The Chase and You

By heyairaaa

4.9M 76.1K 8.3K

I choose to love him. He chose to break my heart. || Cover by: AkoyIsangPagong More

Prologue
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Epilogue
#TCAY2

Chapter XLII

60.4K 1.2K 103
By heyairaaa

[42] The Orphans

-Audrey-

Pinakilala ako ni Duke sa limang madre na nangangasiwa ng orphanage na yun at pagkatapos ay pinakain kami. Ngayon, nandito kami sa garden nila na may playground kasama ang mga bata. Nakikipaglaro si Duke sa kanila pero ako nanunood lang.

“Bakit po ayaw nyang sumali sa atin?” tanong isa sa kanila at tinuro ako.

Nandito lang kasi ako sa swing at sinisipa-sipa yung damo, samantalang sila ay nandun sa may gitna ng garden. May ginagawang magic si Duke sa kanila at sobrang hanga naman nung mga bata kahit ang corny nung ginagawa nya. Maski ako man eh, sobrang hanga sa kagwapuhan nya kahit ang corny-corny ng ginagawa nya. Ihh! Kinikilig pa din ako ngayong araw kaso bawas kilig ang pagdala nya sa akin dito.

Tumingin sa akin si Duke at sinimangutan ako. Aba! Sya pa ang may ganang ganyanin ako. Sya naman ang may gusto na pumunta dito. Akala ko pa naman kung saang romantic na lugar nya ako dadalhin tapos dito lang pala.

“She’s shy.” sabi nya sa mga bata bago binalik ulit ang tingin sa akin. “Come.” tawag nya sa akin at nakalahad pa ang kamay nya.

Gusto ko sanang tumanggi kaso matitiis ko ba naman si Duke my loves. Kaya lumapit ako sa kanila at tinanggap ang kamay nya. Hinila nya ako paupo sa tabi nya. Akala ko pagkaupo ko, bibitawan na nya ang kamay ko pero nagulat ako ng mas hinawakan pa nya yun ng mahigpit.

OMG! Kinikilig ako! Dagdag 10 points.

“Crush daw po sya ni Mike, Kuya Duke!” sigaw ng isang batang babae sa gilid namin habang tinuturo yung lalaki na nasa tabi nya. Sa tingin ko ay nasa 10 palang ang age nila.

Natawa ako ng makitang namumula yung batang lalaki. Halata kasi ang puti-puti nya at yung singkit naman nyang mata, ay mas lumiliit pa. Nakakatuwa naman din pala sila at ang kukulit.

“He’s cute.” nakangiting untag ko sa kanila at inasar-asar nung ibang mga bata yung Mike na tinawag nila.

Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak ni Duke sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Seryoso ang mukha nya at bahagya syang nakasimangot.

Problema nito? Natutuwa na nga ako sa mga bata tapos nakasimangot pa sya.

“Ang kay Pedro ay kay Pedro at ang kay Juan ay kay Juan. Kaya ang kay Duke ay kay Duke lang. She’s mine, kids. She can be your ate but not your crush, okay?” sabi nya sa kanila at hindi ko alam kung matatawa ako o kung kikiligin ba.

Really, Duke? Pati ba naman sa mga bata?

Natahimik yung mga bata at parang hindi alam kung ano ang sasabihin nila. Siniko ko si Duke at saka bumulong.

“Mukhang tinakot mo sila. You’re so bad. Sa bata nalang nagseselos pa.” natatawang bulong ko sa kanya.

Tiningnan nya ako ng masama pero hindi sya nagsalita.

“Hindi po ba pwedeng ang kay Pedro ay kay Juan din? Ang damot naman nila.” utas ng isang bata na sa tingin ko ay 7 to 8 years old palang.

Napahagalpak ako sa tawa nun dahil full emotions pa nung sinabi nya yun at mukhang takang-taka pa sya. Yung ibang mga bata ay nakisang-ayon din. Konti nalang talaga, nagugustuhan ko na sila.

“They are funny.” sabi ko kay Duke saka binalingan yung bata na nagsabi nun. “Pwede naman na magbigayan sila pero may mga bagay na dapat kay Pedro at Juan lang. Gaya ng toothbrush, di ba sa inyo lang din yun at hindi pwede sa iba?” paliwanag ko sa kanila at nagsitanguan sila.

May nagtaas ng kamay sa likuran. Natawa ako dahil feeling ko ay para akong teacher at sila yung tinuturuan ko. Marami-rami din sila kaya kailangan pang magtaas nang kamay yung nasa likod para mapansin ko.

“Yes?”

Tumayo sya at lumipat sa harap. Isa syang batang babae na sa tingin ko ay pinakamatanda sa kanila. 10 to 11 siguro ang edad nya.

“Di ba po ang kay Kuya Duke ay kay Kuya Duke lang? Eh di sa kanya ka lang po at hindi pwede sa iba?” tanong nya at pakiramdam ko ay namula ako ng marinig ang marahan na pagtawa ni Duke. Di ba lagi ko naman sinasabi sa inyo na ang sexy ng tawa nya?

Binitawan nya ang kamay ko at yun ang ginamit nya sa pag-pat ng ulo nung batang babae. “Yup, akin lang sya at hindi sya pwede sa iba.” nakangiting sabi nya at halos sumabog ako sa kilig.

O-M-G!! Napatakip ako ng mukha sa kilig at feeling ko ay sobrang pula ko na. Bakit sobrang effortless lang sa kanya ang pakiligin ako?

“Gusto nyo po ba sya?” tanong ng isa pa sa mga bata na nasa bandang likod. Naku! Kapag sinagot nya pa yan ay baka magtitili na ako dito sa kilig.

Natawa na naman sya, samantalang ako ay hiyang-hiya na. Akala ko ay sasagutin nya yun pero umiling lang sya. Anong ibig sabihin nun? Hindi nya ko gusto?!

“Tama na, kids. Kakantahan ko nalang kayo. What song do you want me to sing?” sabi nya sa mga bata kaya nakalimutan na nila ang unang topic at nagkagulo na sila sa pamimili ng kanta.

Sinimangutan ko sya ng tiningnan nya ako pero nagulat ako ng bigla nya akong kindatan. Pakshet! Bakit nya kailangang gawin yun? Jusko, sobrang illegal na yata ng kagwapuhan nya.

Kinuha nya ang gitara nya sa gilid. Yun yung gitara na ginalaw ko dati at may nakita akong pangalan saka nagalit sya. Hindi ko pa pala sya natatanong tungkol dun pero saka nalang dahil baka masira yung magandang mood nya.

“Bakit yun ang napili mong kanta?” tanong ko sa isang batang lalaki na nag-request ng kakantahin ni Duke.

Namula ang mukha nya at inasar-asar sya nung iba pang mga bata. “Para po yan sa crush nya!” sigaw nung isa at natawa nalang ako. Sobrang nakakatuwa talaga sila.

Tumunog ang gitara ni Duke at mukhang kakanta na sya.

[Grow Old With You - Daniel Padilla]

“I wanna make you smile whenever you’re sad
Carry you around when your arthritis is bad
All I wanna do is grow old with you”

Nakisabay ang mga bata sa pagkanta sa kanya. Ako naman ay parang natutunaw sa kinauupuan ko dahil sa malalim na pagtitig nya sa akin.

Ngumisi sya ng makita akong halos tuliro na sa pagkakilig sa kanya. Tumingin sya sa mga bata.

“I’ll get your medicine when your tummy aches
Build you a fire if the furnace breaks
Oh it could be so nice, growing old with you”

Lumapit ako sa kanya saka bumulong.

“Duke, kinikilig ako.” utas ko sa kanya at narinig ko ang bahagyang pagtawa nya sa gitna ng pagkanta nya.

Tuloy pa din ang kantahan ng mga bata pati ang pang-aasar nila sa lalaking nag-request nung kanta.

“I’ll miss you
Kiss you
Give you my coat when you are cold
Need you
Feed you
Even let ya hold the remote control”

Para matago ang kilig ko ay nakikanta na din ako. Tumayo pa nga ako at sumabay din sa pagtayo ko ang mga bata at nakikanta din. Halos puro tawanan na ang maririnig kesa sa pagkanta.

“Ang cute nila oh!” tawag ko kay Duke at tinuro ko yung mga bata na sumasayaw din habang kumakanta. Natatawa nalang ako sa kanila.

Ngumiti sya sa akin at tumitig sa mga mata ko habang binibigkas ang huling stanza ng kanta. OMG! I’m melting!

“So let me do the dishes in our kitchen sink
Put you to bed if you’ve had too much to drink
I could be the man who grows old with you..”

Nagulat ako ng hindi nya bigkasin ang huling lyrics ng kanta at mas lalo akong nagulat ng bigla syang tumayo at higitin ako papalapit sa kanya.

Napapikit ako at naramdaman ko ang bahagyang pagdidikit ng mga labi namin. Dumilat ako at halos maduling ako sa lapit nya sa mukha ko.

“I wanna grow old with you.” bulong nya sa akin. Iyon ang huling lyrics ng kanta.

Sobra-sobrang kilig na ang nararamdaman ko at napatago nalang ako sa mga balikat nya.

Bumulong ako sa kanya. “Rated SPG yung ginawa mo sa harap ng mga bata.”

*

Comments? <3 #TCAY

P.S: Kitakits sa SM Marilao bukas. Madalang na din ang ud dahil busy haha. xoxo

Thank you kay @AkoyIsangPagong sa cover. Ang ganda talaga!!

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 72.4K 37
THIS STORY WILL BE FREE ON AUG 17, 2022. Kenna has long accepted that no matter what she does, each and every relationship of hers won't last. Meetin...
1.7K 319 96
World Trip Series Reality Show presents Continental Romance Season 1! Are you ready to board onto new love? Wanna explore the world together with the...
160K 10.6K 57
What are you willing to invest for love? Published: March 24, 2017 Completed: May 21, 2017
334K 15.8K 68
"Isang babaeng lumaki at namuhay sa mundo ng mga Mortal kung saan tinatawag ito na mundo ng mga tao o planetang earth. Sa edad na 28 ay mataas na an...