When Gangsters Meet the Sadis...

بواسطة arkiSTEPH

932K 22.4K 6.8K

[ONGOING] READ FIRST WGMTS SEASON 1 ! thank you. المزيد

PROLOGUE
chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18.1
chapter 18.2
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
Love Letter
Chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 32
chapter 34
chapter 35
chapter 36
chapter 37
chapter 38
chapter 39
chapter 40
chapter 41
chapter 42
chapter 43
chapter 44
chapter 45

chapter 33

8.3K 255 141
بواسطة arkiSTEPH


Agatha's P.O.V.

"Yieeeeeeee! Hahahaha ang saya."

Di ko mapigilan ang sarili ko. Kinikilig ako.

"Aray. Nakadami ka na." masungit na saway sakin ni Ethan.

Natigil ako sa pag ngiti at pagkurot sa kanya tsaka ko siya tinignan nang masama.

"Ikaw, wala kang galang sa ate mo." sagot ko.

"Ikaw na nga nanakit ikaw pa galit."

"Eh kasi naman hahaha. Kinikilig ako kina Mars hahaha. Magbabalikan na sila for sure. Atleast diba gumana ang plano natin."

Di siya umimik at patuloy lang sa pagkalikot sa laptop niya. Andito kami sa hospital, inaantay namin si Mom matapos ang duty niya, mamimili kasi kaming tatlo ng gamit sa bahay.

Dapat kanina pa siya out kaso may emergency at kailangan si mom doon, wala kaming idea kung what time siya matatapos.

Okay lang, andito naman kami sa lounge. Sa totoo lang masarap tumambay dito sa hospital na pinagtatrabahuhan ni mom kaya di nakakapagtaka na mahal magpagamot dito. Para ka kasing wala sa hospital, para kang nasa condo or hotel.

Nagpatuloy kami sa pagchat ni Jonas, halatang kilig na kilig din ang isang 'to. Nakakatuwa sila, may ibat ibang paraan talaga sila para suportahan ang kaibigan. Gaya nitong si Ethan, tatahimik tahimik pero panay ang tingin sa chat kanina at nag aabang ng update. Pati 'yong isang masungit, si Uriah.

"Grabe, hahaha. Di ko alam kung paano magpanggap sa harap nila mamaya." aniya ni Jonas.

"Hahaha! Basta cool ka lang mamaya tumawa tawa ka dyan bigla." sagot ko.

"Nalate ako sa update hahaha. Alam na sunod niyan, magbabalikan na 'yan." chat ni Doms.

"Oo nga e, hahaha sakit ng panga ko. Oh siya delete ko na 'tong group chat. Sunduin ko na sila."

"Okay salamat. Ingat 🙂"

-----

Maya maya...

"Shet hahahaha pinipigilan ko tumawa. Andito na kami sa sasakyan apat. Hahaha di sila nag uusap, nakatingin lang sa labas at mga namumula pa ang mukha hahaha." Chat ni Jonas

Kinilig na naman ako. Naiimagine ko itsura nila Chin at Mars. Lalo na yung mukha ni Jonas, ang kulit pa naman nun lalo na pag natutuwa.

"Buti hindi nagdadaldal si Kurt." reply ni Doms.

Oo nga.

"Binilhan ko ng pagkain e. Kaya abala sa pagkain hahah."

"Kala ko deleted na 'to." bulong ni Ethan at sinara yung notification ng chat sa laptop.

Sobrang bitter nito palibhasa walang lovelife.

Nagchat chat pa kami saglit tsaka tuluyang binura ni Jonas ang group chat. Nahihirapan daw siya magpigil nang ngiti sa sasakyan. Buti nalang di nakikita ni Chin at Mars ang mukha niya.

Bumalik ako sa pagbabasa, di kami magkachat ni Uriah kasi naliligo na siya. Kunwari di interesado dun sa plano namin na magkausap yung dalawa pero hinantay yung update ni Jonas bago maligo. Parang 'to si Ethan. Pagbukas na pagbukas niya ng laptop kanina facebook agad ang binuksan.

Mga anong oras kaya matatapos sila mom?

"Gala tayo." yaya ko kay Ethan. Gusto ko dun sa garden. Bagong renovate kasi 'yon at mas maganda na daw.

Sinara niya ang laptop niya at pinasok agad sa bag. Naks! Di nagreklamo.

Bungad palang nung garden ay napawow na ako. Sinilip ko ang mukha ni Ethan at alam kong ang mukhang 'yan ay namangha din siya. Para akong wala sa hospital at nasa park lang ako. Mas maganda pa nga 'to sa park doon sa amin.

Pinulupot ko ang kamay ko sa braso ni Ethan at niyaya na magpatuloy sa paglalakad. Sobrang ganda talaga tapos sakto lumulubog na ang araw.

Para akong nasa setting ng mga kdrama seryoso. May mga iilang pasyente na naglalakad at nakatambay din at halata mong relax na relax.

May nakita kaming bakanteng bench kaya umupo kami doon. Sakto at malilim pa naman dito.

Ewan ko ba, feeling nostalgic. Naaalala ko bigla yung panahon na magkakaklase pa kami. Ngayon nasa college na kami at kanya kanya na.

Sinilip ko ang mukha ni Ethan, nakatitig siya sa palubog na araw. Bakit parang namiss ko siya ng sobra. Siguro dahil nga bihira nalang na magkaroon kami ng time dalawa. Di tulad noon magkaklase pa kami, tahimik pero andyan siya palagi lalo na pag may problema ako.

Di ko tuloy maiwaang di makonsensya, bigla ko kinabahan. Naalala ko nga pala di ko pa nasasabi na kami na ni Uriah.

Sa totoo lang, reaksyon niya ang talagang bumabagabag sakin. Naeexcite ako na natatakot. Talaga kasing nakatatak na sa puso at isip ko na magkapatid kami kaya ganun nalang ang nararamdaman ko.

"May sasabihin ka ba?" bigla niyang tanong kaya nanlaki ang mga mata ko lalo na nung lingunin niya ako.

Umiling agad ako at ngumiti. Lakas magpakaba ng tanong at tingin niya. Na para bang alam niyang may nililihim ako. Sorry! Masasabi ko din sayo 'to kapag nasabi na namin ni Uriah ang relasyon namin sa magulang niya at kapag nalutas na natin yung ibang problema. Pasalamat naman ako at wala namang kakaibang nangyayari nitong mga nakaraang araw.

"Kamusta ka na? As a college student." tanong ko.

Parang naweirduhan siya sa tanong ko.

"Hahahaha!" natawa nalang din ako. "I mean kamusta sa school? Sobrang dami na ba nangungulit sayong babae?"

Huminga lang siya nang malalim. Nakakainis yung reaksyon. Natawa nalang ako at napalo siya sa braso. Mukhang di niya din alam ang isasagot pero walang duda naman madaming nagkakagusto sa kanya doon. Kahit nga sa school namin may mga nakakakilala sa kanya at may crush sa kanya.

"Bakit may iba ka nang gusto kapatid?" pag usisa ko.

Umiling siya agad.

" So siya padin talaga hahaha."

"Ewan ko sayo." nagsusungit na kinikilig o naiirita niyang sugat. Halo halo na.

"Share mo naman paano mo siya nagustuhan? Dali."

Sobrang curious talaga ako noon pa. Alam ng lahat na hindi mabilis magkagusto si Ethan kahit maging sa mga gamit o ano pa man.

Tinusok tusok ko ang braso niya dahil di siya umiimik at diretso lang ang tingin. Tila nag-iisip

at nag-aalangan. Tinignan niya ko at saktong nakangiti ako sa kanya pagtingin niya. Sa ekspresyon ng mukha niya ay parang sinasabi niya na wala siyang ibang choice at magkwento.

Alam niyang di ko siya titigilan.

"Di ko din alam e." kaswal na sagot niya dahilan para kumunot ang noo ko.

"Ano nga? Seryoso kasi. Satin lang naman 'tong dalawa alam mo ''yan."

" Hindi ko nga alam."

Abnormal din 'tong kapatid ko.

"Pwede ba ýon?"

Natahimik siya saglit at tila may inaalala.

"Basta nakita ko lang siya sa national bookstore.Alam ko nasabi ko na 'to sayo noon e." aniya at halata mong ayaw lang magkwento.

"Ui di pa ah! So love at first sight nga." tugon ko.

"Naks!" dagdag ko at nagpipigil ng ngiti. Kinikilig ako.

Tapos paglingon ko ulit sa kanya nakita kong hinihimas niya ang kanyang noo. Sinilip ko ang mukha niya dahil nakatilt ýon at nakaiwas sa direksyon ko.

Pagtingin ko... nagulat talaga ako kaya napatakip ako ng bibig.

Kagat niya ang babang labi at nakangiti habangmabagal na hinihimas ang noo na aakalain mong hinihilot niya ýon. Agad siyang tumigil nung mapansin niyang nakikita koang reaksyon niya at bumalik sa kanyang normal na seryosong mukha.

Habang ako 'to nakatabon padin ang kamay saking bibig. 1st time ko lang siya nakitang ganoon.

Nanghihinayang ako, sana pinicturan ko ang mukha niya kanina, seryoso. Grabe talaga, sobrang cute ng mukha niya kanina.

Ibig sabihin, ganun siya pag kinikilig? Ilang beses na namin napag-usapan si girl pero ngayon ko lang nakita ang reaksyon niyang ýan. Oh ganyan talaga siya lagi pag magkausap kami at topic si Clumsygirl pero hindi ko lang napapansin.

Pilit ko nalang na pinipigilan ang bibig ko na magsalita at ngumiti nang malapad.

Paglingon ko sa kanya ulit nagbago na ang ekspresyon ng mukha niya habang diretso ang tingin, kaya tinignan ko kung anuman ýong tinitignan niya. Sa mukha niya ay parang may nakita siyang di niya inaasahan at aakmang tatayo na sana.

Kinabahan tuloy ako bigla pero Pagtingin ko naman doon ay walang tao.

"Bakit?"

Sabay iling niya, "Namalik mata lang ako."

Biglang nabaling ang atensyon ko nung sabay magvibrate ang phone namin. Tapos na maligo siguro si Uriah. Pero pagtingin ko unknown number. Sino 'to?

Pagbukas ko ng phone ay may pictures na tumambad sakin na kinabahala ko.

Una, picture namin ni Ethan dito sa garden.Pangalawa picture ni mom na nasa OR. Pangatlo ay picture ng isang... bomba na may 30:00 mins na nakalagay sa timer.

Nagtinginan agad kami ni Ethan at bakas sa mukha namin ang kaba at pagkabigla. Ginala niya ulita ng tingin sa paligid. Hindi ako nakapagsalita, agad akong hindi makapag-isip ng tama. Si mom... pati mga tao dito sa hospital.

Di ko namalayan na nanginginig na ang katawan ko at nakaramdam ako bigla ng panlalamig.

"Tayo." madiin na utos ni Ethan tsaka niya hinawakan ang braso ko at hinila ko patakbo pabalik sa loob ng hospital.

Pagkapasok namin ng hospital ay normal lang ang lahat habang parang sasabog na ang dibdib ko sa kaba. Agad siyang bumalik sa lounge at mabilis na ilapang ang bag sa mesa.

"Tawagan mo sila Uriah." utos niya sakin habang inilalabas ang laptop.

Sobra nang panginginig ang kamay ko, hindi ko pa nabubuksan ang phone ko ay may biglang tumawag sakin ýung number.

Sinagot ko ang tawag agad pero hindi ko magawang magsalita.

"Hindi niyo pwede ipagsabi ang tungkol sa bomba,sa tatay mo, sa mga kaibigan niyo pati sa mga tao sa hospital kung ayaw niyong mapahamak ang mommy niyo. Namomonitor ko ang galaw ng cp niyo parehas kaya hindi niyo ko maloloko..."

Hindi ko na napakinggan ang sunod niyang sinabi nung hablutin ni Ethan ang phone sa tenga ko, nakatulala lang ako at agad na nawalan ang lakas ang mga binti ko dahilan para mawalan ako ng balanse at mapakapit sa sandalan ng upuan. Hanggang sa tuluyan ng lumapat ang pwetan ko sa sahig.

"SINO KA? ANONG KAILANGAN MO?" gigil na tanong ni Ethan.

Ethan si Mommy...

"Maglalaro lang tayo, pag nahanap niyo at nadiffuse ang bomba edi okay na. Pero pag hindi, sorry nalang. May 29 mins nalang kayo. Goodluck." sabay baba ng tawag ng lalaki.

Tiningala ko si Ethan at halos maluha na ako,kita ko ang inis at frustration sa mukha niya at madaling sinusubukan tawagan ulit ýong number ngunit hindi na ýon matawagan.

"FCK!" nasabi nalang niya tsaka napaupo at napayuko habang hawak ang cellphone ng kanyang dalawang kamay na may panggigil. Banaad sa mukha at binti niya ang pagkabalisa. Tila pinipilit niyang mag-isip ng hakbang na aming gagawin.

Tinignan niya ako at doon tuluyan na lumuha ang luha ko. Anong dapat naming gawin?  Hindi kami pwede humingi ng tulong sa iba.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...