My Trending Affair (R-18 / PU...

By AleezaMireya

85.2K 3.1K 239

https://www.ebookware.ph/product/my-trending-affair/ "Kung desidido ka, desidido rin ako. Kung hindi pwede an... More

Author's Note
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23

Chapter 1

6.7K 201 32
By AleezaMireya


"Matilda? Ikaw na si Matilda na anak sa pagkadalaga ni Insyang?" nakamulaga sa kanya si Aling Precing, ang unumero-unong tsismosa sa baryo nila.

Iyon ang alam niya bago siya umalis, walong taon na ang nakararaan.

Hindi niya alam kung may umagaw na sa trono nito ngayon. Pero tanda pa niya noon, nakikipag-away ito kapag nahuhuli sa tsismis. At alam niyang nagdidiwang ang makating dila nito, dahil ito pa ang unang nakasalubong niya sa palengke sa unang araw ng pagbabalik niya sa probinsiyang sinilangan.

"Oho. Wala ng iba," nakangiti siya, pero mukhang hindi naman nahahalata ng kaharap na mas lamang ang pagkaka-ismid niya.

"Aba'y kaganda mo ngayon! Noong umalis ka rito'y kapapayat mo, at saka maiksi pa at parang kawad ang buhok mo. Aba'y ngayo'y kagaganda mo! Sabagay, dati ka naman nang maganda. Kamukha mo ang nanay mo, pero namana mo sa 'merkanong tatay mo ang kutis at taas mo. Payat ka nga lamang noon. Pero ngayon, naku! Ang sexy mo na at ang haba ng buhok mo, pagkakintab-kintab. Artista ka na ba?"

"Tinanggihan ko po ang mga offer. Okay na po ako sa pagmomodel. Mahirap po kasi ang artista. Ang daming tsismis lagi. Alam n'yo na," pasaring ni Matilda.

"Sabagay nga, kung artista ka ay dapat nakita na kita sa tv. Eh, anong minomodel mo? Hindi naman kita nakikita sa patalastas?"

Gustong humalakhak ni Matilda. Paniwalang-paniwala ang matanda, at hindi siya magtataka kung bukas makalawa'y kumalat iyon sa baryo nila, "Mga underwear po. Sabi n'yo nga, sexy na po ako ngayon," tatawa-tawang sabi niya. "Sige po, may bibilhin pa po kase ako."

"Anderwer? Karsunsilyo?"

"Pantry at bra," natatawang sabi pa rin niya. "Sige po, uuna na po ako. Ingat po kayo," ani Matilda, pero hindi pa siya nakakatalikod ay hinawakan siya nito sa braso.

"Ay sandali. Saan ka nakatira? Bumalik ka na kina Conching? Hindi ba't hiwalay na sila ni Armando? Naku, maigi't natauhan iyang tiyahin mo. Sabungero na, babaero pa. At noong huli, nananakit na ng asawa. Kaawa-awa ng tiyahin mo!"

Ang Tiya Conching niya ang nakataandang kapatid ng kanyang ina. Nang namatay ang kanyang nanay, dahil sa tubig sa baga noong bago siya makatapos ng high school, ang tiyahin na niya ang kumupkop sa kanya.

"At alam mo ba, noong umalis ka, nakow! Nagkaloko-loko ang pwesto nila sa palengke. Paano ba nama'y akala mo'y anak mayaman 'yang mga pinsan mo kung umasta. Hindi mautusan si Berna, si Silvia ay ganoon din. Si Richard lang ang may pag-aatikha sa negosyo nila!"

"Sige po, Aling Precing. May bibilhin pa po ako. Sa susunod na lang po ulit ako makikipagtsismisan sa inyo," aniya, ngiting aso na siya. Kung pwede nga lang isubo niya sa matanda ang dala nitong patola ay baka ginawa na niya. Hindi makaramdam na hindi siya interesado sa ikinukuwento nito.

"Ay siya, sige, Matilda, kapag may pagkakataon ka'y dumaan ka sa sari-sari store ko at ng makumusta naman kita."

Gusto niyang tumawa. Kanina pa sila magkausap, pero inuna pa nito ang pagkukuwento ng latest development sa baryo kaysa tanungin kung kumusta na ba siya. Hindi na siya sumagot, tumago lang siya at lumakad na palayo rito.

"Ay sandali pala," humabol ulit ang matanda, "dalaga ka pa ba?"

Tumango si Matilda, nagtataka siya kung saan na naman patungo ang tanong ng matabil na matanda.

"Nagkita na ba kayo ni Leandro? Doktor na ngayon iyon. Iyong sa mga bata. Bukod sa minimart, nagpatayo rin sila ng ospital! Lalo silang yumaman!"

"Mabuti po para sa kanila, kung gano'n," nakaismid na si Matilda pero mukhang wala pa ring pakialam ang matanda.

"Eh, ikaw naman ay mukhang may sinasabi na rin sa buhay. Nakita kita kaninang bumaba sa bagong kotse. Bago pa iyon kasi walang plaka, di ba?"

Lalong napaismid si Matilda. Matalas talaga ang mata ng matanda.

"Baka kayong dalawa talaga, kasi binata pa rin iyon! Naku, kung noon ay alangan kayo, ngayon ay palagay ko'y bagay na bagay na kayong dalawa ni Leandro. Palagay ko'y wala nang masasabi ang mga taong nanghuhusga sa iyo noon na pera lang ng mga Advento ang habol mo."

Kung kanina ay pag-ismid lang ang ginagawa niya, ngayon ay hindi na niya napigilan ang pagsimangot.

"Ano kaya ang gagawin ni Leandro kapag nalamang narito ka? Malamang puntahan ka na naman noon. Dati, madalas siyang tumambay sa tindahan n'yo. Kaya ka nga napagmura ng tiyahin mo kasi inuuna mo pa ang kalandian. Maghapong halos magkasama kayo lagi noong kabataan n'yo, di ba? Nagkikita pa kayo sa kubo ni Imo."

Wala pa ring patumanggang salita ng matanda, waring hindi napapansin ang pag-asim ng kanyang mukha. At kung hindi ito makuha sa simpleng tingin at pagsimangot, didiretsahin na niya ito. Sabihin mang dapat gumalang sa matatanda, pero kapag ganitong klaseng matanda naman ang kaharap mo, nawawalan ka talaga ng respeto.

"Hindi pa ho kami nagkikita. Hayaan n'yo po, Aling Precing, kapag nagkasalubong kami'y sasadyain ko kayo sa tindahan at ipapaalam ko po kaagad sa inyo ang development, para mayroon din po kayong maibalita sa iba. O, para po mas maganda, kapag nagkasalubong kami'y sasabihin ko pong sa tindahan n'yo na kami magkita, hindi na sa kubo, para mas siguradong updated kayo sa balita."

Natigagal ang matanda at wari'y napahiya, "Siya, sige, ako'y may bibilhin pa rin," anito na tumalikod bigla.

Napailing si Matilda, itinuloy ang paglalakad sa palengke. Ang lakas din naman ng loob nitong sabihin na wala ng masasabi ang nanghusga sa kanya noon, samantalang ito ang numero-unong nanghusga at nagbalita sa iba nang nangyari sa kanya at kay Leandro noon. At ito rin ang pasimuno na pera lang ang habol niya sa mga Advento.

Bumuntong-hininga na lang si Matilda. Pero bumagal ang hakbang niya ng mapatapat siya sa hilera ng mga fruit stalls.

"Maty, anong order mo? Nakapaglista ka na ba?" ani Helen, ang tauhan sa katabing fruit stall at naging matalik na kaibigan niya. Tuwing hapon ay naglilista siya ng order ng prutas at nakikisabay sila sa pagbili ng ibang fruit delears sa Divisoria, doon sila naangkat ng mga imported na prutas na siyang itinitinda niya.

Mula nang makagraduate sa high school ay siya na ang pinatao ng Tiya Conching niya sa palengke. Bilang kabayaran daw sa pag-papaaral nito sa kanya ng high school, siya na ang nagtitinda sa fruit stall ng mga ito, na para bang sagot ng mga ito ang buong gastos sa pag-aaral niya. Scholar siya ng munisipyo kaya may nakukuha siyang allowance. Pero dahil nakikitira siya, wala naman siyang magawa.

Hindi na siya pinagkolehiyo ng tiyahin. Ayon dito'y hindi kakayanin dahil nag-aaral din ang dalawang anak nito, si Berna at si Silvia. Sa tatlong anak ng tiyahin, si Kuya Richard lang ang tanging mabait sa kanya. Ang dalawa ay parang kasambahay ang trato sa kanya.

"Oo, nakapagpaktura na ako ng order. Makikisabay na lang pagbibigay at pagbabayad mo. Hindi ako makakaalis dito sa pwesto ko."

Napailing ang kaibigan niya, "Ewan ko ba d'yan sa tiyahin mo. Dati, noong siya ang nakatao d'yan, may assistant siya. Ngayon ikaw na lahat. Mula pagbubukas sa umaga, hanggang sa pagsasara sa gabi."

"Hayaan mo na. Nakikitira ako sa kanila."

"O, eh sa laki ng hirap mo sa tindahan na 'yan, pati sa bahay nila, bayad na bayad ka na sa pagkain at trabaho mo. Ilang taon mo na bang ginagawa 'yan? Mula pagkagraduate mo ng high school, hanggang ngayong nineteen ka na. Dapat nga, may sweldo ka pa d'yan, eh."

Bumuntong hininga na lang si Matilda. Wala din namang mangyayari kung magmumukmok siya. Ipinagpapasalamat na rin niya na kahit papaano, hindi siya napariwara ng mamatay ang kanyang ina. Hindi niya noon alam kung sino ang kukupkop sa kaniya, lalo na't ikinahihiya siya ng mga kapatid ng ina niya dahil anak siya sa pagkadalaga ng ina, na para bang kasalanan o ginusto niya iyon.

Naanakan daw ito ng isang bakasyunistang amerikano. Umalis ang amerikano na hindi alam na nabuntis pala ang ina niya. Wala siyang balita kung nasaan ang ama. Wala na rin siyang planong hanapin pa ito.

"Tutulungan kitang magsara mamaya," ani Helen.
Hindi na niya nagawang sumagot sa kaibigan dahil may dumating na kostumer.

*******. *

"Matilda, pauwi na ako, sabay na tayo," ani Richard, nakaporma ang pinsan. Kaninang umaga ay maaga itong umalis. Dumating daw ang kababata mula sa Maynila na matagal na hindi umuwi dahil busy sa pag-aaral. Mamamasyal daw sa ibang kaibigan nila.

"Maya-maya pa ako, Kuya. Mauna ka na," ani Matilda, inaayos niya ang pagkakapatas sa loob ng box ng mga hindi pa nabebentang prutas.

"Hindi ka pa ba magsasara? Alas-sais na."

"Alas-sais y medya ako karaniwang nagsasara, Kuya."

"Kalahating oras na lang, magsasara ka na pala, e di, magsara ka na ngayon. Ako na ang bahala sa nanay. Kaysa naman umuwi ka pang mag-isa sa atin, sumabay ka na sa amin ni Leandro."

"Tutulungan ka na naming magsara," anang lalaking nakatayo sa tabi ng pinsan.

Hindi napansin kanina ni Matilda ang lalaki gayong mas mataas ito kaysa kay Richard. Bagsak ang tuwid na buhok, singkit ang mga mata, matangos ang ilong at may manipis at makikipot na labi, mas maganda pa sa labi niya, kayumanggi ang balat.

Tall. Dark. Handsome.

Napalunok si Matilda. Ngumiti ang lalaki, wari'y nabasa sa mga mata niya ang paghanggang agad na naramdaman niya para rito.

Ibinalik niya sa ginagawa ang atensyon. Kaysa pagtuunan ng pansin ang lalaki, mas dapat niyang isipin kung paano na naman niya sasabihin sa tiyahin na hindi niya nameet ang kita niya ngayong araw.

"Sayang ang kalahating oras, Kuya, baka may bumili pa."

"Hindi ka na naman nakabenta?"

Bumuntong-hininga siya," Meron naman, kaso, matumal."

"Pabili ako ng apple at grapes, pati orange. Halagang isang libo," ani Leandro.

"Sigurado ka, tol?" hatala ang gulat sa boses ni Richard.

"Oo," sagot nito sa pinsan niya, bumaling sa kanya si Leandro, "Makikibukod-bukod na lang ng plastik. Ibibigay ko kasi sa mga boy namin sa grocery,"  nakangiting sabi nito.

At ang puso ni Matilda na kanina pa nagwawala, ay halos tumigil ang pagtibok dahil sa ngiti ng binata.


"MAGKANO ang kilo ng grapes?"

"Maty!"

Maging siya ay nagulat sa sigaw ni Helen. Lumabas ito sa stall at niyakap siya. "Bruha ka! Wala kang pasabi! Kailan ka pa dumating?" wala itong pakialam kahit pinagtitinginan na sila ng mga tao sa paligid.

"Kaninang umaga lang," nakangiting sagot niya.

"Lilipat ka na?" halata ang excitement sa boses nito.

Tumango siya. Kasabay ng saya sa muling pagbabalik ay ang lungkot at pangamba. Kung may pagpipilian siya, hindi na siya babalik sa Real, Quezon. Pero kailangan niyang bumalik muna.

"Sa bahay na kayo maghapunan mamaya."

"Para kanino ang imbitasyon? Sa aming mag-anak lang ba, o kasama ang magaling na biyanan ko, pati mga hipag?" Si Kuya Richard ang nakatuluyan ni Helen kaya pinsan na niya ang matalik na kaibigan. At sa kabila ng pagkakalayo nila nang walong taon, nagkakausap pa rin sila. Updated ito sa mga importanteng pangyayari sa buhay niya, at updated din siya sa mga nangyayari sa probinsiya.

"Kayo lang mag-anak. Kayo lang naman ang itinuturing kong totoong kamag-anak," biro niya rito. Pero sa tagal nang pagkakaibigan nila, alam na nito na para sa lahat ang imbitasyon.

Napatawa si Helen, "Yumaman ka lang, namimili ka na ng kamag-anak, ha. Ang sama mo na. Iyan ba talaga ang nagagawa ng pera?" nakataas ang kilay nito, sinakyan ang biro niya.

"Hay, salamat! May nakapansin din na masama ang ugali ko. Akala ko, hindi pa rin ako nagbabago," nakaismid naman siya. "Pero wag kang mag-alala, kahit yumaman ako, sumama man lalo ang ugali ko, isa ka pa rin sa kamag-anak na ituturing ko."

Tumawa ang kaibigan niya at muli siyang niyapos, "Sige. Sasabihan ko si Nanay, pati sina Berna at Silvia. Yun nga lang, hindi ko alam kung sasama sila. Mamaya lang ay narito na rin si Richard. Matutuwa rin iyon kapag nalamang lilipat ka na ulit dito."

"Sige. Balitaan mo ako kung ilang kayong pupunta para maihanda ko kaagad ang lamesa. Magkita na lang tayo mamaya. Mamimili na muna ako para may stock kami sa bahay. Mahirap mamili kapag narito na si Forth. May kalikutan pa naman ang batang iyon."

"Tipikal naman iyon sa mga bata. Hindi mo pa ba siya kasabay? Gusto ko pa namang makita na ang anak mo."

"May anak ka na? Akala ko ba, dalaga ka pa?" ani Aling Precing, hindi nila namalayan na nasa likuran pala nila ang matabil na matanda.

"May anak na dalaga? Bago pa ba 'yon ngayon? Aling Precing naman, ilang nabuntis na ba sa baryo natin ang naitsismis n'yo? Marami na, di ba? Nagugulat pa kayo? Kahit nga hindi nabuntis, naibabalita ninyo," ani Helen.

"Katulad ko. Hindi po ba't noon ay naipamalita n'yo na nabuntis ako ni Leandro?"

"Hindi ka ba nabuntis noon ni Leandro? Hindi ba't....."

"Bakit po tinatanong ninyo iyan? Hindi kayo sigurado?" putol ni Matilda sa sasabihin pa ng matanda. "Dapat alam n'yo po iyan. Tutal mas marami po kayong alam, kaysa sa mismong taong involve sa kwento," hindi nakapagpigil na kumento ni Matilda.

Hindi nakaimik ang matanda.

"At wala po akong nakikita masama, kahit maging dalagang ina si Matilda," ani Helen. "Mayaman na siya. Kaya niyang buhayin ang anak n'ya na hindi sa inyo umaasa. Ako po na pinsan niya, hindi apektado. Bakit kayo, apektado po ba?"

Hindi napigilan ni Matilda ang pagtawa, "Helen, may nalimutan ka."
"Ano?" nakakunot-noong lingon sa kanya ng kaibigan.

"Maganda. Modelo ako, di ba? Hindi lang ako basta mayamang dalagang ina. Maganda, mayamang dalagang ina," aniya, nag-apir pa sila at sabay tumawa.

"Hoy, babae, hindi ka lang basta mayaman! Nabili mo ang palasyo ng mga Acuzar! Milyonarya ka, bruha!" ani Helen na sinundan nang malakas na pagtawa.

Si Aling Precing naman ay halos lumuwa ang mata. Sa isip nito'y naglalaro ang mga tanong. Unang-una ang pinanggalingan ng pera ni Matilda. Pangalawa ay kung ilang taon ang anak ng dalaga, at bakit wala pa itong asawa. Sino kaya ang ama ng bata? Kailangan niyang makita ang bata para malaman niya kung sino ang kamukha. At ano kaya ang gagawin ni Leandro kapag nalamang umuwi na si Matilda? Kailangang lakasan niya ang adar, para masiguradong siya pa rin ang mauuna sa balita.

Continue Reading

You'll Also Like

331K 1.5K 5
"If being with him is a sin, then convict me now."
914K 31.2K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
1.5K 86 18
Loyal Legacy 1: Hillux Faustee A man who only wanted his wife to love him but his wife loves someone else. How would he manage to capture her heart?
349K 5.4K 23
Dice and Madisson