Mafia Heiress Possession: Hur...

By GoddessNiMaster

2.1M 81K 13.7K

An extraordinary girl who's not afraid of facing all kinds of monsters, Hurricane Thurston is set on an adven... More

Mafia Heiress Possession - Season 1
Announcement
Pahina 1
Pahina 2
Pahina 3
Pahina 4
Pahina 5
Pahina 6
Pahina 7
Pahina 8
Pahina 9
Pahina 10
Pahina 11
Pahina 12
Pahina 13
Pahina 14
Pahina 15
Pahina 16
Pahina 17
Pahina 18
Pahina 19
Pahina 20
Pahina 21
Pahina 22
Pahina 23
Pahina 24
Pahina 25
Pahina 27
Pahina 28
Pahina 29
Pahina 30
Pahina 31
Pahina 32
Pahina 33
Pahina 34
Pahina 35
Pahina 36
Pahina 37
Pahina 38
Pahina 39
ChibiChibi (trip lang, post ko ulit :p)
Mafia Heiress Possession - Season 2
Pahina 40
Pahina 41
Pahina 42
Pahina 43
Pahina 44
Pahina 45
Pahina 46
Pahina 47
Pahina 48
Pahina 49
Pahina 50
Pahina 51
Pahina 52
Pahina 53
Pahina 54
Pahina 55
Pahina 56
Pahina 57
Huling Pahina
Epilogue
Extra Untold Moments: Cane & Simone
Extra Untold Moments: Simone & Lihtan
Another Extra Chapter
All about Hurricane
Reader's Favorites, why? Part 1
Reader's Favorites, why? Part 2
Been A While.

Pahina 26

27.6K 1.1K 123
By GoddessNiMaster

Pahina 26
Punishment and Pain (1)


Nagising ako sa kamay na marahang sumusuklay sa aking buhok. Pagdilat ko ay nakita ko si Reyna Dalya na nakahiga sa aking tabi at nakangiting sinusuklay gamit ang kanyang mga daliri.

"Magandang umaga, Cane."

"Hehehe, magandang umaga rin po. Kanina pa po kayo gising?"

"Hindi ko na namalayan. Ang sarap mong pagmasdan matulog, binibini."

"Hehehe, talaga po?"

"Hahaha, oo naman."

Napangiti ako, ang pakiramdam na ito ay bago sa akin at matagal ko nang hinahanap at gustong maramdaman.

"Maaari ko ba kayong yakapin?" tanong ko at hindi pa man ito sumasagot ay yumakap na 'ko na parang bata.

"Hahahaha. Ngayon na lamang may gumawa nito sa akin, napakasarap sa pakiramdam."

Namuo ang luha ko at mas lalong sumiksik kay Reyna Dalya.

"May problema ba, Cane?" nag-aalala niyang tanong.

"Pagkamulat ko mula ng isilang ako ay hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na mayakap ang mga Lolo at Lola ko. Ikaw na lang Lola ko, hehehe."

"Hahahaha. Walang problema, masaya akong maging Lola mo kahit nakakatanda sa pandinig ay masarap pakinggan."

"Lola Dalya."

"Hahaha, ano 'yon, apo?"

"Lola Dalya...Lola Dalya...Lola Dalya. Hehehe, ang saya may Lola na ako."

"Hahahaha, siya nga pala apo. May ibibigay ako sa'yo sana magustuhan mo."

Nakita kong tumayo si Lola Dalya at nagtungo sa isang aparador at binuksan iyon at may mga nilabas.

"Wow."

"Ito ang mga kasuotan noong kaedaran mo pa lamang ako. Sana ay tanggapin mo, Cane."

"Para sa akin po?"

"Oo hahaha. Sa wakas ay nakahanap na ako ng makakapagmana sa mga ito."

Tuwang tuwa na niyakap ko si Lola Dalya.

"Maraming salamat po!"

"Ang mabuti pa'y maligo ka na at magpalit. Hihintayin kita at pipilian ng maisusuot. Hahaha. Nasasabik na akong makitang isuot mo ang isa sa mga kasuotang ito."

Nakangiting pinagmasdan ko ito at tumango.

"Sige po."






"C-Cane, apo anong nangyari sa iyong likod? Ano ang mga bakas ng sugat na ito?" gulat at nag-aalalang tanong ni Lola Dalya habang nakatingin sa likod ko

"At ano ang ibig sabihin ng simbolong ito?" dagdag niyang tanong.

Natahimik ako at napanguso.

"Cane?" tawag nitong muli sa akin.

"Hindi ko po maipapaliwanag ang ibig sabihin ng simbolo sa aking likod, hehehe, pero magaling na po ang sugat ko na mula sa pana."

"Pana?! Sinong pumana sa iyo?" may himig ng galit na tanong ni Lola Dalya. Nagulat ako.

"E-Eh w-wala po ito."

Seryoso ako nitong tiningnan at napabuntong hininga.

"Ikaw bata ka, ingatan mo ang sarili mo."

"Hehehe, opo."

Nang maisuot ko na ang damit na bigay ni Lola Dalya ay sabay kaming lumabas.

Nagtatakang tiningnan ko ang mga nakatingin sa amin.

"Napakaganda mo, hahaha." sambit ni Lola Dalya.

"Bakit nakatingin sila ng ganyan, Lola Dalya m-may mali po ba sa suot ko? Sa akin?"

"Hahahahahaha." tinawanan lang ako nito na kinanguso ko.

"Lola Dalya naman iih!!"

"Hahahahahaha."

"WAAAAAAH!! AKING BINIBINI!!!"

Napangiti ako nang makita ang paparating na sina Taki, Lihtan, Tenere at Simone. Kinawayan ko sila, hehehe.

"Kanina ka pang hinihintay ng mga 'yan. Hahahahaha. Kung alam mo lang ay kanina pa silang mga nakisamangot." sambit ni Lola Dalya na kinatawa ko.

"WAAAAAH!! NAPAKAGANDA NG AKING BINIBINI." -Taki

"Bagay na bagay sa iyo, Cane! Ang gandaaaa!" -Tenere

"Lalo kang gumanda, Cane..." -Lihtan

"Hehehehe." napatingin ako kay Simone at ngumiti at umikot sa harapan niya at sa namumula niyang mukha. Hahaha.

"Wala ka bang sasabihin?" tanong ko.

"W-What?"

"Bagay ba?"

Napalunok siya na kinatawa ko.

"Magsalita ka diyan, Simone." siko ni Tenere, inabangan namin ang pagsasalita niya...

Nalungkot ako dahil lumipas ang dalawang minuto na nakatingin lang siya sa akin.

"Sige na nga, di na kita pipilitin suma-"

"Lo hermoso es quedarse corto, porque estás más allá de eso... eres la única chica hermosa en mis ojos. Con o sin maquillaje o ropa elegante. Eres tan hermosa, muy hermosa en este momento...Hurricane." seryosong sambit ni Simone.

Natulala ako sa sinabi niya at umawang ang labi ko...

Hindi ko alam kung gaano katagal bago ako makabawi sa pagkabigla. Basta ay nakangiti ako nang matamis habang pisil pisil ang magkabilang pisngi ni Simone.

"Yiiieh! Salamat, Simone!" nasisiyahang sambit ko at maya maya pa ay sinakal siya. Hihihihi.

"Aarrgh, Cane."

"Hehehehehe, ang sweet mo. Kinilig ako, hahaha." nakangising bulong ko at nakita ko ang pagkabigla niya at panlalaki ng mga mata.

Natatawang umatras ako at pinanood ang hindi maipaliwanag niyang reaksyon.

"Anong sabi ni Simone, Cane?" -Lihtan

"Oo nga aking binibini! Waaah! Anong sinabi mo, Simone?" -Taki

"Ang daya mo na naman, Mahal!" -Tenere

Pinagkumpulan nila si Simone na nakatulala pa rin. Nakita kong binatukan na naman siya ni Lihtan. Wahahahaha

"Spanish..." gulat na sambit ni Lola Dalya.

P-Paanong?

Gulat na nagkatinginan kami ni Lola Dalya.

"Alam niyo ang salitang Spanish?" di makapaniwala kong tanong.

Biglang sumeryoso ang mukha ni Lola Dalya.

"L-Lola Dalya..." nababahalang tawag ko rito.

"Sumunod kayong lima sa aking silid, ngayon din." seryosong utos ni Lola Dalya.

Nagkatinginan kami at pumasok sa silid ni Lola Dalya. Nabalot kami ng katahimikan, at nakita namin ang malalim na pag-iisip nito.

"Lola Dalya." nag-aalalang tawag ko.

Napabuntong hininga si Lola Dalya at tiningnan kami.

"Tatlong taon pa lamang ang nakalipas nang sakupin ang aming Kaharian." malungkot na pagbabalintanaw ni Lola Dalya

"Tandang tanda ko pa ang pagkawala ng maraming buhay, ang sakim na halakhak nila habang sinusunog ang aming mga kawal, ang walang awa nilang pagpaslang at ang pagkamatay ng aking kabiyak, ang pakikipaglaban ni Valdemor sa mga ganid at demonyong Daimón."

"Tatlong taon na kaming nagtatago sa kagubatang ito, kaya naman labis ang takot namin nang makita kayo. Kami na lamang ang natitirang mamamayan ng 'Hydõr'."

Tiningnan ako sa mga mata ni Lola Dalya.

"Nababatid naming bukod sa bansa naming ito ay marami pang bansa sa daigdig na ito."

Sinalubong ko ang mga mata nito na pilit binabasa ang pagkatao ko.

"Noon ay hindi ko maintindihan kung bakit kailangan naming alamin at pag-aralan ang napakaraming lengwahe tulad ng Spanish, English, Arabic, Dutch, Farsi, German, Greek at iba pa. Hanggang sa mapag-alaman kong kaya namin 'yon pinag-aaralan lingid sa kaalaman ng mga nasasakupan namin ay..." bahagyang kumunot ang noo ni Lola Dalya at seryosong tiningnan ako.

"Alam namin ang gagawin oras na may magtangkang sakupin kami ng mga hindi pangkaraniwang nilalang, na maiintindihan namin ang ibig nilang sabihin, hindi mangmang at matalino sa pagdedesisyon."

Kung ganoon, ito pala ang dahilan. Kaya pala nakapagsalita si Prinsipe Lucien noon ng English.

"Hindi ka isang Prinsesa." nakakasigurong sambit nito.

Tumango ako. Di naman talaga ako isang Prinsesa, hindi rin ako isang Reyna. Ang alam ko lang, ako ang nag-iisang anak na babae ni Eros at Eve. Isa sa mga humuhukom sa aming makapangyarihang organisasyon, at ang tagapagmana ng Henderson Famiglia.

"Isa kang dayo. Anong ginagawa mo rito?" blangkong tanong ni Lola Dalya.

Humarang sa harapan ko si Tenere at sumunod sina Taki, Lihtan at Simone.

"Hindi dapat kayo nandito, kamatayan ang hatol sa mga dayo na nagtatangkang umapak sa lugar na ito!"

"Nagmula ako sa KIN Palacio, ako ang halimaw na may taglay na hindi ordinaryong kamay na kayang magpaguho, ang pangalan ko ay 'Lihtan', si Cane ang nagbigay ng pangalan na 'yon sa akin." seryosong sambit ni Lihtan.

Lihtan...

"Ako si Tenere, ang halimaw na may kakaibang paa na kayang pumuksa at tumalon nang napakataas, nagmula ako sa Hideus."

Tenere...

"Isa akong halimaw na may bilis na hindi mapapantayan, matalas ang pakiramdam ko at kayang magpabagsak ng hindi napapansin, ako ay si Taki."

Taki...

"Simone. Ako si Simone, pagmamay-ari ng iisang tao lamang, nabubuhay at mananatili hanggang kamatayan para sa kanya."

Simone...

"Ang sinumang manakit kay Cane ay mananagot sa amin." seryosong sambit ni Lihtan.

Natulala ako sa mga sinasabi nila...

"Kahit na kalabanin namin ang lahat ay hindi namin siya uurungan." seryosong sambit ni Tenere.

"Hindi namin kayo hahayaang ipahamak at saktan si Cane, ang taong tumanggap sa amin at nagbigay ng dahilan para lumaban at sumaya." seryosong sambit ni Taki.

"Nakahanda kami sa lahat." seryosong sambit ni Simone.

Diretso nilang tiningnan si Reyna Dalya na hindi rin makapaniwala at nalipat muli ang mga mata nito sa akin.

Parang may mainit na haplos akong naramdaman sa puso ko, hindi ko alam, parang maiiyak tuloy ako.

Napabuntong hininga si Lola Dalya.

"Paano ko maipagkakalulo ang aking apo?"

Lola Dalya...

Marahang ngumiti si Lola Dalya.

"Hindi ko magagawa 'yon, ngunit nag-aalala ako para sa inyo."

"Lola Dalya..."

"Cane, hindi ligtas ang lugar na ito para sa inyo. Maraming magtatangka sa mga buhay niyo. Maraming demonyo ang nabubuhay sa lugar na ito."

Napabuntong hininga ako at kalmadong ngumiti.

"Hehehe, wala po kayong dapat ikabahala." nakangiting sambit ko na kinabigla nito.

"Magiging maayos din ang lahat. Hindi man ngayon ngunit darating din ang panahon na magwawakas ang kasamaan at mananalo ang kabutihan." sambit ko at nakangiting tiningnan sila Simone na tulad ko ay nakangiti rin.

"Habang may buhay, payting!" sabay sabay na sigaw naming. Hahahahaha.












Nasa bangin kami ngayon at tanaw ang 'Hydõr'

Nililipad ng sariwang hangin ang mga buhok namin, magkakatabi kaming nakaupo at may mga sariling iniisip, payapang nagmumuni-muni.

Ipinikit ko ang mga mata ko nang marinig kong nagsalita si Taki.

"Walang pinagkaiba ang nangyari sa aming baryo kung saan ako lumaki, kasama ang mga katulad ko." tahimik na nakinig kami kay Taki habang nakatingin sa kawalan.

Kanina pa namin napapansin na may bumabagabag sa kanya.

"Pinaslang at sinunog nang walang awa." lumuluhang sambit ni Taki.

Parang pinagpipira-piraso ang puso ko sa basag na boses ni Taki habang nagkukwento.

"Wala akong magawa, kundi sundin sila na tumakbo ako. Tumakbo ako hanggang sa hindi ako maabutan. Tumakbo nang mabilis at iligtas ang sarili ko. S-sabi nila magiging masaya sila kapag nabuhay ako, sabi nila t-tumakbo ako."

Inakbayan ni Tenere si Taki at tinakpan ang mga mata niyang lumuluha, parang isang kuyang pinatatahan ang nakababatang kapatid.

Saksi ang paglubog ng araw sa aming pagtatangis.

Napasinghot ako.

"Wag ka umiyak aking binibini." pagpapatahan ni Taki.

"O-Oo nga, Cane." sambit ni Lihtan na umiiyak din.

"Mga iyakin." sambit ni Tenere.

"Umiiyak ka rin." sambit ni Simone kay Tenere.

"Napuwing lang ako!" palusot ni Tenere.

"HAHAHAHAHAHAHAHA" sabay sabay kaming natawa.

Huminga ako nang malalim at tumayo.

"KAYA MO 'YAN TAKI!! PAYTING!!!" sigaw ko.

Tumayo rin sila at naiwang nakaupo si Taki na gulat na gulat.

"PAYTING, TAKI!!!" Sigaw ni Lihtan.

"NANDITO LANG KAMI, TAKI! PAYTING!" sigaw ni Tenere.

"ANG PANGIT MO UMIYAK, BALIW KA TAKI! BALIW!!" sigaw ni Simone.

Binatukan siya ni Lihtan.

HAHAHAHAHAHAHA!!!

"HINDI GANYAN, SIMONE! DAPAT PINALALAKAS MO ANG LOOB NI TAKI!" panenermon ni Lihtan kay Simone na napanganga na naman sa pambabatok ni Lihtan.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!" napatingin kami kay Taki na mangiyak ngiyak sa katatawa.

Sa huli ay naghahabulan na si Simone at Lihtan habang nanonood kami.

"Nakakailan ka ng bata ka ah!" sigaw ni Simone kay Lihtan. Hahahaha.

Napangiti ako at nilingon sina Tenere at Taki na nasa magkabilang gilid ko.

"Hindi natin kontrolado ang lahat." sambit ko.

"Wala ring magagawa." sambit ni Taki. Umiling ako.

"Wala man tayong magawa sa nakaraan, maghanap tayo ng paraan na magagawa sa kasalukuyan. Tama ba, Cane?" pagmamalaking sagot ni Tenere.

"Tamsap, Tenere. Hihihi."

"Tamsap!"

"Ako rin."

"Kung ganoon ano ang gagawin natin?" tanong nila.

Nagkatinginan kami.

"May gusto akong gawin. Gawa tayo ng wheelchair." suhestyon ko dahil marami akong nakitang mga matatandang hirap nang lumakad, lalo na si Lolong na putol ang magkabilang paa. Naputol sa digmaan.

"Ano 'yung wheelchair?" inosenteng tanong ni Lihtan na nasa harapan na pala namin at sakal ng braso ni Simone.

"Hehehehe, simulan na natin!"















"Tama ba 'to, aking binibini?"

"Magaling, Taki!"

"Ganito, Cane?"

"Ganyan nga, Lihtan. Hehehe".

"Ito na, Cane."

"Yey! Ang galing mo, Tenere."

Naglakad ako patungo kay Simone na tahimik at seryoso sa ginagawa niya.

Tiningnan ko ang ginagawa niyang gulong.

"What the? Cane!" gulat na napatingin siya sa akin dahil sa paghawak ko ng dalawang kamay niya at nakayakap mula sa likuran niya. Hahaha.

"Relax, Simone. Ganito."

Napahagikhik ako sa panlalamig ng mga kamay niya at sa pamumula ng mukha niya.

"A-Ako n-na..." utal na bulong niya.

"Tinuturuan pa kita, wag kang magulo."

"Damn...this girl." bulong niya.

"Di naman kita kakainin, grabe Simone ah." nangingiting sambit ko.

"Cane..."

Natatawang lumayo na ako, sinamaan niya ako ng tingin na sinuklian ko ng ngiti. Pulang pula ang mukha ni Simone.

Damn, you're so adorable, Simone.

"Kung kailangan mo ng tulong, tawagin mo lang ako ah? Payting, Simone!"

Parang nauubusan ng pasensya na umiling si Simone at humawak sa kanyang noo.

"Pagod ka na, Simone? Gusto mo tulungan kita? Hehehe."

"No. Umupo ka na lang sa isang tabi."

"Eee? Gusto kong may gawin. Inaagawan niyo ako ng gagawin!"

"May ginagawa ka, tinuturuan mo sila." sambit ni Simone at bumalik sa ginagawang gulong.

Hehehehe. Guguluhin kita, Simone.

Di kita tatantanan.

"Mabilis naman sila matuto, gusto ko ring tumulong!" nakangiting pagmamaktol ko at nag-Indian sit sa harapan niya.

Napanguso ako at napangiti ng may maisip na gagawin.

"WAAAAAH!!! AKING BINIBINI! BUMABA KA DIYAN!"

"Saloooo! Wohooo!" natatawang pinutol ko ang mga buko.

"Damn! Cane!!"

"Cane, bumaba ka diyan!"

Tumalon ako at bumulusok pababa. Maayos na nakalapag naman ako sa lupa.

"Magandang klase 'yung buko."

Continue Reading

You'll Also Like

520K 19.9K 109
In one unordinary school, Where the pens are guns, Erasers are knives, And Papers are bullets, Teachers teaches how to kill, survive and rule the wo...
2.3M 85.3K 84
Highest Rank #1 in Adventure Alam ni Charm kung gaano kadelikado ang mahika. Kaya naman nang mapilitan syang magtransfer sa isang magic school sa isa...
470K 5.2K 57
Hanggang saan ang kaya mong gawin? Hanggang saan ang kaya mong patunayan? Hanggang saan ka dadalhin ng misyong inaakala mong maging matagumpay ka? P...
2.3M 76.8K 57
Isa sila sa mga hinahangaan ng lahat lalo na sa Isa sila sa mga hinahangaan ng lahat lalo na sa mundo ng gulo at patayan Pero... Paano kung bigla na...