Abaddon School (Part 1&2)

By TitserAna

13K 1.2K 97

Abaddon School (Part 1) - Completed Abaddon School (Part 2) - Completed Abaddon School: The Last Fight (P... More

ABADDON SCHOOL
AUTHOR'S NOTE
CHARACTERS
PROLOGUE
Abaddon School Part 1.1
Abaddon School Part 1.2
Abaddon School Part 1.3
Abaddon School Part 1.4
Abaddon School Part 1.5
Abaddon School Part 1.6
Abaddon School Part 1.7
Abaddon School Part 1.8
Abaddon School Part 1.9
Abaddon School Part 1.11
Abaddon School Part 1.12
Abaddon School Part 1.13
Abaddon School Part 1.14
Abaddon School Part 1.15
Abaddon School Part 1.16
Abaddon School Part 1.17
Abaddon School Part 1.18
EPILOGUE
ABADDON SCHOOL - END
PROLOGUE (ABADDON SCHOOL PART 2)
Abaddon School 2.1
Abaddon School 2.2
Abaddon School 2.3
Abaddon School 2.4
Abaddon School 2.5
Abaddon School 2.6
Abaddon School 2.7
Abaddon School 2.8
Abaddon School 2.9
Abaddon School 2.10
Abaddon School 2.11
Abaddon School 2.12
Abaddon School 2.13
Abaddon School 2.14
Abaddon School 2.15
Abaddon School 2.16
Epilogue [Part 2]
note
PROLOGUE (PART 3)
3.1

Abaddon School Part 1.10

213 39 0
By TitserAna

Chapter Ten:

LINCOLN'S POV

Lahat kami nagulat. Walang kumukurap sa amin. Ang bilis...ang bilis ng pangyayari.

Isa lang ang nagawa namin ni Ivan, ang sumigaw.

"REY!!!"

Nakadapa pa rin si Rey at hindi pa rin gumagalaw.

"R-rey..." halos pabulong na sabi ko.

"REY!!!" Malakas na sigaw ni Fayce.

"Rey!" sumisigaw na sabi ni Faye habang papunta sa amin.

Tumingin ako sa mga kasamahan namin, bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala.

"Huwag kang lalapit,Faye! Diyan ka lang!" sigaw ni Fayce sa kanyang kapatid.

Pinigilan ni Debra si Faye. "S-si Rey..." Hinihila na ni Debra si Faye pabalik sa mga kasama namin.

"Rey! Rey! Gising!" Sabay na nagsasalita sina Ivan at Fayce, habang niyuyugyog ni Fayce si Rey.

Binaliktad ni Fayce si Rey. "Rey! Gising! Rey!" niyuyugyog pa rin niya.

Bwisit! Anong gagawin ko! Tutunganga na lang ba ako rito?

May narinig kaming Ungol...Ungol na galing kay... "t-t*ngina! Ang s-sakit! Urgh!"

"REY!!" sigaw naming lahat.

Tinulungan ni Fayce na bumangon si Rey. Nang makatayo si Rey, nakita namin ang sugat niya sa bandang tiyan niya.

"Ogag ka may sugat ka!" sabi ni Fayce kay Rey.

"W-wala 'to! H-hindi naman masakit. M-malayo 'to sa bituka. Okay lang ako..." Hindi pa tapos sa sasabihin si Rey ng bigla itong umaray.

"Hindi pala masakit tngina mo!" nang-aasar na sabi ni Fayce habang pilit ulit na nilalapit ang mga kamay niya sa sugat ni Rey.

"Tngina ka! Oo na masakit na!" pilit na lumayo ang isa.

Itong mga 'to talaga mga Siraulo.

"Tapos na ba kayo diyan? Tatawid na ako." tipid na sabi ni Ivan. Kaya ang dalawa ay mga huminto sa kalokohan.

"Brod,seryoso mo naman! Ito na..."

"May 30 mins na lang tayo para gawin 'to. Si Lincoln palang ang nakakatawid sa dulo." putol na sabi ni Ivan kay Fayce.

Tsk. Napakaseryoso talaga nito pero wala naman akong magagawa. Laro ito at buhay namin ang nakasalalay.

Sa puntong ito sumeryoso na rin si Fayce at Rey. "Game!"

Sa puntong ito sumeryoso na kaming lahat. 30 mins na lang pero may 14 pang tatawid dito sa dulo, kasama ko.

Walang inaksayang oras ang tatlo, pilit na ginugulo ng mga gunggong ang nakabantay at nakaharang sa kanila para makapunta sa next station. Pero, ako ito, nagsasabi ng instructions sa mga kaibigan kong gunggong.

"Tngina ka! Hindi ka pa ba napapagod? Ako? Pagod na!" sigaw ni Fayce sa mga 'to.

Napailing na lang kami sa kanya, kahit kaylan talaga ang bilis mainip ni Fayce. Tss.

Pilit pa rin nila nililito ang mga 'to. Alam kong napapagod na sila pero hindi pa sila sumusuko. Heto pa rin ako tagabigay ng instruction. Ito lang naman ang maitutulong ko ngayon.

Bigla na lang kami nakarinig ng isang ingay na galing sa speaker "CONGRATULATIONS IVAN MON AND REY SMITH IS NOW SAFE!" nakita ko na lang sina Rey at Ivan na nasa gilid ko na.

At, Maya-maya may narinig ulit kami "AND,FAYCE DAWN IS NOW SAFE. CONGRATULATIONS!"

Napatingin ako sa lalaking kaharap ko ngayon...si Fayce nasa harap ko. P-paanong nakapasok silang tatlo?

"Talino mo talaga Fayce! May silbi ka rin pala!" sabi ni Rey habang lumalapit kay Fayce.

"G*go! Matalino talaga ako! HAHAHAHA! AKO PA BA? FAYCE DAWN? SISIW!" mayabang na sabi ni Fayce kay Rey habang naka-akbay ang huli. Magbestfriend talaga sila.

"Pinabilib mo ako ngayon." mahinang sabi ni Ivan.

"HAHAHAHAHAHA!" tumatawa pa ring sabi ni Fayce.

"P-paano kayo nakapasok ng sabay-sabay?" takang tanong ko sa kanila.

Napabaling sa akin ang tingin ni Fayce.

"Lincoln, Siraulo ka talaga! Hindi mo ba nakita n'yong ginawa ko?" sabi niya sa akin at lumapit. Umiling ko sa kanya.

Hinawakan niya ang ulo ko at pinatingin sa huling nagbabantay sa kanila.

Shete! P-pinatay nila?

"P-pinatay nyo?" takang tanong ko kahit Kitang-kita kong patay na ang nagbabantay.

"Oo Lincoln! Saka, walang sinabing rules na bawal patayin ang mga nagbabantay sa atin. Saka anong silbi ng mga 'to, kung hindi namin gagamitin?" sabi niya sabay pakita ng bow and arrow.

Ngayon ko lang naisip, wala palang rules na sinabing bawal patayin ang mga nagbabantay sa amin. Tngina, gumagana rin pala minsan utak nitong si Fayce.

"Talino mo..." mahinang sabi ko sa kanya.

"Ngayon mo lang ba nalaman? HAHAHAHA!" Gunggong! Ang yabang nito! Haha

"SUMUNOD NA KAYO! MAGSASABAY NA KAYO! MAY 10 MINS NA LANG TAYO!" sigaw ni Ivan sa mga kasama namin.

Nakita na naming mga tumatakbo na sila papunta sa amin.

"Anong gagawin namin?" Sigaw ni Gino sa amin ng makarating sa unang tagabantay. Medyo malayo kasi ang agwat namin sa isa't isa.

"GAMITIN NIYO 'YUNG PANA! AT, PANAIN NYO 'YANG MGA NIYAN!" sigaw ni Fayce kay Gino. Tumango lang ang huli.

Kagaya ng sinabi ni Fayce, pinana ni Dustin ang mga nakabantay sa kanila maski ang mga nasa patotot. Shete! Napabilib ako kay Dustin, isang pana bagsak agad.

Isa-isa dumating sina Debra sa dulo kung nasaan kami.

"DEBRA OLFA, FAYE DAWN, JINKY DAIG, RIA RAMOS, GINO MONTEVERDE, JOAQUI SANTOS, ROWELL DIAZ, DUSTIN CUMBA, DAVE PAEZ ARE NOW SAFE! CONGRATULATIONS!"

Nagulat kaming lahat. B-bakit hindi tinawag sina Ryan at Amchel?

"'Yung oras...t-tapos na." mahinang sabi ni Ria habang nakaturo pa rin sa tv screen. Doon namin nakumpirma na ubos na ang oras namin.

"H-HINDI PWEDE! PLEASE! ILIGTAS NIYO KAMI RITO FAYCE!" Napatingin kami sa mga sumisigaw.

Sila Amchel at Ryan hawak na ng mga taong nakaitim. P-paanong nangyari? P-patay na dapat sila? Sa ulo sila pinuntirya ni Dustin. Pati 'tong nasa dulong tagabantay dapat patay na rin pero ito sila hinahawakan ng mahigpit ang dalawa.

Nagulat kami sa sumunod na nangyari. Hinati ng may hawak ng chainsaw ang katawan ni Amchel pataas at nahati ito sa dalawa.

"President!!" hiyaw ni Joaqui ng makita ang nangyayari.

Halos masuka kami dahil sa nangyari kay Amchel. Kumalat ang mga laman-loob niya dahil sa paghati. Hindi pa sila nakuntento, hinati pa rin nila ito sa dalawa pa at kinuha ang mga laman-loob ni Amchel at hiniwa nila ito na parang mga karne, sumunod na nangyari ang nagpabaliktad ng mga sikmura namin, kinain nila ang mga ito.

Nagsisiiyakan na ang mga babae dahil sa nangyayari. At, si Ryan pilit na kumakalas pa rin sa humahawak sa kanya.

Nang matapos sila kay Amchel na ngayon ay buto na lang ang nakikita namin, iniwan nila ito na parang basura. Sh*t!

Lumapit sila kay Ryan na pilit pa rin kumakawala. Nagulat na lang kaming dahil sa isang iglap, wala na ang ulo ni Ryan. Kung anong ginawa nila kay Amchel, 'yun din ang ginagawa nila ngayon kay Ryan.

Tumalikod na ako, ayoko na. Ayoko na makita kung anong ginagawa nila kay Ryan.


"YOU CAN NOW REST FOR AWHILE, STUDENTS OF ABADDON SCHOOL! BECAUSE OUR NEXT GAME TOMORROW WILL BE DIFFICULT. GOODLUCK AND BE SAFE AGAIN!"

Sa narinig namin galing sa speaker, nalaman na naming safe na kami ngayon.

Naglalakad kami ngayon at lahat kami ay tahimik. Walang gustong magsalita.

Nang makarating ulit sa canteen. Umupo kami na parang pagod na pagod kami. Tatlong game sa isang araw. Na wala kaming kaalam-alam sa nangyayari bakit may ganito.

"Ano gusto niyong kainin?" basag ni Dave sa katahimikan. Pero, ni-isa sa amin walang sumagot.

"Gusto ko ng magpahinga." Sa sinabi ni Jinky nun, Nagkanya-kanya na silang higa sa ibabaw na lamesa at ang iba ay sa mga silya na nakahilera.




"Tngina! K-kung naisip ko na agad n'yon, S-sana walang namatay sa atin! Tngina!" paulit-ulit na sinasabi ni Fayce sa sarili.

"W-walang may kasalanan nito Brad! Maski kami hindi rin namin naisip n'yon! Kaya 'wag mong sisihin ang sarili mo." Sabi namin sa kanya.

"K-kuya, 'wag mong sisihin ang sarili mo. Maski kami may kasalanan rin, kung nakaisip agad kami ng paraan, S-sana hindi namatay sina Amchel at Ryan." Sabi ni Faye sa kakambal, na katatapos lang niya gamutin ang sugat ni Rey.

"Walang may kasalanan Brad. 'Wag mong sisihin ang sarili mo." Sabi ni Rey na pilit na bumabangon sa ibabaw ng lamesa.

"B-baka oras lang talaga nila. K-kaya sila ang namatay kanina." dugto niya ng maka-upo na siya ng maayos.

Sa puntong iyon, nahismasmasan si Fayce. "Nasaan sila Debra at Ivan?" tumingin siya sa amin.

Tinuro lang namin sina Debra at Ivan. Nakaupo si Ivan sa mga upuan habang nakahiga naman sa kanya si Debra. Sa tantisya namin pareho na silang tulog.

"Tulog na ang love birds. Sila na ba ulit?" tanong sa akin ni Rey. Isang kibit balikat lamang ang binigay ko sa kanya.

Hindi ko rin kasi alam ang isasagot ko. Kung sila na, Okay lang. Masaya ako para sa kanila kung sila na talaga ulit.

Nakatulog na rin sina Faye at Rey. Hihiga na rin sana ako sa lamesa ng magsalita si Fayce.

"Hindi ka ba nasasaktan?" Tanong niya sa akin.

"Huh? Wala naman akong sugat ogag! Sige na, matutulog na rin ako. Napagod ako ngayong araw. Matulog ka na rin. Huwag mo nyon alalahanin." Sabi ko sa kanya. Alam ko naman kung anong tinutukoy niya eh. Alam na alam ko.

"Wala ka nga sugat pero niyang puso mayroon. Lincoln, kilala kita. Matagal ko ng alam na may gusto ka rin kay Debra..."

Napangiti na lang ako sa kanya. Sa aming Anim, siya lang ang may alam tungkol sa pagtingin ko kay Debra.

"Fayce..." humiga ako at tinakpan ang mga mata ko gamit ang kanang braso ko. "Hindi naman ako bayani para ipaglaban siya. Okay na ako sa set-up namin na, magbestfriend kami. Masaya na ako roon. As long na nakikita ko siyang masaya kasama si Ivan, wala akong tutol." tumingin ako kay Fayce "Ewan ko ba sa puso ko bakit siya pa rin ang tinitibok."

"Kasi Lincoln, ang puso kahit kailan hinding-hindi mo madidiktahan kung sino ang mamahalin mo. Bigla na lang ito titibok ng hindi mo namamalayan. Ganyan ang puso,Brad."

Ngayon ko lang napansin na sobrang seryoso si Fayce. Hindi mo siya makakausap sa ganitong topic...

"Naaalala mo ulit siya?" tanong ko sa kanya.

"Oo." walang alinlangan niyang sagot.

Akala ko itatanggi niya. Nagulat ako sa sagot niya.

"Pero pilit ko naman siya kinakalimutan. Langya kasi 'tong puso ko. G*go kagaya ko!" Naghintay pa ako baka kasi may sasabihin pa siya. "Sige na Brad, matulog na tayo mukhang mapapasabak na naman tayo bukas."

Sa sinabi niyang 'yon, nilamon na ko ng kadiliman.

- End of chapter 10 -

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.

Thank you!!!❤

Continue Reading

You'll Also Like

83.3M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
143K 1K 8
Maelanie Inocencio is a senior high school student in Saint Augustine Academy, a prestigious school in Hespheria, ang bayan kung saan ipinanganak ang...
171M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
978 10 3
Magmahal Muli Limang taon nakalipas muli nagkrus ang kanilang landas,ngunit sa pagkikita ng dalawa parang ibang tao si chein yung bang parang wala la...