig ko ang pangalan ko.

That's  out physics professor. He's standing at the door and in front of him is the guy from the last day. The 'green eyes' vampire. 'Yong binigyan ako ng warning.

Matutuwa na sana akong excuse ako sa klase e' pero nang makita ko ang mukha ng bampira na 'to, para mas gusto ko nalang palang makinig sa discussion ni sir.

"Jeez, this jerk is here again. What is his problem again this time?" Bulalas ko na mukhang narinig naman ng ilan sa mga kaklase ko dahil binigyan nila ako ng masamang tingin. Inirapan ko lang sila ssaka ako nag martsa palabas ng klasrom kung saan naghihintay ang lalaking bampira na 'to.

Bakit kaya nandito na naman ang isang 'to? Dahil na naman ba 'to sa nangyari kaninang umaga? Nagsumbong na naman siguro na parang bata ang babaeng 'yon kaya to the rescue na naman itong knight in shining armor niya? Ano siya, disney princess?

Nang makalabas ako ay nakita ko siyang nakasandal sa tabi ng pintuan.

"Oh, bakit na naman?" Humalukipkip ako.

Tumingin siya sa direksyon ko saka siya ngumiti ng nakakaloko. Unlike the other day, he's just wearing a casual outfit now. Nabaling ang paningin ko sa hawak nitong mga gamit na panlinis.

"Kahapon lang officer ka ng student council. Ngayon janitor ka na?" Tanong ko na hindi niya pinansin.

"Didn't I tell you that today you will be punished for your unpleasant action yesterday? Napag-usapan namin kapahapon na huwag kang bigyan ng mabigat na parusa dahil unang araw mo pa lang naman dito kaya ngayon..."

Itinaas niya ang hawak niyang mga panglinis saka niya inabot ang kamay ko at ibinigay ang mga iyon sa akin.

Magtatanong pa sana ako ngunit hindi ko na natuloy ng sa isang iglap ay napunta nalang kami bigla sa lugar na kung hindi ako nagkakamali ay parang nasa pinakalikurang bahagi na ata ng main building.

Sinundan ko ng tingin ang kamay niyang itinuro ang isang lumang gusali sa harapan namin. Binalingan ko iyon ng tingin. Nakikita ko pa ang mga sapot ng gagamba sa bintana nito.

"Linisin mo 'yan. Pakintabin mo." Utos niya. Nakangiti pa na akala mo ang inuutos nito ay napakadali.

"Hoy, tanga! Huwag mo akong binibiro ah."

What the! Ito na ba ang tinutukoy niyang hindi mabigat na parusa? Mas gusto ko nalang atang makipaghabulan kay kamatayan kesa maglinis ng mukhang tirahan nang mga multo na lugar na ito e'.

"Don't call me stupid. And yes, that your punishment."

Sagot pa nito bago siya mawala sa paningin ko. Ni hindi ko man lang nahataw ng hawak kong mop.

Naiwan akong mag-isang nakatyo sa harapan nang lumang library na 'to. Ang engot na 'yon! Ang sabi niya hindi mabigat ang parusa ko? E' bakit paglilinisin niya ako nitong gusaling mukhang panahon pa ng mga hapon huling nagamit?

Napailing nalang ako saka ako nag simulang maglakad papasok lumang library. Bakit pa ba kailangang linisin ang lugar na ito eh mukha namang walang nilalang na magbabantang pumunta sa parte na ito ng eskwelahan. Bukod sa nakakatakot tignan ang lugar na ito ay mas madilim din dito dahil sa iilang puno ng malalaking kahoy na nakatanim sa tabi ng gusali.

Jeez, what a bother.

Katahimikan at kadiliman ang unang bumungad saakin ko paghakbang ko palang sa pintuan nito na ani mo ay isang ihip lang ng hangin eh matutumba na. Tumambad din saakin ang lumang amoy ng mga aklat na mukhang matagal naring nakatambak sa lugar na ito.

Sinimulan ko munang buksan ang mga bintana para naman kahit papaano ay magkaruon naman ng liwanag sa kabuoan ng silid. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o kung ano man dahil sa dami ng alikabok sa lugar na ito, sigurado akong aabutin ako ng ilang oras kakawalis para matanggal ang mga iyon.

Halos hindi na ako makahinga dahil sa pag liparan ng mga alikabok sa buong silid matapos kong buksan ang lahat ng mga binatana. Napailing ako.

Mapapatay ko talaga ang hinayupak na nakaisip ng idea na ito. Matapos kung buksan ang mga bintana ay itinali ko muna ang buhok ko tsaka ko na simulan ang paglilinis ng buong silid. This is not a big library, bagay na ipinagpapasalamat ko.

Sinimulan kong ayosin ang mga nagkalat na libro sa sahig saka ito inilagay sa mga bookshelves na medyo may kalumaan at puno narin ng alikabok. Matapos kong pulutin at ilagay sa bookshelves ang lahat ng librong nag kalat sa sahig, sinunod ko namang tinanggalan ng mga alikabok ang bawat bintana ng library.

Dalawang oras pa at halos matapos ko narin lahat ng mga lilinisin at aayosin sa lugar na ito. Unti-unti naring nagbago ang hitsura ng lugar na ito. Kumpara kanina na mukhang haunted house, ngayon ay maayos at maaliwalas na itong tignan ngayon. Isang oras pa at nalinis ko narin ang lahat ng mga kailangang linisin.

"Damn, I'm so exhausted!"

Dahil sa pagod ay nahiga na muna ako sa isang sofa na nakalagay sa sulok nitong library.
Sinuyod ko ng tingin ang kabuoan nito. Maganda naman pala itong silid na ito kapag nalinisan.

Ipinikit ko ang mga mata ko para sana magpahinga nalang muna kahit sandali dahil natitiyak kong mahaba-habang lakarin din ang gagawin ko mamaya mula dito hanggang sa Skyline Village. Ayaw ko namang gumapang pauwi dahil sa pagod no.

At dahil nga sa maganda kong idea na mag pahinga muna ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at ang ina-akala kong sandaling pamamahinga ay inabot ako ng hindi ko alam kung ilang oras. Nagising nalang ako na madilim na ang paligid. Napatingin ako sa labas ng bintana at nakitang binabalot na ng kadiliman ang paligid.

"Gabi na pala," bulong ko.

I stretch my body as I yawn, trying to shake my sleepiness away. Gabi na kaya kailangan ko ng bumalik sa skyline village. I gulp when realization hit me. Gabi na? Mabilis akong napadilat ng mata.

"Oh my! Gabi na nga!"

Biglang nag echoe sa isipan ko ang sinabi ni Demiana no'ng nakaraan. It's against the rules to wander around the school once the evening falls. Kaagad na nanlaki ang mga mata ko. At this rate, I'm on the line of breaking another rule agian.

Agad na akong tumayo mula sa pagkakahiga ko sa sofa saka ako dahan-dahang naglakad papunta sa pintuan ng silid. I slowly open the door leaving just enough space for me to peek if there's someone outside or what.

Agad na kinapa ko ang bulsa ko para hanapin ang dagger ko pero napahinto ako nang maalala ko na nailagay ko pala iyon sa bulsa ng bag ko kanina.

"That's right my bag."

Tumalikud ako para hanapin kung saan ko ba nalagay ang bag ko pero napasampal ako sa noo ko nang maalala kong naiwan ko pala sa classroom ang mga gamit ko kanina nong tinawag ako ng walang hiyang bampira na iyon.

Hindi ko naman kasi alam na hindi na pala ako makakabalik doon. Great, now I have nothing but myself. And night class students are probably roaming around dahil tuwing gabi ang oras nang pagpasok nila.

Sumilip ako ulit sa labas para tignan kung mayroon bang nagkalat na night class students sa lugar na ito. Kung day class student ay siguradong walang magbabalak na pumunta dito pero ibang usapan na kapag night class students. They're probably more attracted to the place where darkness resides.

Nang makita kong wala namang sign ng night class students sa labas ay dahan-dahan na akong naglakad palabas pero tatlong hakbang palang ang nagagawa ko ay mabilis na akong tumakbo ulit papasok sa gusali dahil sa mga boses na narinig ko.

"I'm pretty sure I can smell something in here."

"Yeah, I can smell it too. The reeks of the blood in this area is so strong. Isang day class student kaya?"

I bit my lower lip in frustration. Can I kill these two idiots? Sumilip ako ng kaunti at natigilan ako nang ilang metro nalang ang lapit nila sa kinaruruonan ko. Kitang-kita ko kung paano kumintab ang mga mata nila na parang mga dugo sa ilalim ng buwan.

Natulala ako. This is the first time that I'm seeing them at night. Kulay itim ag unipormeng suot nila, taliwas sa kulay pulang uniporme na suot ng mga day class students. Kumpara rin sa mga day class students, kapansin-pansin ang mga tindig nila.

"Now I'm deadass in trouble."

Napailing nilang ako. Dahil wala narin naman akong magagawa ay naupo nalang ako saka ko hinintay na makalapit sila. I don't have a problem dealing with these two. Ang problema ko lang ngayon ay kung papatayin ko ba sila para tumahimik sila o patutulogin ko lang sila nang sa ganong ay maalis na ako sa lugar na ito?

Pero siguradong hindi lang sila ang makakasalubong ko dahil malayo pa ang Skyline Village dito. Edi lahat nang masasalubong ko patutulogin ko? Kapag nanatili naman ako rito, siguradong maya-maya lang ay dadami na sila.

Sumilip ako ulit. Kapag binuhay ko sila, sigurado akong mapaparusahan na naman ako dahil sa paglabag ko sa rules. Kapag naman pinatay ko sila, sigurado akong mas malaking problema iyon sa mismong namamahala sa paaralan na ito. Now tell me what the hell should I do?

"What are you two doing here?"

My heart suddenly gone savage as that deep, raspy voice echoed outside of the this old library.

Sumilip akong muli sa labas at doon ko lang napansin ang lalaking nakatalikud sa direksyon ko at ngayon ay nakaharap doon sa dalawang estudyante. Humaharang siya sa pagitan ko at no'ng dalawang night class students. His wearning the same uniform as them but his presence stands out the most.

"The reek of blood--

I gasp when the guy in an outstanding presence pulls the collar of the student's uniform then he gives him a hard slap on his face. He did the same to another guy beside him and to my surprise, there once a glowing red eye turned normal. Nawala na ang pulang parang dugo na kulay no'n.

"What the hell was that?" Hindi mapigilang bulalas ko.

Kaagad naman na napahawak ako sa bibig ko ng bahagyang tumingin sa direksyon ko iyong tatlong estudyante. 'Damn, you're so stupid, Hyrreti!' I scolded myself because of my stupidity.

"Go back to your classroom, now!" Utos noong may baritong boses. He's voice has command. Nakakatakot. Kahit ako ay kinikilabutan sa tuno ng boses niya.

Sabay naman na tumango iyong dalawang lalaki at nagulat ako ng bahagya silang yumuko para magbigay galang doon sa lalaking kaharap nila. Ibinaling ko ang paningin ko ro'n sa lalake.

The moment those guys bow their head, I know already that this man is not just some ordinary student.

He turn in my direction and that's when I took a full glimpse of his face. The first thing that got my attention is his piercing, deep blue eyes with a fleck of gold, which looks more alluring under the moonlight. This man has a feature that would make all the women in town drop on his feet just to gain his attention. If perfection is a man, that would be him for sure.

Kahit hindi ganoon ka liwanag ang paligid ay kitang-kita ko kung papaano kuminang ang mga mata niya sa ilalim ng liwanag ng buwan. He's staring intently at my direction as if he can clearly see me behind closed doors.

"So, you dared to break another rules again, newbie?"

I gulp. How can this man's voice sound so calm and at the same time deadly?

Tumayo nalang ako saka dahan-dahang binuksan ang pintuan para magpakita sa kaniya. There's no point in hiding anyway. Kahit pa magtago ako ay alam kong hindi ko rin siya matatakasan.

My heart is pounding so fast. Hindi ko alam kung bakit? Hindi naman ganito ang normal na pagtibok ng puso ko kahit pa makakita ako ng bampira. But with this man, it's different. He's different.

I try to shake the odd feeling away as I avert my gaze at him. "Ahm, nakatulog ako. Pag gising ko, gabi na pala." Ngumiti ako ng alanganin. I look stupid, I know. By the way he's looking at me right now, para akong isang tanga na hindi niya maintindihan.

I gasp when he suddenly vanished from my sight and for a quick seconds, he's already in front of me, pinning me off to the door behind me.

"How careless you could be?"

Hindi ko alam kung galit ba ito o ano. Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko para pakalmahin ang sistema ko.

I gasp when he touch my face and on a split seconds the environment change. Nandito na kami ngayon sa balkonahe ng kwarto ko. He towers over me and so, the only thing that I can see is his broad chest. Why is this guy so close? It doesn't help my system to calm down.

Iniangat ko ang paningin ko sa kaniya and that's when I had a better glimpse of his face. Napigil ko ang hininga ko nang magtama ang paningin naming dalawa. He is staring down at me while his arms are securely pinned on both side of my head, not giving me any chance to escape.

His pair of deep blue color with a fleck of gold is staring keenly at me. Dahil sa lapit ng distansya niya saakin ay mas lalo ko lang natitigan ang mukha niya. Aside from his captivating eyes, he has a perfect jawline, pointed nose, thin red lips, thick and long eyelashes, and a thick dark eyebrow. His hair is a bit long and messy which is perfectly falling right into his forehead and is slightly covering his eyes.

"Why are you so careless wondering outside of the safe zone at this hour? Do you think my people will spare your life once they've got a taste of your blood?"

I gasp again as I felt his hand slide down. It trace the line of my neck and rest there.

His people?

The way he said 'my people' gives me an idea of who he really is. His presence shouts an authority that demands every person's respect. One of the characteristics that only a royal vampire can have. No doubt, this man standing in from of me right now, is the Alpha.

Continue Reading

You'll Also Like

1K 113 22
Adventure, Fantasy, Fiction, Romance Enchanted Book Series NO.3 Señora Starla "Paano kung biglang naging tao ang mahiwagang libro?" Halina't tuklasin...
771 52 48
Mayroon talagang isang tao na hindi mo naman aakalaing magbabago.. Siya si Venus.. Isa siyang babaeng punong-puno ng pagmamahal.. Mula sa kaibigan...
344K 3.3K 7
AGENT SERIES 1 Christine did her best to join every martial arts since she was seven years old. At a young age, her only dream is to become a Secret...
25.4M 850K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)