NIGHT BLOOD UNIVERSITY

By SELIEMBLADE

780K 39.9K 8.8K

[UNEDITED] Night Blood University is a place where death is nothing but a next deadly adventure. The Earth's... More

NBU
coup d'œil
i
ii
iv
v
vi
vii
viii
ix
x
xi
xii
xiii
xiv
xv
xvi
xvii
xviii
xix
xx
xxi
xxii
xxiii
xxiv
xxv
xxvi
xxvii
xxviii
xxix
xxx
xxxi
xxxii
xxxiii
xxxiv
xxxv
xxxvi
xxxvii
xxxviii
xxxix
xl
xli
xlii
xliii
xliv
xlv
xlvi
xlvii
xlviii
xlix
l
li
lii
Epilogue
Note
special chapter

iii

20.1K 985 139
By SELIEMBLADE

BLACK ROSE

"Principal's office..." mahinang pagbasa ko sa mga letrang nakasulat sa harapan ng pintuan ng isang lumang silid kung saan ako nakatayo ngayon.

So, this is the principal's office? Hindi na ako nag abala pang kumatok sa pinto at binuksan ko nalang iyon.

Bahagya pa akong napangiwi ng makaramdam ako ng kaunting pagkirot sa braso ko dahil narin siguro sa pag-balibag sa akin kanina ng lintik na bampira na iyon.

Gusto ko lang naman kasing magtanong sa lokasyon ng principal's office e' pero mukhang wala ata sa katinuan ang isang 'yon. Napaaway pa tuloy ako.

"Welcome, Miss Salvatore." Bungad saakin ng isang babaeng nakaupo ngayon sa isang may kahabaang sofa. Nakasuot siya ng isang mahaba at kulay itim na kasuotan dahilan para mas lalong tumingkad ang kulay porselana niyang balat.

Hindi ko siya pinansin at inilibot ko lang ang tingin ko sa kabuuan ng silid. Hindi moderno ang disenyo ng silid na ito pero bakas ang karangyaan sa bawat sulok nito. Dagdagan pa ng mukhang mamahaling chandelier na nakasabit sa gitnang bahagi ng kisame ng silid.

"Mukhang tama nga ang mga balitang naririnig ko tungkol sayo. Hindi ka nga marespetong bata."

Nabaling ulit ang atensyon ko sa medyo may katandaang babae na siyang nakatayo ngayon sa harapan ko hawak ang isang kulay itim na aklat na mukhang listahan ata ng mga esudyanteng nakakapasok sa paaralan na ito.

Tinaasan ko siya ng isang kilay tsaka ko ngumiti ng nakakaloko. Kung sino mang sira ulo ang nagsabi sa kaniya ng balita tungkol sa akin, nagsasabi siya ng purong katotohanan.

"You're a vampire," that's not a question. Sigurado akong isa siyang bampira.

Gumuhit din ang nakakalokong ngiti sa kulay rosas niyang mga labi. Umangat ang isang kilay ko. I'm right, she's a vampire. Sa kulay palang ng balat at ng mga mata niya ay alam kong isa siya sa mga uri ng mga nilalang na kinasusuklaman ko.

"Look like you've got into a fight on your way here, Miss Salvatore. Napakabango naman ng amoy ng dugo mo. Kakaiba rin." Bumaba ang tingin niya sa leeg ko dahilan para mapairap nalang ako.

Don't tell me pati siya ay gusto ring inumin ang dugo ko? Principal siya. Can't she act like one instead? Pinapairal ang pagiging uhaw sa dugo e'. Well, ano ba namang aasahan ko sa mga halimaw na kagaya nila?

"Come and I'll give you your house number and your class schedule," saad niya bago siya naunang mag lakad papunta sa isa pang pintuan na konektado sa silid na ito.

Binuksan niya ito at tumambad ang isa pang silid na hindi ko alam kung para saan. Medyo may kadiliman ang silid na iyon at ang tanging liwanag lamang na nagmumula sa isang fireplace ang nagbibigay ng liwanag sa buong silid. Andami namang arte ng office na 'to. Sumunod na lang ako sa kanya.

Nang makapasok na kami ay kaagad na nabaling ang atensyon ko sa babaeng nakatayo sa tabi ng isang lamesa at parang ewan na nakangiti saakin. Kumunot ang noo ko.

Sino naman kaya ang mukhang ewan na babaeng 'to? She's smiling wide as if she's very pleased to finally meet me. What's with this girl and her weird smile? I don't like it.

"Here's your house number and your class schedule. Bukas ay pwede ka na agad pumasok kung gusto mo. Oh, by the way, this is Miss Moore. She will escort you to the Skyline Village. Magiging housemates mo rin." Ngumiti siya habang tinuturo iyong babae.

"She'll explain all the rules and everything that you need to know about this school, so feel free to ask her anything, okay?"

Tumango nalang ako. Mukhang weirdo pa ata ang babaeng 'to. Sana lang ay hindi siya masyadong maingay. Obviously, I not much of a talker. Ayaw ko rin sa mga maiingay. Sakit sila sa ulong kasama.

Sabay na kaming naglakad palabas ng principal's office nitong babaeng nakalimutan ko na ang pangalan.

"Siguro ay nagtataka kung bakit walang estudyanteng makikita ngayon sa bawat sulok ng paaralan na ito. Iyon ay dahil kanina lang, may isang night class student ang nawalan ng kontrol sa kanyang sarili. Dahil doon, pansamantala munang kinsasela ang pasok para sa mga day class students."

Grabe namang managalog ang babaeng 'to. Wala bang taglish diyan?

Imbis na sumagot ay tumango nalang ako. Kaya naman pala ni kahit anino ng estudyante ay wala akong nakita at nakasalubong kanina.
Naalala ko tuloy iyong lalaking bampira na umatake sa akin. Mukhang iyon ang tinutukoy niyang night class students na nawalan ng kontrol sa sarili. Kaya ba gano'n siya umakto?

"It's dangerous for the day class students when those kinds of students attack them, that's why the principal ordered to lock them on their houses until the student council caught that night class student." Oh, ngayon naman straight English siya. Ang galing naman!

Ngayon ko lang napansin ulit na kahit wala nang masyadong puno sa parte na ito ng eskwelahan ay madilim pa rin ang kalangitan at hindi man lang nakakapasok ang liwanag ng araw sa lugar na ito. Akala ko ay dahil lang iyon sa mayayabong na dahon ng mga puno kanina pero mukhang normal na ata talaga sa lugar na ito na hindi naabot ng liwanag ng araw.

Isang tingin mo palang, alam mo nang hindi normal ang eskwelahan na ito. Bukod sa madilim, mas malalaki rin di hamak ang mga gusali dito.

Nang makarating kami sa dulo ng pasilyo kung saan kami naglalakad ay mga naglalakihang gusali na mayroong mala palasyong disenyo ang bungad sa amin. Malawak din ang school ground na mayroong pinong mga damo. Hindi ko mapigilang hindi mamangha sa laki at sa ganda ng paaralan na ito.

"Ang laki naman nito. Parang hindi eskwelahan." Hindi mapigilang kumento ko. Namamangha sa kung gaano kaganda at kalaki ang paaralan na ito. Kung normal lang itong eskwelahan ay siguradong isa ito sa pinakatanyag. This looks like a Hogwarts.

"That is the main building. The regular classes and normal activities took place in that facility. Kagaya ng mga normal na paaralan ay araw-araw din kung pumasok ang mga estudyante sa paaralan na ito. Pagdating naman sa mga subjects, kagaya lang din sa mga normal na paaralan ang mga pinag-aaralan natin dito." Paliwanag niya habang nakaturo doon sa mga naglalakihang gusali hindi kalayuan sa amin.

Ibig sabihin itinuturo rin sa paaralan na ito ang tungkol sa Physics? Damn it! I hate that subject! Hindi lang physics kundi lahat ng branch ng science at math.

"That building is the school laboratory," turo niya sa isang malaking building na nakatayo ng mag-isa malapit sa isang gubat. Sunod niya namang tinuro ang hugis bilog na gusaling medyo malayo sa kinaroroonan namin.

"That round shape building there is the battle ground. All sorts of lethal activities are performed in that place."

Lethal activities? Like what? Patayan? Ubusan ng dugo? Hide and seek tas pag nahuli gagawing blood donor? Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip kung ilang estudyante na kaya ang namatay diyan? Pangalan palang alam tunog huling hantungan na e'.

"By the way, see that dark tunnel over there? That's the way to the night blood village. Diyan nakatira ang mga night class students. Bawal pumasok diyan. Huwag mong tangkain!"

Itinuro niya ang parang isang madilim na tunnel na medyo may kalayuan sa amin. Night class students? The vampires.

Kanina ko pa napapansin na magkaiba ang tawag niya sa mga estudyanteng bampira at tao sa paaralan na ito. I can't help but wonder why? anong ibig sabihin ng night class at day class students? Hindi ba sabay ang schedule ng mga bampira at tao?

Gusto kong tanongin iyon pero hindi ko nalang ginagawa. Malalaman ko rin naman iyon. I have a lot of time para diskubrehin ang mga hindi ko pa nalalaman sa eskwelahan na ito. And I will unfold it, one after one secrets. Hanggang sa masiwalat ang lahat ng baho nito.

Napahinto ako nang mapalingon sa akin ang babaeng kasama ko at kaagad na bumaba ang tingin sa leeg ko. Bahagyang nanliit ang mga mata niya pero kaagad din naman iyong nawala nang e' angat niya ang paningin niya sa akin saka siya ngumiti ng tipid.

May kinuha siya sa bulsa ng suot niyang palda. Inabot niya iyon sa akin.

"Here, put this on your neck. Sigurado akong kanina pa nahihirapan ang mga night class students dahil sa amoy ng dugo mo."

Dalawang band-aid iyon na kulay pink. Hindi na ako nag salita pa at inabot ko nalang ang mga iyon. Nahihirapan? Ano namang ibig niyang sabihin? Bakit sila mahihirapan?

Mukha namang nabasa niya ang pagtataka sa mukha ko dahil nagsimula na naman siyang mag paliwanag tungkol sa mga hindi ko pa alam sa paaralan na ito.

"The vampires in this school are trained to control their bloodlust. They have a blood diet but still, they crave blood. Siguradong kanina pa nila naamoy ang dugo mo. Pahirap ang bagay na iyon sa kanila dahil kailangan nilang kontrolin ang mga sarili nila. Oras na nawalan sila ng kontrol, magiging malaking problema iyon para sa mga day class students. Baka bigla na lang silang umatake."

So, the vampires here also need to conform with the rules huh? Ang akala ko ay pwede lang nilang atakihin ang mga estudyanteng nag mula sa mundo ng mga tao kapag nauhaw sila sa dugo eh.

Medyo kumikirot nga rin ang leeg ko dahil sa pag sakal sa 'kin ng baliw na babaeng bampira na 'yon. Napailing nalang ako saka wala sa sariling inabot ko ang parte ng leeg ko kung saan ko nararamdaman ang konting pagkirot para ilagay roon ang isang bandaid na binigay niya.

Kulay pink pa talaga! Hindi na lang ako nagreklamo. Bigay na nga lang magrereklamo pa?

Nagpatuloy kami sa paglakad. Nilingon ko ulit iyong madilim na tunnel na siyang nagsisilbing lagusan papunta sa lugar kung saan nananatili ang mga bampira. Ilang segundo akong walang imik lang na nakatingin roon. Pinaplano kung kailan ako papasok doon.

Siyempre, duon namumugad ang mga nilalang na sadya ko sa eskwelahan na ito. Alam kong bawal pumunta roon pero alangan namang unahin ko pang sumunod sa rules nila diba?
Hindi naman ako pumasok dito para sumunod sa rules. Nandito ako para pagbayarin ang mga lintik na bampira na iyon kaya wala akong pakialam sa rules na 'yan. Edi gagawa ako ng bago kung rules.

Habang nakatingin doon ay bigla nalang kumabog nang lumakas ang tibok ng puso ko. It's so sudden na hindi ko rin mapigilang mapahawak sa dibdib ko para pakiramdaman iyon. Medyo kumikirot iyon kaya hindi ako makahinga ng maayos.

"What's going on?" I whisper trying to shrug off the unusual beating of my heart.

That weird feeling makes me unconsciously think that someone is in there, carefully watching me even though I can see nothing in that tunnel but a pure darkness.

"Bilisan mong lumakad para makarating na tayo at makapagpahinga ka narin. Alam kong pagod ka."

Nabalik lang ako sa ulirat nang marinig ang boses no'ng babae. Hindi ko namalayang napahinto na pala ako sa paglalakad. Nilingun ko siya at nakitang nasa malayo na pala siya. She waves her hand, telling me to come near here and I just nod as a response. Isa pang tingin ang ibinaling ko sa lagusan na iyon bago ako nagsimulang maglakad papunta sa kinaruruonan ng babaeng kasama ko.

"Probably, just an imagination."

Marami pa siyang mga gusaling itinuro at mga bagay na sinabi hanggang sa tuluyan na kaming makarating sa parte ng eskwelahan kung saan nakatayo ang mga naglalaking bahay. Sandali kaming huminto sa medyo may kalumaang gate nito kung saan nakaukit ang pangalan ng lugar.



"This is the skyline village. The place where we humans stay."

Woah! So this school even has its own village for the students? Kakaiba talaga ang paaralan na ito. Akala ko isang dormitory ang titirahan ko, literal na bahay pala. At hindi lang basta bahay, it's a two story house.

Nagpatuloy na kami sa paglakad at kagaya nga ng inaasahan ko, nakasara ang bawat pintuan ng mga bahay na nadadaanan namin. Wala ni kahit isang day class students na makikita sa paligid. Oh well, sino ba naman kasi ang magtatangkang lumabas kung alam nilang pwede nilang ikamatay ang bagay na iyon?

Napatingin ako sa mga medyo may kalakihan at magagarang bahay na nadadaanan namin. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng paaralan na sa halip na dormitory ay isang magarang village ang tinutuluyan ng mga estudyante.

Kung hindi lang sana pakikipaglaro kay kamatayan ang ginagawa ng mga estudyante dito ay matutuwa sana akong makita ang mga nakikita ko ngayon. Wala naman kasing ganito sa normal na mga paaralan. Ilang bahay pa ang nadaanan namin bago kami huminto sa isang bahay na mayroong modernong disenyo. Mayroon din itong dalawang palapag.

"This will be our house. Tara at ipapakita ko na sayo ang loob ng bahay. Siguradong matutuwa din sina Xy at Demiana kapag nalaman nilang dumating na ang bago naming housemate."

Hindi pa man ako nakaka sagot ay hinila niya na ako kaagad papasok sa bahay. Siya pa ata Ang mas excited sa akin e'. Hinayaan ko nalang siyang hilahin ako.

Nang makapasok na kami ay tahimik ko lang na sinuyod ng tingin ang kabuuan ng bahay. Ilang segundo pa ay nabaling ang atensyon ko sa isang babae na bigla nalang patakbong lumabas mula sa isang pintuan hindi kalayuan sa amin. Meron pa siyang suot na apron at mukhang nasa kalagitnaan ata siya ng pagluluto dahil may ilang puting powder pa na nakadikit sa mukha niya.

"Oh my, you're the new student?" Masayang bati niya saka siya nag madaling lumapit saakin.

Ilang segundo niya muna akong pinasadahan ng tingin na parang ngayon lang ulit siya nakakita ng tao sa buong buhay niya. Nakaramdam ako ng pagkailang dahil sa tagal ng pagtitig niya.
Ilang minuto pa ay tumili siya at yumakap sa akin.

What the! Baket nanyayakap 'to? Long lost best friend niya ba ako? Sa pagkakaalam ko kasi ngayon lang kami nagkita e'. Hindi ako na inform ah.

"Hoy! Lumayo ka nga sa kanya, Demiana! Baka matakot siya sa pagiging weirdo mo." Utos nong babaeng kasama ko mula kanina. Agad namang bumitaw sa akin iyong babae saka nag kamot ng ulo at tumawa nang mahina.

"Sorry. Masaya lang ako na mayroon tayong bagong makakasama dito sa bahay. Madalang na lang kung magkaroon ng bagong estudyante mula sa mundo ng mga tao ang paaralan na ito ngayon kaya hindi ko mapigilang mamangha." Paliwanag nito saka siya ngumiti saakin.

Kaya naman pala gano'n siya kung maka react.

"By the way, I'm Demiana Verlice. Nice to meet you, Luna."

My forehead creased immediately when he uttered my name. Kilala niya ako? Ni hindi ko pa nga nasasabi ang pangalan ko sa kanya e'. Mukhang nabasa niya ang iniisip ko.

"Oh, no. It's not what you think. The principal already sent us a memo about you, that's why I already know your name." Depensa nito sa kaniya sarili. It's weird how they could read mind so easily. Parang kaya nilang mabasa ang iniisip ng isang tao gamit lamang sa pagtingin sa mga reaction nito. Siguro ay babawasan ko na ang pagbibigay ng mga emosyon.

I have trust issue. Malaki iyon kaya hindi ako magtitiwala sa kahit sino sa eskwelahan na 'to. Kahit pa mukha silang mga matitino, hindi ko parin alam kung anong mga pinaplano nila. Tumango nalang ako. Maybe I'm just being skeptical.

"Where's Xy?"

"Oh, that idle little b-tch. She's probably lock in her room now sleeping her ass again like a panda." Pareho silang napairap saka sila ulit bumaling saakin.

Demiana suddenly squeals as she turns her heel and runs off the door where she came out a while ago. Siguro ay ngayon niya lang napansin ang amoy ng niluluto niyang pagkain na mukhang nagsisimula ng masunog. Napailing nalang ako.

"Halika na sa taas nang makapag pahinga ka narin sa kwarto mo." Tinanguan ko lang naman siya tsaka ako sumunod na sa kanya sa paakyat sa hagdan.

Malaki at maganda ang kwarto ko. Lahat ng mga gamit ay kulay puti pati narin ang carpet ng sahig ay kulay puti din. Mayroong maliit na balcony at isang walk-in-closet.

Dahil sa pagod ay hindi na ako nag abalang mag ayos pa ng mga gamit na dala ko at dumeretso na ako kaagad sa kama ko tsaka ko ako tumalon doon para mahiga. Sa dami ng mga ganap sa buhay ko ngayong araw, gusto ko nalang talagang matulog at magpahinga.

Ipinikit ko na ang mga mata ko at hinayaan ko nalang na lamunin ng matinding katahimikan ang sistema ko. Hindi nagtagal ay tuloyan narin akong nakatulog dahil sa matinding pagod.



Hindi ko alam kung ilang oras ba akong nakatulog at nagising nalang ako nang makarinig ako nang malalakas na tawanan sa baba. Iminulat ko ang mga mata ko at nakitang madilim na pala ang paligid.

"Gabi na pala."

Napatingin ako sa balcony ng kwarto ko nang bigla nalang umihip mula roon ang malamig na simoy ng hangin. Nakalimutan ko palang isara ang pintuan no'n kanina bago ako matulog.

Bumaba na ako mula sa pagkakaupo sa kama ko saka ako naglakad papalapit doon. Hihilahin ko na sana ang gawa sa salamin na pintuan nito pasara nang maramdaman ko na naman ang kakaibang pakiramdam na iyon na parang may nakatingin saakin mula sa malayo.

My heart starts to throb fast again and I don't like it. Dahan-dahan kong itinulak pabukas ang gawa sa salaming pintuan ng balcony tsaka ako humakbang palabas doon. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ngunit wala naman akong nakita ni kahit anino man lang ng posibleng nilalang na nag mamay-ari ng kakaibang presensya na iyon.

"What the hell was that again?"

I embrace myself when a cold breeze of wind hit my body. Marahang nilipad no'n ang medyo mahaba kong buhok.

Tatalikud na sana ako para bumalik sa loob ng kwarto ko nang makita ko ang kulay itim na bulaklak na nakalagy sa railings ng balkonahe ko.

My eyebrow shot up in confusion. Dahan-dahan akong naglakad papalapit doon saka ko iyon inabot. Nagdalawang isip pa ako kung hahawakan ko ba iyon o hindi. Ilang minuto pa ay bumuntong hininga ako saka iyon dahan-dahang sinampot.

Tinitigan ko iyon. Unti-unting nangunot ang noo ko habang maigi kong sinusuri ang kulay itim na mga talulot nito.

"A black rose?" Pabulong na tanong ko. Para nalang iyong hininga na hindi rin nakaabot sa pandinig ko.

Anong ibig sabihin nito?

Continue Reading

You'll Also Like

146K 5.3K 48
Seventeen Scenarios and more!
4.2M 91.2K 41
Heaven and hell have conditions for you to enter. They won't base it on how you have live your life. They'll give you the privilege to choose. ...
2M 68.9K 51
A school where different kinds of vampires such as pure bloods, noble vampires and hybrids study and train to be a true vampire. It all started with...
1K 113 22
Adventure, Fantasy, Fiction, Romance Enchanted Book Series NO.3 Señora Starla "Paano kung biglang naging tao ang mahiwagang libro?" Halina't tuklasin...