Best thing i (N)EVER had

By septemberoyal

445K 6.5K 1.1K

Try ko lang....... Pwede ba? Hehehehe...... Kinain na talaga ako ng sistema! JB kase eh! Kahit may pinagdadaa... More

PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12 (HUWAG KA NG UMIYAK )
13
14 (AKAP)
15
16
17
18 ( UNKNOWN FEELINGS)
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33(Ambon)
34
35
36
37
38
39
40
41(Moving Closer)
42
43
44
45
47
48
49
50(HEARTBEAT)
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
Not an update
75 (Sa bingit ng isang paalam)
76( Bibitawan ka )
77
78
79
80 (Hindi tayo pwede)
81(The hardest thing)
82 (beaddie moments)
83
84
85
86
87

46

5.1K 77 6
By septemberoyal

BEA

"Pwede maki share?"

Napatingala ako ng marinig ko yun, isang nakangiting marci ang nakatayo ngayon sa harapan ko. Di na nya ako hinintay pang sumagot at naupo na ito sa harapan ko, pinagkibit balikat ko na lang yun at nag focus ulit sa pagbabasa ng book para sa next class ko. Nasa bench ako ngayon ng campus at nagpapatay oras habang hinihintay nga ang next class ko.

"Gusto mo?" si marci ulit.

Napa angat ulit ako ng tingin sa kanya kaya nakita kong may hawak syang sandwich sa magkabilang kamay at ang isa nga ay iniaalok sa kin.

Umiling ako. "No thanks." ako tas tipid na nag smile sa kanya.

"Okay, i guess ako na talaga ang uubos neto." sya pa rin.

Sana pala sa dorm na lang ako tumambay eh. Di ko sana makikita ang isang ito ngayon, nag aalangan naman ako na iwanan sya dito, baka isipin nyang iniiwasan ko sya which is totoo naman. Ayokong makita ang karibal ko kay jho.

Nagfocus na lang ako sa binabasa ko pero di ko na magawa, naiilang ako sa presensya nya kahit di naman ito masyadong nagsasalita. Naalala ko na naman yung naging encounter namen sa labas ng supermarket few days ago simula kase noon ay pilit kong inaalala kung saan ko nga ba sya nakita very familiar kase yung face nya sa kin.

( Malamang....atenista rin kaya sya. Kaya familiar sayo ang face nyan kase baka madalas mo na syang makasalubong dito. Pwede ding nakapag paselfie na sya sayo. )

Selfie?...... Ayun! Alam ko na! Sya yung nakabangga sa kin sa mall nung lumabas kame ni pongs! Humingi sya sa kin ng selfie for his kapatid daw. Sya nga yun!

"Bea...."

Napatingin ako sa kanya. "Ha?"


"Uhm.....Yung.....Sinabe ko sayo......Uhm......Gusto ko sanang hingin yung blessing mo para ligawan ang bestfriend mo?" si marci.

BLESSING......LIGAWAN......BESTFRIEND......


Napakunot noo ako. Talagang ipu-push nya yun?

"Sabe kase ni jho ay dapat may consent mo para maligawan ko sya." si marci.


"Seryoso ka?" ako.

"Seryoso pa sa seryoso." tas mataman nya akong tinitigan. "Seryoso ako kay jhoana."


Isinara ko na ang libro tas nakipagtitigan sa lalakeng ito, sa karibal ko. "Pano kung ayoko? Ayokong ligawan mo sya, may magagawa ka ba?" seryoso po yun. Ayokong ligawan nya ang PAG AARI KO......sana......


Natahimik ang loko siguro nagdalawang isip na......aatras na ito kase nga ayoko. Hahahaha......


"Gagawin ko ang lahat para sa blessing mo." si marci. "Bea.....Alam kong di tayo close at mahirap sayo na pagkatiwalaan ako pero bigyan mo ako ng chance para maging kaibigan mo at para malaman mo rin na seryoso ako kay jhoana, seryoso ako sa bestfriend mo."


Ilang beses nya bang kelangan ipamukha sa kin yung word na BESTFRIEND?😠 Saktan ko kaya 'to.(joke!)



"Ayoko." ako tas iniligpit ko ang gamit ko at tumayo na. Di pa ako nakakahakbang ng magsalita muli si marci.



"Anong "ayaw mo"? Ayaw mo akong maging friend or ayaw mong ligawan ko ang bestfriend mo?" si marci na nakatayo na rin.



"Both." ako at tumalikod na sa kanya.


"Pero bakit?" si marci pa rin. Di nya ako tatantanan sa katatanong. "I mean bakit ayaw mo syang maligawan ko?"


"Kase alam kong sasaktan mo lang sya."  diretso kong sagot sa kanya. "Paiiyakin mo lang si jho eventually. Paiibigin tas pag nagsawa ka na iiwan mo lang sya."


"Di ko sasaktan si jho."


"Pano ako makakasigurado? Eh kelan lang kayo nag kakilala ah." ako.



"Kaya nga bigyan mo ko ng chance para maipakita ko sayo......lalo na kay jho na iba ako sa kanila......na di ako katulad ng iba na sa umpisa lang magaling." si marci na walang kurap ng sinabe nya yun. "Bea......gusto kong malaman mo na mapagkakatiwalaan mo ako kay jhoana."


















JHO



Excited ako. Uuwi kase ako ngayon sa batangas, birthday kase ng pinsan kong si audrey at sumaktong walang kameng training ngayong weekend kaya di na ako nagpatumpik tumpik pa at nagpaalam agad ako kay ate ly na sasaglit lang ako sa min, pumayag naman si ate ly kaya gora agad ang jhosa nyo.


Naisip ko ring isama si beatriz baka kase kung saan saan pa magpunta ang damulag na ito at kung sino sino pa ang samahan nya pag wala ako mahirap na.


( Aysuuuusss......Sabihin mo ayaw mo lang makabonding ulit ng beh beh mo si jana P. or si jana h. or kahit na sinoman kase nga.....Baka wala ka ng mabalikan pa. )


Ang galeng mo 'no? Ang galeng mong gumawa ng kwento. Shut up ka na nga lang.


Para sabihin ko sayo malisyoso kong konsensya, matagal na nya akong kinukulit na sumama sa kin everytime pag umuuwi ako sa min sakto namang wala kameng weekend training kaya isinama ko na lang ang bata para makalanghap man lang ng sariwang hangin.



"Lets go?" masayang aya ni bea sa kin at pinagbuksan pa ako ng pinto ng bago nyang "baby".



"Ang saya saya mo yata." ako ng nakapasok na sya driverseat ng kotse nya.



"Of course!" si bea habang sinusuotan nya ako ng seatbelt. "Kase pupunta tayo ng batangas!" sigaw nya.


Napatakip na lang ako sa tenga ko ng gawin nya yun, abot tenga ang pagkakangiti netong nakaharap sa kin. Halata sa mukha ng damulag neto ang excitement at sobrang saya.


Nagsimula na ang mahaba nameng byahe at kahit matraffic ay di ko sya makitaan ng pagka bagot siguro nga kase masyado syang masaya, may pa sing a long pa kame habang na byahe kaya nabanat na naman ang mga vocal chords namen ni beatriz.😁


Pasado alas dos na ng hapon nakarating sa bahay namen. Alam naman ni mama na uuwi ako pero di ko sinabe sa kanila na may kasama ako kaya nagulat na lang sina mama at jaja na kasama ko si bea.



"Good afternoon po......tita?" si bea na nag alangan pang sabihin ang "tita" kay mama.


"Halika nga ritong damulag ka." si mama tas sinalubong ng yakap si bea.



Napakagat labe na lang ako kase tinawag na damulag ni mama si bea. Ako kase ang nag bansag sa kanya non everytime pag naaasar
ako sa kanya at pag natawag ako dito sa min ay "si damulag" ang tawag ko sa kanya pag napag uusapan or nag kukweto ako about sa kanya.



"Ah....Ma? Paupuin mo naman si BEA." idiniinan ko ang name ni beatriz at sana magets yun ni mama.


"Oo nga naman ma, mej matagal mong niyayapos si damulag." si jaja na katabe ko lang kaya nakurot ko sya agad. "ARAY!!!"



"Anyare sayo ja?" si mama ng matapos nyang yakapin si bea.



Pinanlakihan ko sya ng mata at sana magets din netong nagiisa kong kapatid.


"Ay.....Ano lang.....Naipit ako. Naipit lang ako." si jaja tas may pahawak pa sa tagiliran nyang kinurot ko ng pino. "Hoo! Ansakit!"


"Pano ka naipit eh kutson yang inuupuan mo?" si mama tas mataman kameng pinagpapalitan ng tingin.


"Wala lang kase yun,ma." sabat ko na. "Di ba,ja?" tas tiningnan ko ito.


"W-wala lang kase, ma. Wag ng lagyan ng issue pa, hahahaha......" si jaja.


Buti naman tinigilan na kame ni mama, umakyat na kame sa kwarto para magpahinga kahit sandali tutal 5:00 pm pa naman yung umpisa ng birthday ni audrey.


"Wag ka ng magsalita pa, okay." pinangunahan ko na ang batang ito pagkapasok namen sa kwarto ko. "Alam kong maliit ang bedroom ko kumpara sayo pati itong bed ko kaya wag kang maarte."


"Ay, grabe sya oh!" si bea tas naupo sa bed ko. "Sa tingin mo gaganunin kita? Tsk!"


Alam ko namang di ganon si bea pero madalas kase nyang i-bully ako kaya inuunahan ko na sya.😅 "Di naman sa ganon beh,kaya lang mapang asar ka kase eh...."



Humiga si bea sa bed ko tas tinapik nya ang tabe neto at na gets ko na yun, tumabe ako sa kanya at automatic na niyakap nya ako pa side ways kaya ganon din ang ginawa ko. Ilang minuto kameng ganon ang posisyon, walang nagsasalita at kapwa nakatingin sa kisame. Ako na nakapatong ang ulo ko sa balikat nya at si bea na nakapatong ang ulo sa ulo ko.



"Beh?" si bea. "Pwedeng dito na lang tayo, wag na tayong pumunta sa birthday ni audrey. Ganto lang tayo......." tas naramdaman kong paghawi ng kamay nya sa ilang strands ng buhok  ko.



"Kaya nga ako umuwi dito sa min dahil dun tas gusto mong ganto lang tayo?" malumanay kong sabe.



"Di naman nakakahiya na magge-gate crash ako dun. Eh di naman ako kumbidado?" si bea.



"Di yan,nukaba? Sinabe ko naman sa kanya na may kasama ako kaya okay lang yan, saka ako naman ang kasama mo eh."


"Sagot mo ko?" si bea na parang di naniniwala.



"Oo naman! Kaw pa?" sabe ko tas hinigpitan ko ang pagkakayakap
ko sa kanya at lalo kong isinubsob ang mukha ko sa leeg nya.




















"Buti naisipan mong siputin itong birthday ko?" walang iba kundi ang birthbay celebrant/ pinsan ko, si audrey.

"Pasamalat ka at wala kameng training this weekend kundi nganga ka kase di makakarating ang JHO-SA mong pinsan." syempre di dapat ako patinag sa masungit na pagkasabe ng magaling kong pinsan. hehehehe.....



Sandali kameng nagkatitigan tas maya mya ay nagkangitian na kame hanggang sa natawa na kame pareho, Nagyakapan at may patalon talon pa kame.


"Happy birthday, pangit!" ako tas niyakap ko ulit sya.


"Thank you rin pangit." si audrey. "Wala ka man lang gift sa kin? Ay di na sya nagbago."



"Oi, wag ka ha!" ako at natawa. "Wait ka lang kase, parating na yun."


"Hay naku parang alam ko na yan, insan.....Next time?" si audrey tas umirap sa kin. "Tara na nga."



Sa bahay lang naman nila yung mini birthday celebration ng pangit na ito, actually sa may bakuran lang  ng bahay nila at kame kameng magpipinsan at ilang mga close friends nya ang naabutan ko dito. Limang mga lamesa ang nakapwesto sa likod bahay nila, 3 yung di kalakihan round table tas 2 yung pahabang mesa, ang isa para sa mga nakahandang foods at yung isa naman ay para sa min.


"Huy! kanina ka pa dyang pindot ng pindot sa phone mo?" si audrey na kalalapit ulit sa kin pero this time may dala ng foods sa plato at inilapag sa harap ko. "Mukhang ka-text ang LOVE......LIFE....." tas umupo ulit sa tabe ko.


"Nukaba?" ako. "Wala po akong lovelife ngayon okay." tas muling tiningnan ang phone ko.


"Sino ba yang tine-text mo?" si audrey pa rin.


"Sina jaja....." simpleng sagot ko. "Malapit na daw sila." tas inilapag ko na ang phone ko.



Ilang sandali pa ay nakita ko ng pumasok ang kapatid ko pero wala si beatriz(?!) Tumayo ako agad at pinuntahan si jaja na panay ang hanap sa kin ng mata nya.



"Si bea? Asan sya?" tanong ko agad pagkalapit ko.


"Eh ate---"


"Iniwan mo sa bahay?!" ako. "Ja naman eh....." tas napapadyak pa ako.


"Anyare sayo ate?" si jaja na nakakunot noo'ng nakatingin sa kin.


"Oi, insan, Sabe ni audrey may kasama ka ngayon? Kala ko espesyal na bisita, yun pala si jaja lang!" nagtawanan ang lahat dahil malakas ang pagsasalita neyong mayabang nameng pinsan.


"Hi.......G-good evening.......Hello po sa inyo......."


Biglang natahimik at lahat ay nakatingin sa bagong dating na nasa likuran ko lang, napalingon ako at yun nga dumating din sa wakas yung KASAMA ko.


"B-bea?......Bea de leon?......"


"Yes po. Ako nga po yun." sagot naman netong damulag na ito sabay smile  sa kanila.



"O. M. G. BEA DE LEON!!!!........Waaaaaahhhhhh!!!!!!!"


Halos kuyugin ng mga pinsan at bisita ni audrey si bea, napalibutan sya ng mga ito na panay ang selfie sa kanya at kurot kurutin ang pisngi neto. Ngiti pa rin ang bata kahit alam kong nasasaktan na sya kaya lumapit na ako para maawat na ang mga yun sa kakalapirot sa beh beh ko, pinagtulungan na namen nila audrey at jaja ang pag aawat.


"Oi, pasensya ka na ha, at dinamba ka ng mga bisita ko." si audrey na tumabe pa kay bea.


Pinapasok na muna namen sya sa bahay nila audrey para di na muna sya kuyugin ng mga yun.



"Mga sabik makakita ng sikat eh." si audrey tas kinindatan pa nya si bea.


Aysus! Di ko kinaya yung pagkindat nya kay beatriz! Kala ko yung mga bisita lang nya ang wild eh pati rin pala itong pinsan ko! Pasimple lang ang kaharutan.



"Okay lang." si beatriz na napakamot sa ulo at napatawa na lang.


"Ehem...." ako kase feeling ko di ako nag eexist sa kanila. "Audrey baka naman gusto mong pakainin yung kasama ko."




















"Insan thank you talaga ha." si audrey na pinalo pa ako. "Ang ganda ng regalo mo, sobrang nagustuhan ko." Napakunot noo ako kase di pa naman naibibigay sa kanya yung gift ko. "Pwede wag mo na syang iuwi, dito na lang sya sa min."


Yun naman pala. Si beatriz naman pala yung tinutukoy nya. "Galeng eh no, ginawa mo pang regalo si beatriz. Magtigil ka nga audrey." tas inirapan ko ang celebrant.



"Kala ko kase sya yung regalo mo for me eh, bigla kase syang sumulpot kaya kala ko surprise mo sya sa kin." si audrey.



"Binitbit ko lang yung damulag na yan kase baka kung saan saan magpunta pag wala ako......." mapunta pa sa di dapat mapunta. Yan dapat ang kasunod ng sinabe ko pero pinili kong wag na lang baka lagyan pa ng issue.



( kahit may issue naman talaga beh? )


Napatingin kame ni audrey sa labas ng bahay nila, nasa sala kase kame at nagka catch up ng biglang umingay doon, nagkumpulan malapit sa gate nila audrey yung mga pinsan namen na parang may pinagkakaguluhan.


"Ate......ate......" si jaja na humahangos na lumapit sa min. "Ate....."


"Anyare sayo?" ako.





"Eh kase......A-ano......Si ano eh....." si jaja na napapakamot sa ulo.


"Umayos ka nga janel." naiirita ako sa inaasal ng kapatid ko ngayon. Muntanga lang.


"Andito si kuya baham." mahinang sabe neto.


Napatingin ako sa mga nag uumpukan at saktong inaakay na ito ng isa nameng pinsang lalake. Nilingon ko si audrey at alanganin nya akong nginitian.


"Eh kase naman, binati nya ako kanina tas nasabe kong may onteng pakain ako dito tas ininvite ko sya.....Kaya yan andito sya......" si audrey.



Napabuntong hininga na lang ako kase ano naman pa ang magagawa ko eh birthday naman nya ito kaya kahit sinong gusto nyang imbitahin ay wala na akong say dun.



"Insan, alam mo namang closefriend ko rin naman sya di ba? At kahit wala na kayo ay magkaibigan pa rin kame..." si audrey.



"Nukaba auds....." ako. "Parang tanga lang? Okay lang sa kin, nukaba." tas tumawa ng mahina. "Birthday celebration mo 'to kaya kahit sino ang iinvite mo ay wala na ko dun 'no."


"Sure ka?" si audrey pa rin. Tumango na lang ako bilang sagot.



Panay lang ang kwentuhan namen ni audrey dito sa isang mesa kasama sina jaja at yung ibang bisita ni audrey. Kung di pa napansin ng isa nameng kakwentuhan ang oras ay di ko malalaman na mag aalas onse na ng gabe, agad na hinanap ng mata ko si beatriz pero di ko makita, nagpalinga linga pa ako sa paligid at napakunot noo ako ng makita ko ang damulag at si baham na nag uusap sa isang sulok ng bakuran nila audrey.


Nag excuse ako sa mga kasama ko at pasimpleng nilapitan ang dalawa, Di nila namalayan ang paglapit ko kase masyado silang seryoso sa pinag uusapan nila. Pulang pula na ang mukha ni bea at medyo natutumba na ito sa pinagkakatayuan nya habang may hawak basong may laman na alak.




"Beatriz.....Tara uwi na tayo." sabe ko ng makalapit na akong tuluyan.  Di ko tinatapunan ng tingin yung kaharapan nya.



"Beh...."masayang sabe ni bea at inakbayan ako.



"Uwi na tayo,11 na kaya." ako at inaakay na sya paalis dun. Di pa kame nakakalayo ng pigilan ako.



"W-wait. Wait lang." si bea at huminto sa paglalakad.


Ano na naman ba ang naiisip ng lasenggang 'to? Bakit kinakabahan ako? Nilingon nya si baham na nakatayo pa rin kung saan namen sya iniwan. Wala na akong choice kundi tingnan na si baham.



Nang magtama ang mga paningin namen ay nginitian nya ako ng tipid kaya ganun din ang ginawa ko.



"Dont worry, akong bahala....." ang laseng na si bea. "May isang salita ako.....Dude."



Ano kaya yung pinagusapan ng dalawang 'to?  At may paganto pa si beatriz sa ex ko. Nakakaintriga lang. Tumango at ngumiti lang si baham, at ng magtama muli ang mata namen ay bakit parang may nakita akong lungkot doon pero isinawalang bahala ko na kase ang mahalaga ngayon sa kin ay makauwi ng maayos kasama ang makulit na lasenggerang ito.



Nagtulong na kame ni jaja sa pag akay kay bea na laseng na laseng. Tinagayan ng tinagay ng mga magagaling nameng pinsan at ito namang damulag na ito ay inom lang ng inom. Wala man lang pagtanggi.



"Ang bigat ah." reklamo na ni jaja.



"Shhh....Wag kang maingay baka magising naten si mama,mapapahaba na naman ang usapan nyan." ako.



"Kahit?" si jaja. "Kahit sya itong napaka ingay." si bea ang tinutukoy neto na walang patid ang kakadaldal at ngayon naman ay pakanta kanta pa.




Oo nga naman. Si bea lang naman maingay talaga sa min, simula sa pag alis namen kina audrey hanggang ngayon kaakbayan namen paakyat sa kwarto ko. Trip naman nya ngayong kumanta ng kumanta, nabitin siguro sa videoke kaya kanta pa more ang drama ni damulag.




"Simple lang ang pangarap ko, mahalin ang isang tulad mo, sana ay mapansin mo dahil simple lang ang pangarap ko maging ikaw at ako, ang tanging ligaya ko....." si bea na kumakanta habang umaakyat kame sa hagdan. ".......Simpleng tulad mo......" tas nilingon ako at may pagkindat pang nalalaman tas tumawa.



Ewan ko lang kung napansin yun ni jaja kase ipinagtulungan nameng inaakay ito. Sana hindi naman.



"Beatriz. Magigising naten si mama, wag kang maingay." ako.



"Ow-kay kumander." si bea tas muling tumawa at may pagsaludo pa sa kin ang damulag.



Mabuti na lang nakapasok na kame sa kwarto ko. "Sige na ja, ako ng bahala sa kanya. Paki double check yung gate at pinto ah. Pagagalitan tayo ni mama."



"Okay ate." si jaja at iniwan na ako. Magkaakbay pa rin kame ng damulag na ito at feeling ko dumoble ang bigat nya ngayon.




Napapamura na lang ako dahil sa pagod at bigat ng lasenggang ito. Pinilit kong bitbitin na sya para maihiga ko na sya sa kama, ang sakit na kaya ng balikat ko. Pagkarating namen sa kama at agad ko syang ibinagsak doon.


"OUCH!!!" si bea. "Ang sakit naman non beh."



"Magtigil ka beatriz ah." banta ko sa kanya. "Dapat ako nga ang magreklamo sayo 'no. Ang bigat bigat mo kaya." may kalakasan kong sabe. "Pati si jaja nabigatan din sayo."



"Sorry na." si bea na nagpakalikot likot sa kama ko.



"Ui, wag ka ngang malikot dyan. Masyado mo ng ginugulo kama ko eh." sabe ko at lumapit sa backpack ng pasaway na ito at kumuha ng damit nya.



"Eh ikaw nga, ginugulo mo buong sistema ko."



Napahinto ako sa paghahalukay sa backpack nya. Meron syang sinabe, narinig ko yun. Napalingon ako sa nakahigang si bea na di na gumagalaw at humihilik na. May narinig akong sinabe na nya, kame lang dalawa ang andito at wala namang ingay na naririnig bukod sa electric fan na ginagamit namen.



"Huy, may sinasabe ka ba?" ako at tinapik ang hita neto pero ungol lang ang sinagot neto. "Beatriz?....."



Wala na knockout na si damulag. Ngayon napapaisip ako kung pano ko papalitan ng damit ang isang ito kase amoy alak na at pawis na pawis pa. Itinutok ko na nga lang sa kanya yung electric fan tas itinodo ko na ang lakas para di na sya pagpawisan pa, sanay kase ito sa aircon kaya madaling pagpawisan ang batang ito.



Umupo ako sa gilid ng kama ko, dito na lang ako pupwesto kase sakop ni bea ang halos buong kama ko. Di naman kase kalakihan ito tulad ng kay beatriz pero sapat na para tulugan ng dalawang katao, pero nga kase laseng itong bisita ko at napaka likot netong matulog ngayon ay kulang pa sa kanya ang pwesto.




Hinayaan ko na munang makatulog ang isang ito at di ko na ginising pa para makapaglinis ng katawan, sobrang nalaseng siguro ito kaya knockout agad.




Naramdaman ko na lang na may humahaplos sa mukha ko kaya kahit mabigat pa ang mga talukap neto ay pinilit kong dumilat. Isang seryosong mukha ni bea ang bumungad sa kin. Nakatulog pala ako, di ko namalayan na nakatulog ako. Napatingin ako alarm clock ko at mag aala una na pala ng umaga.




"Sorry." agad na sabe ni bea sa kin.




Nakapag linis na siguro ito ng katawan dahil amoy sabon ko na ang naaamoy ko sa kanya ngayon at iba na rin ang suot nya, sinuot nya yung nakalabas na damit nya kinuha ko kanina. Although, amoy alak pa rin yung hininga nya. Nainitan siguro kanina kaya naglinis at nagpalit ng damit.



"Higa ka na ng maayos baby." si bea tas tinulungan akong tumayo. Inayos na muna nya ang kama saka nya ako pinahiga ulit.




"Mahiga ka na rin, alam kong may amats ka pa." ako. "Itinodo mo talaga yung pag inom mo 'no, alam mo bang lambanog yung tinatagay nyo kanina?" di sumasagot ang damulag pero umupo na ito sa kabilang side ng kama ko. "Buti di ka nagsuka, para sa first time na uminom non, malakas pa naman ang tama non---"




"Mas malakas ang tama ko sayo." putol sa kin ni bea, na nakapag pahinto sa kin at nakipag titigan sa kanya. Namumula pa ang mukha neto pati mga mata. "Susuka ako pero di ako susuko...."




"Anong ibig mong sabihin?" tinatantya ko yung mga sinabe nya.



"Ano bang gusto mong ibig kong sabihin, baby?" balik tanong nya sa kin.




"Baby?" napakunot noo ako.



"Oo. Ikaw." si bea na walang kurap kurap. "Baby kita.....Matagal na......Ayaw mo ba?" malamyos netong tanong.




Di ko alam kung anong sasabihin ko ngayon. Mula ng pagsabe nya  ng "Mas malakas ang tama ko sayo." tas "susuka pero di susuko" hanggang sa "Baby ko". Speechless ako mga bes, di nagfa-function ng mahusay ang brain ko ngayon sabayan ng dumadagundong na tibok ng puso ko. My god!























Pabalik na kame ngayon sa manila, back to reality agad agad. Kahit ayoko pa sana ay di pwede, bukod sa training ay may inaasikaso pa akong acads ko. Buhay athlete nga naman.




Maganda ang mood ngayon ni damulag ah, parang di nalaseng ng matindi kagabe. Sinasabayan pa nya yung background music namen habang nagmamaneho. Naalala ko yung usapan namen kaninang madaling araw at nakakapag pagulo yun ng isipan ko, gusto kong i-open up yun ngayong nasa tamang wisyo na sya baka sakaling maliwanagan nya.




( pwede ding di nya maalala yun kase may amats pa sya nung sinabe nya yun.)




Tama. Baka nga wala syang maalala pag tinanong ko sya at mapahiya pa ako. Baka asarin pa ako neto pag nagkataon.




"May sasabihin ka ba?" si bea na busy sa pagda drive. "Kanina ka pang nakatingin sa kin eh." tas sinulyapan ako sandali at ngumiti
"Baka matunaw na ko nyan."




Sabihin ko ba? o Wag na lang?



"Baby?....."



Narinig kong tinawag na naman nya ako non. "Baby ka ng  baby sa kin, Kahit kaninang madaling araw tinawag mo din akong baby. Mukha ba akong kotse mo?"



Totoo naman ah. Baby ang tawag nya sa mga kotse nya. Para akong hinahanay nya sa mga yun.




"Oo?...." sagot neto kaya napalo ko sya ng ilang ulit. "H-hey stop it. Nag mamaneho kaya ako 'no." tas natatawa po sya.




"Ah, ganon pala parang kotse mo lang?" sentiments ko. "Parang kotse na kinokolekta mo ang peg. Pang ilan na ba ako?"




Natawa na lang si bea sa pinagsasabe ko at di ko yun nagustuhan kaya parang nainis ako. Nakakunot noo na nga ako ngayon oh.



"Para kang kotse ko kase....." pabitin na sabe ni bea tas inihinto na nya ang kotse nya. Nasa parking na pala kame ng eliazo ng di ko namalayan. "......napaka importante mo sa buhay ko." seryoso po syang humarap sa kin ngayon. "Gusto kitang alagaan at ilabas sa mundo, ipagsigawang AKIN KA, AKIN KA LANG.....ng walang makakapigil sa kin."




"Ayan ka na naman sa mga ganyan mo. Bakit di mo diretsahin? Andame mong pasakalye eh."




Ngumiti lang sya sa kin tas sya na ang nagtanggal sa seatbelt ko kaya napahigit ako ng hininga ko ng lumapit sya sa kin ng ganon.
Magkatinginan kame ngayon sa isat isa di ganong kalapit pero di rin ganong kalayo ang agwat namen ngayon.




"Tinatanong mo kung pang ilan ka sa collection ko?" si bea na punung puno ng mga salita ang mga mata. "HULI."




Leche! May collection nga ang damulag na ito at nahuli ako sa bitag nya. Nampucha!



"Huli kong gagawan ng ganto......Jhoana."



Halos sumirko ako ng marinig ko yun pero sa isipan ko lang yun. Namula ako sigurado ako. Napahinto ako at ninanamnam ang sinabeng yun ni beatriz. Ayokong maging assuming pero kase parang.......Feeling ko.......Ay ayoko! Bawal!




"Lets go na nga." si bea tas ginulo nya nag buhok ko. "Masyado ka ng kinikilig eh."



"Di kaya!" ako ng makabawi pero sa totoo lang gusto kong tumili pinipigilan ko lang talaga.


Magkasabay kameng naglalakad ngayon and guest what mga bes holding hands kame papasok ng dorm. Nag kakatinginan kame tas titingnan namen yung pareho nameng mga kamay na magkaholding hands tas mangingiti na lang. Ewan ko basta kinikilig ako ngayon.



"Hi. Good evening."



Yung ngiti kong abot tenga ay unti unting bumaba. Si marci andito ngayon at pansin kong may dalang  bouquet of flowers tas ang isang kamay neto ay may maliit na paperbag.



"Kamusta ang byahe? Alam kong pagod ka, kayo actually hehehe..." tas mahinang tumawa si marci.




Naramdaman ko ang pagbitaw ni bea sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakatingin ng diretso kay marci. Wala na rin yung ngiti nya kanina at napalitan yun ng serious face. Mukhang di maganda yung vibes ko sa dalawang ito ah.



"Naligaw ka yata marci." ako.



"Actually manliligaw nga talaga ako sayo ngayon." si marci. "For you nga pala." sabay abot sa kin ng flowers at paper bag.




Alanganin kong kunin yun kase nasa tabe ko lang si beatriz na alam kong pinag talunan namen ang lalakeng ito ilang araw na ang nakakaraan pero kase kung tanggihan ko naman ay nakakahiya naman kay marci. Nubayan?




"A-ah s-sige."  basag ni bea sa katahimikan. "Mauna na ako sayo jho."




"Wait lang." ako at pinigilan ko sya gamit ang kamay ko sa kamay nya.



"May pag uusapan yata kayo eh." si bea pa rin at inalis nyang muli ang kamay ko sa kanya.



"Thanks dude."  si marci.




Dude?! Tinawag nyang dude si bea? Sa pagkakaalam ko pumapayag lang si bea na tawagin syang dude sa mga kaibigan nya at close friends nya. So it means....Friends na sila ni marci!?
Tiningnan ko ang reaction ni bea at tumango lang ito kay marci at nagsmile.




















"Binigay na nya sa kin yung blessing nya para ligawan ka."






























































Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 115K 64
↳ ❝ [ INSANITY ] ❞ ━ yandere alastor x fem! reader β”• 𝐈𝐧 𝐰𝐑𝐒𝐜𝐑, (y/n) dies and for some strange reason, reincarnates as a ...
Fake love By :)

Fanfiction

112K 2.6K 41
When your PR team tells you that we have to date a girl on the UCONN women basketball team and you can't say no to it... At first you don't think too...
2.7M 64.6K 131
[BOOK ONE IN THE LIFELINE SERIES] life·line ˈlīfˌlīn/ noun "A person you can always depend on to help you in a really messed up situation where you n...
1.1M 49.2K 95
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC