Abaddon School (Part 1&2)

By TitserAna

12.7K 1.2K 97

Abaddon School (Part 1) - Completed Abaddon School (Part 2) - Completed Abaddon School: The Last Fight (P... More

ABADDON SCHOOL
AUTHOR'S NOTE
CHARACTERS
PROLOGUE
Abaddon School Part 1.1
Abaddon School Part 1.2
Abaddon School Part 1.3
Abaddon School Part 1.4
Abaddon School Part 1.5
Abaddon School Part 1.6
Abaddon School Part 1.7
Abaddon School Part 1.8
Abaddon School Part 1.10
Abaddon School Part 1.11
Abaddon School Part 1.12
Abaddon School Part 1.13
Abaddon School Part 1.14
Abaddon School Part 1.15
Abaddon School Part 1.16
Abaddon School Part 1.17
Abaddon School Part 1.18
EPILOGUE
ABADDON SCHOOL - END
PROLOGUE (ABADDON SCHOOL PART 2)
Abaddon School 2.1
Abaddon School 2.2
Abaddon School 2.3
Abaddon School 2.4
Abaddon School 2.5
Abaddon School 2.6
Abaddon School 2.7
Abaddon School 2.8
Abaddon School 2.9
Abaddon School 2.10
Abaddon School 2.11
Abaddon School 2.12
Abaddon School 2.13
Abaddon School 2.14
Abaddon School 2.15
Abaddon School 2.16
Epilogue [Part 2]
note
PROLOGUE (PART 3)
3.1

Abaddon School Part 1.9

226 40 2
By TitserAna

Chapter Nine:

FAYCE'S POV

Sh*t naman oh! Nandito na kami sa field kung ano ang sinabi ng walang hiyang nagsasalita sa speaker. Bwisit!

Tinignan ko mabuti ang field, wala pa sila dito. Kami ang naunang dumating.

"K-kuya..." Tinignan ko si Faye na mukhang pagod na pagod. Ikaw ba namang bumaba simula 2nd floor? T*ena sino hindi hihingalin at mapapagod?

"Pengeng tubig! Waaaaaah! Ubos na tubig ko!" tumitiling sabi niya sa akin. Paksh*t naman oh! Ang sakit talaga sa tenga n'yong boses ni faye. Buti na lang kakambal ko siya kundi hinulog ko na 'to eh. Biro lang.

Bago pa siya lalong magwala, binigay ko na sa kanya n'yong isa kong tubig "oh! Last na tubig mo na niyan. Ito..." pakita ko sa isa ko pang hawak na tubig na may bawas na "Akin naman 'to. Ang takaw mo talaga sa tubig!" Sabi ko sa kanya sabay gulo ng buhok niya.

"Ano na naman kaya ang lalaruin natin?" Nabigla ako kay Rey, tngina bigla-bigla na lang sumusulpot 'tong isang 'to.

"Hindi ko rin alam. Wala akong maisip kung anong lalaruin natin..." sabi ko sa kanya. Wala talagang pumapasok sa utak ko kung anong klaseng laro ang gagawin namin dito. Basta ang pakiramdam ko may mawawala ulit sa amin.

"Nandyan na sila Amchel..." narinig kong sabi ni Joaqui.

Lumingon kami sa tinitignan nila, sila Amchel nga mga tumatakbo.

Nang makarating sila sa pwesto namin. Sabay hawak sa mga tuhod nila.

"W-wala kaming nakuha..." sabi agad sa amin ni Amchel. Tinignan niya kami. "W-wala kaming nakita na kahit ano sa office ng president. Wala as in wala. Hinalughog na namin ang bawat sulok pero wala talaga kaming nakuha o nakita Fayce." hinihingal na sabi niya.

Sh*t! Ibigsabihin...

"Walang kinalaman ang school sa nangyayari ngayon. Mga nangyayari sa atin... ang malaking tanong para sa atin, ANONG NANGYAYARI?" Nakayukong sabi ni Gino sa amin.

Sh*t! Sh*t! Sh*t! Hindi namang pwedeng napagkasiyahan lang kami at itong school ang ginawa nilang venue sa laro nila... B-baka nga! Sh*t, Fayce ang talino mo talaga!

"Wag mong sabihing kasiyahan o napaglaruan lang tayo ng may pakana nito?" Mahinang sabi ng kakambal ko. T*ngina! Kambal nga kami!

"Exactly. N'yon din ang hula ko." Sabi ko sa kanila.

Lahat sila mga nakatingin sa akin ng sabihin ko n'yon. "Ang tanong na lang na gumugulo sa akin, bakit tayo ang napili at para saan ang larong 'to?" Ito talaga ang nagpapasakit sa ulo ko. Bakit ang school namin? Bakit?

"Nandyan na sila Ivan!" masayang sabi ni Faye.

Nakita nga namin sila Ivan na tumatakbo habang buhat-buhat ni Lincoln si Ria. Ano na naman nangyari sa maarteng 'to. Tsk.

"Anong nangyari diyan?" Bungad ko sa kanila.

"Natapilok." simpleng sagot ni Ivan sa akin. Natapilok? Ang arte kasi eh.

Binaba ni Lincoln si Ria.

"Marami kaming nakuha na medical kit. Lahat ng 'yon ay kailangan natin." bilib talaga ako rito kay Ivan eh. Matalino talaga 'to perahas sila ni Debra. Ewan ko ba dito bakit matalino, eh, always namin niyan kasama sa detention room. Tsk.

"Hindi pa ba magsisimula n'yong pangatlong laro? Ang tagal ha?" mayabang na sabi ni Rey habang nag-uunat ang mga braso at pinapatunog ang kanyang mga daliri. Tsk, mayabang talaga ang isa 'to. Sino ba kasi nagsasabi na parehas kmi ni Rey? Sasapakin ko!

"STUDENTS OF ABADDON SCHOOL! OUR THIRD GAME WILL BE START, NOW! OUR VENUE WILL BE HERE, IN THE FIELD. NOW, LET'S PLAY PATINTERO WITH A TWIST."

Pusanggala! Patintero? Seriously? Champion kaya ako sa larong niyan. Tsk. Sisiw.

"THE TWIST OF OUR GAME, THERE WILL BE YOUR OPPOSITE GAMER O SO CALLED MANGTATAYA. IF THE MANGTATAYA WILL CATCH YOU, YOU BE DEAD. LITERAL."

Sa sinabi niyang n'yon, may mga nakita kaming mga nakaitim na mga tao, lahat sa kanila ay naka-itim. Hindi namin sila makilala dahil nakamaskara silang bungo. Sa awra nila mukha silang papatay.

Biglang kumapit sa akin si Faye, bakas sa mukha niya ang takot. Tinignan ko na rin ang iba, takot ang rumihistro sa mga mukha nila.

Nag-form ang limang katao. Form ng patintero. | - | - | ganyan ang form nila. Mas lalo akong kinabahan dahil may mga hawak silang kutsilyo, itak at ibang bagay na matulis.

"LET'S THE PLAY BEGIN!" Dahil sa sinabi ng kung sinoman ang nasa likod ng speaker. Naging handa ang mga taong nakaitim.


"Anong gagawin natin? Mukhang handa silang pumatay?" tanong ni Dustin sa amin.

Handa sila pumatay? Sh*t! Dapat maging handa rin kami pumatay. Buhay para sa buhay.

"Edi, patayin na rin natin sila. Simple lang. Kung gusto natin mabuhay, dapat patayin natin sila." sabi ko sa kanila. Seryoso na ako sa larong 'to, kung pumatay ang solusyon para mabuhay kami, papatay ako.

Wala akong narinig na sagot sa kanila. Kaya alam kong sumang-ayon sila sa akin.

"S-sinong mauuna sa atin?" nanginginig na sabi ni Amchel. "G-gusto ko pa mabuhay Fayce. Gusto ko pa." Bakas sa kanya na gusto niyang mabuhay. Pero, hindi ko hawak mga buhay nila! Urgh!

"Ako ang mauuna." Napatingin ako sa nagsalita. Tngina!

"Hoy kupal! Anong sinasabi mong ikaw ang mauuna? Gusto mo ng sapak Lincoln?!" Nilapitan ko siya at kwinelyuhan. "Gusto mo, ako na lang pumatay sayo? Nagpapabayani ka na naman eh!" trantado 'to! Nag-iisip na nga ako eh, para walang mamatay sa amin.

"Sa atin lahat Fayce, ako ang magaling pagdating sa patintero. Simula mga bata tayo, ako ang laging unang nakakatawid sa dulo. Kaya ako ang unang maglalaro. Tumabi ka dyan. Saka pala, may 1 hr na lang tayo para laruin niyan."

Sa sinabi niyang n'yon, tumingin ako sa tinitignan niya. Pusa naman! May timer pala, bakit hindi niya sinabi?

Wala na akong nagawa para pigilan si Lincoln. Lumakad na siya papunta sa mga taong itim. Tsk. Alam naman naming Anim, na siya ang pinakamagaling sa amin lahat. Kaya pagnilalaro namin 'to, gusto namin siya ka-team.

"Lincoln! Mag-iingat ka!" Sigaw ni Debra.

Ramdam kong kinakabahan si Debra, paano siyang hindi kakabahan, sa aming lahat sila ang pinaka-close kahit naging mag-syota si Debra at si Ivan. Tsk.

Nasa harapan na siya ng mga ito, pinaparamdaman ang mga kilos ng mga taong nakaitim. Maski kami titig na titig. Kinakabahan kung anong mangyayari.

Napatingin kami ng bumukas ang tv screen dito sa field. Nakatutok ito ngayon sa pwesto nila Lincoln, mukhang gusto niya mapanood namin ng malapitan. Tngina talaga!

Gumagalaw na si Lincoln. Gumagalaw siya ng napakabilis. Ang unang humaharang sa kanya ay hindi siya masundan. Mukha ng ninja si Lincoln sa sobrang bilis. Pusa! Mukhang may lahing ninja 'tong ugok na 'to ha.

Sa unang bantay niya nakapasok siya. Tsk. Mahihirapan na siya dahil sa patotot na nakaharang sa gitna. Corner siya.

Tumingin ako sa mga kasamahan ko "Tsk! Susunod ako kay Lincoln, Okay? Pag-once na may nakapasok na sa amin ni Lincoln, sumunod ang isa. Maliwanag?" tumango silang lahat sa akin.

Tumakbo na ako palapit kina Lincoln, nang may marinig akong tawag "Kuya! Mag-iingat ka!" kapatid ko talaga oh! Cheesy! Napailing na lang ako sa kapatid ko.

"LINCOLN!" sigaw ko sa kanya. Masyado malaki kasi ang pagitan namin.

Tumingin sa akin ang kumag "Wait lang, papasok ako. At, kung sino man ang susundan sa atin ng p*tang*na niyan, papasok ang isa at may papasok sa kanila." sabi ko sa kanila sabay turo kina Ivan na naghihintay lang ng go signal.

"OH SIGE!" sa pagsabi niya nun, doon na ako nag-ready.

"Hoy! Ptangna mo! Tingin dito! Ako naman ang papasok diyan!" sabi ko sa taong nakaitim na mukhang may mga kulto. Kutusan ko sila eh!

Kanina pa ako tumatakbo rito! Napapagod na ako! Hindi ba ako makakatakas sa tipaklong na 'to?

Alam ko na! "Hoy! Tignan mo nyon oh, kaibigan n'yon ba nyon?" turo sa kanan bahagi ko. Tngina ka gumana ka!

Tumingin sa tinuro ko si ogag, tngina, uto-uto pala ang mga 'to! Mabilis akong pumasok. Okay na putek!

"Siraulo ka!" tumingin ako kay Lincoln, nasa kabilang side siya. Anong problema nito? "Akala ko may tinuturo ka talaga. Hayop! Pati ako tumingin doon!" Ay! Ogag talaga!

"Baliw..." mahinang sabi ko sa kanya.

"Oy! Narinig ko n'yon!!" binalewala ko na lang siya. Bwisit! Tumingin ako sa tv screen, nakikita ko ang sarili namin sa screen na n'yon, napatingin ako sa timer, langya! May 45 mins na lang kami! Tinignan ko siya. Sa tingin kong n'yon, alam na niya ang gagawin namin.

Umaamba kami na papasok pero nag-iingat pa rin kami, baka madaplisan kami ng hawak niyang itak. Hayup!

Sa pang-apat na amba namin, doon nakapasok si Lincoln. Nasa last na siya after nito ligtas na siya.

Tumingin ako sa mga kasamahan namin. Nakita ko na lang si Ivan na tumatakbo.

Balak talaga namin ihuli ang mga babae, dahil balak namin pagurin ang mga ito.

"Lincoln, hintay ka lang d'y--" naputol ang sasabihin ko ng may magsalita.

"LINCOLN STEIN IS NOW SAFE. CONGRATULATIONS."

Nakita ko si Lincoln na nakahiga sa damuhan. P-paano siya nakatakas sa bantay niya? Ang dala ng bantay na nandoon ay chainsaw? Madikitan ka lang nun, paniguradong patay kana.

Tumayo siya ng dahan-dahan na may ngiti sa labi. Nakatingin lang ako sa kanya.

"HAHAHAHAHA! LANGYA! EFFECTIVE N'YONG GINAWA MO FAYCE! NAUTO KO RIN 'TO! HAHAHA!"

Pusanggala! Bakit hindi ko narinig n'yong sinabi niya roon? Si Siraulo tumatawa pa rin hanggang ngayon. Ligtas na siya.

Tumingin ulit ako kay Lincoln ng magsalita siya "Focus lang Ivan!"

Dahil doon tumingin ako kay Ivan, nahihirapan din siya makatakas.

"Teka! Hintayin mo ko Ivan!" Nakita kong tumatakbo si Rey papunta sa amin.

Nang makalapit sa amin, "Hindi mo kaya niyan, hindi ka katulad ni Lincoln na may pagka-ninja. Hindi mo ba alam snatcher si Lincoln sa recto?" Tngina nito nang-asar pa!

"Ul*l! Hindi mo lang tanggap na mas magaling akong maglaro ng patintero." sigaw niya sa amin habang nakataas ang middle finger niya.

"Hindi kasi kami tinuruan paano maging snatcher eh! HAHAHA!" Bwisit! Hindi ba nila alam na nasa bingit kami ng kamatayan.

"TUMIGIL KANA REY! BILISAN NYO NI IVAN. MAY 40 MINS NA LANG TAYO!" sigaw ko. Baka kung saan pa mapunta 'tong usapan na 'to.

Nagseryoso na ang dalawang mokong. Nanonood na lang kami ni Lincoln sa kanila. Ako naghihintay kung sino ang makakalusot sa dalawa.

Ilang beses pa sila umaamba ng makapasok ng tuluyan si Ivan. Tngina nakapasok din.

Pero, laking gulat ko ng sumigaw sina Ivan at Lincoln.

"REY!!" nakita ko na lang si Rey na nasa tabi ko at nakadapa sa damuhan at hindi gumagalaw.

- End of chapter 9 -

VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.

Thank you!!❤❤

Continue Reading

You'll Also Like

1K 109 20
What if you suddenly wake up in the future? A senior high school student, Liyen Anela Suffriano frequently experiences nightmares. She had no idea th...
82.6M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
24.8M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
15.5K 549 32
Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hi...