Married to Unknown

By CloudMeadows

8.7M 321K 132K

12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you t... More

Married to Unknown
PROLOGUE
I.
II.
III.
IV.
V.
VI.
VII.
VIII.
IX.
X.
XI.
XII.
XIII.
XIV.
XV.
XVI.
XVII.
XVIII.
XIX.
XX.
XXI.
XXII.
XXIII.
XXIV.
XXV.
XXVI.
XXVII.
XXVIII.
XXIX.
XXX.
XXXI.
XXXII.
XXXIII.
XXXIV.
XXXV.
XXXVI.
XXXVII.
XXXVIII.
XXXIX.
XL.
XLI.
XLII.
XLIV.
XLV.
XLVI.
XLVII.
XLVIII.
Bonus Chapter: "The plan and the truth about 5 years ago."
XLIX.
L.
EPILOGUE.
Final note
Special Chapter # 1
Special Chapter # 2

XLIII.

109K 4.1K 1.6K
By CloudMeadows

Third Person's

FLASHBACK

Napatingin siya sa munting sanggol at kinanlong niya ito sa kanyang mga bisig. Lahat ng pagod na kanyang dinanas ay napalitan ng galak at tuwa nang masilayan ang pangalawa niyang anghel. Nakakatuwang panoorin nang dalhin pa nila ang nangunang anak niya at ngayong magkatabi ang kambal ay hindi niya maiwasang maiyak sa tuwa. Hindi niya alam kung anong nagawa niya sa kanyang buhay upang mabiyayaan ng dalawang magagandang anghel. Napaka swerte niya at ang kanyang asawa.

Namuhay sila ng normal at masaya. Maraming natutuwa sa kambal kahit saan sila magpunta. Nasa isang parke sila ngayon at tulad ng ibang pamilya, nandoon sila upang makapag bonding ngunit nalingat lang saglit ang mag asawa ay hindi nila namalayan na nawawala ang kambal nila.

"Nicca? Nicole?" Halos libutin na nila ang buong parke kakahanap sa kanilang mga anak ngunit sa kabilang dako naman, masayang naghuhukay ng lupa ang dalawang bata habang itinatanim nila ang kakapitas nilang bulaklak. Kaso dahil mumunting puslit lamang sila, natumba lang din ang halaman na pilit nilang pinapatayo.

"Kailangan ninyo ng tulong?" May lumapit sa kanilang bata, medyo mas matanda nga lang ito ng kaunti. Napatingin si Nicole sa batang lalaki na nagsalita.

"Logan! Dito tayo!"

May lumapit namang isa pang batang lalaki at nagulat sila dahil magkamukha rin ang dalawang batang lalaki.

"Kambal din kayo?" Sambit nilang dalawa.

"Oo. Ako nga pala si Luc at ito si Logan."

"Hi!"

"Kayo? Anong pangalan niyo?"

"Siya si Nicca at ako naman si Nicole."

Napangiti nalang silang apat at nagsimulang magtanim ng mga napitas nilang bulaklak. Hindi inaasahan na masugatan si Nicca sa kanyang hintuturo kaya naman napaiyak ito habang agad naman siyang dinaluhan ng kanyang kakambal. Lingid sa kanilang kaalaman ay nanuyo ang lalamunan ng dalawang batang lalaki sa nakita nila. Buti nalang at dumating ang magulang nila Nicole at Nicca kaya agad silang nakatakbo papalayo.

"Andito lang pala kayo! Haynako pinag-alala niyo pa kami ng papa niyo-oh bakit may sugat ka anak?! At bakit ang dungis niyo? Jusko hali nga kayo dito, tara at gamutin natin yan baby ha? Huwag ka nang umiyak, bili nalang tayo ng ice cream doon okay?"

"Opo."

"Teka mama yung mga kaibigan po pala nam-" Napalingon si Nicole sa kinatatayuan ng bago nilang kaibigan ngunit bigla na lamang silang nawala. Asan na sila?

"Mamaya na muna yan. Kailangan nating gamutin ang kapatid mo. Halika na."

Hinila na siya ng kanyang ina at napalingon na lamang siya sa kumpulan ng mga bata at nakita niya doon si Luc? Logan? Hindi niya alam pero ngumiti na lamang siya at kumaway at ganun din ang ginawa ng kanyang kaibigan. Nawala na ito ng tuluyan sa kanyang paningin nang muli niya itong tignan.

Lumipas ang ilang araw at mag-isa si Nicole na naglalaro sa kanilang bakuran nang makarinig siya ng sitsit. Nabitawan niya ang hawak niyang manika at napatingin sa batang nakatanaw sa kanya mula sa gate. Wala ngayon ang kanilang magulang at tanging ang yaya lamang nila ang kasama nila ngunit kasama nito si Nicca sa loob na nanonood.

"Psst bata!"

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"

Inabot niya ang bukasan ng gate at tuluyang lumabas. Sa kanyang harapan ay nakatayo ang lalaking nakilala nila sa parke ngunit hindi niya kasama ang kanyang kambal.

"Nicole diba?"

"Oo. Ikaw ba si Luc o Logan?"

"Luc." Itinuro niya yung malaking bahay na tanaw mula sa kinatatayuan nila. "Nakatira kami doon. Naglakad lakad ako at saktong naaninag kita dito."

"Ganun ba?" Napatigil silang dalawa nang may dumaan na nagbebenta ng dirty ice cream.

"Gusto mo?" Tanong ni Luc nang mapansin niyang nakatitig lamang doon si Nicole. Nahihiya namang tumango ang bata sa tabi niya at kinuha nito ang kanyang kamay at hinila papunta sa manong na nagbebenta ng ice cream.

"Oh eto."

"Salamat!"

Napangiti siya. Masaya sikang kumain ng ice cream habang naglalakad nang mapasimangot si Nicole.

"May problema ba?"

"Baka hinahanap na ako, umalis kasi ako ng walang paalam."

"Hatid na kita."

***

"Ikaw ulit?"

Napatingin siya sa bata na nasa labas. Tulad ng dati, inilibre niya ulit ito ng ice cream at naglakad lakad sila hanggang sa maulit ito ng ilang araw. Hindi naman ito napapansin ng kanyang yaya at kambal. Sa ngayon, nasa gubat sila. Hindi niya alam kung paano sila nakarating dito basta ang alam niya ay hawak kamay sila ni Luc at wala pang isang kurap ay nasa isang lugar na sila bigla. Napapamangha siya katulad ng dati nang dalhin siya ni Luc sa may lawa.

"Magic na naman ba ulit ito?"

"Galing diba?"

"Turuan mo ako! Dali! Gusto ko din yan hehe."

"Hindi ito natututo. Kung gusto mo ng ganito, baka masktan ka lang."

"Ha? Bakit ako masasaktan?"

"Wala, kalimutan mo yung sinabi ko." Ginulo-gulo nito ang buhok ni Nicole at muling hinila mas malapit sa isang punong kahoy kung saan sila umupo at pinagmasdan ang paligid. Oo nasa isa silang gubat ngunit maaliwalas ang tanawin dito.

"Bakit tayo nandito ngayon?"

"May ipapakita ako sayong sikreto pero mangako ka sa akin na hindi ka matatakot sa akin."

"Pangako."

Napangiti si Luc. Tumayon siya at pinagpagan ang kanyang suot at inabot ang kanyang kamay kay Nicole. Inabot naman niya ito at naglakad ulit sila ngunit hindi niya sinasadyang makaapak ng isang bagay na magreresulta nang pagkakahulog nila sa isang....

Napasigaw si Nicole.

"B-Bakit may mga kabaong dito? B-bakit may patay? Ang dilim!" Narinig niyang tumawa si Luc sa kanyang tabi.

"H-Hoy ba't ka tumatawa? Masaya ka bang may kasama tayong patay dito?!"

"Hold tight, Nicole."

Sa sinabi niyang iyon, mas hinigpitan ni Nicole ang hawak niya sa kamay ni Luc. Nahulog sila sa isang catacomb at lagpas isang daang casket ang nakapalibot sa kanila. Hindi na maipinta ang mukha ni Nicole.

"Paano tayo makakaalis dito? Wala pa tayong flashlight. Mamamatay na ba tayo dito kagaya nila?"

"Sshh."

Nagliyab ang mga torches sa paligid at mas lalo pang namutla si Nicole ngunit ngayon niya lang napansin ang isang daan patungo sa lugar na hindi niya alam. Dito siya hinila ni Luc at hindi niya alam kung ilang minuto sila nagpasikot sikot at naglakad lakad hanggang sa makarinig na siya ng ingay at nagkakaroon na ng toong ilaw mula sa paligid. Napanatag ang kanyang loob nang may makita siyang pintuan na sobrang laki at kulay ginto.

"Papasok ba tayo?" Namamangha niyang tanong, para bang nakalimutan niya lahat ng kabaong na nakita niya kanina.

"Tara."

At tuluyan nilang binuksan ang pinto.

It's New Year's eve, ilang oras nalang ay magbabagong taon na pero nakahilatay pa rin si Gemma sa kama at hindi pa nagigising. Ilang araw na siyang hindi bumabangon. Imbes na magpakasaya dahil magbabagong taon na ay naririto ang kanyang mga kaibigan upang magbakasakaling magising siya.

"Hindi pa siya gising?" Tanong ni Hector na ngayon ay nawawalan ng ganang kumain maski ang paborito nitong bubble gum.

"Unfortunately..." Sagot naman ni Rose na nakasandal sa balikat ni Harold habang si William naman ay tahimik lang at nakasandal sa isang pader. Bumukas ang pinto at napalingon silang lahat sa kakapasok lamang.

"Derick?"

"Anong...?"

"I told him to come here."

Nasa likod naman nito si Luc na seryosong nakatingin sa katawan ni Gemma na namumutla sa kama. Hindi niya tuloy maiwasang makaramdam ng kirot sa dibdib.

"He's a part of her memory. The memory he created. He can explain slowly without her being shocked and confused."

"Ibig sabihin?"

Tumango si Derick.

Napalingon siya sa katawan ng babae. Still the same beauty he remembered. Kaso ang pinagkaiba, namumutla ito. You can see on her face the fatigue and exhaustion of these f*cked up situations.

"It's been 5 years." He smiled bitterly.

Nagulat sila nang makita nilang gumalaw ang kanyang daliri at unti unti nang dumidilat ang kanyang mga mata. Kahit gusto nilang salubungin ito sa kanyang bagong gising, nanatili sila sa kanilang kinauupuan at hinayaan nila si Luc na lapitan ito. Naghihintay sila kung anong susunod na mangyayari.

Everyone is happy, nervous, scared, it's a mixed emotions. Finally, the fireworks started to invade the peaceful nightsky, displaying a vivid hues as a sign of embracing another fruitful new year.

Time check: 12:00 midnight

Gemma

Pakiramdam ko, napakaraming mata ang nakatitig sa akin kaya naman unti unti kong binuksan ang mga mata ko. Nakakarinig din ako ng mga ingay sa paligid. Iginalaw ko ang daliri ko. Bakit ganito? Ano bang nangyari at pakiramdam ko ang hina hina ng katawan ko?

Tuluyan ko nang nabuksan ang mata ko at medyo malabo ang paligid pero naka adjust din agad ito at una kong nakita ang lalaking kanina ko pa gustong makita. Una ko siyang tinignan sa mata, I can see pain inflicted in those beautiful eyes and now, I remembered everything. Hindi tuloy maiwasang sumakit ng leeg ko nang maalala ko yung gabi na yun.

Pakiramdam ko naman na umalis yung mga ibang tao dito kanina upang bigyan kami ng privacy.

"How are you feeling right now?" Bahagya niyang inilagay ang buhok ko sa likod ng tenga ko. Every little things of his actions make my heart flatter.

"A-"

"No. That was a stupid question. I know you're not okay." He holds my hands at saka ito hinalikan ng paulit ulit. "I'm sorry...I'm sorry...I'm sorry..." He kept on murmuring those words habang nakadikit ang labi niya sa likod ng kamay ko at hindi pa niya ako pinagsalita, tumayo siya at hinalikan ako sa noo hanggang sa hindi ko na maintindihan kung anong lumalabas sa bibig niya basta isang salita lang ang paulit ulit niyang sinasambit at yun ay ang salitang, "Sorry, love."

"Luc." I held his face. It feels worst when I see him like this. Alam kong saakin lang siya nagmumukhang ganito, I'm the only one who can see this side of him. I brushed his hair away from his forehead at ako naman ang humalik sa noo niya. "I love you." That's all I could ever say at sa wakas ngumiti siya pero sumimangot ulit.

Still my moody husband.

"Be honest, kumikirot pa rin ba?"

Sigh. "Yes."

"See? Huwag kang malikot." I stayed in place. Akala ko kung anong gagawin niya pero nagulat ako nang bigla niya akong halikan sa labi. It was fast yet gentle, very gentle. Nag-iingat siya na hindi ako masktan.

That's what I thought. He bit my lower lip-hard. Napasinghap ako at narinig ko siyang tumawa ng mahina. I want to lean back but he held my waist and kept me still. I groaned when he left my lips but let out a satistfying sigh when he brushed soft butterfly kisses on my neck. Medyo napadilat lang ako nang maramdaman ko na papunta yung mga halik niya sa sugat ko. Is he going to bite me again? You know I never mind. I arched my neck kaso huminto siya bigla.

"Sabi ko sa'yo huwag malikot, stubborn wife." He gave one last peck sa may sugat ko at ngumisi sa akin. I just rolled my eyes.

"Happy new year, love."

New year? Napatingin ako sa labas at ayun nga, maraming mga firework display. Yun pala yung narinig ko kanina na maingay. Napatingin ako kay Luc at nakita ko kung paano niyang pinagmamasdan ang bawat parte ng mukha ko nang may ngiti sa labi. This may not be the ideal way to celebrate a happy new life but being with him is more than enough. I am ready to face another life challenging experience as long as I am with him. My life, my savior, my home, my husband, my love.

"Happy new year vampire husband." I smiled and pulled him closer.

"Are you going to rape me now?" Ang seryoso ng mukha niya at hindi ko mapigilang matawa.

"Dapat ako ang magtatanong niya." I joked.

"If I will, you couldn't walk for days love." Itinaas ko ang dalawa kong kamay. Someone needs to chill. Neverthless, he's still my man. I love him so much...I will love him a thousand more.

"Why are you crying?" Bigla siyang naalarma at hinila ako upang mayakap.

"You know I was just joking right? Shh, Gemma please stop." Hinalikan niya ang mga luha ko. He's so worried to the point na gusto kong matawa pero baka akalain niya na nababaliw na ako. Actually, may nararamdaman akong kakaiba ngayon pero hindi ko maipaliwanag. Mas gumaan ang pakiramdam ko sa kanya. While I was asleep, I dreamt of something, though it was blurry, parang alam ko kung anong nangyayari. It was both scary and happy dream. Ayoko munang alalahanin yung isang panaginip na nakita ko. Maybe I'll ask Luc, but not this time. This should be a happy new year, no negative thoughts.

"Shut up."

I kissed him to shut him up pero agad din kaming naghiwalay.

"Spg!!!"

END OF CHAPTER 43.

Hinay hinay muna sa revelations, pa demure muna tayo sa chapter na 'to dahil guguluhin ko utak niyo sa mga susunod na chapters. If you can't get the flow of the story-well ako din kidding haha please backread or might as well wait for this book na matapos para maibigay yung sagot. 2-5 chapters left I guess? Stay tuned!


Continue Reading

You'll Also Like

7.6K 637 14
|PUBLISHED UNDER KPub PH| βœ…Complete Sometimes, it's only when we lose someone that we truly realize their worth. Lilah Daza experienced this revelati...
8.4M 468K 53
Jewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other goddesses her age when it comes to power an...
428 53 12
[COMPLETED] This is the first installation of the short story series which revolves around life and love. "How do we know that it was meant to happe...
2.3M 36.2K 55
A story about two antagonists, a jerk and a bitch, who have long been disillusioned by love, but in some twist of fate, they'd soon find themselves h...