100 Steps To His Heart [Publi...

By Girlinlove

28.2M 300K 100K

Now a published book under Pop Fiction || Summit Media ♥️ Go grab a copy! Si Hope ay isang simpleng babaeng m... More

[PROLOGUE] 100 Steps To His Heart
[1] Meeting Venice and the TRES GWAPITOS <3
[2] The planner
[3] LRT + Party = Confession?!
[4A] First lunch.
[4B] Nosebleed. Literally.
[5A] First REAL Conversation!
[5B] Key chain.. To His heart and my happiness?
[6A] What the freak is "DIZZY" + Field Moments <3
[6B] Iba talaga ang kamandag ng isang Bryle Ortega. <3
[7] Meeting Kuya Nathan + Bryle's Game + Date sa Kikiam-an?!
[7B] Mga kaganapan sa tindahan ni Aling Bibyan + Carlos Miguel
[7C] Wala na. Inlove na. at WALA NA DIN ANG PLANNER OMG!
[8] Magbabati kaya kami? Mukhang malabo.
[8B] Uyyy bati na kami :">
[9] Palengke date with the guy of my dreams. <3
[10] First hug! >:D< At first... OMG!
[11] Patay, nabuking ni Loyola! At ang kapalit? Goodluck!
[11B] Ang alamat ni Enzo at ang pagpapahirap ni Mico!
[12] Ang nosebleed na away ni Enzo at Mico
[12B] Challenge pala ah. Tingnan natin!
[13] Confrontations + Bawian :">
[14] MALIGAW SA GUBAT? Thank you, Lord!
[14B] Stuck sa gubat: Mico+Hope+Enzo = 20 Questions
[15] Bonding sa gubat kasama ang Tres Gwapitos!
[16] Heart to Heart talk namin ni Bryle.
[17] Bryle and Venice. Ang mag EX.
[18] GIRLINLOVE UNIVERSITY INTRAMURALS.... Na napadpad sa Quiapo.
[19] Ang text na may emoticon at ang text na wala. :|
[20] MVP ang Section F!
[21] Saving the dolphins. At right decision ba na iniwan ko siya?
[22] Unang dinner ni Mico sa bahay ko.
[23] I'm ending our Master-Slave relationship.
[24] Tita Mindy?! Mico's family, and his realizations?
[25] Miss Red Umbrella <3
[26] Dare, double dare.
[27] August 28, 2013 Enzo Miguel Gutierrez' Birthday
[28] Pag may nawawala, may natatagpuan.
[29] Bryle the Bestfriend? The Reunion ng Tres Gwapitos
[30] Tres Chikas is back!
[31] First Date. First Fight.
[32] Tita's despedida party.
[33 Part 1] Ang clingy ni Mico at badtrip si Enzo. Sinong pipiliin. Bow.
[33 Part 2] A night in jail.
[34] Wrong First Impression
[35] Dance and Kiss under the rain.
[36] Why is there only one Bryle Ortega?
[37] Tres Gwapitos' Day
[38] Pwede ba kitang ligawan?
[39] Hello, Eula
[40] OPLAN pagbatiin si Eula at Enzo. Anong nangyari MICO?
[41] Confessions.
[42] Bati na tayo, Mico.
[43] Hidden Feelings
[44] Ang pagamin ni Michael Ortiz
[45] We're back to being 'NOTHING' // Closure
[46] Venice' Birthday Part 1
[47] Venice' Birthday Part 2
[48] Happy New Year, Hope Yazon!
[49.1] Training Camp
[49.2] Muling ibalik? Kung may ibabalik...
[49.3] Secret Angel, don't make me fall for you... again.
[49.4] 'Designing'
[49.5] He's Back...
[50] #100STHHSunset
[51] #100STHHValentinesBall
[52.1] #100STHHJealousGuy
[52.2] #100STHHHisPOV
[53] #100STHHUntoldSecrets
[53.2] #100STHHHisMessages
[54] #100STHHSecondChances
55 #100STHHEulasLetter
[56] #100STHHARVD
[57] #100STHHAlmostForever
[58] #100STHHSGOLs
[59.1] #100STHHMeetTheParents
[59.2] #100STHHTheKaribal
[60] #100STHHLigawan
[61] #100STHHTheTask
[62] #100STHHTheOtherSideOfHim
[63] #100STHHCEBUtifulLove
[64] #100STHHOneBigFIGHT
[65] #100STHHGalawangGutierrez
[66] #100STHHDiLangIkaw
[68] #100STHHTheFirstTime
[68] #100STHHTeamAF
[69] #100STHHGraduationDay
[70] #100STHHTheBrokenHeartedOne
[71] #100STHHOneLastTRY
[72] #100STHHHulingHiling
[73] #100STHHLastFavor
[74] #100STHHWeddingMarch
[75] #100STHHGoodbye
[END] #100STHHEpilogue
Announcement

[43] The PLANNER

179K 3.9K 2K
By Girlinlove

Chapter 43

Hope’s POV

Nagsimula na ang sembreak naming noong kabilang linggo pa. Dati excited na excited ako kapag ganito kasi walang pasok pero ngayon ayoko na kasi hindi ko palaging makikita si Enzo. Pero okay lang kasi ngayong araw naman nagyaya siya na lumabas kami. Yehey! Date, date, date!

Bukod doon, malapit na ang pasko! December 23 na ngayon!

From: Enzo Gutierrez

Hope, I’m outside your house.

Oh, bakit hindi na lang pumasok ‘to?

Bumaba na ako sa kwarto ko at nagpaalam kay Ate at Lola na lalabas lang kami ni Enzo. Busy naman silang magluto ng kung ano ano at maghanda na para sa pasko eh. Si Ate naman kachat si Daddy at Mommy, hindi ko sure kung uuwi sila ngayong pasko. Siguro?

Paglabas ko, nakita kong nakawhite na pants, red shirt at gwapong gwapo si Enzo. Hope, ang swerte mo talaga. Saan ka pa makakakuha ng ganyan?

“Enzo!” Noong makita niya ako, ngumiti siya tapos nilapitan ako.

“You look so pretty.” Pretty na naman. Kailan ba niya sasabihin yung ‘Beautiful’? Pero chochoosy pa ba ako? Ako na nga daw ang pretty eh!

“Ah, ikaw rin.” Sabi ko habang nagblublush.

“I look pretty?” Sabi niya na natatawa tawa pa. Mas mahinhin pa siya sa akin. Ang gentle ni Enzo. Kaya ko siyang titigan buong buhay ko.

“Ang ibig kong sabihin… Gwapo ka! Ay naku, tara na nga! Saan ba tayo pupunta?”

“Where do you wanna go? Anywhere you wanna go I’m fine.” Aba himala, ako ang magdedecide ng gagawin at pupuntahan namin ngayon ah! Iba ‘to ah.

“Di ako sanay na ako ang nagdedecide ng gagawin natin! Pero, ano ba? Hmm, gusto mong manuod ng sine?”

“Movie? Okay. Anong movie?”

“The fault in our stars! Please! Gusto ko yun.” Bigla namang kumunot ang noo niya.

“I don’t want to watch that. Any other movie? Edge of Tomorrow?” Err, wag na lang. Manonosebleed lang ako doon.

“Maleficent kaya?” suggest ko.

“I don’t like Disney.”

“ANO? Sinong may ayaw sa Disney?! Okay ka lang?”

“Disney gives the wrong notion to people. Their stories always say that there are happy endings. In real life, there isn’t. We all die. That’s our ending. No forever.”

“Alam mo ikaw, forever ang nega mo. Pero kaya nga bagay tayo eh, yin yang tayo.” Tapos ngumiti siya tapos namula. Uy? Totoo ba yun?

“Namiss kita, Hope.” Sinabi niya ng medyo mabagal habang nakatitig ng sobra sa mata ko. Gusto ko maiyak kasi nafeel ko yung sincerity tsaka kasi… Miss ko na rin si Enzo. Si Enzo na hindi puro Eula. Si Enzo na akin. Buti naman nandito na ulit siya.

“Uy, gusto mo marinig yung kinompose ko na kanta?” sabi ko sa kanya.

“Sure. You sing? Wow. That’s my girl.” Tapos medyo inakbayan niya ako tapos kinilig ako.

“Sige, bukas na lang. Pupunta ako sa bahay mo kasi diba kumpleto ka doon? Yung mga music player?”

“Sure. Pasok ka na lang sa bahay if you want.” Oo naman. Feeling ko akin yun eh. Feeling may ari ako doon eh.

Nagdrive yung driver niya papunta sa Rockwell. Noong makarating kami sa loob. Grabe naman ang bango naman ng mall na ‘to! Pumunta kami sa sinehan at bumili ng ticket. No choice siya kaya The Fault In Our Stars ang papanuorin naming dalawa. May 15 minutes pa kami kaya bumaba muna kami para bumili ng pagkain. Noong nagiikot ikot kami sa mall.

“Uy, Enzo. Familiar yung dalawang yun ah? Sino nga sila?” tapos tinuro ko sakanya yung girl na nakacorporate attire tapos yung guy na matangkad na tinutulungan siyang dalhin yung tambak tambak na papers niya. Grabe naman! Nagbebenta ng papel!?

“Oh, they’re the couple from Luneta. Remember? The one I broke up?” Ah! Oo! Si ano.. Sina… Sino nga?

“Jade and Jeron?” Tawag ni Enzo doon sa couple na naglalakad sa Rockwell. Noong makita nila kami napangiti sila tapos lumapit.

“Hi guys! How are you? Wow, di ko ineexpect na magmemeet pa tayo.” Sabi ni Jade.

“Oo nga eh. Saan kayo galing? Bakit ang dami mong papel? Nagtratrabaho ka na ba?” tanong ko kay Jade. Natawa na lang siya.

“Ah, hindi. Kakatapos lang ng class ko. Nagrereview ako for the bar eh. Graduate ako diyan sa Ateneo Law School. Papers? Oo, ganito kakapal binabasa ko everyday.” GANYAN!? Anak ng. Tatlong libro ko ata sa highschool ‘to ah!

“So, sinundo mo siya bro?” tanong ni Enzo kay Jeron.

“Oo eh. Boyfriend duties.” Sabi ni Jeron tapos nagnod lang si Enzo. Mukhang nagkaintindihan. Napatingin naman ako kay Jade tapos nagsmile siya na parang sinasabi na ‘As if naman kasalanan nating maging boyfriend sila’ napangiti na lang ako.

“But that’s okay, you know. I’ve waited so long. Whatever she wants, I’ll obey. Ano nga, kumander?” biglang sinabi ni Jeron kay Jade. Nagroll eyes lang si Jade kay Jeron.

“Ang cute niyo naman nagsusunduan pa kayo.” Comment ko sa dalawa.

“Nagpumilit lang si Jeron. Dapat nga nagrereview pa ako ngayon pero makulit eh. Nagpupumilit na lumabas.” Sabi ni Jade habang ninunudge yung siko ni Jeron. Ang cute ng dalawa kasi ang tangkad ni Jeron pero nakaheels si Jade so sakto lang ang height nila.

“Gusto mo naman. Ikaw pa?” Biro ni Jeron. Nagblush na lang si Jade.

“Anyway, Hope mauna na kami. Mamaya kasi may game pa si Jeron eh tapos magrereview pa ako.”

“Hindi ka manonood ng game niya?” tanong ko.

“Hindi na. Araw araw na siyang nagbabasketball sa harap ko, okay na ako.” Tapos tiningnan na naman niya si Jeron na nakatitig din kay Jade. Um, okay? Ako ang kausap mo girl. Sige na nga, in love pagbigyan.

Pero…

Bakit kami ni Enzo hindi ganito? In love din naman kami ah?

Umalis na yung dalawa tapos dumeretso na kami ni Enzo sa movies. Noong matapos ang movie…

Sobrang pugtong pugto yung mata ko. Wala na akong ginawa kung hindi ang umiyak.

“Stop crying, Hope.” Sabi ni Enzo na parang NR (No Reaction) buong movie.

“Eh nakakaiyak yung story eh. Namatay yung lalaki, ang lala.”

“Hindi naman sa’yo nangyari yun.” Cold niyang sinabi. Nakakainis naman!

Noong medyo makalabas na kami, nakasalubong na naman namin si Jade at Jeron. Si Jade mukhang pugto din ang mata. Si Jeron biglang nagoffer ng panyo tapos parang inasar si Jade para hindi na umiyak tapos umalis na sila.

Ganoon… ganoon ang gusto ko.

Hindi yung ganito.

Para kaming dalawang tao na nagsama lang. Ganoon lang.

Noong matapos ang movie, lakad lang kami ng lakad sa mall. Ni hindi kami naguusap. Tinatry ko magstart ng usapan pero puro isang salita lang ang sagot niya.

“Ang ganda ng movie ano? Nakakaiyak. Namatay si—“

“Typical story.” Biglang sinabi niya. Typical?! Ang ganda kaya.

“Gusto ko ng ganoon, gusto ko makahanap ng true love na ganoon. Gusto ko makahanap ng taong kahit mamamatay na ako hindi ako susukuan, yung taong hindi aalis kahit malaman niya na iiwan ko siya.”

“Isn’t that hard? Where do you find someone like that? I want to know.”

“Meron pang mga taong ganoon. Yung mahal ka talaga. Makakahanap din ako noon.”

“Don’t you think I’m that person for you?” Bigla ko namang tinitigan si Enzo tapos narealize niya na… Parang out of place yung tinanong niya kasi…

Kasi alam kong hindi niya kayang gawin yun para sa akin. L

Naging awkward kami, tapos naglakad lakad lang sa loob ng mall na parehas hindi nagiimikan. Hay. Hindi pa nga nagiging kami, para na kaming nagbreak.

Hanggang sa nagaya na siyang umuwi.

Ano ba ‘to. Lagi na lang bang ganito?

Noong maihatid niya ako sa bahay ko…

“Oh, Hope. Okay ka lang? Bakit matamlay ka? Akala ko nagdate kayo ni Enzo?” tanong ni Ate na nagbabasa ng magazine sa may sofa.

“Ah. Ano. Pagod lang. Sige taas na ako.” May sasabihin pa sana siya kaso di ko na narinig kasi tumaas na agad ako. Ayokong pagusapan muna si Enzo.

Pagpasok ko sa kwarto ko may malaking malaking teady bear tapos may nakasulat.

To: My ‘Hope’

Hope, I’m sorry for not paying attention to you, or for being cold lately. Sorry. Sana okay na ‘tong bear. Isipin mo ako ‘to. Go ahead. Hug it.

Tapos hinug ko yung malaking bear. Life size! Pagkahug ko sakanya biglang tumunog yung boses ni Enzo…

“Sorry, Hope.”

Napangiti ako. Ngayon lang may nagbigay sa akin ng ganito! Chineck ko yung orasan ko. 7:30 PM pa lang naman at sigurado akong wala na namang kasama si Enzo sa bahay. Bibisita lang ako para magthank you! Ay, oo. Ipaparinig ko na din pala sa kanya yung kinompose ko na kanta! Yung ‘WHAT HAPPENED TO US’. Napuri kaya ako ni Miss Inigo doon!

“Ate, Lola. May sasabihin lang ako kay Enzo, babalik ako agad. Siguro papahatid ako sa driver niya.”

“Okay. Balik ka bago mag 9:00 okay?” Sabi ni Ate. Nagokay ako, kinuha yung jacket ko kasi medyo malamig na ngayong December at pumara ng taxi. Wala pang 10 minutes nasa tapat na ako ng bahay nina Enzo.

Noong magdoorbell ako pinapasok ako ng maid nila. Kilala na naman nila ako eh.

“Si Enzo po?” tanong ko.

“Ay umalis lang. Babalik din daw po siya. Hintayin niyo na lang po siya sa kwarto niya.” Sa kwarto niya? Okay sige. Kahit nagpupunta ako dito, hindi pa ako nakakatambay sa kwarto niya. Nakita ko lang once, pero dahil may kinuha siya.

Saan kaya nagpunta yung si Enzo? Baka may binili? Pero ano naman? Text ko nga.

To: Enzo Gutierrez

Enzoooooo! Nasa house mo ako. Uwi ka na!!! =)

Pero pagkasend ko may narinig akong beep beep. Ay tupa! Iniwan niya yung phone niya! Fine, sige hihintayin ko na lang siya. Hindi naman yun umaalis ng matagal. Baka may dinaanan lang kay Bryle o kung ano.

Sinet up ko na lang muna yung music player niya. Teka paano ba ‘to?

Matapos ang 15 minuto na pagkalikot ko sa music player, sa wakas napagana ko rin. Kinonek ko yung phone ko sa music player tapos tumunog na yung kanta ko. Sige irerepeat ko na lang para pagdating ni Enzo feeling niya ako yung kumakanta kahit na medyo inayos ni Venice yung boses ko sa recording hehe!

After 5 minutes wala pa rin siya.

[Now Playing: What Happened To Us by Jade Pitogo]

[A/N: Here’s the link: https://soundcloud.com/jade-pitogo/what-happened-to-us-3]

Shet. Ang boring naman. Sawang sawa na ako sa boses ko doon sa music player. Papalitan ko n asana yung ‘What Happened To Us’ pero…

Ay may pumatak. Ano yun?

Oh. My. God.

Yung planner ni Enzo!!!!

Shocks!

Hindi ko alam kung bakit pero biglang lumakas yung kabog ng dibdib ko. Yung sobrang lakas pakiramdam ko gusto niyang lumabas.

Hope, masama kasing pakialaman yung gamit ni Enzo ano ka ba?!

Pero hindi ba dati mayroon naman ako nito tapos nawala ko lang? So wala rin yun.

Sige na nga, babasahin ko na nga.

Pero ugh, bakit ba kinakabahan ako? Bakit ganito?

“Ginagamit ka lang niya! Wag kang maniwala sa kanya. Ni minsan ba nag I love you siya? Hope, hindi ka mahal ni Enzo. Niloloko ka lang niya.”

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang bumalik yung sinabi ni Mico. Pwede ba? Papatunayan ko sayong hindi naman niya ako niloloko. Please.

Enzo, hindi naman diba?

Pinikit ko yung mata ko tapos binuksan yung planner. Pagbukas ko…

Ganoon pa rin naman.

Ride the LRT. Give someone an apple.

Napangiti ako. Ako yung someone na yun. At ngayon hindi na lang ako someone, ‘special’ someone na J

Unti unti nawala yung kaba ko.

Pero…

Pero sa pagtagal ko ng pagbabasa ng planner niya…

Ano ‘to? Ano ‘tong mga ‘to?

Halos manginig na ako noong mabasa ko hanggang gitna.

Hindi ko na namamalayan pumapatak na pala ang luha ko.

*Go to Quiapo

*Save the Dolphin

*Plant a tree

Halos mabitawan ko na yung planner pero binasa ko pa rin.

Hindi ko kaya ‘to.

*Set a picnic at the gym

*Break up a couple

Sina Jade at Jeron… Grabe. Grabe.

Noong sinabi kong sana maging ‘someone’ ako… Hindi ko naman hiniling na gamitin niya ako.

*Spent the night in jail

*Give someone flowers

Napaupo na ako.

Hindi ko na kayang ituloy. Sinara ko yung planner niya.

Habang nakaupo, wala na akong nagawa kung hindi ang umiyak na lang.

Anong ibig sabihin ng lahat ng ‘to? Tama ba si Mico? Alam ba niya? Alam niya! Ginagamit lang ako ni Enzo. So ito yun? Ito yung sinasabi niya?

Ginagamit lang ako ni Enzo para gawin yung task niya kay Miss Bisbal!?

Pero teka nga, Hope. Maghunos dili ka. Pwede namang ginagawa niya lahat yun pero hindi ka niya ginagamit. Baka gusto niya lang gawin yun kasama ka. Isa pa… Si Enzo yan eh. Hindi naman mangloloko si Enzo. Mabait siya. Oo, magtiwala ka kay Enzo.

*Creaaaaak*

May narinig akong papasok sa kwarto kaya nagtago ako bigla sa malaking cabinet. Kung si Enzo man ‘to ayokong makita niya akong umiiyak. Kailangan niyang magpaliwanag pero hindi sa ganitong paraan.

“Tell her, Enzo. Don’t be selfish.”

“I can’t tell her that, Eula. Stop it.” Eula? Kaya ba umalis si Enzo para puntahan si Eula? Kaya ba siya nagmamadali sa date namin kanina para pumunta kay Eula?

Nanlambot ako. Ganito pala yung feeling nun? Sa sobrang sakit, sa sobrang nanghihina ka, wala. Bibigay na lang yung tuhod mo. Kasama ng puso mo.

“You have to tell, Hope everything.”

“You know I can’t do that. Stop this, okay? Drop it.”

“No, Enzo! Unfair kay Hope. You’re just gonna hurt her.”

“Even if I tell her or even if I don’t, either way she’s gonna hurt. There’s no way out here.”

“Then why did you do this? Bakit mo siya pinaasa? Why did you court her? Why did you tell her you like her?!”

Gusto kong takpan ang tenga ko, ayokong marinig ‘to. Isa isa lang please. Sobra sobra na ang nakikita at naririnig ko.

”Eula, you know why. Stop it.”

“You have to end it with Hope. Sooner or later you’ll have to do it.”

“I will. I’m just… I’m just waiting for the right time. I’ll tell her that I’m sorry, I used her. I’m sorry I lied. I’m sorry for everything and tell her that we can’t be together.”

Napahawak ako sa bibig ko. Wala na akong maramdaman. Ang alam ko lang tumutulo ang luha ko at gusto kong umalis dito.

”You have to do it, Enzo. Tell her… Tell her about us.”

U-Us? So… Sila? Sila na?!

“I can’t tell her that. She’s nice. Ayoko na siyang saktan pa.”

“But you will… You can’t avoid that. Kahit anong gawin mo sasaktan mo siya. Better break her now.”

“I can’t do this. All she did was love me, and be nice to me. How can I break her heart? How can I tell her that I lied and used her? I can’t.”

“Wait, Enzo… Is that Hope’s voice? The one playing? Paulit ulit yung song eh.” Oo nga pala, hindi ko pa napapatay yung music player.

“Hope… Oh my god. No way.”

May narinig na lang ako na kalampagan. Hindi ko alam ang nangyayari pero ang sunod na nangyari, may bumukas ng cabinet, halos mabulag ako sa biglang liwanag na bumulaga sa akin.

Nakatayo doon si Enzo, mukhang gulat na gulat na makita akong umiiyak at nagtatago sa cabinet niya. Si Eula naman nakatayo doon sa may pinto, nakahawak sa bibig niya.

“H-Hope? What are you doing here?” Tanong ni Enzo. Nakatulala lang ako sa kanya. Hindi ko kayang magsalita, hindi ko kayang magisip. Tulo lang ng tulo ang luha ko. Involuntary na nga eh. Titigil na lang ata ‘to pag naubos na tubig sa katawan ko.

Bigla namang hinawakan ni Enzo yung balikat ko at dapat pupunasan yung mata ko…

Bigla kong hinampas palayo yung kamay niya sa akin.

“Wag mo akong hawakan.”

Nagulat si Enzo. Naiyak na naman ako.

“Hope… I’m sorry.”

Wala na.

Inabot ko kay Enzo yung planner niya na hawak hawak ko pa pala.

“Hope… No.” Tapos napahawak na siya sa noo niya na parang sising sisi siya na ginawa niya lahat ‘to.

“Paano mong nagawa sa akin ‘to Enzo? Wala akong ginawa kung hindi mahalin ka. Paano mong—Ginamit mo lang ba talaga ako?”

Kahit na alam ko na ang sagot, tumingin ako sa kanya, umaasa. Kahit magsinungaling siya alam kong tatanggapin ko pa rin siya. Kapag sinabi niyang gusto niya ako, kahit anong narinig ko, maniniwala ako. Enzo.

“Sorry, Hope.”

Napahawak na lang ako sa bibig ko, para takpan yung bibig ko kasi umiyak na talaga ako. Umiyak ako na parang batang inagawan ng lollipop. Umiyak ako na parang batang nadapa. Umiyak ako na parang batang naloko.

Kasi naloko ako.

Niloko ako ng taong pinagkatiwalaan ko. Niloko niya ako.

Napatingin ako kay Eula…

“Kayo ba? Kayo na ba?” Tanong ko kay Enzo. Tumingin si Enzo kay Eula tapos nagnod si Eula.

“Sorry, Hope.”

Lalo lang lumakas ang iyak ko. Gusto kong kagatin yung labi ko para tumigil na. Para masaktan na lang siya physically. Hindi yung ganito.

Ang sakit sakit, pero hindi ko alam kung saan masakit. Ang sakit sakit pero hindi ko alam ang gagawin para mawala siya.

“Enzo, wala akong ginawa kung hindi ang ibigay ang lahat para sa’yo. Paano mo nakonsensya lahat yun? Paano mong nasabing gusto mo ako? Paano mo akong nagawang halikan?! Ganoon ka na ba kadesperado magawa yung nasa planner para gawin sa akin ‘to? Bakit ako, Enzo?! BAKIT AKO?!”

“Because… Because you love me too much. I’m not stupid, Hope. I know that when I’ve lost my planner, you got yourself a copy. I saw it in your bag. Kaya pala every time gagawin ko ang nasa planner ko, nandoon ka. Kaya… Kaya naisip ko na, na… hingin ang tulong mo with all of these.”

“Tulong? TULONG?! KUNG HUMINGI KA NG TULONG MATATANGGAP KO PA, ENZO! BAKA BOLUNTARYO KO PANG IBIGAY YUNG TULONG KO NG WALANG HINIHINGING KAPALIT! KASI IKAW SI ENZO! PERO HINDI TULONG ANG HININGI MO! YUNG TIWALA AT PAGMAMAHAL KO. YUNG ORAS AT PAGOD KO! BUONG PAGKATAO KO, ENZO! YUN YUNG HININGI MO! YUN YUNG KINUHA MO, AT NGAYON AY PINAGLALARUAN AT SINASAKTAN MO. PAANO MO NAGAWA SAKIN TO?! PAANO MO NAATIM NA TINGNAN AKO SA MATA ARAW ARAW NA ALAM MONG NILOLOKO MO LANG AKO!? PAANO, ENZO?! BAKIT?!”

Napaupo na lang ako sa may kama niya. Kung kaya lang iiyak lahat ng sakit na naipon sa dibdib ko, kung kaya lang isigaw, kung kaya lang ibuhos ng isang bagsakan.

“Sorry, Hope.”

Tiningnan ko siya sa mata.

“Enzo, seryoso ako noong sinabi kong mahal kita, kahit nga ngayon na niloloko mo ako, mahal na mahal pa rin kita. Kahit ata bukas kapag pumasok na lahat sa akin ng ginawa mo, mahal pa rin kita. Pero dahil sa katangahan ko kaya nasasaktan ako hindi ba? Alam mong hindi kita kayang hindian kaya ako ang ginamit mo, tama ba? Nagmahal ka na ba? Tandaan mo, Enzo. Pag naramdaman mo ‘tong nararamdaman ko ngayon, kulang ang pagluhod sa akin sa paghingi ng tawad. Tandaan mo yan.”

Tumungo lang siya.

Umiyak lang ako.

Tanginang buhay naman ‘to oh.

Bakit ganito?!

Kahit alam kong sinaktan niya ako…

Kahit alam kong ginagago niya ako…

Alam kong kaya ako nasasaktan ng ganito ay dahil sa bukas pagising ko, alam kong wala ng Enzo sa tabi ko.

“I can’t do anything. I can’t say anything kasi mali ako, gago ako. I own it. Sobrang mali ako. Kaya… Let’s end this. Ayoko ng saktan ka pa.”

Let’s end this…

Anong tatapusin eh wala pa namang nasisimulan?

“Sorry, Hope.”

Sorry?

Sana isang sorry lang ang katapat ng sakit na nararamdaman ko sa pangloloko mo.

Sana isang sorry lang, Enzo.

Continue Reading

You'll Also Like

96.2K 2.4K 52
What will you do if you end up in someone else body?
94.6K 4.7K 70
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...