Married to Unknown

Galing kay CloudMeadows

8.7M 321K 132K

12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you t... Higit pa

Married to Unknown
PROLOGUE
I.
II.
III.
IV.
V.
VI.
VII.
VIII.
IX.
X.
XI.
XII.
XIII.
XIV.
XV.
XVI.
XVII.
XVIII.
XIX.
XX.
XXI.
XXII.
XXIII.
XXIV.
XXV.
XXVI.
XXVII.
XXVIII.
XXIX.
XXX.
XXXI.
XXXII.
XXXIII.
XXXIV.
XXXV.
XXXVI.
XXXVII.
XXXVIII.
XXXIX.
XL.
XLI.
XLIII.
XLIV.
XLV.
XLVI.
XLVII.
XLVIII.
Bonus Chapter: "The plan and the truth about 5 years ago."
XLIX.
L.
EPILOGUE.
Final note
Special Chapter # 1
Special Chapter # 2

XLII.

120K 4.4K 2.6K
Galing kay CloudMeadows

Gemma

Nagising nalang ako sa kwarto ko at kung wala pang note na nakalagay sa bed side table ko baka nataranta na naman ako kung sino ang nagbuhat sa akin dito.

Be back, bibili pa ako ng icool. Take care cause I care hehe.

Kahit na hindi ko tanungin kung sino ay kilala ko na ang taong 'to. Napatingin ako sa labas at magmamadaling araw palang. Naalala ko yung nangyari at hindi maiwasang kumirot ng dibdib ko. Sinasabi ng utak ko na umalis na at magpakalayo pero ayoko dahil magmumukha na naman akong duwag kapag ginawa ko yun at pinanghahawakan ko yung sinabi ni Luc. I trust him. Sabihan niyo na akong tanga pero iba kasi ang kutob ko.

Maya't maya'y nagbukas ang pinto. Akala ko si Hector ang papasok kaso iba. It was Luc. His eyes were bloody red, nanigas ako sa kinahihigaan ko. Nakita ko kung paano siya lumapit kaya napapikit ako.

"Baby.." Naramdaman ko yung kamay niya na dumantay sa pisngi ko. "Please look at me."

I did. Hindi na mapulang mata ang nakatitig sa akin kundi ang mapag alalang mata nito. Agad niya akong ikinulong sa bisig niya at hindi ko mapigilang yakapin siya ng sobrang higpit. Isinubsob ko yung mukha ko sa dibdib niya habang paulit ulit naman niyang hinalikan ang tuktok ng ulo ko. We stayed like that for how many minutes hanggang sa siya ang unang nagsalita.

"I'm sorry baby." He murmured against my hair. Eto na ba? Sasabihin na ba niya sa akin na nakipagkita siya kay Nicca? Pinili kong huwag magsalita.

"Sorry dahil ngayon lang ako nakauwi. You look so scared, sorry for not being able to be with you."

Hinaplos haplos niya ang buhok ko kaya napapikit ako. I like it when he does that.

"Sorry if I scared you a while ago." Ngayon naman yung daliri ko ang nilalaro laro niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtanong.

"Saan ka nagpunta pagkatapos mo akong ihatid kagabi?"

"What?"

"Pagkatapos mo akong sunduin sa pinagtratrabahuan ko diba-"

"What did you say?" Naramdaman ko ang paninigas niya. May mali ba akong nasabi? O di kaya ayaw niyang mabuko?

"Sinabi mo sa akin na may pupuntahan kang emergency meeting kaya-"

"The f*ck." Bumalik ulit sa pagiging pula yung mga mata niya.

"Luc, look at me. May problema ba? I want you to be honest with me, sinundan kita nung gabing yon at..." Lumunok ako. "..at nakita ko kayo ni Nicca. H-Hindi ako magagalit kung ipapaintindi mo sa akin kung bakit. Luc, I trust you."

Tumingin siya sa akin at sa unang pagkakataon may takot akong nabasa sa mga mata niya.

Bigla niya akong hinawakan sa balikat at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Para bang may hinahanap.

"Are you hurt? Did he do something? F*ck no. Go*damn it." Patuloy lang siya sa pagmumura. He looks horrified hanggang sa napalitan na naman ito ng matinding galit.

"I should've killed him." He said through gritted teeth. Akmang tatayo na siya nang hilain ko siya pabalik saka niyakap ng mahigpit. He's not in the right thinking to do such thing kahit wala na akong maintindihan sa sinasabi niya.

"Stay here, stay with me." Bulong ko sa tenga niya habang pilit siyang pinapakalma. His heavy breaths are slowly becoming steady habang patuloy lang ako sa pagyakap sa kanya then the next thing I know is he's already drawing circles on my back. I let him basta lang kumalma siya.

"I caused a lot of damage into your life." Pambabasag niya ng katahimikan.

"No.."

"If I hadn't marry you then your life would become normal. It's just me who's selfish enough to drag you into this mess."

"Listen, don't blame yourself. Hindi rin naman ako nagsisisi na ikinasal ako sa'yo." Napakunot noo siya. Para bang labas sa ilong yung sinasabi ko para sa kanya sa kanyang pandinig.

"Because if you hadn't marry me then I will not grow to be the woman I am today, I learnt a lot because of you. You helped me in the most challenging way where trust is on the line, you're the mystery who came into my life and now, every chapter of our journey unfolds the secret with the help of love and trust that I never knew I can build with each day being with you. You made me see things in a different yet adventurous way, Luc." Basta nalang lumabas ang mga salitang yan sa bibig ko. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin bago siya kumalas at siniil ang mga labi ko. I can feel all his emotions with this kiss and I responded wholeheartedly. I knew there's a huge hurdle awaits but he's worth the fight.

The way Luc kissed me yesterday differs from now, at hindi ko maiwasang magtaka. It's like a different person was kissing me that night.

"Gemma..."

"Did...Did you regret having me as your husband?"

"No...no...don't ever think of that. Hindi ako nagsisisi na ikaw ang naging asawa ko. No Luc just please huwag mong isipin yan dahil hindi yan totoo. Do you understand me? I love you...I love you..." It seems like nakikipagtalo pa siya sa sarili niya. Ano bang bumabagabag sa kanya?

"Pero malaki ang kasalanan ko sa'yo. Hindi ka ba natatakot na mas mapapahamak ka pa lalo kapag kasama mo ako?"

"Noon." Pag aamin ko. Hindi ba yun din yung dahilan kung bakit ako nagpakalayo?

"Pero hindi na ngayon. We will both end this together and I will be here at your side no matter what. Alam kong nakakapagod na pero mas mapapagod lang tayo kapag nagpatuloy lamang ito nang nagpatuloy. Mas marami lang ang masasaktan kapag hindi natin ito tatapusin." I smiled at him and hold his hand. Finally ngumiti na rin siya at hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.

"Thank you for coming into my life. You're the only woman who can silence my dark side. The only woman, the only angel and the only sanctuary I can hold on to. I lov--"

"Uy pengeng Icool."

"Utang na loob! Anong silbi ng yaman mo? Tig piso lang 'to sa store chupi."

"Isa lang naman? Ang damot nito."

Napatigil si Luc at napatingin kami sa door na nagbukas. Naunang pumasok si Hector na mukhang kambing sa kakanguya at sumunod naman si Harold na mukhang naaalibadbaran na tapos yung huling tao...

"William?" Anong ginagawa niya dito?

"Hi princess!" Kumaway siya sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" Ibinaba niya yung kamay niya at nakita ko siyang napatingin kay Luc. Magkakilala sila? Anong meron?

"Go to your bedroom, I will explain everything after this." Bago pa ako maka-angal, hinalikan na niya ako sa noo. He looked at me, nakikiusap na huwag nang makipagtalo. I just sighed and whispered, "I trust you." And went upstairs.

Third Person's

Inilatag ni William lahat ng larawan na nakuhanan niya kahapon ng gabi. Ito ang karugtong ng mga larawan na nakita ni Gemma kagabi sa opisina ni Luc. Hindi nila inaasahan na papasok siya sa opisina ni Luc pero hindi naman siya nagtanong tungkol sa mga larawan kaya nakahinga sila ng maluwag pero hindi rin magtatagal ay maghihinala rin si Gemma.

"So Logan was with her yesterday? That damn bastard." He muttered through gritted teeth. Tinignan niya lahat ng larawan at may isa dito na nakapukaw ng atensyon niya. He saw her wife and Logan kissing. Nagliyab ang galit sa kaloob-looban niya. Gusto niyang pumatay at manakit.

"WHY THE F*CK DID YOU LET HIM?!" Kinuha niya ang larawan at ibinato.

"Boss, ang alam kasi ni Gemma ay ikaw yung kasama niya kagabi. Kung eeksena ako baka mabuking tayo ng wala sa oras."

"THE HELL I CARE." Mukhang hindi na ito makapagtimping sumugod kung hindi lang siya pinigilan ng tatlo.

Kahit na natatakot sila, mas nakakatakot kapag hinayaan nila siyang mag isa na pumunta doon. Hinayaan nila itong huminga ng malalim, pabagsak namang isinalampak ni Luc ang katawan sa sofa at hinilot ang noo.

"5 girls and 8 boys have been reportedly missing one month ago Inilatag ulit ni William ang labing-tatlong larawan.

"This girl was caught to be one of your wife's customer. Siya rin yung babae na nakita ni Harold at Hector na nagmamanman sa inyong dalawa." Naglatag ulit siya ng larawan. Nagbago naman ang timpla ng mukha ni Luc.

"Eto namang tatlo ay kasama ni Gemma sa karinderya na pinagtratrabahuan niya sa probinsya noon." Pamilyar sa kanya yung tatlo na naging ka-trabaho ng kanyang asawa.

"At itong dalawang babae ay kasama naman niya kagabi. Staff din ng hotel kung saan naganap yung bridal shower ng client. May tatlo ding lalaki na nagpanggap bilang janitors upang magbantay. Isa na rin diyan yung nabuking boss kagabi, siya rin yung umaktong tumulong kay Gemma noong nahimatay siya sa club." Isa sa mga lalaki na yun ang pinahirapan niya kagabi at hindi man lang siya nakaramdam ng katiting na awa.

"At itong apat na lalaki, matagal nang naging customer ni prin--Gemma sa mga club na pinagtrabahuan niya. Kahit ilang lipat na siya ay nakasunod pa rin ang apat na yan."

Ang daming larawan na nakalatag sa lamesa at hindi lang yung 13 na sinabi ni William ang nagmamanman sa kanyang asawa. Lagpas bente sila na nakapalibot at nakabantay sa kanyang asawa at kabilang na doon ang naging kaibigan niya noon na si Raven. Makikita sa mga larawan na ang iba sa kanila ang nagbibigay ng mga iba't ibang bagay sa bahay ni Gemma. Malamang utos ito ng magaling niyang kapatid...

"At si Nicca..." Hindi naituloy ni William ang kanyang sasabihin nang itaas ni Luc ang kanyang kamay ngunit nasabi na ito ni William.

"Buntis siya."

"What?" Natigilan ito sa narinig. He doesn't know what to feel pero nanaig dito ang galit.

Tumayo siya at bigla nalang nawala sa kanyang kinauupuan at wala na silang nagawa upang pigilan pa ito.

Gemma

Who's Logan?

Hindi ko sinasadyang marinig ang pangalan na yan habang papasok ako ng kwarto. Why do I feel like may mas mabigat pa silang itinatago? Alam ko namang sasabihin din sa akin ni Luc ang lahat. Isinandal ko nalang ang sarili ko sa pintuan at nanghihinang napaupo. Whatever happens, I need to be strong. Konting niis nalang, malalaman ko din ang lahat.

Yung mga litrato na nakita ko sa opisina ni Luc, malaki ang hinala ko na may pinapasunod siya sa akin na magbantay bukod kay Harold at Hector ngunit hindi ko lang alam kung sino pero may hinala ako. Posible kayang si William? Hindi ko alam kung masyado nang nagiging malikot ang utak ko pero yun ang hinala ko kasi magmula nung nagkita kami, nakabuntot na siya at biglang sumusulpot kung saan man ako at mas lalong lumakas lang ang kutob ko dahil magkakilala sila ni Luc.

At isa pa yung gulat na mukha ni Luc nang banggitin ko yung nangyari kagabi. Bakit ganun nalang ang reaksyon niya?

I should've killed him...

I should've killed him...

I should've killed him...

I should've killed him...

Him?

This sounds absurd pero hindi kaya...may kakambal din si Luc? Kung ganun ang kasama ko kahapon ay si Logan?

I shook my head but I have this weird feeling na iba talaga ang kasama ko kahapon. When I kissed that guy, it feels so empty, hindi ko alam pero hindi ako komportable. Tumayo ang balahibo ko, iniisip ko palang na hindi si Luc ang nakahalikan ko kagabi nandidiri na agad ako. How is that even possible?

Pero sa pagkakaalam ko ay nag iisang anak lang si Luc pero hindi rin malabo na may itinatago siya tungkol sa pamilya niya? Sa pagkakatanda ko, wala man lang siyang naikuwento tungkol sa mga pamilya niya. Mas lalo lang lumalakas ang hinala ko.

I hate to do this but I will not just sit here and do nothing. If I want answers, I'll gotta do my own way. May isang parte dito sa bahay ang hindi ko magawang bisitahin at iyon ang attic. At ang daan papunta roon ay walang iba kundi nasa loob ng kwarto ni Luc.

Lumabas ako at napansin kong wala na siya sa baba at hindi ko alam kung nasaan na yung tatlo. I entered his room and to my shock, nakita ko si Luc na nakahiga doon at nakatakip ang braso niya sa kanyang mata. Alam kong napansin na niya na nakapasok ako sa kwarto niya.

"Luc?"

"Hmm."

He sound so tired. Nilapitan ko naman siya agad but why did the atmosphere suddenly dropped?

"You need to rest. Babalik nalang ako sa kwarto ko."

"No, stay beside me." His voice is so cold yet alluring.

Hinawakan niya ang kamay ko at muntik na akong mapatalon sa kinatatayuan ko. I know his hands are cold but not this type of coldness. Agad akong bumitaw. Hindi ko alam pero naninibago ako. Bigla akong nakaramdam ng takot. This is not Luc. This is not my Luc. Who is he?

Naramdaman niya siguro ang pag tense ko at nasilayan ko ang pilyong ngiti na naglalaro sa kanyang mga labi bago niya tinanggal ang brasong nakatakip sa kanyang mga mata at iniluwa nun ang isang nanlilisik na mapupulang mata. Hindi katulad nung kanina na nakita ko kay Luc, mas mapula ito na halos magkulay itim na. Mas lalo akong natakot nang masilayan ang mga mata nito na para bang handa nang gumawa ng masama.

"S-Sino ka?" I managed to say but it came out as a whisper pero alam kong narinig niya. He took one step forward and two step for me backward.

"Babe, it's me, your husband. Don't be scared and hold my hand. I won't hurt you." Sinabi niya yung huling linya na para bang naglalaro. He took one step forward again and I repeat what I did a while ago. No. This is not my husband. Alam kong nakakatakot siya kapag nakikita ko siya sa tunay niyang anyo pero ang taong nasa harapan ko ay isang mistulang demonyo. His fangs are so long and sharp na para bang isang kamaling hakbang ko lang ay babaon na ito sa aking leeg.

"I promise." He said with no sincerity. A promise with an empty vow.

"No." I bravely answered pero sa totoo lang ay nanginginig ako pero pilit ko yun na hindi ipahalata sa kanya. Naulit na naman yung kanina, humakbang siya at umatras ako. He smirked, clearly enjoying this.

"Ikaw ba si Logan?" There I said it. Hindi ko alam kung saan ko nakuha itong lakas ng loob ko pero alam kong nilalaro niya ang utak ko at hindi ko yun hahayaan. Mas maganda kung deretsahan na. He can't manipulate me. Not again. Not this time.

He stopped on his tracks. Medyo nagulat siya pero mabilisan lang yun at andun na naman yung mapaglarong ngiti niya. Bumalik bigla sa normal yung hitsura niya at muntik ko nang makalimutan na hindi si Luc ang nasa harapan ko.

Kahit saang anggulo ko tignan, parang kaharap ko ang asawa ko.

"He told you? That bastard."

"Hindi."

"Hmm really? Impressive. How did you know dear?" Kinuha niya ang pocket knife sa kanyang bulsa at prenteng pinaikot ikot yun sa kanyang kamay.

"You don't have to know."

"Feisty and smart. No wonder tinalikuran ako ng magaling kong kakambal para sa'yo." Ngayon na sa mismong bibig na niya lumabas, hindi ko pa rin maiwasang magulat. Tell me I'm dreaming because if not, just by the mere fact of me standing here face to face with the exact carbon copy of my husband is a real nightmare.

"Paano ka nakapasok dito?"

"The window?" Sabi niya at itinuro ang nakabukas na bintana. Para pang nang-aasar eh ang higpit ng security dito.

"Ano bang kailangan mo?"

"Good question." Nag isip pa siya sandali. "You."

"Anong kailangan mo sa akin?"

"Hmm. Ano nga ba?" Nanlamig ang buong katawan ko nang maramdaman ko siya sa likod ko. "Take a guess babe." He whispered against my ear that sent chills down my spine. "A wild guess."

Sabay ng bawat katagang lumalabas sa bibig niya ay nararamdaman ko kung paano gumasgas ang mahahaba nitong pangil sa leeg ko. Para bang nang-aasar lalo na nung dampian niya ito ng isang halik. Nakatulala lang ako, hindi ako makagalaw.

"Gemma! Gemma!"

Bumukas ang pinto at iniluwal nun ang mukha ni Harold kasunod nito si William na humahangos. Bumalik ako sa katinuan at nagpanggap na walang nangyari.

"B-Bakit? Anong nangyari?"

"Si boss..." Hindi nila maituloy ang gusto niyang sabihin nang marinig ko ang malakas na sigaw mula sa baba. Napalabas agad ako at sinundan ang sigaw na yun pero hinawakan agad ako ni Harold sa kamay.

"Bitawan mo ako." I calmly said but I'm getting worried. Bakit sumisigaw si Luc?

"Delikado pero gusto ko lang malaman mo na wala siya sa tamang pag iisip ngayon."

"Ano? Bakit? No let me see him. Kailangan niya ako." I tried escaping from his grip pero mas malayong mas malakas siya kasya sa akin. "Harold? Let go!"

"Masasaktan ka lang kapag lalapitan mo siya! Si Logan, andito siya kanina diba?" Hindi ako nakapagsalita.

"Naramdaman yun ni Luc to the point na lumagpas sa limitation ang kanyang emosyon. Alam kong nag-aalala ka sa kanya pero wala siyang sinasanto kapag nasa ganito siyang kondisyon."

"No...no...I need to see him." Naririnig ko pa rin mula sa basement yung sigaw ni Luc. This pains me just by hearing all his agony.

"Please Harold, let me hold him. Let me whisper some comforting words to him, let me be there for him. Harold please just this time. Let me...."

"Pero kasi Gemma, delikado..."

"Let me atleast see him." He sighed at dinala ako sa basement. Huminto kami sa pinto at naririnig ko yung tunog ng kadena at boses nila William at Hector. Pumasok na kami at nakita ko silang seryoso, hindi ako sanay na makita sila ng ganito. I continued walking at mukhang nabasa naman ni Harold yung nasa isip ko at pinatigil niya agad ako sa pamamagitan ng paghawak sa balikat ko pero alam kong narinig ni Luc ang mga yabag ng paa ko, alam na niyang nandito ako dahil tumigil siya sa kakasigaw at sa wakas tinignan niya ako sa mata.

Ibang iba sa Luc na nakita ko kanina, muntik ko na siyang hindi makilala sa hitsura niya. Halos lumabas na ang ugat sa kanyang mga kamay at leeg na nangingitim na at yung mata niya, kakulay na ito ng mata ng kakambal niya kanina. Yung pangil niya ay nakalabas na at napansin kong dumudugo na ang ibabang labi niya.

I want to hug him. I want him to feel my comforting presence. Lumapit agad siya sa rehas na naghihiwalay sa amin. Napansin ko na naka-kadena siya kaya napatingin ako sa tatlo.

"It's silver. This will refrain him from breaking it."

"Kahinaan yan ng bampira, pero in his case, he's not just an ordinary vampire kaya huwag kang mag-alala. This will just slow down his energy."

Napatango ako kahit na hindi na pumapasok sa tenga ko yung sinasabi nila.

"Can you leave us?"

"Hindi pw--"

"Please? I just want to talk to him in private. Kahit ilang segundo lang hayaan niyo akong kausapin siya nang kami lang."

"Tawagin mo lang kami, nasa labas lang kaming tatlo princess." Tumango at nagpasalamat ako bago ko tuluyang narinig ang pagsara ng pinto. Ibinaling ko ang tingin ko sa loob ng rehas pero nagulat ako.

Where is he?

Nagulat ako dahil nasira yung chains na nakatali sa kanya at nayupi yung rehas. Lilingon pa sana ako kaso may yumakap sa akin mula sa likod at narinig ko ang malalalim na hininga na tumatama sa leeg ko. He growled and sniff me. Para bang mas lalo pa siyang nagalit.

"Logan." He said in a very deep voice. Almost in a menacing way.

"L-L-Luc..ako 'to..."

He licked my neck. I closed my eyes. They have warned me but whatever happens to me right now is my fault but I will not regret anything. As long as I know he will wake up to his senses after this.

My voice got stucked on my throat. Napasinghap ako nang tuluyan niyang ibaon ang kanyang pangil sa aking leeg. It was fast and almost surreal. It hurts too much to the point na gusto kong sumigaw at umiyak sa sakit pero hindi ko magawa. Para bang inaapoy yung leeg ko hanggang sa makaramdam ako ng lamig. My vision starts to blur, I can't say anything. I can't feel anything. I can't move anymore. Nagsisimula nang mandilim ang paligid at tanging mukha lang ni Luc ang huli kong nakita bago tuluyang bumagsak ang katawan ko sa mga kamay niya at hindi ko na alam kung anong sumunod na nangyari.

END OF CHAPTER 52.

Meet the Hamilton twins.



Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

8.7M 321K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
8.4M 468K 53
Jewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other goddesses her age when it comes to power an...
417 53 12
[COMPLETED] This is the first installation of the short story series which revolves around life and love. "How do we know that it was meant to happe...
510K 27.3K 45
Deanery Mortel was a single woman with fat pocket. But despite of wealth and success, she was secretly empty inside because of a man she let go. Her...